55
Sinaunang Paniniwala at kaugalian Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay. Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba- iba ang mga katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhan ang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya; Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatan ayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Ang seremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilang katalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae na pinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba. Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mga sinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ng mga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan (catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal. Pauupuin ang ikakasal na magkaharap Kababaihan sa Pilipinas Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya (Idinirekta mula sa Dalagang Pilipina )

Sinaunang paniniwala at kaugalian

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sinaunang Paniniwala at kaugalian

Mataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog at halamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis na hayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’t inaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao na namamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbay patungo sa kabilang buhay.

Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mga katawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mga Ilokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhan ang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya; Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatan ayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Ang seremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilang katalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae na pinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba.

Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mga sinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ng mga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan (catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal. Pauupuin ang ikakasal na magkaharap

Kababaihan sa PilipinasMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

(Idinirekta mula sa Dalagang Pilipina)

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Page 2: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Isang babaeng Tagalog (nasa kanan) na nilalarawan sa Boxer Codex ng ika-16 daantaon.

Ang gampanin ng mga kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino. Kung ihahambing sa ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, palagiang nakakatamasa ng mas malaking antas ng kapantayang makabatas ang mga kababaihang nasa lipunan ng Pilipinas.[1][2][3][4]

[baguhin] Katayuan bago maging kolonya

Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o dibosiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago dumating ang mga Kastila, maaari ring makamit ng mga Pilipinong babae ang katayuang babaylan, mga babaeng manggagamot o mataas na babaeng pari at astrologa.[4][5][6][7]

Page 3: Sinaunang paniniwala at kaugalian

DiwataMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Diwata&oldid=919618"

Sa mitolohiyang Pilipino, ang Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto (fairies) o nimpa (nymph). Sinasabing naninirahan sila sa mga puno, katulad ng aksiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong nagbibigay ng benipisyo o pinsala sa mga gubat at mga bundok. Ito ang baybay Filipino ng Sanskrit na salitang devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na dev, nangangahulugang diyos.

Page 5: Sinaunang paniniwala at kaugalian

AnimismoAng animismo ay isang katutubong paniniwala na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng

mundo. Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mga

mabuti at masasamang ispirito at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o

dili naman kaya’y sambahin.

Nilalaman

[itago]

1 Deskripsyon

2 Mga Kilalang Diyos

3 Pagsamba sa mga Ispirito

4 Mga Tagapanguna sa Pagsamba

5 Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon

6 Sanggunian

7 Pagkilala

Deskripsyon

Ang animismo ay laganap sa Pilipinas noong pahanong bago dumating ang mga Kastila. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si “Bathala,”

Page 6: Sinaunang paniniwala at kaugalian

habang ang iba namang mga ispirito ay mga “diwata” at “anito”. Ito ay kaugnay din sa pagsamba sa kalikasan, sapagkat pinaniniwalaang ang mga anito ay nakatira sa mga puno, bato, hayop at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran.

Mga Kilalang Diyos

Maliban kay Bathala, may iba pang mga sinasabi ang mga animista ng sinaunang panahon. Ang ilan sa mga diyos na sinasamba ay sina Adlaw (araw), Tala (bituin) at Mayari (buwan), na siyang tatlong anak ni Bathala. Kabilang din sa listahang ito sina Lakampati, na siyang diyos ng mga pananim, Hayo, na diyos ng karagatan, at Anitong Tabo, na siyang diyos ng ulan at hangin. Sa Bisayas naman ay sinasamba ang diyos na si Kanlaon, pati sina Maguayan na diyos ng dagat at Kaptan na diyos ng hangin.

Pagsamba sa mga Ispirito

Ang mga ispiritong ginagalang ng mga animista ay maaaring mga ispiritong nagmula sa kalikasan, at mayroon din namang mga ispirito ng kanilang mga ninuno. Para sa kanila, ang pagsamba sa mga ispirito ay magdudulot ng magagandang bunga, tulad ng mas maunlad na pananim at magandang panahon. Kinakailangan nilang gumawa ng mga bagay, katulad ng pag-alay sa mga ispirito, upang mapabuti ang kalooban ng mga ispirito sa kanila. Ang mga masasamang ispirito naman, ayon sa kanila, ay dapat iwasan o di kaya’y bigyan din ng mga alay, upang hindi sila magdulot ng mga panganib at sakuna.

Mga Tagapanguna sa Pagsamba

Ang mga taong nangunguna sa mga ritwal ng animismo ay tinatawag na mga babaylan at catalonan. Sila ang nangunguna ng mga ritwal ng pangungusap sa mga ispirito. Karaniwang gumagamit sila ng mga awit at sayaw upang simulan ang ritwal. Ang mga babaylan at catalonan ay lubusang ginagalang sa komunidad, at bahagi din ng kanilang mga gawain ay ang pagbibigay lunas sa mga karamdaman at ang pagbibigay ng payo ukol sa paggawa ng mga importanteng desisyon. Karamihan sa mga babaylan ay mga kababaihan.

Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon

Ngayon, tinatayang may dalawang porsyento pa rin ng mga Pilipino ang animista. Karamihan sa mga animista sa Pilipinas sa kasalukyan ay mga pangkat na katutubo. Maski na rin halos lahat ng mga Pilipino ay mga Katoliko, may mga paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga paniniwalang animismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa

Page 7: Sinaunang paniniwala at kaugalian

masasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Ang mga paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing ugat din ng animismo.

Pati ang paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo. Ang pag-aalay ng itlog sa istatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan ay isang halimbawa nito.

SanggunianAnimism Profile, http://www.omf.org/omf/cambodia/about_cambodia/animism_profileAnimism, http://encyclopedia.jrank.org/ANC_APO/ANIMISM_from_animus_or_anima_mi.html Animism, http://www.themystica.com/mystica/articles/a/animism.htm Animism, Sacred Texts http://www.sacred-texts.com/sha/anim/anim04.htm

Sinaunang Panahon ng Pilipinas(Inilihis mula Sinaunang Panahon ng Filipinas)

Bago pa pangalanang Filipinas ang bansa, marami nang naganap sa iba't ibang

panig ng kapuluan na pawang kakikitaan ng pag-iral ng mga sinaunang tao. Ayon sa

antropologong si Jesus T. Peralta, tinatayang may 6,000–8,000 BK taon na ang

nakalilipas nang umiral ang mga sinaunang tao sa kapuluan. At mapatutunayan ito

sa pamamagitan ng mga antigong kagamitan at palayok na nahukay sa lupa o

nasisid sa dagat.

Mga pananaw

Dalawang pangunahing pananaw o teorya ang makapagpapaliwanag hinggil sa paglitaw ng mga sinaunang tao sa kapuluan. Una, ang daloy ng wikang Austronesyano ay maaaring nagmula sa Formosa at Timog Tsina noong 5000 BK, tumawid sa hilaga ng Filipinas, at bumaba pa-silangan tungong kalapit na mga bansa. Ikalawa, nagsimula ang paglaganap ng wikang Austronesyano mulang timog ng Filipinas at hilagang Indonesia, saka lumaganap pa-silangan tungong ibang pook sa Pasipiko.

Panahon ng palayok

Matatagpuan din sa kapuwa dulong hilaga at dulong timog ng Filipinas ang pinakamatandang uri ng piraso ng palayok, ayon kay Alexander Spoehr. Sa Isla

Page 8: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sanga-sanga ay may natuklasang mga piraso ng palayok at takupis na tinatayang nasa panahong 5955–5520 BK. Samantala, natagpuan sa Yungib Laurente ang mga bahagi ng sinaunang anyo ng sasakyang pandagat at ilang palayok at kagamitang nasa panahong 5880 BK. Matatagpuan ang nasabing yungib sa munisipalidad ng Penablanca, Lambak Cagayan. Higit pa rito ang tanda ng natuklasang ang mga antigong palayok at lumaganap noong 4,000 at 5,000 BK. Tinirahan na umano ang nasabing yungib noong 1600 BK. Samantala, ang pinakamatandang panahong lumitaw ang palayok sa Filipinas ay tinatayang nasa 4475–4425 BK, ayon kay Robert Fox.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Panitikan sa PilipinasMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Isang halimbawa ng pantikang Pilipino ang Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at ng Caniyang mga Nacasama na isinulat ni Honorio Lopez noong 1912.

Page 9: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Malawakang bahagi ng buhay pampanitikan ng mga Pilipino ang nobelang Noli me Tangere (c. 1887) ng kanilang pambansang bayaning si Dr. José Rizal.

Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3], sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pangtelebisyon at pampelikula[3][4][5]

[baguhin] Kahulugan ng Panitikang Pilipino

Pangunahing lathalain: Panitikan

Page 10: Sinaunang paniniwala at kaugalian

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.[6]

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.[6]

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6]

[baguhin] Mga katangian ng Panitikang Pilipino

Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6]

Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4]

Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.[3] Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4]

[baguhin] Kahalagahan ng Panitikang Pilipino

May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.[4]

Page 11: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.[4]

[baguhin] Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pagkakaroon ng kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino.[4] Bilang isang kurso sa paaralan, dalubhasaan, o pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas ng makasaysayang pananaw. Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng Panitikang Pilipino, paglinang nito, mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1]

[baguhin] Pag-uuring pampanitikan

[baguhin] Mga paraan ng pag-uuri

May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan o anyo.[3]

[baguhin] Ayon sa paghahalin

May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3]

[baguhin] Pasalindila

Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.[3]

[baguhin] Pasalinsulat

Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad nito.

[baguhin] Pasalintroniko

Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder (tulad ng tape recorder

Page 12: Sinaunang paniniwala at kaugalian

at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang kompyuter.[3]

[baguhin] Ayon sa anyo

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.[3]

[baguhin] Patula

Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito:[3]

Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at ang balad.

May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.

May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama.

May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3]

[baguhin] Patuluyan

Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.[3]

Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.[3]

[baguhin] Patanghal

Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa

Page 13: Sinaunang paniniwala at kaugalian

moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3]

[baguhin] Sinaunang Panitikang Pilipino

Pangunahing lathalain: Sinaunang Panitikan sa Pilipinas

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan.[3][5] Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5]

[baguhin] Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag

Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong pampanitikan: ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.[7]

[baguhin] Paraang historikal

Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas.[7]

Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan ng Pilipinas: ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spanish Colonial Period (1400-1600), ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898), Panahon ng mga Amerikano o American Occupation (1898-1946), at ang Pangkasalukuyang Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial Period.[7]

Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo ang unang gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pangliteraturang mga teksto.[7]

[baguhin] Paraang pormalistiko

Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at pagpapaliwanag – maging pagsulat – ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.[7]

Page 14: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon, pagsubok o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya[8]) ang pamamaraan ng pagbasa ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga ang makapampanitikan o literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at patutunguhan o direksyon ng mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuunan ng pansin dito ang pagkakaroon ng pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon mismo sa pinakateksto.[7] kkk

Kinuha mula sa "http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Panitikan_sa_Pilipinas&oldid=1175791" Kategorya:

Page 15: Sinaunang paniniwala at kaugalian
Page 16: Sinaunang paniniwala at kaugalian
Page 17: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino

Home

Ang Pilipinas

Ang Pananakop ng mga Dayuhan

Contact Me

Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Sinaunang Pamumuhay ng mga Pilipino

Marming Salamat!!!

Sinaunang Pamahalaan

PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukumanPINUNO: Rajah, Datu, SultanTungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol, nagbibigay ng parusa,  pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan, Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider sa pananampalataya, atbp...Mga Batas:Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging alipin, kamatayan, atbp.Lipunan:Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu.Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao.Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa).Pananampalataya:Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal, at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos.Mga Pamahiin:Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp...panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak, paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig.Wika at Panulat:May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5 ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o pinatulis na bakal.

Page 18: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Alibata

L A R A W A N N G M G A S I N A U N A N G B A H A Y S A PILIPINASIsa sa mga yungib sa Tabon, Palawan, paulit-ulit na tinitirhan ng iba’t ibangpangkat ng mga unang tao sa Pilipinas simula 24,000 taon, maaaring higit pa,sa nakaraan.Sa mga ilonggo’t kalinga, ang kanilang bahay ay nasa itaas ng mga punungkahoy.

Page 19: Sinaunang paniniwala at kaugalian
Page 20: Sinaunang paniniwala at kaugalian

  A n g m g a S a m a l a y n a g t a t a y o n g m g a t i r a h a n s a m a b a b a w n a b a h a g i n g d a g a t . Matataas na kawayan ang haligi nito upang hindi abutin ng tubig-dagat ang sahigkung tumataas ang tubig-dagat.Ang mga Ifugao ay nakatira sa bahay na yari sa kahoy at pawid at nakaangat salupa. Wala itong bintana. May hagdan ito na yari sa kahoy. Inaalis ito kung sila aymatutulog o kaya ay aalis ng bahay.

Page 21: Sinaunang paniniwala at kaugalian
Page 22: Sinaunang paniniwala at kaugalian

  Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang bahay.

Page 23: Sinaunang paniniwala at kaugalian

tl.wikipedia.org/wiki/Kuwebang_Tabon

Kultura ng PilipinasMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Page 24: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Nangangailangan ang lathalaing ito ng mga karagdagang mga pagbanggit ng mga batayan para mapatunayan.Pakitulong lamang na mapainam pa ang lathalaing ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas matibay na mga sanggunian. Maaaring hamunin ang katotohanan at alisin ang mga kabatirang walang sanggunian. (Setyembre 2010)

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino

Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.

Kaugaliang Pilipino

Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang

Page 25: Sinaunang paniniwala at kaugalian

nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan

Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. citation needed Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.citation

needed Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang

mga sinabi nitong mga salita o pan

Sanggunian

1. ↑ 1.0 1.1 "Tungkol sa pakikisama, at utang na loob". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). (1970/2007).

Tatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa PilipinasMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongoloid, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang

Page 26: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-unayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay.[1]

Mga ninuno ng Pilipino

Ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ang nagbuhat sa mga pangunahing-lupain ng Timog-Silangang Asya, at pinaniniwalaang naglakbay at naglakad sa ibabaw ng mga "tulay na lupa" na dating nagkakabit at nagdurugtong ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Ang mga salinlahi ng mga ninunong ito ang naging nakikilalang mga Pilipino sa kasalukuyan at naging mayoridad sa Pilipinas.[1]

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[2] Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[2]

Katawagang Pilipino

Sa malawakang diwa, maaaring tawagin silang mga unang "Pilipino" sa sinaunang Pilipinas, subalit noong mga panahon ng mga lagom,kolonyalismong Kastila, orihinal na tumutukoy ang terminong Pilipino o Filipino sa mga Kastilang isinilang sa Pilipinas at tinatawag ding mga insular, kriyolyo o Pilipinong Espanyol. Binubukod nito ang mga Kastilang ipinanganak sa Europa kung saan kilala ang mga huli bilang mga peninsular. Ngunit sa pagsapit ng panggitna hanggang mga huli ng ika-19 dantaon, nagsimulang gamitin ang terminong "Pilipino" para sa mga katutubo o indihenang populasyon ng Pilipinas. Ayon sa manunulat ng kasaysayang si Ambeth Ocampo, si José Rizal ang unang tumawag sa mga katutubong mga naninirahan sa Pilipinas bilang mga "Pilipino". Sa kasalukuyan, ginagamit rin ang Pilipino para sa mga nasyonalidad at pagka-mamamayan ng isang taong nagmula sa Pilipinas. Nangangahulugan na tumutukoy din ang "Pilipino" hindi lamang sa mga katutubong Awstronesyanong mayoridad, kundi para na rin sa iba pang may mga pinagmulang etniko, katulad ng mga Pilipinong may-liping Amerikano, Kastila, Indyano, Hapones, at Intsik.

Mga Negrito

Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila sa mga panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.[1]

Page 27: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Tumutukoy ang terminong Negrito sa ilang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga lugar sa Timog-Silangang Asya.[3] Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang mga Aeta (o Ita), Agta, Ayta, Ati, Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa Pilipinas, ang Semang ng peninsulang Malay, ang mga Mani ng Taylandiya at 12 tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indya.

Mga Indones

Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang dumating sa sinaunang Pilipinas. Ito ay Una at Ikalawang pangkat.

Unang pangkat

Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat, balingkinitan ang katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman ang mata ngunit matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo.

Pangalawang pangkat

Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.

Mga Malay

Pangunahing lathalain: Mga Malay

Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga naging Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Bikolano, Kampampangan, mga Panggasinense, Ifugao, at iba pa.

Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon.[kailangan ng sanggunian] Ang mga armas nila ay itak, kris, balaraw at lantaka.

Mga sanggunian

Page 28: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Talababa

1. ↑ 1.0 1.1 1.2 "Philippines, The People". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).

