37
Rights-Based Approach (RBA) sa Debelopment Mga batayang konsepto at prinsipyo PhilRights/PAHRA

Rights-Based Approach (RBA) sa Debelopment

  • Upload
    bing

  • View
    48

  • Download
    9

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Rights-Based Approach (RBA) sa Debelopment. Mga batayang konsepto at prinsipyo PhilRights/PAHRA. Konsepto ng Debelopment. Ebolusyon ng konsepto ng debelopment ☼ ekonomikong paglaki na sinusukat sa paglaki ng GNP, abanteng teknolohiya, pagliit ng sektor ng agrikultura - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Rights-Based Approach (RBA)

sa Debelopment

Mga batayang konsepto at prinsipyo

PhilRights/PAHRA

Page 2: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Konsepto ng Debelopment

• Ebolusyon ng konsepto ng debelopment

☼ ekonomikong paglaki na sinusukat sa paglaki ng GNP, abanteng teknolohiya, pagliit ng sektor ng agrikultura

☼ ekonomikong paglaki + modernisasyon kasama ang pagbabago ng pag-iisip, pinapahalagahan, aktitud na tulad ng mga kanluranin

Page 3: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Konsepto ng Debelopment

☼ pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan at paghasa ng kakayahan ng tao at ng mga komunidad

☼ pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng tao at pagkakaroon ng redistribusyon ng yaman ng lipunan

Page 4: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment
Page 5: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Konsepto ng Debelopment

• Implikasyon ng mga naunang konsepto ng debelopment, ang pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng mga programa, serbisyo at proyekto ng gobyerno ay:

Walang kaugnayan sa pagtugon ng Estado sa mga karapatang pantao ng mamamayan – needs vs. rights

Nakasalalay sa prayoridad ng estado

Page 6: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Konsepto ng Debelopment

Nakadepende sa pagkakaroon ng kinakailangang yaman (resources)

Nalilibre ang mga opisyal ng gobyerno mula sa kanilang pananagutan o accountability

Nalilimita ang taumbayan at komunidad sa pagiging simpleng tagatanggap ng serbisyong ibinibigay ng estado

Page 7: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Debelopment mula sa perspektiba ng karapatang

pantaoArt. 1 - UN Declaration on the Right to

Development

Ang debelopment ay:

“isang komprehensibong prosesong ekonomiko, sosyal, kultural at pulitikal, na naglalayon sa palagiang pagpapabuti ng kagalingan ng buong populasyon at lahat ng indibidwal, batay sa kanilang aktibo, malaya at makabuluhang partisipasyon sa debelopment at sa patas na distribusyon ng mga benepisyo nito.”

Page 8: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Debelopment ay isang prosesong nakatuon di lamang para matugunan ang pangangailangan kundi para maisakatuparan ang karapatang pantao (dignidad).

Page 9: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Ugnayan ng Debelopment at HR

KarapatangPantaoDebelopment

KarapatangPantao

Debelopment

Page 10: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

GOAL NG RBA

Paggalang sa Dignidad ng TaoPagtiyak na tinatamasa ang lahat ng karapatan…..

-Bilang indibidwal-Bilang bahagi ng komunidad at bilang isang komunidad-Bilang bahagi ng isang sistemang ekolohikal

Bagong Modelo

Page 11: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

1. Nakaugnay sa karapatan

• Mga layunin ng debelopment itinuturing bilang mga karapatan at hindi simple mga pangangailangan at mithiing kailangan tugunan

• Mga layunin ay kinakailangang makamit at mapatupad dahil may mga legal na pinagbabatayan (legally enforceable entitlements)

Page 12: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Sinasalamin ng balangkas ng debelopment ang mga ginagarantiyang internasyunal na karapatan tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay, pagkain, partisipasyong pulitikal, paggawad ng katarungan, personal na seguridad

