21
SUMILONG SA LOOB DUMAPA, MAGTAGO AT KUMAPIT DUMAPA MAGTAGO KUMAPIT 1 2 3 ISIGURO ANG KAMPUS MAGKANDADO/ BARIKADA PAGLIKAS Coalition for Safe Schools & Communities San Mateo County Ang Pakete ng Impormasyon para sa Komunidad 2019-20 Agarang Aksyon na Pagtugon sa Emerhensiya para sa mga Paaralan Malaking Lima [ The Big Five ]

SUMILONG SA LOOB Ang Malaking MAGTAGO AT KUMAPIT … Families_FIL/Parent Resources... · SUMILONG SA LOOB DUMAPA, MAGTAGO AT KUMAPIT DUMAPA MAGTAGO KUMAPIT 1 2 3 ISIGURO ANG KAMPUS

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

SUMILONGSA LOOB

DUMAPA,MAGTAGO AT

KUMAPIT

DUMAPA MAGTAGO KUMAPIT

1 2 3

ISIGURO ANGKAMPUS

MAGKANDADO/BARIKADA

PAGLIKAS

Coalition for Safe Schools &

CommunitiesSan M

ateo County

Ang

Pakete ng Impormasyon para sa Komunidad

2019-20

Agarang Aksyon na Pagtugon sa Emerhensiya para sa mga Paaralan

MalakingLima[The Big Five]

ii 2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

KOALISYON PARA SA LIGTAS NA MGA PAARALAN AT KOMUNIDAD:KOMITE NG PAMAMAHALA

KOMITE NG PAMAMAHALA

AHENSYA/DISTRITO REPRESENTATE POSISYON/TITULO

Bayshore Elementary School District, San Mateo County Superintendents Association

Audra Pittman Tagapamahala

County of San Mateo Human Services Agency Jennifer Valencia Direktor, Serbisyo para sa mga Bata at Pamilya

County of San Mateo Human Services Agency Trisha Howard Tagapamahala ng Pagtugon sa Emerhensiya

Jefferson Union High School District Dorene Basuino Serbisyo pang Mag-aaral

Police Chiefs and Sheriff Association Ed Barberini Presidente ng Asosasyon; Pinuno ng Pulis, San Bruno

San Mateo Consolidated Fire Bill Euchner Hepe ng Batalyon

San Mateo County Behavioral Health and Recovery Services

Toni Demarco Kinatawan ng Direktor

San Mateo County Board of Supervisors Chris Hunter Punong Kawani, Don Horsley

San Mateo County Board of Supervisors, District 5

Ann Keighran Tulong na Pambatasan, David Canepa

San Mateo County Community College District Bill Woods Direktor ng Pampublikong Kaligtasan

San Mateo County Counsel Claire Cunningham Punong Kinatawan ng Tagapayo ng Bayan

San Mateo County Counsel Adam Ely Kinatawan ng Tagapayo ng Bayan

San Mateo County Office of Education Nancy Magee Tagapamahala ng Bayan

San Mateo County Office of Education Jeneé Littrell Kinatawan ng Tagapamahala, Serbisyo pang Mag-aaral

San Mateo County Office of Education Mary McGrath Direktor, Ligtas at Mataguyod na mga Paaralan

San Mateo County Office of Education Patricia Love Administrador, Estratehiya at Komunikasyon

San Mateo County Office of Education Molly Henricks Tagapagugnay, Ligtas at Maingat na Paaralan

San Mateo County Office of Education Donna Sims Kasangguni, Ang Malaking Lima

San Mateo County Probation Michelle Kozul Direktor, Sangay ng Pangkabataan

San Mateo County Schools Insurance Group Tom Ledda Sinyor na Analista ng Pagkawala ng Kontrol

San Mateo County Sheriff's Office, Homeland Security Division

Scott Kirkpatrick Kapitan, Opisina ng Serbisyong Pang-Emerhensiya at Seguridad ng Bayan

SMUHSD, 9-12 School Districts Services Don Scatena Direktor ng Serbisyong Pang Mag-aaral

SUHSD, 9-12 School Districts Services Jarrett Dooley Direktor ng Serbisyong Pang Mag-aaral

iiiKoalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

PAUNANG SALITA

PAUNANG SALITA

Sa 23 distrito ng paaralan at 20 ahensya ng nagpapatupad ng batas sa buong San Mateo

County, mahalagang magbahagi ng isang karaniwang wika at pag-unawa sa mga protokol ng

agarang pagtugon sa oras ng emerhensiya sa ating mga paaralan at komunidad. Ang Malak-

ing Lima na protokol ng San Mateo County ay nagbibigay ng pag unawa at naging pundasyon

ng pagtugon sa emerhensiya para sa aming halos 94,000 na mag-aaral sa buong 20 munisipyo

at mga karatig na lugar.

Ibinuo noong 2014 pagkatapos ang isang taon na proseso ng pakikipag-ugnay sa mga kasa-

pi na kinasasangkutan ng mga propesyonal mula sa edukasyon, nagpapatupad ng batas,

sunog, kalusugan ng publiko, pamahalaan, at ang malaking bahagi ng komunidad, ang

Malaking Lima ay nagbibigay ng limang agarang aksyon na pagtugon sa kahit na anong

emerhensiya. Kasama dito ang Sumilong sa Loob; Dumapa, Magtago at Kumapit; Isiguro ang

Kampus; Magkandado/Barikada; at Paglikas.

Ang Malaking Lima ay sumasailalim ng patuloy na pagsusuri ng Koalisyon para sa Ligtas na

mga Paaralan at Komunidad: Komite ng Pamamahala. Ang Komite ng Pamamahala ay hindi

lamang nagtitipon kada buwan, sinusuri din nila ang mga hamon na dumarating at gumaga-

wa ng mga rekomendasyon.

Bilang karagdagan sa Malaking Lima, kasama na ngayon sa portpolyo ng Koalisyon para sa

Ligtas na mga Paaralan at Komunidad ang mga sumusunod na protokol: Pagsusuri ng Banta

sa Mag-aaral, Gabay ng Pag-iwas sa Pagpa-patiwakal, Protokol ng Sekswal na Pang-aabuso ng

Bata, at CSEC at Protokol para sa mga Guro ukol sa Ilegal na Pangangalakal ng Tao.

