39
EPEKTO NG MGA BALI-BALITA TUNGKOL SA MGA PROPESOR SA MGA ESTUDYANTENG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY: ISANG ANALISIS Nina Abaya, Kathleen Joy Duque, Arthnie Labao, Joana Joy Miranda, Michael Sacay, Christine Myka Isang Pag-aaral na Iniharap sa Departamento ng Sikolohiya, Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Central Luzon State University.

Pschology Research

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A Research

Citation preview

EPEKTO NG MGA BALI-BALITA TUNGKOL SA MGA PROPESOR SA MGA ESTUDYANTENG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY: ISANG ANALISIS

Nina

Abaya, Kathleen JoyDuque, ArthnieLabao, Joana JoyMiranda, MichaelSacay, Christine Myka

Isang Pag-aaral na Iniharap sa Departamento ng Sikolohiya,Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Central Luzon State University.

Marso 2013

PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang EPEKTO NG BALI-BALITA TUNGKOL SA MGA PROPESOR SA MGA ESTUDYANTENG CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY: ISANG ANALISIS ay inihanda at isinumite nina Abaya, Kathleen Joy; Duque, Arthnie; Labao, Joana Joy; Miranda, Michael; at Sacay, Christine Myka bilang katgugunan sa mga hinihinging pangangailangan sa asignaturang Pschology 100 ay sinuri at ngayon ay tinagubilin na tanggapin at pagtibayin.Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi g mga pangangailangan para sa kursong Pschology 100.Ipinasa at pinagtibay noong Marso 2013.

Prof. Karen G. AlvarezGuro sa Psychology 100

PASASALAMAT

Taos-puso naming ipinaaabot ang aming walang katapusang pasasalamat sa mga taong tumulong na matapos ang aming pananaliksik sa pamanahong papel.Unang-una sa lahat, sa aming guro na si Bb. Karen Alvarez na walang sawang sumuporta sa pagwawasto at pagdadagdag ng sapat na impormasyon hinggil sa aming paksa.Pangalawa sa aming mga magulang na nagbigay ng sapat na pinansyal sa mga gastusin at walang sawang sumuporta sa amin.Pangatlo sa mga respondente na naging tulay sa pagbuo at pagtapos ng aming pananaliksik.At higit sa lahat sa ating Poong Maykapal na gumabay sa amin araw-araw at nagbigay ng lakas ng loob at talino para makapag-isip ng maraming ideya sa paglikha ng aming pamanahong papel.

Mga Mananaliksik

NILALAMANPAMAGATPAGPAPATIBAYPASASALAMATNILALAMANMGA TEYBOLAPENDISEKABANATA IPanimulaPaglalahad ng SuliraninSaklaw at Limitasyon ng Pag-aaralKahalagan ng Pag-aaralDepinisyon ng mga TerminoKABANATA IIKaugnay na LiteraturaKaugnay na Pag-aaralKABANATA IIIAng Disenyo ng Pag-aaralAng mga InstrumentoAng Pagkuha ng DatosAng Paraan ng PananaliksikAng Pag-aanalisa ng mga DatosKABANATA IVMga Datos Kaugnay ng TalatanunganKABANATA VLagomKongklusyonRekomendasyonBIBLIOGRAPIMGA TEYBOLTeybol1 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mataas Magbigay ng Marka ang Kanilang PropesorTeybol 2 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madami kung Magbagsak ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Teybol 3 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Nanghuhula ng Marka ang Kanilang Propesor.Teybol 4 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Teybol 5 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Teybol 6 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Sobrang Istrikto ang Kanilang Propesor.Teybol 7 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Namamahiya ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Teybol 8 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mabait at Hindi Nagbabagsak ang Kanilang Propesor.Taybol 9 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Magaling Magturo ang Kanilang Propesor.Teybol 10 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mahirap Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.Teybol 11 Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madali Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.

