Upload
katya-flores
View
406
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Kabataan
Si Emilio Aguinaldo y Famy ay isang Pilipinong heneral, pulitiko, at lider ng rebolusyon laban sa Espanya at Estados Unidos. Ipinanganak siya sa Cavite el Viejo, Cavite noong Marso 22, 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Valero (1820-1916) Si Don Carlos ay isang gobernadorcillo at dahil may lahi siyang Tsino, Tagalog at Mestizo, nagkaroon sila ng yaman at kapangyarihan. Bilang bata, nakatanggap siya ng edukasyon mula sa isa niyang lola at maya-mayang nag-aral ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong 1880. Pagkatapos, nag-aral naman siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran, ngunit, tumigil siya noong nasa ikatlong taon na siya para tulungan ang kanyang nabiyudang ina na patakbuhin ang kanilang bukid. Sa edad na 28, si Miong ay naging cabeza de barangay sa Binakayan, ang pinakaprogresibong barrio sa Cavite el Viejo. Hinawakan ang posisyon na ito ng 8 taon. Noong 1893, ipinasa ang Maura Law na ibinago ang sistema ng lokal na gobyerno, binago nito ang tawag na gobernadorcillo sa capitan municipal. Kaya noong 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite del Viejo na tinawag na capitan municipal.
Rebolusyong Pilipino
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang
kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya angnom de guerre na Magdalo, para kay Maria Magdalena. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na siBaldomero Aguinaldo ay tinawag ding Magdalo.
Nagsimula ang Rebolusyon sa San Juan del Monte (siyang lungsod ng San Juan, Metro Manila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.
Biak-na-Bato
Habang tumitindi ang tensyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kanyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikano) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.
Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.
Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kanyang posisyon at linusob ang Maynila.
Deklarasyon ng Kalayaan, Diktadura, at Gobyernong Rebolusyonaryo
Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898.
Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang lider ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.
Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binasa ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumasa.
Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kanyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bilang pangulo.
Pangulo
Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa Konstitusyon ng Malolos noong Enero 23--112.198.64.93 11:57, 27 Pebrero 2012 (UTC)Nakapahilis na panitik--112.198.64.93 11:57, 27 Pebrero 2012 (UTC)Talaksan:Halimbawa.jpg, 1899
sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang nahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela ng mga Amerikano noong Marso 1, 1901.
Polisyang Panloob
Piskalya
Nagpagpatuloy ang mga sesyon ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang pambansang pautang.
Edukasyon
Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya. Ito ay ginawang sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili ang direktor nito ng Direktor ng Pampublikong Instruksyon. Nagbigay ng kurso na agrikultura, pagtilingin, at komersya, pati rin ang kursong A.B. ang unibersidad.
Isang dekrito ang nagbigay oras para buksan ang Universidad Literaria. Ang unibersidad naman na ito ay nagbigay ng kursong medisina, siruhiya, dispensaryo, at notaryo publiko. Ang pangulo ang pipili ng propesor na siyang pipili ng rektor. Ang unang rektor ay si Joaquín Gonzales. Sinundan siya ni León María Guererro.
Lokal na gobyerno
Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at naglabas ng dalawang dekrito, isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siya na maging diktador, gusto niya na kasama ang mga pinakanararapat na maging opisyal na sila rin ay may tiwala galing sa kanilang kababayan.
Sa mga dekritong ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Konseho Popular na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Kinukumpirma ng gobyerno ang mga opisyal na ito.
Ang mga opisyal na inihalal ng Presidente at nakumpirma sa parehong paraan ay: isang Gobernador at tatlong konsehal kasama ang residente ng munisipyo ng probinsiya at ang Provincial Council. Gayundin, ang mga kumander probinsiya militar ay ibinigay para sa bawat isa sa singil ng mga sundalo ng mga Manggagawa para sa pambansang hukbo.
Pagbabago sa Konstitusyon
Dahil na rin sa abala, dahil sa ikalimang artikulo ng Konstitusyon ng Malolos na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at Estado, si Punong Ministro Apolinario Mabini ay nagbigay ng suspensyon ng artikulo hanggang magkaroon muli ng Kumbensyong Konstitusyonal. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng suporta. Ito ay pinagtibay noong ika-23 ng Disyembre at naging ika-100 na artikulo na transisyunal ng Konstitusyon.
Pederasyong Bisaya
Para mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang presidente ng Pederasyong Bisaya si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at pagkilala kay Aguinaldo bilang pangulo.
Polisiyang Panlabas
Mga Nakakulong na Espanyol
Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Espanyol na nakakulong sa pamamagitan ng executive clemency pagkatapos itatag ang Republika. Pinayagan din niya sila na magtrabaho sa Pilipinas.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Noong Pebrero 4, 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos.
Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong Hunyo 2, 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.
Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar.
Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.
Manuel L. Quezon
Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935–Agosto
1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod
ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa
mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang
internasyunal).
Manuel L. Quezon
Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag
na ngayongAurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay
Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina,
kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de
Letran noong 1893. Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa
mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista
sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio
Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang
gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya
para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng
Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos
bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang
Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados
Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino.
Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng
Pilipinas. Noong1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng
pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban
kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong
1941.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan
nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang
pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.
Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin
County, New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66. Unang inilibing ang
kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay
inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod
Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang
lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'
Jose P. Laurel
Jose Paciano Laurel
Ika-3 Pangulo ng PilipinasUnang Pangulo ng Ikalawang Republika
PanunungkulanOktubre 14, 1943 – Agosto 17, 1945
Pangulo Manuel L. Quezon (1941-1944)Sergio Osmeña (1944-1946)
Sinundan si Sergio Osmeña
Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas
PanunungkulanPebrero 29, 1936 – Pebrero 5, 1942
Sinundan si George A. Malcolm
Sinundan ni Wala[1]
Kapanganakan Marso 9, 1891Tanauan, Batangas
Kamatayan Nobyembre 6, 1959Maynila
Partidong politikal Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI)[2]
Asawa Pacencia Hidalgo
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Lagda
Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891-Nobyembre 6, 1959) ay ang
ikatlongPangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto
17, 1945) sa ilalim ng mgaHapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina
Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya
ng abogasya sa U.P. noong 1915.
Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob.
Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935.
Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng
Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang
magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya
ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon.
Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya
ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si
Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Sergio Osmeña
Ika-4 na Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangulo ng Komenwelt
PanunungkulanAgosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946
Sinundan si Jose P. Laurel
Sinundan ni Manuel Roxas
Ika-2 Pangalawang Pangulo ng PilipinasUnang Pangalawang Pangulo ng Komenwelt
Panunungkulan
Nobyembre 15, 1935 – Agosto 1, 1944
Pangulo Manuel L. Quezon
Kapanganakan Setyembre 9, 1878Lungsod ng Cebu, Cebu
Kamatayan Oktubre 19, 1961 (edad 83)Lungsod Quezon
Partidong politikal Nacionalista Party
Asawa Esperanza Limjap
Hanapbuhay Manananggol
Relihiyon Romano Katoliko
Lagda
Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na
kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ay ang ikaapat
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1,1944 – Mayo 28, 1946). Siya
ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio
Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor
Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay
nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at
nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si
Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio
Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at
patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto.
Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang
kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang
kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang
gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon,
naging gobernador siya ng lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang
Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng
ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong
hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya
mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore"
noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas),
isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan
ngPilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng
Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L.
Quezon saEstados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis
noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating
pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling
ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas
ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga
gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa
Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong
Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si
heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad
sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang
opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa
Pilipinasnoong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino,
Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga
Hapones. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng
halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan
ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel
Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si
Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961.
Manuel Roxas
Ika-5 Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangulo ng KomonweltUnang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanMayo 28, 1946 (bilang Pangulo ng Komonwelt); Hulyo 4, 1946, (bilang Pangulo ng Ikatlong Republika) – Abril 15, 1948
Pangalawang Pangulo
Elpidio Quirino
Sinundan si Sergio Osmena
Sinundan ni Elpidio Quirino
Kapanganakan Enero 1, 1892Capiz (ngayon ay Lungsod Roxas), Capiz
Kamatayan Abril 15, 1948Clark Air Base, Angeles,Pampanga
Partidong politikal Nacionalista (1919–1945)Liberal Party (1945–1948)
Asawa Trinidad de Leon
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko
sa Pilipinas. Siya ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Mayo
28, 1946–Abril 15, 1948).
Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya
nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina
Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912
at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal
panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang
Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of
Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos
maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National
Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni
Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng
mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.
Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya.
Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang
pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala
siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio
Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at
ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa
suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril
23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang
mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si
Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa
dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa
kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.
