6
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya May mga bagay na hindi nagbabago. Nagbibigay- daan ang taglamig sa tagsibol. Sa Marso at Abril namumulaklak ang mga bluebonnet. Ang bakasyon sa tagsibol ay kasiya-siyang saglit na pahinga. Bumabalik ang mga ibon sa kanilang mga tahanan kapag tagsibol at tag-araw. Para sa mga senior sa high school, kailangan nang makumpleto at isumite ASAP ang mga form ng FAFSA. Malapit na malapit nang magsimula ang pagsusulit sa ACT at SAT para sa kolehiyo. Nalalapit na ang STAAR at pagsusulit sa Pagtatapos ng Kurso. Mga aktibidad sa pagtatapos ng taon – pinaplano ang prom, mga fine arts presentation, yearbook, at seremonya para sa pagtatapos. May mga bagay na nagbabago. Mas huhusay ang virtual na pagtuturo. Mas lalawak ang access sa teknolohiya. Mas magiging tanggap ang pagsusuot ng mask at pisikal na pagdistansiya. Maaaring mas hindi gugustuhing bumiyahe sa mga mataong paliparan at siksikang eroplano. Maaaring hindi na rin nakakaengganyo ang mga conference at matataong event na maraming taong hindi mo kilala. Magiging mas madalas ang mga pagsasanay at pulong sa pamamagitan ng Zoom. Kapag posible, mas madalas nang magtatrabaho mula sa bahay ang mga tao. Magiging new normal na ang maiging paghuhugas ng kamay at regular na paggamit ng hand sanitizer. Palagay ko, sumasang-ayon tayong lahat na nakaka-stress na taon ang 2020: may politikal at panlipunang kaguluhan, coronavirus at maraming nawalan ng trabaho, mga protesta at riot nitong tag-araw, mga bagyo nitong taglagas, at ang muling pagdami ng mga kaso ng Covid-19. Kahit na isa itong taon na nais nating kalimutan, mananatili ang mga alaala at emosyon. Para sa ating mga kabataan, ang iba’t ibang karanasan sa 2020 ay maaaring magkaroon ng marka sa kanilang pag-iisip habambuhay. Isang bagay ang hindi magbabago, na kailangan ng tiwala, pag-asa, at pag-ibig ng ating mga kabataan. Kailangang may tiwala ang ating mga kabataan na ang mga sistema ng politika, ekonomiya, at edukasyon na bukod-tangi sa Amerika ay magbibigay ng mga oportunidad sa pag-unlad at tagumpay, at mapoprotektahan ang ating kalayaan. Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-asa upang makayanan ang mga pangyayari, kahit kung minsan ay napakalaki, na wala sa kanilang kontrol. Hindi natin nais na maging biktima ng takot ang ating mga kabataan. Kailangan nating bigyan ng kapanatagan ang ating mga kabataan na magkakaroon sila ng maraming pagpipilian at oportunidad upang ibahin ang kanilang kapalaran. Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-ibig. Kapag dumating sa paaralan ang ating mga kabataan, kailangan nilang malaman na ligtas sila at may kahit isang nasa hustong gulang na tunay na may malasakit para sa kanila. Ang mga bata ay nakakaramdam ng mga pag-aalala at may dala-dalang mga pasanin, ngunit ang pagmamahal natin sa kanila ay maaaring makatulong sa pagpapagaan nito. Ipinapahayag ang pag-ibig sa iba’t ibang paraan, at ito ay tuloy-tuloy na ipinadarama habang tumatagal ang panahon. Gumawa ng pangako ngayon, na magbibigay ka ng tiwala, pag-asa, at pag-ibig sa ating mga kabataan. SIMPLENG YAKAP Mayroong kakaiba sa simpleng yakap na palaging nagpapagalak sa puso; Binaba tayo nito pag-uwi sa bahay at mas pinapadali ang pag-alis. Isang paraan ang yakap para ibahagi ang saya at mga kalungkutang nadarama; o simpleng paraan para sabihin ng magkakaibigan na gusto ka nila dahil ikaw ay ikaw. Ang mga yakap ay para sa sinumang talagang mahalaga sa an, mula kay lola hanggang sa iyong kapitbahay, o sa isang masarap na yakaping teddy bear. Nakakamanghang bagay ang yakap, isa itong perpektong paraan para ipakita ang pagmamahal na ang nararamdaman na nahihirapan tayong masabi. Nakakatuwang isipin na ang isang munng yakap ay nakakapagbigay saya sa lahat, Sa bawat lugar o wika, palagi itong naiinndihan. At hindi kailangan ng yakap ng mga bagong kagamitan, espesyal na baterya o parte Buksan lamang ang inyong mga bisig at buksan ang inyong mga puso. Hindi Kilalang May-akda Skip Forsyth The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya) Tahanan at Paaralan Bolyum 17 2020, Ika-3 Quarter