Kabanata I: Ang Suliranin at ang Kaligiran ng Pag-aaralPANIMULABawat isa sa atin may mga bagay na nararanasan sa araw-araw. Hindi tayo nagkakasya na itago na lamang ito sa ating mga sarili kung kaya atin itong ibinabahagi sa ating mga kapwa. Hindi rin ito kataka-taka dahil tural sa ating mga tao ang makisalamuha sa ating kapwa.Ayon kay Aristotle:Man is by nature a social animal; an individual who is unsocial naturally and not accidentally is either beneath our notice or more than human.Ang pakikisalamuha sa iba ay hindi na bagong bagay sa bawat tao, sapagkat walang tao ang nabubuhay sa kanyang sarili lamang kung kaya natututo siyang makisalamuha sa iba. Sa pakikisalamuha natin, naibabahagi natin ang ating mga kaalaman sa iba at nagbibigay tayo ng mga pagpapayo.Kahit saan dako ka magpunta ay hindi mawawala sa tao ang ganitong gawain. Masasaksihan mo ito kahit sa paaralan. Karaniwan tayong nakakarinig ng mga impormasyon sa ating paligid tungkol sa maraming mga bagay at hindi maikakailang may ibat-ibang epekto ito sa atin. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto sa mga estudyante ng mga bali-balitang kanilang naririnig tungkol sa kanilang propesor.Sa paaralan, itinuturing natin na pangalawang mga magulang an gating mga guro. Hindi lamang nila tayo tinuturuan ng mga lesson plan na kanilang inihanda, ngunit tinuturuan din nila tayo ng mga kapakipakinabang na bagay na siguradong ating magagamit kapag tayo ay nasa workplace na at ginagampanan ang ating mga trabaho na base sa kinuha nating kurso.May ibat-ibang paraan ang ating mga guro sa paghawak ng kanilang mga estudyante. May ilang propesor na istrikto at mahigpit ang paraan ng pagtuturo sa kanilang mga estudyante, ang ilan naman ay tama lang at ang iba ay maluwag sa paghawak sa kanilang mga estudyante.Ayon sa http://rumorpsychology.com/:When our ability to cope effectively with the environment is threatened, fact-finding is activated: we search for accurate information.Isang ugali ng mga estudyante ang magtanong-tanong at humanap ng mga impormasyon tungkol sa kanilang propesor. Nakikinig sila sa mga usapan tungkol sa mga gawain ng kanilang propesor, lalo na kung ito ay may kinalaman sa paraan ng kanilang guro sa paghawak ng estudyante dahil nais nilang mapaghandaan kung ano man ang inaasahan nilang darating.Ayon kina G. W. Allport& Postman, (1947b); Rosnow, (1991); Shibutani, (1966):Rumors arise in situations that are ambiguous or threatening in some way. Nangangahulugan lamang ito na dahil hindi sigurado ang mga estudyante sa maaaring mangyari ay naghahanap sila ng mga impormasyon na makakatutulong sa kanila upang malaman ang mga nararapat na gawin kung sakaling mangyari ang kanilang inaasahan.

Paglalahad ng SuliraninAng bahaging ito ng pag-aaral ay naglalayong tumalakay sa epekto ng bali-balita tungkol sa mga propesor sa mga estudyante ng Central Luzon State University.Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na katanungan:1.Ano ang epekto sa mga estudyante ng balibalita na kanilang naririnig tungkol sa paraan ng kanilang propesor sa pagbibigay ng marka?2.Ano ang epekto sa mga estudyante ng bali-balita na kanilang naririnig tungkol sa paraan ng kanilang propesor sa pagbibigay ng pagsusulit?3.Ano ang epekto sa mga estudyante ng bali-balita na kanilang naririnig tungkol sa paraan ng pakikisalamuha ng kanilang propesor sa mga estudyante?4.Ano ang epekto sa mga estudyante ng bali-balita na kanilang naririrnig tungkol sa paraan ng pagtuturo ng kanilang propesor?