Elpidio Quirino
Ika-6 na Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanAbril 18, 1948 (halal Disyembre 30, 1949) – Disyembre 30, 1953
Pangulo Manuel Roxas
Pangalawang Pangulo Fernando Lopez (1949-1953)
Sinundan si Manuel Roxas
Sinundan ni Ramon Magsaysay
Ika-3 Pangalawang Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangalawang Pangulo ng KomenweltUnang Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanMayo 28, 1946 – Abril 17, 1948
Sinundan si Sergio Osmeña [1]
Sinundan ni Fernando Lopez [2]
Kalihim ng Ugnayang Labas
PanunungkulanSetyembre 16, 1946 – Abril 17, 1948
Sinundan si Naibalik[3]
Sinundan ni Joaquin Miguel Elizalde
Kapanganakan Nobyembre 16, 1890Vigan, Ilocos Sur
Kamatayan Pebrero 29, 1956Lungsod ng Quezon
Partidong politikal Liberal
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948-Disyembre 30, 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention".
Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Siya ang unang Ilokanong pangulo.
Ramon Magsaysay
Ika-7 Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanDisyembre 30, 1953 – Marso 17, 1957
Pangalawang Pangulo
Carlos P. García
Sinundan si Elpidio Quirino
Sinundan ni Carlos P. García
Kapanganakan Agosto 31, 1907Iba, Zambales
Kamatayan Marso 17, 1957Bundok. Manunggal,Balamban, Cebu
Partidong politikal Partidong Nasyonalista
Asawa Luz Banzon
Hanapbuhay Inhinyero
Relihiyon Katoliko
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (Agosto
31, 1907 –Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng
Pilipinas (Disyembre 30,1953-Marso 17, 1957).
Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina
Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas
at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma.
Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa
Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales
noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang
binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na
lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.
Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng
republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng
komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng
komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na
"Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng
pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya
dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa
Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.
Carlos P. Garcia
Ika-8 Pangulo ng PilipinasIka-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanMarso 23, 1957 (halal Disyembre 30,1957) – Disyembre 30, 1961
Pangulo Ramon Magsaysay
Pangalawang Pangulo Diosdado Macapagal
Sinundan si Ramon Magsaysay
Sinundan ni Diosdado Macapagal
Ika-5 Pangalawang Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanDisyembre 30, 1953 – Marso 18, 1957
Sinundan si Fernando Lopez
Sinundan ni Wala[1]
Kapanganakan Nobyembre 4, 1896Talibon, Bohol
Kamatayan Hunyo 14, 1971Talibon, Bohol
Partidong politikal Nacionalista Party
Asawa Leonila Dimataga
Hanapbuhay Abogado
Relihiyon Katoliko
Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinongmakata at pulitiko at ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Marso 23,1957–Disyembre 30, 1961). Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.
[baguhin]Talambuhay
Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano saBohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at
namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14,1971 sa edad na 75.
Diosdado Macapagal
Ika-9 na Pangulo ng PilipinasIkalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanDisyembre 30, 1961 – Disymbre 30, 1965
Pangulo Carlos P. Garcia
Pangalawang Pangulo Emmanuel Pelaez
Sinundan si Carlos P. Garcia
Sinundan ni Ferdinand Marcos
Ika-6 na Pangalawang Pangulo ng PilipinasIka-apat na Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
PanunungkulanDisyembre 30, 1957 – Disyembre 30, 1961
Sinundan si Wala[1]
Sinundan ni Emmanuel Pelaez
Kapanganakan Setyembre 28, 1910Lubao, Pampanga
Kamatayan Abril 21, 1997Lungsod ng Makati
Partidong politikal Partidong Liberal
Asawa (1) Purita dela Rosa†(2) Evangelina Macaraeg
Hanapbuhay Manananggol
Relihiyon Katoliko
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam napangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965) at ay ang ikasiyam naPangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961-Disyembre 30, 1965).Ama siya niGloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin.
Talambuhay
Isinilang siya noong Setyembre 28, 1910 sa San Nicolas, Lubao, Pampanga. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang manunulat ng mga salitang Kapampangan at ang kanyang ina ay isang guro na nagturo ng katesismo. Nakapagtapos siya ng elementarya saLubao Elementary School bilang valedictorian at bilang sekundarya sa Pampanga High School bilang salutatorian.
Sariling buhay
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang dating Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal Jr..
Edukasyon
Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.
Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng Maphilindo sa Kasunduang Maynila.
Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.
Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.
Kamatayan
Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) saLungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Ferdinand Marcos
Ika-10 Pangulo ng PilipinasIka-anim na Pangulo ng Ikatlong RepublikaUnang Pangulo ng Ika-apat na Republika
PanunungkulanDisyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986
Punong Ministro Cesar Virata (1981-1986)
Pangalawang Pangulo
Fernando Lopez (1965-1973)Arturo Tolentino (1986)
Sinundan si Diosdado Macapagal
Sinundan ni Corazon C. Aquino
Punong Ministro ng Pilipinas
PanunungkulanHunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1981
Sinundan ni Cesar Virata
Assemblyman
PanunungkulanHunyo 12, 1978 – Hunyo 30, 1981
Kapanganakan Setyembre 11, 1917Sarrat, Ilocos Norte,Pilipinas
Kamatayan Setyembre 28, 1989 (edad 72)Honolulu, Hawaii,Estados Unidos
Partidong politikal Partido Liberal (1946-1965)Partido Nacionalista(1965-1978)Kilusang Bagong Lipunan (1978-1986)
Asawa Imelda Romualdez
Mga anak Imee MarcosFerdinand Marcos, Jr.Irene Marcos
Hanapbuhay Tagapagtanggol
Relihiyon [Philippine Independent Church
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre
28, 1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre
30, 1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng
mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959at kasapi ng Senado ng
Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging
Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo
ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng
diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa.
Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na
katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak
ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.
Pagkabata
Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
Ang kanyang mga magulang ay sina Don Mariano Marcos at Josefa Edralin,
kapwa mga guro. Siya ay lumaki sa bayan ng Batac at doon nakapagtapos ng
kanyang pag-aaral mulaelementarya hanggang sa mataas na paaralan ng may
karangalan.
Siya ay kumuha ng kursong abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong 1938,
si Marcos ay kinasuhan at nahatulan sa salang pagpatay kay Julio Nalundasan,
mahigpit na kalaban sa pulitika ng kanyang ama. Habang nasa kulungan, nag-
aral at nakapasa ng may pinakamataas na marka sa eksamen sa bar noong
1938. Inapela ni Marcos ang hatol ngHukuman ng Unang Dulugan (Court of First
Instance) sa Kataas-taasang Hukuman (Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas).
Hinangaan ng Kataas-taasang Hukuman ang kanyang katalinuhan at binaligtad
nito ang hatol ng mababang hukuman sa Laoag.
Talambuhay
Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging
pangulo ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang
ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit
dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng
Pilipinas.
Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang
kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin.
Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang
kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya
Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.
Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi
siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa
magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang
pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas
Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon
siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939.
Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang
Graduation Thesis.
Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng
Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate
at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing,
at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril.
Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and
Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang
opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.
Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang
ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio
Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang
napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa
kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.
Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging
ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na
payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa
kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya
at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga
kapwa abogado.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa
hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at
nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta
Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay.
Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan.
Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang
unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa
kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin.
Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging
assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel
Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni
Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay
ang pag- iibigan nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo
1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa
kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.
Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong
pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman
noong 1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at
pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado
Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang
slogan, “Magiging Dakilang muli ang bansang ito!”
Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa
mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking
suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa,
mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng
maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle
rice.
Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa
modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at
School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban
sa mga NPA.
Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos
bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong
ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng
malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at
kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom.
Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya
at eskandalo.
Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng
mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay
naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.
Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang
Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.
Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami
na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda,
pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang
puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay
ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.
Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa
isang referendum noong Enero 19, 1973.
Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan
sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga
lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan.
Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga
mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang
Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa
nararamdamang kahirapan ng bayan ay hindi na dapat namumuhay ang Unang
Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa.
Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong
Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao.
Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga
dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga
impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San
Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa
ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang
pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.
Gayunman ay hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga
opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil
umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang
pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga
istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay
pawing mga papuri sa gobyerno.
Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa
pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.
Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng
kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya
kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang
Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang
halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating
Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.
Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory
naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience.
Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile.
Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa
EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang
makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.
Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng
mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari
na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.
Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii.
Bilang isang sundalo
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos
sa Dulong Silangan sa Puwersang Hukbong Katihan ng Estados Unidos (United
States Army Forces in the Far East) bilang combat intelligence officer ng Ika-21
Dibisyon ng Hukbong Lakad. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban
sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan. Siya ay
kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip,
kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Nakatakas si
Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya
ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at
ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa
Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino
at Amerikano lumaban sa Hapon.