Ang pagpapalabas ng 2019 na Koalisyon ay nagtatampok ng bagong nabuo na Gabay ng Pam-

amahala ng Emerhensiya na kinabibilangan ng mga kasanayang batay sa ebidensya sa apat

na yugto ng pamamahala ng emerhensiya: Pagpapagaan/Pag-Iwas, Paghahanda, Pagtugon, at

Pagbawi.

Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga karagdagang kasanayan at mapagkukunan ng

tulong, ang Koalisyon para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad ay patuloy na ginag-

ampanan ang pangitain na lumikha at panatiliing ligtas at positibo ang kapaligiran ng

paaralan at komunidad upang ang lahat ng kabataan sa bayan ay maaaring umunlad at

magtagumpay.

iv 2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

TALAAN NG NILALAMAN

TALAAN NG NILALAMAN

SAN MATEO COUNTY KOALISYON PARA SA LIGTAS NA MGA PAARALANAT KOMUNIDAD: KOMITE NG PAMAMAHALA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii

PAUNANG SALITA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii

MANGGAGAWA NG SERBISYONG PANGKALAMIDAD . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

PAGTAWAG SA 911 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

MGA DRIL AT PAGSASANAY . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

MAG-ISIP NG MABILIS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 4

AGARANG AKSYON NA PAGTUGON– ANG MALAKING LIMA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

¢ SUMILONG SA LOOB . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

¢ DUMAPA, MAGTAGO AT KUMAPIT . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

¢ ISIGURO ANG KAMPUS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

¢ MAGKANDADO / BARIKADA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9

¢ PAGLIKAS . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

PANGUNANG LUNAS: TRIAGE . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 15

TSART NG PANGASIWAAN NG INSIDENTE SA PAARALAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17

1Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

MANGGAGAWA NG SERBISYONG PANGKALAMIDAD

Alituntunin ng Pamahalaan ng California, Bahagi 3100, Titulo 1, Sangay 4, Kabanata 4 ay nagsasaad na lahat ng pampublikong kawani ay Manggagawa ng Serbisyong Pangkalamidad at kasama sa lahat ng serbisyong pagkalamidad na aktibidad dahil sila ay maaaring italaga ng kanilang superyor o kumander ng serbisyong pangemerhensiya. Ang kasama sa terminong “pampublikong kawani”ay ang lahat ng nagta-trabahao sa estado, bayan, at lungsod, ahensya ng estado o pampublikong distrito. Ang batas na ito ay angkop sa sumusunod na kaso:

¡ Kung may pahayag na lokal na emerhensiya

¡ Kung may pahayag na emerhensiya sa estado

¡ Kung may deklarasyon na pederal na kalamidad

ANO ANG GAWAIN NG MANGGAGAWA NG SERBISYONG PANGKALAMIDAD? ¡ Ang pampublikong kawani na naglilingkod sa tungkulin na Manggagawa ng

Serbisyong Pangkalamidad ay maaaring hilingin na gumawa ng mga trabaho maliban sa kanilang karaniwang tungkulin sa panahon na maaaring lumagpas sa normal na oras ng trabaho

¡ Ang iskedyul ng mga kawani ay maaaring gawing halinhinan at hilingin na bumalik sa lugar ng trabaho sa oras na lagpas sa normal na araw ng pagtatrabaho

¡ Ang mga Manggagawa ng Serbisyong Pangkalamidad ay maaring italaga sa Sistema ng Pamamahala ng Insidente at maaring magsagawa ng iba’t ibang tungkulin katulad ng pangangasiwa ng kanlungan, komunikasyon, logistik, pangunang lunas at kaginhawahan, o suporta sa komunidad at kaligtasan

¡ Kung kinailangan na magbigay ng serbisyong pangkalamidad, ang Kompen-sasyon Pang-Manggagawa ng kawani ay magiging responsibilidad ng gobery-erno ng estado (OES), ngunit ang employer ang magbabayad ng obertaym. Ang mga sitwasyong ito ay nalalapat lamang kapag may lokal o estado na emer-hensiya na idineklara.

Upang makapagbigay ng mabisang suporta bilang isang Manggagawa ng Serbisyong Pangkalamidad, ang mga empleyado ay dapat na magkaroon ng kumpiyansa na ang kanilang pamilya ay handang harapin ang emerhensiya sa kanilang kawalan. Ang oras at lakas na itatalaga ng isang miyembro ng kawani na maging handa sa bahay ay mag-bibigay ng pinakamahusay na katiyakan na sila ay may kakayahang harapin ang sitwasyon ng emerhensiya sa paaralan/lugar ng trabaho.

2 2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

PAGTAWAG SA 911

Ang pagtugon ay ang proseso ng pagpapatupad ng mga naaangkop na aksyon habang ang isang sitwasyon ng emerhensiya ay nalalahad. Sa yugtong ito, gagamitin ng mga paaralan ang kinakailan-gan na mapagkukunan ng tulong upang tugunan ang emerhensiyang kanilang hinaharap.

Kapag tatawag sa 911 maging handa na manatili sa telepono at sumagot ng tiyak sa mga katanun-gan. Upang makumpleto ang isang tumpak na pagsusuri ng sitwasyon, ang 911 Dispatser ay dapat na makakuha ng maraming impormasyon, hangga’t maaari, upang maibigay ang pinakamahusay na impormasyon sa mga tutugon sa emerhensiya at makapagbigay ng naaangkop na antas ng pagtugon na medikal.