Kahalagahan ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay may maidudulot na kahalagahan hindi lamang sa mga mananaliksik kung hindi pati na din sa mga kapwa nilang mag-aaral ng Central Luzon State University na karamihan ay masasabi naman nating normal ng nakakaranas ng mga isyu o bulungang ito. Maging sa bawat guro ay may hatid din itong halaga.Sa mga mananaliksik, malaking tulong ang pag-aaral na ito dahil nadagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang dahil sa mga naging sagot ng mga estudyante ngunit higit dahil nalaman nila ang mga madalas na reaksyon ng mga estudyante tungo sa nasabing isyu at kung anu-ano ang mga possible o pwede nilang gawing aksyon tungkol dito.Sa mga kapwa nilang mag-aaral na dahil sa pag-aaral na ito ay higit pang naging aktibo sa mga ganitong isyu. Magkakaiba man ang lumabas na proseso ng maari nilang reaksyon at gawin, parepareho naman ang naging resulta nito sa dulo. Na kahit ano pa mang bulungan ang kumalat: negatibo man o positibo, ang pagsisipag at pagtutuon ng mabuti sa pag-aaral ang mahalaga.Sa mga guro ng mga mag-aaral na naging daan ang pag-aaral na ito upang malaman din nila ang mga reaksyon ng kanilang mga estudyante tungo sa mga isyung ito. Naging basehan din nila ito upang makaisip din ng iba pang pamamaraan sa pagtuturo at paghahawak sa mga estudyanteng may iba-ibang ugali at kakayahan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto sa mga estudyante ng Central Luzon State University ng mga bali-balitang kanilang naririnig tungkol sa kanilang mga propesor. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante ng CLSU sa nag-aaral sa taong panuruan 2012-2013.

Depinisyon ng mga Termino

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALKaugnay na Literatura at Pag-aaralAng bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at mga pag-aaral na may pagkakahawig sa kasalukuyang pananaliksik. Ito ay tatalakay sa bulong at ang iba pang kahulugan nito. Kaugnay rin nito ay ang ibat ibang pag-aaral tungkol sa paksang nabanggit.Kaugnay na LiteraturaSa kapuluan ng Pilipinas, ang bulong ay pinaniniwalaang isang matandang orasyon ng mga sinaunang tao. Sa kasalukuyang panahon, ang salitang ito ay may ibat ibang kahulugan sa ibat ibang lugar sa bansa. Sa ibang lalawigan ng Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan, ito ay sinasabing isang panalangin binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa bulung-bulungan o sa mga naririnig na bulong o kwento ng mga estudyante sa kani-kanilang mga guro. Ayon sa Wikipedia, ang salitang bulong ay maaaring maihalintulad sa mga salitang tsismis, satsat, sitsit, yapyap,dada, ngakngak, kiyaw-kiyaw, ngawngaw, taritan, taritari, kalantari, dalahira, rumor, sagap, sabi-sabi, bali-balita, balitang kutsero, balitang barbero, bulung-bulungan, parali, alingasngas, tibadbad, higing, balitang kanto, balitang naulinigan at daldal.Ang gossip o tsismis sa tagalog ay isang bagay na karaniwang mga pangungusap o kuwento na mga kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-buhay, na negatibo, pasalungat, pakontra o kabaligtaran na itinuon sa isang tao o pangkat ng tao.Ayon kay Tenzin Gyatso, ang ikalabing-apat na Dalai Lama, nakapagpapaikli ng isang araw na tila napakahaba o napakatagal lumipas ang tsismisan subalit ito ang isa sa pinakamasamang pagsasayang ng oras o panahon. Binigay niyang halimbawa ang hinggil sa isang lalaking mananahi na humahawak lamang sa isang karayom habang patuloy sa pagsasalita sa harap ng isang kliyente; dahil sa kanyang gawaing ito hindi natatapos ang kanyang pananahi; at maaaari pang matusok pa niya ng karayom ang sariling daliri dahil sa pagkalibang sa pagdaldal. Ipinakakahulugan ng Dalai Lama na nakapipigil ang walang kabuluhang pakikipagtsismisan sa paggawa ng alin mang uri ng gawain. Batay naman sa Three Minutes a Day (Tatlong Minuto Isang Araw) ng The Christophers, nakapipinsala sa iba at sa sarili ng tsismoso o tsismosa ang pagtsitsismis.Ayon kay Robert Knapp (1944):Rumor is a proposition for belief of topical reference disseminated without official verification. So formidably defined, rumor is but a special case of informal social communications, including myth, legend, and current humor. From myth and legend it is distinguished by its emphasis on the topical. Where humor is designed to provoke laughter, rumor begs for belief.

