Upload
doannhan
View
237
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
Sura Sura Sulat (Koleksiyon ng mga Sanaysay ng mga Estudyanteng Hapon)
Chizuru Esaka Yumi Hayasaki Masaharu Iguchi Kaori Iwashita Junki Yamamoto Masahiro Makino Yui Matsumoto Lyle Menecio
Hiroki Nakatsuka Misato Okamura Satoki Shintani Yuuichi Shiraki Reiko Suzuki Takumi Tsuda Shoko Yamazaki
(Filipino 15: Maunlad na Pagbasa sa Filipino)
Machi Takezoe Yosuke Shohara Asami Okada
Kyoko Yamakuni Ayaka Komaki Ayana Iwasaki Soichi Kondo Haruna Ueno
Masatoshi Sagawa Natsuki Kita
Suzuna Yamamoto (Filipino II: Akademikong Pagsulat sa Filipino)
Galileo S. Zafra Editor
Sura Sura Sulat [1]
Sura Sura Sulat
Introduksiyon Ang Sura Sura Sulat ay ang pang‐apat na koleksiyon ng mga sulatin ng mga estudyante kong Hapon sa iba’t ibang klase ng pagsulat at pagbasa sa wikang Filipino sa Osaka University, unang semestre, 2012‐2013. Nauna rito, inilathala ang Kuwentong Bento at Iba Pa noong 2009, ang Onigiri at Suman noong 2010, at Kumusta Ka? Genki Desu noong 2011. Tinipon ang mga sulatin ng mga estudyante para magkaroon sila ng kongkretong alaala ng kanilang karanasan sa pagsulat. Umaasa akong magsilbing inspirasyon ito para patuloy silang magsulat at magbasa sa wikang Filipino. Ang unang seksiyon sa koleksiyong ito ay binubuo ng mga sulatin ng mga estudyante sa Filipino 15: Maunlad na Pagbasa sa Filipino. Nakatuon talaga ang klase sa pagbasa ng maiikling sanaysay tungkol sa iba’t ibang aspekto ng kulturang Pilipino (tulad ng bahay kubo, dyip, kalabaw, Darna, pay‐yo, Jose Rizal, at iba pa). Kasunod nito, pinasulat ang mga estudyante tungkol sa mga katumbas o katulad ng katatalakay sa kulturang Hapon. Sa pamamagitan nito, nasasanay ang mga estudyante sa paggamit ng iba’t ibang bokabularyo at padron ng pangungusap at nahihikayat pa silang pag‐aralan at pahalagahan ang sariling kultura at kulturang Filipino. Naniniwala akong bago mapahalagan ng mga estudyanteng Hapon ang kulturang Filipino ay kailangan nilang pahalagahan ang sarili nilang kultura. Ang pangalawang seksiyon ay binubuo ng mga sulatin ng mga estudyante sa Filipino 2: Akademikong Pagsulat sa Filipino. Ang semestre ay nakatuon sa pagtalakay at pagsasanay sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya ng pagdevelop ng talata. Ang mga sanaysay na bahagi ng koleksiyong ito ay demonstrasyon ng paggamit ng mga estratehiya sa pagdevelop ng isang paksang may kinalaman sa kulturang Hapon. Pinasulat ang mga estudyante ng tungkol sa kulturang Hapon upang pamilyar na ang mga estudyante sa nilalaman at higit silang masanay sa mga estratehiya ng pagsulat at iba pang aspekto ng paraan ng pagsulat. Sa susunod na semestre, may pagkakataon namang magsaliksik at magsulat tungkol sa kulturang Pilipino kapag binuo na nila ang kanilang tesis. Ang pamagat na Sura Sura Sulat ay mungkahi ng isang estudyante kong Hapon, si Kyoko Yamakuni. Sabi niya, ang “Sura Sura” sa wikang Hapon ay nangangahulugang “madulas.” Sa konteksto ng pagsulat, marahil, may kahulugan
Sura Sura Sulat [2]
itong pagiging “matatas.” Sa koleksiyong ito, mababasa ang iba’t ibang antas ng katatasan ng mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino—mula sa mga simpleng sanaysay tungkol sa mahalagang pagkaing Hapon at katangi‐tanging lugar sa kanilang bayan, hanggang sa mga akademikong sulatin tungkol sa kulturang Hapon, at hanggang sa paglalaro na nga ng salita gaya ng ipinamamalas ng “sura sura sulat.” Hindi lang ito katatasan sa wika; bawat pagbasa at pagsulat sa wikang Filipino ay pagkilala rin sa kulturang Filipino. (Galileo S. Zafra)
Sura Sura Sulat [3]
Chizuru Esaka Yumi Hayasaki Masaharu Iguchi Kaori Iwashita Junki Yamamoto Masahiro Makino Yui Matsumoto Lyle Menecio
Hiroki Nakatsuka Misato Okamura Satoki Shintani Yuuichi Shiraki Reiko Suzuki Takumi Tsuda Shoko Yamazaki
Filipino 15: Maunlad na Pagbasa sa Filipino
Sura Sura Sulat [4]
Sanaysay 1: Mahalagang Pagkaing Hapon
Esaka Chizuru 1. Ang miso soup ay isa sa pinakakilalang pagkain sa Japan. 2. Sa palagay ko, walang Hapones na hindi pa nakainom ng miso soup. 3. Mainit na sabaw ang miso soup. 4. Nagsimula raw ang kasaysayan ng miso soup mula sa panahon ng Muromachi. 5. Hindi puwedeng mabuhay kaming Hapones sa labas ng kultura ng miso soup. 6. Umiinom kami ng miso soup sa almusal, tanghalian, at hapunan. 7. Madaling magluto ng miso soup, at mura ang sangkap ng nito. 8. Puwede kaming magluto ng miso soup mula sa mga sangkap sa refrigerator. 9. Mabuti ang miso soup para sa kalusúgan namin dahil gawa sa soy ang miso. 10. Maraming pagkaing Hapon na katulad ng miso soup. 11. Kaya lagi kaming umiinom nito at mahalaga ang miso soup.
Hayasaki Yumi
1. Ang rice cracker ay pinaghalong harina at asukal. 2. Pagkatapos nito, niluluto ito sa hurno. 3. May dalawang popular na lasa ito: toyo at arare
Iguchi Masaharu
1. Mahalagang pagkain ng mga Hapones ang bigas. 2. Kinakain namin ang bigas mula noong panahon ng Yayoi. 3. Noong panahon ng Yayoi, sinimulan ng mga Hapon ang planta ng bigas at pag‐aani
ng mga iyon. 4. Gumawa kami ng maraming mga bagay‐bagay mula sa bigas. 5. Halimbawa, alak, awaokoshi at otyaduke. 6. Ang nihonsyu na kilala bilang sake ay balitang‐balita, at ito ay gawa mula sa bigas. 7. Kilala rin ang awaokoshi. 8. Ito ay isang tanyag na matamis ng Osaka. 9. Ito ay tradisyonal na pagkain din. 10. Kinakain na ito ng ilang mga marangal na tao noong panahon ng Muromachi, 1338‐
1573. 11. Halos lahat ng pagkaing Hapon ay nakadepende sa import na pagkain. 12. Ang bigas lamang ang pagkaing maaari naming gawin para sa aming sarili.
Sura Sura Sulat [5]
Iwashita Kaori 1. Mahalaga ang asin sa kulturang Hapon. 2. Ginagamit ng mga Hapon ang asin sa pagkain. 3. Gawa sa asin ang pampalasa tulad ng soy sauce at miso. 4. Mahalaga ang asin sa pagkain ng mga Hapon. 5. Nagsasabog ang rikishi (sumo‐fighter) ng asin bago ang laro. 6. Naglalagay ang mga Hapon ng asin sa harapan ng bahay nila. 7. Ito ay para hindi pumasok ang masamang hangin sa bahay. 8. Namimigay ang mga Hapon ng asin sa libing. 9. Ebidensiya ito na importante ang asin sa Japan.
Junki Yamamoto
1. Ang miso‐soup ang isa sa mga tradisyonal na pagkain sa Japan. 2. Halos lahat ng Hapon ay kumakain nito tuwing umaga. 3. Gustong‐gusto ko rin ito. 4. Ginagawa ang miso sa daizu, na isang uri ng beans. 5. Kaya napakasustansiyang pagkain ng Miso. 6. Noong bata ako, nagluluto ang nanay ko nito para sa akin. 7. Pero nakatira ako sa Minoo City ngayon kaya hindi ko nakakain ito nang madalas.
Makino Masa
1. Ipapakilala ko ang ozoni. 2. Ang ozoni ay sopas na kinakain namin sa simula ng Bagong Taon. 3. Karaniwan, kailangan ang kamaboko, karot, labanos, toyo, sabaw at bibingka upang
lutuin ang ozoni. 4. Subalit, ang mga sangkap ay nag‐iiba depende sa lugar na tinitirhan mo. 5. Halimbawa, ang mga tao na nakatira malapit sa dagat ay gumagamit ng pagkaing‐
dagat para sa ozoni. 6. Maraming pagkaing‐dagat tulad ng hipon at talaba ang ginagamit sa aking bayan ng
Hirhoshima dahil malapit ito sa dagat. 7. Ginagamit ng mga taga‐Silangang bahagi ng Japan ang parisukat na bibingka. 8. Ginagamit naman ng mga taga‐Kanlurang bahagi ng Japan ang bilog na bibingka. 9. Ginagamit namin ang chopstick ng Intsik upang kumain ng ozoni. 10. Ang ozoni ay mahalaga para sa Hapon dahil ang mga tao ay umaasa para sa
kaligatasan at magandang kapalaran para sa bagong taon sa pamamagitan ng pagkain ng ozoni. Matsumoto Yui
1. Mahalagang pagkain ng mga Hapon ang soybean. 2. Kinakain ang soybean halos sa buong araw. 3. Halimbawa, ang miso. 4. Ang miso ay mahalagang pagkain ng Japan.
Sura Sura Sulat [6]
5. Ginagamit namin ang miso hindi lang sa miso soup, kundi sa karneng manok, baboy, at baka, isda, gulay at panghimagas.
6. At isa pang halimbawa, ang natto. 7. Ginagawa ang natto sa pamamagitan ng pagpapaasim ng soybean. 8. Maraming pagkain ang gawa sa soybean. 9. Kaya, ang pagkain sa soybean ay mahalaga sa Japan.
Menecio Lyle
1. Isang mahalagang pagkaing Hapon ang onigiri. 2. Gawa ito sa kanin at karamihan ay binabalot sa nori. 3. May laman itong iba't ibang sangkap tulad ng salmon, umeboshi, kombu, tarako at
iba pang maaalat o maaasim na sahog para tumagal ito. 4. Ginagawa itong hugis tatsulok o bilog. 5. Madali itong gawin at madali ring kainin dahil hindi kailangan ng chopsticks, kutsara
o plato. 6. Hindi lang ito masarap kundi nakakabusog din. 7. Dahil dito, maraming nagbabaon ng onigiri sa trabaho o paaralan at pati na rin kapag
nagpipiknik. 8. Nabibili rin ito sa kahit saang convenience store. 9. Simple lang ang lasa at ang itsura ng onigiri, pero popular itong pagkain sa Japan. 10. Isa itong katunayan ng pagkawili ng mga Hapon sa kasimplehan.
Nakatsuka Hiroki
1. Sushi ang tradisyonal na pagkain sa Japan. 2. Ang sushi ay pagkain na pinagsamang isda at kanin. 3. Ginagawa ang sushi sa iba't ibang isda sa dagat at ilog. 4. Hindi ito iniihaw at pinakukuluan. 5. Kinakain ito nang hilaw. 6. Kaya importante na hilaw ito. 7. Puwede ring gumamit ng ibang materyal. 8. Ginagamit din ang gulay, halimbawa abukado at mais. 9. Kapag kumain ka, ginagamit ang syouyu at karasi. 10. Nakakapangisda ang mga Hapon ng maraming isda sa Japan dahil isla ang Japan. 11. Kaya sushi ang importante at tradisyonal na pagkain sa Japan.
Okamura Misato
1. Mahalagang pagkain ng mga Hapon ang katsuo‐no‐tataki. 2. Lutong isda ito. 3. Gumagamit kami ng katsuo para magluto nito. 4. Nag‐iihaw kami ng ibabaw ng katsuo. 5. Pagkatapos binabasa ito. 6. Hinihiwa ito para madaling kainin ito nang tig‐i‐tig‐isa.
Sura Sura Sulat [7]
7. Kumakain kami ng mga ito kasama ng sarsa para sa katsuo‐no‐tataki. 8. Sa Kochi, kumakain sila ng mga ito kasama ng asin. 9. Mahalaga ito sa kulturang Hapon dahil maraming kasaysayan ang lutong ito. 10. Kaya kilala ang Katsuo‐no‐tataki ng mga Hapon.
Shintani Satoki
1. Mahalagang pagkaing Hapon ang tuyong ume. 2. Umeboshi ang tawag dito. 3. Pula ang kulay nito. 4. Talagang maasim ito. 5. Pero, gusto ng maraming Hapones nito. 6. Kinakain ito kasama ng kanin. 7. Kung bumili ka ng isang obento, maaari mong makita ito sa kanin. 8. Simbolo ito ng pambansang bandila ng Hapon.
Shiraki Yuuichi
1. Ang nattou ay gawa sa soya. 2. Napakabaho nito, kaya hindi kumakain ang ilang Hapon ng nattou. 3. Pero ito ay nakapagpapalusog. 4. Kinakain ang Nattou sa almusal. 5. Kinakain ito kasama ng kanin. 6. Kung minsan, naghahalo kami sa nattou ng itlog at berdeng sibuyas. 7. Talagang masustansiya ang nattou. 8. Sa palagay ko, nakakatulong ito sa mahabang buhay ng Japanese. 9. Kaya mahalaga ang nattou sa kulturang Hapon.
Suzuki Reiko
1. Mahalagang pagkain ng mga Hapon ang isda. 2. Gustong‐gusto ng mga Hapones ang isda. 3. Yakizakana ang tawag kapag nag‐ihaw kami nito. 4. Nizakana ang tawag kapag naglaga kami nito. 5. Paborito kong isda ang sashimi. 6. Sa Japan, kilalang‐kilala ang mga sashimi at sushi. 7. Gustong‐gusto rin ng dayuhan ang sushi. 8. May maraming sustansiya ang isda. 9. Bukod dito, nagpapatalino ng mga tao ang isda. 10. Simbolo ang isda sa Hapon.
Sura Sura Sulat [8]
Tsuda Takumi 1. Gusto kong magpaliwanag tungkol sa udon. 2. Gusto ko ng udon. 3. Puti at mahabang pansit ito. 4. Magkaiba ang udon at soba. 5. Parehong galing sa Japan ang mga ito. 6. Pero gawa ang udon sa harina at gawa ang soba sa pulbos ng buckwheat. 7. Magkakaiba ang udon sa iba’t ibang lugar. 8. Halimbawa, matapang ang lasa at kulay ng sopas sa Kantou. 9. Pero manipis ang udon sa Kansai. 10. Gusto nila ng sopas na toyo sa Kantou. 11. Pero gusto nila ng sopas na bonito sa Kansai. 12. Kinatanyagan ng udon ang Kansai at ng soba ang Kantou. 13. Lumilitaw ang mga ito sa pamagat na Rakugo.
Yamazaki Shoko
1. Mahalagang inumin ng mga Hapon ang tsaang berde. 2. Hindi ito kayumanggi. 3. Berde ito. 4. Nagpapasingaw kami ng dahon para gumawa nito. 5. Pagkatapos ng pagpapasingaw, kinakatas namin ang dahon. 6. Lagi kaming umiinom ng tsaa kapag kumakain ng pagkain. 7. Nag‐aalay kami ng tsaa sa diyos kung minsan.