Tahanan at Paaralan 3rd... · Isang paraan ang yakap para ibahagi ang saya at mga kalungkutang nadarama; o simpleng paraan para sabihin ng magkakaibigan na gusto ka nila dahil ikaw

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    May mga bagay na hindi nagbabago. Nagbibigay-daan ang taglamig sa tagsibol. Sa Marso at Abril namumulaklak ang mga bluebonnet. Ang bakasyon sa tagsibol ay kasiya-siyang saglit na pahinga. Bumabalik ang mga ibon sa kanilang mga tahanan kapag tagsibol at tag-araw. Para sa mga senior sa high school, kailangan nang makumpleto at isumite ASAP ang mga form ng FAFSA. Malapit na malapit nang magsimula

    ang pagsusulit sa ACT at SAT para sa kolehiyo. Nalalapit na ang STAAR at pagsusulit sa Pagtatapos ng Kurso. Mga aktibidad sa pagtatapos ng taon – pinaplano ang prom, mga fine arts presentation, yearbook, at seremonya para sa pagtatapos.May mga bagay na nagbabago. Mas huhusay ang virtual na pagtuturo. Mas lalawak ang access sa teknolohiya. Mas magiging tanggap ang pagsusuot ng mask at pisikal na pagdistansiya. Maaaring mas hindi gugustuhing bumiyahe sa mga mataong paliparan at siksikang eroplano. Maaaring hindi na rin nakakaengganyo ang mga conference at matataong event na maraming taong hindi mo kilala. Magiging mas madalas ang mga pagsasanay at pulong sa pamamagitan ng Zoom. Kapag posible, mas madalas nang magtatrabaho mula sa bahay ang mga tao. Magiging new normal na ang maiging paghuhugas ng kamay at regular na paggamit ng hand sanitizer.Palagay ko, sumasang-ayon tayong lahat na nakaka-stress na taon ang 2020: may politikal at panlipunang kaguluhan, coronavirus at maraming nawalan ng trabaho, mga protesta at riot nitong tag-araw, mga bagyo nitong taglagas, at ang muling pagdami ng mga kaso ng Covid-19. Kahit na isa itong taon na nais nating kalimutan, mananatili ang mga alaala at emosyon. Para sa ating mga kabataan, ang iba’t ibang karanasan sa 2020 ay maaaring magkaroon ng marka sa kanilang pag-iisip habambuhay.Isang bagay ang hindi magbabago, na kailangan ng tiwala, pag-asa, at pag-ibig ng ating mga kabataan.

    • Kailangang may tiwala ang ating mga kabataan na ang mga sistema ng politika, ekonomiya, at edukasyon na bukod-tangi sa Amerika ay magbibigay ng mga oportunidad sa pag-unlad at tagumpay, at mapoprotektahan ang ating kalayaan.

    • Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-asa upang makayanan ang mga pangyayari, kahit kung minsan ay napakalaki, na wala sa kanilang kontrol. Hindi natin nais na maging biktima ng takot ang ating mga kabataan. Kailangan nating bigyan ng kapanatagan ang ating mga kabataan na magkakaroon sila ng maraming pagpipilian at oportunidad upang ibahin ang kanilang kapalaran.

    • Kailangan ng ating mga kabataan ng pag-ibig. Kapag dumating sa paaralan ang ating mga kabataan, kailangan nilang malaman na ligtas sila at may kahit isang nasa hustong gulang na tunay na may malasakit para sa kanila. Ang mga bata ay nakakaramdam ng mga pag-aalala at may dala-dalang mga pasanin, ngunit ang pagmamahal natin sa kanila ay maaaring makatulong sa pagpapagaan nito. Ipinapahayag ang pag-ibig sa iba’t ibang paraan, at ito ay tuloy-tuloy na ipinadarama habang tumatagal ang panahon. Gumawa ng pangako ngayon, na magbibigay ka ng tiwala, pag-asa, at pag-ibig sa ating mga kabataan.