Ang bali-balita o rumor ay isang paniniwalang kumakalat at naipapasa sa ibang tao ng walang sapat na patunay kung totoo o hindi ang balitang nakalap. Ito ay isang impormal na komunikasyon na maaaring maihalintulad sa katha lamang. Napatunayn sa pag-aaral na ito ni Knapp na ang negatibong balita ay mas madaling kumalat kaysa sa mga mabubuting balita.Dagdag naman nina Gordon Allport and Joseph Postman (1947):As rumor travels it grows shorter, more concise, more easily grasped and told.Ang mga bali-balita ay mas madaling kumalat, at habang ito ay naipapasa, ito ay nadadagdagan at nababawasan. Ayon sa kanilang pag-aaral, inilarawan nila ang proseso sa tatlong lebel, una ay ang leveling, ito ay ang pagkakawala ng detalya habang nasa proseso ng pagpapasa ng balita. Ang ikalawa ay ang sharpening, ito naman ay tumutukoy sa pagpili nga mga detalye na ipapasa lamang, maaaring ito ay mga detalyeng tumatak lamang sa isip nga magpapasa ng balita. Ang huli ay ang assimilation, ito naman ay tumutukoy sa pagiging distorted ng balita o ang pagbabago ng mismong balita.Ayon naman kina Prashant Bordia and Nicholas DiFonzo (2004):Rumor is social cognition and found that rumor transmission is probably reflective of a collective explanation process."Ang bulung-bulungan ay panlipunang gawain na nanggagaling sa isang kolektibong pagpapaliwanag ng proseso.

Dagdag nil Warren A. Peterson and Noel P. Gisit (1951):Rumor is a collective effort to interpret a problematic and affectively evocative situation. A case study of rumor demonstrates that when a public is keenly interested, rumor tends to be elaborated and diversified, contrary to the expectations and assumptions of Allport and Postman, who generalize on the basis of laboratory experimentation.Ayon sa pag-aaral na ito, ang bulung-bulungan ay kumakalat sa publiko lalo kung ang maghahatid ng balita at ang tatanggap ng balita ay interesado sa paksang pinag-uusapan. Ang mga mananaliksik ay binigyang pansin lamang ang tinatawag na common interest ng publiko. Dahil dito, ang magkabilang grupo ay nagbibigay ng kani-kanilang sariling pagpapakahulugan sa bawat sinasabi ng bawat isa. At ang sarili nilang opinyon ang kadalasan nilang naipapasa sa iba.

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos

Presentasyon, Pagsusuri at interpretasyon ng mga DatosSa bahaging ito ng pag-aaral ay nakapaloob ang presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos. Ginawang may pag-iingat ang pagsusuri ng mga datos upang higit na maging accurate ang mga resulta.Mga Datos Kaugnay ng TalatanunganAng talatanungan na binuo ng mga mananaliksik ay nahahati sa apat na aspetoparaan ng paghawak sa attendance, paraan ng pagmamarka, paraan ng pakikisalamuha ng mga propesor sa kanilang estudyante at ang istilo ng pagtuturo ng mga propesor.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mataas Magbigay ng Marka ang Kanilang Propesor.Teybol 1. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mataas Magbigay ng Marka ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Hindi ko pagtutuunan ng matinding pansin ang subject na tinuturo niya.515.63%