Bilang isang pulitiko
Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni
Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant.
Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte
sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng
Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya
pagkatapos ng isang madaliang panliligaw.
Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking
boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at
makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado.
Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya
ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964,
ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng
partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido
Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at
si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-
pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang
"landslide victory".
Unang Termino (1965-1969)
Disyembre 30, 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10
na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang Unang Pamilya
Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si
Bongbong.
Noong Enero 30, 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na
Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa kanyang unang
pasinaya, ipinahayag ng Pangulo ang kasadlak-sadlak na kalagayan ng
Pilipinas:
…The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. We have
come upon a phase of our history when ideals are only a veneer for greed and
power, (in public and private affairs) when devotion to duty and dedication to a
public trust are to be weighted at all times against private advantages and
personal gain, and when loyalties can be traded. …Our government is in the iron
grip of venality, its treasury is barren, its resources are wasted, its civil service is
slothful and indifferent, its armed forces demoralized and its councils sterile., We
are in crisis. You know that the government treasury is empty. Only by severe
self-denial will there be hope for recovery within the next year.
At kanyang ipinangako:
This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of
faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith
into deeds.
Noong Enero 24, 1966, sa kanyang kauna-unahang Talumpati sa Kalagayan ng
Bansa sa Kongreso, tinanggap ng Pangulong Marcos na ang bansa'y nasa
tuktok ng isang panlipunang bulkan na malapit ng pumutok, na ang mga
guguling-gobyerno'y labis na nakahihigit sa kinikita nito, na ang Philippine
National Bank ay malapit nang bumagsak at laganap ang krimen sa bansa.
Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:
1. . Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto
ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.
2. . Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;
3. . Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng
pag-iiba-iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;
Mga Suliranin
Tangi sa palaki na palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang
pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin.
Nangunguna sa mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at
kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod:
1. Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at
pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatag na krimen;
2. Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong
nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa
paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at
3. Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng
mga pulitiko.
Ang mga kalagayang tulad nito'y nagdulot ng pagkaligalig at di-kasiyahan sa
mga kabataan at mga mag-aaral sa mga institusyon ng karunungang may
kaalaman at bihasa sa mga bagay na pampulitika. Nagtatag ang mga ito ng mga
samahang demokratikong tagapamagitan sa mga publiko at pribadong paaralan;
pati kolehiyong katoliko, upang mag-udyok ng pagkakaroon ng tiyak na reporma
sa kabuuan ng tunay na kayariang demokratiko. Kasama rito ang
kabataangdenteesi galamay ng lihim na Partido Komunista ng Pilipinas
(Communist Party of the Philippines), na lalong kilala sa tawag na "Kabataang
Makabayan" na gumagamit ng karahasan upang makapagtamo ng mga
reporma.
[baguhin]Digmaang Biyetnam
Noong Oktubre, 1965 sinabi nila kay pangulong Marcos na mahigit sa 10,450
mga sundalong Pilipino na dinala sa Timog Biyetnam at lumaban agad sa mga
Hilagang Biyetnames at mga Viet Cong sa panahon ng Digmaang Biyetnam.
Demonstrasyon ng mga Estudyante
Ang unang demonstrasyon ng mga estudyante'y napukaw ng isang pangpurok
na pagpupulong (summit conference) na idinaos
sa Maynilanoong Oktubre, 1966, ng mga pinuno ng Estados
Unidos, Australya, Thailand, Timog Vietnam,Timog Korea, Nueva Selanda,
at Pilipinas. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang yumari ng isang
nagkakaisang paninindigan sa digmaan sa Timog Silangang Asya at upang
pagtibayin ang pakikipagtulungan ukol sa pangkabuhayan , panlipunan, at
kultura sa pagitan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko.
Nang hapon ng Oktubre 24, 1966, ang Kabataang Makabayan na sinasamahan
ng ibang pangkat estudyante ay nagtanghal ng isang pagtutol na demonstrasyon
sa harapan ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson. Nagkaroon
ng sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis malapit sa
embahada ng Estados Unidos. Dinakip ang 41 demonstrador at pinaratangan ng
panliligalig at pananalakay.
[baguhin]Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino
Kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat
na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
1. . Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na
industriya;
2. . Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
3. . Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan
nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
4. . Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng
mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road
mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
5. . Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o
irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng
patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565
hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan;
6. . Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng
'mapaghimalang palay' o "miracle rice';
7. . Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
8. . Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang
sukatan;at
9. . Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling
atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang GinangImelda Marcos.
Ikalawang Termino
Disyembre 30, 1969 - Pasinaya sa Pangalawang termino ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos.
[baguhin]Halalan ng 1969
Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang
pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante sa halalan
ng1969.
Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na
kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong
reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga
Liberal, si Sergio Osmeña, Jr. sa napakalaking kalamangan.
Radikalisasyon ng mga Estudyante
Sa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay
nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga
malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo.
Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas
ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa
mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-
pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan.
Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka
na nangangailangan ng pagsang-ayon ng pamahalaan. Ang mga lider
estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili.
Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga
mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the
streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan
at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at
mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na
pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito
ang kanilang naging sigaw na panlaban.
Noong Enero 26, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon
sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na
pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking
demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong
paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay
nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng
isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971.
Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso
upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang
Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng
Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan,
nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay
naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may
ilang nangapinsala ring alagad ng batas Marcos.
Sigaw ng Unang Sikapat
Ang demonstrasyon ng mga estudyante noong Enero 30, 1971 ay lalong higit na
madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na
kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigaw ng Unang Sikapat. Marahil
napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan
ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang
kanilang pagkapoot sa Malakanyang.
Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga
estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay
pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng
"pillboxes" at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May
ilang nakaagaw ng isang trak na pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang
trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito.
Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga
nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang
bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang
Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng
pamahalaan.
Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga
estudyante'y naghiwa-hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto.
Nang sumunod na araw, napalathala sa mga pahayagan na apat na
demonstrador ang nakitlan ng buhay at marami pang nasugatan.
Ipinahayag ng Panguilong Marcos sa pamamagitan ng radyo at telebisyon na
ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang binalak na pagsalakay sa
pamahalaan, isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang
pamahalaan. Ngunit tiniyak niya sa mga tao na ang kaguluha'y nasugpo na.
Pag-aaklas ng mga Tsuper ng Jeep
Noong Marso 3, 1970 nagdaos ng isang pag-aaklas ang mga nagmamaneho ng
pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang
tuligsain ang panghuhuthot ng mga pulisya at upang hilingin na pagtibayin ng
lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep.
Matagumpay ang kanilang pag-aaklas; nangako ang pamunuan ng pulisya na
parurusahan ang mga tiwaling alagad ng batas; at sinang-ayunan ng Lupon ng
Palingkurang-Bayan ang kanilang petisyon sa pagtataas ng pamasahe sa jeep.
Noong Marso 23, at Marso 24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay
nagdaos ng isang panlabang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng
bayad sa jeep at bus. Binato nila ang mga sasakyang pampubliko at lumikha ng
malalaking siga sa daan.
Ang Pamilya Marcos at ang Kabanalan Papa Paulo VI sa pagdalaw ng huli sa
Pilipinas noong 1970.
Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda
Ang Liwasang Miranda o Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay siyang
kinaugaliang pook ng malalaking pampulitikang pagtitipun-tipon at pagpupulong.
Doon ipinakikilala at ipinapahayag ang mga kandidatong pambansa at ng
Maynila. Doon idinaraos ang mga "miting de avance" o pangwakas na malaking
pagpupulong, bilang pinakatampok sa mga kampanyang pampulitika. May
malaking pagtatangi ang Pangulong Magsaysay sa naturang pook kahit na
kailanman at siya'y pinipilit na magpasiya ukol sa isang bagay na pampulitika,
kanyang itinatanong "Maipagtatanggol na natin ito sa Plaza Miranda?"
Sa pagsunod sa isang pampulitikang kaugalian, nagdaos ang
oposisyong Partido Liberal ng kanilang pagpapahayag na pagtitipun-tipon sa
Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto, 1971. Ito'y binalak upang ipakilala sa
bansa ang mga kandidato ng Partido Liberal para Senador at mga kandidato
para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal.
Nang mag-iika-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, habang ang walong kandidato ng
Partido Liberal sa pagkasenador, dalawampu't dalawang kandidato ng Maynila at
gayon din ang iba pang mga kilalang lider ng partido ay magkakasamang
nagkakatipon sa tanghalan, dalawang granada ang inihagis buhat sa karamihan
ng tao at magkapanunod na sumabog. Ang isa'y bumagsak sa tanghalan
kasabay ng pagsabog, at isa'y tumama sa gilid ng tanghalan at sumabog din
pagkahulog sa lupa. Libu-libong tao sa pook na iyon at higit na marami pa na
nanoood sa telebisyon ang nakasaksi sa pambobomba.