KAPAG MAG-UULAT NG EMERHENSIYA: ¡ Manatiling kalmado at magsalita ng marahan at malinaw

¡ Maging handa na ibigay ang pangalan, lokasyon ng insidente, at lokasyon ng tumatawag, kung naiiba sa pinangyarihan ng emerhensiya

¡ Bagaman ang impormasyon sa caller ID ay maaaring ilipat agad sa 911 Dispatser, hindi ito magagamit sa lahat ng lokasyon. Ang 911 Dispatser ay kukumpirmahin at ibeberipika ang numero ng telepono at address sa bawat tawag na natatanggap

¡ Sagutin lahat ng tinatanong ng 911 Dispatser, maging ang mga mukhang paulit-ulit

¡ Huwag ibaba ang telepono hanggang sabihin ng Dispatser na gawin ito

PAGTAWAG SA 911 GAMIT ANG CELL PHONE: ¡ Ang mga tawag sa 911 mula sa cell phone ay madalas na ipinapadala sa

answering point ng 911 batay sa saklaw ng radio cell. Ang sakop na lugar ng radio cell ay hindi palaging tumutugma sa mga hangganan ng lungsod.

¡ Alamin ang numero ng iyong cell phone at maging handa na ibigay sa dispatser ang eksaktong address.

Kapag tatawag sa 911, ang oras ay mahalaga. Manatiling kalmado; magsalita ng marahanat malinaw. Ang 911 Dispatser ay kinakailangang makakuha ng tamang impormasyon saunang pagkakataon na hiningi nila ito.

3Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

MGA DRIL AT PAGSASANAY

Mahalaga para sa mga kawani ng paaralan at distrito na magsagawa ng mga dril at makisali sa iba’t ibang pagsasanay ng paghahanda. Ang mga pagsasanay ay dapat regular na nagaganap at kasama ang mga pangunahing kawani ng paaralan at mga lokal na kasapi. Ang isang pamantayan at naaayon sa plano na pamamahala ng emerhensiya ay gumagamit ng isang madiskarteng pamamaraan sa mga drils. Magsimula sa oryentasyon na aktibidad at pagkatapos ay umangat sa mas kumplikado at sopistikadong dril at pagsasanay. Gamitin ang mga dril at pagsasanay upang:

¡ Ihayag ang mga puwang sa paghahanda ¡ Alamin ang mga kinakailangan na mapagkukunan ng tulong at suplay ¡ Pagbutihin ang koordinasyon sa pagitan ng paaralan at komunidad ¡ Linawin ang mga tungkulin at responsibilidad ¡ Dagdagan ang pangkalahatang antas ng kahandaan sa emerhensiya, kabilang ang

kapasidad sa pagtugon ng lahat ng mga kawani at mag-aaral

MGA ESTRATEHIYA PARA SA MGA DRIL NA MAY KAALAMAN SA TRAUMA:Gumamit ng isang maunlad at naaangkop na diskarte sa mga drils na MAY KAALAMAN SA TRAUMA. Ang mga bata ay sensitibo sa pag-uugali ng mga nakakatanda, kaya sa panahon ng mga dril, ang mga kawani ay dapat na magpakita ng kumpiyansa at manatiling kalmado.

¡ Palaging ihayag ang mga dril ng maaga at ihanda ang lahat ng mga kalahok dahil ang “sorpresang” dril ay maaaring maging sanhi ng hindi kinakailangan na pagkagitla.

¡ Unahin ang mga pinaka-seryosong puwang at tumuon sa mga tiyak na layunin ¡ Siguraduhing handa ang iyong paaralan para sa naka planong uri ng dril ¡ Magbigay ng sapat na oras para sa pagsasanay ¡ Unti-unting dagdagan ang sopistikasyon ng pagsasanay, ngunit huwag magdagdag ng

hindi kinakailangan na komplikasyon ¡ Dapat na subaybayan ng mga nakakatanda ang mga mag-aaral habang nagsasagawa ng

dril sa mga pangitain ng emosyunal na pagkabahala at magbigay ng naaayon na suporta. ¡ Suriin ang bawat pagsasanay at magsagawa ng isang maikling diskurso sa mga kawani

at magaaral

MGA URI NG DRIL AT PAGSASANAY: ¡ Oryentasyon: Ipinakikilala ang mga patakaran at pamamaraan ng pang-emerhensiya sa

mga bagong kawani at mag-aaral, magbibigay-daan para sa talakayan at paglilinaw ng mga katanungan.

¡ Dril: Nagsasagawa ng isang insidente sa isang limitadong saklaw, sinusubukan ang takbo ng plano pang-emerhensiya, at pasimulan ang di-pormal na talakayan ng mga isinagawang emerhensiya

¡ Diskusyon ng Pagsasanay: Nagsasagawa ng isang kalagayang pang emerhensiya sa isang impormal, walang pamimilit na kapaligiran, at magtamo ng talakayan at linawin ang mga katanungan

¡ Pagsasanay ng Sadyang Emerhensiya: Nagsasagawa ng makatotohanang emerhensiya na sensitibo sa oras, susubukan at susukatin ang mga mapagkukunan ng tulong na hindi madalas na nagagamit

¡ Pagsasanay ng Kabuuan: Susubukan ang kakayahan sa pagtugon ng buong komunidad, gumagamit ng tunay na kagamitan, at nagaganap sa aktwal na oras

4 2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

MAG-ISIP NG MABILIS

Sa panahon ng emerhensiya, ang mabilis na pag-iisip ay kinakailangan para mabuhay. Sa panahon ng krisis, ang isang indibidwal ay kinakailangan na mag-isip ng mabilis upang matukoy ang pinaka-mahusay na paraan ng pagkilos. Kasama sa mga pagpipiliian na ito ang umalis sa kampus, magtago, pagpapatupad ng Magkandado/ Barikada o, sa matinding sitwasyon, pakikipaglaban sa sumasal-akay. Ang pag-unawa at pagsasanay sa mga pagpipiliang ito ay makakatulong sa isang indibidwal na tumugon ng tiyak at sa pag-gawa nito, pinakamahusay na masisiguro ang kaligtasan ng sarili at buhay ng iba.