Higit ko pang pagbubutihan ang aking pag-aaral.618.75%

Itututon ko na lang sa ibang subject ang pansin ko.618.75%

Pantay-pantay pa din ang pansin na aking itututon sa lahat nga aking subject.1546.87%

Ipinapakita sa teybol 1 ang iba-ibang epekto s amga estudyante ng bali-balitang mataas magbigay ng marka ng kanilang propesor. Ayon sa nakalap na impormasyon, pantay-pantay pa din ang itutuon na atensyon ng mga estudyante sa lahat ng kanilang subject kahit mabalitaan man nilang mataas magbigay ng marka ang kanilang propesor. Samantalang anim sa bawat tatlumpung estudyante ang itutuon na lamang sa iba nilang subject ang kanilang atensyon, habang anim din ang nagsabi na higit pa nilang pagbubutihan ang kanilang pag-aaral, at ang iba naman ay hindi nalang pagtutuunan ng pansin ang subject ng kaniyang propesor.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madami kung Magbagsak ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Teybol 2. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madami kung Magbagsak ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Mag-aaral ako ng mabuti2993.54%

Ido-drop ko ang subject niya13.23%

Lilipat ako sa iabang propesor00

Magshi-shift ako sa ibang course00

Magta-transfer ako sa iabang paaralan00

Iba pa13.23%

Ipinapakita sa teybol 2 na ang karaniwang epekto sa mga estudyante ng bali-balitang madami kung magbagsak ng estudyante ang kanilang propesor ay ang mag-aaral sila ng mabuti. Mayroon din sumagot na ido-drop nila ang subject na itinuturo ng kanlang propesor.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Nanghuhula ng Marka ang Kanilang Propesor.Teybol 3. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Nanghuhula ng Marka ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Magpapakitang-gilas ako sa kanya722.58%

Hindi ako mag-eefort na mag-aral ng mabuti722.58%

Mag-aaral pa din ako ng mabuti1341.93%

Lilipat ako sa ibang propesor00

Sisip-sip ako sa kanya39.685

Iba pa13.23%

Base sa teybol 3, makikita na mag-aaral pa din ng mabuti karaniwang hakbang na gagawin ng mga estudyante kung mabalitaan nilang nanghuhula lang arka ang kanilang propesor. 22.58% naman ng mga respondante ang sumagot na sila magpapakitang-gilas sa propesor nila, ganun din karami ang sumagot ng hindi sila mag-eeffort na mag-aral ng mabuti. Samantalang ang iba ay sisip-sip sa kanilang propesor.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Teybol 4. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Papasok lang ako tuwing may pagsusulit26.45%

Madalas ako papasok2064.51%

Hindi ako papasok, unabes13.23%

Mas madalas ako aabsent kaysa papasok39.68%

Papasok ako kung kailan ko lang gustuhin412.9%

Iba pa13.23%

Ayon sa teybol 4, madalas pa din papasok ang mga esudyante ng CLSU kahit mabalitaan nilang hindi mahigpiut sa attendance ang kanilang propesor. Apat o 12.9% sa bawat tatlumpung estudyante naman ang nagsabi na papasok lang sila kung kalian nila gustuhin, at tatlo o 9.68% ang nagsabi na mas madalas pa silang aabsent kaysa papasok.

Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Teybol 5. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Mahigpit sa Attendance ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Papasok ako palagi2990.32%

Papasok ako kung kailangan lamang13.23%

Papasok ako kahit may sakit26.45%

Papasok ako kung kailan ko lang gustuhin00

Papasok ako tuwing may pagsusulit00

Iba pa00

Base sa teybol 5, karamihan o 90.32% sa mga estudyante ng CLSU ang palagiang papasok kung mabalitaan nila na mahigpit sa attendance ang kanilang propesor. Samantala, 6.45% ang papasok kahit pa sila ay may sakit. At isa sa bwat tatlumpung estudyante ng CLSU ang papasok kung kaliangan lamang nilang pumasok.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Sobrang Istrikto ang Kanilang Propesor.Teybol 6. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Sobrang Istrikto ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Susunod ako sa lahat ng sasabihin niya1653.33%