    SIMPLENG YAKAP Mayroong kakaiba sa simpleng yakap na

    palaging nagpapagalak sa puso; Binabati tayo nito pag-uwi sa bahay at mas

    pinapadali ang pag-alis.

    Isang paraan ang yakap para ibahagi ang saya at mga kalungkutang nadarama;

    o simpleng paraan para sabihin ng magkakaibigan na gusto ka nila dahil ikaw

    ay ikaw.

    Ang mga yakap ay para sa sinumang talagang mahalaga sa ati n, mula kay lola hanggang sa iyong kapitbahay, o sa isang

    masarap na yakaping teddy bear.

    Nakakamanghang bagay ang yakap, isa itong perpektong paraan para ipakita ang pagmamahal na ati ng nararamdaman na

    nahihirapan tayong masabi.

    Nakakatuwang isipin na ang isang munti ng yakap ay nakakapagbigay saya sa lahat,

    Sa bawat lugar o wika, palagi itong naiinti ndihan.

    At hindi kailangan ng yakap ng mga bagong kagamitan, espesyal na baterya o parte Buksan lamang ang inyong mga bisig at

    buksan ang inyong mga puso. Hindi Kilalang May-akda

    Skip Forsyth

    The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya)

    Tahanan at PaaralanBolyum 17

    2020, Ika-3 Quarter

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    2

    Pakikibagay sa PagbabagoIpaliwanag:• Ipaliwanag sa iyong anak kung bakit ito nangyayari habang

    binibigyan sila ng kapanatagan.• Maging totoo at malinaw sa iyong anak.• Ibahagi ang iyong mga alalahanin sa iyong anak at hayaan

    din siyang magbahagi sa iyo.• Bigyang-kapanatagan ang iyong anak, na sama-sama tayong

    lahat dito.

    Magplano:• Makipagtulungan sa iyong anak na gumawa ng isang plano.• Magkasamang gumawa ng mga inaasahan.• Bigyan ng oras ang iyong anak na kumonekta sa mga guro

    o kamag-aral sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, email, o video conference.

    Ito Ay Isang Proseso:• Hindi ka kaagad makakakita ng resulta.• Bigyan ang iyong sarili at iyong anak ng panahon para

    umayon sa mga dumarating na pagbabago. Makibagay sa mga pagbabago.

    • Bigyan ang iyong sarili ng panahon na masanay sa mga pagbabagong ito.

    • Matututo rin ang mga kabataan ng mga bagong regular na gawain at iskedyul.

    • Ayusin ang kung ano ang hindi pinakamainam sa iyong anak.

    Mga Magulang bilang Guro Sa Panahon ng Malayuang Pag-aaral

    Para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong Contact para sa Titulo I, Bahagi A ng Rehiyonal na

    ESC o sa Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya sa [email protected]

    Mga Pagsubok para sa Mga Magulang at Pamilya:Maaaring makaramdam ng mga kabiguan at magkakaroon ng mga pagkakamali sa panahong ito.• Ayos lamang na magkaroon ng mga sandaling hindi tayo

    okay.Lubos na abala na ang iyong iskedyul.• Maglaan ng maiikling pagpapahinga (“me time” o oras

    para sa sarili) sa iyong araw.Maaaring puno ng stress ang pagtuturo at pag-aaral sa tahanan.• Maging mabait sa iyong sarili.Maaaring pakiramdam mo ay natatabunan ka na at hindi ka gaanong nakakapaghanda.• Magtuon ng pansin sa mga bahaging komportable ka at

    mapaghahandaan mo.• Huwag mahiyang humingi ng tulong sa anuman at sa lahat

    ng bagay!Manatiling konektado sa pamilya, mga kaibigan, at mga support group.• Ito ay isang positibong paraan para maibsan ang stress at

    matuto mula sa isa’t isa. Maaaring mayroon kang ilang bata/alagang nangangailangan ng access sa limitadong teknolohiya.• Abisuhan ang iyong mga guro at iiskedyul ang teknolohiya

