12
Tapat, Patnugot ng Ang Pag-Usbong, nasungkit ang ikalawang puwesto Nasungkit ni Mary Jane U. Tapat, ang patnugot ng Ang Pag-Usbong ang ikala- wang puwesto sa paligsahan ng pagsulat sa magulang (Letter-to-Parents) na naga- nap sa Macro College Inc., Vigan City noong Setyembre 23, 2013.Ang nasabing patim- palak ay inilunsad ng Reiyukai Philippines, Ilocos Sur Chapter. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ako ng ina na tumutulong sa akin para harapin ko ang mga pagsubok na dumarating sa aking buhay at siya rin ang nag- bibigay tatag, lakas, deter- minasyon at inspirasyon ko sa buhay”, pahayag ni Tapat. Si Gng. Jennifer F. Remular ang kanyang tagasanay. Ma. Diana Joy Navarro 19th Letter to Parent Competition Bb. Riotoc, bagong punung-guro Si Mary Jane U. Tapat, patnugot ng Ang Pag- Usbong na nagkamit ng ikalawang pwesto sa paligsahan sa pagsulat sa magulang. Hinirang na bagong punung-guro ng San Vicente Integrated School si Bb. Be- atriz R. Riotoc noong Enero 10, 2012 bilang kapalit ni Dr. Elsie R. Rigunay na ngayon ay kasalukuyang Tagapag- masid Pampurok ng bayan ng San Vicente. Hindi ko naman pinangarap na maging isang punung-guro, ang SVIS, nahirang na Pilot School para sa SIP Isa sa pinakaprestisyosong kaga- napan sa San Vicente Integrated School ay ang isang linggong pagbisita ni Gng. Rowena Lacap dela Cruz, Senior Educa- Nabiyayaan ang dalawang daan at dalawampu`t walong mag-aaral ng SVIS ng mga school supplies tulad ng papel, lapis, ballpen at plastic cover na nagmula sa Mutual Operating and Other Expenses (MOOE) ng nasabing paaralan noong Nobyembre 21. Layunin nito na lalo pang pagbutihin ng mga mag-aaral ng SVIS ang kanilang pag- aaral at makatulong na rin kahit sa munting paraan lamang. Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng teaching staff ng departamento ng sekondarya higit lalo na sa aming butihing punung-guro na si Bb. Beatriz R. Riotoc, at sa aming matulunging Tagamasid Pampurok na si Dr. Elsie R. Rigunay sa tulong na aming natanggappahayag ni Marissa Perinion, IV-Diamond. Billy BJ Ramirez K-12 nilagdaan na Edukasyon tungo sa tuwid na daanSimula sa taong panuruan na ito, ang Kurikulum ng Edukasyon sa Pilipinas ay humanay na sa ha- los lahat ng mga bansa sa buong mundo nang nilagdaan ni Presi- dente Benigno S. Aquino III ang Batas Pambansa bilang 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013” noong Mayo 15. Ang K-12 ay kailangang mag-umpisa sa kindergarten kung saan ang bata ay may edad na lima(5) bago sila makapag- umpisa sa elementarya. Ang ele- mentarya naman ay anim(6) na taon na mag-uumpisa sa mga ba- tang may edad na anim(6) na ta- on. Sunod ang sekondarya na may apat(4) na taon ng junior high school at dalawang(2) taon para naman sa senior high school. Ang BP #10533 ay nabuo pa- ra sa pagkakaroon ng Functional Basic Education System upang bumuo ng mga responsable at produktibong mamamayan taglay ang mga mahahalagang kakaya- han, kasanayan at pagpapahalaga para sa habang-buhay na karunun- gan at hanapbuhay. Carlo Castañeda tion Program Especialist na mula nasyunal opis ng Kagawaran ng Edukasyon para sa School Improvement Plan (SIP) noong Setyembre 9 - 13 sa taong ito. Layunin ng pagbisitang ito na obserbahan at gabayan ang mga tagagawa at tagaplano ng mga kapakanan ng isang paaralan para matukoy ang mga kahinaan, banta at lakas na kailangang bigyang pansin ng isang paaralan. Ang mga kalahok sa nasabing gawain ay kinabibilangan ng mga punong-guro, guro at opisyales ng PTA mula sa elementarya at sekon- darya. Laking pasasalamat natin sa isang eksperto na gaya ni Gng. Dela Cruz para makabuo ng isang makabuluhang output para sa ikabubuti at ikauunlad ng isang paaralan tulad ng SVIS,” wika ni G. Apo- linario Riotoc, guro ng sekondarya. Si Bb. Beatriz R. Riotoc ang bagong hirang na punung-guro ng Sa Vicente Integrated School. nais ko lang sana ay maka- pagturo sa mga bata at ma- katulong na rin ngunit tadhana na ang nagtakda para makamit ko ang tagumpay na ito,pahayag ni Bb. Beatriz Riotoc. Gagawin ko ang la- hat ng aking makakaya pa- ra sa ikauunlad ng ating paaralan,” dagdag pa niya. Billy BJ Ramirez Kuha ni Daisy Simalong Kuha ni Carlo Castañeda Kuha ni Carlo Castañeda Si Gng. Rowena dela Cruz sa kanyang pagbisita sa SVIS. Kuha ni Carlo Castañeda 228 SVISans, nabiyayaan Namimigay ng mga kagamitang pang-eskwela na mula sa MOOE sa mga mag-aaral ng sekondarya sa SVIS si Gng. Jennifer F. Remular, bilang OIC ng Sekondarya

SKUL PIL

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SKUL PIL

Tapat, Patnugot ng Ang Pag-Usbong, nasungkit ang ikalawang puwesto

Nasungkit ni Mary Jane U. Tapat, ang patnugot ng

Ang Pag-Usbong ang ikala-

wang puwesto sa paligsahan ng pagsulat sa magulang (Letter-to-Parents) na naga-nap sa Macro College Inc., Vigan City noong Setyembre

23, 2013.Ang nasabing patim-palak ay inilunsad ng Reiyukai Philippines, Ilocos Sur Chapter. “Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon ako ng ina na tumutulong sa akin para harapin ko ang mga pagsubok na

dumarating sa aking buhay at siya rin ang nag-bibigay tatag, lakas, deter-minasyon at inspirasyon ko sa buhay”, pahayag ni Tapat. Si Gng. Jennifer F. Remular ang kanyang

tagasanay. Ma. Diana Joy Navarro

19th Letter to Parent Competition

Bb. Riotoc, bagong punung-guro Si Mary Jane U. Tapat, patnugot ng Ang Pag-Usbong na nagkamit ng ikalawang pwesto sa paligsahan sa pagsulat sa magulang.

Hinirang na bagong punung-guro ng San Vicente Integrated School si Bb. Be-atriz R. Riotoc noong Enero 10, 2012 bilang kapalit ni Dr. Elsie R. Rigunay na ngayon ay kasalukuyang Tagapag-masid Pampurok ng bayan ng San Vicente. “Hindi ko naman pinangarap na maging isang punung-guro, ang

SVIS, nahirang na Pilot School para sa SIP

Isa sa pinakaprestisyosong kaga-napan sa San Vicente Integrated School ay ang isang linggong pagbisita ni Gng. Rowena Lacap dela Cruz, Senior Educa-

Nabiyayaan ang dalawang daan at dalawampu`t walong mag-aaral ng SVIS ng mga school supplies tulad ng papel, lapis, ballpen at plastic cover na nagmula sa Mutual Operating

and Other Expenses (MOOE) ng nasabing paaralan noong Nobyembre 21. Layunin nito na lalo pang pagbutihin ng mga mag-aaral ng SVIS ang kanilang pag-aaral at makatulong na rin kahit sa munting paraan lamang. “Taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng teaching staff ng departamento ng sekondarya higit lalo na sa aming butihing punung-guro na si Bb. Beatriz R. Riotoc, at sa

aming matulunging Tagamasid Pampurok na si Dr. Elsie R. Rigunay sa tulong na aming natanggap” pahayag ni Marissa Perinion, IV-Diamond.

Billy BJ Ramirez

K-12 nilagdaan na

Edukasyon tungo sa tuwid na daan…

Simula sa taong panuruan na ito, ang Kurikulum ng Edukasyon sa Pilipinas ay humanay na sa ha-los lahat ng mga bansa sa buong mundo nang nilagdaan ni Presi-dente Benigno S. Aquino III ang Batas Pambansa bilang 10533 o ang “Enhanced Basic Education Act of 2013” noong Mayo 15.

Ang K-12 ay kailangang mag-umpisa sa kindergarten kung saan ang bata ay may edad na lima(5) bago sila makapag-umpisa sa elementarya. Ang ele-mentarya naman ay anim(6) na taon na mag-uumpisa sa mga ba-tang may edad na anim(6) na ta-on. Sunod ang sekondarya na may apat(4) na taon ng junior high school at dalawang(2) taon para naman sa senior high school.

Ang BP #10533 ay nabuo pa-ra sa pagkakaroon ng Functional Basic Education System upang bumuo ng mga responsable at produktibong mamamayan taglay ang mga mahahalagang kakaya-han, kasanayan at pagpapahalaga para sa habang-buhay na karunun-gan at hanapbuhay.

Carlo Castañeda

tion Program Especialist na mula nasyunal opis ng Kagawaran ng Edukasyon para sa School Improvement Plan (SIP) noong Setyembre 9 - 13 sa taong ito. Layunin ng pagbisitang ito na obserbahan at gabayan ang mga tagagawa at tagaplano ng mga kapakanan ng isang paaralan para matukoy ang mga kahinaan, banta at lakas na kailangang bigyang pansin ng isang paaralan.

Ang mga kalahok sa nasabing gawain ay kinabibilangan ng mga punong-guro, guro at opisyales ng PTA mula sa elementarya at sekon-darya. “Laking pasasalamat natin sa isang eksperto

na gaya ni Gng. Dela Cruz para makabuo ng isang

makabuluhang output para sa ikabubuti at ikauunlad

ng isang paaralan tulad ng SVIS,” wika ni G. Apo-linario Riotoc, guro ng sekondarya.

Si Bb. Beatriz R. Riotoc ang bagong hirang na punung-guro ng Sa Vicente Integrated School.

nais ko lang sana ay maka-pagturo sa mga bata at ma-katulong na rin ngunit tadhana na ang nagtakda para makamit ko ang tagumpay na ito,” pahayag ni Bb. Beatriz Riotoc. “Gagawin ko ang la-hat ng aking makakaya pa-ra sa ikauunlad ng ating

paaralan,” dagdag pa niya.

Billy BJ Ramirez

Kuha ni Daisy Simalong

Kuha ni Carlo Castañeda

Kuha ni Carlo Castañeda

Si Gng. Rowena dela Cruz sa kanyang pagbisita sa SVIS.

Kuha ni Carlo Castañeda

228 SVISans, nabiyayaan

Namimigay ng mga kagamitang pang-eskwela na mula sa MOOE sa mga mag-aaral ng sekondarya sa SVIS si Gng. Jennifer F. Remular, bilang OIC ng Sekondarya

Page 2: SKUL PIL

2 Hunyo-Nobyembre 2013

Araw ng mga Guro, ipinagdiwang

B A L I T A

Pagtutulungan ang Kailangan-Pilot “Pagtutulungan ang kailangan upang maihanda ang lahat bago ang pasukan.” Ito ang madamdaming pahayag ni Gng. Jeanette Pilot, ang pangulo ng Parents Teacher Association (PTA) sa sekondar-ya sa naganap na Brigada Eskwela sa San Vicente Integrat-ed School, San Vicente, Ilocos Sur, Mayo 21-24. Nilahukan ito ng mga guro, mga magulang lalung-lalo na ang mga 4ps, mga estudyante, at sina Coach Jimmy Mal-lari at ang kanyang mga soccer players. Layunin ng Brigada Eskwela na maihanda ang mga silid-aralan at ang kapaligiran para sa nalalapit na pasukan.

Ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School ang Araw ng mga Guro na may temang “My Teacher, My Hero” sa bulwagang pan-tanghalan ng San Vicente Integrated School noong Oktubre 7. Layunin ng programa, na bigyang

parangal at kilalanin ang mga guro sa araw na ito. Pinangunahan ito ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG) at Supreme Pupil Government (SPG) sa tulong na rin ni Gng. Jennifer Remular, ang tagapayo ng SSG. Sa araw na ito nara-nasan ng mga SSG at SPG ang magturo, sa

iba’t ibang mga grado at taon. Pinangunahan ito nina Carlo Castañeda, pangulo ng SSG at Mary Jane Tapat, ka-pangulo ng SSG. “Lubos kaming nagpapasalamat

sa mga guro sa malaking sakripisiyo

nila sa aming mga mag-aaral. Napaka-

hirap nga pala talaga ng kanilang mga

gawain, lalong-lalo na ang magturo sa

iba’t ibang klase ng mga estudyante,”

ang pahayag ni Mary Jane Tapat.

Mary Jane Tapat

Buwan ng Nutrisyon

SVISans, pinarangalan

Bilang pangwakas na pagdiriwang sa Buwan ng Nutrisyon na may temang “Gutom at Malnutrisyon, Sa-ma-sama Nating Wakasan”, pinarangalan ang mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School na nagsipag-wagi sa mga iba’t ibang paligsahan sa bulwagan ng SVIS noong Hulyo 2013. PAGGUHIT NG POSTER: Una - Danny Domenden ng III-Pearl Ikalawa - Fedrick John Azur ng Grade 8-Amethyst Ikatlo - Dee-Jay Gorospe ng IV-Agate E-POSTER: Una - Dave Jarrette Rosales ng II-Sapphire Ikalawa - Jayson Amarillo ng Grade 8-Amethyst Ikatlo - Paul Cyjoen Padron ng IV-Agate PAGSULAT NG SANAYSAY (ENGLISH): Una - Ma. Diana Joy Navarro ng III-Pearl Ikalawa - Daniel John Gapas ng Grade 7-Emerald Ikatlo - Aljune Uganiza ng Grade 8-Amethyst PAGSULAT NG SANAYSAY (FILIPINO): Una - Fedrick John Azur ng Grade 8- Amethyst Ikalawa - Clifford Cubangbang ng IV-Agate Ikatlo - Mary Rose Requilman ng Grade 7- Emereld NUTRIQUIZ: Una - Gilbert Retreta ng IV-Diamond Ikalawa - Rhose Angel Azur ng Grade 7- Ruby Ikatlo - Laurence Rapisura ng III-Sapphire COOKING CONTEST: Una - IV Agate Ikalawa - IV- Diamond

Tinanghal na pina-kamgandang babae sa buong mundo ang dala-wampu’t talong taon na Filipino-American aktres at host na si Megan Young ng nasungkit nya ang ko-rona bilang Miss World sa ginanap na paligsahan ng kagandahan, ang Miss World 2013 na ginanap sa Nusa Dua, Bali Resort Is-land noong ika-28 ng Setyembre , 2013.

Siya ay kinoro-nahan at binati ni Miss World 2012,Yu Wenxia. Si Young ang kauna-unahang Filipna na nag-uwi ng korona sa tinaguri-ang pinakamatandang paligsahan ng kaganda-han. “Pinapahalagahan ng Miss World ang halaga ng humanidad at gina-gabayan niya ito sa pag-intindi ng mga tao, kung bakit ganun sila kumilos, paano sila namumuhay at ang mga ito ang gagamitin ko hndi lang para tumu-long sa ibang tao pero pa-

ra na rin ipakita sa iba kung paano intindihin ang kapwa para magkaka-isa tayong tumulong sa lipunan”,("Miss World for me treasures the core value of humanity and that guides her into un-derstanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives and I will use these core values in my understanding not only in helping others but to show other people how they can understand oth-ers, to help others so that as one, together, we shall help society"), matali-nong sagot ni Young sa tanong na bakit siya ang karapat na tanghaling Miss World.

Ang Priority Development Assis-tance Fund (PDAF) na mas kilala sa ta-wag na “Pork Barrel” ay ang pondong naibibigay sa bawat kongresista na naka-laan para sa mga proyektong prayoridad ng pamahalaan lalo na sa lokal na sektor ng gobyerno na kanilang pinamumunu-an. Maganda ang layunin ng pondo ngunit ang malaking tanong ng taong bayan, “NASAAN ANG PORK?”

Noong ika-12 ng Hulyo, nagsimu-lang umugong ang “Pork Barrel Scam” na nagturo kay Janet-Lim Napoles bilang utak at reyna ng nasabing isyu. Isiniwalat ito ng kanyang mismong pin-san at personal assistant na si Benhur K. Luy matapos siyang mareskyu ng Na-

tional Bureau of Investigation (NBI) mula sa pagkakakulong niya sa yunit ni Napoles sa Fort Santiago.

Ayon sa mga lumabas na ulat, li-mang senador at 23 kongresista ang nadawit ang pangalan at naakusahan sa maanumal-yang paggamit ng milyon hanggang sa bilyong halaga ng PDAF. Ito ang gumising sa masa na nagbigay daan para sa malawak-ang imbestigasyon na isinagawa ng kinauukulan.

Pagkatapos ng masusing pag-aaral sa nasabing scam, idineklara ng Kataas-taasang Hukuman na ang PDAF ay “UNCONSTITUTIONAL” na nangan-gahulugan ng agarang pagtigil sa pag-isyu ng nasabing pondo sa mga kongresista.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay pormal na inilunsad ni dating Pangulong Gloria-Macapagal Ar-royo noong Nobyembre 2008 at sinimulang ipatupad noong Enero 2008 sa pangunguna ng Department of Social Welfare and De-velopment (DSWD). Noong 2010, ipinagpatuloy ni Pangulong Benigno Aqui-no III ang nasabing programa.

Layunin nitong labanan at bawasan

ang kahirapan sa pamamagitan ng pamimi-gay ng tulong pinansyal sa mga nakilalang pinakamahihirap na pamilya sa bansa na tinatayang umabot sa mahigit 3 milyon sa kasalukuyan. Inaasahang sa pamamagitan ng programa ay mapabubuti ang kalagayan ng mga pamilya sa larangan ng kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga bata na 0-18 gulang.

Ang bawat lehitimong miyembro ay

nakatatanggap ng Php6000.00/taon o Php500.00/buwan para sa pangan-gailangang pangkalusugan at nutrisyon at

Php3000.00/taon o Php 300.00/buwan sa bawat kwalipikadong anak ng miyembro.

Kaakibat ng tulong na ibibigay ay

ang sumusunod na responsibilidad ng bawat miyembro: ang pagpakonsulta sa doctor ng buntis na miyembro bago at pagkatapos manganak, buwanang pagmoni-tor ng timbang at pakikinig sa gabay pangnutrisyon para sa 0-2 gulang na anak, agarang pagpatingin sa karamdaman ng mga anak, 85% na buwanang attendance ng mga nag-aaral na anak at regular na pagda-lo ng mga miyembro sa mga seminar at pagpupulong tungkol sa tamang pangan-galaga ng pamilya.

Ayon sa kahulihang tala, ang bayan

ng San Vicente, Ilocos Sur ay may 323 pamilyang registradong miyembro ng 4Ps na nakatanggap na rin ng mahigitPhp1.5 milyong cash grant mula Hunyo 2012 hanggang Enero 2013.

Mary Jane Tapat

Nagbabasa ng kanilang mga mensahe ang mga mag-aaral ng SVIS para sa kanilang mga guro sa Sekondarya

4Ps pinalawak

Young, kinoronahang Miss World 2013

Nasaan ang PORK?

Page 3: SKUL PIL

Hunyo-Nobyembre 2013 3 B A L I T A

Mula sa University of Northern Philippines

CAS, naglunsad ng seminar

Naglunsad ng seminar na may temang “Information Drive on Psyco-Social and Economic Dimensions of Sustainable Environment” ang Col-lege of Arts and Sciences (CAS) ng University of Northern Philippines sa pangunguna ni Gng. May Evelia V. Ruadap, ang coordinator ng CAS Exten-tion Unit ng UNP sa San Vicente Integrated School noong Setyembre 6. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral na nasa ikatlo at ikaapat na taon ng sekondarya ng San Vicente In-tegrated School. Upang lalo pang maintindihan ng mga mag-aaral ang seminar na ito, apat na guro ng CAS ang tumalakay sa mga napakahalagang impormasyon na dapat nilang malaman. Tinalakay ni G. Cid Javier ang “The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,” si G. Lloyd Mata naman ay “Ecological Jus-tice”, si Propesor Maribien Lopez ang sa “Values Formation” at si Propesor Lourdes Llanes ang sa “Personality Development.” “Lubos ang aming pasasalamat sa bago na namang kaalaman na aming natutunan mula sa mga tagapagsalita sa seminar na ito,” ang pahayag

ni Kasandra Castillo, isang mag-aaral ng ikaapat na

taon. Mary Jane Tapat

Sa pangangalaga ng kalikasan

Isang ordinansa sa San Vicente, ipinatupad

Ipinatupad ang Ordinance No.03 Se-ries 2013 na may pamagat na Prohibiting and Regulating the Use of Plastics for Goods and Commodities (Styrofoams, San-do Bags, Drinking Straw) sa bayan ng San Vicente noong October 1. Layunin ng ordinansa na hindi na-gagamit ang mga tao ng plastik na hindi bi-odegradable o hindi madaling matunaw upang maiwasan ang madaming kalat sa paligid. Pinangunahan ito ng ating butihing mayora ng San Vicente na si Mayora Ma. Nancy Dy-Tabanda at ang mga konseho ng San Vicente. Ito ang kopya ng ordinansa at ang mga katumbas na parusa sa mga lala-bag nito.

Republic of the Phillipines Province of Ilocos sur

Municipality of San Vicente

ORDINANCE NO. 03 Series 2013

PROHIBITING AND REGULATING THE USE OF PLASTICS FOR GOODS

&COMMODITIES (STYROFOAM, SANDO BAGS,

DRINKING STRAW)

FINES AND PENALTIES: 1st OFFENSE

Reprimand / 2 Hours Community Service 2nd OFFENSE

P500.00 Fine / 4 Hours Community Service 3rd OFFENSE

P1000.00 Fine / Whole Day Community Service

www.sanvicente-ilocos sur.gov.ph

PNP(077)722-5896

telefax No. (077)722-8320 Hotline No. 0999-3379444

Kasandra Castillo

Kapulisan ng San Vicente, nagdaos

ng seminar

Nagdaos ng isang seminar ang Philippine National Police, San Vicente na pinangunahan ni Chief of Police Manuel Viaje sa bulwagang pantanghalan ng San Vicente Integrated School noong Oktubre 14. Layunin nito na mabigyang alam ang lahat ng mag-aaral ng San Vicente In-tegrated School, sekondarya tungkol sa RA. 9262-Anti Violence Againts Child Abuse: Exploitation and Discrimination and Drug Prevention and Control. Idinagdag pa dito ang mga dapat na gawin upang maiwasan ang paggawa ng krimen, mga paraan para hadlangan ang pagkalat at pang-aabuso ng mga kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. “Laking pasasalamat namin dahil sa walang sawang pakikilahok ng kapulisan para maipahayag ang karapatan naming mag-aaral at maiwasan ang anumang

krimen,” pahayag ni Marnelli O. Rabino ng III-Pearl.

