6
Ang Ilarawan ni Dr. José Protacio Rizal – Mercado y Alonzo Realonda Bilang Isang Maliit na Bata Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897 at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (1850–1913), Paciano(1851–1930), Narcisa (Sisa) (1852–1939), Olympia (1855–1887), Lucia (1857–1919), María (Biang) (1859–1945), José Protasio (1861–1896), Concepción (Concha) (1862– 1865), Josefa (Panggoy) (1865–1945), Trinidad (Trining) (1868–1951) at Soledad (Choleng) (1870–1929). Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon. Mayroon din lahing Kastila at Hapones si José Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Noong nagsimula siyang mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na si Paciano Rizal at ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". Ginawa ang pagbabagong ito upang mas

Social Studies VIII (Wyven).docx

Embed Size (px)

Citation preview

Ang Ilarawan ni Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

Bilang Isang Maliit na BataPinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan saCalamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (18181897 at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isanghaciendaat kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal: sina Saturnina (Neneng) (18501913),Paciano(18511930), Narcisa (Sisa) (18521939), Olympia (18551887), Lucia (18571919), Mara (Biang) (18591945), Jos Protasio (18611896), Concepcin (Concha) (18621865), Josefa (Panggoy) (18651945), Trinidad (Trining) (18681951) at Soledad (Choleng) (18701929). Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-coQuanzhounoong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangleyng Luzon. Mayroon din lahing Kastila at Hapones si Jos Rizal. Ang kanyang lolo at ama ni Teodora ay kalahating Kastila at isang inhinyero na pinangalanang Lorenzo Alberto Alonzo. Ang kanyang lolo sa talampakan sa ina ay si Eugenio Ursua, inanak ng isang Hapones. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya saBian, Lagunaupang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang mga magulang ni Rizal na pag-aralin siya saMaynila. Noong nagsimula siyang mag-aral saAteneo Municipal de Manila, inalis niya ang tatlong huling pangalan na bumubuo sa kaniyang buong pangalan, sa payo ng kaniyang kapatid na siPaciano Rizalat ng pamilyang Mercado-Rizal, kaya ang kaniyang pangalan ay naging "Jose Protasio Rizal". Dahil dito, minsang naisulat ni Rizal na nagmistula siyang "hindi lehitimong anak". Ginawa ang pagbabagong ito upang mas malayang makapaglakbay si Rizal, at mailayo ang kaniyang koneksyon sa kaniyang kapatid na minsan nang nagkaroon ng ugnayan sa Gomburza. Mula pagkabata ay nakakarinig na si Jose at Paciano ng mga hindi pa naririnig na mga kaisipang pulitikal ukol sa kalayaan at karapatang pantao na kinagagalit ng pamahalaan. Sa kabila ng pagbabago sa kaniyang pangalan, naging kilala din si Jose bilang "Rizal" sa mga patimpalak sa pagtutula, kung saan humanga ang kaniyang mga guro sa wikang Kastila at iba pang mga banyagang wika, at kinalaunan, sa pagsusulat ng mga sanaysay na kritikal sa mga sanaysay ng mga Kastila ukol sa sinaunang lipunang Pilipino.

Bilang Isang Mag-AaralAngAteneo Municipal de Manilaang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawampu ngEnero1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ngaklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer saSiningna may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ngPilosopiyaatPanitikansaUnibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha angaghamngPagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursongpanggagamotsa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya saEspanya. Doo'y pumasok siya saUniversidad Central deMadrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya saPransiyaat nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya saHeidelberg,Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ngwikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ngPranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ngArabe,Katalan,Tsino,Inggles,Pranses,Aleman,Griyego,Ebreo,Italyano,Hapon,Latin,Portuges,Ruso,Sanskrit,Espanyol,Tagalog, at iba pang mga katutubongwika ng Pilipinas.

Ang Kanyang Pag-ibig Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baos, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas. Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito. Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama. Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doa Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan. Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan. Si RiIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. May kasunduan na sila ni Leonor at ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo. Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947. Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon ang Maynila. Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na ikinatuwa naman ni Suzanne Jacobe. Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal at ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie. Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. Ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish, ngunit namatay ang ina niya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng Irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. Pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay Rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si Rizal, binigay niya muna ang librong Imitation of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine ng 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

Bilang Isang BayaniAng ganitong parangal ay nararapat lang na ibigay sa isang taong naglingkod sa bayan ng walang pag-iimbot at nagpamana sa lahing Pilipino ng mga turo at aral na nagpapatuloy magpakailanman. Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung ihahambing siya kay Bonifacio ay malayung-malayo ang agwat nila pagdating sa talas ng pag-iisip. Matalino ang ating pambansang bayani. Katunayan dito ay ang mga nobela at mga akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito. Mahusay siyang mag-isip at madaling matoto sa ibat-ibang bagay. Siya ay isang dakilang tao, maraming talento at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng bayani sa buong mundo ay bukod tanging ang buhay niya ang may pinakamaraming naitala sa kasaysayan. Katunayan, hindi sasapat ang isang araw para pag-usapan ang kanyang buhay. Sa kolehiyo ay isang asignatura ang inilalaan para pag-aralan ang kanyang buhay sa loob ng isang semestre. Marami pang natatanging katangian ang ating pambansang bayani. Marami pang mahahalagang bagay ang kanyang nagawa. Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa buhay niya. Pero ang mahalaga sa lahat ay ang makilala siya bilang isang huwarang Pilipino pagdating sa paglilingkod sa bayan, bilang isang mamamayan na marunong lumaban sa mga mapang-api sa pamamagitan ng mapayapang paraan, at isang bayani na karapat sa kanyang kinaluluklukan. Si Jose Rizal ay isang tao rin katulad natin. Ang katulad niya pagdating sa katangian ang malaking kulang sa ngayon sa ating mga Pilipino. Bawat isa ay maaring maging bayani katulad niya. Maaring hindi na siya mahigitan ninuman sa kasalukuyan, ngunit ang mahalaga ay ang maging kaisa niya pagdating sa isip, sa salita at sa gawa para sa kabutihan ng bayang pilipinas.