Sura Sura Sulat [9]
Sanaysay 2: Kakaibang Pagkain sa Mundo Esaka Chizuru
1. Ang lutong suppon ay isa sa mga kakaibang luto sa Japan. 2. Ang suppon ay “soft‐shelled turtle” sa Ingles. 3. Nilalaga ang suppon kasama ng mga gulay. 4. Hindi mukhang masarap ang suppon mismo. 5. Dahil mukhang pagong ito, at alaga ito sa maraming bansa. 6. Palagay ko, hindi nag‐iisip ang mga tao na kainin ang alaga nila. 7. Pero masarap ang sabaw ng suppon at pampalusog ang suppon. 8. May collagen at maraming bitamina ang suppon. 9. Mabuti ito sa balat dahil sa collagen. 10. Kung kumakain ng lutong suppon ang buntis na ina, nagiging malusog at mabuti ang
sanggol niya. 11. Kaya mahal ang lutong suppon sa Japan.
Hayasaki Yumi
1. Kakaibang pagkain ang kiviak 2. Ang kiviak ay tukemono ng swallow. 3. Kakaiba ito dahil hinahati mo ang tiyan ng seal at nilalagyan ito ng mga swallow. 4. Kumain nito ang mga tao sa Green Land. 5. Paano kinakain ang kiviak? 6. Palamigin ang mga swallow nang isang araw. 7. Hatiin ang tiyan ng seal at lagyan ng mga swallow. 8. Tahiin ang tiyan at ilibing ang seal sa lupa nang dalawang buwan. 9. Pagkatapos nito, hukayin ito at buksan ang tiyan ng seal at kainin ang mga swallow. 10. Huwag mong kainin ang seal.
11. Kumakain ang mga tao nito kapag kaarawan nila o Pasko. 12. Mahalagang bitamina ito sa malamig na lugar. 13. Dahil dito, itinuturing ito bilang pagkaing nagbibigay ng lakas. 14. Nangangamoy nga ito, pero popular ito.
Iguchi Masaharu
1. Ang suso ay sikat na pagkain sa Morocco. 2. Maraming tindahan sa kalye ang nagbebenta ng suso. 3. Tulad ng molusko ang lasa nito. 4. Maliit na maalat ang mga ito. 5. Pamana ito ng mga Pranses noong kolonyal na panahon.
Sura Sura Sulat [10]
6. Ngunit hindi ito tulad ng Pranses na escargot. 7. Ang suso ay pinakuluan at may ilang spice at herb. 8. Karamihan sa mga Hapon ay may pakiramdam na hindi masarap ito ngunit
itinuturing itong masarap ng mga lokal na tao. Iwashita Kaori
1. Ang khaimotdeen ng Thailand ay itlog ng langgam. 2. Kakaiba ito dahil mayroon itong bukul‐bukol na anyo. 3. Ayaw kumain nito ng maraming tao, lalo na ng mga dayuhan dahil sa anyong ito. 4. Kinakain ito ng mga taong‐bukid. 5. Puti at maliit ito. 6. Hindi matapang ang lasa nito. 7. Dahil dito, nailuluto namin ito sa maraming paraan. 8. Halimbawa, salad, curry at sabaw. 9. Mahalaga at mahal ang khaimotdeeng. 10. Dahil nangingitlog ang langgam minsan lang sa isang taon. 11. Kumakain ang mga Thai nito sa mahalagang araw.
Junki Yamamoto
1. Ang pondegi ay pagkain sa Korea. 2. Kakaiba ito dahil ginagawa ito sa pamamagitan ng uod ng silkwom. 3. Itinitinda ito ng mga Koreano kapag may pagdiriwang. 4. Talagang mura ito. 5. Kumakain sila nito bilang bolang kamukha Japanese Otsumami. 6. Pero dahil sa amoy nito, ayaw kumain nito ng maraming tao, kabilang ang mga
Koreano mismo. 7. Kahit yata hindi ito masarap, gusto kong tikman ito kapag pumunta ako sa Korea sa
hinaharap. Makino Masa
1. Ang vegemite ay maitim na kayumangging malagkit. 2. Tila tulad ng malagkit na tsokolate ito. 3. Kakaiba ito dahil maalat na maalat ito. 4. Ito ay napakapopular sa Australia at New Zealand pero hindi sa ibang bansa. 5. Paano ba ginagawa ang vegemite? 6. Gawa mula sa yeast at maraming uri ng gulay ito. 7. Mayamang‐mayaman ito sa bitamina B. 8. Paano kinakain ang vegemite? 9. Karaniwan, ipinapahid ito sa tinapay bilang paste. 10. Pero kung minsan, ito ay ginagamit sa iba’t ibang pagkain tulad ng cheese pastry at
kanin.
Sura Sura Sulat [11]
Matsumoto Yui 1. Ang ca tai tuong ay pagkaing isda na parang tainga ng elepante sa sa Vietnam. 2. Kakaiba ito dahil sa anyo nito. 3. Pero maalat at masarap na masarap ito. 4. Dahil dito, itinuturing ito ng mga Vietnamese bilang pagkaing nagbibigay ng lakas. 5. Pritong buong isda ang Ca Tai Tuong. 6. Kinakain ito kasama ng gulay at pinya. 7. Ibinabalot ito sa ricepaper. 8. Ipinagbibili ang Ca Tai Tuong sa mga restawran sa Mekong River Delta area. 9. Bantog din ito sa Thailand at kumakain ang mga Vietnamese at mga pasahero nito.
Lyle Menecio
1. Ang turu ay isang malaking uod na nakatira sa loob ng nabubulok na kahoy. 2. Kasintaba ito ng daliri at umaabot ang haba sa isang metro. 3. Malagkit ito at kulay puti. 4. Malambot ang katawan nito pero matigas ang ulo. 5. May mga ngipin ito sa dulo na ginagamit nito para kainin ang kahoy. 6. Sa Isla ng Marajo sa Brazil, kinukuha ang mga ito, nilalagyan ng asin at katas ng
lemon at kinakain nang hilaw. 7. Parang seafood ang lasa nito. 8. Sa ibang lugar naman, iniluluto ito sa gatas ng niyog kasama ang bell pepper,
kamatis, bawang at sibuyas. 10. Nilalagyan pa ito ng asin, paminta, katas ng lemon at dahon ng perehil bilang
pampalasa. 11. Itinuturing ang turu bilang masustansiyang pagkain dahil mayaman ito sa calcium.
Hiroki Nakatsuka
1. Ang furu ay popular na pagkain sa Taiwan. 2. Kakaiba ito dahil binurong tofu ito. 3. Kaya may masamang amoy ito. 4. Pero kinakain ito ng maraming tao dahil masarap ito. 5. Paano kinakain at ginagamit ang furu? 6. Una , pampasarap ang furu. 7. Ginagamit ito sa maraming pagkain sa Taiwan, halimbawa, sa stew. 8. At hindi maalat, kundi manamis‐namis ang lasa ng Furu. 9. Ipinapanghiwa ng Furu ang palito at kinakain ito sa Taiwan. 10. Inihahalo rin nila ang pulang paminta. 11. Maiba ako,may hawig na pagkain ito sa Okinawa, ang tofuyou.
Sura Sura Sulat [12]
Okamura Misato 1. Kishka ang medyo kakaibang luto sa Russia. 2. Longganisa ito. 3. Kakaiba ito dahil ginagamitan ito ng dugo. 4. Karaniwan, mabibili ito sa tindahan ng karne o delicatessen. 5. Kumakain daw ang maraming tao ng kishka sa almusal. 6. Nilalaga nila ang kishka sa medyo mainit na tubig. 7. Pagkatapos, hinihiwa ito. 8. Kung minsan, iniihaw nila ito kapag kumakain sila nito. 9. Gawa ang kishka sa karneng baboy, dugo ng baboy at butil. 10. Madalas silang naghahalo ng pampalasa dahil nangangamoy ang mga karne at dugo. 11. Pagkatapos, nilalamnan nila ng sangkap ang bituka. 12. Mula noong unang panahon, tradisyonal na luto ang Lishka sa Russia. 13. Pero, ayaw kumain ng Kishka ng mga tao dahil ginagamitan ng dugo ang Kishka. 14. May mga tao na bawal kumain ng dugo dahil sa relihiyon.
Shintani Satoki
1. Gusto kong ipaliwanag ang pagkain ng mga insekto—ang makongo. 2. Isang tanyag na pagkain ang makongo sa Central Africa. 3. Kakaiba ito dahil ang makongo ay pangalan ng higad. 4. Talagang mahalagang pagkain ang makongo sa Central Africa. 5. Ang protina ng makongo ay doble kaysa sa protina ng karne ng baka. 6. Bukod dito, ang 100 gramo lang nito ay makapaglalaan na ng malaking porsiyento ng
sustansiyang kailangan ng tao sa isang araw, gaya ng calcium, iron, magnesium, phosphorus, potasyum, zinc, at maraming bitamina.
7. Ang malaking brown na mariposang uod ay nangingitlog sa mga puno ng sapeli. 8. Kapag naging higad na ang mga itlog, kinukuha iyon ng mga taganayon at
hinuhugasan. 9. Pagkatapos, pinakukuluan iyon nang may kasamang kamatis, sibuyas, at iba pang
sahog ayon sa resipi ng pamilya. 10. Ayaw kumain ng makongo ng mga dayuhan dahil sa pangit na hitsura nito. 11. Pero, ito ay gustong‐gusto ng mga tao sa Central Africa, hindi lamang dahil sa
masustansiya ito kundi maging sa lasa nito. Shiraki Yuuichi
1. Ang haggis ay isang uri ng puding. 2. Kakaiba ito dahil sa sahog. 3. Ang haggis ay ginagawa mula sa organ ng tupa tulad ng atay, puso at baga . 4. Ang mga sahog ay ipinapalaman sa tiyan ng tupa. 5. Mabibili ang haggis sa mga magkakatay ng karne. 6. Kinakain madalas ang haggis kasama ng niligis na patatas. 7. Ayaw kumain ng haggis ng kahit British dahil sa sahog nito.
Sura Sura Sulat [13]
Suzuki Reiko
1. Ang escargot ay nakakaing suso sa France. 2. Kakaiba ito dahil hindi kumakain ang maraming tao ng suso. 3. Itinuturing ito ng mga French bilang pagkaing popular. 4. Inaalis ang lamang‐loob ng suso at hinahalo ang butter sa escargot. 5. Hinahalo rin ang parsley at bawang sa butter. 6. Kumakain nito ang mga French sa pamamagitan ng tinidor. 7. Ayaw kumain ng escargot ng maraming tao, lalo na ng mga dayuhan dahil hindi ito
masarap para sa kanila. 8. Pero gusto ng mga French na kumain ng escargot.
Tsuda Takumi
1. Gusto kong magpaliwanag tungkol sa utak ng unggoy, ang kakaibang pagkain sa China.
2. Walang problema ang kumain ng utak ng unggoy sa buong mundo. 3. Ito ay malupit pero karangyaan ito sa China. 4. Kinakain ito bilang court cuisine sa panahong Shin. 5. Puwede nating bilhin ito sa mga palengke sa lalawigan ng China. 6. Paano papatayin ng tagapagluto ang unggoy at kukunin ang utak ng unggoy? 7. Ginagawa ang proseso habang buhay pa ang unggoy. 8. Sinasabi ng mga mananaliksik na naging sanhi ito ng pagkalat ng HIV o Ebola virus. 9. Ayaw kong kumain nito pero hindi ako nag‐iisip nang negatibo sa mga taong
kumakain nito. Yamazaki Shoko
1. Ang surstromming ay pinabulok na tamban. 2. Kakaiba ito dahil ”pinakamabahong pagkain” ito sa mundo. 3. Hindi pinapakuluan ito kaya umaasim ito sa lata. 4. Pumuputok ito kapag bumukas ang lata dahil sa gas. 5. Mabibili ang surstromming sa groseri. 6. Gusto ng mga tao ito sa hilagang Sweden. 7. Binubuksan nila ito sa labas dahil pumuputok ito. 8. Kinakain din ito sa labas, dahil talagang mabaho ito. 9. Ipinapalaman ito sa tinapay kasama ng sibuyas at patatas. 10. Tradisyonal at nagkasasarap na pagkain ito sa Sweden.
Sura Sura Sulat [14]
Sanaysay 3: Katangi‐tanging Lugar sa Aking Bayan
Esaka Chizuru
1. Nakatira ako sa Osaka, pero malapit na malapit ang bahay ko sa Ikoma sa Nara. 2. Ang Mt. Ikoma ay itinuturing na may isa sa mga pinakamagandang tanawin sa gabi
sa Japan. 3. Dumadalaw ang maraming tao sa Mt. Ikoma para magmasid ng kalikasan. 4. Sa umaga at hapon, nakakakita tayo ng magandang kalikasan. 5. Bukod dito, may amusement park sa Mt. Ikoma, kaya puwedeng magsaya at
maglibang ang mga pamilya. 6. Sa gabi, ang tanawin mula sa ibabaw ng bundok ay nagiging mas maganda kaysa sa
umaga at hapon. 7. Nakakakita tayo ng fireworks nang malinaw sa itaas ng Mt. Ikoma. 8. Dumarating ang mga magkasintahan doon sa panahon ng fireworks. 9. Puwede tayong magsaya sa Mt. Ikoma mula sa umaga hanggang sa gabi, di ba?
Hayasaki Yumi
1. Ang bulkan ay itinuturing na katangi‐tanging tanawin sa Japan. 2. Makikita ito sa Hyogo lalo na sa hilaga, ang Tajima. 3. At maraming bundok at ilog doon. 4. Nabuo ito may tatlong milyon taon na ang nakaraan. 5. Ang maga pader ay gawa sa bato at putik. 6. Sinasabi na hindi ito mga buhay na bulkan. 7. Kinikilala ito ng Surian ng Pananaliksik sa Heograpiya dahil sa dami ng bulkan.
Iguchi Masaharu
1. Ang Shitennoji ay ang pinakalumang templo na itinayo ng pamahalaan. 2. Ang Shitennoji ay binuo ni Shotokutaishi. 3. Nagsikap si Shoutokutaishi na bumuo ng sentralisadong pambansang sistema ng
gobyerno. 4. Maraming gusali ng Shitennoji ang hinirang na mahalagang yaman ng kultura. 5. Sa tuwing may digmaan, ang bahagi ng templo ay nasisira. 6. At muli itong itinatayo pagkatapos ng bawat digmaan. 7. Mula rito, malalaman natin kung gaano kahalaga ang templo. 8. Ang pangalan ng estasyon "Tennoji" ay mula sa pangalan ng templo ng
"Shitennnoji."
Sura Sura Sulat [15]
Iwashita Kaori 1. May Chikugo‐gawa (Ilog ng Chikugo ) sa aking bayan, ang Kurume. 2. Ang haba nito ay 143 km, at ang laki nito ay 2860 km2. 3. Ito ay ang pinakamalaking ilog sa Kyushu. 4. Chikushi‐Jiro ang ibang pangalan nito, at kilalang‐kilala ito bilang matinding ilog. 5. Ito ang pangalawang pinakamatindi ang daloy na ilog sa Japan. 6. Nasa Bundok ng Aso sa Kumamoto and bukal nito. 7. Umaagos ito sa Dagat ng Ariake. 8. Nagdadaan ito sa apat na prefecture, ang Kumamoto, Oita, Fukuoka, at Saga. 9. Inaani ang maraming palay dito, salamat sa ilog na ito. 10. May awit tungkol sa Chikugo‐gawa sa Japan. 11. Inilalarawan ang buhay ng Chikugo‐gawa ng awit na ito. 12. Kinakanta ito ng mga tao.
