16
Inihanda ni: Arnel O. Rivera Aralin 23 Panunungkulan ni Ramon Magsaysay

Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Aralin 23Panunungkulan ni

Ramon Magsaysay

Page 2: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Talambuhay

• Pagsilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales • Magulang: Exequel at Perfecta del Fiero• Edukasyon: Jose Rizal College (Komersyo)• Asawa: Luz Banzon• Anak: Teresita, Milagros at Ramon Jr.• Kamatayan: Marso 17, 1957 sa Mt. Manunggal,

Cebu

Page 3: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Panunungkulang Pampubliko

• Military Governor ng Zambales matapos ang digmaan

• Kongresista ng Zambales

• Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Administrasyong Quirino

Pamilya ni Pang. Magsaysay (standing L-R) Teresita, Ramon Jr. at Milagros; (Kanan) First Lady Luz Banzon-Magsaysay

Page 4: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Alam nyo Ba?• Si Pang. Magsaysay ang

unang gumamit ng barong tagalog sa araw ng kanyang inagurasyon. Ipinatupad nya rin na gawing dress code ang pagsusuot ng barong tagalog sa lahat pormal na programa sa Malakanyang. Dahil dito, naging uso ang pagsusuot nito sa mga pormal na okasyon.

Page 5: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Alam nyo Ba?• Si Pang. Magsaysay ang

una (at tunay) na pangulo mula sa angkan ng mahihirap. Ang kanyang ama ay isang panday at siya ay nagtrabaho bilang mekaniko sa isang talyer ng bus upang tustusan ang kanyang pag-aaral. Ito ang nagsilbing ispirasyon ng kuwentong Ang Panday bilang tagapagtanggol ng na-aapi.

Page 6: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Alam nyo Ba?• Si Pang. Magsaysay ang

unang gumamit ng guerilla campaigning. Ito ay ang paggamit ng mga artista, pag-awit at pagsasayaw, at pagpunta sa mga baryo tuwing nangangampanya. Ito ay karaniwan nang ginagawa ngayon tuwing may halalan.

Page 7: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Alam nyo Ba?• Ipinag-utos ni Pang.

Magsaysay ang pagsasalin ng ating Pambansang Awit sa wikang Filipino. Sa bisa ng Dept. Order No.5, s. 1956 noong ika-26 ng Mayo 1956, ipinag-utos ang paggamit ng translation na gawa nina Idelfonso Santos at Julian Cruz Balmaceda at isinaayos ni Lt. Col. Antonio Buenaventura.

Page 8: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Mga Programa ng Administrasyong Magsaysay

• Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino

• Pagpapaunlad ng mga baryo

• Pagdinig sa mga karaingan ng mga tao

• Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

Page 9: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Social Security Act

• Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Social Security System (SSS) noong Hunyo 18, 1954. Layunin nito na bigyan ng kapanatagan ang mga kawani sa pribadong sektor. Ilan sa mga pakinabang nito ang tulong sa pagpapagamot, pabahay, pautang at pensyon sa pagreretiro.

Page 10: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Tulong sa mga Magsasaka

• Sa ilalim ng Land Tenure Law, bibilhin ng pamahalaan ang mga malalaking hacienda upang maipamahagi sa mga magsasaka ng hulugan.

• Itinanatag din ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) at Farmer’s Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang matulungan ang mga magsasaka sa suliraning pinansiyal.

Page 11: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Pagpapa-unlad sa mga Baryo• Ipinag-utos ni Pang.

Magsaysay ang pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-unlad sa mga baryo.

• Naglunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng pagsasaka at mga bagong uri ng binhi tulad ng Masagana.

Page 12: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa

• Itinatag sa Maynila noong Sept. 8, 1954 ang Southeast Asia Treaty Organization (SEATO). Ito ay samahan ng mga bansa na nagkasundong magtutulungan sa paglaban ng komunismo.

• Nilagdaan ng Japan at Pilipinas ang Reparation Agreement noong May 9, 1956. Ito ay bilang kabayaran ng Japan sa pinsalang dulot ng digmaan.

Page 13: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Presidential Complaints and Action Committee (PCAC)

• Ang PCAC ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang tao upang mag-abot ng kanilang hinaing sa pangulo. Nagpunta din siya sa mga nayon upang makihalubilo sa mga karaniwang tao. Dahil dito, nakilala siya bilang Kampeon ng Masa.

Page 14: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay• Matapos dumalo sa graduation ceremony sa

Cebu, hindi na nakabalik ng Maynila si Pang. Magsaysay noong Marso 17, 1957. Bumagsak ang eroplano ng pangulo, ang RP Mt. Pinatubo sa Mt. Manunggal, Cebu.

Page 15: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Pagkamatay ni Pang. Magsaysay

Bahagi ng eroplano na ginawang marker sa Mt. Manunggal, Libing ni Pang. Magsaysay at kanyang huling hantungan sa Manila North Cemetery.

Page 16: Q3 lesson 23 ramon magsaysay

Konklusyon:

• Labis ang naging pagluluksa ng mga Pilipino sa pagkamatay ng Kampeon ng Masa. Humalili sa kanya bilang pangulo ng bansa si Carlos P. Garcia.