Ang pambobomba at halos lumipol sa pamunuan at mga kandidato ng
oposisyon. Nag-aagaw-buhay nang damputin sina Senador Jovito
Salonga at Sergio Osmeña, Jr. at Kinatawan John Henry Osmeña. May
malubhang tama sina Senador Gerardo Roxas at ang kanyang maybahay na si
Judy, Kinatawan Ramon Mitra, at kandidato para punong-lungsod Ramon
Bagatsing. Sina Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde at
kandidato para sa pangalawang punong-lungsod Martin Isidro at ang kanyang
maybahay ay pawang may malubhang tama rin.
Ang ibang kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador ay di-gaanong nagtamo
ng kapinsalaan
Namatay noon din ang isang potograpo na nagtratrabaho sa isang pahayagan at
maraming mga manonood ma sama-sama sa harapan ng entablado ang pawang
nangasawi.
Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana sa
kalagim-lagim na pangyayari sa Plaza Miranda ngunit makalipas ang ilang taon
lumitaw ang mga testigo na nagdidiin kay Jose Maria Sison at sa pinamumunuan
niyang kilusan, ang Partido Komunista ng Pilipinas- Bagong Hukbong Bayan,
bilang may utak sa pagpapasabog.
Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus"
Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas
ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa
pribelihiyo ng writ of habeas corpus (pangangalaga sa sinuman laban sa di-salig-
batas at pagbibinbin sa bilangguan) upang mapanatili ang kapayapaan ,
mapangalagaan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng
pamahalaan. Ginawa na minsan ng Pangulong Elpidio Quirino ang
pagsususpindi ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus noong dekada 50 upang
sugpuin ang mga Huks.
Ang pagpigil sa writ ay humantong sa pagtatamo ng mga sumusunod na layunin:
1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa
pook ng Maynila;
2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista,
misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at
mga bagong kasapi;
3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa.
Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang
nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.
Ang Malaking Baha ng 1972
Noong kalagitnaan ng 1972, malalaking baha ang nagpalubog sa halos lahat
ng Kalagtitnaang Luzon at lungsod ng Maynila. Ang pag-apaw ng tubig na
umabot ng may isang buwa'y sumira ng mga pananim at humantong sa pagtaas
ng bilihin mga panindang pagkain hindi lamang sa mga binahang pook kundi
gayun din sa buong Luzon at sa karamihan pang mga pook sa bansa.
Bigas, asukal at iba pang mga pangunahing pangangailanga'y nawala sa mga
pamilihan. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang halaga ng pagbibili ng bigas na
nakatingal sa kanilang kamalig. Ipinag-utos ding ipagbili ang mga bigas at asukal
na nakatago sa mga bodega ng mga mapagsamantalang negosyante sa isang
nakatakdang halaga sa ilalim ng babalang ang mga ito'y kukumpiskahin ng
pamahalaan.
Bunga ng kautusan ng Pangulo'y muling lumabas ang mga bigas at asukal sa
pamilihan at mga tindahan na nagpapatunay na ang kakapusan, lalo na sa
Maynila ay gawa-gawa lamang.
Setyembre 21, 1972- Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas
Militar sa isang pagbabalita sa himpapawid.
[baguhin]Batas Militar
Patuloy na Panliligalig
Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ ang
paghupa ng tubig na likha ng baha noong taong 1972, ang kapayapaan at
kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha. Dumarami ang mga nagaganap na
krimen. Isa lamang pangkaraniwang pangyayari ang mga mapangahas na
panloloob sa mga bangko kung araw kahit na katanghaliang tapat. Lumitaw ang
mga nagbibili ng proteksyon at ang pangangasiwa ng mga bisyo at halos
lantaran na. Pinasasabugan ng mga maninindak ang mga pamilihan sa
kabayanan (Greater Manila Terminal Food Market sa Taguig), mga gusali ng
bayan (Manila City Hall at Court of Industrial Relations), ang embahada ng
Estados Unidos, mga pribadong gusali (Philamlife Building sa Ermita, sangay ng
Security Bank and Trust Company sa kalye España sa Maynila, at ang Arca
Building sa lungsod ng Pasay), ang tanggapan ng JUSMAG sa lungsod Quezon,
mga gusaling naglilingkod sa pangangailangan ng madla (Meralco), ang
kapaligiran ng Kombensyon Konstitusyonal at ang pangunahing tipunan ng tubig
sa Kamaynilaan. Naghari ang isang nakasisindak na panahon sa lungsod ng
Maynila.
Nagsimula ang paghihimagsik sa maraming pook sa Kahilagaang Luzon, pook
ng Bicol at sa ilang panig ng Mindanao. Karamihan dito'y ipinapalagay na likha
ng impluwensya ng mga komunistang grupo at ng Moro National Liberation
Front, isang pangkat ng mga Muslim, na pinamumunuan ni Nur Misuari, na
naglalayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at magtatag ng nagsasariling
Republika ng Bansang Moro.
Ang Pagpapahayag ng Batas Militar
Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni
Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon
Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972. Nagpalabas din
ang Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang
layunin ng Batas Militar, ang isalba ang Republika at ireporma ang mga
institusyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng bansa.[4]
Binigyang-diin ng Pangulo na ang proklamasyon ng Batas Militar ay hindi
nangangahulugan ng pagkakaroon ng pamahalaang militar. Magpapatuloy ang
pamahalaang sibil. Ang mga opisyales at mga kawaning pambansa at
pamahalaang lokal ay magsasagawa ng kanilang tungkulin tulad nang dati.
Ayon sa Pangulo, walang dapat ipangamba ang mga taong walang kinalaman sa
pagsasabwatan upang ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng marahas
na pamamaraan.
Sa isang pahayag sa radyo't telebisyon, winika ng Pangulo:
Buhat nang ipahayag ng Kataas-taasang Hukuman ang kapasyahang ito
(Lansang vs. Garcia, 42 SCRA 449) lalong lumala ang panganib at lalong
lumubha o lumaki ang rebelyon. Napatigil ang gawaing pambansa. Ang mga
pangunahing pook na pangkabuhayan ay hindi makakilos. Hindi makapaglapat
ng katarungan ang mga hukuman... lumalaganap at palaki nang palaki ang mga
paglabas sa batas at pag-iral ng krimen... na di-maabot ng kakayahan ng
pulisyang pambayan at mga maykapangyarihang sibilyan
Patuloy ang paghahamok ng mga pangkat ng hukbo at ng mga kumakalaban sa
pamahalaan sa Isabela, Zambales, Tarlac, Camarines Sur, Quezon, at sa pulo
ng Mindanao, ang Timog Lanao, Hilagang Lanao, Timog Zamboanga at
Cotabato.
Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos na nagbibigay-
katwiran sa pagpapahayag ng batas militar. Sinabi ng mga ito na ang
katotohanan ay nilikha ni Marcos ang mga kaguluhan at panliligalig upang
magkaroon siya ng dahilang magpahayag ng batas militar at mapanatili ang sarili
sa kapangyarihan.
Madaliang Pagkabisa ng Batas Militar
Tinanggap, kung hindi man ay sinang-ayunan, ng taumbayan ang pagpapahayag
ng Batas Militar dahil sa panunumbalik ng lubos na kapayapaan at kaayusan sa
bansa lalung-lalo na sa Maynila. Ang panghaharang, pagnanakaw ng sasakyan,
pagkidnap, pang-aabuso, pagpupuslit ng kalakal, mga ilegal na pasugalan at iba
pang krimen laban sa tao at ari-arian ay nabawasan nang napakalaki.
Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Pangulong Marcos ang pagdakip sa
mga sumusunod na lider-pulitiko at kasapi ng mga kilusang subersibo na
nagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaan: ang mga Kinatawan na sina
Roque Ablan, Jr.(Ilocos Norte)at Rafael Aquino (Sorsogon); mga Senador na
sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra; mga Gobernador na
sina Rolando Puzon (Kalinga-Apayao) at Lino Bocalan (Cavite); dating Senador
Francisco “Soc” Rodrigo; Mga delagado sa Kombensyon Konstitusyonal na sina
Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao,
Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez;
mga mamamahayag na sina Joaquin ‘Chino” Roces, Maximo Soliven, Teodoro
Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Ang iba
pang dinakip ay sina: Hernando Abaya, Ang Nay Quang, Luis Beltaran, Jorge
Bocobo, IV, Ramon Chramico, Cipriano cid, Chua Giok Su @ Bob Chua,
Herminio Caloma, Romeo Dizon, Armando Eufemio, Rolando Fadul, Rolando
Feleo, Jose Fuentes @ Joey, Rosalinda Galang @ Roz, Go Eng Guan, Flora
Lansang, Teodosio Lansang, Guillermo Ponce de Leon, Joel Rocamora, at iba
pa.