-Billy BJ Ramirez

Buwan ng Wika

SVISans, pinarangalan

Pinarangalan ang mga nagsipagwagi na mag-aaral ng San Vicente Integrated School (sekondarya) sa pangwakas na palatuntunan ng Buwan ng Wika na may temang”Wika Natin Ang Daang Matuwid” sa bul-wagang tanghalan ng SVIS noong Setyembre 6. Nakamit ni Marjorie Ritumban ng Grade 8-Amethyst ang unang puwesto sa tagisan ng talino, pangalawang puwesto naman si Richvent Joseph Re-tuta ng Grade 7-Amethyst at si Zeny Ullero ng IV-Agate ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Buong birit na kumanta si Lucky dela Cruz ng Grade 8-Jade na nagkamit ng unang puwesto, Leslie Anne Tapuro ng III-Pearl ang nagkamit ng pangala-wang puwesto at pangatlong puwesto naman si Crisanta Sabado nang Grade 8-Amethyst. Sa pagsulat ng sanaysay nakamit ni Marnelli Rabino ng III-Pearl ang unang puwesto, si Zeny Ul-lero ng IV -Agate ang nagkamit ng pangalawang puwesto at si Mary Rose Requilman ng Grade 7-Emerald ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Si Danny Domenden ng III-Pearl ang nagkamit ng unang puwesto sa pagguhit ng poster, Fedrick John Azur ng Grade 8-Amethyst ang nagkamit ng pangala-wang puwesto at si Rojsvie Miles Antiquera nang Grade 7-Ruby ang nagkamit ng pangatlong puwesto. Sina Marjorie Ritumban, Marnelli Rabino, Danny Domenden at Lucky Bech dela Cruz ang kina-tawan ng San Vicente Integrated School sa Pan-dibisyong Patimpalak noong Agosto 29 sa Narvacan National Central High School, Narvacan, Ilocos Sur. Ang kanilang mga tagasanay ay sina Bb. Evelyn

Giron at Gng. Prima Albalos. Rhose Angel Azur

Pandibisyong Pagsasanay, inilunsad

Upang maihanda ang mga pangkampus na

mamamahayag sa pagsusulat ng mga balita,

editorial, lathalain, isports, copyreading, car-

tooning at radio broadcasting, naglunsad ang

Dibisyon ng Ilocos Sur ng isang Pandibistong

Pagsasanay para sa mga Tagapayo at

Pangkampus na Mamamahayag na naganap sa

San Sebastian National High School, San Vi-

cente, Ilocos Sur noong Oktubre 16-18.

Dinaluhan ito ng 2 sa mga tagapayo ng

Ang Pag-usbong na sina Gng. Catherine C.

Radam at Bb. Evelyn A. Giron at 7 pangkam-

pus na mamamahayag na sina Mary Jane

Tapat, Ma. Diana Joy Navarro, Billy BJ

Ramirez, Mary Rose Requilman, Samuel

Castañeda, Fedrick John Azur at Kasandra

Castillo.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat

na inilunsad ang pagsasanay na ito at

nabigyan ako ng pagkakataon na sumali

at madagdagan at mapalawak pa ang

aking nalalaman sa larangan ng pamama-

hayag,” ang pahayag ni Samuel Castañeda,

isang manunulat ng “Ang Pag-Usbong.”

Marnelli Rabino

Isang Silid-Aralan sa SVIS,

naidagdag Upang lalo pang matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral ng isang maayos at maaliwalas na silid-aralan, isang silid-aralan na para sa sekondarya ang ipinatayo sa San Vicente Integrated School, San Vicente, Ilocos Sur. Ito ay pinondohan ng DepEd na sin-

imulan noong Abril at natapos noong

Hulyo.

SVISans nagpasalamat sa Diyos

Nagpasalamat ang mga administrador, guro at mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School (SVIS) sa Diyos sa naganap na misa sa bulwagan ng SVIS noong Hulyo. Ang misa ay idinadaos taon-taon bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa. Pinangunahan ni Rev. Roque C. Reyes,

kura-patoko ng bayang San Vicente ang nasabing misa.

Lorence Rapisura

Nagbibigay ng mensahe sa mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School si P/Insp. Maanuel A. Viaje, hepe ng

Kapulisan ng San Vicente.

Kuha ni Carlo Castañeda

Tinatalakay ni Propesor Lourdes Llanes ng CAS ang Personality Development sa mga mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon ng Sekondarya sa SVIS

Ang mga mag-aaral ng San Vicente Integrated School ay taimtim na nagdarasal habang dinadaos ang misa.

Page 4: SKUL PIL

Nakaaalarma ang mga napanonood sa telebisyon, nababasa sa dyar-

yo, at napakikinggan sa radyo tungkol sa isyung “suicide” dahil sa tinatawag

na “bullying”. Kamakailan ay pinagtibay at pinirmahan ni Pangulong Aqui-

no ang isang batas, ang R.A. 10627 of 2013 of Anti Bullying Act. Layunin

nitong protektahan ang karapatan ng bawat isa laban sa mapanghusgang

lipunan.

Ayon sa pag-aaral, isa sa bawat dalawang katao ang nagiging biktima

ng pambubully. Kadalasan ay mga taong mahihina, may kapansanan, may

kapintasan at mga taong duwag magsumbong sa kinauukulan. Nangyayari

rin ito maging sa paaralan na ang karamihang nagiging biktima ay mga es-

tudyanteng may kapansanan at takot ipagtapat ang nangyayari. Ang

masaklap pa dito ay kinikikilan o hinihingan sila ng pera, binubugbog, gina-

gawang sunud-sunuran sa bawat naisin at higit sa lahat pinagsasalitaan ng

hindi angkop sa isang tao. Nakababahala lalo na sa mga magulang na tang-

ing akala ay nakapag-aaral ng maayos at komportable ang kanilang mga

anak, subalit ang akalang ito ay hanggang doon na lamang dahil ang masakit

pa dito ay kapwa rin estudyante ang gumagawa ng mga kalokohan.

Hindi rin natin maitatanggi ang dulot na kabutihan ng social media sa

ating buhay lalo na sa ating lipunan. Nandiyan ang mga cellphone,

kompyuter, atbp, na kadalasang gamit ngayon lalo na ng mga kabataan. Sa

pamamagitan ng mga Facebook, Skype, Twitter at Instagram, madali nating

naipapaabot ang ating mga mensahe lalo na sa ating mga mahal sa buhay na

nasa malalayong lugar. Ngunit paano kung ang mga ito ang mitsa ng pagka-

wasak at pagkakitil ng buhay ng isang tao. Napapanood natin sa telebisyon

na ito ang laging dahilan ng pagkakitil ng mga kabataan sa sarili nilang

buhay dahil sa isyu ng pambubully.

Ayon sa mga eksperto, ang pambubully ay nakapagdudulot din ng

trauma sa mga biktima. Sa mga estudyante maaaring hindi sila makapag-

aral ng maayos at hindi komportable. Bunga na rin ito ng pagiging mata-

takutin nila na makihalubilo sa iba at pagkakaroon ng depresyon. Sa gani-

tong mga simtomas, mahirap ng maibalik ang normal na buhay ng isang tao

na nasira ng dahil sa lipunang mapanghusga.

Mahalagang mabigyan ng solusyon ang problema natin sa mga pam-

bubully. Dahil sa bagong batas na ito, mas mabibigyang pansin na ang mga

bully sa tulong ng DepEd sa mga eskwelahan. Ang pagiging bukas sa pami-

lya ay mahalaga rin para masabi natin ang ating mga hinaing at anumang

problema sa ating personal na buhay. Dapat isa-isip na gumagaan ang ano

mang problema basta`t alam nating ibahagi sa iba. At dapat ring gabayan at

hulmahin ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging mabuting

tao. Hindi pa huli ang lahat basta`t alam nating makipag-ugnayan sa

kinauukulan. Huwag tayo maging duwag na ipaalam sa kanila ang katoto-

hanan. Hindi imposibleng masosolusyunan natin ang problemang tayo rin

ang may gawa kung gagawin nating lahat ang ating parte, ang pagrespeto sa

kapwa natin.

GISING KABATAAN ni Ma. Diana Joy Navarro

Anti-Bullying Law

Kilala Mo Na Ba Ako?

Ang Sikat na Pork Barrel Scam

Isa sa pinakamainit at pinaka-kontrobersyal na isyu dito sa ating bansa ngayong taon ay ang isyu sa Pork Barrel. Kamakailan lamang, ginisa nang mga mam-babatas ang tinaguriang reyna ng Pork Bar-rel Scam na si Janet Lim Napoles. Marami ang nadismaya sa mga isinagot nito at ang akala nang lahat ay mahuhukay na ang mga paglulustay na ginawa sa pondo ng mga ma-mamayan. Isa sa naging tagapagsiwalat sa karumal-dumal na ginawa ni Napoles ay si Benhur Luy. Na ayon pa sa kanya tatlong senador at mga kongresista pa ang kasabwat at sangkot sa nasabing scam. Para sa mga taong bayan, hindi lang ito basta-bastang problema ng bayan kundi isang problema na dapat agad solusyonan. Galit at panghihinayang ang naramdaman ng sambayanan nang lumabas ang scam. Tin-aguriang kauna-unahang kaso sa kasaysayan kung saan isang gumon ng ebidensya ang nakalap. Matapos ang pagsuko ni Napoles sa mismong Presidente, marami ang naging bulung-bulongan tungkol sa special treat-ment na nangyari. Hindi raw ito normal na pagtrato sa isang taong nagnakaw at naging utak ng 10 bilyon na salapi ng bayan. Hindi rin natin maitatanggi ang galit ng samba-yanan kay Napoles, sapagkat sa isang iglap lamang, napasakamay na niya ang pera ng

taong bayan na kinuha mula sa kinaltas na buwis. Sangkot din daw sa scam na ito sina Senador Jinggoy Estrada, Senador Bong Re-villa, at Senador Juan Ponce Enrile. Ang tanong ng masa, paano pinaikot ng isang sim-pleng negosyante ang pera ng bayan? Hindi kaya may mas makapangyarihan pang tao ang sangkot dito? Sabi ni President Aquino, “Walang sasantuhin ang batas sa mapapatunayang sangkot sa Pork Barrel Scam. Ngayon nasa kamay na nila si Napoles, inaasahan ng lahat na magkakaroon nang katuparan ang pangako nito sa taong bayan. Ang pork barrel ay laan para sa mga proyektong mapapakinabangan ng mga Pilipino. Habang patuloy na naghi-hirap ang ekonomiya ng Pilipinas, marami ang walang makain, hindi nakapag-aral, marami ang mga nagkakasakit at namamatay na dilat ang isip at mata sa katotohanan na ninakaw ng mga mambabatas at ang pinakamasahol na negosyanteng si Napoles ang perang laan dapat para sa kanila. Kaya’t hindi rin masisisi ang taong-bayan kung bakit gusto na nilang alisin ang pork barrel ng ating mga mamba-batas. Wala na nga ba talagang sasantuhin? Hindi natutulog ang taong-bayan. Patuloy tayong magbabantay. Dahil ang pinakamaka-pangyarihang testigo ay tayo mismo.