Junki Yamamoto
1. Ang Horyuu‐ji ay itinuturing na pinakalumang templong yari sa kahoy sa boung mundo.
2. Nasa Nara ito at laging maraming pumupunta dito. 3. Idineklara itong World Heritage Site ng UNESCO noong 1993. 4. Ayon sa Wikipedia, itinayo ito nina Shoutokutaishi at Suiko‐tennou noong 607,
panahon ng Asuka. 5. Pero nasusunog ito paminsan‐minsan, at kinukumpuni ito muli’t muli. 6. Dahil dito, mukhang wala itong kasaysayan. 7. Bakit kilala ito? 8. Sa tingin ko, nagiging mahalaga ito batay sa pagtingin natin. 9. Kilalang‐kilala ang Horyuu‐ji hindi lamang dito sa Japan kundi sa iba’t ibang bansa. 10. Pero hindi pa ako nakakapunta dito. 11. Gusto kong pumunta dito sa bakasyon ng tag‐init.
Makino Masa
1. Ang Miyajima ay ang katangi‐tanging lugar sa aking bayang Hiroshima. 2. Katangi‐tangi ito dahil may Templo ng Itsukushima doon. 3. Isang World Heritage Site ang Templo ng Itsukushima . 4. Ito ay itinayo sa ibabaw ng dagat dahil ito ay babad na babad sa tubig kapag mataas
ang antas ng tubig. 5. Bukod dito, ang Miyajima ay bantog sa pagdiriwang ng fireworks. 6. May ganitong pagdiriwang tuwing tag‐init. 7. Higit sa limang libong fireworks ang ginagamit sa pagdiriwang na ito. 8. Ito ay napakaganda upang makita ang kalangitan ng gabi na puno ng makulay na
fireworks.
Sura Sura Sulat [16]
Matsumoto Yui 1. Ang hilerang puno ng seresa ay balitang lugar sa Yao City. 2. May mga isang libong puno ng seresa rito. 3. Sa tagsibol, nagkakaroon ng ganap na pamumulaklak, halimbawa, ng seresang
Someiyoshino at Yae. 4. Iniilawan ang mga rosas sa gabi. 5. Maraming kubol sa ilalim ng hilera ng puno ng seresa sa panahong ito. 6. Nagtanim at nagpalaki ang mga mamamayan sa Yao City ng mga ito mula sa
maagang panahon ng Showa hanggang mga 1940. 7. Nasa magkabilang gilid ng Ilog ng Tamalushi ang mga ito, kaya ginawa ng mga ito
ang tunnel na seresa. 8. Bukod dito, pagkatapos mahulog ang talulot na seresa, nagiging kulay‐rosas ang
ilog at daan. 9. Nagbabago‐bago ang tanawin ng hilera ng puno ng seresa sa bawat panahon, kaya
kawili‐wili ito. 10. Maraming bantog na lugar ng seresa sa Osaka at mairerekomendang pasyalan din
ito. Menecio Lyle
1. Ang Shirakawa‐go ay itinuturing na isa sa pinakamagagandang lugar sa Japan. 2. Makikita ito sa prefecture ng Gifu. 3. Matatagpuan dito ang mahigit sa 100 kabahayan na kung tawagin ay "gassho‐
zukuri" o "prayer‐hands construction" dahil sa hugis ng bubong nito. 4. Ang mga bubong ay gawa sa pawid. 5. Malalaki ang mga bahay at karamihan ay may tatlo o apat na palapag. 6. Sa Japan, dito lamang makikita ang ganitong uri ng bahay. 7. May maliliit na palayan sa paligid ng mga bahay. 8. Tuwing taglamig, naiipon ang mahigit sa isang metrong taas na snow sa mga bubong
ng bahay. 9. Dumadayo ang maraming tao rito para makita ang magandang tanawing ito. 10. Itinayo ang mga bahay mga 200 hanggang 300 taon na ang nakaraan. 11. Dahil dito, kinikilala ang Shirakawa‐go dahil sa mahabang kasaysayan nito at sa
katangi‐tanging itsura ng mga bahay rito. 12. Noong 1995, idineklara ang Shirakawa‐go bilang World Heritage Site ng UNESCO. 13. Sinasabi na ang dahilan na naging kilala ang Shirakawa‐go sa buong mundo ay dahil
sa papuri ni Bruno Taut, isang tanyag na arkitekto ng Germany, sa kanyang aklat tungkol sa kagandahan ng Japan. Hiroki Nakatsuka
1. Ang Biwako ay ang pinakamalaking lawa sa Japan. 2. Ang Biwako ay bantog sa Japan at sa buong mundo. 3. Makikita ito sa Shiga. 4. Ayon sa mga antropologo, itinayo ito mga walongdaang taon na ang ang nakaraan.
Sura Sura Sulat [17]
5. Nakadugtong ang mga ilog ng Shiga sa Biwako. 6. At umaagos ang tubig ng Biwako sa Kyoto at Osaka. 7. Sa huli, umaagos ang tubig ng Biwako sa Pacific Ocean. 8. May iba’t ibang isda sa Biwako. 9. Pero kamakailan lamang, nasa panganib ang ilan sa kanila dahil sa ilang dahilan. 10. Halimbawa, ilan sa kanila katulad ng “Funa” ay nasa panganib dahil kinakain ng black
bus ang mga isda. 11. Ngayon, sa Shiga, sinisikap ng mga tao na alisin ang black bus. 12. Sana, kung pumunta ka sa Biwako para mangisda, makahuli ka ng maraming black
bus. Okamura Misato
1. Ang Tsinka‐bashi ay itinuturing na kilalang tulay sa Kochi. 2. Makikita ito sa ilog ng Shimanto sa Kochi. 3. Sa katotohanan, puwede nating makita ito sa Oita, Tokushima, Miyazaki. 4. Pero napakaraming Tsinka‐bashi sa Kochi. 5. Mayroon daw 69 Tsinka‐bashi sa Kochi. 6. Ang pinakalumang Tsinka‐bashi ay itinayo noong 1935. 7. Tinatayuan nito ang mababang lugar mula sa ilog. 8. Malapit ito sa ilog. 9. Karaniwan, may bakod sa tulay para hindi mahulog ang mga tao o kotse, pero
walang bakod sa tulay na ito. 10. Ito ay dahil sa pumipigil ito ng baha at hindi napipinsala ang tulay ng mga kahoy at
malaking bato kapag bumagyo at lumaki ang tubig ng ilog. 11. Pero may taong nahulog mula sa Tsinka‐bashi dahil walang bakod ito . 12. Medyo mapanganib ang Tsinka‐bashi, pero kinikilala ng Hapon ang Tsinka‐bashi
dahil kaunti ang lugar na may Tsinka‐bashi sa Japan at maaaring hindi tayo makakita nito. Shintani Satoki
1. Ang Ilog ng Yodo ay itinuturing na mahalagang lugar na pang‐ekonomiya mula noong unang panahon.
2. Itinayo ang unang pilapil mga isang libo at pitongdaan taon na ang nakararaan. 3. Ang Ilog ng Yodo na tinatawag ding Ilog ng Seta at Uji sa bahagi ng kanyang ruta, ay
ang pangunahing Ilog sa Osaka. 4. Ang Lake Biwa sa Shiga ang pinagmulan ng ilog. 5. Tinatawag na Ilog ng Seta ang nasa Shiga, at Ilog ng Uji ang nasa Kyoto. 6. Ito ay isang pinagmulan ng tubig para sa patubig at ginagamit din para sa
hydroelectricity. 7. Bukod dito, ito ay mabuting lugar para sa pangingisda. 8. May 965 mga sanga ang Ilog ng Yodo. 9. Ito ay ang pinakamalaking bilang sa mundo. 10. Sinasabi na ito ay isang dahilan kung bakit umunlad ang Osaka.
Sura Sura Sulat [18]
Shiraki Yuuichi 1. Ang kohun o malaking‐malaking libingan ay itinuturing na pinakamalaking sistema ng
libingan sa Japan. 2. Ang kohun at ang piramide ay magkatulad. 3. Makikita ito sa buong Japan, pero makikita ang karamihan sa kanila sa Hyougo,
Chiba at Tottori. 4. Itinayo ang unang Kohun noong ikatlong siglo. 5. Ang libingan ay gawa sa bato at lupa. 6. Ang Daisen Kohun sa Osaka ang pinakamalaking Kohun sa Japan. 7. Kinilala ang Kohun dahil sa sukat nito at lumang teknolohiya.
Suzuki Reiko
1. Ang spa sa Hakone ay itinuturing na pinakamalaking spa sa Japan. 2. Makikita ito sa Kanagawa. 3. Mayroong pitong spa ang Hakone. 4. Itinayo ito sa panahon ng Nara. 5. Maraming bundok at puno dito. 6. Ang mga spa ay gawa sa tubig na may mineral ng bundok. 7. Kinilalang atraksiyong panturista ang Hakone dahil sa binibisita ito ng maraming tao
sa Hakone. 8. Maraming museo at hotel sa Hakone. 9. Sumasakay ang maraming tao sa ropeway para maglibang.. 10. May takbuhan sa Hakone sa New Year’s Day. 11. Tinatawag namin itong Hakone Ekiden. 12. Talagang kilalang‐kilalang lugar ito sa Hakone.
Tsuda Takumi
1. Ang Wakamatsu Jyou ay kastilyo ng Aizu han sa Aizuwakamatsu. 2. Ang Aizuwakamatsu City, Fukushima ay ang Aizu han ngayon. 3. Ginawa ito nang katulad ng kasalukuyang anyo noong 1611. 4. Pero, may kastilyo rito mula pa noong 1384. 5. Gawa ito sa mga bato, kahoy, at baldosa.
6. Nangyari ang giyera rito sa Aizuwakamatsu noong 1868. 7. Nakipagdigmaan ang “Puwersa ng Dating Tokugawa shogunate” sa “Puwersa ng
Bagong Pamahalaan. ” 8. Ang Aizu han ang kakampi ng “Tokugawa shogunate.” 9. Masipag na masipag ang mga taong nag‐alaga sa Aizu han. 10. Pinatunayan ng Aizu han ang kanilang katapatan sa “Tokugawa shogunante” at
lumaban sila. 11. Tunay na mga Hapon sila.
Sura Sura Sulat [19]
12. Pero, pagkatapos, hinirang ng Meiji emperor ang “Puwersa ng Bagong Pamahalaan ” bilang Kangun o Puwersa ng Pamahalaan.
13. At, ang “Puwersa ng Tokugawa shogunante” ay naging Zokugun o Rebeldeng Puwersa.
14. Ipinagkanulo ang mga Han ng “Tokugawa shogunante,” pero hindi ipinagkanulo ang Aizu han lang.
15. Naniwala sila sa katarungan. 16. Ito ay ang Bushidou. 17. Halimbawa, naniniwala sila na ang pagpapakamatay ay alang‐alang sa “Gi”
(Katarungan).
18. Bilang resulta, tinalo ng “Puwersa ng Bagong Pamahalaan” ang Aizu han. 19. Pinatay nila ang maraming tao sa Aizuwakamatsu. 20. Pinakakilala ang mga “Byakkotai” sa mga taong namatay. 21. Malungkot na malungkot sila.
22. Ang Wakamatsu Jyou ay ipinagmamalaki naming mga ipinanganak sa Fukushima.
Yamazaki Shoko
1. Ang burol ay itinuturing na salansan ng buhangin at luwad. 2. “Sunagawakisho (砂川奇勝)” ang pangalan nito. 3. Makikita ito sa parke sa Sennan City, Osaka. 4. Dalawang libong daang taon na ang nakararaan nang itinayo ito. 5. Ang malaking bato ay gawa sa buhangin at luwad sa ilalim ng dagat. 6. Nagbabago ang hitsura nito kapag umuulan dahil mahina ang buhangin at luwad. 7. Kaya sinasabi na kapag umulan, mukhang tigre o tutubi ito. 8. Kinilala ng mga tao ang “Sunagawakisho” dahil sa kakaibang hitsura nito. 9. Pumunta ang pinuno ng Kishiwada rito noong unang panahon.
Sura Sura Sulat [20]
Machi Takezoe Yosuke Shohara Asami Okada
Kyoko Yamakuni Ayaka Komaki Ayana Iwasaki Soichi Kondo Haruna Ueno
Masatoshi Sagawa Natsuki Kita
Suzuna Yamamoto
Filipino II Akademikong Pagsulat sa Filipino
Sura Sura Sulat [21]
Machi Takezoe Hiragana
1. Ang Hiragana ay isang uri ng pagsulat ng mga Hapon. 2. Noong wala pang Hiragana, may Sougana dito sa Japan. 3. Dahil sa naging mas simple ang Soutai, nagawa ang Sougana. 4. Ang Soutai ay isang paraan ng pagsulat ng Kanji. 5. Mula noong pagsisimula ng panahon ng Heian hanggang noong gitnang panahon
ng Heian ay ginamit ng mga marangal na babae ang Hiragana upang sulatin nila ang mga tula at iba pang sulatin.
6. Nabuo ang Hiragana batay sa paggamit nila nito. 7. May iba pang tawag sa hiragana, halimbawa, Onnade, Kannna at Kana.
8. May Hiragana dito sa Japan simula pa noong 1300. 9. Hindi nagbago ang bilang at tawag dito. 10. Pero ibang‐iba ang paraan ng pagsusulat at itsura nito. 11. Ngayon, sinusulat namin ang mga letra ng Hiragana nang isa‐isa kapag sumusulat
kami ng pangungusap .
Sura Sura Sulat [22]
12. Pero sinulat ng mga tao ang Hiragana nang magkakabit.
13. Nagsimula raw ang kasalukuyang paraan mula noong panahon ng Meiji. 14. Kaya ibang‐ibang ang itsura ng pagsulat sa opisyal na sulat noong bago ang
panahon ng Meiji .
15. May dalawang uri ng Kana dito sa Japan. 16. Hiragata at Katakana sila. 17. May 48 na letra ang mga ito. 18. Pero magkaiba ang dalawa. 19. Una, galing ang Hiragana sa Soutai (isang uri ng pagsulat ng Kanji) at ginagaya
nito ang porma ng Kanji. 20. Ngunit, ang Katakana ay galing sa bahagi ng Kanji, halimbawa, Hen, Tsukuri,
Bushu at iba pa. 21. Ginagaya nito ang porma ng bahagi ng Kanji.
22. Pangal23. Halimb24. Pero a25. Kapag
kami n
26. Sa Japa27. Una, n
kami n28. Pagkat29. Sa klas30. Sa bah
pagbas31. Kapag
Kataka32. Isinasa
33. Natuto34. Sa klas35. Nagtur
namin 36. Kapag
mga sa37. Nagbib38. Ginam39. Ang ibi40. Sinulat
pamam
awa, madalas nambawa, sa pagsusulatng Katakana ay masumusulat ng mgag Katakana.
an, nagsisimula kamnag‐aaral kami ng g tamang order ngtapos nito, sinusulase, may practice ng hay, may homeworsa ng textbook. marunong na ka
ana. aulo ng estudyante
o ako ng paraan ng se ng wikang Haponro ang guro ko ng sa klase. natutunan ko ang あalitang may あ(a), hbigay rin siya ng hoit ko ang notebookig sabihin ng ”Anont ko ang talaaramagitan ng sulat.