2. ↑ 2.0 2.1 "Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. Nakuha noong 2006-08-22.3. ↑ Snow, Philip. The Star Raft: China's Encounter With Africa. Cornell Univ. Press, 1989 (ISBN

0801495830)

Katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyonMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

(Idinirekta mula sa Mga katayuang panlipunan sa Pilipinas bago ang kolonisasyon)

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Isang ulila ang artikulong ito dahil nabibilang o walang artikulo ang nakaturo dito.Makakatulong po kayo sa paglalagay ng panturo sa mga kaugnay na artikulo. (Nobyembre 2009)

Ang artikulo o bahaging ito ay maaring kinakailangang isa-Wiki upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia.Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga bahagi, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Nobyembre 2009)

Maaaring naglalaman ang artikulo o seksyong ito ng orihinal na pagsasaliksik o kaya hindi pa natitiyak na mga pag-aangkin.Pagbutihin ang artikulo sa paglalagay ng mga sanggunian. Silipin ang usapang pahina para sa mga detalye. (Nobyembre 2009)

ANG UNANG KASAYSAYANG PANLIPUNAN SA PULO NG GINTO O LUZON BAGO PA DUMATING ANG KOLONISASYON

Ang mga taal na katayuan sa lipunan at likas na kinabihasnang galaw ng mga katutubo sa katagalugan noong mga kapanahunang wala o hindi pa nakararating ang mga taga yuropa (kastila o portugis) sa lusong o pulo ng ginto, ay tatlo lamang: ang "MAGINOO, MANDIRIGMA at TIMAWA". Wala pa sa dila at baybayin ng mga taga-ilog ang salita't katauhan ng "ALIPIN at MAHARLIKA" na dumatal sa kaisipang katutubo pagkaraan lamang ng ilang mga siglo, matapos magkaroon ng pakikipag-ugnayan ang mga manlalakbay na nangangalakal sa lupaing "MALAYA" mula sa malayong kanluran ng ibayong dagat. Sila ang mga banyagang bisaya, muslim, hindu at mga taga yuropa na itinuring na mga "DAYUHAN" sa isip at hinuha ng mga katutubong "TAGA-ILOG".

MAGINOO

Page 29: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Isang lahi ng mga katutubong Tagalog na may paninidigan sa kasarinlan ng pulo ng ginto noong unang panahon. Sila ang umugit ng kaharian at pamayanan ng lupaing mabunga ng lalawigang KALALILA na sa ngayon ay kilalang-kilala na KALAKHANG MAYNILA, CAVITE, LAGUNA, BATANGAS, RIZAL, QUEZON, BULACAN, BATAAN at ZAMBALES.

Sila ay isang angkan na tunay na iginagalang noong panahon ng mga timawa o katutubong malaya sa tulong ng mga mandirigmang Tagalog na naniniwala sa kapatirang likas ng lahat ng tao. Ang mga maginoo ang naging sandigan ng kaisipang MAGDIWANG na pilit pinagyaman ng KAPATIRANG KATIPUNAN nina Ladislaw Diwa, Emilio Jacinto, at Andres Bonifacio noong panahon ng mga Kastila.

MANDIRIGMA

Ang lipon ng mga mamamayang itinakda upang maging tagapamayapa at tagatangkilik ng kaayusan sa taal na lipunang tagalog. Pinailalim sila sa masikhay na paghahanda at pagsasanay sa angkop na pagtatanggol sa sarili at pamayanan sa pamamagitan ng katutubong galaw na KALI. Pinipili sila sa mga mamamayang tagalog na may angking tayog ng talino, lakas ng pangangatawan at ganda ng asal at ugali upang sanayin sa loob ng mahabang panahon sa isang pulo sa dakong silangan ng KALILAYA na tinawag nilang PULILYO. Lahat-lahat ng kanilang nalalaman sa suntukan, bakbakan, sikaran, sipaan, maging sa panlalait, murahan o paninira ng karangalan ng mga nilalang ay pinagsasama-sama bilang mga aralin o kaalaman upang mapaghusay ang kanilang paghahanda bilang mga mandirigma.

Dumaan ang mga panahon at ang kahulugan ng mandirigma ay napalitan ng mga dayuhan bilang mga katutubong gumagawa ng gulo, dahil nga sila, ang mga mandirigma, ang nagiging hadlang sa mga pansariling hangarin ng mga dayuhan para maghari-harian sa tinubuang lupa ng mga malaya.

MAHARLIKA

Ang maharlika ay isang salitang katutubo mula sa ibang lugar ng mundo ng madyapahit, bidyaya, hindu o gitnang silangan na nakarating dito sa pulo ng ginto maraming daang taon na ang nakaraan. Sila ay mga manlalakbay na tuluyang nanirahan sa Luzon na may taglay ns karangyaan sa pamumuhay na halos maitutulad o kawangki ng mga maginoong Tagalog. Napagkamalan ng maraming dayuhan na ibilang sila bilang mga katutubo rin ng ating mga pulo. Nag-ugat sila sa Indiya at mga kahariang muslim sa gitnang silangan at nagtangkang magtatag ng sariling kaharian sa pulong Tagalog sa pamamagitan ng kanilang mga datu, raha, sultan at lakan, na hindi naman pinayagan ng mga naghaharing lipi at namamayaning lahi sa Katagalugan na lubos pa ang pananalig at pananampalataya sa anito ng mga maginoong pinga. Isang maharlikang lakan ang hinayaan ng mga katutubong mandirigma na manirahan sa gilid ng ilog pasig malapit sa lawang maynilad na kakambal ng lawang babaye. Ang mga dayuhang tinuran ay hinayaan na lamang sa kanilang hangaring mamuhay ng payapa't tiwasay bilang paggalang sa kanilang karapatan at angking katauhan. Ang mga mandirigma at timawa ang tunay na katutubo ng katagalugan noong unang panahon sa ilalim ng taal na pangangasiwa ng kanilang mga maginoo.

Page 30: Sinaunang paniniwala at kaugalian

TIMAWA

Ang timawa ang pinakamalayang tao sa pulo ng ginto, noong hindi pa nakararating ang mga taga dayuhan sa kahariang malaya ng mga Tagalog. May karapatan rin sila magkalakal at makipagsapalaran sa anumang antas ng buhay. Hindi sila namumuno bilang timawa, hindi rin mga alipin. Kapag ninais nilang sumapi o humalubilo sa ibang pamayanan at lipunan, kanilang binibigay ang sarili sa mga namumunong gat at dayang. Sila naman ay bibigyan ng pangangalaga't patnubay sa lahat ng oras ng panganib at pangangailangang pangkabuhayan. Kapalit ng mga ito ay ang katapatan ng paglilingkod nila sa mga maginoo, kasama rin ang kanilang pakikiisa sa mga mandirigmang tagalog sa panahon ng pakikihamok sa mga dayuhang manliligalig, gayon din ang kanilang pagtulong sa pagsasaka at pangingisda sa larangan ng mga mamamayang katutubo.

ALIPIN

Ang mga alipin ang mababang antas ng tao na hindi likas sa mga Tagalog. Dalawa ang uri ng mga timawa sa katagalugan noong unang panahon" ang "sagigilid" at "namamahay" na ikinapit ng mga dayuhan sa mga bisayang alipin o bug-os'. Ang alipin ay galing salitang "oripun" ng mga bisaya na pinatingkad sa antas na "bug-os" o "lubos na alipin" na lumaganap lamang sa Katagalugan bago pa dumating ang mga taga Europa dito sa Luzon o pulo ng ginto. Kasama ng mga Kastila ang mga oripun o aliping Muslim, Bisaya at Meksikano sa pagsalakay sa kahariang Tagalog at naratnan nila dito sa pulong tagalog ang mga maharlikang kadugo't kababayan nila na may sariling mga utusan at tagasunod, subalit hindi nila napagtanto na ang mga ito ay mga panauhin lamang na pinayagang manirahan sa paligid at baybayin ng lawang maynilad sa pulo ng ginto. Ang mga maginoong Tagalog ay may sariling pamamahala sa mga balanghay at lalawigan na alam nila na sakop noon ng kahariang mabunga sa ilalim ng basbas o pamumuno ng maginoong angkan. Pinamamahala nila ang kaayusan ng pamayanan sa mga gat at dayang na tunay ring iginagalang ng mga mandirigma at timawa, at ang kalagayang ito ang siyang dinatnan ng mga dayuhan na tinulungan ng mga morong muslim at bisaya para makubkob at magapi nila ng tuluyan ang pulo ng luzon.