Sundan sa pahina 3...

4 Hunyo-Nobyembre 2013 E D I T O R YA L

PATNUGUTAN Taong-Panuruan 2013-2014

Patnugot: Mary Jane U. Tapat

Ka-Patnugot: Ma. Diana Joy R. Navarro

Tagapamahalang Patnugot: Billy BJ J. Ramirez

Patnugot ng Balita: Kasandra B. Castillo

Patnugot ng Panitikan/Lathalain: Mary Rose Requilman

Patnugot ng Isports: Samuel S. Castañeda

Mga Kontributor

Aljune P. Uganiza Jester A. Bundoc Carlo S. Castañeda

Lorence N. Rapisura Marnelli O. Rabino

Rhose Angel B. Azur Windelyn R. Rondon Daisy L. Simalong

Mga Tagaguhit Fedrick John B. Azur

Antonio P. Navarrete Jr.

Mga Tagapayo Bb. Evelyn A. Giron

Gng. Catherine C. Radam Gng. Prima B. Albalos

Mga Kritiko Gng. Jennifer F. Remular Bb. Michelle T. Ragasa

Gng. Rowena L. Presto Bb.Lhowela T. Ribuca Gng. Rosviminda P. Ragasa G. Julimar R. Buquing

Mga Konsultant

Beatriz R. Riotoc Punong-guro I

Elsie R. Rigunay, Ed. D. Tagamasid Pampurok

Page 5: SKUL PIL

Edukasyon, Pahalagahan

Tayong lahat ay may karapatang mag-aral. Hindi ito ipinagkakait kanino man dahil sa

tayo`y ipinanganak sa mundong ito na may karapatan sa lahat, karapatang lumigaya,

karapatang magmahal, higit sa lahat karapatang makapag-aral. Pero sa ngayon, nag-aaral

nga tayo pero para saan? Para lang ba masabi na tayo ay may pupuntahan?

Bilang isang mag-aaral kailangang sundin o gawin natin kung ano man ang ibinibigay

sa atin ng ating mga guro. Kailangan ding makipagpartisipasyon tayo sa lahat ng oras sa

mga talakayan. Pero ginagawa ba natin ito? Ilan sa mga mag-aaral ay pumapasok lamang

para sa attendance, para magkaroon lang ng allowance, para makita lang ang crush o

kasintahan, para umiwas lang sa mga gawaing bahay, atbp. Kung ganito lang naman ang

nangyayari mapapalawak ba natin ang ating kaalaman?

Karamihan sa mga mag- aaral sa ngayon ay ipinagwawalang bahala ang kanilang

pag- aaral. Hinda nila pinapahalagahan ang bawat patak ng pawis ng kani- kanilang mga

magulang matustusan lang ang kanilang mga pangangailngan sa eskwelahan. Para kanino

ba ang kanilang pagpapakahirap at pagsasakripisyo? Hindi ba`t para sa ating magandang

kinabukasan? Magandang kinabukasan na tanging hangad ng ating mga mahal na magu-

lang, subalit ano ang ating isinusukli sa kanila? Tayo lamang ang nakasasagot sa tanong na

ito.

“Education is the key to success”, sabi nga nila sa wikang Ingles at totoo ito. Kaya,

kapwa mag- aaral may pagkakataon pa tayong magbago habang maaga pa. Pahalagahan

natin ang ating pag-aaral upang ang buhay ay umunlad at maging matagumpay.

Sa Aking Tingin

ni: Kasandra B. Castillo

Sang-ayon ka ba o hindi? Hatid ng K-12 Basic Education Curriculum ang pagkakaroon ng tinatawag na Senior High School o ang dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa sekon-darya maliban sa apat na taon o ang Junior High School. Sa Senior High School pwedeng pumili ng gus-tong konsentrasyon gaya ng Technical-Vocational, Sports and Arts, at Academics ang isang mag-aaral. Pabor ba kayo sa dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa sekondarya? Oo o hindi? Oo,para sa kapakanan ng mga kabataan. Dahil kapag nakapagtapos na sila maaari na silang magtrabaho kung hindi man sila nakapagtapos sa mataas na edukasyon.

-Bb. BEATRIZ R. RIOTOC Principal, SVIS

Pabor ako sa dagdag na dalawang taon para higit silang matuto sa dagdag na kaalaman na isina-gawa ng K-12. Dagdag na pag-aaral ang isinusulong na dalawang taon na Technical- Vocational, Sports and Arts, at Academics, subalit mas makabubuti kung ang mga magulang ay ipagpatuloy ang pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak para makamit ang nais na karera ng kanilnag mga anak hangga`t kaya nilang itaguyod ito.

-Gng. JACQUELINE B. AZUR Magulang, Sekondarya

Oo, para madagdagan ang aming kaalaman at para pagdating namin sa kolehiyo ay di na kami mahihirapan dahil naka advance lesson na kami.

-MARY ROSE REQUILMAN Grade 7- Emerald

Oo, pabor ako dahil ang dagdag na taon sa pag-aaral ay para rin lang sa kapakanan ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga magulang hindi maintindi-han ang nais ipakahulugan ng sinasabing Senior High School, ngunit sa aking murang pagkakaintin-di, makakatulong ito para mapabilis ang paghahanap ng trabaho. O, di kaya`y pagkatapos ng Senior High School maaari na kaming pumili ng gusto naming

Pag-isipan ni Mary Jane U. Tapat

Liham sa Patnugot Mahal kong Patnugot, Una sa lahat nais ko muna kayong batiin ng ma-gandang araw lalung-lalo na sa mga mahal nating mambabasa. Gusto ko ring magpasalamat dahil sa pagkakaroon ng kolum na ito para maibahagi naman namin ang mga saloobin at nakikita para matugunan ang mga ito. Sa kasalukuyan, ako po ay nasa Grade 8 at bilang estudyante ay apektado po ako sa naranasan ko sa nakaraang tag-ulan dahil sa kaunting patak ng ulan ay bumabaha na. Taun- taon po ay ganito ang nang-yayari sa aming paaralan. Kaunting patak ng ulan ay nagdudulot ng baha. Bahang nakakasagabal sa aming pag-aaral dahil pumapasok sa aming silid-aralan at umaabot pa ng dalawang talampakan ang tubig kahit sa kaunting ulan. Wala po kasing lalabasan o daluyan ng tubig at naiipon lahat sa bawat sulok ng silid-aralan namin. Maliban po kasi sa naapektuhan ang aming pag-aaral ay nakatatakot din po ang maaaring ibunga nito sa aming kalusugan. Maaaring makakuha kami ng sakit dahil sa baha o tubig na naiipon. Sana po at wish ko lang na sa susunod na tag-ulan ay hindi na namin mararanasan ang ganitong uri ng problema dahil sayang ang matututunan namin sa bawat araw na may baha.

Lubos na gumagalang, (Sgd.) Aljune Uganiza

Grade 8-Amethyst

Hunyo-Nobyembre 2013 5 O P I N Y O N

Bangis ni Yolanda ni: Ma. Diana Joy Navarro

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas subalit ang pait,

sakit at pighati ay nasa puso’t isipan pa rin ng mga biktima. Ang super bagyong Yolanda ay isang kalamidad na bumago, sumira at nagpatumba sa buhay ng karamihan sa mga taga-Visayas. Isang kalamidad na sumu-bok sa ating katatagan, pananampalataya at pagkakaisa. Bilyun-bilyung halaga ng mga imprastraktura, kabahayan mga agrikultura at libu-libong mga buhay ang nasawi at nasayang. Subalit totoo kaya ang isyung pinagdedebatehan na bunga ito ng tinatawag na global warming o pagbabago ng klima ng daigdig?

Batay sa usap-usapan sa mga social-media, gawa umano ng tao ang bagyong ito na sumalanta sa maraming buhay at ari-arian sa Sentral Visayas. Ngunit higit na matindi ang akusasyon o tsismis, inuugnay ang bagyong ito sa global warming na kagagawan din naman talaga ng tao. Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) 3,637 na ang naiulat na namatay, 1,186 pa ang nawawala at patuloy pa rin na kinakalap ang datos sa mga lugar na hinagupit. Mahigit sa 3 milyong indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation center at patuloy na umaasa na bukas, makalawa masisilayan nila ang isang maaliwalas na umagang puno ng pag-asa.

Ayon kay Brian McNoldy, senior research associate ng Uni-versity of Miami, si Yolanda ay kabilang sa isang grupo ng malalakas na bagyo na nakakalat sa mundo sa mga nagdaang dekada. Mula naman sa isang research oceanographer ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) maliit lang daw ang kontribusyon ng global warming kay Yolanda at may mga bagay na bumuo sa bagyong ito tulad ng Weather Fluctuation at Climate Variability. Gayunman batay na rin sa ating mga napapansin, ang mga bagyong dumaan sa Pilipinas nitong nagdaang ilang taon ay nagiging mas malakas o mas matindi ang pinsa-lang idinudulot sa bansa. Iisa lang ang paalala nito sa atin, higit nating pahalagahan at bigyang pansin pa ang ating Inang Kalikasan.

Sa kabila ng kalamidad, dito natin makikita ang kaliwa’t ka-nang mga tulong na natatanggap natin mula sa iba’t ibang sulok ng mun-do. Mga cash donations, mga material na bagay lalong-lalo na ang ating mga dasal. Paalala lang ito na sa likod ng mga luha, lungkot at pighati nating mga Pilipino ay nariyan pa rin ang mga kamay na handang tumu-long at makiisa sa atin. Mga patunay na habang may buhay may pag-asa. Sa bawat problema, darating ang bukas na may ngiti. Alam nating hindi natutulog ang Diyos. Ilang beses man tayong subukin ng tadhana, hindi pa rin matitinag at susuko ang lahing Pilipino. Babangon tayo at sama-samang buuin ang mga nasirang kabuhayan na dulot ng mapaminsalang bagyong Yolanda.

trabaho tulad sa mga Technical- Vocational, Sports and Arts at Academics. -MARY GRACE REVIBES

III-Pearl Pabor ako sa dagdag na dalawang taon sa sekondarya dahil ito ay makatutulong sa akin sapagkat kapag natapos na ito ay maaari na akong magtrabaho.

-FEDRICK JOHN AZUR Grade 8-Amethyst

Oo, pabor ako sa dagdag na dalawang taon ng pag-aaral sa sekondarya para magkaroon ang mga kabataan ng sapat na kaalaman sa nais nilang maging sa hinaharap at kung sakaling hindi na sila makapagpatuloy sa college may kaalaman pa rin silang magagamit para sa kanilang paghahanap ng trabaho sa hinaharap.