Sura Sura Su [23]
ing gamitin ang Hirt at pagbabasa ng las madalang namina salitang hinihira
ming mag‐aral ng Jatamang paghawakg pagsulat ng Hiragat namin ang Hiragapagsulat at pagbasrk ng pagsulat, hal
ami ng Hiragana,
ng Hapon ang pags
pagsusulat ng Hiran, nag‐practice ako mga salita sa pam
あ(a) sa klase, nagbhalimbawa, あり(aromework ng pagsula na pang‐practice nne” ay ”pakikinig.”awan na parang
ulat
ragana sa pang‐arawlibro. ng gamitin kaysa sa am mula sa ibang
apanese sa elemenk ng lapis. Pangalana. ana nang ulit‐ulit upa. limbawa, pagsulat
magsisimula kam
sulat ng Japanese n
agana sa elementarynang paulit‐ulit.
mamagitan ng Hirag
bibigay ang guro ng ri), あめ(ame), あさat ng talaarawan sang Hiragana, ang ”A
nakikipag‐usap k
w‐araw na buhay.
Hiragana. bansa, gumagamit
tarya. awa, nag‐aaral din
pang isaulo ito.
ng talambuhay o
i ng pag‐aaral ng
nang ganito.
ya.
gana na natutunan
homework na mayさ(asa)at iba pa. a Hiragana. Anonechou.”
kami sa guro sa
t
n
o
g
n
y
a
Sura Sura Sulat [24]
41. Ang talaarawan sa ”Anonechou” ay ibinibigay ng guro ko sa amin araw‐araw. 42. Nahirapan ako kasi kailangan kong sumulat kahit walang mahalagang pangyayari. 43. Iniulit ko ang practice at natututunan ko ang Hiragana.
44. Kapag marunong akong mag‐Hiragana, naiintindihan ko ang maraming salita kahit
may Kanji at Hiragana sa salita. 45. Nakakatulong ang Hiragana para matandaan ko ang Kanji. 46. Halimbawa, kung hindi ka marunong mag‐Kanji pero marunong kang mag‐
Hiragana. 47. Gusto mong pumunta sa Tokyo Sta. sa pamamagitan ng tren. 48. Pero hindi ka pa sigurado kung aling estasyon ito. 49. Sa ganitong sitwasyon, makikita mo ang sign na ito.
50. Kung marrunong ka nang mag‐Hiragana, puwede mong malaman ang lugar na pinuntahan mo.
51. Kahit hindi mo maintindihan ang Kanji, makukuha mo ang impormasyon sa pamamagitan ng Hiragana.
52. Masasabi ko rin ito sa iba’t ibang sitwasyon. 53. Halimbawa, sumakay ka ng bus, gamitin mo ang elektronikong diksiyonaryo,
gamitin mo ang pagdadala ng mensahe sa pamamagitan ng cellphone at iba pa. 54. Kung magta type kami ng Hiragana sa PC, gagamitin muna namin ang Hiragana
upang ilabas namin ang Kanji. 55. Ipapalit namin ang Hiragana. 56. Maraming tungkulin ang Hiragana sa buhay namin dito sa Japan.
Sura Sura Sulat [25]
57. Kaya, pinakamahalaga at pinakagamitin ang Hiragana kaysa sa ibang pagsulat na Japanese.
58. Bakit ganito ang pagkatuto ng pagsulat ng Japanese dito sa Japan? 59. Dahil ba ito sa school curriculum? 60. Kailangan namin kasi ang pagsulat ng Japanese ‐Hiragana, Katakana at Kanji
upang makakuha ng mga impormasyon. 61. Sa Japan, wikang Hapon ang opisyal na wika, hindi Ingles. 62. Kahit hindi kami marunong mag‐Ingles, puwede kaming mamuhay nang walang
kulang. 63. Hindi namin kailangan ang ibang wika sa pang‐araw‐araw na buhay. 64. Kaya mahalaga ang matutunan namin ang wikang Hapon. 65. Kung hindi marunong mag‐Japanese sa Japan, totoong mahirap ang kumuha ng
impormasyon kasi marami ang nasa wikang Hapon kung saan‐saan, halimbawa, sa diyaryo at TV.
66. Wikang Hapon lang ang sinasalita sa Japan. 67. Kaunti lang ang sitwasyon na ginagamit ang ibang wika. 68. Kapag kukuha ng mga impormasyon o makikipag‐usap kayo sa mga Hapon,
kailangan ninyong matuto ng wikang Hapon lalo na ang Hiragana. 69. Mahalaga kasi ito sa wikang Hapon.
70. Ang Hiragana ay orihinal na pagsulat ng mga Hapon. 71. Para sa mga Hapon, pinakamahalagang uri ng pagsulat ang Hiragana dahil
kailangan namin ito upang makakuha ng mga impormasyon. 72. Kaya nagsisimula kami ng pag‐aaral ng Hiragana. 73. Mayroong koneksiyon sa Intsik ang Hiragana dahil ipinanganak ng Kanji ang
Hiragana. 74. Kasangkapan ang Hiragana upang makakuha ng mga impormasyon. 75. Kaya mahalaga ito para sa mga Hapon.
Yosuke Shohara Ang Giri to Ninjo 義理と人情
1. Sa Japan, may isang salita, ang “Giri to Ninjo.” 2. Ito ay napakaimportanteng ideya sa lipunang Hapon. 3. Pero, talagang mahirap bigyang‐kahulugan ang ideyang ito. 4. Ang taong may Giri to Ninjo ay taong minamahal ang relasyon sa pagitan ng mga
tao at may malakas na pag‐ibig sa iba o pakiramdam ng responsibilidad. 5. Ang salitang Giri to Ninjo ay sinasabing nagsimulang gamitin sa panahon ng Meiji
(1868‐1912).
Sura Sura Sulat [26]
6. Pero, hindi namin sigurado kung saan ito galing, kung bakit nanatili ito o kung ano ang Giri to Ninjo para sa Hapones.
7. Dito, ipapaliwanag ko kung ano ang Giri to Ninjo.
8. Ang Giri at Ninjo ay lubos na magkaiba. 9. Sa maikling salita, ang Giri ay isang obligasyon sa relasyon ng mga tao. 10. Ito ay di‐nakikitang pagpapahiram at paghiram sa loob ng dalawang tao at
kapangyarihan sa ugnayan ng tao. 11. Higit sa lahat, sa lipunang Hapon, ito ay napakahalaga upang mapanatili ang
personal na ugnayan. 12. Halimbawa, para sa mga benepaktor ay may Giri kami. 13. Kapag ang pamilya ng benepaktor o siya mismo ay nagkakaproblema, tutulungan
namin sila. 14. Ang ganitong aksiyon ay base sa Giri, ito ay pagbabalik ng utang na nakaraan. 15. Sa kabilang banda, ang Ninjo ay walang koneksyon sa personal na ugnayan,
pagpapahiram at paghiram ng loob o kahit benepisyo o disbentaha. 16. May ninjo rin kahit sa taong hindi kilala. 17. Halimbawa, kapag nakarinig kami ng kuwento tungkol sa mga bata sa di‐kilalang
bansa na napinsala o namatay, maiisip namin na kawawa ang mga batang ito. 18. Ang pakiramdam na ito ay Ninjo. 19. Halimbawa, para sa mga biktima ng lindol na hindi namin kilala, wala kaming
obligasyong magbigay ng donasyon. 20. Pero, magpapadala pa rin ang maraming tao ng donasyon. 21. Dahil maaawa kami sa kanila. 22. Ang aksyon na ito ay batay sa Ninjo.
23. Ayon sa isang Hopones na mananaysay, si Minamoto Ryozen (1920‐) 24. “Ang ‘Giri to Ninjo’ ay salitang galing sa Tsina mismo. 25. Pero ang nilalaman nito ay kaugalian o modelo ng lipunang nakaugat sa kultura
o lipunan ng Japan upang mapanatili ang mga mahigpit na ugnayan at pati na rin palakasin ang Japan.”
26. Madalas ginagamit ang Giri at Ninjo sa parehong sitwasyon, pero kung minsan, may pagkakasalungatan ang Giri at Ninjo.
27. Sinabi rin ang ganito ni Minamoto sa kanyang aklat: 28. “Sa palagay ko, itong dalawa ay produkto ng lipunan at kultura ng pamayanan. 29. Kapag sa tingin natin, ito ay mahalagang mga ugnayan sa ibang tao, kung
sinusubukan upang panatilihin at palakasin nang pasibo o aktibo ang ganitong ugnayan, sa oras na ito, ang aspekto ng kaugalian o modelo ay giri at saka ang aspekto ng damdamin ay Ninjo.
30. Kapag ang ugnayan na ito ay maganda at mabuti, magiging mainit (totoo, positibo) na giri ito, at walang malinaw na pagkakaiba ang giri at ninjo.
Sura Sura Sulat [27]
31. Dahil sa oras na ito, kahit na kaugalian o modelo ng lipunan ang giri, ito ay isang etika (moral) ng loob lang.
32. Gayumpaman, halimbawa, hindi mabuti ang ugnayan sa ibang tao, kung sumusubok na mapanatili ang kaugnayan sa iba upang mabuhay ang giri ay magiging malamig (o peke) na giri ito.
33. Dito, ang Giri at Ninjo ay magkaiba. 34. Sa oras na ito, ang Giri ay pormal (bilang masamang kahulugan), paghihigpit, at
panlabas na kaugalian o modelo. 35. O kaya naman, kapag malubha ang kalagayan ng buhay, ang Ninjo ay
nagsusumikap upang mapanatili ang isang relasyon ng pakikiramay.” 36. Katulad ng sinabi ni Minamoto, sa Japanese may ganitong mga salita: “Giri to
Ninjo no hazama de nayamu.” 37. Ibig sabihin, “Nag‐aalala ako sa pagitan ng Giri at Ninjo” sa literal na pagsasalin. 38. May mabigat na kaugnayan ang Giri to Ninjo tungkol sa kung paano iniisip ng mga
Hapones ang kaugnayan sa tao.
39. Mayroon ding isang katulad na konsepto ang mga ito sa Pilipinas—ang utang na loob.
40. Ayon sa Wikipedia, ang utang na loob ay isang katangian ng kulturang Pilipino. 41. Sa pag‐aaral ng sikolohiya sa Pilipinas, ang utang na loob ay isang kaisipang batay
sa pakikisama at hiya. 42. Ang utang na loob ay obligasyon ng pagbabayad nang angkop para sa taong
nagbigay ng mga pabor. 43. Ang pabor na natamo ay imposibleng sukatin o lagyan ng halaga . 44. Kung masusukat naman, ito ay napakapersonal na katangiang panloob. 45. May malaking pagkakaiba ang utang na loob at ordinaryong pananagutan o
utang. 46. Dahil ang utang na loob ay nangyayari sa loob ng puso. 47. Kaya ang utang na loob ay mas malalim kaysa sa ordinaryong utang o kahit utang
ng isang pabor base sa kanluraning konsepto.
48. May Giri to Ninjo sa Japan at may katulad na konsepto na Utang na loob sa Pilipinas.
48. Maraming magkatulad na punto ang dalawang konseptong ito. 49. Ipinapahiwatig ng dalawang konseptong ito ang kaugnayan ng tao o panlipunang
obligasyon. 50. Ang ganitong mga konsepto tungkol sa damdamin at moralidad ay wala sa mga
kanluraning bansa. 51. Kaya napakahirap ang pagsasalin nang tumpak ng dalawang ideya sa Ingles o sa
iba pang wika. 52. Pero parehong nagpapahiwatig ito ng damdaming hindi nakakalimutan ang
Sura Sura Sulat [28]
pasasalamat magpakailanman o sa matagal na panahon at nagtatangi ang pakikisama sa lipunan.
53. Ang pakikisama rin ay mahalagang bahagi sa Japan at Pilipinas. 54. Ang pakikisama ay Tsukiai sa Japanese. 55. Ang Tsukiai ay napakahalagang elemento sa karamihan ng lipunang Hapon,
halimbawa, sa paaralan, kumpanya, pagkakaibigan, kapitbahayan, at iba pa. 56. May mahigpit na kaugnayan sa pagitan ng Giri to Ninjo at Tsukiai katulad na
malakas na nakatali ang Utang na loob sa pakikisama.
57. May magkaibang punto rin naman ang dalawang ideyang ito. 59. Paminsan‐minsan, ang Giri to Ninjo ay may masyadong matinding aspekto. 58. Halimbawa, kapag sinusubukang ibalik ng ilang tao ang pabor batay sa Giri to
Ninjo, minsan ginagamit nila ang buhay nila, at kung namatay sila para ibalik ang pabor, mas mahalaga ang pagbalik ng pabor kaysa sa buhay nila para sa kanila
59. Siguro alam mong may Yakuza sa Japan. 60. Ang Yakuza ay parang mafia ng Hapon. 61. Sa katotohanan, ang Yakuza ay pinakanagmamahal sa ideya ng Giri to Ninjo. 62. Maraming pelikula tungkol sa Yakuza na ang tema ay Giri to Ninjo sa Japan. 63. Para sa Yakuza, ang mamatay para sa Giri to Ninjo ay talagang maganda. 64. Baka hindi ito maintindihan ng karaniwang tao. 65. Susunod, ang Utang na loob ay talagang Malabo para sa akin. 66. Kung nakatanggap ang isang tao ng pabor, at kung walang kakayahan o
kakayahang pang‐ekonomiya upang ibalik ang pabor sa kanya, hindi niya kailangang ibalik ang pabor. Ilalagay lang niya ang utang sa loob ng puso.
67. Para sa Pilipino, pinakamahalaga ang pakiramdam ng utang sa loob. 68. Hindi mahalaga sa kanila ang pagkatawan ng mga pabor.
69. Ngayon, sa modernong panahon, humina ang ideya ng Giri to Ninjo sa Japan. 70. Noong unang panahon, kung walang Giri to Ninjo ang isang tao, tinatrato siyang
parang “walang‐hiya.” 71. Sa kasalukuyan, konting‐konti lang ang taong nasasaisip na talagang mahalaga
ang Giri to Ninjo. 72. Subalit mayroon pang mga aksyon at mga pangyayaring base sa Giri to Ninjo,
tulad ng Oseibo, Nengajo, Giri‐choco. 73. Ang Oseibo ay isang klase ng regalo sa taong nakatutulong sa akin. 74. Sa katapusan ng bawat taon, ipinapadala namin ang Oseibo sa taong nakatulong
sa amin sa taong ito bilang pagkatawan ng pasasalamat. 75. Ang Nengajo ay ang liham para sa pagbati ng Bagong Taon (New Year's card). 76. Ang Giri‐choco ay tsokolateng regalong mula sa babae para sa lalaki sa
Valentine‘s Day.
Sura Sura Sulat [29]
77. Ito ay batay sa Giri, paminsan‐minsan batay sa Giri to Ninjo, upang mapanatili ang relasyon, ang isang babae ay nagbibigay ng tsokolate sa mga lalaki sa Japan.