Sa kaganapan ng isang marahas na mananalakay, asahan na makakarinig ng ingay mula sa mga alarma, putok ng baril, pagsabog, at sigawan. Hindi bihira sa mga taong nakakaranas ng isang mapan-ganib na sitwasyon na unang ikaila o pag-isipan ang posibleng panganib sa halip na tumugon. Ang Kalidad na Pagsasanay ay makakatulong sa mga indibidwal na mag-isip ng malinaw sa gitna ng magulong eksena. Kasama dapat sa wastong pagsasanay ang pagtulong sa mga kawani na makilala ang tunog ng panganib at sanayin ang mga kawani at mag-aaral na kumilos ng walang alinlangan at manatiling handa sa pagbabago na may "mabilis na pag-iisip".

TUMINGIN, MAKINIG AT UMALIS: ALARMA NG SUNOGAng TUMINGIN, MAKINING AT UMALIS na protokol ay isang karagdagang kasanayan na mahalagang matuonan kapag sinasanay ang “mag-isip ng mabilis” na kaisipan. Sa tunog ng alarma ng sunog, ang mga kawani at iba pang pinuno ay dapat na maglaan ng ilang sandali upang masuri ang pinangyarihan bago lumisan. Ang tatlong hakbang ng TUMINGIN, MAKINING AT UMALIS ay:

¡ TUMINGIN - Buksan ang silid aralan at tumingin sa labas. Nakikita mo ba ang usok o apoy? Ang daan ba sa iyong napag-planuhang lugar ng paglikas ay walang harang? May napansin ka ba na labas sa karaniwan?

¡ MAKINIG - Bilang karagdagan sa alarma, may iba pa bang tunog? May naririnig ka bang kahit na anong pahiwatig na hindi ligtas umalis sa silid (pagsabog, mga natatarantang tinig, pagdidiskarga ng sandata)?

¡ UMALIS - Kapag napagpasyahan na ligtas itong gawin, idirekta nga mga mag-aaral na umalis sa silid at tumungo sa natukoy na lugar ng paglikas.

5Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

AGARANG AKSYON NA PAGTUGON:ANG MALAKING LIMA

Ang Malaking Lima ay isang hanay ng AGARANG AKSYON NG PAGTUGON ay nilayon na maipatupad ng mabilis sa iba’t ibang uri ng emerhensiya. Habang nagaganap ang isang emerhensiya, kritikal na ang mga kawani ay gumawa ng agarang hakbang upang maprotektahan ang kanilang sarili, mga mag-aaral, at iba pang mga tao sa kampus.

Ang mga kawani ay dapat na maging pamilyar sa bawat Agarang Aksyon na Pagtugon at maging handa na isagawa ang mga nakatalagang responsibilidad. Lahat ng mag-aaral ay dapat din na maturuan kung papaano ipatupad ang bawat isang protokol ng Malaking Lima.

AGARANG AKSYON NA PAGTUGON: ANG MALAKING LIMA

AKSYON SA MALAKING LIMA BAKIT

SUMILONG SA LOOB

DUMAPA, MAGTAGO AT KUMAPIT

ISIGURO ANG KAMPUS

MAGKANDADO/ BARIKADA

PAGLIKAS

Ihiwalay ang mga mag-aaral at kawani sa panlabas na elemento . Pumasok kaagad sa loob at isara ang mga pinto, bintana, at sin-gawan ng hangin . Isara ang air conditioning/ at mga heating units

KAILAN

Protektahan ang mga mag-aaral at mga kawani sa mga bumabagsak na kagamitan, dumapa, magtago sa ilallim ng mabigat na kasangkapan at kumapit ng mahigpit .

Isara at i-kandado ang pintuan ng mga silid at opisina . Lahat ng mga mag-aaral at kawani ay dapat na manatili sa loob hangga’t walang ibang patnubay . Ipagpatuloy ang instruksyon ayon sa plano .

Pumasok sa loob, mag-kandado at i-barikadalahat ng pintuan . Takpan ang mga bintana at isara lahat ng ilaw . Manatiling tahimik at alerto . Walang sinuman ang maaaring pumasok o lumabas sa kahit na anong dahilan maliban kung direkta ng nagpapa-tupad ng batas .

Pamunuan ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan mula sa gusali ng paaralan patungo sa napag-planuhang lokasyon .

Mga panganib sa kapaligiran, mapanganib na kalidad ng hangin dahil sa usok o iba pang mga kontaminante, sunog sa labas ng lugar, mapanganib na hayop sa lugar, o malubhang panahon

Lindol, pagsabog o pagbagsak ng mga kagamitan

Potensyal na banta ng karahasan sa bayan at/o aktibidad ng pulisya sa labas ngunit malapit sa kampus

Marahas na mananalakay sa kampus

Banta ng bomba, pagtagas ng kemikal/ gaas, sunog sa loob ng gusali o kalapit na lugar, malalang panahon, pagkatapos ng lindol o pagsabog, o kung nagpapatupad ng Pagpapauwi ng Mga Mag-aaral at Pagsasama-sama

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa espisipikong panganib, tingnan ang Gabay sa Pamamahala ng Emerhensiya.

6

SUMILONG SA LOOB

2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

SUMILONG SA LOOB ay isang panandaliang panukala na ipinapatupad upang ihiwalay ang mga mag-aaral at kawani sa panlabas na elemento at maiwasan ang pagtambad sa mga kontaminante sa hangin o pagbabanta sanhi ng mga hayop o iba pang panganib. Kasama sa pamamaraan na ito ay ang pagsara at pag-selyo ng mga pintuan, bintana at singawan; pag sara ng silid aralan, heating sa gusali, bentilasyon at air-conditioning system upang maiwasan ang pagtambad sa hangin sa labas at pagsara ng pilot light.

SUMILONG SA LOOB ay itinuturing na angkop para sa, ngunit hindi limitado, para sa mga sumusunod ng uri ng emerhensiya:

¡ Pagtagas ng Kemikal

¡ Apoy sa komunidad

¡ Natapon na delikadong materyal

¡ Nakasasama sa kalusugan na kalidad ng hangin sa labas

Ang Sumilong sa Loob na pagtugon dahil sa kontaminasyon sa hangin ay nangangailangan na ang mga “HVAC system” ay sarado upang magbigay ng proteksyon mula sa hangin sa labas. Ang mga mag-aaral at mga mga kawani ay maaaring gumalaw sa loob ng gusali, subalit walang dapat umalis sa protektadong espasyo hanggang hindi sinasabi ng mga opisyal ng sunog, nagpapatupad ng batas o tagapangasiwa ng lugar.