-Gng. CLARITA RIALUBIN Guro ng Elementarya, SVIS

Page 6: SKUL PIL

Dear Diary,

MAYO Magandang umaga diary, aga kong nagising ngayon diary pupunta kasi ako sa eskwelahan. Simula na naman ng Brigada Eskwela naming diary. Ako kasi ang ka-pangulo ng SSG eh, at syempre diary responsibilidad kung pumunta at tumulong sa paglilinis kasi diary layunin ng Brigadang ito na malinisan ang paaralan bago ang pasujan. Si-ge diary ah, kwentuhan na lang tayo mamaya pupunta lang ako sa eskwelahan. Hayyy…. Diary napagod ako ngayong araw na ito, daming lininisan… Kumusta ka na dear diary, handa na ba akong magkwento sa iyo? Alam mo diary lininisan naming ang buong paaralan, kapagod kaya diary. Kasama ko ang aming guro diary sa paglilinis, akalain mo naman diary sobrang sipag nila noh? Ito yung mga kapwa ko SSG diary kasama ko rin sila, mga 4p`s, PTA Officers, si sa diary si Coach Milari na coach ng soccer halla diary kasama rin naming naglionis kasama ang mga soccer players. Hulog sila ng langit diary noh? Sana hindi sila magsawang tumulong sa aming paaralan. Para sa kaayusan at kalinisan nito. Sige diary hah kwentuhan na lang tayo bukas busy kasi akong naghahanda sa pagpasok ko bukas sa paaralan.

HUNYO

Diary kumusta ka na naman? Sorry hah ngayon lang ako nakapagsulat ulit. Busy kasi ako eh, unang araw sa klase. Mga pagbabago na naman ang magaganap sa buwan na ito diary. Hayyy… Mga bagong kaalaman, kaibigan syempre karanasan diary. Alam mo diary may naganap kauna-unahang Orientation sa mga estudyante. Nailahad ang mga iba`t-ibang patakaran diary at para sa akin diary marami ang magtitino sa patakarang ito. Super Aktibo talaga ang mga guro diary. Bonggang bongga talaga ang paaralan naming diary noh? Oh diary, masaya ka ba sa kwento ko? Ako diary sobrang-sobrang saya at kailanman hindi nila mapapantayan ang kasiyahan ko. Sige na diary hah? Mag-aaral lang ako. Bukas na lang tayo magkwentuhan diary ah. Bye! Bye! Bye!

HULYO

Gandang umaga Dear Diary ko, kumusta ka na? Ngayon lang ako nakapagsulat diary. Alam mo diary mga bonggang-bonggang kwentuhan tayo ngayon diary. Are you ready to explore and listen diary? Oh, sige na sisimulan ko na ang kwentuhan nating dalawa diary. Alam mo diary ganap na naman ang mga Buwan ng Patimpalak diary. Sa Buwang ito diary ay tinaguri-ang Nutrition Month na pinagdiriwang ng buong bansa at bilang pakikibahagi sa pagdiriwang, nagdaos ng iba`t-ibang patimpalak para sa mag-aaral ng sekondarya ng SVIS. Mayroong pagsulat ng sanaysay, pagguhit ng poster, E-poster, Nutri Quiz, Gardening, at Cooking Contest na sinalihan ng mga mag-aaral diary. Lahat ng mga ito nai-sakatuparan dahil sa pangunguna ni G. Julimar Buquing at sa tulong ng lahat ng mga guro namin. Aktibong-aktibo sila diary, walang nagpatalo at umurong. Mga SVIS ang mga yan diary hah? Hindi nagpapatalo hehe… Joke lang diary J Pero aktibo sila at may pananalig sa Diyos. Pagkatapos ng Nutrition Month diary, PTA Meeting na naman ang sumunod. Aba syempre diary dapat lang dumalo ang mga parents sa meeting na ito. Responsibilidad nilang malaman ang mga patakaran sa paaralan at ala-min ang ginawa ng kanilang mga anak. Maliban dito diary nabuo ang organisasyon ng mga opisyales ng mga guro. Layunin ng organisasyon na mapaibayo ang pakikibahagi ng mga magulang sa mga gawain ng aming paaralan. Eh, kung ikaw ba diary isang magulang pupunta ka ba? Oh, makikinig na lang sa kwento ko? hehe… kaw talaga diary ah. Walang hanggang pagsuporta sa akin. Salamat Diary. Opppsss… Time is up Diary!! Sign off muna ako ah. May gagawin lang ako. Teka… Teka… Babye na Diary…. Bukas ulit nhah… J

AGOSTO

Hello Diary !!! Buwan ng Wika na naman diary… Ito ay taun-taong ginagawa sa buong bansa. Siguradong maraming pangyayari na magaganap diary. Aba! Open for all na naman diary… Akalain mo nga naman diary. Sobrang suporta-do talaga ang mga guro diary para sa aming estudyante. Alam mo diary, maraming patimpalak na naman ang sasalihan ng mga mag-aaral diary. Gusto mo bang malaman ang kanilang sinalihan diary? Oh, bored ka lang sakin… hehe… Joke… Mmm.... May Tagisan ng Talino, Isahang Pag-awit, Pagsulat ng Sanaysay, at Pagguhit ng Post-er ang sinalihan at lahat ng nagkamit unang gantimpala ang siyang kinatawan ng paaaralan para sa pandibisyong patimpa-lak para sa Buwan ng Wika.. Kung may patimpalak diary, Aba may pasasalamat naman para sa mga natanggap na karangalan.. Ito ang Holy Spirit Mass na naganap diary sa aming paaralan na sinundan ng isang pasinaya sa naidagdag na bagong silid-aralan.. Asensado diary woh? Hehehe. Sa bawat paghihirap, pasasalamat sa Buwang ito diary, natapos rin ang mga aktibidades namin. Pahinga din

Page 7: SKUL PIL

pag may time diary. Hehe… syempre napagod alangan namang hindi magpahinga? Ayyy… Oo nga pala diary bukas ay Buwan ng Setyembre na. Anong aktibidades na naman ang magaga-nap? Mmm. Antok na ako diary… Pero diary nag-eenjoy ako kapag nandyan ka na nakikinig sa kwento ko. Sige diary ah, bukas na ulit tayo magkwentuhan. Bye! Diary ko .

SETYEMBRE

Diary, ang saya ko ngayong araw na ito! Teka pala diary masyado akong padalus-dalos. Kumusta ka na pala? Okay ka lang ba? Kumain ka na ba? O nagdidiet? Hehe… Pinapasaya lang kita diary eh.. Setyembre na naman diary. Ang bilis ng araw noh? Diary… Let`s go to the YES-O Camping at Eco-Tour diary. Karanasan na naman yan. Alam mo diary 2 araw at 1 gabi naming dito sa school.. Ang saya dia-ry!!! Eco-tour sa Mira Hills, Hidden Garden at Baluarte. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga kara-nasan kong ito. Sabi nga ng isang awit diary,“Sana Maulit Muli”. Bahagi ng kamping na ito ay ang ibat-ibang paligsdahan tulad ng Sayawit, G. at Bb.Kalikasan 2013, Panata sa Kalikasan at team building na nag-iwan ng hindi makakalimutang karanasan sa bawat kamper. Hayyyy… Ang saya ko talaga diary. Uyyy… Ngumingiti rin si diary. Napapasaya ko sa mga karanasan ko. Mmm… Salamat Diary hah… Hanggang sa muli…

OKTUBRE

Ang aga kong nagising diary… Goodmorning pala diary. Mmm.. Diary Mini-Intrams namin ngayon. La-banan ng dalawang koponan diary. Pagpray mo kami diary hah na Manalo kaming Grade 8 at 3rd year. Sige diary babalitaan na lang kita mamaya hah… Bye!!! Hoooo!!! Pagod na ako diary ko. Mula sa pagtalbog ng bola, karipas ng takbo ng mga mag-aaral, mapa Phil Young Husband ang mga mag-aaral diary, paghampas ng raketa, pagbato ng mga discuss, shotput at javelin. Hayyy… talagang hihiyaw ka sa kagalingan naming diary este kagalingan nila… Hehe… Mmm… Uiii. Diary magaling kaya kaming 2 koponan. Walang umaatras diary laban kung laban. Walang umaatras. Palaban diary noh? Aba syempre diary. Mapapagod ka din. Mapapagod sa training. Yang pagod mo, pawis lahat-lahat diary. Para sayo diary. Kapag tapos na ang mini-intrams? Anong susunod diary? District Meet na diary… Nandyan na naman ang mga mababagsik na manlalaro ng SVIS diary. Hindi nagpapatalo. Isport kaya kami diary at syempre may pananalig sa Diyos. Ito kaya ang determinasyon naming pagdating sa labanan. Alam mob a diary ang sinalinan nila? Halla!! Di mo alam diary? Sige na nga diary kwento ko na sayo. Mmm. Badminton, Basketball, Volleyball, Scrabble, Chess, Running, Throwing events at syempre diary ang soccer na inaabangan nilang panoorin. Tatag, determinasyon, pagiging Isports, pananalig sa Diyos ang mayroon sa manlalaro naming diary kaya lagi silang nanalo diary. Kapag tapos na kaya ang District Meet diary anong meron na naman? Ayy… Teacher`s Day pala diary. Nagkaroon din ka ba ng teacher diary? Ayy ako teacher mo diary? O sige, na ako na ang teacher mo. Hehe… OA talaga ako diary noh? Alam mo ba diary? Nagkaroon kami ng programa para sa mga teachers naming. May nagsulat para sa mga guro diary para sa pasasalamat. At may nagbigay din ng mga regalo diary. Bongga diba? Hehe…. Pagod na ako diary, pero tanong ko lang diary. Nabored ka ba o nag-enjoy ka sa kwento ko diary? Ako diary enjoy na enjoy… Goodnight diary J

NOBYEMBRE

Nobyembre na diary!! Halika na diary manood ng Unit Meet sa Quirino Stadium, Bantay Ilocos Sur. Alam mo diary. Iba-ibang distrito ang naglalaban-laban. Pero diary ang mga manlalaro ng SVIS hin-di nagpatalo. Lumaban hanggang kamatayan este hanggang Provincial pala. Hehe… Mmm. Diary sana ang katatagan ng kanilang kalooban, determinasyon, tiwala sa kanilang sarili at pananalig sa Diyos, ay hindi mawala sa kanila. Alam mo diary sa mga kwento kong ito para sayo sana hindi ka na boored. At hoping na nag-enjoy ka sa mga kwento ko araw-araw. Hanggang sa muli diary.

Mary Jane

Page 8: SKUL PIL

Kabataang Pilipino Ngayon ni: Lorence Rapisura

Kabataan ngayo’y lulong sa droga Gamit nila’y shabu at marijuana

Natuto na rin silang uminom ng alak Ay sus, naku! ang sama na talaga nila….

Kabataan ngayon ay ibang-iba na Sila’y natuto na ring humitit ng yosi Kahang nabibili’y hindi na mabilang

Di lubos maisip, kalusugan nila’y sira na.

Kabataan ngayon ay walang alam gawin Patambay-tambay na lang, saan ka man tumingin

Pag-aaral nila’y nakalimutan na rin Libro’y itinago’t di na binubuklat.

Kabataan ngayon, mayro’n na ring samahan Na sumisira sa kanilang kinabukasan

Kabataan ngayon, nawawala na sa landas Iba sa kanila’y, maagang naging magulang.

Paano ang mga kabataan ngayon? Kung hindi sila mabibigyan ng leksiyon?

Sino na ang pag-asa ng bayan? Pag sila’y wala na…?

Pahina 8 Hunyo-Nobyembre 2013 L A T H A L A I N / P A M P A N I T I K A N

Mahal na Guro Ni: Kasandra Castillo

,, Itinuturing kong kapatid

Kuya at ate o di-kaya’y bestfriend Siya rin ang ating pangalawang ama

O di-kaya’y itinuturing na ikalawang ina.