Sa kabilang dako, ang pagtitiwalag o pagpapaalis sa mga di-karapat-dapat na
kawani ng tanggapan ng pamahalaan (sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o
ang "Integrated Reorganization Plan") ay nakapanumbalik ng pagtitiwala ng tao
sa kanilang pamahalaan. Nabawasan ng malaki ang katiwalian, kasamaan, at
karaniwang kalakaran ng pamahalaan, na nagresulta sa di-kapani-paniwalang
paglaki ng koleksyon ngKawanihan ng Adwana at Kawanihan ng Rentas
Internas.
Napawi rin ang walang kapananagutang pag-uulat ng mga balita sa pahayagan,
telebisyon, radyo at iba dahil sa pagpapasara ng Pangulo, sa bisa ng Letter of
Instruction No.1, sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radio at mga pahayagan.
Tanging ang pahayagang Daily Express at mga istasyon ng pamahalaan ang
pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon. Kalauna'y pinahintulutan
ding magbukas ang pahaygang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng Hans
Menzi, isang malapit sa Pangulo); mga istasyon ng Radio Philippine Network at
Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng kroning si Roberto
Benedicto, at ang istasyon ng Republic Broadcasting System na kilala sa tawag
na GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na
malapit sa Pangulong Marcos.
Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan - nawala
ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at
napanatiling malinis ng mga tao na rin.
Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod
ng Maynila.
Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati'y
may ligalig at karahasan.
Napanatili ang halaga ng mga pagkain. Hindi nakahadlang sa pagtitinda ang
pagtatakda ng halaga, di tulad nang pinangangambahan na mawawala ang mga
pangunahing kagamitan at mahahalagang pangangailangan sa mga pamilihan at
mga tindahan.
Halaga ng Pangunahing Bilihin Bago at Makaraang Ihayag ang Batas Militar[9]
Produkto Yunit
Halaga ng bilihinSetyembre 23, 1972
Halaga ng bilihinAgosto, 1972
Halaga ng bilihinSetyembre, 1971
Bigas Fancy (wagwag) Ganta 3.28 3.18 3.27
Special (BE-3) " 2.96 2.94 2.88
Ordinary(Tjeraemas) " 2.75 2.72 NA
Mais White flint, milled " 2.00 2.10 1.96
Isda Bangus kilo 4.55 4.90 3.83
Bisugo " 3.16 3.40 2.95
Galunggong " 1.90 1.98 1.73
Hipon Sugpo " 20.50 20.80 NA
Maliit " 9.50 9.75 5.20
Baboy karne " 7.58 7.55 7.14
Baka karne " 9.25 9.21 8.50
Buhay na Manok
Spring chicken/broiler
Piraso 5.03 5.03 4.96
Inahin " 5.05 5.07 4.94
Itlog native " 0.28 0.32 0.34
puti " 0.28 0.28 0.30
Gulay SitawKilo (kg.)
1.76 3.50 1.30
Repolyo " 4.05 2.97 1.81
Pechay " 1.57 2.49 1.10
Talong " 1.46 1.92 0.82
Kamatis " 2.88 3.03 2.92
Prutas Saging (latundan) Piraso 0.069 0.068 0.05
Saging (lakatan) " 0.092 0.09 0.06
Papaya " 2.05 1.52 1.30
Mangga " 0.75 0.77 0.82
LanzonesKilo (kg.)
3.56 4.83 2.43
1. ^ Ang isang ganta ay katumbas ng 8 gatang (chupa) o mahigit sa 2 kilo.
Pagbabago sa Pamahalaan
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula ng ipahayag ang
Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Ang Kongreso na siyang
bumabalangkas at gumagawa ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng
tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar,
nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga
Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan
(General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito
ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan.
Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na
ipinapalabas ng dating Kongreso.
Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng
ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang
nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin.
Ang Saligang Batas ng 1973
Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap
sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang
pagpapalit ng Saligang Batas (ng 1935) sa dalawang kadahilahanan:
1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa
ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay
ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang
Amerikano.
2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa
paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong Agosto
24, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan
para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971.
Halalan ng mga Delegado sa Kombensyong Konstitusyonal
Ginanap noong Nobyembre 10, 1970 ang halalan ng 320 delegado sa
Kombensyong Konstitusyonal. Ang halalang ito ang sinasabing isa sa mga
pinakamaayos sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahong iyon.
Nakakarami sa mga nahalal na delegado ang manananggol, mangangalakal,
mga tao sa industriya, at manggagamot. Mayroon ding mga guro, mga
ministro, mga puno ng paggawa, mga kilalang kababaihan at mga
mamamahayag.
Dalawang delegado, sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ang
naging Pangulo ng Pilipinas. Ang tatlo'y kasapi ng Kombensyong
Konstitusyonal noong taong 1934 - sina Salvador Araneta, Jose P. Arruego,
at Miguel Cuaderno. Higit na tatlumpu ang mga dating Senador at kinatawan
at dalawa ang dating Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Apat naman
ang mga pari at madre.
Pagkakabuo
Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Ang Kombensyong Konstitustyonal (bantog sa tawag na Con-Con) ay
nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo, 1971. Nahalal bilang Pangulo
ng Con-Con ang dating Pangulong Carlos Garcia. Ngunit siya'y yumao
pagkalipas ng tatlong araw na siya'y mahalal. Gumanap bilang pangulo ng
kombensyon ang Pangulong Pro-tempore Sotero Laurel hanggang sa
humalili ang bagong halal na Pangulong Diosdado Macapagal.
Puspusan ang ginawang pagtatrabaho ng mga delegado, habang patuloy
naman ang mga rali, welga, demonstrasyon at iba pang kaguluhan sa bansa.
Natapos ang bagong Saligang Batas pagkaraan ng isang taong
pagpupunyagi ng mga delegado. Ang balagkas ng mungkahing bagong
Saligang Batas ay pinagtibay noongNobyembre 28, 1972 at nilagdaan
noong Nobyembre 30.
Ang Saligang Batas ay buong galang na iniharap sa Pangulong Marcos
noong ika-1 ng Disyembre, 1972. Nagpalabas ang Pangulo ng isang
kautusang pampanguluhan (Presidential Decree 86) na lumilikha sa bawat
baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng
Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang
saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang
demokratiko at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang
pambansang saloobin.
Noong Enero 10, hanggang Enero 15, 1973, pinagtibay ng mga Asembleya
ang Saligang Batas sa nakakaraming halal na higit sa 14 milyon. Sa halos
gayon ding kalamangan, pinagpasyahan din nila na ang Interim National
Assembly na nakatakda sa Transitory Provisions ng Saligang Batas at di na
dapat magtipun-tipon.
Nagkasbisa ang bagong saligang Batas noong Enero 17, 1973 sa
pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ng Pangulong Marcos.
Mga Tadhana
1. . Ang bagong Saligang Batas ay nagtatakda sa pagpapalit ng sistema
ng pamahalaan mula sa presidensiyal patungo sa parlamentaryan;
2. . Ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado;[10]
3. . Isang Punong Ministrong inihalal ng Pambansang Asembleya
(National Assembly) ang gumaganap ng kapangyarihang
pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete;[11]
4. . Isang Pambansang Asembleya binubuo ng isang kapulungang
(unicameral) inihalal ng mga kinatawang distrito ang may karapatan
sa lahat ng kapangyarihang pambatasan;[12]
5. . Ang kapangyarihang panghukuman ay nasasalalay sa Kataas-
taasang Hukuman at sa mababang hukuman na nasa pagtatakda ng
batas;[13]
6. . Itinatakda ang isang Katipunan ng mga Karapatan.[14] Katulad ito
halos ng mga nakatakda sa Saligang Batas ng 1935. ang tanging
pagkakaibang tinutukoy sa bagong Saligang Batas ay ang
pananagutan at tungkulin ng mga mamamayan.
7.
Ang Bagong Lipunan
Ang Lumang Lipunan
Mga ilang buwan bago ipahayag ang Batas Militar, tinunton ng Pangulo ang
sakit ng bayan sa pagkakaroon ng isang "lipunang may karamdaman." Ang
bagay na ito'y kanyang ibinibintang sa mga pangkating makapangyarihan na
kanyang tinaguriang oligarkiya (kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay
ng iilang tao) at mga maka-Maoistang Komunistang naghahangad ba ibagsak
ang pamahalaan sa pamamagitan ng subersiyon at paggamit ng karahasan.
