14
Retorikal Devices o Pangatnig

Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Retorikal Devices o Pangatnig

Retorikal Devices o Pangatnig

Page 2: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Pangatnig•Pangatnig-ang tawag sa mga

kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap.

Page 3: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

• at, pati, saka, o, ni, maging, pero, ngunit, subalit, kung, nang, bago, upang, para, kapag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana atbp.

Page 4: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Pamukod• ginagamit sa pagbukod o pagtatangi

ng mga kaisipan, gaya ng:, o, ni, maging, at man.

• Hal: Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.

• Ligtas kayo dito sa kidlat, kulog, ni bagyo ay hindi kayo matatamaan.

Page 5: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panubali• - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan,

gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.

• Hal:Kung uulan, hindi matutuloy ang aming pagkikita.

• Matutuwa ako pag sinagot ako niya.

Page 6: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Paninsay• Ginagamit ito pag ang pangungusap ay

Magkasalungat ang kaispian Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, bagamat,samantala, kahiman, kahit.

Hal: Maganda nga ang kaibigan mo bagamat suplada naman.

• Mahal ko siya ngunit may mahal siyang iba.

Page 7: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Pananhi• Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran

para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

• Hal: Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

• Nagpakasal si Erika sapagkat siya ay nabuntis.

Page 8: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panapos• - nagsasabi ito ng nalalapit

na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.

Page 9: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panapos•Hal: Sa di-kawasa, ang

pulong ay tinapos na.•Sa wakas, natapos na ang

aking paghihirap.

Page 10: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panlinaw• ginagamit ito upang ipaliwanag ang

bahagi o kabuuan ng isang banggit.

• ginagamit upang linawin ang sinabi na.

• Hal: Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.

Page 11: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panimbang• ginagamit sa paghahayag ng karagdagang

isipan, gaya ng: at, at - saka, pati, kaya.

• Hal: Sina JanJan at Nielson ay nagpunta sa UM.Bumili ako ng kwaderno pati na ng aklat.

Page 12: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Pamanggit • gumagaya o nagsasabi lamang

ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.

• Halimabawa: Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.

• Maglalakad raw si Ryan papuntang paaralan.

Page 13: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

Panulad

• tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.

• Hal: Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon.

• Kung sino ang iyong nirespeto, siya rin ang rerespeto sayo.

Page 14: Retorikal Devices o Pangatnig_lionel_final

•5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at panulong na sugnay.

• Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang aklat.

• Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa ak;at, hindi ko iyon binili.