Sibika5 Reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sibika5 Notes

Citation preview

Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa Espanya

Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa Espanya

Binhi ng Nasyonalismo

Reaksyon ng mga Pilipino sa Pananakop

Hindi lahat ng Pilipino ay sumang-ayon sa pananakop. Maarami sa kanila ang tumutol at nag-alsa sa laban sa mga Kastila.

Nagkaroon ng mahigit 100 pag-aalsa laban sa mga Kastila, karamihan ay naganap sa pagitan ng 1565 1600.

Kahulugan ng Salitang Pag-aalsa

Pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad

Paghingi ng mga pagbabago

Rebelyon

Mga Dahilan ng Pag-aalsa

Pagnanais na maging malaya

Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan

Panrelihiyon

Personal na Dahilan

Pagnanais na Maging Malaya

May mga Pilipino na nais na maging malaya katulad noong bago dumating ang mga Kastila.

Magat Salamat (1587:Tondo)

Lakandula (1574:Tondo)

Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan

Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ang labis na pahirap sa pagbabayad ng tributo, polo, idulto de comercio, pag-aagaw ng mga lupain at monopolyo.

Silang (1762-63:Ilocos)

Matienza (1745-46:Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna)

Panrelihiyon

May mga Pilipino na hindi tumaggap sa Katolisismo at nais balikan ang katutubong relihiyon.

Bankaw (1622:Leyte)

Tamblot (1622:Bohol)

Hermano Pule (1840:Tayabas, Quezon)

Personal na Dahilan

May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang mga personal na karaingan.

Malong (1660-61:Pangasinan)

Dagohoy (1744-1828:Bohol)

Dahilan ng Pagkabigo ng mga Pag-aalsa

Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Makabagong armas ng mga Kastila.

Kawalan ng mga pinunong may sapat na istratehiya at karanasan sa pakikidigma.

Bunga ng Pag-aalsa

Maraming mga Pilipino ang nasawi sa pakikipaglaban.

Namulat ang maraming Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila.

Naging dahilan ang mga pag-aalsa upang umusbong ang diwang Nasyonalismo sa mga Pilipino.

Kilusang PropagandaPagsilang ng Diwang Makabansa

Mga pangyayari noong ika-19 na siglo na naging dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa bansa.

Liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre

Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

Pagbubukas ng Canal Suez

Pagkakaroon ng pangkat na ilustrado

Pagtatatag ng Kilusang Sekularisasyon

Pagbitay sa tatlong paring martir (GOMBURZA)

Kilusang Propaganda

Pagkatapos ng pagbitay kina GOMBURZA, sumidhi ang diwang makabansa ng mga Pilipino. Naghangad sila ng mga repormang panlipunan.

Pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda na bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas.

Layunin ng Kilusang Propaganda

Makaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Spain.

Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.

Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas.

Gawing lalawigan ng Spain ang Pilipinas.

Ipagkaloob sa mga Pilipino ang karapatang pantao at kalayaan sa pagsasalita.

La Solidaridad

Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.

Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena. Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.

Layunin ng La Solidaridad

Itaguyod ang malayang kaisipan at kaunlaran.

Mapayapang paghingi ng mga repormang pulitikal at panlipunan.

Ilarawan ang kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas upang gumawa ng mga hakbang ang Spain na ayusin ang mga ito.

Mga Nobela ni Rizal

Noli Me Tangere (1887)

El Filibusterismo (1891)

Sa mga aklat na ito, tinuligsa ni Rizal ang kasamaan ng mga prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaang Espaol.

La Liga Filipina

Itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas.

Layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Pilipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.

Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang samahan dahil ipinahuli ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol si Rizal noong Hulyo 7, 1892 upang ipatapon sa Dapitan.

Konklusyon

Nabigo ang Kilusang Propaganda dahil hindi dininig ng Spain ang mga karaingan ng mga Pilipino.

Isa rin sa dahilan ng pagkabigo ng kilusan ang kawalan ng pondo upang maipagpatuloy ang mga gawain ng samahan.

Ang pagkabigo ng Kilusang Propaganda ang naging simula ng Rebolusyon.

KATIPUNAN

Paglago ng Diwang Nasyonalismo

PANIMULA

Matapos madakip si Dr. Jose P. Rizal noong ika- 6 ng Hulyo 1892, inisip ng mga Pilipino na hindi na nila makakamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan.

Timeline

Hulyo 7, 1892 itinatag ang KKK (Kataastasang Kagalang galang na Katipuna ng Bayan) Aug 19, 1896 nabunyag ang KKK ng mga Kastila

Aug 24, 1896 Naganap ang sigaw sa pugad lawin sa Balintawak

Aug 30, 1896 sinalakay ng mga Katipunero ang Polverin ng San Jaan

Pagkakatatag ng Katipunan

Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa at Deodato Arellano sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (Claro M. Recto ngayon), Tondo, Maynila ang KKK (Kataastaasan, Kagalang-galang na Katipunan na Anak ng Bayan)

Layunin ng Katipunan

Layunin ng KKK na pag-isahin ang mga Pilipino na makamit ang Kalayaan ng Bansa sa pamamagitan ng isang himagsikan laban sa mga Kastila.