Sa kanyang aklat, Today's Revolution:Democracy, sinulat ng Pangulong
Marcos:
Ang ating lipuna'y patungo sa isang lipunang maka-oligarkiya. Ito'y
maliwanag na nangangahulugang ang pangkabuhayang agwat na
namamagitan sa mga mayayaman at sa mga mahihirap ay nagkakaloob ng
pagkakataon sa iilang masasalapi na gumamit ng hindi nararapat na
kapangyarihan sa mga awtoridad sa pulitika... Ang mga piling oligarkiya'y
nakapagpakilos sa mga kapangyarihang pampulitika nang ayon sa sarili
nilang kapakinabangan at nagbabala't nananakot sa mga namumuno sa
pulitika; bilang ganti, nakalikha ang mga tao ng isang populista (mga taong
nagtataguyod ng patakarang pagmamay-ari ng lahat ng ari ng pamahalaan),
personalista (mga taong nagpapahalaga sa sarili bilang tao) at indibidwalista
(mapagsarili; mga taong naniniwalang ang mga gawaing pangkabuhayan ay
di-kailangang higpitan ng pamahalaan) na uri ng pulitika.
Nakikini-kinita natin kung gayon ang isang bagong lipunang may
pagkapantay-pantay ay hindi isang huwad lamang kundi idang katotohanan.
ang isang lipunang oligarkiya'y maaring matapoat na naniniwala sa
pagkakakapantay-pantay na pagkakataon, ngunit habang mat malaking
agwat sa pangkabuhayan ang pagkakatao'y nagsisimula sa pinagmulang
guhit, kapag ang isang tao ay ipinanganak na. Ito'y nangangahulugang may
ilang ipinapanganak na mayroon ng lahat samantalang ang karamiha'y
ipinanganak na wala ni anuman.
Kapag tayo'y magpapatuloy sa ganitong saligan, lahat na'y susunod: ang
radikalisasyon ng lipunan.
Pagtatatag ng Bagong Lipunan
Upang mabago di umano'y mga di kanais-nais na naging dahilan ng mga
paghihirap, paghihikaos at kriminalidad sa bansa, isinulong ni Pangulong
Marcos ang pagtatag ng isang bagong uri ng pamumuhay na kapaki-
pakinabang hindi lamang sa mga taumbayan kundi sa bansa at sa buong
mundo. Ito ang simula ng Bagong Lipunan - isang lipunan na binubuo ng
mga bagong Pilipino. Mga Pilipinong uliran, masipag, nagbibigayan, may
disiplina sa sarili at laging nasasaisip ang paglilingkod sa kanyang kapwa.
Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan sa salitang
"PLEDGES" na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at
Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development
(Kaunlaran sa Kabuhayan);D development of moral valuesGovernment
Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga
Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong
Panlipunan).
Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang
naipangako ay hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago
at nangyari lamang sa mga unang taon ng Bagong Lipunan.
Ang Reporma sa Lupa
Noong Oktubre, 1972, isang buwan makaraan ipahayag ang Batas Militar,
nagpalabas ng Kautusang Pampanguluhan Bilang 27 (Presidential Decree
No. 27) ang Pangulong Marcos. Sa bisa ng kautusang ito, ang mga
magsasaka, sa halip na kasamá lamang sila ng may-ari ng bukid, ay
magmamay-ari na ng bahagi ng bukid. Kung wala pa silang salaping
ibabayad, tutulungan sila ng Land Bank of the Philippines. Babayaran ng
bangkong ito ang kaukulang halaga sa may-ari ng lupa. Sa bangko naman
magbabayad ang mga magsasaka.
May isa pang paraan upang mabigyan ng lupa ang mga magsasakang
walang sariling lupa. Pinapadala sila sa mga pook na maaari nilang
mabungkal at matamnan. Bawat magsasaka at ang pamilya niya ay
binibigyan doon ng anim na ektaryang lupa. Pinahihiram siya ng salapi para
sa kanyang bagong ginagawang bukid na babayaran sa loob ng tatlong taon.
Maraming magsasaka ang naipadala sa Nueva Vizcaya, Southern Leyte,
Lanao del Sur, Davao del Sur, at Sultan Kudarat.
Nagpagawa ang pamahalan ng mga patubig sa mga bagong sakahang ito
upang maparami ang ani ng mga magsasaka. Nagpagawa rin ng mga daan
upang ang mga produkto ay madala sa pamilihang bayan.
Tinuruan ang mga magsasaka ng paggamit ng mga makabagong paraan ng
pagtatanim. Tinuruan sila ng paggamit ng mga pataba at mga gamot na
pamatay sa mga mapaminsalang kulisap. Itinuro sa kanila ang mabubuting
uri ng mga kooperatiba upang makabili sila ng mga kailangan sa pagtatanim
sa mababang halaga.
Mga Pagbabagong Pangkabuhayan
Malaki ang pagsisikap na ginawa ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong
Lipunan upang linangin at paunlarin ang mga industriyang may kaugnayan sa
pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa. Ang pagpapaunlad ng mga
industriyang iyon ay binigyan ng unang pansin sa pagtataguyod at
pagtangkilik ng pamahalaan
Pagbabago sa Agrikultura
Ang pamahalaan sa ilalim ng Bagong Lipunan ay nagsikap na makapagbigay
ng sapat, mahusay at murang mga pagkain sa mga mamamayan, gumawa
ito ng mga palatuntunan sa ikatutupad nito.
Masagana 99
Ang palatuntunang tinatawag na Masagana 99 ay sinimulan noong 1977.
Nilalayon ng palatuntunang ito na maging masagana ang ani ng mga
magsasaka at makaani ng 99 na kabang palay o higit pa sa bawat ektaryang
taniman. Upang matamo ito, itinuro ang paggamit ng patubig, pataba at ng
mga gamot na pamatay sa mga kulisap na sumisira o kumakain ng palay.
Tinulungan silang humiram ng salapi sa bangko na pambili ng mabuting uri
ng binhi, ng pataba, at ng gamot laban sa sakit ng palay.
Masaganang Maisan
May palatuntunan din na ang tawag ay Masaganang Maisan. Natutungkol ito
sa pagtatanim ng puting mais, dilaw na mais, batad at balatong sa 43
lalawigan. Ang balatong at sorghum ay hindi lamang mga pagkain ng tao.
Pagkain na rin ito ng mga hayop na katulong sa hanapbuhay.
May palatuntunan din ang pamahalaan na tinawag na Gulayan sa
Kalusugan. Ang layunin nito ay maparami ang mga tanim na gulay.
Biyayang Dagat
Ang tagumpay ng Masagana 99 ang nagbigay daan sa pagluwal naman
ng Biyayang Dagat o Blue Revolution. Sa pamamagitan nito, ang mga
mangingisda ay nakauutang ng pera mapabuti ang kanilang hanapbuhay.
Ang programa ay binalangkas ng Ministri ng Likas na Kayamanan noong
1979 upang ang mga karaniwang mangingisda ay makautang ng pera sa
kanilang mga rural banks. Ang programang ito ay nilaanan agad ng Php 850
milyon ukol sa unang limang taon.
Upang mabayaran naman ng mangingisda ang kanilang inutang, ang
Pamahalaang Marcos ay nagsagawa ng hakbang upang maging higit na
malaganap ang mapagdadalhan ng huli ng mga mangingisdang ito. May mga
kooperatiba rin ang mga mangingisda at ito ay nakalagay sa lahat ng
daungan ng isda. Ang mga kooperatiba ang bumibili ng huling isda sa
makatuwirang halaga. Sa mga pook na walang kooperatiba, ang rural
bank ang nagtatalaga ng tagapakyaw.
Kasama rin sa programa ng Biyayang Dagat ang pananaliksik at pinalawak
na paglilingkod, pagbibinhi at pagpapaunlad ng palaisdaan, pagsasalata at
paglalagay ng mga tinggalan ng huling isda at pagpapalawak ng pamilihan.
[
Iba Pang Palatuntunan sa Agrikultura
Isa sa mga palatuntunan ng pamahalaan tungkol sa agrikultura at ang
pagdaragdag ng produksyon ng mga pananim na nailuluwas at naipagbibili
sa bansa. Dahil sa palatuntunang ito dumami ang naipagbibiling niyog, abaka
at asukal sa ibang bansa.
Ang isa pang produktong nagbibigay ng malaking kita sa pamahalaan ay ang
tabako. Pinarami rin ang produksyon ng mga sumusunod na pang-
komersyong produkto: ramie, goma, abaka at bulak.