78. Sa paraang ito, may iba’t ibang anyo ng Giri to Ninjo sa lipunang Hapon.
79. Ang Giri to Ninjo ay isang mahalagang konsepto sa lipunang Hapon. 80. Dati, hawa‐hiwalay ang Giri at Ninjo. 81. Kaya kung hindi sumasang‐ayon ang kuru‐kuro ng tao sa ideya ng Giri to Ninjo,
nag‐aalala kami sa pagitan ng Giri at Ninjo. 82. May katulad na konsepto sa Pilipinas-ang utang na loob. 83. Sa Pilipinas may ideya tulad ng benepaktor o pabor. 84. Hindi nakakalimot ang Hapones at Pilipino ng pabor habambuhay. 85. Pero medyo magkaiba ang Giri to Ninjo at Utang na loob. 86. Ito ay parang pagkatawan ng pambansang karakter. 87. Sa katunayan, ang lahat ng mga tao ay may konseptong katulad ng Giri to Ninjo at
Utang na loob. 88. Subalit, napakapambihirang katangian ang pagkatawan ng ganitong konsepto
bilang pambansang karakter. Asami Okada Obento
1. Maraming klase ng obento sa Japan. 2. Pinakakaraniwang klase ang makunouchi bento. 3. Popular din ang kyara ben at kombini bento. 4. Ang obento ay isang nakabalot na tanghalian. 5. Kami na rin sa sarili namin ang nagluluto o bumibili ng obento. 6. May kanin at maraming side dish ito. 7. Kanin ang kalahati ng obento. 8. Popular sa mga bata ang Vienna sausage na hinuhubog bilang octopus at
mansanas na hinuhubog bilang kuneho. 9. Nagluluto nito ang nanay para sa anak. 10. Karaniwang kumakain ng obento ang elementary school student sa school
excursion o sports festival. 11. Sa elementary, may school lunch sa mga karaniwang araw. 12. Nasasabik ang mga bata sa obento sa school excursion o sports festival.
13. Ipapaliwanag ko ang kasaysayan ng obento. 14. Ang pinagmulan ng salita ng “bento 弁当” ay ang “bento 便当” sa panahon ng
Nanso sa China (1127~1279).
Sura Sura Sulat [30]
15. Ang “便当” ay nangahulugang “kapaki‐pakinabang, nakatutulong.” 16. Sa panahon ng Heian, may rice ball na nakabalot sa dahon. 17. Sa panahon ng Kamakura, isinama ang side dish dito. 18. Ipinanganak ang pangalang “bento” sa panahon ng Azuchimomoyama. 19. Nangangahulugan ito ng kapwa “bento box” at “bento.” 20. Pero, nagsimulang makilala ang pagkakaiba ng “bento box” sa “bento” sa
panahon ng Edo. 21. Kumakain ang Japanese ng Japonica rice. 22. Kapag nagluluto kami ng Japonica rice, magiging malambot ito at masarap kahit
lumamig ito dahil sinisipsip nito ang tubig. 23. Nakita ang paraang magluto ng Japonica rice para humila ng katangian sa
panahon ng Edo. 24. Magaling ang pagsasama ng rice at side dish, ang atsara. 25. Itinatag ang kulturang “kumain ng malamig na rice at side dish.” 26. Nangyari ang westernization at dumating ang mga kulturang kanluranin sa
panahon ng Meiji. 27. Ipinanganak ang obento na may sanwits o kanluraning lutuin. 28. Inilalarawan ng obento ang mabuway na panlipunang kalagayan. 29. Tumaas ang halaga ng bigas dahil sa World War I noong panahon ng Taisho. 30. Naging masama ang kalagayan ng pagkain sa panahon ng Showa dahil sa digma. 31. Dapat kumain ng kapalit na pagkain, halimbawa tinapay.
32. Sa kasalukuyan, napakapopular ng “kyaraben” sa Japan. 33. Ang “kyaraben” ay “character bento.” 34. Gumagawa kami ng tauhan sa cartoon o comics sa pamamagitan ng mga sangkap. 35. Ipapaliwanag ko ang recipe ng “omelet na may kasamang sinangag ng Pocket
Monster Pikachu.” 36. Ketsop na kanin, omelet, ham, keso, karot at Nori ang mga sangkap. 37. Una, humiwa ng omelet at ham sa anyo ng tainga. 38. Magpatong‐patong nito at magpalamuti sa pamamagitan ng Nori. 39. Pagkatapos, gumawa ng ketsop na kanin sa anyo ng mukha. 40. Maglagay ng keso at omelet sa ketsop na kanin. 41. Ilagay iyon sa lunch box. 42. Maggupit ng nori na dalawang bilog bilang mata, ng karot sa dalawang bilog
bilang pisngi at ham sa anyo ng bibig. 43. Tapos na ang “Pikachu bento.” 44. Nagbrodkast sa BBC News, UK ng “Sining ang kyara ben.” 45. Nanggulat ang reporter ng mga bata sa kindergarden sa pamamagitan ng kyara
ben. 46. Isang kultura ng pagkain ang kyara ben.
Sura Sura Sulat [31]
47. Magpapaliwanag ako tungkol sa “Makunouchi bento” na nabibili sa “Hotto Motto.”
48. Ang Hotto Motto ay isang tindahan ng obento. 49. Maraming side dish, halimbawa rice, isda, karne at gulay ang Makunouchi bento. 50. Napakasimple at popular nito. 51. Itim at parisukat ang sisidlan nito. 52. May pickled plum sa ibabaw ng kanin. 53. Sumasagisag ito ng bandila ng Japan. 54. Ang side dish ay red salmon, fried white flesh, kimpiragobo at iba pa.
55. Nagtitinda ang convenience store ng “Kombini bento.” 56. Bumibili ang mga negosyante nito kung pumapasok o kapag lunch break. 57. Pero, may ilang negatibong epekto ang kombini bento. 58. Una, masama ito sa katawan. 59. May food additives ito. 60. Ginagamit ang mga food additive para sa processing at preservation. 61. Pero, cancer‐causing o nagdudulot ng chromosome aberration ang ilang food
additives. 62. Pangalawa, nagtatapon ang convenience store ng kombini bento na hindi nabili. 63. Hindi sila nagbibigay ng diskuwento katulad ng supermarket. 64. Napakaaksaya nito. 65. Masama rin ito sa paligid.
66. Ang obento at packed lunch sa ibang bansa ay may pagkakapareho at pagkakaiba. 67. Kumakain kami ng obento sa opisina o eskuwelahan. 68. Makulay at masining ito minsan. 69. Ang obento ay karaniwang isang kahon o dalawang kahon. 70. Sa kabilang banda, kumakain sila sa ibang bansa ng packed lunch sa opisina o
eskuwelahan din. 71. Pero hindi nag‐isip ang mga tao sa ibang bansa tungkol sa disenyo. 72. May sanwits at mansanas lang o tinapay ang karamihan sa mga ito. 73. Walang dalawang lunch box sa ibang bansa. 74. Bihira ang obento sa mga tao sa ibang bansa.
75. Minsan, nahihirapang gumawa ang nanay ng mga side dish. 76. Dapat isipin din niya ang balance ng nutrisyon. 77. Maraming oras ang kailangan para magluto ng “kyaraben” araw‐araw. 78. Minsan, gumamit ang isang nanay ng frozen food. 79. Madaling‐madali ito dahil kailangan lang magpainit ng frozen food sa microwave. 80. Pero, sinabi ng anak niya “gusto kong kumain ng pagkaing niluto ni Nanay.” 81. Pinagsisihan ng nanay ang paggamit ng frozen food.
Sura Sura Sulat [32]
82. Hindi ito mabuti sa kalusugan. 83. Pagkatapos nito, sinikap na niyang magluto ng lahat ng side dish sa sarili niya.
84. May ilang klaseng obento sa Japan. 85. Nagiging karaniwang salita sa mundo ang “obento” dahil napakagaling ng kultura
ng pagkain sa Japan. 86. Lalo na, mahusay ang kyara ben, sa palagay ko. 87. Nakakatipid kami kapag nagluluto kami ng obento sa sarili. 88. Matipid at pampalusog ito. 89. Dapat ipagmalaki namin ang kultura ng obento.
Kyoko Yamakuni Tetsudo sa Japan 1. Ang Tetsudo ay isang uri ng transportasyon sa Hapon. 2. “Bakal” ang ibig sabihin ng “Tetsu” at “daan” ang ibig sabihin ng “do.” 3. Halos pareho ang kahulugan ng “Tetsudo”at “daambakal.” 4. Kinikilala ang“Tetsudo” bilang pinakamaunlad na daambakal sa mundo dahil may espesyal na power unit ang “Tetsudo.” 5. Mahirap at magastos ang pag‐asikaso nito. 6. Sa simula, gusto kong magpaliwanag lamang tungkol sa kasaysayan ng “Tetsudo.” 7. Nagsimula ang unang “Tetsudo” sa pagitan ng Shinbashi (isang lugar sa Tokyo) at Yokohama noong 1872 sa tulong ng United Kingdom. 8. Pagkatapos, ang “Tetsudo” ay naging tanyag sa buong bansa. 9. May dalawang uri ang tetsudo sa pangkalahatan. 10. Ito ay ang Kokutetsu at ang Shitetsu. 11. Pag‐aari ang Kokutetsu ng bansang Japan, at ang Shitetsu, ng pribadong kompanya. 12. Noong 1897, na‐privatize ang kokutetsu dahil sa maraming utang. 13. Dahil sa pagbabagong ito, nagkaroon ng maraming kagalingan sa pasahero. 14. Naging pare‐pareho ang pamasahe. 15. Nawala ang sagabal sa pagsakay dahil sa welga. 16. Bumibiyahe ang Tetsudo sa oras ngayon. 17. Naging modelo ang privatization na ito sa sa Japan, at sumunod ang mga railway sa Sweden, Germany, Holland at UK. 18. Pinakapopular na paraan ng transportasyon ang Tetsudo sa Japan. 19. Sumasakop ang Tetsudo sa 90% ng pasahero noong 1950.
Sura Sura Sulat [33]
20. Dumami ang mga kotse kamakailan lamang. 21. Nabawasan ng pasahero ang Tetsudo nang 30%. 22. Ang bentahe ng Tetsudo ay puwede itong magdala ng maraming bagahe at tao nang sabay‐sabay. 23. Nagpapatuloy ang network ng mga riles. 25. Unti‐unting umuunlad ang Shinkansen. 26. Madali ang bumiyahe sa pamamagitan ng kotse. 27. Pero, nagiging sanhi ito ng trapiko, ingay, pagkaubos ng gas at iba’t ibang polusyon. 28. Dahil sa lumalaking interes tungkol sa problemang pangkapaligiran sa buong mundo, mataas ang inaasahan sa Tetsudo. 29. Sa ganitong paraan, madaling sumalamin sa kulturang Hapon ang Tetsudo dahil sa pinakapamilyar na transportasyon ito.) 30. Kumakalat ang kultura ng Japanese Otaku sa Japan. 31. Tanyag ang karikatura, animation at subculture na Hapon sa mundo. 32. Tinatawag itong“Cool Japan.” 33. May Otaku rin ang Tetsudo. 34. Tinatawag silang “Tecchan”at “Tetsudo Otaku.” 35. Sa platform ng estasyon, may taong laging kumukuha ng larawang Tetsudo. 36. Tinatawag silang “Tori‐Tetsu.” 37. “Tori”ang ibig sabihin ng “kumuha ng larawan” sa sitwasyong ito. 38. Gusto nilang kumuha ng larawan ng tren. 39. May iba’t ibang uri ng Otaku. 40. Ipapaliwanag ko ang kaugalian ng Otaku. 41. “Nori‐Tetsu”‐‐ gusto nilang sumakay ng tren at “sumakay ”ang ibig sabihin ng “nori.” 42. “Oto‐Tetsu”‐‐ gusto nilang makinig ng tunog ng tren at bell kapag aalis ang tren at “tunog” ang ibig sabihin ng “oto .” 43. “Mokei‐Tetsu”‐‐ gusto nilang gumawa ng modelong tren at “modelong tren” ang ibig sabihin ng “mokei.” 44. “Soushiki‐Tetsu”‐‐ gusto nilang sumakay ng malapit na basurang line at “libing ”ang ibig sabihin ng “soushiki .” 45. Gusto ko ang “Nori‐tetsu”at “Oto‐Tetsu.” 46. Ngunit, may masamang Tetsudo Otaku din. 47. “Tori‐tetsu”‐‐ gusto nilang magnakaw ng kagamitan ng tren. 48. “Magnakaw ”ang ibig sabihin ng “tori” sa sitwasyong ito. 49. Paminsan‐minsan, nadadakip sila. 51.Kapag pumapasok ako sa eskuwelahan, sumasakay ako sa tren ng JR West. 52. Talagang madalas mahuli ang mga tren nito.
Sura Sura Sulat [34]
53. Iba't iba ang dahilan ng pagkahuli sa oras. 54. Masamang panahon ang isang dahilan ng mga ito. 55. Pero sa totoo, ang aksidente sa estasyon ay pangunahing dahilan, lalo na kapag may mga taong nahuhulog sa ibabaw sa railway. 57. Paminsa‐minsan, nahuhulog ang mga bulag na tao doon. 58. Pero palaging naaaksidente at nahuhulog doon ang mga lasing. 59. Mas madaling mahuli sa oras ang mga tren kapag gabi ng Biyernes. 60. Hindi ako nagpatatawa sa inyo, totoo ito. 61. Minsan, mayroong taong nagpapakamatay sa estasyon. 62. Nakilala ang Japan na bansang maraming nagpapakamatay. 63. Nahihiya kami tungkol dito. 64. Mahigit sa tatlumpung libong tao ang nagpapakamatay taon‐taon. 65. Hindi normal itong numero dahil wala namang gera sa aming bansa. 66. Totoo, mayroong taong tumatalon patungo sa treng tumatakbo. 67. Mahuhuli ang tren, bukod pa sa malulungkot ang mga pasahero at nagtatrabaho sa estasyon. 68.Kailangang magbayad sa kompanya ng tren ang mga pamilya ng magpapakamatay. 69. Mahihirapan ang pamilya nito. 70. Nagkakaaksidente rin ang kompanya ng tren. 71. Naaalaala pa namin ang trahedyang iyon noong 2005. 72. Nangyari ito sa gitna ng Tsukaguchi Station at Amagasaki Station. 73. Malapit lang ito sa pinakamalaking estasyon sa bandang Western Japan. 74. Namatay ang 107 tao doon. 75. Nagkasugat ang 562 na tao. 76. Ang dahilan ng nangyaring ito ay tumalon ang tren sa labas ng railway. 77. Sabi nila, ang dahilan ng pagtalon ng tren ay ang masyadong mabilis na pagpapaandar nito at bihirang paghinto. 78. Pero hindi ito sigurado. 79. Nagbago ng time schedule ng tren ang JR WEST dahil sa aksidenteng ito. 80. Kasi, sobrang higpit ang oras ng pagdating ng tren bago ang pagbabagong ito at nahirapan ang drayber dahil dito. 82. Maliban dito, pinaparusahan siya kapag nahuhuli ang tren. 83. Namatay rin siya kasabay ng mga biktima noong aksidente. 84. Baka masyado siyang nahirapan. 85. Inaasahan kong hindi na mauulit ang katulad na malungkot na aksidenteng ito.
86.Naintindihin namin ang problema ng lipunan sa pamamagitan ng Tetsudo.
Sura Sura Sulat [35]
Ayaka Komaki AKB48
1. Ano ang AKB48? 2. Ang AKB48 ay isang grupo ng mga dalaga sa Japan. 3. Si Akimoto Yasusi ang nagtipon sa kanila. 4. Paano nagsimula ito? 5. Noong 2005, binuo sila sa Akihabara, Tokyo. 6. Ang Akihabara ay lungsod na “otaku.” 7. Mayroon silang sariling teatro. 8. Madaling makita at nakakasalubong sila doon. 9. Dahil dito, dumami ang mga tagahanga ng AKB48.