Siya ang aking mahal na guro Gurong kung magmahal ay todo

Siya ang tumutulong sa amin

8 Hunyo-Nobyembre 2013 L A T H A L A I N / P A M P A N I T I K A N

Bato, bato sa langit, Ang Tamaa’y ‘wag

magalit Ni: Ma. Diana Joy Navarro

Mga binoto ng sambayanan Alkalde, Kongresista at Senador

Nagsisilbing mga lider at pinuno ng bayan.

Ngunit ano’tong napapansin ko, Korap dito, korap doon…

Ang sakit isipin, mga buwis ng taong bayan,

Nananakaw ng isang iglap lamang

Binubulsa, biktima’y sambayanan.

Mga mayayaman, lalong yumayaman

Mga mahirap lalo pang naghihirap…

Kapwa Pilipino, naghihirap di man lang umuunlad

Mga tao’y walang trabaho, di-nakapagtapos ng pag-aaral.

Wala silang makain, nakapanlulumong sitwasyon…

Mga pinuno, makonsenya naman kayo!!

Pinuno ng bayan! Gumising kayo sa katotohanan Sambayanan, naghihinagpis sanhi ng inyong likha

Maging tapat sa tungkulin, wag maging korap

Dahil sa inyo nakasalalay ang isang bayang maun-lad.

Sa tuwing may nababalitaan ako

mapa telebisyon man o radyo,

Naglipana na daw, mga mandarayang pulitiko Hindi lang daan-daan kundi bilyon-bilyung itinago

Tanong ko ngayon, “Nasaan na ang daang matuwid?

Mga walang konsensyang pulitiko

Nagpapabango pa pag panahon ng kampanya Pangako nila’y kadalasa’y napapako.

Hindi nila iniisip na maraming umaasang mga tao.

Kaban ng bayan,

Inyo namang pangalagaan Bigyang importansya, ilaan sa tama

Nang sa gayo’y magkaroon ng halaga

Ang salapi ng masa.

Ina, Bayani Ka ni: Mary Rose Requilman

Sino ang ating ina sa ating buhay? Ba-yani ba siya? Lahat tayo ay may kani-kaniyang mga ina. Maaaring sila ang nagluwal sa atin o di kaya’y nag-aalaga sa atin. Ang ina ay dakila. Sila ang nagtuturo sa atin sa matuwid na lan-das. Sila ang nag-aaruga sa atin at higit sa la-hat, kung may problema sila ang tinatakbuhan natin. Mama, Inay, Mother, Mommy ang bansag natin sa kanila. Malaking pasasalamat natin sa ating manamahal na ina. Bakit? Dahil nandito sila sa ating tabi, gumagabay sa atin ano man ang pagsubok na dumating. Sila ang nakakaunawa sa ating mga problema. Si Ina ang aking bayani. Siya ang naging inspirasyon ko. Saan man ako mapadpad ay hinding-hindi ko siya ikakahiya. Dahil siya lang ang aking ina at wala ng iba pa. Marahil marami ang nagtataka kung bakit si Ina ang aking bayani. Inialay kasi niya at ibinuwis ang kanyang buhay para lamang maisilang ako dito sa mundo. Ang mga ibang bata ay ulila na sa kanil-ang mga ina. Maagang nawasak ang kanilang pamilya o maaaring namatay na ang kanilang Ina. Masakit isipin kung gaano kahirap ang maulila. Kung wala si Ina na gagabay sa ating gawain hindi na mararamdaman ang mahigpit na yakap at higit sa lahat kung may problema, wala nang inang tatakbuhan. Masaya ako dahil nakikita ko pa si ma-ma. Nasusubaybayan nya ang aking pag-aaral. Si ina ay mapagmahal at maunawain. Nai-intindihan niya ang lahat ng aking problema, love life man, pag-aaral man, kahit anong klaseng problema, alam nyan ni Ina. Payo nga ni Ina “mag-aral muna ako bago ang lahat”. Yan ang aking ina! Kayo bayani ba ang ina niyo? Alam kong oo! Binabati ko kayo!

Tayo Ang Nakakaalam ni: Billy BJ Ramirez

“Anuman ang maging kapalaran tanging Diyos lamang ang nakakaalam”. Ito ang huling linya ng isang awit na ito rin ang pamagat. Marami sa mga kabataan ngayon na ang kanilang buhay ay inaasa sa ka-palaran. Na ano man ang mangyari sa buhay ay kalooban ng Diyos. Karaniwan ang sinasabi kung ano ang guhit ng palad iyon ang magiging kapalaran.Kung ating iisipin, hindi ito ang gusto ng Diyos. Bakit pa tayo pinagkalooban ng isipan kung wala naman itong pag-gagamitan? Ang tao ay nilikha ng Diyos. Pinakadakilang nilalang na sinangkapan ng buhay at kaluluwa. Bi-niyayaan ng kalayaan ng kaisipan upang gamitin sa ikauunlad at ikaliligaya. Kung ano ang gagawin natin sa ating buhay, iyon ang mangyayari. Kung tayo ay nagsasa-kripisyo upang ating maabot ang mga inaasam-asam na pangarap sa buhay, makaturungan lamang na iyon ay ating makamit. Hindi naman siguro tama na iasa na lamang ang ating kapalaran sa buhay. Nasa ating pagpapasya ang magiging uri ng ating buhay sa hi-naharap. Anuman ang ating itinanim, tiyak na iyon din ang ating gagapasin. Magtanim tayo ng kabutihan

siguradong kabutihan din ang ating aanihin.Tayo ang nakakaalam sa ating buhay….sa atin nakasalalay ang ating kapalaran.

Kaya Natin Ito ni: Billy BJ Ramirez

Laganap na ang pagdurusa saan mang sulok ng ating bansa. Mapalung-

sod man o mapalalawigan, malinaw mong makikita ang larawan ng paghihikahos

sa halos bawat tahanan at pamilya. Iilan lamang ang masasabi mong nakaririwasa o

nakaaangat sa buhay.

Bakit may pagdurusa? Bakit may mayaman sa kabila ng pagiging kapus

-palad ng iba? Saan ba nanggagaling ang lahat ng ito?

Isa sa mga sanhi ay ang hindi pantay-pantay na pamamahagi ng mga

kayamanan at likas na yaman ng ating bansa. Idagdag pa natin ang karamutang

nanggaling sa mga ambisyosong naghahangad ng tagumpay sa pansariling ka-

gustuhan. Nariyan din ang hindi sapat na edukasyon na isa sa mga sagabal sa pag-

sulong. Bagamat isang pananagutan din ng pamahalaan na pilit na ginagamot,

marami pa ring kabataan ang hindi nakapapasok sa mga paaralan sa iba’t ibang ka-

dahilanan. Ang pagkakaroon ng mga pinsalang dulot ng kalikasan ay isa pa ring da-

hilan.

Maging kanino mang kasalanan, pagkakamali, pagkukulang o pana-

nagutan, lubos ba nating masasabi na tayo’y walang kasalanan? Dapat nating pag-

ukulan ng pansin ang mga katanungang ito. Maari bang ang paghihirap ay magsim-

ula sa isang kilos natin o sa bawat hakbang.

Kapag problema ay dumating.

Pag sa “love” ang naging prob-lema mo

Aking mahal na guro maaasahan mo

Handang damayan ka, sa mun-dong malabo

Pagsabihan at payuhan ka para hindi mahilo.

Pangarap ni: Kasandra B. Castillo

Bawat isa sa atin

May pangarap na gustong abutin Mga bagay na gustong mapasa atin

At sinuman may karapatang maangkin ito….

Angking talino ay tiyak meron tayo Hinuhubog nang husto, magamit sa

pagpapakatotoo Pero mga taong malisyoso ang kalaban natin dito. Na handang hadlangan ang mga pangarap natin sa

mundo.

Sipag at tiyaga ang kailangan natin kaibigan Huwag puro tulog dahil tiyak wala kang maaa-

sahan Wala sa iyo’y darating na magandang kinabukasan

Kaya naman ito’y iyong paniwalaan.

Maipagmamalaki ka ngang tunay

Sa arugang walang humpay Na tumulong magturo at

magbigay-payo Idolo kita mahal na guro.

Page 9: SKUL PIL

Ang Tawag ni Inang Kalikasan Ni: Jester Bundoc

Paano natin sisimulang paunlarin ang Inang Kalikasan sa ating mundong kinatatayuan? Ang suliran-ing ito ay tawag sa atin at naghihintay ng kasagutan sa ating mga kamay. Ito ay aking bibigyang kasagutan at aking sisimulan. Bilang isang mag-aaral o kabataan sa ating lipunan, ang napapansin ko ay unti-unti na itong nasisira dahil sa di wastong pagtatapon ng basura kung saan- saan at iba pang di wastong ginagawa ng mga tao. Ang pagbabago ng ating kapaligiran ay sanhi ng pagbaha at pagguho ng mga lupa sa kabundukan. Dahil sa gawain na pagpuputol ng kahoy ay unti- unting nasisira ang kabundukan. Kung minsan nakalilimutan na nating magtanim ng mga punung-kahoy na kapalit ng mga pinutol kaya tayo nababaha, dahil kaunti na lang ang mga punongkahoy na sumisipsip sa mga tubig. Bigyan natin ng solusyon ang suliraning ikasisira ng ating Inang Kalikasan. Para mabigyan natin ng solusyon ay dapat tayong magtulung-tulong. Nakasalalay sa ating mga kamay ang ikabubuti ng ating kalikasan. Tayong mga tao ay dapat gumising at tignan kung ano ang nangyayari sa ating paligid. Magkaisa tayo at bigyan natin ng panibagong buhay at isa- puso natin ang kahalagahan ng ating kalikasan upang may madaratnan pa rin naman ang susunod na henerasyon.

“Experience is the best teacher,”isang kata-gang nagpapatunay na ang karanasan ang nagbibigay-aral at leksiyon sa ating buhay. Naghahatid ng mga paalala, minsan pagkatuto at minsan kabi-guan, ngunit mayroon ding kasiyahan. Sa pahayag din na ito, nagising sa aking isip na hindi lang puro saya ang buhay ng isang tao. Nandiyan ang lungkot, problema at kabiguan. At gaya ng isang guro, hindi natin siya masasabing guro kung hindi niya pinupukaw ang puso at isip ng bawat mag-aaral at sinis-indihan ang bawat pundido nilang ilaw. Kailangang matuto tayo mula sa ating mga pagkakamali, marunong dapat magpakumbaba at tanggapin ang bawat maling nagawa at dapat huwag magpapatinag at matakot tumuklas ng karanasan at matuto muli dito. Noong nakaraang Setyembre 27-28, 2013, isa na namang karanasan ang siguradong di mabubura sa bawat alaala ng mga kapwa ko campers. Isang simple ngunit makabuluhang eco-tour ang aming isinagawa at ikinaaliw ng lahat. Mula rito, hindi mga larawan, souvenirs at iba pa ang nagpaalala ng lugar sa akin kun-di ang karanasan ko mula dito. Mula sa “ENTRANCE” pa lang sa Mira Hills, damang-dama ko na ang likas na ganda at taglay nitong berdeng kulay na nagka-pagpagaan sa aking damdamin. Sama-sama kaming tumuklas para sa mas makabuluhang kaala-man. Sa isang oras na paglilibot, biglang napamulat sa aking isip na kay ganda pala ng isang lugar kung may disiplina at marunong makipagtulungan ang mga tao. Sa bawat ngiti sa aming mga labi, animo’y hindi alintana ang mga pagod namin sa paglalakad. Ngunit, sa likod ng aming pagod ay nakapinta naman ang saya at pananabik na matuto. Dati, naririnig ko lamang ang lugar na ito na may ma-lawak na swimming pool, may munting museo, malinis ang paligid, sariwa ang hangin at talagang dinadayo maging ng mga turista. Kaya’t nung una ko itong nasilayan, naisip ko na tama pala ang mga salin-dila noon. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na magkaroon ng masayang karanasan dito at magtuklas para sa kalikasan. “Whew, Ang ganda!” Ito rin ang unang lumabas sa aking bibig nang pumasok kami sa Hid-den Garden. Nung nasa labas pa lamang kami, hindi ko inakalang ganoon pala kaganda, kalinis at kaku-lay sa loob nito. Sadyang nakatago ito at hindi mo aakalaing mapapamangha at mapapatulala ka. Mistula itong kagubatan na nagsisilbing “habitat” ng mga ibon at iba pang klase ng hayop at sari-saring