SUMILONG SA LOOB: ¡ Kailangan na maunawaan na ang lahat ng heating, air conditioning,

at bentilasyon ay maaaring kailanganin isara agad.

¡ Kailangan na maunawaan na ang lahat ng pilot lights at mapagkukunan ng apoy ay maaaring kailanganin isara

¡ Kailangan na maunawaan na lahat ng puwang sa pinto at bintana ay maaaring kailanganin na takpan

¡ Maaaring gumalaw sa loob ng mga silid-aralan at opisina

7

DUMAPA, MAGTAGO, AT KUMAPIT

Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

DUMAPA, MAGTAGO AT KUMAPIT ay ang agarang aksyon sa ganap ng lindol o pagsabagog at pag-protekta sa mga mag-aaral at mga kawani sa mga lumilipad o nahuhulog na mga bagay. Ito ang angkop na aksyon, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod na uri ng emerhensiya:

¡ Lindol

¡ Pagsabog

DUMAPA, MAGTAGO, AT KUMAPIT:

¡ Kailangan sanayin para sa agaran at awtomatikong pagtugon

¡ Ang nag-iisang pinaka-nakakatulong na aksyon upang maprotektahan mula sa pinsala sa lindol

¡ Sa kaganapan na imposibleng magtago sa ilalim ng matibay na kasangkapan, patuloy na takpan ang mukha at ulo gamit ang bisig at kumapit sa kahit na anong matibay

¡ Kailangan na malaman na ang karamihan ng pinsala sa lindol ay sanhi ng pagkabasag o pagbagsak ng mga bagay

¡ Kailangan na malaman na ang alarma ng sunog at sistema ng patubigan ay maaaring gumana, kahit na walang sunog

¡ Kailangan na maging alerto sa susunod na pagyanig

¡ Kailangan na tulungan ng mga kawani at mga mag-aaral ang mga may espesyal na pangangailangan, para masiguradong ligtas ang lahat

¡ Lumikas lamang kung may pinsala o nasusunog ang gusali, o ang lokasyon ay nasa pook ng sunami

Sa kaganapan ng pagsabog, lindol o iba pang sanhi ng pagbagsak ng mga bagay bagay, agarang “DUMAPA, MAGTAGO at KUMAPIT.” Ang mga mag-aaral at mga kawani ay dapat na dumapa sa sahig, magtago sa ilalim ng mesa at takpan ang ulo gamit ang bisig at kamay, at kumapit sa kasangkapan. Tumalikod sa mga bintana at lumayo sa mga babasagin. Ang mga indibidwal na naka upuang de gulong ay maaring isiguro sa tabi ng pader at i-lock ang mga gulong. Protektahan ang ulo sa pamamagitan ng pagtakip gamit ang braso kung maaari.

8

ISIGURO ANG KAMPUS

2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

ISIGURO ANG KAMPUS ay ipinapatupad kung ang banta ng karahasan o pagkilos ng pulisya sa komunidad ay nangangailangan ng maingat na hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga kawani at mag-aaral. Kapag nasa ISIGURO ANG KAMPUS na estado, maaring ipagpatuloy ang pagtuturo o mga aktibidad hangga’t naka-kandado ang pintuan ng mga silid aralan at opisina at lahat ng mag-aaral at kawani ay mananatili sa loob sa buong hangganan ng kaganapan. Ang mga gate at iba pang pasukan/o labasan ay maaaring isara (HINDI NAKA-KANDADO) upang mahadlangan ang potensyal na salarin na pumasok sa paaralan.

Ang tugon na ito ay itinuturing na angkop para sa, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod na uri ng emerhensiya:

¡ Potensyal na banta ng karahasan sa kalapit na bayan

¡ Aktibidad ng nagpapatupad ng batas sa kalapit na bayany

Ang ISIGURO ANG KAMPUS na pagtugon ay maaaring itaas sa MAGKANDADO / BARIKADA kung saan ang pagtuturo ay dagling ititigil at ang mga mag-aaral at kawani ay susundin ang mga alintuntunin ng MAGKANDADO / BARIKADA.

Sa Isiguro Ang Kampus kailangan na nakakandado ang lahat ng pintuan ng mga mga silid aralan at opisina, nakasara lahat ng pasukan at labasan ng buong paaralan. Ang layunin ay para maprotektahan laban sa banta na nasa komunidad na pumasok sa kampus. Ang Isiguro ang Kampus ay iba sa Magkandado/Barikada kung saan maaaring ipagpatuloy ang pagtuturo.

ISIGURO ANG KAMPUS: ¡ Inilaan para maiwasan ang potensyal na banta sa komunidad na pumasok sa

kampus

¡ Sinisiguro ang kaligtasan ng paaralan habang pinararangalan ang oras ng pag-tuturo

¡ Kinakailangan na lahat ng silid-aralan sa labas/ pinto ng mga opisina ay naka-kandado at manatiling naka-kandado

¡ Inilaan upang mahadlangan ang masamang loob na pumasok sa lugar na matao sa gusali

¡ Kailangan na manatili ang mga mag-aaral at mga kawani sa ISIGURO ANG KAMPUS hanggang mai-deklara na walang panganib ng Kumander ng Incidente sa Paaralan

9

MAGKANDADO / BARIKADA

Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

MAGKANDADO / BARIKADA ay ipinapatupad kung ang banta ng karahasan o putok ng baril ay natukoy na nasa kampus o ang paaralan ay sinabihan ng nagpapatupad ng batas. Sa oras ng MAGKANDADO / BARIKADA, ang mga mag-aaral ay dapat na manatili sa loob ng mga itinalagang silid-aralan o nakakandado sa lahat ng oras. Huwag lumikas ng silid hanggang sa mai-deklara na wala nang panganib ng mga nagpapatupad ng batas o ng administrador. Ang pagtugon na ito itinuturing nga angkop para sa, ngunit hindi limitado para sa mga sumusunod na uri ng emerhnsiya:

¡ Barilan

¡ Banta ng matinding karahasan sa labas ng silid-aralan

¡ Agarang panganib sa paligid ng komunidad

LOCKDOWN / BARRICADE: ¡ Ito ang pagtugon sa agarang panganib; wala itong kahit na anong babala

¡ Nangangailangan ito ng mabilis na aksyon; halimbawa, ang taong namamaril, ay maaaring magpaputok ng isang round bawat segundo

¡ Kailangan gamitin ang sentido komun sa ilalim ng banta; gawin ang dapat gawin upang pinakamahusay na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani

¡ Kung posible na maka-alis ng kampus kasama ang mga mag-aaral, gawin ito kaagad (Tumakbo)

¡ Kung hindi maaaring maka alis ng kampus, agarang magkandado sa loob ng ligtas na silid at i-barikada ang pasukan (Magtago)

¡ Kapag na-siguro na ang silid, walang sinuman ang maaaring pumasok o lumabas sa kahit na anong dahilan

¡ Sa matinding pagkakataon na ang masamang loob ay nakapasok sa silid, lahat ng tao sa loob ay dapat handa na lumaban (LUMABAN)

Sa Magkandado/Barikada kinakailangan na isara at ikandado ang mga pintuan at barikadahan ito ng mabibigat na bagay. Walang sinuman ang maaaring pumasok o lumabas hangga’t isa-isang nasuri ang mga silid ng nagpapatupad ng batas o Kumander ng Insidente sa Paaralan.

10

MAGKANDADO / BARIKADA

2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

MAG-ISIP NG MABILISSa kaganapan ng isang marahas na panghihimasok sa kampus, ang mabilis na pag-iisip ay kinakailangan para mabuhay. Lalo na kung mayroong aktibong banta ng karahasan, ang indibidwal ay dapat na mag-isip ng mabilis upang makapagdesisyon ng pinakamahusay na aksyon.

Sa kaganapan ng isang marahas na panghihimasok sa kampus, asahang makakarinig ng ingay galing sa alarma, putok ng baril, pagsabog at mga pagsigaw. Hindi bihira sa mga tao na nakakaranas ng banta na ikaila ang banta sa halip na tumugon. Ang kalidad na pagsasanay ay makakatulong sa indibidwal na mag-isip ng malinaw sa gitna ng kaguluhan. Kasama dapat sa wastong pagsasanay ang pagtulong sa mga kawani na makilala ang tunog ng panganib at turuan sila na makipag-usap ng may dahas at gawin ang kinakailangan aksyon.

Malamang na kasama ang mga sumusunod na pagkilos::

TUMAKAS / LUMIKAS SA KAMPUS:

¡ Subukan lamang ito kung nakakasigurong wala sa paligid ang suspek

¡ Mag-ingat na lumikas ng kampus; maghanap ng lugar na ligtas para magtago at para sa pagpupulong

¡ Gabayan ang iba na iyong makatagpo na sundan ka sa ligtas na lugar

¡ Agarang tumawag ng 911 upang ipagbigay alam ang iyong lokasyon at humingi ng serbisyong pang-emerhensiya kung kinkailangan

¡ Kapag nasa ligtas na lugar-manatili doon

MAGTAGO / MAGKANDADO / BARIKADA:

¡ Umalis sa pasilyo; madaliing papasukin sa loob ang mga mag-aaral at kaw

¡ Kapag naka-kandado at naka barikada ang silid, sundín ang protokol ng Magkandado/Barikada ayon sa pinag ensayuhan

¡ Sabihan ang lahat ng nasa loob ng silid na manatiling tahimik; patayin o i-silent ang mga cellphone

¡ Kung hindi makahanap ng ligtas na silid, bilisan na maghanap ng mapagtataguan sa kampus.

11

MAGKANDADO / BARIKADA

Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

MAG-ISIP NG MABILIS (pagpapatuloy)

LUMABAN:

¡ Kung kinakaharap ang sumasalakay, bilang huling opsyon, subukan na gambalain o salantain sa pamamagitan ng paggamit ng dahas or mga kagamitan sa paligid tulad ng pang-apula ng apoy o silya

¡ May mga naka dokumentong pagkakataon na ang agresibong aksyon ng biktima ay nagresulta sa paghinto ng atake

¡ Ang paglaban ay HINDI inaasahan, ito ay opsyon lamang kung wala na talagang magagawa

TUMINGIN, MAKINIG, AT UMALIS: ALARMA NG SUNOG

¡ TUMINGIN - Buksan ang pintuan ng silid aralan at tumingin sa labas. May nakikita ka bang usok o apoy? Ang daan ba sa iyong napag-planuhang lugar ng paglikas ay walang harang? May napansin ka ba na labas sa ordinaryo?

¡ MAKINIG - Bilang karagdagan sa alarma, may iba pa bang tunog? May naririnig ka ba na kahit na anong pahiwatig na hindi ligtas umalis sa silid (pagsabog, mga natatarantang tinig, pag diskarga ng sandata)?

¡ UMALIS - Kapag napagpasyahan na ligtas itong gawin, i-direkta ang mga mag-aaral na lumabas ng silid at tumungo sa natukoy na lugar ng paglisan.

12

PAGLIKAS

2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

Ang PAGLIKAS ay ipinapatupad kapag hindi na ligtas na manatili sa loob ng gusali. Ang aksyon na ito ay magbibigay ng maayos na pagkilos ng mga mag-aaral at mga kawani sa mga ruta sa loob ng gusali patungo sa itinalagang ligtas na lugar.