Mas magiging pasaway ako13.34%

Hindi ako gagawa ng ikagagalit niya1343.33%

Hindi ako papasok sa subject niya00

Lilipat ako sa ibang propesor00

Iba pa00

Ayon sa teybol 6, labing-anim o 53.33% sa bawat tatlumpung estudayante ng CLSU ang susunod sa lahat ng sasabihin ng kanilang propesor kung mabalitaan nilang sobrang istrikto ng kanilang propesor. Sa kabilang dako, 43.33% naman ang hindi gagawa ng ikagagalit ng kanilang propesor, at isa sa bawat tatlumpung estudyante ang mas magiging pasaway sa kanilang propesor. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Namamahiya ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Teybol 7. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Namamahiya ng Estudyante ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Hindi ko papasukan ang subject niya13.23%

Ido-drop ko ang subject niya00

Lilipat ako sa ibang propesor13.23%

Magpapakabait ako sa kanya2787.09%

Mawawalan ako ng ganang pag-aralan ang subject niya13.23%

Iba pa13.23%

Base sa teybol 7, 87.09% ng mga estudyante ang nagsasabng magpapakabait sila sa kanilang propesor kung mabalitaan nilang namamahiya ito ng mga estudyante. Tig-iisa naman sa bawat tatlumpung estudyante ang nagsabing hindi niya papasukan ang subjet na itinuturo ng propesor niya, isa din sa bawat tatlumpung estudayante ang lilipat sa ibang propesor, at ang isa ay mawawalan ng ganang pag-aralan ang subject.

Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mabait at Hindi Nagbabagsak ang Kanilang Propesor.Teybol 8. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mabait at Hindi Nagbabagsak ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Magiging mabait di ako sa kanya1750%

Ipagwawalang-bahala ko ang subject niya25.88%

Itutuon ko na lamang sa ibang subject ang aking pansin720.59%

Higit ko pang pagbubutihan ang aking pag-aaral823.53%

Aabusuhin ko ang kanyang kabaitan00

Iba pa00

Ipinapakita sa teybol 8 na kalahati sa mga estudayante ng CLSU ang magiging mabait din sa kanilang propesor kung mabalitaan nilang ito ay mabait at hindi nagbabagsak ng estudyante. Samantala, 23.53% naman ang higit pang pagbubutihan ang kanilang pag-aaral at 20.59% naman ang itutuon na lamang sa iba nilang subject ang kanilang pansin. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Magaling Magturo ang Kanilang Propesor.Teybol 9. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Hindi Magaling Magturo ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Pagtitiyagaan ko na lamang1134.37%

Hindi ako papasok sa kanya at magsasariling aral na lang ako39.38%

Lilipat ako sa ibang propesor39.38%

Higit ko pang pagbubutihan ang aking pag-aaral1237.5%

Mawawalan ako ng ganang pg-aralan ang subject niya39.38%

Ipinapakita sa teybol 9 na higitpang pagbubutihan ng mga estudaynte ng Clsu ang kanilang pag-aaral kung mabalitaan nilang hindi magaling magturo ang kanilang propesor, habang labing-anim sa bawat tatlumpung estudyante ng CLSU ang pagtitiyagaan na lamang ang ganun klase ng pagtuturo. Tig-tatlo sa bawat tatlumpung estudyante ang nagsabi na hindi sila papasok at magsasariling aral na lamang, ang iba ay lilipat sa ibang propeor at ang iba naman ay mawawalan ng ganang pag-aralan ang subject.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mahirap Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.Teybol 10. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Mahirap Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Mag-aaral ako ng mabuti30100%