A G H A M A T T E K N O L O H I Y A

klase ng halaman.Napamangha rin ako sa mga nagsisilbi rito na so-bra ang pagpapahalaga sa mga halaman at ang sisipag sa pagbuo ng ganoong kagan-dang paraiso. Disiplina rin ang nakita kong taglay ng mga tao dito kung kaya’t naipagpapatu-loy ang kagandahan at kalini-san nito. Matatanggal talaga ang galit at pagod mo sa lugar na ito. Parang paraiso kung maituturing

at sadyang maipagmamalaki dahil na rin sa mga tanyag at sikat na ta-ong bumibisita rito. Maituturing din na animo’y maalamat dahil sa mga pagsasalin-dila ng katanyagan nito. Sa likuran at finale mo rin masisilayan ang mga halamang tiyak ngayon lang niyo makikita. Kamangha-mangha!!! “BALUARTE.” Sa tuwing naririnig ko ang lugar na ito, isang tao lamang ang una sa aking isipan, at ito ay ang butihing dating gobernador Chavit Singson. Ito’y ekta-ektarya at isang malawak

na teritoryo ng mga inaalagaang hayop na kung saan masisilayan mo ang iba’t ibang klase ng mga ito. Nakakaaliw makipaglaro at makipagkuwela sa mga hayop kung kaya’t sa ilang oras na pananatili namin doon na-realize ko na dapat bigyang importansya at respeto ang mga hayop, dahil tulad din natin sila, na nangangailangan ng pagmamahal, pag-aaruga at pang-unawa. May mga karanasan na hindi

lang aliw ang hatid nito sa atin. Subalit

nagkakaroon tayo ng karanasan para matuto at tumuklas ng iba pang kaala-

man. Isang kaalaman na maibabahagi

natin sa iba at dala-dala natin saan man

tayo magpunta. Aral, na siguradong ba-

baunin natin hanggang sa pagtanda. Isang alaala na puno ng saya kabahagi ang mga

taong kabalikat natin sa hirap at saya.

Nagsisilbing inspirasyon sa bawat ngiti ng

ating mga labi, mga halaman man at hayop, ay may hatid ring saya sa bawat

puso natin basta’t ipadama natin ang halaga

at importansya nila sa atin bilang nilalang.

Hunyo-Nobyembre 2013 9 A G H A M A T T E K N O L O H I YA

Eco-Tour: Karanasang Puno ng Aral Ni: Ma. Diana Joy Navarro

Page 10: SKUL PIL

Mga Dapat Gawin Kung May Baha At Bagyo ni: Ma. Diana Joy Navarro

Isa sa mga naging dahilan ng grabeng pagkapinsala at lalong-lalo na ang naka-panlulumong pagkasawi ng libu-libong mga tao sa supertyphoon Yolanda ay dahil sa kakulangan sa paghahanda. At sa nakaraang kalamidad, animo’y nabura na ang Tacloban City sa mapa ng Pilipinas. Kayat nararapat lang na maging handa tayo tuwing may darating na bagyo.

Mga Dapat Gawin Bago Ang Bagyo at Baha: 1. Dapat ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o ba-

bala. 2. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya. 3. Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng delata

at biskwit) lalagyan ng tubig, first-aid kit at gamot na pangunang lunas . 4. Putulin ang mahahabang sanga ng punong kahoy na malapit sa bahay . 5. Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang mala-

kas na ihip ng hangin (para sa mga maralitang komunidad, tiyakin din na kakaya-nin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali at pagpapako ng maayos sa mga ito).

6. Dapat lumikas na kung nakatira sa kalapit dagat at sa mga mabababang lugar. 7. Mag-imbak ng malinis na tubig; itago at ilagay sa plastik ang mga mahalagang

dokumento/papeles. 8. Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng mga damit, ku-

mot, maiinom, kandila, posporo, banig, radyo at iba pa. Maiging nakabalot na ito sa plastik.

9. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nak-asara ang mga tangke ng gas, at nakasusi ang pinto ng bahay.

10. Dapat siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang sarili sa ano mang mangyayari.

Pagkatapos ng Baha At Bagyo Dapat Tandaan Na: 1. Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay. 2. Tiyaking malinis at hindi marumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. 3. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng

kuryente, tubo ng tubig at iba pa. 4. Igihan ang paglilinis ng kapaligiran dahil pwede itong pamuguran ng mga peste. 5. Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog. 6. Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng

kuryenteng nabasa at lahat ng gamit de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

Mga Dapat Tandaan Kung May Baha At Bagyo: 1. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakakasiguro sa lalim

nito. Wag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang ilalim, gaya ng ilog at sapa.

2. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha lalo na kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim.

3. Huwag payagang maglaro ang bata sa baha. Huwag languyin o tawirin ng bangka ang binahang ilog.

4. Kung sa pagtantya ay magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng baha ay lumikas na bago pa masira at malubog ang mga daan at tulay.

5. Manatili lang sa loob at ‘wag nang lumabas kung hindi kinakailangan. 6. Makinig sa sa radyo para malaman ang warning system o signal sa inyong muni-

sipyo. 7. Pakuluan ang mga tubig bago inumin. “Ang basurang itinapon kung saan pag bumagyo at bumaha asahang ba-balik din sa’yo”. Ang kalamidad ay hindi natin mapipigil sa oras na ito’y rumagasa. Ang tangi nating magagawa ay manalig sa Diyos at maging handa sa anumang oras. Dahil sa oras na kalikasan ang gumanti maraming buhay ang masasawi.

Pahina 8 Hunyo-Nobyembre 2013 L A T H A L A I N / P A M P A N I T I K A N 10 Hunyo- A G H A M A T T E K N O L O H I YA

Ang Dulot ng Stem Cell Treatment

Ang Stem cell treatment ay laging laman na ng telebisyon, radyo, dyaryo, magazine at iba pa. Stem cell treatment…. Ano nga ba ang tungkol ditto? Ang stem cell procedure ay ang makabagong paraan ng panggagamot sa pamamagitan nang pagsasalin o pagtuturok ng isang bago at malusog na stem cell sa ating katawan upang mapalitan ang sira at patay na mga cell. Ang stem cell treatment ay isang uri rin ng intervention strategy na nag-iintroduce ng bagong adult stem cells sa ating katawan upang magmistulang gamot na magpapagaling sa iba`t ibang uri ng sakit. Maraming researchers ang naniniwalang ang stem cell treatment ay maaaring makapagbago ng sakit ng tao at sinasa-bing ito na ang pag-asa ng medisina ngayong henerasyon dahil sa samu`t saring pag-aaral na isinasagawa para mas mapaigting pa o mas ma-develop pa ang gani-tong uri ng pagpapagaling. Mga benepisyo ng stem cell treatment. Ayon sa ulat, pinaniniwalaan na pinakaepektibo ang stem cell procedure gamit ang pagsasalin ng stem cell mula sa bone marrow para sa mga maysakit na luekemia. Ayon rin sa pagsasaliksik na ang procedure na ito ay isang potensyal na lunas para sa malawakang hana ng mga iba`t ibang uri ng karamdaman katulad ng iba`t ibang uri ng kanser, sakit sa puso, sakit sa bato at maging ang mga walang lunas na sakit gaya ng Sclerosis, Parkin-sons, Disease at Alzheimers. Ayon din sa ilang pananaliksik ang stem cell procedure ay maaari ring gamitin sa pagpapaganda o pagpapabata. Ang Stem Cell Treat-ment nay dapat nang bigyan ng pansin. Ito na ang panibagong pag-asa ng medisina. Kaya dapat magkaroon na ng masinsinang pag-aaral upang sa ganon may mabigyan pa ng panibagong buhay.

Sinaliksik ni Marnelli O. Rabino

PLASTIK, kaibigan o kalaban?

PLASTIK! Ito ay napakahalaga sapagkat ka-dalasan itong ginagamit sa pang araw-araw na buhay sa ating mga kabahayan, paaralan, pamilihan, establisiyemento sa lipunan at sa mga naglalakihang pagawaan. Ngunit, pagkatapos itong gamitin,saan at paano natin ito itinatapon?

May mga iba sigurong gumagawa ng tamang pagtapon ng basura ngunit sa aking palagay ay higit na mas malaki ang porsyento ng hindi gumagawa dito. Sa aking nakikita`t naoobserbahan madami paring mga plastik ang nakakalat sa ating kapa-ligiran. Alam ba natin ang puwedeng maging ma-laking epekto ng plastik sa ating kapaligiran, sa ating buhay?

Sa bawat piraso ng plastik na ating ikinakalat na hindi oxo-degradable ay pwedeng tumagal sa loob ng sampung taon. Di ba kay haba ng panahon na dapat hintayin bago ito matunaw? Kaya ang mga plastik, goma, styrofoam na itinatapon ay naiipon at bumabara sa mga daluyan ng tubig at sa mga iba pang sulok ng paligid. Pero ibinabalik din ang mga ito sa atin ng inang kalikasan. Sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ang mga ito ay palutang-lutang din na tinatangay ng tubig na nagreresulta sa posi-bleng pagbaha at pagdanas ng iba’t-ibang uri ng mga sakit.

Kung atin namang susunugin ang mga plastik na ito, ang ozone layer naman ang masisira. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang patuloy na pagnipis nito kaya huwag na nating dagdagan ang posibilidad sa lalo nitong pagkasira. Tayo rin ang mapapasama. Sa mga nailahad na kondisyong dulot ng mga plastik, ano na kaya ang ating maaari at dapat gawin para maibsan ang mga nasabing problema?

Lahat tayo ay may magagawa. Simulan natin sa ating mga sarili. Maging determinado tayong bawasan ang pagbili at paggamit ng mga bagay na gawa sa hindi natutunaw na plastik. Obserbahin din natin ang paghihiwalay sa mga natutunaw at hind natutunaw na basura. Sikaping irecycle ang puwede pang pakinabangang basura.

Hindi man natin kayang tuluyang wakasan ang paggamit sa plastik pero kayang-kaya natin itong limitahan. Walang hindi magagawa kung tayo

ay magkakaisa sa hangaring ito. Handa mo bang gawin ang iyong parte, kaibigan? Kilos na bago pa mahuli ang lahat!!!