Pamahalaan ng Pilipinas/Mga BarangayAng barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Dati rin itong tinawag na barrio. Ang mga bayan at lungsod ay binubuo ng mga barangay. Sa kasalukuyan, may 41,995 barangay sa buong Pilipinas.

Kasaysayan

Isinabi na ang barangay bilang isang yunit ng pamahalaang lokal ay nakakuha ng inspirasyon sa mga balangay (isang uri ng bangka) na ginamit ng mga ninunong Pilipino sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Sa panahon ng mga ninuno o bago ng kolonisasyon, isang barangay ay binuo ng mga taong galing sa iba't-ibang bahagi ng Timog-silangang Asya na dumating sa pook na iyon sa pamamagitan ng bangka. Ang mga namumuno sa mga barangay noon ay ang datu.

Page 31: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Sa panahon ng mga Espanyol o Kastila, ang mga iba't-ibang barangay ay pinagsamahan upang makabuo ng mga bayan at lungsod. Ang mga datu ay naging cabeza de barangay at sila ay naging bahagi ng principalía. Ayon sa utos ni Haring Felipe II, ang mga karapatan at pribilehiyo ng mga datu bilang cabeza de barangay ay dapat protektahan. Ang pangunahing responsabilidad ng mga cabeza de barangay ay kumulekta ng mga buwis mula sa residente ng kanilang mga barangay.

Pagdating ng mga Amerikano, inihalal na ang mga cabeza de barangay at nawala ang kanilang mga pribilehiyo sa ilalim ng mga Kastila. Sa panahong ito itinatawag na rin ang mga barangay bilang barrio. Ang pangalang barrio ay ibinalik sa barangay sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1978, at ito na ang ginagamit na salita.

Ikinodigo ang mga barangay at ang kayarian nito sa ilalim ng Kodigo sa Lokal na Pamahalaan ng 1991 (Local Government Code of 1991).

Ang barangay ay binubuo ng isang Punong Barangay at pitong kagawad. Dahil isang kasaping ex officio ng Kapulungang Pambarangay (Barangay Council) ang lokal na pangulo ng Sangguniang Kabataan, may walong kagawad ang isang barangay.

Sa ilalim ng Kapulungang Pambarangay, may walong lupon kung saan namumuno ang isang kagawad. Ang mga lupon ay ang sumusunod:

1. Lupon sa Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order Committee)2. Lupon sa Imprastraktura (Infrastructure Committee)3. Lupon sa Edukasyon (Education Committee)4. Lupon sa Kalusugan (Health Committee)5. Lupon sa Pagsasaka (Agriculture Committee)6. Lupon sa Turismo (Tourism Committee)7. Lupon sa Pananalapi (Finance Committee)8. Lupon sa Kabataan at Palakasan (Youth and Sports Committee)

AnitoMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedyaTumalon sa: nabigasyon, hanapin

 Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Anito, Deidad at Idolo, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan)

Ang anito o idolo ay isang tao o bagay na hinahangaan o sinasamba.[1] Maaari rin itong anumang bagay na sinasamba sa halip na ang tunay na Diyos. Sa mga kapanahunan sa Bibliya, kalimitang mga istatwa ng hindi totoong mga diyos ang mga anito. Maaaring yari ang mga idolong ito sa kahoy, bato, o metal.[2] Tinatawag na idolatriya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan o bulag na paghanga sa mga idolong nabanggit.[1] Mayroon ding naniniwala sa mga larawan ng mga diyus-diyosang sinasaad na nagbabantay sa tahanan, katulad ng nabanggit na mga "diyus-diyusang

Page 32: Sinaunang paniniwala at kaugalian

pangtahanan" o terafim (mula sa wikang Hebreo) ni Laban sa Aklat ng Henesis (Henesis 31:19), na katumbas ng mga penates ng sinaunang mga Romano at ng anito ng sinaunang mga Pilipino. Batay sa mga dalubhasa, nagkakaroon ng karapatan sa mana ng isang ama ang sinumang nagdadala ng mga terafim, babae man o lalaki.[3]

Mga sanggunian

1. ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Idol, anito, idolo; idolatry, idolatriya". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

2. ↑ The Committee on Bible Translation. (1984). "Idol". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B5.

3. ↑ Abriol, Jose C.. (2000). "Diyus-diyusan, diyus-diyosan, penates, anito, terafim". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 53.

1.

2. NINUNO MO, NINUNO KO : Paghanap sa mga Unang Pilipino

3. ‘Isang Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’ Chu Fan Chih ni Chao Ju-kua, ang unang sumulat tungkol sa mga Pilipino

4. MAHIGIT 50 taon ang pagitan - 1225 at 1280 - ng 2 tantiya kung kailan sinulat ni Chao Ju-kua ang kanyang pahayag tungkol sa pulo-pulo ng mga ‘taong ligaw’ na tatawaging Pilipinas pagkaraan ng halos 300 taon. Mahigit 60 taon naman ang pagitan ng 2 pagsalin sa ulat ni Chao

Ju-kua, kapwa nakalathala dito. Mahigit 700 taon na ang nakaraan at may katwirang itanong, ano ang katuturan ng 50 at 60 taon, sa dami ng naganap at

nagbago mula nuon?5. Una, ito ang pinakaunang paglarawan ng mga unang Pilipino at, sabi ni WH

Scott, hindi maiiwasan na sitsitin ng mga nag-agham sa pagka-Pilipino ang bawat himulmol ng ulat. Pang-2, sa hulaan ng mga puok na sinuri, maisasali ba o hindi

ang Manila at ang ilog nitong pilipit na tatawaging Pasig pagtagal? Nuong lamang 1290 naging tagpuang kalakal ang Manila kaya sina Emma Blair at James

Robertson lamang tumuring duon. (Ang Tondo sa kabila at mas mayuming panig ng ilog, ay mas matandang nayon ng mga mangingisda na nakipagkalakal sa mga kalapit baranggay

lamang. Lahat nito ay nasa Ang Unang Conquistador na kasama sa website na ito.)

TAÓN NG 1280 ayon kina Emma Helen Blair at James A.

Robertson nuong 1903

ANG bayan ng Ma-yi ay nasa hilaga ng Poni. Bandang 1,000 mag-aanak ang naninirahan sa mga pampang ng isang pasikut-sikot na ilog. Nagdadamit ang mga

TAÓN NG 1225 ayon sa pagsalin ni I-hsiung Ju at ni William Henry Scott nuong 1968

Ang bayan ng Ma-i ay nasa hilaga (north) ng Borneo. Ang mga katutubo ay nakatira sa malalaking nayon ng mahigit 1,000 bahay-bahay, sa magkabilang pampang ng isang

Page 33: Sinaunang paniniwala at kaugalian

tao ng telang deilo (linen) na parang mga kumot, o tinatakpan ang kanilang katawan ng mga sarong. Sa liblib ng mga gubat, nagkalat ang mga tansong estatwa ng Buddha, subalit walang makapagsabi kung saan nanggaling ang mga ito. Bihira magpunta duon ang mga mandarambong.

Pagdating ng mga barkong nagkakalakal, dumadaong sila sa tinatawag na puok ng mga ginoo (mandarins). Iyon ang ginagamit bilang pamilihan (market), kung saan ginaganap ang palitan ng mga paninda ng iba’t bang bayan. Pagka-angkla, naghahandog ang capitan ng barko ng mga puting payong na gamit araw-araw duon dahil kailangang makaibigan ang mga ginoo.

Ang gawi ng kalakal ay sama-sama ang mga taong ligaw (barbarians) may kani-kanyang buslo (baskets), at kinukuha ang mga paninda sa barko. Bagaman at hindi kakilala ang mga kumuha, walang paninda na nawawala o nananakaw kahit kailan.

Nilalako ng mga taong ligaw ang mga paninda sa ibang mga pulo kaya 8 o 9 buwan ang nagdaraan bago maibalik ang katumbas ng nailakong mga paninda. Napipilitang maghintay ang mga barkong nagkakalakal kaya ang nangyayari, laging kulelat sa uwian ang mga nagkakalakal sa Ma-yi.

Ang mga natatanging puok sa bayang iyon ay San-hsii, Pai-pu-yen, Pu-li-lu na malapit sa San-hsii, Li-yin-tung, Lin-hsin at Li-

ilog, at nagdadamit sila ng tela na hawig sa kumot, o nagtatakip lamang sa katawan ng bahag. Sa mga liblib at gubat, nagkalat ang mga estatwa, mga Buddha na hindi mawari kung saan nagmula. Bihira nakarating duon ang mga mandarambong (pirates).

