Rental Assistance Demonstration Program (Programang ... · PDF filebumalik sa property (bahay/lupa) ... magsagawa ng isang kasunduan ukol sa pagpapaupa ng lupa at isang ... Act of

Embed Size (px)

Citation preview

  • Rental Assistance Demonstration Program

    (Programang Pagpapatunay ng Tulong sa Upa)

    RAD

    Plano ng Relokasyon at Transisyon

    Phase I at Phase II

    INAPROBAHAN ANG HULING PLANO - AGOSTO 11, 2016

  • Pahina 1 ng 95

    Mga Nilalaman MGA NILALAMAN ......................................................................................................................................... 1

    PANGKALAHATANG IMPORMASYON ............................................................................................................ 2

    BUOD NG PROYEKTO .................................................................................................................................... 9

    TULONG SA RELOKASYON ........................................................................................................................... 13

    MGA SERBISYO PARA SA PANSAMANTALA AT PINAHABANG PANSAMANTALANG RELOKASYON ........ 16

    MGA SERBISYO PARA SA KUSANG-LOOB NA PERMANENTENG RELOKASYON ....................................... 20

    ANG PROSESO NG RELOKASYON ................................................................................................................ 23

    IBA PANG AKTIBIDAD .................................................................................................................................. 27

    MGA KARAINGAN NG RESIDENTE ............................................................................................................... 28

    KARAPATANG BUMALIK 32

    MGA APENDIKS 1 28 MGA PROFILE NG PROPERTY (ARI-ARIAN). ............................................................ 37

    MGA EXHIBIT ............................................................................................................................................... 63

    EXHIBIT 1: MGA DEVELOPMENT TEAM AYON SA PROPERTY .............................................................. 64

    EXHIBIT 2: HALIMBAWANG FORM NG ASSESSMENT NG RESIDENTE ................................................. 65

    EXHIBIT 3: PAUNAWA NG RELOKASYON NG RAD (MAS MABABA SA 12 BUWAN) ............................. 67

    EXHIBIT 4: PAUNAWA NG RELOKASYON NG RAD (12 BUWAN O HIGIT PA) ....................................... 69

    EXHIBIT 5: 90 ARAW NA PAUNAWA PARA UMALIS ............................................................................ 71

    EXHIBIT 6: PAUNAWA NG HINDI PAGPAPAALIS (NON-DISPLACEMENT)............................................. 72

    EXHIBIT 7: PAUNAWA NG RAD SA PAGIGING KARAPAT-DAPAT PARA SA TULONG NG URA SA RELOKASYON ....................................................................................................................................... 73

    EXHIBIT 8: PAGWAWAKAS NG PAUPA SA PAMPUBLIKONG PABAHAY AT PAG-AALOK NG PANIBAGONG PAUPA .......................................................................................................................... 75

    EXHIBIT 9: MGA MADALAS ITANONG ............................................................................................... 76

    EXHIBIT 10: OUTREACH PARA SA RESIDENTE PHASE I AT PHASE II ..................................................... 80

    EXHIBIT 11: KARANASAN SA RELOKASYON NG MGA DEVELOPMENT TEAM 94

    EXHIBIT 12: FORM NG RAD PARA SA PETISYON NG NANGUNGUPAHAN (SFHA RELOCATION GRIEVANCE O KARAINGAN SA RELOKASYON NG SFHA) 64

  • Pahina 2 ng 95

    I. PANGKALAHATANG IMPORMASYON Layunin

    Ang Plano ng Relokasyon at Transisyon na ito ang nagtatakda ng mga patakaran at pamamaraan na gagamitin ng Housing Authority of the City and County of San Francisco (Awtoridad sa Pabahay ng Lungsod at County ng San Francisco, SFHA ) at ng mga Development Partner (Kasamahan sa Pagpapaunlad) para sa relokasyon ng mga residente mula sa Mga Komunidad ng Pampublikong Pabahay bunga ng pagko-convert mula sa tulong na Pampublikong Pabahay tungo sa tulong na Voucher Batay sa Proyekto (Project Based Voucher) sa ilalim ng Rental Assistance Demonstration Program (RAD).

    Karapatan ng Residente na Bumalik Ipinagbabawal ng mga tuntunin ng RAD Program ang anumang permanenteng hindi kusang-loob na relokasyon ng mga residente bunga ng pag-convert. Ang mga residenteng pansamantalang nailipat ng tirahan ay nananatiling may karapatang bumalik sa property (bahay/lupa) kapag natapos na ang konstruksiyon at ang mga yunit ay nasa disente, ligtas at malinis na mga kondisyon. Ang panahon kung kailan maaaring kailanganin ng mga residente na pansamantalang mailipat ng tirahan ay malalaman sa panahon ng rehabilitasyon o konstruksiyon na partikular sa bawat proyekto. Dagdag pa sa mga tuntunin ng RAD Program, kakailanganin ng SFHA at ng Mayors Office of Housing and Community Development (Tanggapan ng Mayor para sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Komunidad, MOHCD) na bawa't Development Team ay magsagawa ng isang kasunduan ukol sa pagpapaupa ng lupa at isang kasunduan sa pagbili at pagbibili na siyang magtatakda ng mga obligasyon at responsibilidad ng Developer na tumupad sa lahat ng kinakailangan sa relokasyon at karapatang bumalik sa ilalim ng RAD Program. Ang bawa't Development Team ay may makabuluhang karanasan sa pangangasiwa sa relokasyon ng tirahan, kasama na ang pangangasiwa ng Federal Uniform Relocation Assistance (Pantay-pantay na Tulong ng Pederal sa Relokasyon) at Real Property Acquisition Policies (Mga Patakaran sa Pagkakaroon ng Ari-ariang Di-natitinag) Act of (Batas ng) 1970, ayon sa pagsusog (URA) tulad ng binibigyang-diin sa Exhibit 11. Hangarin