Page 13: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

2. Pananagutan (Accountability)

• Nakatutok sa pagpapataas ng pananagutan (accountability) sa proseso ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga claim-holders (at kanilang mga karapatan) at & duty-bearers (at kanilang mga obligasyon)

Page 14: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

RBA Strategy

Realization of Human Rights

HR Duty-holders: Obligations to Respect, Protect & Fulfill

HR Claim-holders (Individuals and Groups):

Responsibility to Exercise & Defend

Page 15: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

RBA Strategy

Realization of Human Rights

Accountable Government

Empowered Citizenry

Page 16: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

RBA Strategy

Demand their rights

Strengthen accountability of duty bearers

Strengthen equality and inclusion and fight discrimination

Support people to demand their rights

Duty bearers

Right holders

Fulfill theirobligations

Page 17: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Paglalaan sa debelopment ng mga batas, patakaran, institusyon, administratibong prosidyur at praktika, at mga mekanismo sa pagreklamo at pananagutan na susuporta sa mga karapatan, tutugon sa mga pagkakait at paglabag, at titiyak sa pananagutan.

Page 18: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Sa ilalim ng ICESCR, ang mga Estado ay obligadong gumawa ng mga kagyat na hakbanging para sa progresibong realisasyon ng mga karapatan at isang paglabag kapag ito’y di nagawa ng estado.

Page 19: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

3. Empowerment• Pagbibigay ng prioridad sa mga

estratehiyang nakakapag-empower ng mga tao at komunidad

• Pagtingin sa mga benepisyaryo ng debelopment - mga tao - bilang tagapagmay-ari ng karapatan at direktor ng debelopment

Page 20: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Pagbibigay diin sa tao bilang sentro ng proseso ng debelopment, maging ito’y tuwiran, sa pamamagitan ng kanilang mga tagapagtaguyod (advocates) at sa pamamagitan ng mga organisasyon ng civil society.

Page 21: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

4. Partisipasyon

• Nangangailangan ng mataas na antas ng partisipasyon mula sa mga komunidad, civil society, minorya, katutubo, kababaihan, atbp.

• Dapat maging aktibo, malaya at makabuluhan ang partisipasyon; di pormalidad o seremonyal na kontak sa mga benepisyaryo.

Page 22: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

5. Walang –diskriminasyon at atensyon sa mga bulnerableng grupo

• Pagbibigay ng partikular na atensyon sa diskriminasyon, pagkakapantay-pantay, equity at mga grupong bulnerable kung saan ang komposisyon ay nagbabago sa bawat lipunan

• Nangangailangang paghiwa-hiwalayin ang mga datos sa lahi, relihiyon, etnisidad, kasarian, wika, atp.

Page 23: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Pag-aalis ng mga elemento ng nakapagpapalakas ng mga umiiral na di-balanseng distribusyon ng kapangyarihan sa pagitan hal. ng kalalakihan at kababaihan, panginoong maylupa at pesante, at mga manggagawa at kapitalista.

Page 24: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Elemento ng RBA

• Nakaugnay sa karapatan

• Pananagutan ng pamahalaan

• Pagpapalakas sa mamamayan (Empowerment)

• Partisipasyon

• Walang diskriminasyon at

• Attensyon sa mga bulnerableng grupo tulad ng mga katutubo

Page 25: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Nakaugnay sa karapatang pantao

Pananagutan

(Accountability)

Empowerment

Partisipasyon

Walang diskriminasyon at atensyon sa bulnerableng grupo

Page 26: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Paggamit ng RBA

• Identipikasyon ng mga isyu at pagsusuri sa mga ugat ng problema;

• Identipikasyon ng iba pang isyung may relasyon sa debelopment at sistema ng pamamahala (governance);

• Identipikasyon ng mga sangkot na karapatan at kinauukulang entitlements;

Page 27: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Paggamit ng RBA

• Identipikasyon ng mga sektor/grupong apektado ng mga isyu;

• Identipikasyon ng katangian at lebel ng obligasyon ng Estadong may kaugnayan sa mga karapatan;

• Identipikasyon ng kasangkot na duty-holder o mga opisyal, ahensya, institusyon ng gobyernong may pananagutan sa KP.