Pagdating ng mga barkong dagat, dumadaong sila sa harap ng tiyangge (plaza, market), ang pamilihan ng bayan, upang magpugay at magpatala sa mga namamahala. Pagkatapos, maaari na silang makihalo sa mga tao. Dahil gawi ng mga pinuno ng bayan na mag-payong ng puti (white umbrellas), kailangang handugan sila ng puting payong ng sinumang dumating sa barko upang magkalakal. Ang ugali ng pagkalakal duon ay dinadayo lahat ng bangka ang barkong dumating at inilalagay ang mga paninda (merchandise) sa maraming buslo (baskets). Tapos alisan na ang mga bangka, tangay-tangay ang mga paninda. Kahit na hindi nila (ng mga taga-barko) kilala ang mga naka-bangka na kumuha, pagtagal-tagal namumukhaan na rin nila, kaya sa huling tuusan, walang nawawala sa mga paninda kahit isa.

Ang mga kumuha ay lumiligid sa iba’t ibang pulo sa paligid upang ipagpalit ang mga paninda ng mga katutubong kalakal. Umaabot hanggang Septiembre o Octobre bago sila makabalik upang bayaran ang mga kinuhang paninda ng kung anuman ang naipagpalit nila. Nangyayari pa na mas matagal pa bago bumalik ang ibang lumigid kaya ang mga barko na nagkalakal sa Ma-i ang pinakahuling makabalik (sa China).

Katulad ng Ma-i ang mga puok na tinawag na San-hsu, Pai-pu-yen, Pu-li-lu, Li-yin-tung, Liu-hsin, Li-han at iba pa.

Ang mga katutubong kalakal ay pagkit

Page 34: Sinaunang paniniwala at kaugalian

han. Ang San-hsii o ‘3 Pulo’ ay sakop ng Ma-yi. Ang pangalan nila ay Ka-may-en, Pa-lao-yu at Pa-chi-neng.

Ang mga kalakal sa bayang iyon ay pagkit na dilaw (yellow wax), bulak (cotton), perlas, bahay-pagong (tortoise shells), ikmo at bunga (betel nuts) at telang yu-ta (jute, sako). Ang paninda ng mga dayuhan ay porselana, gintong pangkalakal (commercial gold), pira-pirasong bakal (iron) at tingga (lead), mga holen (glass beads), mga karayom at perlas na may kulay.

SAN-HSII

Ang bawat pulo ay may sari-sariling lipi at kalat-kalat ang mga tahanan nila duon, subalit pagdating ng barkong nagkakalakal, nagtitipon silang lahat. Ang pangalan ng lahat ng pulo ay San-hsii at ang ugali nila ay kahawig sa Ma-yi. Ang bawat lipi ay binubuo ng 1,000 familia. Maraming bundok sa bayang iyon na kasing tarik ng malalaking pader. Ang bahay ng mga tao ay gawa sa kawayan (bamboo). Bihira ang mga sapa sa taas ng bundok kaya bumababa ang mga babae at umaakyat uli, may dala-dalang 2 o 3 palayok ng tubig sa kanilang ulo. Hindi nila pinapansin ang bigat ng dala-dala, pumapanhik sa bundok nang kasing gilas ng paglakad nila sa patag.

Sa looban, ang mga libis (valleys) ay tinitirahan ng isang lahi na tinawag na Hay-tan. Punggok sila, bilog at dilaw ang mga mata, kulot-kulot ang buhok at kitang-kita ang mga ipin nila sa bibig. Nagpupugad sila sa mga sanga-sanga ng mga punong kahoy at isang mag-anak, 3 hanggang 5 tao, ang tumitira sa bawat pugad. Palaboy-laboy sila sa mga sukal ng gubat at hindi nakikita ng mga nagdaraan, na pinapana nila. Kaya sila

(beeswax), bulak (cotton), tunay na perlas (true pearls), ikmo na panghimasmas (medicinal betel), telang yu-ta (jute? sako?) at bahay-pagong (tortoise shells). Bilang kapalit, nagkakalakal (ang mga Intsik) ng porselana, gintong pangkalakal, palayok na bakal, tingga, karayom na bakal at mga sari-saring kulay na holen o maliliit na pirasong salamin (glass beads).

SAN-HSU

Ang San-hsu o Tatlong Pulo ay katulad ng Ma-i, at may mga pangalan gaya ng Chia-ma-yen, Pa-lao-yu at Pa-chi-nang. Sa bawat pulo, kalat-kalat at kani-kanila ang mga lipi na lumalaot upang magkalakal tuwing dating ng mga barko. Lahat-lahat, tinawag ang mga pulo na San-hsu, at ang mga ugali nila ay kahawig sa Ma-i. Mahigit 1,000 mag-anak (familias) ang kabilang sa bawat lipi.

Dikit-dikit ang mga gulod at bangin sa mga lupa, ang iba ay kasing tarik ng dingding ng bahay. Duon sa mga tuktok nila itinatayo ang kanilang mga kubo, mga bahay na gawa sa himay-himay na kawayan (bamboo) at rattan (caña, reeds). Dahil walang tubig sa tuktok ng bundok, bumababâ ang mga babae, 2 o 3 sisidlan ang patong-patong sa kanilang ulo. Umiigib sila ng tubig bago umaakyat uli sa bundok nang buong gilas at hinhin, parang naglalakad lamang sa patag.

Sa mga liblib na libis (valleys) mayroong ibang uri ng mga pamahayan, tinawag na Hai-tan. Ang mga tao duon ay pungok (short), ang mga mata nila ay bilog at matingkad, ang buhok nila ay kulot-kulot, at usli ang kanilang mga ipin. Namamahay sila sa taas ng mga punong kahoy (treetops). Kung minsan, 3 o 4 sa kanila ang patago-tago sa gubat at pinapana nila ang sinumang

Page 35: Sinaunang paniniwala at kaugalian

kinakatakutan. Kapag binigyan sila ng porselanang mangkok, tinatanggap nila sabay yuko bilang pasalamat. Tapos, takbuhan na sila, hiyawan nang hiyawan sa tuwa.

Pagsapit ng mga dayuhan sa nayon ng mga taong ligaw, iaangkla nila ang barko sa gitna ng pasigan (current o agos) ngunit hindi sila maaaring bumaba mula sa barko. Nagpapatunog sila ng tambol, saka darating ang mga taong ligaw sa kanilang mga bangka, dala-dala ang kanilang kalakal na bulak, niyog, camote, makikinis na banig at lahat ng maiaalok nila kapalit sa paninda ng mga Intsik.

Kung hindi magkasundo sa halaga ng palitan, kailangang ipatawag ang pinuno ng nayon upang siya ang makipag-ayos nang harapan kung anong halaga ang ikaliligaya ng bawat isa.

Ang mga paninda ng mga Intsik ay mga sutlang payong at telang sutla, porselana, damaskong itim (black damask), mga perlas na magkakaiba ang kulay, tingga, lata (tin) at isang uri ng buslo na gawa sa rattan. Bilang siguro (bond), nag-iiwan sa barko ng mga kalakal na 2 o 3 mas malaki ang halaga kaysa mga paninda na ilalako sa nayon. Pagkaraan ng 3 o 4 araw, ibinababa na ang mga siguro at isinasauli na sa mga taong ligaw. Babalik na sa barko ang mga dayuhan at tutuloy sa susunod na nayon at magkakalakal uli duon sapagkat ang mga nayon sa dalampasigan ng 3 Pulo ay hindi kabilang sa iisang pamahalaan.

Tinatakpan ng mga bundok ang mga barko mula sa malakas na hangin kapag tag-ulan ng silangang hilaga (northeast monsoon). Subalit kapag panahon ng bagyo (southwest monsoon), malakas ang hampas ng alon sa dalampasigan at natatangay ang mga barko

nagdaan, at marami ang nasaktan nila nang ganito. Subalit kung nag-iiwan ng porselana sa sukal, hinahanap nila at sinusunggaban kapag natagpuan. Tapos, nagtatakbuhan sila, naghihiyawan at nagtatawanan.

Kahit kailan dumating barkong nagkakalakal sa isang nayon, hindi sila pangahas na bumababa agad. Tumitigil muna sila sa gitna ng pasigan (midstream) at magta-tambol upang tawagin ang mga tao na una-unahan namang darating, sakay sa kanilang mga bangka at dala ang kanilang mga kalakal gaya ng pagkit, bulak, kakaibang tela (strange cloth) at mga banig na hawi sa puso ng niyog (coconut-heart mats).