    sa abot ng iyong makakaya.• Humingi ng payo at mga mapagkukunan sa teknolohiya

    mula sa iyong paaralan at komunidad.Maaaring makaramdam ka ng pag-aalala tungkol sa kalusugan, o pananalapi ng iyong pamilya, o ang pagkahuli o pagkawala sa focus ng iyong anak sa kanilang gawain sa paaralan, atbp.• Ingatan ang iyong sarili—unahin ang pamilya.• May natatanging estilo sa pag-aaral ang bawat bata at

    iba’t ibang bilis sa pagkatuto.• Humingi ng mga klaripikasyon mula sa guro para sa mga

    takdang-aralin.

    Ipinagpatuloy sa susunod na pahina

    Ang mga guro ay mga “coach,” at “guro” naman ang mga magulang. Kahit na ang magulang ang una at pinakamaimpluwensiyang guro sa buhay ng isang bata, naitulak ang mga magulang at pamilya sa papel na ginagampanan ng mga guro. Sanay ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak sa kanilang takdang-aralin. Walang pagsasanay ang mga magulang na magturo ng algebra, sentence mapping o ng water cycle. Hindi sila nabigyan ng pagsasanay na turuang magbasa ang kanilang anak na may dyslexia. Hindi sila sinanay kung paano magbigay ng makabuluhang pagpapahusay para sa kanilang gifted na anak. Mga magulang, habang hinaharap ninyo ang mga pagsubok at pagbabago, magkaroon ng pasensiya, maging matiyaga, at makibagay sa mga pagbabago.

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    3

    Mga Magulang bilang Guro Sa Panahon ng Malayuang Pag-aaral - Ipinagpatuloy

    KomunikasyonMga magulang at pamilya:• Panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon.• Suriin ang mga patakaran ng paaralan para sa mga

    pamamaraan ng komunikasyon.• Magbigay ng feedback.Anak:• Ipaalam sa iyong anak kung ano ang kaniyang lagay.• Bigyang-pansin ang kaniyang mga kalakasan para sa

    araw o linggo at ipagdiwang ang mga tagumpay AT tunay na pagsisikap!

    • Talakayin ang mga larangan na maaaring kailangang mas pagtuunan ng pansin.

    • Gumawa ng plano kasama ang iyong anak upang lumakas sa mga larangang iyon.

    • Tanungin ang iyong anak kung paano ka makakatulong sa kaniyang pagsulong.

    Mga guro:• Ibahagi sa mga guro kung ano ang naging maayos

    para sa linggong ito, pati na rin ang mga hindi umayon sa plano.

    • Magtulungan para maipatupad ang mga pamamaraan na maaaring makatulong sa pag-aaral ng iyong anak.

    Mga paaralan:• Malinaw at madalas na makipag-ugnayan sa iyong

    paaralan.• Humanap ng suporta para sa mga sumusunod:

    ◊ Motibasyon ng bata◊ Kapakanan◊ Suporta sa edukasyon◊ Mga mapagkukunan: mga pangunahing

    pangangailangan at/o mga supply sa paaralan

    KulturaPaaralan vs. Kapaligiran sa Tahanan:• Lubos na magkakaiba-iba ang mga sambahayan at

    mga pangangailangan. Ilaan ang lugar at oras na makabubuti para sa iyong pamlya. Hindi lahat ng mga lugar at iskedyul sa pag-aaral ay pareho ang hitsura, at ayos lamang ito.

    • Habang nagtuturo at nag-aaral mula sa bahay, humingi ng tulong sa iyong mga campus administrator para sa mga mapagkukunan upang suportahan ang tagumpay ng iyong anak.

    • Hindi dapat dumagdag sa pinansiyal na gastos ng iyong pamilya ang malayuang pag-aaral. Humingi ng tulong sa iyong paaralan, para sa mga kagamitan kung kinakailangan.

    • Makipagtulungan sa paaralan upang humanap ng mga alternatibo sa mga pangangailangan sa teknolohiya o ma-access ang mga mapagkukunan sa loob ng iyong komunidad.