Mga Kasapi ng Katipunan

- Katipun

- Kawal

- Bayani

Katipun

Unang antas ng Katipunero

Kontra-senyas (Password): Anak ng Bayan

Nagsusuot ng itim na hood sa mga pagpupulong.

Maaring maiangat sa antas na Kawal kung makakapaghikayat ng maraming kaanib.

Kawal

Ikalawang antas ng Katipunero

Kontra-senyas (Password): GOMBURZA

Nagsusuot ng berdeng hood sa mga pagpupulong.

Maaring maiangat sa antas na Bayani kung sila ay mahahalal bilang opisyal.

Bayani

Ikatlong antas ng Katipunero

Kontra-senyas (Password): Rizal

Nagsusuot ng pulang hood sa mga pagpupulong.

Binubuo ng mga pinuno ng Katipunan

Pacto de Sangre

Ang ritwal na ginagawa sa mga taong nais na maging kasapi ng Katipunan.

Ito ay ginagawa sa isang lihim na silid na kung tawagin ay Camara Negra (Dark Chamber)

Ito ay nagsisimula sa isang pagsubok at nagtatapos sa paglagda sa kasunduan gamit ang sarili nilang dugo.

Ang Kalayaan

Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan.

Kabilang sa mga artikulo na nailimbag ay ang Manifesto ni Emilio Jacinto (Dimas Ilaw) at ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio (Agapi-to Bagumbayan).

Pagkakatuklas ng Katipunan

Nabunyag ang lihim ng Katipunan nang ikinumpisal ito ng kapatid ni Teodoro Patio kay Padre Mariano Gil noong August 19, 1896.

Sa ginawang paghahalughog sa palimbagan ng Diario de Manila, natuklasan ang mga patalim, resibo at dokumento ng Katipunan.

Sigaw sa Pugadlawin

Pagkatapos mabunyag ang lihim ng Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga Katipunero sa Balintawak noong Augusto 24, 1896. Dito napagkasunduan na simulan agad ang himagsikan at pinagpupunit ang kanilang sedula at sumigaw ng Mabuhay ang Katagalugan!.

Unang Labanan para sa Kalayaan

Noong August 30, 1896, sinalakay ng mga Katipunero ang polverin ng mga Kastila sa San Juan, Manila. Bagamat natalo, ito ang naging hudyat ng mga Pilipino para sa malawakang himagsikan para sa kalayaan.

Kasunod nito ipinag-utos ni Gob. Hen Jose Blanco nailagay sa ilalim ng batas militar ang walong lalawigan sa Luzon - Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.

KALAYAAN

Bunga ng Nasyonalismo

Timeline

Marso 22, 1897 itinatag ang Republika ng Pilipina sa Tejeros San Francisco de Malabon (General Trias)Cavite

Nobyembre 1,1897 itinatag ang Republika ng Biak na Bato sa San Miguel Bulacan

Disyembre 14, 1897 Nilagdaan and kasunduan sa Biak ng Bato

Mayo 19, 1898 Bumalik sa Pilipina si Emilio Aguinaldo at tinatag ang Pamahalaang Diktatoryal

June 12, 1898 ipinahayag angKasarinlan ng PIlipinas sa Cavite del Viejo (kawit) Cavite.

Kombensyon sa Tejeros

Itinatag ang Republika ng Pilipinas bilang kapalit ng Katipunan.

Nahalal bilang pangulo si Emilio Aguinaldo. Nahalal naman bilang Direktor Interyor si Andres Bonifacio ngunit tinutulan ni Daniel Tirona na naging dahilan ng pagpapawalang bisa ni Bonifacio sa naganap na pagpupulong.

Republika ng Biak-na-Bato

Pinulong ni Aguinaldo ang kanyang mga pinuno upang bumuo ng isang Saligang Batas. Sinulat ito nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer at pinagtibay noong Nob. 1, 1897. Kasabay nito, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato at itinalaga ang mga nahalal na pinuno.

Kasunduan sa Biak-na-Bato

Namagitan si Pedro Paterno upang magkaroon ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino.

Nilagdaan nina Aguinaldo at Gob. Hen. Fernando Primo de Rivera ang Kasunduan sa Biak-na-Bato noong Disyembre 14, 1897.

Kapwa hindi tumupad sa usapan ang magkabilang panig.Mga Probisyon ng KBB

Ititigil ng mga pinuno ng rebolusyon ang labanan at maninirahan sa Hong Kong.

Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsusuko ng mga armas.

Magbabayad ang Espanya ng kabuuang halagang 1,700,000 pesos sa mga rebolusyonaryo.

Pagpapatuloy ng Himagsikan

Bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo at itinatag ang Pamahalaang Diktaturyal noong Mayo 19, 1898. Sa tulong ng mga Amerikano, ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang labanan para sa kalayaan.

Pinaghandaan din ng pamahalaan ang pagpapahayag ng kasarinlan ng bansa.

Pagpapahayag ng Kasarinlan

Sa isang makulay na seremonya, ipinahayag ang Kasarinlan ng Pilipinas sa Cavite del Viejo (Kawit), Cavite noong Hunyo 12, 1898.

Binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ang Acta de Independencia habang winagayway ni Gen. Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na gawa ni Marcela Agoncillo.