Ipagwawalang-bahala ko ang subject niya00

Lilipat ako sa ibang propesor00

Ido-drop ko ang subject niya00

Mandadaya ako tuwing may exam00

Base sa teybol 10, tatlumpu sa bawat tatlumpung estudyante ng CLSU ang mag-aaral ng mabuti kung mabalitaan nilang mahirap magbigay ng pagsusulit ang kanilnag propesor.Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madali Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.Teybol 11. Impormasyon Hinggil sa Epekto sa mga Estudyante ng Bali-balitang Madali Magbigay ng Pagsusulit ang Kanilang Propesor.Mga EpektoBilangPorsyento

Hindi ako mag-eefort na mag-aral ng mabuti929.03%

Mag-aaral pa din ako ng mabuti1858.07%

Itutuon ko na lamang sa iba pang subject ang aking pansin412.90%

Ayon sa teybol 11, karaniwang nag-aaral pa din ng mabuti ang mga estudyante ng CLSU kahit mabalitaan man nilang madali lamang magbigay ng pagsususlit ang kanilang propesor. Samantala, siyam sa bawat tatlumpung estudyante ng CLSU o 29.03% ang nagsabi na hindi sila mag-eeffort na maga-aral ng mabuti at 12.90% naman ang nagsabi na itututon na lang nia sa iba pa nilang subject ang kanilang pansin.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom, Kongklusyon at RekomendasyonNakapaloob sa bahiging ito ng pag-aaral ang lagom, mga kongklusyon na batay sa mga resulta ng pag-aaral at mga rekomendasyon na iminumungkahi ng mga mananaliksik.LagomAng pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang mga epekto sa mga estuyante ng mga bali-balitang kanilang naririnig tungkol sa kanilang mga propesor. Tatlumpu ang kinuhang mga respondante ng mga mananaliksik upang maging mga tagasagot sa mga talatanungang binuo ng mga mananaliksik. Random ang ginawang pagpili sa mga respondante, samantalangsituational ang ginawang disenyo ng talatanungan na nahahati sa apat na aspeto paraan ng pagmamarka, pakikitungo sa mga estudyante, paraan sa paghawak ng attendance at istilyo ng pagtuturong mga propesor.Ayon sa mga resulta na lumanas mula sa pag-aanalisa ng mga mananaliksik, malaki ang nagiging epekto sa mga estudyante ng mga bali-balitang kanilang naririrnig tungkol sa paraan ng pagmamarak ng kanilang propesor. Karaniwan nang pantay-panaty pa din ang itinutuon na pansin ng mga estudyante sa lahat ng kanilang mga subject kahit mabalitaan nilang mataas magbigay ng marka ang kanilang propesor, habang, mag-aaral ng mabuti ang mga estudyante kung mabalitaan nilang madami kung magbagsak ng estudayante ang kanilang popesor, karaniwang ganun din ang kanilang gagawin kung mabalitaan nilang nanghuhula laman ng marka ang kanilang propesor. Base pa din sa mga resulta, malaki din ang nagagawang epekto sa mga estudyante ng bali-balitang kanilang naririrnig tungkol sa paraan ng pakikitungo sa mga estudyante ng kanilang propesor. Lumalabas na karaniwang sunusunod sa lahat ng sasabihin ng kanilang propesor ang mga estudyante kung mabalitaan nilang sobrang istrikto ng kanilang propesor. Samantala, karaniwan sa mga estudyante ay nagpapakabait sa kanilang mga propesor kung mabalitaan nilang namamahiya ito ng mga estudyante, at kung mabalitaan nilang mabait ang kanilang propesor ay magiging mabait din sila dito.Lumalabas din mula sa reslta ng pag-aaral na may epekto ang paraan ng mga propesor sa paghawak ng attendance ng mga estudyante. Karaniwang palagiang papasok ang mga estudayante kahit mabalitaan nilang hindi mahigpit sa attendance ang kanilang mga propesor. Ganun din ang epekto sa mga estudyante ng bali-balitang mahigpit sa attendance ang kanilang propesor.Katulad ng mga naunang aspeto, may malaking epekto din sa mga estudayante ang mga bali-balitang kanilang naririnig tungkol sa istilyo ng pagtuturo at paraan sa pagbibigay ng pagsusulit ng kanilang mga propesor. Kung mabalitaan ng mga estudyantena hini magaling magturo ang kanilng propesor ay karaniwan ng higit pang pinagbubuithan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral at ang iba naman ay pagtitiyagaan nalang ang ganung klase ng pagtuturo. Karaniwan naming defense mechanism ng mga estudyante ang mag-aral ng mabuti kung mabalitaan nilang mahirap magbigay ng pagsusulit ang kanilang propesor, ganun din ang kadalasan nilang ginagawa kahit mabalitaan nilang madali lamang magbigay ng pagsusulit ang kanilang propesor.Batay sa mga lumabas na resula, tunay na may malaking epekto sa gawi ng mga estudyante ang mga bali-balitang kanilang naririnigtungkol sa kanilang propesor.KongklusyonSa ginawang pag-aaral hinggil sa epekto sa mga estudyanteng CLSU ng mga bali-balita tungkol sa kanilang propesor, nalaman na may malaking epekto sa pangaraw-araw na gawain ng mga estudyante sa paaralan ang mga niririnig nilang bali-balita.karaniwang gumagawa ng mga hakbang ang mga estudyante batay sa mga bali-balitang kanilang naririnig.Batay sa lumabas na mga resulta, nabuo ang mga sumusunod nga mga kasagutan sa suliranin:1. May ibat-ibang epekto sa mga estudyante ang bali-balitang kanilang naririnigtungkol sa paraan ng pagmamarka ng kanilang propesor. Ang mag-aral ng mabuti ang karsaniwang nagigging epekto nito sa pangaraw-araw na gawain nila sa paaralan.2. Karaniwan nang pag-aaral ng mabuti ang defense mechanism ng mga estudyante sa bali-balitang naririnig nila tungkol sa paraan ng pagbibigay ng pagsusulit ng kanilang propesor, kaya kung sakali mang mahirap magigay ng pagsusulit ang kanilang propesor ay palagi silang handa.3. Sa bali-balita naman na naririnig ng mga estudyante tungkol sa paraan ng pakikisalamuha ng mga propesor sa mga estudyante ay ang pagigingmabait at pagsunod sa lahat ng sasabihin nito ang karaniwang epekto sa mga estudyante.4. Palagiang papasok o madalas papasok ang mga estudyante kung mabalitaan nila ang paraan ng kanilang propesor sa paghawak ng attendance.