    IpinagpapatuloyMay Malasakit na Pamumuno:• Sa paaralan, tinatanaw ng iyong anak ang mga guro bilang lider

    sa kaniyang edukasyon.• Sa tahanan, ikaw ay parehong magulang at kanilang unang guro.• Magpakita ng malasakit sa iyong anak sa kaniyang proseso ng

    pag-aaral.• Mauuna palagi ang kapakanan ng iyong anak, at susunod rito

    ang kaniyang tagumpay sa edukasyon.• Iparamdam ang kaligtasan at kapanatagan sa iyong anak. Hindi

    man nila maalala ang mga pinag-aralang kurikulum, maaalala naman nila kung paano sila minahal, sinuportahan, at inalagaan.

    Motibasyon:• Pag-isipan ang pagbibigay ng mga gantimpala para sa iyong anak

    kapag nakakatapos siya ng mga pang-araw-araw/lingguhang layunin, tulad ng: dagdag na libreng oras/oras para sa TV.

    • Maglaan ng oras sa iskedyul para sa mga pagpapahinga.• Malaking responsibilidad ang hinahawakan mo, kaya tandaang

    magbigay rin ng gantimpala sa iyong sarili.Panatilihing Tuloy-tuloy ang Pagkatuto:• Magpapatuloy ang pagbabago. Darating at lumilipas rin ang mga

    pagkabigo. Hikayatin ang mga mag-aaral at pamilya na patuloy na matuto.

    • I-access ang mga mapagkukunan para sa mga nakakatuwa at interaktibong oportunidad sa pag-aaral na nasa labas ng lingguhang kurikulum ng iyong anak, tulad ng mga virtual na field trip.

    • Kahit ang paglalakad sa gabi o pagbibisikleta sa parke ay maaaring maging karanasan sa pagkatuto para sa iyong anak.

    • Sumali sa mga organisasyon o aktibidad sa komunidad bilang paraan para tumuklas at umunlad.

    • Lumahok sa komunidad upang makakilala ng mga bagong pamilya at posibleng makakuha ng mga bagong kultural na karanasan.

    Mga mapagkukunanSuporta at Patnubay sa Covid-19 ng TEA—https://tinyurl.com/TEACovid-19-SupportSuporta sa Covid-19 ng USDE—www.ed.gov/coronavirus?src=featureMga payo para sa Tagapangalaga ng Mga Mag-aaral na may Kapansanan—https://tinyurl.com/Children-with-DisabilitiesChecklist ng Magulang mula sa CDC—https://tinyurl.com/CDC-Parent-ChecklistMga Payo sa Pagiging Magulang sa panahon ng Covid-19 sa Iba't Ibang Wika sa Buong Mundo—https://www.covid19parenting.com/Pagtuturo at Pag-aaral sa Tahanan—https://tinyurl.com/Region-16Pagharap sa Panahon ng Covid-19—https://tinyurl.com/parent-guide-forcovid Toolkit para sa Pamilyang Gumagamit ng Iba't Ibang Wika—https://tinyurl.com/yynjr244Mga Magulang bilang Guro na PPT na may Video—https://www.esc16.net/page/title1swi._Teach_Learn_at.home_PPT.video

    © 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    4

    Maaaring makaapekto ang Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian sa pagpopondo ng iyong paaralan alinsunod sa Titulo I, Bahagi A. Maraming pagsubok ang naranasan nating lahat nitong 2020. Sa kabutihang-palad, pinahaba ng USDA ang Summer Food Service Program at Seamless Summer Option hanggang Hunyo 30, 2021 upang tulungan ang mga paaralan sa mga komunidad kung saan itinuturing na hindi pa ligtas ang harapang pagpasok sa paaralan. Gayunpaman, dapat maging matiyaga ang mga paaralan sa pagkumpleto ng Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian para sa lahat ng mag-aaral upang maiwasan ang mga pagbabawas sa pagpopondo alinsunod sa Titulo I, Bahagi A sa hinaharap. Narito ang ilang mga katotohanan upang isaalang-alang at tulungan kang maintindihan kung bakit napakahalaga ng pagkumpleto ng proseso ng aplikasyong ito para sa iyong paaralan.