Industriya ng Pagmimina
Isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng kuwartang pumapasok noon sa
bansa ang pagmimina. Sa tanso lamang na nailabas noong1974, kulang-
kulang na US$400,000,000.00 ang naipasok sa kaban ng bansa. Iyon ay
pangalawa lamang sa asukal sa talaan ng sampung pinakamalaking kalakal
na panluwas. Ang ginto ay pang-anim sa listahang yaon. Ang pagmimina
ng nikel ay mabilis ring umunlad. Ang pagkuha ng karbon at paghanap
ng langis ay lubusang binigyan ng diin ng pamahalaan sa pakikipagtulungan
sa pribadong sektor.
Mahigit sa sandaang kumpanya ang kinalaman sa industriyang ito na
pinangungunahan ng Benguet Consolidated, Baguio Gold Mining Company,
Acoje Mining Company, Marinduque Mining and Industrial Corporation, at
Surigao Consolidated Mines.
Ang mga bansang Hapon at Estados Unidos ang pangunahing umaangkat sa
mga produkto ng industriyang ito.
Ang Industriya sa Elektroniks
Unti-unti ring umunlad ang industriyang pang-elektroniks sa Pilipinas. Noong
1972 ang mga pagawaan ng elektroniks at nakagawa ng 20,073 radyo-
ponograpo na nagkakahalaga ng Php 30,000,000.00 at 58,212 telebisyo na
nagkakahalaga ng Php 70 milyon para sa panlokal at panlabas na bilihan.
Ang Cottage Industry
Ang mga bagay na yari sa kamay ay siyang bumubuo ng malaking bahagi ng
mga produkto ng Cottage Industries. Ilan sa mga ito ang sumusunod: mga
bag at maletang balat, patis, ceramics. burdadong mga damit, sumbrerong
buntal, muwebles na nara, mga kaldero, mga lamparang yari sa tela at kapis,
gitara, banig, telang hablon, at mga produktong yari sa tanso na galing-
Marawi
Mabilis na umunlad ang cottage industries na laganap sa iba't-ibang pook sa
bansa. Maraming mga bansa tulad ng Hapon, Australya, Estados
Unidos, Canada, Alemanya at Espanya ang umaangkat ng mga iyon sa
pamamagitan ng Philippine Trade Center na nakatayo sa mga pangunahing
lungsod ng mga bansang iyon.
Malakas magpasok ng dolyar sa kaban ng bansa ang industriyang ito.
Minsan ay nakapagbigay ito sa bansa ng Php 508 milyong pakinabang neto.
Hindi kataka-takang mangyari ito sapagkat ang pag-unlad ng industriyang ito
ay pinananagutan ng National Cottage Industry Development Authority o
NACIDA, isang tanggapan ng pamahalaan na naggagawad ng teknikal na
alalay sa pananalapi sa hanapbuhay na iyon. Tungkol sa salapi, tumutulong
ang Asian Development Bank (ADB), ang Social Security System at ilang
pribadong bangko.
Industriya ng Turismo
Kamatayan
Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong Setyembre 28, 1989 sa
Honolulu, Hawaii sa edad na 72.
Corazon C. Aquino
Ika-11 Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangulo ng Ika-apat na RepublikaUnang Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanPebrero 25, 1986 – Hunyo 30, 1992
Punong Ministro Salvador H. Laurel
Pangalawang Pangulo
Salvador H. Laurel
Sinundan si Ferdinand E. Marcos
Sinundan ni Fidel V. Ramos
Kapanganakan Enero 25, 1933Paniqui, Pilipinas
Kamatayan Agosto 1, 2009 (edad 76)Makati
Partidong politikal United Nationalists Democratic Organizations(UNIDO)/Lakas ng Bayan (LABAN)/Liberal
Asawa Benigno Aquino, Jr.†
Hanapbuhay Inang Bahay, Politiko
Relihiyon Katoliko
Si María Corazón Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón
Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009) na lalong mas kilala sa
palayaw na Coryay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at
kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986–Hunyo
30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa
pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya
sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya
sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay
kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon
noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa
pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA)
noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina
ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na
si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing
noong ika-5 ng Agosto.
Kalusugan
Noong Marso 24, 2008, napabalita na mayroong kanser sa kolon (cancer sa
colon), isang sakit sa bituka, ang dating pangulo, na namatay may edad na 75.
Gabinete ni Pangulong Corazon Aquino
Kalihim Pangalan
Pangulo Corazon C. Aquino
Pangalawang Pangulo/Punong Ministro/Kalihim ng Ugnayang Panlabas
Salvador H. Laurel
Kalihim ng Tagapagpaganap Joker Arroyo
Tagapagsalita ng Pangulo Rene Saguisag
Kalihim ng Pagsasaka Ramon V. Mitra
Kalihim ng Pananalapi Jaime Ongpin
Kalihim ng KalusuganDr. Alran Bengzon, MD
Kalihim ng InteryorAquilino Pimentel, Jr.
Kalihim ng KalusuganNeptali Gonzales, Jr.
Kalihim ng Impormasyon Teodoro Locsin, Jr.
Kalihim ng Paggawa at Empleyo Blas Ople
Kalihim ng Tanggulang Pambansa Juan Ponce Enrile
Kalihim ng Kalakalan at IndustriyaJose Concepcion, Jr.
Fidel V. Ramos
Ika-12 Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanHunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1998
Pangalawang Pangulo
Joseph Ejercito Estrada
Sinundan si Corazon C. Aquino
Sinundan ni Joseph Ejercito Estrada
Kapanganakan Marso 18, 1928(edad 83)Lingayen, Pangasinan,Pilipinas
Partidong politikal
Lakas-Christian Muslim Democrats
Asawa Amelita Martinez
Hanapbuhay Militar
Relihiyon United Methodist
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-
dalawang Pangulong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998).
Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa
tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950.
Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters
in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa
klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay
Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader
ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan
ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng
mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa
Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang
sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military
Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at
ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe
ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang
Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver,
pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang
sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo
ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan.
Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang
Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod
dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas
patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni
Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si
Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.
Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo,
naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na
nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya
ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang
programa para sa kaunlaran.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak
na babae.
Joseph Ejercito Estrada
Ika-13 Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanHunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001
Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo
Sinundan si Fidel V. Ramos
Sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo
Ika-11 Pangalawang Pangulo ng PilipinasIkalawang Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanHunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1998
Sinundan si Salvador H. Laurel
Sinundan ni Gloria Macapagal-Arroyo
Kapanganakan Abril 19, 1937 (edad 74)Tondo, Manila
Partidong politikal Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
Asawa Luisa Pimentel
Hanapbuhay Aktor
Relihiyon Katoliko
Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap, ay ang ikalabing-tatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001).
Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo.
Talambuhay
Si Jose Marcelo Ejercito ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Maynila. Siya ay anak ni Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.
Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City.
Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gómez) na gumawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa
Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki.
Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak.
Bilang isang aktor at direktor
Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. at sya ay naging presedente para tangalin ang mga rebel o kaya pa su kuin pati na ang mga crimen.
Bilang pulitiko
Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.
Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsikFerdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.
Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.
Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo,
pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.
Bilang pangulo (1998-2001)
Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.