Ang PAGLIKAS ay itinuturing na angkop para sa, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod na uri ng mga emerhensiya:

¡ Banta ng bomba

¡ Aksidente na kinasasangkutan ng kemikal

¡ Pagsabog o banta ng pagpapasabog

¡ Sunog

¡ Lindol

Sa kaganapan ng pagsabog, lindol, o kahit na anong dahilan ng paghulog ng mga bagay ang PAGLIKAS ay susunod sa “DUMAPA, MAGTAGO, at KUMAPIT” na protokol. Ang mga mag-aaral at mga kawani at dapat na dumapa sa sahig, magtago sa ilalim ng mesa, takpan ang ulo gamit ang braso at kamay, at kumapit sa kasangkapan.

PAGLIKAS: ¡ Kailangan ng labasan mula sa gusali papunta sa itinalagang ligtas na

lugar, sa loob o labas ng kampus

¡ Maaaring kailanganin ng mga mag-aaral at kawani na umasa sa bus ng distrito para sa kanilang transportasyon

¡ Maaaring kailanganin ng mga kawani na lumabas gamit ang alternatibong ruta base sa pangyayari

¡ Kailangan na manatili ang mga mag-aaral na kasama ang itinakdang guro, maliban kung hindi ito maaari

¡ Kailangan na tulungan ng mga kawani at mga mag-aaral ang mga inidibidwal na may espesyal na pangangailangan upang matiyak na ligtas na makalabas anglahat.

MAG-ISIP NG MABILIS: TUMINGIN, MAKINIG, AT UMALIS – ALARMA NG SUNOG

Bago lumikas tumingin muna sa labas kung may potensyal na panganib. Makinig sa kahit na anong hindi pangkaraniwan na maaring magmungkahi ng panganib. Kapag napagpasyahan na ligtas ang daan, umalis sa opisina,

o silid aralan papunta sa itinalagang ligtas na lugar.

13

PAGLIKAS

Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

RUTA NG PAGLIKAS:Mag-ingat sa pagpili ng nakatalagang ligtas na lugar. Isaalang-alang kung walang sagabal sa ruta papunta, galing sa lahat ng parte ng gusali, at kung ito ay may tamang layo kung sakaling may sunog o pagtagas ng gaas, pero tama lang ang lapit na pwedeng lakarin. Isaalang-alang din na magkaroon ng maraming ligtas na lugar kung sakali na mahadlangan o hindi ligtas sa oras ng emerhensiya. Tiyakin na may daan sa kampus para sa mga sasakyang pag-emerhensiya. Siguraduhin na kasama ang paglikas papunta sa mga nakatalagang lugar bilang bahagi ng mga drils at pagsasanay. PAANO TULUNGAN ANG MGA MAY KAPANSANAN SA ORAS NG PAGLIKAS:

Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga hindi nakakalakad ay magkakaiba. Ang mga nasa unang palapag ay maaaring makalabas ng walang tulong. May iba na may minimal na kakayahang maglakad, subalit delikadong bitbitin. Ang iba naman na hindi nakakalakad ay maaaring mayroon ding kompliksyon sa paghinga Kung mayroong agarang panganib, pangaasiwaan ang kanilang paglikas mula sa usok o singaw.

PAG ALERTO SA MGA MAY KAPANSANAN SA PANINGIN:

¡ Ipahayag ang uri ng emerhensiya

¡ I-alok ang braso pang gabay

¡ Sabihin sa kanya kung saan ka pupunta at mga hadlang na hinaharap mo

¡ Kapag nakarating ka na sa ligtas na lugar, tanungin kung kinakailangan ng karagdagang tulong

PAG ALERTO SA INDIBIDWAL NA LIMITADO ANG PANDINIG:

¡ Ibukas sara ang ilaw para makuha ang kanyang atensyon o

¡ Kumumpas kumpas upang ipahayag ang direksyon o

¡ Isulat ang direksyon ng paglikas

PAGLIKAS NG MGA INDIBIDWAL GAMIT ANG SAKLAY, BASTON O WALKERS:

¡ Ilikas ang mga indibidwal na ito bilang isang nasugatan

¡ Alalayan at samahan papunta sa ligtas na lugar, kung maaari, o

¡ Gumamit ng matibay na upuan (o kung mayroong may gulong), o

¡ Tulungan bitbitin ang indibidwal sa ligtas na lugar

PAGLIKAS NG INIDIBIDWAL NA GUMAGAMIT NG UPUANG DE GULONG:

¡ Bigyan prayoridad ang mga nasa upuang de gulong na may de kuryenteng respirador

¡ Karamihan ng upuang de gulong ay masyadong mabigat para dalhin sa ibaba; kumonsulta sa apektadong indibidwal upang matukoy ang pinakamahusay na paraan ng pagdala sa kanila

¡ Ibalik ang upuang de gulong sa may-ari sa sandaling ligtas itong gawin

14

PAGLIKAS

2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

PAGPAPAUWI NG MGA MAG-AARAL AT PAGSASAMA-SAMA:Pagkatapos ng paglikas, maaaring kailanganin na sunduin ng mga magulang o tagapag-alaga ang mga mag-aaral sa ibang oras o lokasyon. Ang proseso ng Pagpapauwi ng mga Mag-aaral at Pagsasama- sama ay itinalaga upang masiguro na ang pagsasama ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay mabisa at ligtas. Ang mga kawani ng paaralan ay nagsasanay sa proseso ng Pagpapauwi ng mga Mag-aaral at Pagsasama-sama buong taon upang maging handa. Maaaring gawin ng mga magulang at mga tagapag-bantay ang mga sumusunod na hakbang upang maging maayos ang proseso ng Pagpapauwi ng mga Mag-aaral at Pagsasama-sama:

¡ Siguraduhin na ang tarhetang pang emerhensiya sa paaralan ng bata ay naibago, kasama dito ang mga pangalan ng maaaring magsundo sa bata, pati na din ang numero ng telepono at email address na pinakamabuting gamitin para ikaw ay maabot. Kung hindi mo maaaring sunduin ang iyong anak, ang mga kawani ng paaralan ay maaari lamang i-release ang iyong anak sa mga indibidwal na nakalista sa tarhetang pang emerhensiya sa talaksan ng paaralan.

¡ Dalhin ang iyong ID na may litrato upang masundo ang iyong anak.