    Ang hangarin ng planong ito ay mabawasan ang mga kahirapan sa relokasyon at matiyak na ang bawat residenteng lumilipat nang dahil sa isang aktibidad sa proyektong RAD ay mabigyan ng ganap na tulong kung saan karapat-dapat ang residente. Magiging kinakailangang bahagi ng RAD conversion ang relokasyon upang makamit ang antas ng mga capital improvement (pagtatayo o pag-aayos/pagpapaganda ng bahay/lupa) na kinakailangan sa bawat property (bahay/lupa) sa RAD portfolio. Tapat ang MOHCD at SFHA sa talagang sinadyang proseso ng relokasyon na may mga sumusunod na layunin:

  • Pahina 3 ng 95

    Bawasan ang pagkaantala sa mga apektadong sambahayan; Mahusay na magamit at maisaayos ang mga limitadong mapagkukunan; Malinaw na maipasabi ang mga karapatan, benepisyo at responsibilidad ng

    lahat ng partido; at, Sundin ang lahat ng kaukulang batas at regulasyon sa mga antas na

    pederal, pang-estado, at lokal. Gagabayan ng tatlong priyoridad ang estratehiya sa RAD na relokasyon:

    1. Walang hindi kusang-loob na permanenteng relokasyon. 2. Pansamantalang relokasyon na limitado ang tagal hangga't maaari. 3. Relokasyon ng mga nangungupahan sa site kung saan at kung kailan

    maaari. Background

    Noong Disyembre 2012, ipinagbigay-alam ng Department of Housing and Urban Development (Kagawaran sa Pabahay at Pagpapaunlad ng Lungsod, HUD) ng U.S. sa Housing Authority of the City and County of San Francisco (SFHA) na naideklara na ito bilang isang ahensiyang problemado. Bunga ng pagkakatalagang ito, sa kanyang talumpati sa State of the City noong Enero 2013, nanawagan si Mayor Edwin Lee para sa isang prosesong pangkomunidad upang makatulong sa pagbabago ng Housing Authority of the City and County of San Francisco. Sa loob ng ilang buwan, nagpulong ang mga kinatawan mula sa 72 organisasyon kabilang ang mga residente, mga non-profit na service provider, mga developer ng abot-kayang pabahay, mga lokal na unyon ng manggagawa, mga dalubhasa ng pribadong sektor sa development at mga kinatawan mula sa HUD upang talakayin ang mga estratehiya sa pagpapahusay sa paghahatid n mga serbisyo sa mga residente ng pampublikong pabahay. Isang detalyadong ulat at plano ng aksiyon ang resulta ng prosesong ito: SFHA Re- Envisioning (Panibagong Pagtanaw sa SFHA). Nakasaad sa ibaba ang pangunahing resultang natukoy sa ulat na ito. Bunga ng malubhang pagbaba ng pondong pederal sa paglipas ng mga taon, ang SFHA sa kasalukuyang kabuuan ay hindi sapat na makapaghahatid ng mga serbisyong pabahay sa mga residente nito. Dapat na iangkop ng SFHA ang 75 taong balangkas ng organisasyon nito, pangangasiwa, at modelo ng pabahay upang maging mas propesyonal, may-pananagutan at walang itinatagong provider ng pabahay na nakatutugon sa komplikado at iba't ibang pangangailangan ng mga residente nito. Upang makapaghatid ng de-kalidad na pabahay at mga serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng residente, kakailanganin ng SFHA na makabuo ng pinahusay na pakikipagsamahan sa Lungsod at County ng San Francisco, HUD, mga developer ng abot-kayang pabahay, mga organisasyong nakabase sa komunidad at mga residente ng SFHA.

  • Pahina 4 ng 95

    Ang mga rekomendasyon sa Re-Envisioning Report (Ulat ng Panibagong Pananaw) ay bumabagsak sa anim na kategorya. Tumutugon ang RAD na Plano ng Relokasyon at Paglipat sa mga rekomendasyon na may kinalaman sa Pagpopondo at Muling Pamumuhunan (Financing and Recapitalization). Inatasan ng mga rekomendasyong ito ang SFHA na makipagtulungan sa MOHCD para masuri ang mga panggusaling kondisyon ng lahat ng property ng SFHA at bumuo ng isang modelo para matugunan ang mga pisikal na pagpapabuti at pag-upgrade ng mga panggusaling kondisyon. Napag-alaman sa pagsusuri ng MOHCD na malaking bilang ng mga property ng pampublikong pabahay ang naipagpapaliban ang pagpapanatili at nangangailangan ng malalaking capital improvement (pagtatayo o pag-aayos/pagpapaganda ng bahay/lupa). Natukoy sa pinakahuling pagsusuri ng mga pisikal na pangangailangan ang $270 milyon na mga agarang pangangailangan para sa pagpapanatili ng lahat ng property. Dagdag pa, gaya ng naisulat sa mga hiwalay na pag-odit at sa pamamagitan ng opinyon ng stakeholder, hindi mahusay ang mga serbisyo sa pamamahala ng property na humahantong sa mataas na bilang n