4
Ano ang importansya ng NGIPIN? >Sa pagsasalita- pagbigkas nang maliwanag ng mga nais sabihin >Sa pagkain- pagnguya at pagkagat >Sa itsura- pagngiti, pagbibigay-hugis sa mukha Ano ang ‘milk teeth?’ -ngipin ng bata na karaniwang natatanggal sa edad ng 5-10 Ang mga ngipin ng mga bata, mahalaga rin! >Sa nutrisyon- pagkain ng balanseng dyeta >Sa pagdebelop ng muscles sa panga at mukha- Naeehersisyo ang mga ito kapag ngumunguya at nadedebelop >Sa pagdebelop ng permanenteng ngipin- Nagsisilbing ‘guide’ sa paglitaw at pagtubo ng permanenteng Ano ang oral care? -ang lahat ng paraan upang mapanatiling malusog ang mga ngipin at ang buong bibig Bakit ito importante? -upang magampanan ng mga ngipin at bibig ang mga gamit nila

Proper Oral Care Hand Out

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Given as a handout to a Filipino family during community duty.

Citation preview

Page 1: Proper Oral Care Hand Out

Ano ang importansya ng NGIPIN?>Sa pagsasalita- pagbigkas nang maliwanag ng mga nais sabihin>Sa pagkain- pagnguya at pagkagat>Sa itsura- pagngiti, pagbibigay-hugis sa mukha

Ano ang ‘milk teeth?’-ngipin ng bata na

karaniwang natatanggal sa edad ng 5-10

-kinakakailangan dinna mapanatiling malinis, matibay,at malusog

Ang mga ngipin ng mga bata, mahalaga rin!

>Sa nutrisyon-pagkain ng balanseng dyeta

>Sa pagdebelop ng muscles sa

panga at mukha- Naeehersisyo ang mga ito kapag ngumunguya

at nadedebelop

>Sa pagdebelop ng permanenteng ngipin- Nagsisilbing ‘guide’ sa paglitaw at pagtubo ng permanenteng ngipin

Ano ang oral care?-ang lahat ng paraan upang mapanatiling malusog ang mga ngipin at

ang buong bibig

Bakit ito importante?

-upang magampanan ng

mga ngipin at bibig ang mga

gamit nila

Page 2: Proper Oral Care Hand Out

PROPER ORAL CARE

Ang tatlong check:

Magsipilyo ng 2-3 na beses sa isang araw. Gawin ang bawat pagsipilyo nang hindi bababa sa 2 minuto.

Magtatag ng malusog na pagkain

ng mga gawi.

Bisitahin ang dentista kada-anim na buwan.

Kainin:

bunga

gulay

gatas o Calcium-rich foods

karne/manok/isdaIwasan:

X matatamis

X carbonated drinks gaya ng softdrinks

Kapag hindi nagagawa nang maayos ang oral care, maaaring makaranas o magkaroon ng sumusunod: >pangingirot ng ngipin >bad breath >sakit sa gilagid >sirang ngipin >impeksyon >pagkabungi >pagkahiya dahil sa itsura

o lagay ng ngipin

Page 3: Proper Oral Care Hand Out

Magsipilyo tayo!

Dahan-dahang sipilyuhin ang panlabas na bahagi ng 2-3 ngipin gamit ang pataas at pababa na galaw habang pahalang ang sipilyo.

Ulitin ito sa katabing 2-3 ngipin hanggang matapos sa lahat.

Paglagay ng toothpaste:

Hindi kinakailangang punuuin ang buong toothbrush ng toothpaste. Pea-size lamang ang kailangan.

Page 4: Proper Oral Care Hand Out

Kuskusin ang mga pangkagat na bahagi ng ngipin gamit ang paroo’t parito na mosyon.

Linisin ang dila mula sa likod hanggang sa harap na bahagi.

Gawin ang pataas at pababa mosyon para sa likod na bahagi ng mga ngipin. Panatilihing pahalang ang hawak sa sipilyo.

Para sa mga ngipin sa unahan, hawakan ang sipilyo nang paharap gaya ng nasa litrato at gumamit ng pataas at pababa na mosyon gamit.