10. Paano sila nagiging AKB48? 11. Una, nag‐aaplay ang dalaga (mula labing‐isa hanggang labingwalong taong
gulang). 12. Pagkatapos, kinakapanayam ang dalaga at nanay niya. 13. Sumasayaw at kumakanta ang dalaga. 14. Gumaganap ang dalaga katulad ng isang kandidato. 15. May halalan taun‐taon. 16. Ang mga piling kasapi ay inilalagay sa puwesto mula una hanggang dalawampu’t
isang puwesto sa halalan. 17. Nakikita ang mga dalagang mula una hanggang labindalawa sa TV. 18. Ang mga dalagang nasa ilalim ay may puwestong mababa sa dalawampu’t
dalawa. 19. Gumagawa sila ng ibang CD.
20. Bakit binuo ang AKB48? 21. Si Akimoto Yasushi ang prodyuser. 22. “Madaling makita at nakakasalubong namin ang grupo” ito ang kuru‐kuro. 23. May konsiyerto sa Akihabara araw‐araw. 24. Nag‐e‐enjoy kami sa pagsubaybay ng pag‐unlad ng mga kasapi. 25. May tiket sa CD. 26. Puwede kaming makipagkamay at kumausap (limang segundo) sa AKB48 kapag
may tiket kami. 27. May konsiyerto sa Akihabara araw‐araw.
28. May positibo at negatibong epekto sa Japan ang AKB48. 29. Magsimula tayo sa positibong epekto. 30. Una, talagang malaki ang tulong ng AKB48 sa ekonomiya ng bansa. 31. Tinatayang may 30 bilyong yen ang halaga ng pagtitinda ng mga produkto.
Sura Sura Sulat [36]
32. Napapataas din nito ang pagbibili ng mga produkto dahil sa anunsiyo. 33. Pero malaki rin ang negatibong panlipunang epekto ng AKB48. 34. Una, nakikita namin sa TV ang negatibong epekto. 35. Pangalawa, bumibili ang mga matandang lalaki ng lingerie. 36. Gusto nila ng poster ng AKB48. 37. Dahil dito, ayaw nang pumunta ng mga dalaga sa tindahan ng lingerie. 38. Pangatlo, kailangan naming gumastos nang malaki para sumuporta sa kanila. 39. Bumibili kami ng maraming CD para sa halalan. 40. Maraming basura na CD. 41. Estratehiya ito para tumubo si Akimoto Yasushi.
42. Paghambingin natin ang AKB48 at Morning Musume. 43. Itinatag ang Morning Musume noong taong 1997. 44. Itinatag naman ang AKB48 noong taong 2005. 45. Magaling sumayaw at kumanta ang Morning Musume. 46. Nagsisikap namang sumayaw at kumanta ang AKB48. 47. May mula lima hanggang labing‐anim na kasapi sa Morning Musume. 48. Animnapu’t apat naman ang mga kasapi sa AKB48. 49. Gusto ng mga matandang lalaki at batang babae ang Morning Musume. 50. Gusto ng iba’t ibang henerasyon ang AKB48 dahil sa artistang babae, libangan,
dubber, modelo, kabayong takbuhan, at iba pa.
51. Pinakapopular yata ang AKB48 sa Japan ngayon. 52. Talagang malaki ang tulong ng AKB48 sa ekonomiya ng Japan.
Ayana Iwasaki Ikuji
1. Ang ibig sabihin ng ikuji ay pag‐aalaga ng ina sa kanyang sanggol pagkatapos niyang manganak.
2. Ang ibig sabihin ng “iku(育)” ay pag‐aalaga. 3. Ang ibig sabihin ng “ii(児) ay anak. 4. Tinatawag din namin ang “Ikuji” na “Kosodate.” 5. Ang ibig sabihin ng “Ko(子) ay anak. 6. Ang “Sodate(育て) naman ay pag‐aalaga. 7. Sa Hapon, ang “ikuji” ay tungkulin ng nanay sa isang pamilya.
8. Ang nanay ay pinapasuso ang kanyang anak. 9. Pagkatapos ng pagpapasuso, nagluluto siya ng “Rinyushoku” para sa kanyang
anak.
Sura Sura Sulat [37]
10. Ang ibig sabihin ng “ri(離)” ay hiwalay, ang “nyu(乳)” ay pagpapasuso, at “shoku(食)” ay pagkain.
11. Ang nanay ay nagpapalit ng lampin, nagkakarga ng bata, isinasama ang bata sa paglalakad at isinasakay sa bisikleta (mamachari), pinapaliguan, binabasahan ng kuwento, at pinapatulog ang anak.
12. At dinadala ng ina ang kanyang anak sa ospital upang bakunahan.
pagpapa‐suso rinyushoku
nagpapalit ng lampin
nagkakarga
Sura Sura Sulat [38]
Isinasama sa bisikleta
Nagpapaligo
Binabasahan ng kuwento
Sura Sura Sulat [39]
Nagpapatulog ng sanggol
13. Isa sa mga katangian ng “ikuji” sa Hapon na wala yata sa ibang bansa ang “mamachari.”
14. Ang salitang “mamachari” ay nagmula sa “mama” at “charinko.” 15. Ang ”charinko” ay salitang balbal para sa bisikleta. 16. Noong panahon ng Showa, nagsimula ang “mamachari” sa Hapon. 17. Ang “mamachari” ay isang bisikleta para sa babae na gamit araw‐araw katulad sa
pamimili at pagdala ng mga anak nila sa kindergarten. 18. Mura lang at madali ang pagsakay sa “mamachari.” 19. Tapos, puwedeng ilagay kanila ang mga basket sa harap at likod ng “mamachari”
at puwede ring isakay ang dalawang bata sa harap at likod (bawat isa lang). 20. Kapag sumasakay sila sa “mamachari,” tumamapak sila sa lupa nang matatag. 21. Talagang matibay ang “mamachari” kaya puwedeng magdala sila ng mabigat na
bagahe. 22. Mayroong mga pantakip sa likod ng gulong at kawing sa “Mamachari.” 23. Hindi maganda sa malayong distansiya at sa pag‐akyat ng matarik na lugar ang
“mamachari.” 24. Hindi tumatakbo nang mabilis ang “Mamachari.”
25. Mas mura ang “Mamachari” kaysa sa ordinaryong bisikleta kaya hindi nag‐aalala
ang mga may‐ari sa pagparada nito saanmang lugar. 26. Hindi nila iniintindi na masira o manakaw ito dahil kung mawala man, ang
“Mamachari” ay nabibili ulit sa murang halaga. 27. Mayroong mga pantakip sa gulong at kawing para sa hindi masabit ang mga palda
ng ina. 28. Marami silang ginagawa sa bahay at wala silang oras sa ibang bagay kaya
gumagamit sila ng “Mamachari” sa pagpunta sa malalapit na lugar mula sa kanilang mga bahay.
29. Hindi nila kailangang tumakbo nang mabilis, dahil kailangang siguruhin nilang ligtas ang kanilang anak sa “Mamachari.”
Sura Sura Sulat [40]
30. Tapos, mas malakas ang lalaki kaysa sa babae. 31. Ang “Mamachari” ay pambabaeng bisikleta kaya hindi ito tumatakbo nang mabilis
kompara sa ordinaryong bisikleta. 32. Ngayon, meron ding “Papachari” sa Hapon. 33. Ang itsura nito ay panlalaki (sharp daw ang itsura) at marami itong gear at isang
basket na para sa bag na pang‐opisina bag (A4 size) sa harap ng bisikleta.
34. Iniisip namin na ang trabaho sa labas ay panlalaki at ang gawaing‐bahay at pag‐alaga sa loob ng bahay ay pambabae.
35. Makikita ang katotohanan ng pananaw na ito sa isang lumang kuwento sa Japan. 36. Alam ba ninyo ba ang “Taketori monogatari” o “Momotarou”? 37. “Noong unang panahon, pumupunta ang lolo sa bundok upang kumuha ng kahoy
na panggatong, at pumupunta ang lola sa ilog upang maglaba. 38. Maraming iba pang lumang kuwento na nagpapakita ng pananaw na ito. 39. Tapos, noong hanggang 1985, hiwalay ang mga paksa sa eskuwelahan. 40. Halimbawa, ang lalaki ay nag‐aral ng engineering at Judo sa PE. 41. Ang babae ay nag‐aaral ng pagluluto at pananahi. 42. Batay rito, iba ang papel ng lalaki at babae. 43. Kaya nag‐aaral sila ng ibang paksa sa eskuwelahan. 44. Ngayon, nag‐aaral sila ng pangkalahatang paksa o namimili ng mga paksang gusto
nila.
45. Kapag nanganak sila, mayroon silang “Maternity Leave” sa kanilang opisina. 46. Sa Hapon, konti lang ang nagagamit na “Maternity Leave.” 47. Mas konti ang nagagamit na “Paternity Leave.” 48. Tapos, kapag may isang sanggol, isang beses lang nilang magagamit ang kanilang
leave, hanggang 44 na linggo. 49. Bawal ito sa manggagawang may takdang panahon ang kontrata (Contracted
Employee). 50. Sa Swedien, mayroon silang pinakamagandang leave sa buong mundo. 51. Kapag nanganak ang babae, ang parehong magulang ay nakagagamit ng kanilang
leave sa kanilang opisina. 52. May 90% ng tao ang nakakakuha ng 80% ng kanilang suweldo. 53. Nakakapili rin sila ng mga oras ng trabaho, halimbawa, ngayong araw,
magtatrabaho sila ng 4 oras at bukas magtatrabaho sila ng 6 oras (buong araw=8 hours, 2/1, 4/1, 4/3 at iba pa).
54. Sa tingin ko, mas mahigpit ang batas ng leave sa Hapon. 55. Karamihan sa mga batang lalaking empleyado ay walang tsansa ng pagkuha ng
kanilang Leave. 56. Walang tulong mula sa mga tatay sa karaniwang araw. 57. Kaya mas mahirap ang “ikuji” para sa mga nanay sa bansang Hapon.
Sura Sura Sulat [41]
58. Makakakita rin tayo ng batas ng leave sa mauunlad na bansa, halimbawa,
Pilipinas. 59. Sa Pilipinas, makakukuha ang kababaihan ng kanilang “Maternity Leave”
hanggang dalawang buwan. 60. Makakukuha rin ang kalalakihan ng kanilang “Paternity Leave” hanggang isang
buwan. 61. Tapos, ang tatay at nanay puwedeng kumuha ng kanilang leave nang sabay. 62. Habang naka‐leave, nakukuha nila ang buong suweldo nila. 63. Pero, kapag part‐time employee lang, kailangan nilang tumigil sa trabaho dahil
walang sistema ng leave para sa part‐time job at para magkaroon sila ng oras para sa mga kanilang anak.
64. Kung mayaman sila at mayroon silang katulong sa kanilang bahay, puwede ding magtrabaho sila.
65. Kung mahirap sila, sa Pilipinas ang lola at lolo at karaniwang nakatira kasama ang mga anak at apo nila, kaya habang nagtatrabaho ang nanay at tatay ng pamilya, may mag‐aalaga sa mga bata sa bahay.
66. Dati, sa Hapon, malaki rin ang pamilya katulad ng Pilipinas. 67. Pero, ngayon, karamihan ay nuclear ang pamilya kaya walang tulong mula sa mga
lolo at lola.
68. Mayroong kakaibang katangian ang “Ikuji” sa Hapon tulad ng “Mamachari.” 69. Mas mahirap ang sitwasyon ng nanay sa Hapon kaysa sa mga nanay sa iba’t ibang
bansa. 70. Kailangan namin ang isang mabuting batas tungkol sa “Maternity Leave” at
“Paternity Leave” upang dumami ang mga bata. 71. Pero sa palagay ko, sa “Ikuji” sa Hapon, dapat sabay na nag‐aalaga ang magulang
sa kanilang anak. 72. Kaya ang pag‐unawa at pagtulong ng mga ama ay pinakamahalaga para sa mga
ina.
Sura Sura Sulat [42]
Soichi Kondo Judo
1. Ang Judo ay isang uri ng sining pangmilitar. 2. Ito ay isa sa mga pambansang isport ng Japan. 3. Kumalat ito sa buong mundo at naging isang Olympic sport. 4. Tagapagtatag nito si Kanou Jigoro.
5. Ang pangunahing pilosopiya ng "精力善用" at "自他共栄" sa Judo ay hindi
lamang tagumpay sa kumpetisyon. 6. Ang 精力善用 ay paggamit ng buong lakas ng isip at katawan para sa mahusay na
direksyon sa lipunan. 7. Ang 自他共栄…ay paggalang sa iba, karangalan, pagtitiwala sa bawat isa,
pagtutulungan sa bawat isa na mapahusay ang isip para sa lipunan at sa kapwa tao.
8. Sa ganitong paraan, ang layunin ay edukasyon at pagsasanay ng katawan at espiritu.
9. Sa kasalukuyan, ang mga pulis sa bansang Hapon ay sapilitang sinasanay sa Kendo o Judo.
10. Ang Judo ay itinuturo rin sa junior high school.
11. Sa Judo ay gumagamit ng iba't ibang paraan upang manalo sa laro. 12. Mayroong dalawang paraan: maghagis at grappling. 13. May 67 sining ng paghahagis. 14. Ang dalawang sikat na pamamaraan ay ang Oosotogari at Seoinage. 15. May 29 na sining ng grappling. 16. Ang dalawang sikat na pamamaraan ay Kesagatame at Yokosihougatame.
17. Ang orihinal na sistemang Dan ay pinagtibay. 18. Pagkatapos, ang Dan‐Kyuuisei ay isinama sa Kyuuisei. 19. Ang unang klase ay nagsisimula sa isang numero. 20. At ang bawat maliit na pag‐unlad ay nabibigyan ng mas mataas na ranggo
hanggang sa maging Syodan. 21. Pagkatapos ng unang Syodan, ang bilang ay nagiging mas malaki. 22. Madalas na itinuturing na ang pinakamahusay ay 10‐Dan. 23. Ayon sa Jigoro Kano, hindi pa natutukoy ang pinakamataas na antas. 24. At Dan ay hindi lamang natutukoy sa pamamagitan ng paggamit ng lakas sa Judo. 25. Kailangan ding may dangal sa paglalaro.
Sura Sura Sulat [43]
Haruna Ueno Edukasyon sa Paaralan sa Japan
1. Ang edukasyon sa paaralan sa Japan ay binubuo ng elementarya, junior high school, mataas na paaralan at unibersidad. 日本の学校教育は、小学校、中学校、高校と大学です。
2. Ang mga uri ng paaralan ay ang pribado, pampubliko at pambansang paaralan. 学校の種類は民間、国民と国家があります。
3. Kahit sino ay maaaring magtatag ng isang pribadong paaralan. 誰もが個々の私立学校を設立できます。
4. Sapilitang edukasyon sa Hapon ang elementarya at junior high school. 日本の義務教育は、小学校と中学校です。
5. Ang kahulugan ng sapilitang edukasyon ay may karapatan na pumunta sa paaralan ang mga bata. 義務教育とは、子供が学校に行く権利です。
6. Kahit sino ay maaaring pumunta sa mataas na paaralan at unibersidad. 誰もが高校や大学に行くことができます。
7. Upang kami ay makapunta sa unibersidad at mataas na paaralan, kailangan naming pumasa sa bawat eksaminasyon. 私たちは大学や高校に行くためには、試験に合格する必要があります。
8. Upang kami ay makapunta sa pribadong elementary at junior high school, kailangan din naming pumasa sa bawat eksaminasyon. 私たちは私立の小学校と中学校に行くためにも、試験に合格する必要があ
ります。 9. Maaari kaming pumunta sa pampublikong elementary at junior high school nang
hindi nagbabayad ng tuition fee. 私たちは授業料を払わずに公立の小学校と中学校に通えます。
10. Pero kailangang magbayad ng tuition fee sa pribadong paaralan. 私立学校に授業料を支払う必要があります。
11. Ang edukasyon sa paaralan ay isang edukasyon para sa bata. 学校教育は子供のための教育のうちの一つです。
12. Ang edukasyon sa lipunan at edukasyon sa pamilya ay isang edukasyon ding ginawa para sa bata. 社会教育や家庭教育も子供のために行う教育である。
13. Nagtuturo ang titser sa mga bata ng mga subject sa pamamagitan ng edukasyon sa eskuwelahan. 教 師は学校教育を通して、子供たちに勉強を教えています。
14. Ang mga subject, halimbawa, math at history at iba pa ay kailangan nila para mabuhay.
Sura Sura Sulat [44]
勉強は、例えば彼らが生きるために必要な数学や歴史などです。 15. Maaari ring matuto ang estudyante ng kaugalian at kagandahang‐loob.