Kung hindi nagkasundo sa halaga ng palitan, tiyak na darating ang pinuno ng mga tagapulo upang yariin ang tawaran. Pagkatapos, hinahandugan siya (ng mga Intsik) ng mga payong na sutla (silk umbrellas), porselana o mga buslo na gawa sa rattan. Kahit nagkasundo na, 1 o 2 tao ang naiiwan sa barko bilang patibay (hostages) habang nagkakalakal sa lupa ang mga dayuhan. Kapag tapos na lahat ng bilihan saka lamang pinapawalan ang mga patibay. Hindi lumalagpas ng 3 o 4 araw, likas na ang barko papunta sa ibang nayon o pulo. Walang isang naghahari sa lahat ng mga taong ligaw (barbarians) sa San-hsu (maniwari, sila ay malalaya).

Nakahilig ang mga bundok, nakaturo sa silangang hilaga (northeast), at madalas kapag tag-ulan, humahampas sa mga bundok ang malalaking alon kaya hindi nakakahimpil duon ang mga barko at kaskasan sila sa gitna ng dagat. Dahil dito, ang mga barkong nagkakalakal sa San-hsu ay karaniwang umuuwi (sa China) bandang Mayo-Junio. Kalakihan ng kinakalakal duon ay mga porselana, lata (tin), sutla (pongee

Page 36: Sinaunang paniniwala at kaugalian

kahit naka-angkla. Kaya natatagalan ng 4 o 5 buwan ang pagbalik ng mga nagkakalakal sa 3 Pulo.

Ang Pu-li-lu ay malapit sa 3 Pulo. Ang mga baranggay at nayon duon are punong-puno ng tao, subalit sila ay malupit at mahilig mandambong (piracy). Ang dagat naman ay maraming batuhan (coral reefs) at ang dalampasigan ay may mga bato na uka-uka, gaya ng bulok na kahoy, at matutulis na parang mga sibat. Upang makarating duon ang mga barko, lumilihis sila nang malayo sa mga matulis na bato. May mga coral duon subalit mahirap makuha. Ang mga ugali at gawi duon ay katulad sa 3 Pulo.

silk), makukulay na holen (glass beads) at tingga na pabigat sa lambat (lead fishnet sinkers).

Kaugnay ng Pu-li-lu ang San-hsu subalit mas malalaki ang mga nayon duon. Mababangis ang mga tao at mahilig mandambong (plunder). Ang dagat duon as puno ng butas-butas na bato (coral), matutulis, parang mga sibat at palakol kaya ilag ang mga barko pagdaan duon upang hindi mawakwak. Nagkakalakal sila ng shan hu (mamahaling puno ng coral) subalit mahirap makuha ito.

Tagasaan Ang

TIYAK NA Mindoro ang Ma-i sapagkat Mait pa ang pangalan sa pulo nang dumating ang mga Español (sina Miguel Lopez de Legazpi nuong 1565), at siyang tawag pa hanggang ngayon ng mga tagabundok at mangingisda duon at sa mga karatig pulo. Malinaw na ang Pai-pu-yen ay ang kapuluan ng Babuyan Islands, kilalang landas ng mga mandarambong na sumalakay sa Fujian nuon pang panahon ni Chao Ju-kua.

Ang Pa-lao-yu naman ay ang Pa-lao-yuan o Palawan sa 2 landasan ng paglayag (sailing directions) na nalathala sa China 400 taon pagkamatay ni Chao Ju-kua.

Sapantaha ni Antoon Postma, dalubhasa tungkol sa pagka-Mangyan, na ang Chia-ma-yen ay bigkas Intsik ng ‘ka-mangyan’ at ang ‘kamangyanan’ o puok ng mga Mangyan na naging pangalan ng kapuluan ng Calamian (Calamianes, Calamian Islands) sa pagitan ng Palawan at Mindoro.

Ang iba pang mga pangalan ay hindi na

Mga Pangalan

ng Pilipinas na tinatahak ng mga barkong Intsik mula Mindoro hanggang Borneo patungo sa Maluku (Moluccas, spice islands). Ito ang landas na inilarawan ng isa pang dalubhasa sa China, si Chang Hsieh, sa kanyang Tung Hsi Yang Kao (Silangan at Kanlurang Landas Dagat) na nalathala nuong 1618.

Hula rin ang ginawa ng mga dalubhasa ngayon sa pagtunton sa Li-yin-tung, na Lingayen daw, sa Pangasinan, Liu-Hsin, na Luzon naman daw, at Li-han, na pulo ng Lubang daw, kahanay ng Batangas, sa hilaga ng Mindoro. Hindi pa rin matunton ang Pa-chi-nung at ang loobang gubat sa libis ng Hai-tan.

Mahirap paniwalaan na ang Pu-li-lu ay Polillo sa silangang baybayin ng Pilipinas dahil hindi dadaan ang mga barko ng China papuntang timog (south) sa malayo at mapanganib na gilid ng dagat Silangan (Pacific Ocean). Isa pa, Polillo ay ‘munting pulo’ sa wikang Español, na malamang

Page 37: Sinaunang paniniwala at kaugalian

matunton ngayon, pulos mga walang kabuluhang paglalarawan sa wikang Intsik maliban sa San-hsu, ang 3 Pulo. Bagaman at iyon ang salin ng kataga, ang tunay na ibig sabihin nito ay maraming maliliit at makakalapit na pulo. Halimbawa, upang linawin ang kalituhan: Maaaring isalin ang San-hsu sa Pulo-pulo upang ipahiwatig, hindi 2 pulo lamang kundi maraming pulo.

Mahuhulà na ang Pulo-pulo ay Visayas, ang maraming pulo sa kalagitnaan

nagbigay ng pangalang iyon 300 taon pagkamatay ni Chao Ju-kua.

Ang shan hu o mamahaling sanga-sangang coral na nasabing natatagpuan duon ay ang tinawag na pulang coral (red corral) nuong unang panahon sa dagat Mediterranean, sa pagitan ng Europa at Africa. Subalit bihira itong matagpuan sa Pilipinas maliban sa isang lihim na puok, ayon sa balita nuong 1983, sa silangan ng kapuluan ng Cuyo (sa pagitan ng Palawan at Panay).

Kung ito nga ang tinawag na San-hsu o Pulu-pulo, maniwaring lakbayan ng mga nagkalakal na Intsik ang mga baybayin ng Palawan at Calamianes hanggang Mayo o Junio, pagkatapos ay nagkakanlong sila sa Mindoro hanggang Septiembre o Octobre, paglipas ng masamang panahon.

Wala sa mga puok ang nasabing sakop o naka-ilalim sa ibang puok, gayong nasabing ‘kaugnay’ ng Pu-li-lu ang San-hsu.

Lantad na Ma-i ang pinaka-tanyag sa lahat: Ito lamang ang tinawag na ‘bayan’ at naulat na nakipagkalakal ito sa Canton 250 taon bago sumulat si Chao Ju-kua, at mawawari na ito ang pangunahing tambakan (entrepot) ng kalakal ng Intsik na ipinagbibili sa iba’t ibang pulo sa paligid. Duon humihimpil ang mga barkong kalakal, nagpapalista (register) bago magkalakal, tapos binabangka ang mga paninda sa mga puok na hindi kilala ng mga Intsik.

Sinumang naghari sa Ma-i, pati na ang mga tao na pinagharian niya, ay waring mga bagong salta sa puok, sapagkat hindi nila alam kung saan nagmula o ano ang mga estatwa ni Buddha na nagkalat sa gubat duon.

Ang pagkit (beeswax) na bahay-bubuyog ay iniluluwas pa mula sa mga bundok. Inilalako pa sa mga pamilihang bayan (public markets) hanggang ngayon ang ikmo at banig pandan. Ang telang abaca (tinawag ding sinamay) ay hinahawi ng kamay, hindi ng maquina (textile mills), at ang coral, bahay-pagong at perlas ay kasalukuyang mamahaling kalakal panglabas (export commodities).

Malawak ang paggawa ng telang bulak (cotton cloth industry) nuong unang pasok ng mga Español sa kapuluan at patuloy na pinagbili sa China hanggang panahon ng Amerkano. Nakatuklas pa ng mga ligaw na puno ng bulak sa Cebu kailan lamang. Mali ang taguri ng ibang aklat na kapok ang puno ng bulak - hindi nahahawing tela ang kapok at ginagamit lamang palaman sa mga kutson (colchones, cushions, mattresses).

