7
John Harvey F. Cordano A. Hindiusmo -Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyonng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismoat Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabiblangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyonng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala. Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag. Kabilang sa mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na relihiyon"sa mundo. Aum (Symbol) B. Buddhismo -Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiyana nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE. Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483

symbol

Embed Size (px)

DESCRIPTION

nice

Citation preview

Page 1: symbol

John Harvey F. Cordano

A. Hindiusmo

-Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyonng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay

kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismoat Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at

pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabiblangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at

preskripsiyonng mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga

norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na

intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga

paniniwala.

Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag. Kabilang sa

mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa

gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na

relihiyon"sa mundo.

Aum (Symbol)

B. Buddhismo

-Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "Ang Daan ng

Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiyana nakatuon sa mga aral ni Buddha

Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.

Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang "Buda", na isang dakilang

mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya.

Ang Buddha ay nangangahulugang "ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha

ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6

hanggang ika-4 siglo BCE. Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na

nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na

wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan

Page 2: symbol

(avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan

(pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang

pinakamataas na kaligayahan na nirvāņa

Dharma wheel (symbol)

C. Jainismo

-Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma (जै�न धर्म�) ay isa sa mga

matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang nagtatag ng Hainismo

ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay nagwaksi ng

kanyang pamilya at naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng

katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang

ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng

kaluluwa ang layunin ng eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya

mula sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at malaya

magpakailanman. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng

buhay. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba

pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon. May limang panata ang

sinusunod ng mga Hain:

1. Ahimsa (kawalang-karahasan)

2. Satya (katotohanan)

3. Asteya (katapatan)

4. Brahmacharya (kabirhenan)

5. Aparigraha (karalitaan)

Page 3: symbol

Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon ng mga Hain.

Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang maiwasan ang di-kinukusang

paglanghap sa maliliit na insekto.

Swastika (symbol)

D. Judaismo

- Ang Hudaismo (Kastila: ju·da·ís·mo; Ebreo: יהדות, yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang

pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga

pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong

sanga, na tinatawag na menora.

E. Kristyanismo

- Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na

nakabatay sa buhay at pinaniniwalaang mga katuruan niHesus na pinaniwalaan ng mga

Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang

Page 4: symbol

pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong

taong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang

nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling

pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na

tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-

4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang

mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lamang sa mga Unang Pitong Konsehong

Ekumenikal na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa

mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador

Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang

Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng

nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa

mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng

Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil angibang mga sektang

Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan,

ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi

mapagkasunduang doktrina.

Cross (symbol)

F. Islam

- Islam (Arabiko: اإلسالم; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)" ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim.na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na

salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.

Page 5: symbol

Crescent (symbol)

G. Shintoismo

Ang Shinto o Shintō (神道) ay ang katutubong relihiyon ng Hapon at dating naging relihiyon ng estado. Ito ay kinapalolooban ng pagsamba sa Kami (神), o mga diyos. Ang ibang Kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu o ang henyo ng isang partikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay na natural at proseso: halimbawa, Amaasaterasu-ōmikamiang diyosa ng araw, o ang Bundok Fuji. Ang Shinto ay isang sistemang may paniniwalang Animistiko. Ang salitang Shinto ay nagmula sa salitang Tsinong Shén Dào na ang kahulugan ay daan ng mga diyos: "神" (Shin) na ang kahulugan ay mga diyos at espiritu (kung babasahin ito nang mag-isa, ito ay binibigkas bilang "kami") at "道" (tō), na ang kahulugan ay isang paraang pilosopikal (tulad ng panulat ng mga Intsik na sa salitang Dào). Sa madaling salita, ang Shinto ay kadalasang sinasalalin bilang"Ang Paraan ng mga Diyos."

torii

H. ZoroastianismoAng Zoroastrianismo /ˌzɒroʊˈæstriənɪzəm/ na tinatawag ring Mazdaismo at Magianismo ay

isang relihiyong batay sa mga katuruan ng propetang si Zoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay dating isa sa pinakamalaking mga relihiyon. Ito ay malamang na itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa silanganing

bahagi ng Dakilang Iran. Sa Zoroastrianismo, ang manlilikhang si Ahura Mazda ay buong mabuti at walang kasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa Zoroastrianismo, ang

Page 6: symbol

kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging mga pinagmumulan na ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang nilikha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay

sumusubok na panatilihin ito. Bagaman si Ahura Maza ay hindi imanente sa daigdig, ang kanyang nilikha ay kinakatawan ng mga Amesha Spenta at malaking bilang ng ibang

mga Yazata na sa pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawa ng diyos ay ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga ito ay ang pagsamba kay Maza ay dinirekta. Ang

pinakamahalagang mga teksto ng relihiyong ito ang Avesta na ang malaking bahagi ay nawala at ang karamihan ay mga liturhiya lamang ang umiiral. Ang mga nawalang bahagi

nito ay tanging malalaman sa mga sanggunian at maikling mga sipi sa mga kalaunang akda mula ikasiyam at ikalabing isang siglo. Sa ilang anyo, ito ay nagsisilbi

bilang relihiyong pambansa o pang-estado ng malaking bahagi ng mga taong Iranian sa loob ng maraming mga siglo. Ang relihiyong ito ay naging kaunti nang angImperyong

Achaemenid ay sinakop ni Alexander the Great at pagkatapos ay gumuho at nagkahati hati. Ito ay kalaunang unti unting itinuring na mababa ng Islam mula ikapitong siglo CE at patuloy sa pagbagsak ng imperyong Sassanid. Ang kapangyarihang pampolitika ng pre-Islamikong

mga dinastiyang Iranian ay nagbigay sa Zoroastrianismo ng malaking prestihiyo sa mga sinaunang panahon at ang ilang mga nangungunang doktrina nito ay tinanggap sa ibang

mga sistemang relihiyoso. Tinatayang may mga 124,000 at 190,000 na mga Zoroastrian sa buong mundo

Faravahar