    9 Nagbibigay ang TEA ng pleksibilidad sa pag-uulat ng datos ng libre at binawasang presyo ng tanghalian. Tingnan ang mga FAQ sa website ng TEA tungkol sa Coronavirus. https://tea.texas.gov/texas-schools/health-safety-discipline/covid/coronavirus-covid-19-support-and-guidance

    9 Tinutukoy ng Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian kung makakatanggap ang isang mag-aaral ng libre o binawasang bayad para sa mga pagkain, at nakakaapekto rin ito sa pagpopondo ng paaralan alinsunod sa Titulo I, Bahagi A.

    9 Kung hindi kumpleto o mali ang pagsagot sa aplikasyon, dapat itong i-code bilang “student paid” (binayaran ng mag-aaral) na binabasa ng USDE bilang isang mag-aaral na hindi nakakatugon sa kwalipikasyon kahit na siya ay tunay na kwalipikado para sa mga libre at binawasang presyo ng tanghalian.◊ Direktang nakakaapekto ito sa mga mag-aaral at pamilya na maaaring hindi makatanggap ng libre o binawasang presyo ng

    mga pagkain.◊ Nakakaapekto rin ito sa mga campus na itinalagang schoolwide (pambuong paaralan) sa Titulo I ngunit ngayon ay nasa

    hangganan ng pagtatalaga bilang schoolwide sa Titulo I kung saan kakailanganin silang lumipat sa targeted assistance (nakatuong tulong) lamang sa ilalim ng Titulo I. Bilang resulta, ang mga mag-aaral na nakaraang nakakuha ng benepisyo mula sa mga programa at serbisyo na binayaran ng mga pondong ito ay hindi na makakatanggap ng mga ito. Binabayaran ng pederal na pagpopondong ito ang mga pagkain sa paaralan, at maaari din itong gamitin para bayaran ang suweldo ng mga guro upang tulungan ang mga mag-aaral at makabili ng mga kagamitan tulad ng mga computer at iba pang kagamitan para makatulong na mapahusay ang kalidad ng edukasyon ng mag-aaral.

    9 Ang Field A sa Hakbang 2 ng aplikasyon, na hinihingi ang social security number ng isang magulang o tagapangalaga, ay ang lugar na kadalasang naiiwang hindi kinumpleto o maling nasagutan. Mayroong mga pamilya na maaaring nag-aalinlangan o hindi nais kumpletuhin ang aplikasyon, ngunit ang pagkumpleto sa aplikasyon ay para sa pinakamabuting interes ng iyong anak at ng paaralan. Kung hindi ka sigurado tungkol sa Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian, makipag-usap sa isang kawani ng paaralan na may kaalaman tungkol sa programang ito at alam ang kahalagahan nito para sa iyong anak at sa paaralan.

    9 Mayroong mga instruksiyon para sa Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian. Kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpleto ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa isang kawaning may pagsasanay upang tulungan kang sagutan ang mga papeles at tumulong sa pag-follow up. Mayroong opsiyon ang ilang paaralan na kumpletuhin ang aplikasyon online. Kailangang kumpleto, tama, at ipinasa bago ang takdang oras ang mga aplikasyon.

    Mahalaga para sa mga paaralan na manatiling matiyaga sa pagkumpleto ng prosesong ito. Kung mayroon kang mga tanong kung paano ginagawa ang prosesong ito sa iyong komunidad dahil sa COVID, mangyaring makipag-ugnayan sa paaralan ng iyong anak para sa patnubay. Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para tulungan ang iyong mga anak at ang mga kabataan sa Texas.Kung nais mong higit pang malaman ang tungkol sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian, pumunta sa Free/Reduced Lunch… I-CLICK ITO

    Ang Parents ay isang Storyboard na nasa sa Ingles at Espanyol• Ang Educators ay isang Video• Hindi magtatagal at magiging available ang Storyboard sa Youtube na magbibigay-daan para mapanood ang animated video sa

    iba’t ibang wika:◊ Mag-click sa “CC” na icon sa kanang bahagi sa ibaba ng screen◊ Pagkatapos ay i-click ang “Settings” na icon sa kanang bahagi sa ibaba ng screen◊ I-click ang “Subtitles/CC”◊ I-click ang “Auto-translate” at piliin ang gustong wika

    Paano Nakakaapekto ang Aplikasyon sa Libre at Binawasang Bayad para sa Tanghalian sa Pagpopondo ng Paaralan

    PAG-ACCESS SA MGA ISINALING CAPTION NG WIKA SA YOUTUBE:

    Tiyaking may salungguhit ang pulang CC na icon at pagkatapos ay i-click ang icon ngsettingssakanangbahagi

    Sasettings,buksanangdropdownboxparasamgasubtitleati-clickitoparamagbukas ng isa pang layer

    Pagkatapos ay i-click ang “English (auto-generated)” para magbukas ng isang dropdown box para sa pagpili ng wika.