Page 11: SKUL PIL

A G H A M A T T E K N O L O H I Y A Hunyo-Nobyembre 2013 11 I S P O R T S

EDITORYAL ISPORTS LATHALAIN

Kakaba-kaba ni: Carlo Castañeda

Ayoko sanang tumingin Pero hindi ko naman maiwasan

Sapagkat ako’y kumakaba Na hindi ko naman mawari

Hiyaw doon, tilian dito Lahat ay napakasaya

Nang masilayan ang koponang Kanilang hinahangaan at ibinibida

Ako ay kakaba-kaba pagdating

Sa last 2 minutes Sa bawat smash ng raketang kay bilis Sa arangkada papasok sa goal point

At siyempre pati sa nakamamatay na spike

Basketball, volleyball, badminton, Soccer, table tennis at iba pa

Nagkalalakas loob na akong panoorin sila Ay, ang saya pala, kahit puno ako ng kaba.

Tagumpay Ng Isang Atleta Ni: Rhose Angel Azur

Kung ikaw ay isang atleta Kailangan mo ng disiplina Magsikap at magsipag ka

Upang sa huli’y saludo sila.

Lakas ng loob, tibay ng dibdib Tindig at liksi ay dapat ipanatili

Ano mang laban, hindi inaatrasan Hindi mo dapat kaligtaan Ang bawat kilos ng laban.

Lahat ay nag-ensayo Sa kagustuhang Manalo

Tinaguriang idolo Sa larangan ng palaro.

Isports sa Buhay ng SVISans

ni: Mary Rose Requilman

Kasama na sa buhay ng mga SVISans ang isports. Bilang pagpapatunay nito ay ang pagkapa-nalo sa iba`t ibang larangan ng isports. Isports, ito ang pagsali sa iba`t-ibang larangan ng laro gaya ng volley-ball, badminton, table tennis, basket-ball, soccer at kasama na rin ang mga throwing events at track and field. Sumasali tayo sa mga iba`t ibang larangan ng laro para ipakita ang ating kakayahan, kahusayan at kagalingan. Maraming laro ang dapat nating salihan pero may mga hilig at hindi nating hilig na salihan. May mga nakasanayan at di nakasanayan tayong laro. May mga gusto at di natin gus-tong laruin. Pero ang mga SVISans ay di nagpapatalo kinakaya lahat ng laro. Noong sumapit ang Oktubre 21 na pandistritong palaro, napuno kami ng kaba at takot. Pero sa kabila ng la-hat buong tapang naming hinarap ang aming mga kalaban. At sa bawat pun-tos na aming makuha ay damang-dama namin ang suporta ng aming mga kasama, puno ng hiyawan, pala-kasan ng cheer at maging sa palakpa-kan. Alerto kung kumilos ang mga SVISans, maraming istratehiya at teknik ang kanilang ipinakita. Sila`y nagtatagumpay sa iba`t ibang larangan ng laro. Ipinapakita ang kanilang ka-husayan para lang manalo. Dahil ang pagkakapanalo nila ay doon sila ku-mukuha ng lakas ng loob at nagsisil-bing inspirasyon nila. Magaling SVISans!! Mabuhay

SVISans. Di nagpapatalo, walang inu-

urungan at talagang CHAMPION

tayo! Dito umalingawngaw ang mga

boses ng SVISans at doon sila nagka-roon ng tiwala sa sarili. Talagang di

mawawala ang isports sa buhay ng

SVISans.

Ang Aking Pagtatagumpay

ni: Wendelyn Rondon

Gusto kong makilahok Sa mga iba`t-ibang isports

Hangad kong makamtan ang salitang “panalo” At sa tulong ng Diyos, maabot ko ito.

Sa aking paglalaro

Kasa-kasama ko ang paalala ni tatay Tiwala sa sarili at determinasyon ang laging isaisip

Upang ako`y maipagmalaki ng aking Mga magulang, kapatid at mga guro.

Sa naging araw-araw na pag-eensayo

Bawat pagod na aking dinanas Tinapos ko ng parang walang hirap

Ito`y kinaya ko para sa aking kinabukasan Nagtagumpay ako sa hinangad ko nang matagal.

i

n

d

e

l

y

n

R

o

n

d

o

n

Disiplina, Tanging Sandata Kung pagkapanalo ang inaasam, dapat lamang na taglay ng isang manlalaro ang mga karapat-dapat na ka-tangiang maghahatid sa kanya sa rurok ng tagumpay. Sa larangan ng pampalakasan, kung nais mong mag-ing kampeon, paghirapan mo. Ang mga manlalaro na sikat sa kasalukuyan tulad nina Manny Pacquiao, Phil Young Hus-band, Michael Christian Martinez at iba pa ay nagsimula rin sa wala. Namuhunan lamang sila ng sipag, tiyaga, lakas ng loob, takot sa Diyos at sa maikling salita, disiplina sa sarili. Bawat laban wala rin silang kasiguraduhan kung sila na ba ang mag-uuwi ng medalya. Tulad mo, tulad ko, tulad ng kahit sinong manlalaro, naranasan na rin nilang matalo, ngunit sa kabila ng kanilang pagkadapa ito rin ang nagsil-bing inspirasyon nila upang muling bumangon. Iyan tayo, iyan ang mga Atletang Pinoy, sa bawat pagkadapa, agad bumabangon upang iwagayway muli ang ating bandila. Bakit kaya di natin sila tularan at gawing in-spirasyon upang mabigyan din natin ng karangalan ang ating mahal na paaralang San vicente Integrated School (SVIS). Pagpupursigi, pagtitiyaga, liksi ng katawan, tatag ng loob at disiplina sa sarili ang kailangang taglayin nating mga kapwa mag-aaral ng SVIS. Natural lanang pagkatalo ng isang laro pero ang mahalaga naglaro tayo ng patas at ginawa natin ang ating makakaya.

Page 12: SKUL PIL

A G H A M A T T E K N O L O H I Y A

I S P O R T S

Nasungkit ng dalawang mag-aaral ng SVIS ang una at ikalawang pwesto na sina Gerald Perinion at Reynold Supnet, pawang mga mag-aaral ng ikaapat na taon sa na-ganap na paligsahan sa pag-

takbo sa pandistritong pala-

ro na naganap sa plasa ng San Vicente noong Oktubre 21-23. Nakamit ni Gerald Perinion ang unang pwesto sa

1,500 meter-run na sinegun-dahan naman ni Reynold Sup-net. Buo ang determinasyong ibinuhos nila ang lahat ng ka-nilang lakas at liksi para mai-panalo nila ang larong ito. Hindi sila nagpatalo sa kanil-ang mga kalaban bagkus ay kanilang ginalingan. Ang kanilang tagasanay ay sina Bb. Michelle Ragasa at Bb. Evelyn Giron. Samuel Castañeda

Nakipagpalakasan ng gal-ing ang tatlong manlalaro ng San Vicente Integrated School (SVIS) na sina John Lester Rodiris, Mar-icar Rodiris at Estela Ma-rie Ragasa sa larangan ng badminton noong Pandis-tritong Palaro na ginanap sa San Vicente Gymnasi-um, San Vicente, Ilocos Sur, Oktubre 21-23. Buong tatag, at

lakas nilang pinataob sa kanilang mga kalaban sa badminton singles Bracket C at Bracket D sa pama-magitan ng bilis ng raketa at tilamsik ng bola sa bawat palo .

Ang kanilang ta-

gapagsanay ay si Gng. Pri-

ma Albalos.

Daisy Simalong

Nakamit ni Maricar Rodiris

ang unang puwesto sa larong badminton Bracket D noong Unit Meet na ginanap sa Ilocos Sur

Badminton Club, Bantay Ilocos Sur noong Nobyembre 7-8,2013. Malaki ang naitulong ng

pag-eensayo nila ng kanyang ta-gasanay na si Gng. Prima Albalos sa San Vicente Gymnasium dahil

ito raw ang naging inspirasyon niya sa pakikipaglaban.

Tinalo niya sa semi-finals ang Caoayan at sa Championship

ang pambato ng Sto. Domingo.

“Nagpapasalamat ako una

sa Diyos, pangalawa sa aking

pamilya at sa aking pinaka-

mamahal na tagasanay dahil

sila ang nagbigay ng lakas at

determinasyon ko upang

makamtan ko ang matamis na

tagumpay,” pahayag ni Maricar.

Billy BJ Ramirez

Nanalo ang Team A(4th Year at Grade 7) laban sa Team B(Grade 8 at 3rd Year) sa Cheer-dance Competition sa naganap na Mini-Intrams ng San Vicente

Integrated School(SVIS), sekon-darya sa San Vicente Integrated School noong Oktubre 12. Pinaghusayan nila ang pag-eensayo kasama ang kanil-ang mga tagasanay na pinamu-nuan ni Gng. Jennifer Remular at sa tulong ng mga dating es-tudyante ng SVIS na sina Charles

Rick Tapuro at Ferdinand Rios. Malaki ang pasasalamat ng Team A dahil kahit na anong hirap ng mga hakbang na kanilang in-insayo, naging inspirasyon nila

ito at nagbigay determinasyon sa pakikipaglaban. “Magaling at mahuhusay

ang Team B pero talagang sa bawat kompetisyon may nananalo at natatalo,” ang sabi ng Team A.

Samuel S. Castañeda

Naganap ang labanang Manny Pacquiao at Brandon Lee

Rios sa Cotai Arena ng Venetian Resort sa Macau,China noong No-byembre 24. Sumabak muli si Manny Pacquiao sa boksing at ipinakitang hindi pa tapos ang laban matapos ang mga nakaraang sagupaan nila ni Timothy Bradley at ni Juan Ma-

nuel Marquez.Ipinamalas nito ang kaliksihan nito sa pakikipaglaban

kay Rios na isang Mexi-cano.Kakaiba ang mga ipinakitang teknik ni Man-ny sa pakikipaglaban sa batam-batang katunggali sa boksing. Naging inspira-syon ni Manny ang ating mga kababayang na-salanta ng bagyong Yolan-da kaya`t nakamit nito ang tagumpay.

“Ang labanang ito ay

handog ko sa mga nasalanta ng

super typhoon Yolanda,”pahayag

ni Pacquiao at nang kanyang ta-

gasanay na si Freddie Roach.

Rose Angel Azur

Nasungkit ni John Paul Tabula, isang mag-aaral ng SVIS na nasa III- Pearl ang unang pwesto sa larong javelin throw at ikatlong pwesto sa larong discus throw sa Palarong Pandistrito noong Oktubre 21-23. Hindi siya nagpatinag sa mga manlalaro ng San Sebastian National High School (SSNHS) bagama’t siya’y baguhan sa la-rong javelin at discus throw.

“Ibinigay ko lahat ng

aking makakaya upang makamtan ang aking pagkapa-nalo at hindi ko din nakalimutan ang humingi ng gabay at tulong ng Poong Lumikha,” pahayag ni John Paul Tabula. Ang kanyang mga ta-gapagsanay ay sina Bb. Evelyn Giron at Bb. Michelle Ragasa. Kassandra Castillo

Sa Mini-Intrams ng SVIS

Team A nanalo sa Cheerdance Competition Pandistritong Palaro

Mga manlalaro sa badminton,

umarangkada

2 SVISans, nasungkit ang una

at ikalawang pwesto Kuha ni Carlo Castañeda Nagpakitang gilas ang mga Team A sa Cheer Dance Competition.

Rodiris, pasok sa Provincial Meet

Pacquiao vs. Rios

Ang Pagbabalik Ng Pambansang Kamao

Kuha ni Daisy Simalong Nakahanda si Maricar Rodiris sa bolang parating.

Tabula, bagong manlalaro ng SVIS

Hunyo-Nobyembre 2013