RekomendasyonSa kabuuan ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nakabuo ng mga rekomendasyon upang magamit ang mga nagging resulta ng pananaliksik na ito at upang higit pang mapagbuti ang pag-aaral na ito.1. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na gamitin ng mga propesor ang mga nagging resulta ng pag-aaral na itoupang malaman nila ang pinakamabutingapproach sa kanilang mga estudyante.2. Inirerekomenda ng mga mananliksik na maging gabay ito ng mga estudyante upang malaman nila ang pinakamabuting gawin sakaling mapagdaanan nila ang ganung klase ng mga sitwasyon.3. Para sa mga susunod na mananaliksik, dagdagan pa ang mga variable na ginamit ganun din ang mga respndante upang higit na mapagtibay at mapanaligan ang magiging resulta.

BIBLIOGRAPI

Mga Pangalan:AristotleRobert Knapp (1944)Gordon Allport and Joseph Postman (1947)Prashant Bordia and Nicholas DiFonzo (2004)Warren A. Peterson and Noel P. Gisit (1951). W. Allport& Postman (1947)Rosnow (1991) Shibutani,(1966)Hanguang Elektroniko:http://tl.wikipedia.org/wiki/Bulonghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tsismishttp://en.wikipedia.org/wiki/Rumor#Psychology_of_Rumor_.281902.29http://www.jstor.org/discover/10.2307/2772077?uid=3738824&uid=2&uid=4&sid=21102033152617http://www.goodreads.com/quotes/183896-man-is-by-nature-a-social-animal-an-individual-whohttp://rumorpsychology.com/