[Ang pagtanim at paggamit ng bulak ay laganap sa India mula pa nuong unang panahon at maaaring nakaabot sa Pilipinas nuong limot nang nakaraan.]

Kagila-gilalas, walang binanggit si Chao Ju-kua tungkol sa ginto na laganap na kalakal sa Pilipinas nuon, lalo na’t binanggit niya ang paggamit ng gintong pangkalakal at, sa ibang bahagi ng kanyang aklat, ang

Page 38: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Ang mga kalakal ng mga katutubo ay inilalako sa maaakit na taguri, gaya ng ikmo na panghimasmas (medicinal betel) na maaaring walang galing gumamot kaysa karaniwang ikmo. At ang banig ng puso ng niyog (coconut-heart mats) ay katunayang karaniwang banig na hawi sa rattan o pandan (pandanus mats). Ang iba pang kalakal na inilista ni Chao Ju-kua ay kagulat-gulat sapagkat kalakal pa hanggang ngayon.

paminsan-minsang palitan ng ginto sa Taiwan. Maniwaring hindi minina (mining) ng mga Pilipino ang ginto upang ipagpalit sa mga dayuhan.

Higit malamang, inilihim ng mga Intsik ang nakalakal na ginto at walang nagsabi kay Chao Ju-kua na, sa huling tuusan, ay isang pinuno ng pamahalaan ng China at baka ilitin lahat ang ginto.

Kuru-kuro Ni

Taong Ligaw (barbarian) - Tawag ng Intsik sa lahat ng hindi Intsik, maliban lamang ang mga taga-Korea, Japan at Annam (North Vietnam ang tawag ngayon)

Pasikut-sikot na ilog - Malamang ito ang ilog Pasig at ang nayon ay Manila

Ma-yi - Lumang pangalan ng Luzon, mula sa Bahi o Ba-i ang dating tawag sa luok ng Bay (Laguna de Bay). Sa ibang wikang Intsik, ang pangalan ay isinulat na Ma-yit, Ba-hi o Ba-yit. Ang parangal ng mga pangunahing Tagalog ng Bulacan nuong pagpasok ng mga Español ay Gat-maytan kaya aking sapantaha na Ma-yi malamang ang lumang pangalan ng Bulacan na nuon pa ay pinakamayamang bahagi ng Luzon. Ang buong kapuluan ng Pilipinas ay tinawag na Ma-yi ni Chao Ju-kua. Ayon kay Doctor Hirth, ang titik na Ma-hi sa wikang Intsik ay mababasa ring Mo-yat, Ba-ek, Ma-i, Ma-yek at iba pa.

Poni - Dating tawag ng Intsik sa pulo ng Borneo.

Sarong - Tawag ng Malay sa tapis (skirt).

Blumentritt

Mga estatwa ng Buddha - Patibay ito na dati ay malawak ang pagsamba ng buddhist sa Pilipinas, nanggaling sa India. (Ayon kina Blair at Robertson: Mas malamang, dala ang mga estatwa ng mga Intsik at ipinagbili sa mga mapamahiin (superstitious people) at hindi kailan man pumasok o lumawak ang pagsambang buddhist sa Pilipinas, kahit na paniwala ni P.L. Stangl na pumasok ang pagsamba mula sa Java.)

San-hsii - Ang ibig sabihin ay 3 Pulo at baka turing sa Visayas. Ang Pai-pu-yen ay baka ang kapuluan ng Babuyan. Ang Pu-li-lu ay maaaring Mindanao. Ang Li-yin-tung ay Lingayen. Magkahawig ang bigkas sa Lin-hsin at Lin-hsing (Lin-sung ayon kay Stangl) na tawag ng Intsik sa Luzon, subalit maniwaring Calilaya (Tayabas) ang tinuturing ng Intsik. Li-han ang lumang tawag ng Intsik sa Malolos, at ang parangal sa mga pinuno duon ay Gat-salihan o Gatsalian.

Yu-ta - Maniwaring tawag sa abaca.

Ka-may-en ay Mait o Mindoro.

Pa-lao-yu ay Paragua o Palawan.

Page 39: Sinaunang paniniwala at kaugalian

Pa-chi-neng ay maaari ring bigkasin sa Intsik na Pa-kat-lung o Ba-ki-lung. Parang ito ang tawag nila sa Visayas, samantalang San-hsii ang turing nila sa buong Visayas, kasama ang Mindoro at Palawan.

Gintong pangkalakal - salapi ng Java at Thailand? Baka ginamit sa Pilipinas. [Blair at Robertson: Ang sulat ni Stangl dito ay may kadugtong na ‘subalit paano nakarating sa kapuluan?’ Baka ito ay buhaghag na ginto (gold dust) o mga alahas (gold ornaments). Hindi kapani-paniwala na gamit dito ang salaping ginto ng Java o Thailand at kung mayroon man, malamang ang mga Intsik na rin mismo ang nagdala, dahil matagal na nilang narating ang mga bayang iyon.]

Hay-tan ay mga Aeta, Ita o Negrito. Nagulat kami sa tanda ng tawag na ito, parang pang-kasalukuyan ang paglarawan na isinulat ni Chao Ju-kua bagaman at nalito siya sa sinulat na ‘pugad’ ng mga ito sa taas ng mga punong kahoy, na gawain ng ibang mga tribo sa Mindanao. [Blair at Robertson: Nuong Marso 14, 1905, sinulat ni LeRoy na natutulog paminsan-minsan ang mga Negrito sa mga sanga ng punong kahoy subalit mahirap paniwalaang ‘nagpugad’ sila o gumawa ng mga bahay sa mga puno, na ugali ng ibang mga Malay sa Pilipinas na may halong dugo ng mga Negrito.]

[Pagdating nina Ferdinand Magellan sa Pilipinas nuong 1521, nakita nilang nagbahay ang ibang mga taga-Cebu sa itaas ng mga punong kahoy. Nasa Ang Unang Español ni Antonio Pigafetta, kasama sa website na ito. ]

Kitang-kita ang ipin - Gawi ng mga indio na kulayan ng itim ang mga ipin, dating ugali ng maraming mga Malay. Ang mga Negrito ay hindi nagkukulay ng ipin.

Lipi - paniwala ko na ang tinukoy ay baranggay o nayon.

Bilog at dilaw na mata - [Blair at Robertson: Ang salin ni Stangl dito ay ‘bilog at makintab na mga mata’ (round eyes of a shining appearance).]

Bulak - Dapat paniwalaang mga telang hawi sa bulak. [Blair at Robertson: Hindi kailangan. Sulat ni Stangl na dapat ituring ang puno ng kapok, na tubong ligaw sa Pilipinas, dahil sa katagang ginamit ni Chao Ju-kua, maniwaring katagang Intsik. Ang tanim na bulak ay tinawag na kapas sa Java.]

Hindi kabilang sa iisang pamahalaan - Idinidiin ni Chao Ju-kua na walang malawak na kaharian sa Visayas. Pahiwatig ito na sa Luzon, may ilan-ilang nayon na sakop ng isang hari o panginuon. [Blair at Robertson: Hindi kailangang pahiwatig ito.]

Pu-li-lu ay...punung-puno ng tao - Mas maraming tao sa Mindanao nuon kaysa ngayon (1890). Ang pulo ng Sarangani na ngayon (1890) ay may 1,500 Bilan at 100 Moro ay puno ng mga tao nuong 1548 (panahon ni Ruy Lopez de Villalobos), mayroon pa silang kuta (fort) sa tuktok ng isang bundok duon.

Marami ring batuhang matutulis (sharp coral reefs) sa mga dalampasigan duon, ayon sa mga sulat ng mga frayleng Español, gaya nang sinulat ni Chao Ju-kua. At ang lihis nang malayo ng mga barko duon ay tulad sa nilalandas ng mga barko ngayon (nuong 1890), lalo na sa banda ng Cape San Agustin (sa dulong timog ng Davao del Sur).

Sino Si

SI Ferdinand Blumentritt ay kinilalang dalubhasa sa mga unang tao (anthropologist), lalo na sa agham (science)

Blumentritt?

Nang simulan ng mga Pilipino sa España na ilathala ang La Solidaridad nuong 1889,

Page 40: Sinaunang paniniwala at kaugalian

ng gawi at buhay ng mga napag-iwanan ng kabihasnan (ethnology), ang tinatawag na mga primitivo (ethnics).