学生はマナーや礼儀についても学ぶことができます。 16. Halimbawa, ang pagbati at di paggamit ng masamang wika.
例えば、あいさつやことばづかいなど。 17. Dagdag pa dito, maaari ring malaman ang tungkol sa mga relasyon sa mga tao
tulad sa mga kaibigan at mga guro. 加えて、友人や教師などと接し人間関係についても学ぶことができます。
18. Nagsimula ang unang sistema ng edukasyon sa Japan noong 701. 日本で最初の教育システムは701年に開始されました。
19. Ang isang sistema na Guo‐zi‐jian ng Tang Tsina ay naging halimbawa nito. 中国唐の国子監システムがそのサンプルであった。
20. Itinatag ang dormitoryong kolehiyo sa kabisera. 都に大学寮を設立しました。
21. Nag‐aral sila ng Myogyodou, Sandou, Ondou at Kaligrapiya doon. 彼らはそこで明経道、算道、音道、書道を学びました。
22. Dagdag dito, itinatag ang Tenyakuryo, Inyouryo at Utaryo. そのほかにも、典薬寮、陰陽寮、雅楽寮などがあった。
23. Nag‐aral sila ng medisina, pharmacy, Yin at Yang, at Gagaku doon. 彼らはそこで、医学、薬学、陰陽、雅楽などを学びました。
24. Nawasak ang maraming gusali sa Dakilang Apoy ng 1177. 多くの建物は1177年の大火で焼失し、それはそのまま放置されています。
25. Sa panahon ng Kamakura, itinatag ang Sanetoki Hojo ng Kanazawa bunko. 鎌倉時代に、北条実時が金沢文庫を設立した。
26. Sa panahon ng Muromachi, itinatag ang Norizane Uesugi ng Ashikaga School at tinatawag itong “Unibersidad ng Bando “ o Bando no Gakkou. 室町時代には、上杉憲実が足利学校を作り「坂東の学校」と呼ばれていま
した。 27. Sa panahon ng Edo, ginamit ng pyudal na pamahalaan ang Hangaku, Kyougaku,
Jyuku at Terakoya. 江戸時代には、諸藩が藩学、教学、塾、寺子屋を作った。
28. Nagsimula ang unang edukasyon sa eskuwelahan sa Japan noong panahong iyon. その時日本で初めての学校制度が始まった。
29. Sa panahon ng Meiji, itinatag ang sistema ng edukasyon sa ilalim ng impluwensiya ng sibilisasyon at pagbabalik ng Meiji. 明治時代には、文明開化と明治維新の影響を受け、教育制度が確立しまし
た。 30. Pinagpasiyahan ang sistema ng edukasyon (Gakusei) noong 1973.
1973年には学制が決められた。
Sura Sura Sulat [45]
31. Nagsimula sa panahong ito ang unibersidad. その時、大学が発祥した。
32. Pinagtibay ang pangunahing Batas ng Edukasyon noong 1947. 教育基本法が1947年に公布された。
33. Sinusugan ito noong 2006. 2006年にそれは改正された。
34. Ang unang rason ng pagtatatag ng sistema ng eskuwelahan ay para sa edukasyon ng mga bata. 学校制度が始まった第一の理由は子孫の教育のためである。
35. Sa panahon ng Meiji panahon, itinatag ng pamahalaang Meijiang laboratory na nagpakilala ng advanced science at teknolohiya ng Europe at Estados Unidos. 明治時代、明治政府は欧米の進んだ科学と技術を取り入れた研究所を設立
した。 36. Salamat dito at napalaganap ang mga resulta ng pananaliksik na pandaigdigan
ang pamantayan. そのおかげで、世界的水準の研究成果が発表されるようになった。
37. Pinakakilalang tao sa larangan ng medisina sina Shibasaburo Kitasato, Kiyoshi Shiga at Hideyo Noguchi. 有名な人は医学の北里柴三郎、志賀潔、野口英世らがいる。
38. Pumupunta kami sa eskuwelahan para mag‐aral araw‐araw. 私たちは毎日勉強するために学校に通っています。
39. Maraming silid‐aralan sa eskuwelahan. 学校には多くの教室があります。
40. May mga kasangkapan sa pag‐aaral sa silid‐aralan mesa, upuan at isang blakbord. 教室には机やいす、黒板などの勉強道具があります。
41. Libre ang mga ito. それらは無料です。
42. Ang bansang Hapon ay may 21,721 elementarya. 日本には21,721の小学校があります。
43. Ang bansang Hapon ay may 10,751 junior high school. 日本には10,751の中学校があります。
44. Ang bansang Hapon ay may 5,060 mataas na paaralan. 日本には5060の高校があります。
45. Ang bansang Hapon ay may 3,266 paraalan para sa espesyal na pagsasanay. 日本には3,266の専修学校があります。
46. Pumasok ako sa pampublikong elementarya at junior high school. 私は公立小学校と中学校にいきました。
Sura Sura Sulat [46]
47. Dahil sa sapilitang edukasyon, libre ang pag‐aaral ko. 義務教育だったので、授業料はただでした。
48. Nang mag‐aral ako, nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa eskuwelahan. 学校に行くことで、友達がたくさんできました。
49. Pumasok din ako sa pampublikong mataas na paaralan. 私は高校も公立の高校に行きました。
50. Kumuha ako ng entrance examination para sa pampublikong mataas na paaralan. そのために、私は公立高校の入学試験を受けた。
51. Nagbayad naman ang Nanay ko ng pag‐aaral ko sa mataas na paaralan. 私は(母は)高校の授業を支払いました。
52. Pumapasok ako sa pambansang unibersidad ngayon. 私は今国立大学に通っています。
53. Sa layong iyon, kumuha ako ng entrance examination para sa pambansang unibersidad. 私は大学に入学試験を受けました。
54. Nagbabayad ang nanay ko ng pag‐aaral ko sa unibersidad. 私は年に2回授業料を支払っています。 Masatoshi Sagawa Genkan
1. Sino tayo? Wala tayong alinlangan ng pagiging Japanese. Subalit hindi natin masagot ang maraming tanong hinggil sa kulturang Hapon katulad ng relihiyon, politika, lipunan, atbp. Upang masagot ang malalim na tanong na dapat bigyan ng malinaw na pananaw bilang Japanese, tatalakayin dito ang paksang pasukan.
2. Karaniwan, ang pasukan ay itinuturing nating isa lamang lugar para pumasok sa loob ng bahay. Kapag umikot tayo sa mga kapitbahay, makikita natin ang iba’t ibang hugis o porma ng pasukan. Sa Japan, kapag pumasok sa loob ng bahay, hinuhubad ang sapatos o tsinelas palagi. Sa bansang Europe naman, wala silang kultura na katumbas sa mga Hapon. Sa Pilipinas, hindi rin parehas ang ginagawa sa pasukan. Karaniwan, pinapalitan nila ang sapatos na panlabas ng tsinelas na panloob. Minsan nakita ko ang taong hindi nagsusuot ng tsinelas sa bahay. Sapagkat, masasabi natin na ang pasukan ay sumasalamin sa kasaysayan, kultura at pamumuhay ng bawat bansa. Mula dito, gagamitin ang dalawang uri ng paglapit. Una ay ang pagsusuri ng wika. Pangalawa ay ang pagsusuri ng kabuuan. Tatalakayin muna ang pagsusuri ng wika.
Sura Sura Sulat [47]
3. Tingnan muna natin ang depinisyon ng pasukan o tinatawag nating genkan sa Hapon. Ang aking pagpapaliwanag ng pasukan ay ganito. Una, may earth floor na iba’t iba ang laki. Pangalawa, may isang hagdan upang magsuot ng sapatos o tsinelas. Panghuli, may malaking kahong puwedeng lagyan ng mga sapatos at payong. Masasabi natin na maraming layunin o maaaring gawin sa bawat bahagi. Sa simula, ang salitang pasukan sa Japanese (玄関‐genkan) ay galing sa Buddhism. Ang unang titik nito ay 玄‐gen at nangangahulugang attain the state of enlightenment. Ang daanang patungo sa Buddhism ay mahigpit para sa sinuman. Ang unang titik ay kumakatawan sa nasabing sitwasyon. Ang pangalawang titik nito ay 関 at nangangahulugang entrance. Ang kahulugan ng dalawang titik ay lumayo sa mundo ng pamumuhay ngayon at saka pumunta sa daanan para makaabot sa Buddhism. Sa madaling salita, ang pasukan ng bahay sa Japan ay nagpapakita sa atin ng border sa pagitan ng mundo na walang kaugnayan sa pamilya at loob ng mundo na may kaugnayan sa pamilya. Makikita natin ang malalim na pakikipag‐ugnayan sa pagitan ng salitang Japanese at katangiang Buddhism.
4. Sa wikang Hapon, mayroong kawikaan at kasabihan na gumagamit ng salitang pasukan. Ang salitang ‘Genkanbarai’ (玄関払い) ay nangangahulugang “paalisin ng nakatira sa bahay ang bisita.” Iba namang salita ang ‘Genkanwoharu’(玄関を張る) na nangangahulugang ipakita sa tao ang maayos na anyo sa pamamagitan ng palamuti. Ano’ng kapuna‐punang pagkakamukha ng mga ganitong kawikaan? Ang salitang ‘Genkan’ sa ganitong pagpapahayag ay tumutukoy sa tungkulin ng lugar at anyo. Ang dalawang kawikaan ay hindi kumakatawan sa kaisipang batay sa kultura katulad ng nasabing kaugalian ng Hapon. Sa madaling sabi, binabanggit lamang ang tungkulin o papel ng pasukan sa mga ganitong kawikaan. Sa ibang halimbawa, hinggil sa lugar katulad ng himpilan ng eroplano at daungan, kadalasan itinuturing ang tarangkahan para pumasok. Tinatawag namin ang pasukan na langit o dagat (soranogenkanguchi/uminogenkanguchi). Halimbawa, ang Narita Airport ay popular na popular sa Japanese bilang pasukang galing sa langit. Ang Yokohama Port naman ay popular din sa amin bilang pasukan galing sa dagat para makapagkonekta sa pagitan ng Japan at buong mundo. Ano ang tungkulin ng salitang pasukan sa mga pagpapahayag na ito? Una, ang lugar na tinatawag ng nabanggit na ngalan ay kailangang pumasok at lumabas ang maraming tao katulad ng manlalakbay o bagay ng pangangalakal. Pangalawa, kailangang kilalang‐kilala ng mga tao ang lugar sa pamamagitan ng paraan ng pagpapatanyag. Halimbawa, ayusin muna ang lugar para lumaki. Pagkatapos nito, gumawa ng magandang imahen ang gobyerno o pamahalaan ng lungsod sa pamamagitan ng konstitusyon o pagkilos. Kapag nagawa na ang naturang kalagayan, maaari natin tawagin itong ‘Genkanguchi’. Samakatwid, ang
Sura Sura Sulat [48]
kawikaang Hapon ay hindi sinasaklaw ang sangkap ng pasukan ng bahay. Ibig sabihin, walang katangian ng pasukan ng bahay sa nabanggit na pagpapahayag.
5. Sa susunod, ipokus natin ang kabuuan o tungkulin ng pasukan. Ang pagkakilalang pasukan ay nababatay sa bawat bansa. Halimbawa sa kontinenteng Asia na sumasaklaw sa Japan, kadalasan, mayroon kaming kalakarang hubarin ang sapatos bago pumasok sa bahay. Subalit sa China naman, hindi lumaganap ang ganitong kaugalian sa buong bansa. Makikita natin sa rural na lugar na hindi kailangang hubarin ang sapatos sa pasukan. Mapapansin natin sa ibang rehiyon katulad ng Iran at Turkey, na mayroon din silang katulad na kostumbre. Batay sa Islamikong relihiyon, ayaw nilang ipasok ang duming galing sa labas. Sa madaling sabi, pati ang sapatos at tsinelas ay iiwan sa pasukan para maiwasang dalhin ang dumi sa loob ng bahay. Sa rehiyon ng Europe lalo na sa Germany, wala namang ganito. Kapag ipapakita nila ang talampakan sa kahit sino, ang kahulugan nito ay walang galang sa kanila. Dahil sa ganitong kaisipan, ang paghuhubad ng sapatos ay hindi karaniwang gawain sa Germany. Ang naturang katotohanan ng pagkakaiba ng katangian sa bawat rehiyon ay nababatay sa kultura. Kapag nagpokus sa pasukan, maaari nating malaman ang malalim na kaalamang may kaugnayan sa kanilang kultura. Lalo na sa Japan, nasasalamin ang kasaysayan sa pasukan.
6. Noong panahon ng Kamakura, itinuturing ang pasukan bilang isang pangunahing sagisag upang ipakita ng taong maharlika ang pormalidad ng bahay sa mamamayan. Sa simula, ang salitang pasukan ay kumakatawan sa pasukan ng Zen Temple. Pagkatapos nakita ng taong maharlika katulad ng court noble at samurai ang magandang hugis ng entrance, kinopya nila ang pamamaraan ng pagtatayo ng pasukang ito. Ang lipunan ng samurai ay mahigpit na sumusunod sa class system. Sa ibang salita, gumagamit ng pasukan ang kabahaging taong maharlika. Halimbawa, ang may‐bahay at bisita lamang ang maaaring gumamit ng pasukan ng bahay. Kapag ipinapakita ng may‐bahay ang natatanging pagkilos sa bisitang amo, ito ay nangangahulugan ng katapatang‐loob sa mga puno. Sapagkat napakahalaga ang tungkulin ng pasukan para sa taong maharlika at sumasalamin ang class system sa pagbubuo ng pasukan noong panahon ng Kamakura.