Mga pelikula
Ang Tanging
Pamilya(2009)
Sa kuko ng
Aguila (1989)
Order to Kill (1985)
Bangkang Papel sa
Dagat ng Apoy (1984)
Machonurin (1983)
Pedring Taruc (1982)
Kumander
Alibasbas (1981)
Hoy Tukso, Layuan
mo Ako (1980)
Okey Lang Basta't
Kapiling Kita (1979)
Mamang
Sorbetero (1979)
Warrant of
Arrest (1979)
Magkaaway (1978)
Tatak ng Tondo (1978)
Yakuza
Contract (1978)
Bakya mo
Aragon
Brothers (1969)
Capitan Pepe (1969)
Ang Ninong kong
Nazareno (1969)
Patria Adorada (1969)
Sagupaan (1969)
Abdul Tapang (1968)
Azero Brothers (1968)
Cuadro de
Jack (1968)
De Colores (1968)
Diegong Daga (1968)
Dos Por Dos (1968)
Galo Gimbal (1968)
Jakiri Valiente (1968)
Kid Brother (1968)
Killer Patrol (1968)
Quintin
Salazar (1968)
Rancho Diablo (1968)
Suntok o
Karate (1968)
Tatak: Double
Garuda, Flight to
Fury (1964)
Ako ang
Papatay (1964)
Berdugo ng Mga
Maton (1964)
Cordillera (1964)
Mga Daliring
Ginto (1964)
Deadly Brothers (1964)
Encuentro (1964/II)
Geron Busabos, Ang
Batang Quiapo (1964)
Pambato (1964)
Panginoon ng
Pantalan (1964)
Siyam na Buhay ni
Martin Pusa (1964)
Takot Mabuhay, Takot
Mamatay (1964)
Vendetta
Brothers (1964)
Barilan sa Pugad
Lawin (1963)
Neneng (1977)
Huwag Mong
Dungisan Ang Pisngi
Ng Langit (1977)
Sa Dulo Ng
Kris (1977)
Alas singko ng hapon,
gising na ang mga
anghel (1976)
Arrest the Nurse
Killer (1976)
Bago Lumamig Ang
Sabaw (1976)
Hoy Mister, Ako Ang
Misis Mo (1976)
Battle of the
Champions (1975)
Counter Kill (1975)
Diligin Mo ng Hamog
ang Uhaw na
Lupa(1975)
Dugo at Pag-ibig sa
Kapirasong
Lupa(1975)
Hit and Run (1975)
Huwag mo akong
Paandaran (1975)
Ang Nobya Kong
Sexy (1975)
King Khayam and
I (1974)
Manila
Connection (1974)
Ransom (1974)
Cross (1968)
Tatlong Hari (1968)
Valiente
Brothers (1968)
Alex Big Shot (1967)
Angkan ng
Haragan (1967)
Boy Aguila (1967)
Ako'y
Magbabalik (1966)
Badong
Baldado (1966)
Bantay
Salakay (1966)
Batang Iwahig (1966)
Bodyguard (1966)
Dodong
Tricycle (1966)
Ito ang Pilipino (1966)
John Doe (1966)
Soliman
Brothers (1966)
Stowaway (1966)
Totoy Bingi (1966)
Batang
Angustia (1965)
Big Boss (1965)
Buhay sa
Buhay (1965)
Deadly Pinoy (1965)
Hahamakin ang
Lahat (1965)
Hamon sa
Bandila (1965)
Basagulero (1963)
Ginoong Itim (1963)
Istambay (1963)
Ito ang Maynila (1963)
Kilabot sa Daang
Bakal (1963)
Kung Hindi ka
Susuko (1963)
Los Paliqueros (1963)
Patapon (1963)
Pulong Diablo (1963)
Sugapa (1963)
Talahib (1963)
Tres Kantos (1963)
Via Europa (1963)
Asiong Meets
Alembong (1962)
Digmaan Ng Mga
Maton (1962)
Hari ng mga
Maton (1962)
Kapit sa Patalim (1962)
Markang Rehas (1962)
Tondo Boy (1962)
Asiong Salonga (1961)
Baril sa Baril (1961)
Moises Padilla
Story (1961)
Nag-uumpugang
Bato (1961)
Pantalan ng
Trece (1961)
Sa Baril Mag-
Uusap (1961)
Tama na, Erap (1974)
Ang Agila at ang
Araw (1973)
Dragnet (1973)
Erap Is My Guy (1973)
Okey ka, Erap (1973)
Panic (1973)
Blood Compact (1972)
Kill the Pushers (1972)
Magiting at
Pusakal (1972)
Tatay na si
Erap (1972)
Apat na Patak ng
Dugo ni Adan (1971)
Digmaan Ng Mga
Angkan (1971)
Valentin Walis (1971)
Boss Areglado (1970)
Padre Pugante (1970)
Sebastian (1970)
Simon
Bastardo (1970)
Alamat ng Pitong
Kilabot (1969)
Anim ang Dapat
Patayin (1969)
Jose Nazareno, Ang
Taxi Driver (1965)
Labanang
Lalake (1965)
Maskulado (1965)
Paalam sa
Kahapon (1965)
Pepeng
Pingas (1965)
Sa kamay ng mga
Kilabot (1965)
Salonga
Brothers (1965)
Sapang Palay (1965)
Valentin Galit (1965)
Cuatro Cantos (1960)
True
Confessions (1960)
Sumpa at
Pangako (1959)
Batas ng Puso (1958)
Mga Liham kay Tiya
Dely (1958)
Lo'Waist Gang (1958)
Matandang
Tinale (1958)
Kandilang Bakal (1957)
Sampung Libong
Pisong Pag-ibig (1957)
Kandelerong
Pilak (1956)
Gloria Macapagal-Arroyo
Ika-14 na Pangulo ng PilipinasIka-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanEnero 20, 2001 – Hunyo 30, 2010
Pangulo Joseph Ejercito Estrada
Pangalawang Pangulo
Teofisto Guingona(2001–2004)Noli de Castro (2004–2010)
Sinundan si Joseph Ejercito Estrada
Sinundan ni Noynoy Aquino
Ika-12 Pangalawang Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
PanunungkulanHunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001
Sinundan si Joseph Ejercito Estrada
Sinundan ni Teofisto Guingona
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ngPampanga
Kasalukuyan
PanunungkulanHunyo 30, 2010
Sinundan si Mikey Arroyo
Kapanganakan Abril 5, 1947 (edad 64)San Juan, Rizal
Partidong politikal Lakas-KAMPI-CMD
Asawa Jose Miguel Arroyo
Hanapbuhay Ekonomista
Relihiyon Katoliko
Lagda
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg
Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika
ng Pilipinas(Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng
pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong
1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim
at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa
kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador
mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni
Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido.
Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon
niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at
Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na
humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng
tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon
sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang
pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni
Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko . Si Arroyo ay pinanumpa
bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong
Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan
ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang
pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas
noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.
Kabuuan
Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapagal ng
pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg
Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo
Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga
taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang
asawa ng kanyang ama. Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa
ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang
kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing-isang taon.
Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa
Pilipinas.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama
ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya
sa Malakanyang saMaynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya
sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964.
Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign
Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging
kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na siBill
Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. [4] Nakuha niya ang
kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na
kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni
Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na
tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa
kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel
(1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974).
Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha
ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at
ang Doctorate na degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong
1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo
sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de
Manila.
Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang
pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawang
taon.
Pangalawang Pangulo
Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang
1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng
partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na
pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si
Ispiker Jose de Venecia, Jr. Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na
may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali,
ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.
Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo
30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ngKagawaran ng
Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.
Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang
sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating
tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos
Sur. Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil
sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa
pwesto.
Pagkapangulo
Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at
malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang
posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una
nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na
iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan
ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. [8] .
Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng
batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling
pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang
kanyang posisyon.[9]. Noong Marso 2, 2001, angKataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa
pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[8]
Personal na impormasyon
Pamilya
Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang
kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado
Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.
Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na
nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak:
Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in
Business Administration sa University of California, Berkeley
Evangelina Lourdes (ipinanganak Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in
Foreign Service sa Georgetown University
Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) — nagtapos ng BS in
Legal Management, sa Ateneo de Naga .
Edukasyon
Elementarya
Assumption Convent High School (1954-1960)
Mataas na Paaralan
Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian
Kolehiyo
Georgetown University, AB Economics (1964-1966) — Dean’s Lister
Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude
Post Graduate
Ateneo de Manila University, MA Economics (1978)
UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985)
Benigno S. Aquino III
Ika-15 Pangulo ng PilipinasIkalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kasalukuyan
PanunungkulanHunyo 30, 2010
Pangalawang Pangulo
Jejomar Binay
Sinundan si Gloria Macapagal-Arroyo
Senador ng Pilipinas
PanunungkulanHunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010
Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Tarlac
Panunungkulan
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007
Sinundan si Jose Yap
Sinundan ni Jose Yap
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
PanunungkulanHunyo 30, 2010 – Hulyo 9, 2010
Sinundan si Ronaldo Puno
Sinundan ni Jesse Robredo
Kapanganakan Pebrero 8, 1960(edad 52)Maynila, Pilipinas
Kabansaan Pilipino
Partidong politikal Partido Liberal (1998 hanggang kasalukuyan)
Kamag-anak Benigno Aquino, Jr.(Ama)Corazon Aquino (Ina)Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate)Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate)Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid)Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid)
Alma mater Pamantasang Ateneo de Manila
Hanapbuhay Ekonomista, Politiko
Propesyon Ekonomista, Serbisyo sibil
Relihiyon Katoliko Romano
Website www.noynoy.ph/
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960)
na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang
ikalabing-limang Pangulong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang
kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto
sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng
dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquinomay mga kapatid
rin siya na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky”
Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris”
Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang
pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong
Noynoy".
Pagiging Pangulo ng Pilipinas (2010-kasalukuyan)
Si Noynoy Aquino habang inihahalal bilangPangulong-halal ng
Pilipinas ni Senador Juan Ponce Enrile at Kongresista Prospero
Nograles saBatasang Pambansa, Lungsod Quezon noong Hunyo 9, 2010.
Nagwagi siya sa Pagka-pangulo at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong
Hunyo 9, 2010, naiproklama na si Noynoy bilangPangulo ng Pilipinas kasama
si Jejomar Binay bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama
sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[1]
Talasanggunian
1. ↑ Final tally: Binay leads Roxas by 700,000 votes.
Sinundan:Gloria Macapagal-Arroyo
Pangulo ng Pilipinas2010 – kasalukuyan
Kasalukuyan