Isinilang siya nuong 1853 sa Prague, punong lungsod ngayon ng Czech Republic subalit nuon ay bahagi lamang ng malawak na Austria-Hungarian Empire. Nagtapos siya nuong 1877 at sa gulang ng 24 taon, nagsimulang magturo bilang professor sa Leitmeritz, sa Austria. Inilathala niya ang unang niyang aklat pagkaraan ng 2 taon, Ang mga Intsik Sa Pilipinas (The Chinese in the Philippines).

Nasa Europa nuon si Jose Rizal na akit sa anumang ulat tungkol sa pinagmulan ng mga unang Pilipino. Nakipagsulatan at nakilala niya si Blumentritt, dinalaw pa niya sa Leitmeritz nuong 1887, nang isinulat niya ang Noli Me Tangere. Naging magkatalik sila at pinag-ibayo ni Blumentritt ang pagsiyasat sa kasaysayan ng mga unang Pilipino, kaya naging dalubhasa siya kahit na hindi siya nakarating sa Pilipinas kahit minsan. Ipinaalam niyang lahat kay Rizal.

nagpadala si Blumentritt ng kanyang pagsusuri upang maisali sa pahayagan. Nuong taon ding iyon, ipinagtanggol din niya si Rizal sa isang sulat nang laitin ng mga frayleng Español sa Manila ang Noli Me Tangere.

Sinulat ni Blumentritt ang paunang hayag (introduction) sa Sucesos delas Islas Filipinas ni Antonio de Morga na kinuro at dinagdagan ni Rizal ng paliwanag bago ipinalathala nuong 1890. Sa sumunod na taon, 1891, sinulat uli ni Blumentritt ang paunang sabi (foreword) sa pang-2 aklat ni Rizal, ang El Filibusterismo. Patuloy ang kanilang sulatan habang 4 taon nakatapon si Rizal sa Dapitan. Malaki ang dalamhati ni Blumentritt nang bitayin si Rizal ng mga Español sa Manila nuong 1896.

Isa sa mga sinuri ni Blumentritt tungkol sa mga unang Pilipino ay itong ulat ni Chao Ju-kua na isinalin niya sa wikang Aleman (German) at dinagdagan ng mga paliwanag na natutunan niya sa pagdadalubhasa tungkol sa Pilipinas. Kasama ang mga ito sa pagsalin nina Blair at Robertson at nakalahad ngayon dito sa wikang Pilipino.

Paunawa Nina Blair

WALANG sumulat kung kailan nabuhay si Chao Ju-kua subalit nabanggit ang pangalan niya sa Talaan Ng Hari (Imperial Catalogue) at maniwaring kamag-anakan (descendant) siya ng angkan ng mga haring Sung (Sung dynasty), na ang tunay na pangalan ay Chao. Pahiwatig din na ipinanganak siya nuong huling bahagi ng ika-12 sandaang taon (12th century).

Pinuno siya ng mga tagasingil ng buwis sa asin (salt tax) sa lalawigan ng Fo-kien (Fujian ang tawag ngayon) at ang parangal

At Robertson

Sa tungkuling ito, may pagkakataon siyang mag-ukilkil sa mga dumating matapos magkalakal sa labas ng China, mas marami nuong panahong iyon kaysa nuong nakaraan o pagkatapos, kaya madaling gawin. Ang sinulat niya ay ang Chu-fan-shih, halos lahat ay copia lamang ng mga nakaraang ulat, subalit mas maraming tukoy sa ibang bayan kaysa sa ibang kasulatan ng kaharian (court records).

Ang hinalaw na kabanata na isinalin dito ay mula sa Periodico Hebdomadario Escolar o

Page 41: Sinaunang paniniwala at kaugalian

niya ay Shih-po o ‘kapatas ng kalakal dagat’ (commissioner of customs ang tawag ngayon). Hindi nagtagal ang tungkuling ito sa Fujian, mula 1277 hanggang 1287 lamang, at maniwaring sa mga taon na ito matutuos ang panahon ni Chao Ju-kua.

[ Kahanga-hanga ang nagawa nina Blair at Robinson, subalit mahirap paniwalaan ang tanto nilang mahigit 80 taon gulang na si Chao nang manungkulan at isulat itong hayag tungkol sa Pilipinas.]

Linguhang Pahayagan Ng Mga Mag-aaral (Students Weekly Journal) nuong Noviembre 9, 1901, ang ika-6 limbag (issue). Si Clemente J. Zulueta ang naglathala, history professor nuon, pagkatapos ay naging tagasaliksik ng mga kasulatan at kasaysayan sa España para sa Kagawarang Pilipinas (Philippines Department) ng pamahalaan ng America (United States government). Ipinahiram ang pahayagan sa amin ni James A. LeRoy, dalubhasa sa pagka-Pilipino (Philippine ethnological expert).

May palatastas ng patnugot (editor’s note) sina Blair at Robertson sa harap ng kabanata:

‘Paniwala namin na mahalaga itong salaysay ni Chao Ju-kua sa kasaysayan, lalo na tungkol sa mga unang panahon ng Filipinas, na isinulat 300 taon bago dumaling si Ferdinand Magellan, kaya namin isinalin sa English mula sa isang pagsalin sa Español. Isinalin ni Professor Blumentritt sa Aleman mula sa isang pagsalin sa English. Ayon kay Blumentritt, isinalin ni Doctor Hirth sa English mula sa Intsik nuong 1891.’

Hindi namin natunton ang pahayag ni Hirth, kaya napilitan kaming gamitin ang ulat ni Blumentritt na isinalin namin uli sa English. Isinulat sa amin ni LeRoy nuong Enero 27, 1904, na ‘Pag-aari ni Zulueta ang liham at

pagsalin ni Blumentritt, ipinadala niya kay Rizal nang nakatapon (exiled) ito nuong 1894. Ang liham ang patunay na si Blumentritt ang sumulat ng mga kuru-kuro.’

May isang pahayag sa wikang Español, may kasamang pagsalin sa English, na nalathala sa Revista historica de Filipinas o Repaso Ng Kasaysayang Pilipino (Filipino Historical Review) nuong Junio 1905, ang ika-2 limbag, ay nilagdaan ni P.L. Stangl. Kakaiba ito sa ulat ni Blumentritt na nilathala ni Zulueta, hati sa 2 kabanata, Ma-yi ang una, San-Hsii ang pang-2.

Ang pinili naming isalin ay ang version ni Zulueta, kasama ang mga kuru-kuro ni Blumentritt, dahil hindi namin alam kung paano binuo ang version ni Stangl.

Paliwanag Ni

SI CHAO JU-KUA ay kapatas ng kalakal-dagat sa Chuan-chou, sa lalawigan ng Fukien (Fujian) nang isulat niya ang kanyang ‘Isang Pahayag Tungkol Sa Mga Taong Ligaw’ (Chao Fan Chih, An account of the various barbarians) nuong 1225. Bagaman at bahagi ng aklat ay binatay sa

WH Scott

work on the Chinese and Arab trade in the 12th and 13th century entitled Chu Fanchi (Ang sinulat ni Chao Ju-kua tungkol sa kalakal ng Intsik at Arabe nuong ika-12 at ika-13 sandaan taon).

May ilang mali sa pagsalin nina Firth at Rockhill na maaari sanang huwag nang

Page 42: Sinaunang paniniwala at kaugalian

mga naunang ulat gaya ng Ling-wai Tai-ta, ang bahagi tungkol sa Pilipinas ay lantad na batay sa mga lahad ng mga bumalik pagkatapos magkalakal sa ibang bayan, kaya kasalukuyan sa panahong iyon.

Ang ulat ni Chao Ju-kua ay bunyag na sa Enn pang 1911 nang ilathala nina Friedrich Hirth at WW Rockhill ang kanilang aklat, Chao Ju-kua: his

pansinin subalit masugid ang pagsipat ng mga manalaysay (historians) sa bawat kataga tungkol sa Pilipinas at, sa malas, naisali sa mga aklat na ginagamit pa hanggang ngayon sa mga paaralan. Kaya itinanghal ko rito ang mas makabagong pagsalin na ginawa namin ni I-hsiung Ju nuong 1968.

Ang mga pinagkunan

Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson,

nilimbag sa Manila, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Prehispanic Source Materials For the Study of Philippine History, ni William Henry Scott, New Day Publishers (revised edition), Quezon City, 1984

Balik sa itaas Mga Intsik Sa Pilipinas Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Pang-email ng tanong o kuru-kuro