¡ Siguraduhing ipaalam sa mga indibidwal na awtorisadong sumundo sa iyong anak na kailangan nila magdala ng ID na may litrato para ipakita sa mga kawani ng paaralan bago maipauwi ang iyong anak sa kanila.

¡ Sundin ang direksyon ng mga kawani ng paaralan o mga tauhan ng nagpapatupad ng batas na sangkot sa proseso ng pagpapauwi ng mag-aaral.

¡ Maging pasyente – ang prosesong ito ay maaaring magtagal. Siguraduhin na pamilyar ka sa Protokol ng Malaking Lima na Pagtugon sa Emerhensiya at talakayin ito sa kanila sa bahay.

Sa ibang kaso, may mga eksepsyon na maaaring gawin sa Pagpapauwi ng mga Mag-aaral at Pagsasama-sama. Maaari itong mag-iba ayon sa paaralan at sitwasyon. Halimbawa, ang mga mag-aaral maaaring maipauwi sa isang programa pagkatapos ng klase na nasa labas ng paaralan, kung saan ang mag-aaral ay naka-enrol, o kaya ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay maaaring ipauwi ng kanila. Depende sa sitwasyon, ang mga miyembro ng nagpapatupad ng batas ay maaaring nasa kampus upang magsagawa ng imbestigasyon. Gayundin, ang mga tagapayo ay maaaring magbigay ng suporta sa mga mag-aaral, kawani at magulang o tagapag-alaga.

15Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

Ang pangunang lunas na pagtugon ay isang mahalagang bahagi ng anumang plano ng pagtugon sa emerhensiya at dapat maisagawa sa pakikipagtulungan sa mga kasaping ahensya kabilang ang lokal na Serbisyong Pang-Medikal na Emerhensiya, mga ospital, at departamento ng kalusugan. Lahat ng mga empleado ay dapat na magsanay, at ang mga tungkulin ng bawat kawani ay dapat na malinaw na nakasaad at kasama sa alituntunin ng bawat lugar.

BATAYAN NG PANGUNANG LUNAS NA PAGTUGON:

¡ Manatiling kalmado at suriin ang sitwasyon

¡ Siguraduhing ligtas ang sitwasyon para sa tumutugon

¡ Sa kaso ng malubhang karamdaman katulad ng pagkawala ng malay, dimapigilang pagdurugo, pinsala sa ulo, o posibleng pagkalason tumawag kaagad sa 911.

¡ HUWAG galawin ang isang malubhang nasugatan o nasaktan maliban kung talagang kinakailangan para sa agarang kaligtasan

¡ Kung kinakailangang lumipat, protektahan ang leeg sa pamamagitan ng pagpapanatiling tuwid upang maiwasan ang karagdagang pinsala.

MGA INIREREKOMENDANG KAGAMITAN AT MGA SUPLAY PANG FIRST AID PARA SA MGA PAARALAN:

1. Portable stretcher at cot na may takip na hindi tinatagusan ng tubig

2. Sampung Triage Tags

3. Mga kumot,sapin sa higaan, unan at punda (mga takip na disposable ay mas naaayon)

4. Basahan, bimpo at maliit na palanggana

5. Basurahan na may takip at disposable liners

6. Bandage scissors, tweezers

7. Disposable na thermometer

8. Pocket mask/face shield pang CPR

9. Disposable latex free na guwantes

10. Cotton-tipped na aplikator, isa-isang nakabalot

11. Iba’t Ibang Band Aids (1˝× 3˝)

12. Gauze squares (2˝× 2˝; 4˝× 4˝), isa-isang nakabalot

13. Adhesive tape (1˝ ang lapad)

14. Rolyo ng Gauze bandage (2˝ and 4˝ ang lapad)

15. Ace bandage (2˝ and 4˝ ang lapad)

16. Splints (mahaba at maikli)

17. Cold packs

18. Tatsulok na bendahe pang saklay at perdible

19. Tongue blades

20. Disposable na tisyu para sa mukha, tuwalya at sanitary napkins

21. One flashlight with spare bulb and batteries

PANGUNANG LUNAS: TRIAGE

16 2019-2020 ¡ Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidad

UNAHIN IPAGPALIBAN

HINDI nakakusunodng simpleng utos

Nakakasunod ngsimpleng utos

HINDIGAANONGMALUBHA

UNAHIN

Kontrolin ang Pagdurugo

Higit 2 Segundo Wala pang 2 Segundo

Walang Radial PulseO

Capillary Refill

May Radial Pulse

MENTAL NA KATAYUAN

PERPYUSYON

Mababa sa 30/min .

DECEASED UNAHIN UNAHIN

WALANG Hininga Humihinga

I-Posisyon ang daanan ng hangin

OOHINDI

Higit sa 30/min .

RESPIRASYONSugatan na Nakakalakad

Tandaan:RespirasyonPerpyusyonMental na Katayuan

Sa TRIAGE, ang mga pasyente ay naka kategorya gamit ang tag na iba’t ibang kulay para malaman ang antas ng agarang pangangailangan. Ang mga kulay ay ipinapakita sa diagram na ito.

PANGUNANG LUNAS: TRIAGE

17Koalisyon ng San Mateo County para sa Ligtas na mga Paaralan at Komunidads ¡ 2019-2020

OPERASYON PAGPAPLANO LOGISTIKS PANANALAPI

Seguridad Paghanapat Pagsagip

Pagsusuri ngSitwasyon

SerbisyongPampagkain

Paggastos at Pagpapanatili

ng Oras

MedikalPagpa-plano ng

susunod naHakbang

Suplay atKagamitan

Pagpapanatiling Talaan

Pangangalaga atPangangasiwa ng

Mag-aaralTransportasyon

Pag-release ngmga Mag-aaral Tauhan

Pagtugonsa Krisis Komunikasyon

InsuranceClaims Ligal

Pinuno ngmga Sangay

Tauhan ngPangasiwaan

IncidentCommander

Opisyal ngKaligtasan

Opisyal ngImpormasyong

Pampubliko

Opisyal ngPagkakaugnay

TSART NG PANGASIWAAN NG INSIDENTE SA PAARALAN