    Piliin ang iyong wika sa dropdown list at lalabasnaangmgacaptionsawikangiyon.

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    5

    Ang pagkabalisa o anxiety ay isang normal na emosyon sa kawalan ng katiyakan at nagsisilbing senyales na magtuon tayo ng pansin para maprotektahan natin ang ating mga sarili mula sa mga bagay na maaaring makasakit sa atin. Nagsisilbing alerto ang pagkabalisa. Inuudyok tayo nito na makibagay. Para sa karamihan sa atin, ang coronavirus at sakit na COVID-19 ay nagiging dahilan ng isang kinabukasang lubos na walang katiyakan.Kung nai-stress ka sa coronavirus, hindi ka nag-iisa. Nagkaroon ang Coronavirus (COVID-19) ng malawakang epekto sa halos lahat ng aspekto ng ating mga buhay. Dahil sarado ang mga paaralan at lugar ng trabaho sa ngayon, naapektuhan nito ang paraan kung paano tayo namumuhay araw-araw. Napakaraming nagbago sa ganoon kaikling panahon. Natural lamang na makaramdam ng pagkabalisa kapag may hinaharap tayong krisis, hindi alam na bagay, o biglaang pagbabago. Normal na reaksyon ang makaramdam ng pangangailangan sa kaligtasan, kasiguruhan, kakayahang matukoy ang mangyayari, at kontrol.

    Ang pagkabalisa ang natural na tugon ng ating katawan sa stress. Ito ay isang pakiramdam ng takot o pag-aalinlangan sa kung ano ang mangyayari. Ang pagkabalisa ay isang normal at kadalasang malusog na emosyon, ngunit kapag nasosobrahan tayo ng pagkabalisa, maaari itong makasama sa atin. Ang American Psychological Association (APA) ay tinutukoy ang pagkabalisa bilang “isang emosyong inilalarawan ng mga pakiramdam ng tensyon, pagkakaroon ng mga pangamba at pisikal na pagbabago tulad ng pagtaas ng presyon ng dugo.”

    Iba-iba ang pakiramdam ng pagkabalisa depende sa taong nakakaranas nito. Maaaring mula sa pagiging kabado hanggang sa mabilis na pagtibok ng puso ang mga pakiramdam na ito. Maaaring pakiramdam mo ay wala kang kontrol, na parang hindi magkatugma ang iyong isip at katawan. Minsan, napakarami mong nararamdamang pag-aalala, o hindi mo mapigilang mag-alala, at bilang resulta, nahihirapan kang mag-focus at mag-isip nang malinaw. Maaaring kasama sa ibang sintomas ang:

    Maaaring maging epektibong paraan ang mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay upang maibsan ang ilan sa mga stress at pagkabalisa na nararamdaman mo at ng iyong mga anak araw-araw. Karamihan sa mga natural na “remedyo” ay binubuo ng pag-aalaga sa iyong katawan, paglahok sa mga aktibidad para sa kalusugan, at pag-aalis ng mga aktibidad na hindi mabuti para sa kalusugan. Kabilang dito ang:

    • Makipag-usap at makinig nang mabuti sa iyong batang anak/alaga o tinedyer tungkol sa pagkalat ng COVID-19.• Sagutin ang mga tanong at magbahagi ng mga tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa paraang mauunawaan ng iyong anak o

    tinedyer.• Panatagin ang loob ng iyong anak o tinedyer na ligtas sila. Ipaalam sa kanilang ayos lang na makaramdam sila ng pagkabahala.

    Ibahagi sa kanila kung paano mo hinaharap ang iyong sariling pagkabahala upang maaari silang matuto mula sa iyo kung paano makayanan ito.

    • Limitahin ang pagbababad ng pamilya sa mga ulat ng balita tungkol sa pangyayari, kabilang ang social media. Maaaring magkamali ang pakahulugan ng mga bata sa mga naririnig nila at maaari silang matakot tungkol sa bagay na hindi nila naiintindihan.