7. Kahit na nakalipas ang matagal na panahon, isang makahulugang sangkap pa rin ang pasukan para masaliksik ang pamumuhay ng mga mamamayan at katangian nila. Sa pamamagitan ng aspekto ng kasaysayan, titingnan ang mas malalim na kaalaman tungkol sa pasukan. Noong pumasok ang panahon ng Meiji, mula noong 1868 hanggang 1912, umusbong ang mga ugaling kanluranin gaya ng pagkain, damit, paraan ng edukasyon at iba pa. Ang kabuuan ng bahay rin ay may epekto ng westernisasyon. Isa pang dahilan ng pagbabago ng bahay ay ang
Sura Sura Sulat [49]
pagbibigay‐wakas ng pagkilala sa ranggo. Ang mga ganitong pangyayari ay nagbunga ng magkakaibang hugis ng pasukan. Una, nakikita natin ang panibagong hugis ng pasukan na tinatawag na “door” sa halip na “sliding door.” Gumagamit ang mga tao ng pasukan na may estilong kanluranin katulad ng “front door” o “hinged door” na may hawakan . Noon lang nagpakita ang kultura ng kanluran ng ganitong porma ng pasukan sa mga mamamayang Hapon noong panahon ng Meiji. Pangalawa, nagbabago ang kaisipan tungkol sa pasukan dahil sa pagkawala ng class system. Bagaman nangangahulugan ng pagkamaginoo at kahalagahan ang bahay na may pasukan noong unang panahon, hindi maingat ang mga tao sa naturang palagay dahil sa pagkawala ng status system. Sa madaling sabi, pinalaganap ng ganitong ideya ang bahay na may kasamang pasukan. Dagdag dito, itinuturing nila ang pasukan bilang mas mapakikinabangang lugar kaysa sa mahigpit na lugar. Ang mga ganitong imahen ay nagsulong ng panibagong hugis ng pasukan. Masasabing may napakalapit na kaugnayan sa pasukan ang mga katauhan. Lumaganap ang bahay na may pasukang kanluranin ang estilo dahil sa dalawang sanhi katulad ng westernisasyon at pagkawala ng class system.
8. Sa ngayon din ay makikita natin ang makahulugang katangian sa pasukan. Ang susunod na paksa ay ang paraan ng pagbubukas ng pintuan. Makikita natin ang dalawang uri ng pagbubukas‐‐ palabas at paloob. Sa Japan ay ginagamit ang pasukan na binubuksan nang palabas sa mga apartment at mga nagsasariling bahay. Sa ibang bansa naman, halos lahat ng gusali ay may pintuang nabubuksan nang paloob. Bakit may magkaibang katangian ang pasukan sa pagitan ng Japan at ibang bansa? Ang kadahilanan nito ay una, kailangang magamit ang maliit na lugar. Ibig sabihin nito, laging inilalagay ng Japanese ang mga sapatos at saka tsinelas sa pasukan. Kung gagamitin ang pintuang nabubuksan nang paloob, magiging makalat ang bagay na inilalagay sa pasukan. Bukod dito, kailangan din ang iba pang lugar para sa suksukan ng payong at lalagyan. Pangalawa, iniiwasang ipasok ang duming nakadikit sa pinto. Ang pasukan ay ipinapalagay na isang napakasagradong lugar sa bahay para sa mga Japanese. Kapag sumusunod sa kaugalian ng pintuang nabubuksan nang palabas, maaaring hindi madadala ang basura kahit na gaano kaliit gaya ng alikabok at gabok. Pangatlo, kung ihahambing sa Europe, mahina ang Japanese sa pagpapahalaga ng kasiguruhan. Ipalagay mong may magpipilit pumasok sa bahay. Habang nagkakaroon ng ganiyang kalagayan, ano’ng gagawin? Kung ginagamit ang pintuang nabubuksan nang paloob, madali lang humadlang sa pagsalakay sa pamamagitan ng paglalagay ng mabigat na bagay katulad ng muwebles laban sa pinto. Dagdag dito, walang kaugaliang magsusi sa bahay noong unang panahon kapag lumalabas. At saka maaaring pumasok sa kahit kaninong kapitbahay upang tumambay o makipag‐usap. Sa madaling sabi, ang ganitong lipunang hindi kailangang magsusi ng bahay ay parang pastoral at nakabukas sa lahat ng komunidad. Samakatwid, ang
Sura Sura Sulat [50]
pintuang nabubuksan nang palabas ay bagay sa aming pamumuhay at sumasalamin sa lalim ng aming kamalayan.
9. Maliban sa pangkalahatang kaugalian, maraming katangian sa pasukan ang malaganap sa bawat lugar sa Japan. Una, sa Niigata prefecture, ang pasukan ng bahay ay kadalasang nasa ikalawang palapag dahil sa klima. Kapag darating ang panahon ng taglamig, nalilibing sa maraming niyebe ang pasukan ng bahay nila. Bukod dito, minsan bumabagsak ang niyebe galing sa bubong. Magiging mahirap ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa Hilaga kapag nasa pang‐unang palapag ang pasukan. Sapagkat, kailangan nilang ayusin ang puwesto ng pasukan. Pangalawa, ang Kyoto prefecture ay kilalang‐kilalang lugar na masyadong mainit sa tag‐init lalo na tuwing Hulyo at Agosto. Kaya makikita natin ang ‘lattice window’ sa pasukan habang umiikot sa bayan na may tradisyonal na bahay. Ang ganitong hugis ng pasukan ay maaaring pasukan ng hangin sa loob kahit na mainit ang panahon. Panghuli, sa Taketomi, isang isla sa Okinawa prefecture, walang pasukan na may katulad na porma na makikita natin sa ibang lugar. Ibig sabihin nito ay maaaring pumasok ang nakatira dito. Ang kahanga‐hangang katangian ng isla ng Taketomi ay may maayos at malinis na aplaya. Napakalaganap ng dalisay na baybayin na may kulay puting beach. Hindi nila kailangang magsuot ng sapatos para umiwas na maging madumi. Sapagkat walang kaugaliang magsuot ng sapatos kapag lumabas.
10. Maliban sa pagiging pintuan, makikita natin ang isa pang katangian sa harap ng pasukan. Ito ay ang isang tipak ng asing nakalagay sa pasukan lalo na sa tradisyonal na gusali gaya ng Japanese restaurant o Japanese style hotel. Kamakailan lamang ay bihira na ang paglalagay ng tipak na asin. Subalit namamayani pa rin ang katangi‐tanging tradisyon sa may‐takdang lugar. Ang pinagmulan ng kulturang ito ay may dalawang istorya. Una, ang ganitong kumbensyon ay galing sa Tsina noong unang panahon na tinatawag na panahong Shin. Ayon sa tanyag na libro, ang Koji, ang isang emperor na may mataas na kapangyarihan ay maraming asawa sa iba’t ibang rehiyon. Kapag pinuntahan sila ng emperor, sumasakay siya ng sasakyang hinihila ng baka. Kadalasan nagpapasiya siya kung anong bahay ang titirhan niya sa pamamagitan ng baka. Kung saan huminto ang baka, doon sa hotel na iyon siya titira para sa gabi. Isang araw, inilagay ng babae ang isang tipak na asin sa harap ng bahay dahil alam niya kung ano ang gusto ng baka. Akala niya, sinamantala ng babae ang asin para mapahinto ang baka. Nang susunod na gabi, nang dumating ang emperor sa harap ng bahay ng babae, hinding‐hindi lumalapit ang baka. Sabi ng emperor, “dito na lang ako titira ngayon.” Kung gayon, tamang‐tama ang ideya ng babae. Pagkatapos nito, nagpatuloy ang paraan ng paglalagay ng asin para tumira ang
Sura Sura Sulat [51]
emperor sa bahay niya. Mula noon, umusbong ang ganitong kumbensyon para pasukin ng kaligayahan ang bahay sa pamamagitan ng paglalagay ng asin.
11. Ang isa pang istorya ay ang pagkakaroon ng shrine. Noong unang panahon, ginagamit sa shrine ang asin kapag nagkakaroon dito ng divine service katulad ng paglilinis ng loob, pagdarasal at pag‐aalay. Ang papel ng asin para sa shrine ay linisin ang masamang saloobin ng nakatira sa lupa. Nagmana pa rin kami ng kaisipang ituring ang asin bilang kasangkapan para linisin ang masamang kaluluwa. Halimbawa, pagkatapos umuwi galing sa paglilibing, paminsan‐minsan, nag‐aasin sa aming katawan sa harap ng bahay para paalisin ang makasalanang espiritu. Kung dumalo kami sa paglilibing, masasabing kakabit ang masamang hangad sa katawan. Dahil dito, kailangan naming gamitin ang asin bago pumasok sa bahay. Samakatwid ang naturang dalawang istorya ay nagpapakita ng malalim na pakikipag‐ugnayan sa pagitan ng asin at pasukan. Masasabi natin na isang makahulugang tradisyon para sa Japanese ang paglalagay ng isang tipak na asin.
12. Ang susunod na paksa ay ang door plate na nakadikit sa harap ng bahay. Napapakinabangan ito kapag hinahanap ang bahay. Kapaki‐pakinabang ito para ipakita ang kinalalagyan ng nakatira sa mga bisita. Kadalasan, ang door plate ay may kasamang pangalan maliban sa numero ng tirahan. Subalit sa ibang bansa naman, wala silang ganitong palatandaan. Para sa kanila, karaniwang hindi sila naninirahan nang matagal na panahon sa isa lamang lugar. Dahil sa pagkahilig na lumipat sa ibang lugar sa maikling panahon, walang‐silbi ang door plate. Ang simula ng paggamit ng door plate ay noong pagkatapos ng Meiji Era. Noong nagsimula ang sistema ng koreo, kinailangan ang karatula para mag‐abot ng sulat sa iba’t ibang bahay. Noong 1923, nagkaroon malaking kapahamakan na tinatawag naming “Kanto earthquake.” Bumagsak ang buong bayan lalo na ang rehiyong Kanto. Pagkatapos ng ilang buwan, nagtayo ng panibagong mga bahay. Sa madaling sabi, hiwa‐hiwalay na ang taong nakatira dati sa lugar na may lindol. Naging mahalaga na magkaroon ng malinaw na palatandaan kung sinu‐sino ang nakatira sa mga bahay. Magbuhat noon, umiiral na ang kaugaliang nakalagay ang palatandaan na may pangalan sa harap ng bahay. Masasabi natin na ang ganitong tradisyon ay sumasalamin sa kultura ng Hapon mula noon hanggang ngayon.
13. Samakatwid dapat suriin ang pasukan para malaman ang kulturang Hapon dahil sa mga nasabing kaalaman. Ang pasukan sa bahay ay sumasalamin sa ating lipunan. Ang pasukan ay hindi lamang kagamitan para pumasok sa loob o lumabas, kundi sinasalamin ang ating kultura.
Sura Sura Sulat [52]
Natsuki Kita Cosplay
1. Ang Cosplay ay ang pagsusuot ng damit ng karakter sa game, animation, at iba pa.
2. Ang mga taong nagko‐cosplay ay tinatawag na Cosplayer o Layer. 3. Nakikita namin sila sa Comic Market, event at iba pa. 4. Japanese‐English ang cosplay, at costume play ang pinagmulan ng salitang ito. 5. Pero ginagamit na ito sa mundo ngayon.
6. Tatlo ang posibleng dahilan para mag‐cosplay ang mga cosplayer sa Japan. 7. Una, maaari silang maging ang paborito nilang karakter. 8. Ikalawa, maaari silang maging iba't ibang sarili. 9. Ikatlo, maaari silang magkaroon ng mga kaibigan sa pamamagitan ng cosplay.
10. Sinasabi na lumitaw ang unang cosplay sa Japan sa ikalawang Comic Market
noong 1976. 11. Kumalat ang salitang cosplay noong 1990’s. 12. Napansin ang sub‐kulturangito dahil sa epidemiya ng Shinseki Evangelion. 13. Nalaman ng kompanya ang komersyal na halaga ng cosplay. 14. At lumitaw ang mga negosyanteng nagbebenta ng damit para sa cosplay. 15. Kumalat pa lalo ang cosplay sa dahilang ito. 16. Pagkatapos, lumitaw ang restawran na nagko‐cosplay ang mga klerk noong dulo
ng 1990’s. 17. At saka, nadagdagan ang mga site na nagpapakita ng cosplay sa pamamagitan ng
Internet. 18. Naging mas tanyag pa ang cosplay dahil dito. 19. Ngayon, lumitaw ang espesyal na magazine at nagdaraos ng World Cosplay
Summit. 20. Naging isa nang kultura ang cosplay.
21. Pareho ang pag‐uuri ng comics, animation, game at iba pa sa pag‐uuri ng cosplay
dahil ang maging katulad ng karakter ang layunin ng cosplay. 22. Una, may sistema ng mga comic, animation, at game. 23. Kinokopya ang damit at gamit ng personal na karakter. 24. At saka, kinokopya ang uniporme ng eskuwelahang pinapasukan at samahang
sinapian ng karakter. 25. Ikalawa, may sistema ng uniporme ng pagtatrabaho. 26. Pero ang cosplay ng pulis, bumbero, nars at iba pa ay may potensyal na lumabag
sa batas. 27. Ikatlo, may sistema ng uniporme ng hukbo.
Sura Sura Sulat [53]
28. Iba ito sa “military‐look” na may dagdag na pagbabalatkayo at cargo pants. 29. Maging ang ranggo ay kinokopya sa pamamagitan ng mga simbulo at gayak kapag
nagko‐cosplay ng uniporme ng hukbo. 30. Ikaapat, may sistema ng uniporme ng eskuwelahan. 31. May hakama, sera, blether, at uniporme ng P.E.
32. Para sa ilang ama, bawal mag‐cosplay na nakalantad ang katawan at may
kaugnayan sa seguridad dahil sa isyu ng pumpublikong asal. 33. Bawal dalhin ang baril na hindi totoo, tabak na hindi totoo, bagay na matulis at
iba pa sa Comic Market dahil sa problema ng katiwasayan. 34. Maraming event na pareho ang tuntunin ng Comic Market. 35. Para sa ilang event, dapat na magparehistro ang mga cosplayer para sumunod sa
batas ng copyright.
36. Maraming taong nagko‐cosplay sa ibang bansa. 37. Pinupuntahan ng maraming tao ang event ng cosplay sa ibang bansa. 38. Ang nagko‐cosplay na otaku ay imahen ng cosplay sa Japan. 39. Pero magkakaiba ang imahen sa ibang bansa. 40. Masaya at magulo kapag nagsama‐sama ang nagko‐cosplay sa iba’t ibang bansa. 41. Bukod riyan, may Halloween lalo na sa Europe at US. 42. Maraming animation na ang anyo ay katulad ng mga puting karakter. 43. Halimbawa, buhok na ginto, matang asul at puting balat. 44. Kaya maraming magandang cosplayer sa ibang bansa.
45. Mag‐cosplay tayo. 46. Una, maghanda tayo ng damit. 47. Maaaring bumili ng damit at maaaring gumawa . 48. Pero mahirap ang gumawa ng damit. 49. Kaya mabuti yata ang bumili o mag‐remake nito. 50. Ikalawa, maghanda tayo ng peluka. 51. Maaaring bumili ng peluka. 52. Pagkatapos bumili ng peluka, gayahin ang buhok ng karakter na tutularan mo. 53. Ikatlo, gumawa tayo ng pampaganda. 54. Mabuti ang marangyang pampaganda. 55. Ang maraming peluka ay marangya. 56. Ikalima, humanap ng angkop na sapatos. 57. Mahirap ang makahanap ng sapatos. 58. Pero importante ito sa cosplay.
59. Sa Japan, may imaheng nagko‐cosplay ang otaku. 60. Pero kulturang ipinagmamalaki sa ibang bansa ito.
Sura Sura Sulat [54]
61. Maraming taong nagko‐cosplay sa Machikane Festival. 62. May kaibigan akong cosplayer.
63. Ang pagsusuot yata ng yukata ay isang uri ng cosplay sa Matsuri. 64. At ang pagsusuot yata ng pambansang kasuotan ay isang uri rin ng cosplay. 65. Maging ang sarili ay hindi nagiging pangkaraniwan kapag nagsuot ng damit na
hindi pangkaraniwan. 66. Pareho yata ang layunin ng cosplay. 67. Kaya hindi kailangang iwasan ang cosplay bilang kakaibang bagay. 68. Mas lumaganap sana ang cosplay sa Japan. 69. Masaya yatang mag‐cosplay ang lahat.