Page 28: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Paggamit ng RBA

• Identipikasyon ng claim-holder at ang kanilang partisipasyon at mga responsibilidad;

• Identipikasyon ng iba pang stake-holders, kanilang partisipasyon at responsilidad;

• Identipikasyon ng mga aplikableng pamantayan sa KP batay sa normative content ng mga karapatan;

Page 29: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Paggamit ng RBA

• Identipikasyon ng mga sukatang nakabatay sa karapatan;

• Identipikasyon at pagdebelop ng mga proyekto/inisyatibang nakabatay sa KP;

• Pagdebelop ng mga sistema ng performance management na nakabatay sa KP.

Page 30: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Paggamit ng RBAID ng Isyu at

Ugat

ID ng KatangianNg Obligasyon

Ng Estado

ID/Pagprogramang mga Aplikableng

Pamantayan

ID ng mga kaug-nay na isyu sa

Debelopment atGovernance

ID ng mga ‘ApektadongKarapatan

ID ng sektor/grupo& paano apektado

ang mga babaeat lalaki

ID kaukulang Duty-Holder & Kaugnay ng

Mandate

ID ng mga Rights-Based

Measures

ID ng Claim-Holder, mga ka-

Partner at Respon-sibilidad

ID ng ibang stake-Holder, mga part-Ner at responsibi-

lidad

Pagdebelop ng Rights-basedPerformance

Mgmt system

ID at mga pro-yekto/inisyatibaBatay sa karapa-tan sa dev.

Page 31: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Maikling PagsasanayCase Study

Noong 2007, nabigyan ang Royalco Philippines, ng exploration permit para sa Barangays ng Pao at Kakidugen sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Dahil sa hindi sapat na konsultasyon at proseso ng pagkuha ng consent (Free Prior Informed Consent) at dahil hindi rin nakonsulta ang ibang katutubong grupo sa lugar, maraming residente ang tumutol sa nasabing proyekto at nagtayo ng barikada upang mapigilan ang pagpasok ng kumpanya sa nakatakdang exploration site.

Page 32: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Maikling PagsasanayCase Study

Bukod dito, iginigiit ng mga taga-Pao at Kakiduguen na ayaw nila ng pagmimina dahil sa bantang panganib nito sa kanilang mga lupain, sa pinagkukunan ng tubig, at sa kalikasan. Ayon sa kanila, mas gusto nilang tulungan sila ng gobyernong paunlarin ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa agrikultura at pagpapagawa ng mga kinakailangang imprastruktura.

Page 33: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Maikling PagsasanayCase study matrix

Isyu Sektor Karapatan

Duty-bearer

State obligation

Polisiya at Programa

Responsi-

bilidad ng rights-holders

Page 34: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Mga Hamon at Isyu

• Kakulangan ng pagkilala at pagsasa-praktika

• Globalisasyong neo-liberal at ‘corporate greed’

• Militarismo at ang gyera laban sa terorismo

• Power structure sa lipunan• Pagkasira ng kalikasan

Page 35: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Tugon

• Awareness raising and capability building on Human Rights

• Engagement with the government

• Maximization of national and international venues and redress mechanisms (justiciability)

• Organizing human rights defenders

Page 36: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Sanggunian

• United Nations. Declaration on the Right to Development, 1986.

• John Brohman. Popular Development: Rethinking the Theory & Practice of Development. 1996.

• Michael P. Todaro. Economic Development. 2000. 7th ed.

• Commission on Human Rights. The Rights-Based Approach to Development.

• CHR, UP NCPAG & UNDP. Rights-Based Approach Orientation Training Manual. 2006.

Page 37: Rights-Based Approach (RBA)  sa Debelopment

Maraming salamat!