8
Si Mang Pepeng Sorbetero Hayan na! hayan na ang sorbetero,Mang Pepe. Ano po ang halo ngayon? Ube at langka, iha. Malutong po ba ang apa ninyo? Aba,oo. Bagung-bago. Daig ang Prima Sorbetes. Saan po ba kayo maglalako ng sorbetes? Sa Palmera Subdibisyon at sa mga katabing barangay. Alam po ninyo, talagang masarap ang inyong sorbetes,kaya po naming lagi itong inaabangan. Maaari po ba kaming magdagdag ng kaunti, Mang Pepe? Binola pa ninyo ako. Sige na nga dadagdagan ko na kayo. O, bakit pati ang aso ninyo ay nakapila pa rin? Yipee! Talagang ang bait ni Mang Pepe. Boomer! Boomer,huwag ka nang pumila riyan.

Si Mang Pepeng Sorbeter1

  • Upload
    zyrish

  • View
    323

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kwento

Citation preview

Si Mang Pepeng SorbeteroHayan na! hayan na ang sorbetero,Mang Pepe. Ano po ang halo ngayon? Ube at langka, iha. Malutong po ba ang apa ninyo? Aba,oo. Bagung-bago. Daig ang Prima Sorbetes. Saan po ba kayo maglalako ng sorbetes? Sa Palmera Subdibisyon at sa mga katabing barangay. Alam po ninyo, talagang masarap ang inyong sorbetes,kaya po naming lagi itong inaabangan. Maaari po ba kaming magdagdag ng kaunti, Mang Pepe? Binola pa ninyo ako. Sige na nga dadagdagan ko na kayo. O, bakit pati ang aso ninyo ay nakapila pa rin? Yipee! Talagang ang bait ni Mang Pepe. Boomer! Boomer,huwag ka nang pumila riyan.Mga Tanong:1. Sinu-sino ang mga batang naglalaro?2. Sino ang inaabangan nila?3. Ano ang pangalan ng kanilang alagang hayop?4. Saan-saan pa siya maglalako ng kaniyang paninda1. Sino ang nagtitinda ng sorbets? prramosPaano Lumaki ang PalakaKaramihan sa mga palaka ay nangingitlog sa mga nakalutang na dahon sa sapa at iba pang maliliit na katubigan. Ang iba ay nangingitlog sa putik. Dinala naman ng iba ang itlog sa kanilang likod.Kapag napisa ang itlog na palaka,sila ay tinatawag na ulo-ulo. Nabubuhay sila sa tubig. Sila may hasang at buntot ngunit wala silang paa. Ang pagiging ulo-ulo ay nagtatagal ng dalawang buwan,depende sa uri ng palaka. Unti-unti,ang ulo-ulo ay nagbabago. Ang buntot nio ay unti-unting nawawala. Sa huli, ang unahan at paa sa likod ay unti-unting lumilitaw at nawawala naman ang hasang at napapalitan ito ng baga. Ang batang palaka ay aahon mula sa tubig upang sumagap ng hangin sa lupa. 1. Saan nangingitlog ang karamihan sa mga palaka?2. Anong tawag sa mga palakang bagong pisa sa itlog?3. Gaano katagal ang pagiging ulo-ulo?2. Saan humihinga ang mga palaka? prramosMga Kilalang Pook sa PilipinasAng Pilipinas ay ating bansa. Maraming magagandang pook dito. Ang bayan ng Calamba sa Laguna ay isa sa mga kilalang pook dito sa bansa. Dito ipinanganak si Gat. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani.Ang Fort Santiago ay kilala ring pook. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Gat Jose Rizal. Ngayon,isa na itong napakagandang pasyalan.Ang Luneta o Rizal Park ay kilala ring pook. Kilala ito sa buong Pilipinas. Dito binaril ng mga Espanyol ang ating pambansang bayani. Ngayon,isa na ito sa pinakamalaki at pinakamagandang pasyalan sa bansa.1. Saan binaril ng mga Espanyol si Gat Jose Rizal?2. Saan ipinanganak si Gat Jose Rizal?Saan ikinulong si Gat Jose Rizal?3.Ano ang tawag sa mga lugar na binanggit sa kwento? prramos

Ang Langggam at ang KalapatiIsang araw, nakita ng kalapati na nadulas si Langgam sa ilog at ito naanod ng tubig. Kumuha ng dahon si Kalapati at inihulog sa tubig upang makasakay doon si langgam. Nakasakay sa dahon si Langgam at siya nakaligtas na malunod.Lumipas ang ilang araw, may mangangasong dumating. Nakita ng mangangaso ang kalapati. Biglang kinagat ng langgam ang kanyang paa. Yumuko siya. Nakapagtago ang kalapati sa malalagong dahon ng puno. Nagpasalamat si Kalapati sa Langgam.1. Paano tinulungan ni Kalapati si Langgam?2. Paano naman tinulungan ni Langgam si Kalapati?3. Saan kaya naroroon sina Langgam, Kalapati At Mangangaso3. Ano ang ibig sabihin ng mangangaso? ? prramos

Pista ng BayanMasaya ang pista ng bayan. Maraming panauhin sa aming bahay. Naroon sina Mayor Valencia at Konsehal Miral. Nakapamista rin sa amin ang mga pinuno at guro ng aming paaralan. Sina Gng. Ramos at Bb. Adaya. Gayundin sina Tito Raul at Tita Edna,Lola Lenny at Lolo Vincent.Abalang-abala sa pag-aasikaso sa mga panauhin sina Inay at Tatay. Tumulong sina Ate Nica, Kuya Nelson at ang aming mga kasama sa bukid na sina Mang Romy at Aling Cita.Mga Tanong:4. Ano ang pamagat ng kwento?5. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?6. Sinu-sino ang mga naging panauhin sa masayang pista?7. Sinu-sino ang tumulong kina Tatay at Nanay?8. Bakit masaya ang pista ng nayon? prramos

Pagong at si HantikSi Pagong at si Hantik ay magkaibigan. Ngunit isang araw , sila ay nagkagalit. Naisipan nilang pumunta sa kaibigang Kwago upang humingi ng payo.Sabay sa paglalakad ang dalawa kahit bahagyang galit pa sa isat isa. Walang anu-ano biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakita ni Pagong na ginaw na ginaw si Hantik. Naawa naman siya.Halika,Hantik,tawag ni Pagong. Sumilong ka muna sa aking bahay.Hindi ka nag alit sa akin?tanong ni Hantik.Kahit galit pa ako sa iyo ay hindi naman kita matitiis,sagot ni Pagong.Salamat, Pagong,sabi ni Hantik. sa kang tunay na kaibigan.Mga Tanong:1. Saan pumunta sina Pagong at Hantik upang humingi ng payo?2. Ano ang sinabi ni Pagong tanda ng pagiging isang tunay na kaibigan?3. Ano ang sinabi ni Hantik tanda ng paghingi ng tawad? prramos