    • Subuking panatilihin ang mga regular na gawain. Kung sarado ang mga paaralan, gumawa ng iskedyul para sa mga gawain sa pag-aaral at mga gawaing nakakaginhawa o nakatutuwa.

    • Maging ehemplo. Magpahinga, habaan ang tulog, mag-ehersisyo, at kumain nang mabuti. Makipag-ugnay sa iyong mga kaibigan at kapamilya.

    MAHALAGA! Alamin kung kailan dapat humingi ng tulong. Kung tila sumosobra ang iyong pagkabalisa — kung nahihirapan kang matulog, kumain o makipag-ugnayan sa mga paraang normal mong ginagawa — humingi ng tulong. Karamihan sa mga provider sa kalusugan para sa pag-uugali ay nag-aalok ng mga telehealth na pagpapatingin sa panahong ito at maaaring magpaiskedyul sa mga bagong pasyente. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa nakaka-stress na panahong ito!

    PAGKABALISA Sa Panahon ng Pandemya ng Covid-19

    Ano ang Pagkabalisa?

    Mga Sintomas ng Pagkabalisa

    Mga Mungkahi para sa Pagtulong sa Sarili

    Mga Paraan para Suportahan ang Iyong Anak Sa Panahon ng Covid-19

    • Nerbiyos, pakiramdam na hindi mapakali, o pagiging tensyonado

    • Mabilis o bumilis na tibok ng puso• Dumami o sobrang pagpapawis• Nahihirapang mag-relax• Nahihirapang makatulog

    • Pagkakaroon ng sapat na tulog• Masustansiyang pagkain• Pananatiling aktibo at pag-eehersisyo• Pagkakaroon ng regular na gawain hangga’t makakaya• Pakikipag-ugnayan sa mga pamilya at kaibigan

    • Mga pakiramdam ng takot, panganib, pagkataranta, o pangamba

    • Mabilis na paghinga• Panginginig o pagkirot ng muscle• Tensyon sa muscle• Madaling mapagod, panghihina, at pananamlay

    • Mga pagsasanay sa malalim na paghinga at mga pamamaraan sa pagre-relax

    • Mag-focus sa positibo at magpasalamat• Pag-iwas sa inuming may caffeine, produktong tabako, at alak• Lumabas – magpaaraw, damhin ang sariwang hangin, i-enjoy

    ang ganda ng kalikasan

  • Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    6

    Narito na ang Oktubre at ibig-sabihin nito, narito na rin ang FAFSA. Ngayong taon, para sa 2021-2022 na panahon ng paaralan, mayroong ilang update ang FAFSA. Habang hindi ganoon karami ang mga pagbabago kumpara sa mga nakaraang taon, mahalaga pa ring malaman kung ano ang naiiba.

    $0 na Pagtaas ng Hangganan ng EFCIsang mahalagang bahagi ng FAFSA ang pagkalkula ng EFC o Estimated Family Contribution (Tinatayang Kontribusyon ng mga Pamilya). Ito ay halaga mula sa sariling bulsa na inaasahang bayaran ng isang pamilya para sa edukasyon ng kanilang anak. (Tandaan: ito ay isang tantiya, hindi saktong numero na kinakailangang bayaran ng iyong pamilya). Depende sa nakalkulang EFC, magbibigay ang FAFSA sa mag-aaral ng partikular na halaga ng tulong o loan.Dati, ang hangganan sa kita para sa awtomatikong $0 na EFC ay $26,000. Ibig sabihin nito, kung ang isang pamilya ay kumita ng mas mababa sa $26,000, hindi sila inaasahang magbayad mula sa kanilang bulsa ng kahit anong halaga at magiging kwalipikado sila para sa mas maraming pinansiyal na tulong.Para sa 2021–2022 na taon ng paaralan, tinaasan ng FAFSA ang hangganang iyon sa $27,000.

    Handa Nang Magsumite ng FAFSA?Walang malaking pinagbago ang form ng 2021–2022 FAFSA–na makakatulong sa marami. Pareho lamang dati, mahalagang tandaan ang anumang mga pagbabago at ayusin ang iyong mga sagot ayon dito. Sa huli, mahalagang ilagay ang pinakamay-kaugnayang impormasyon upang makuha mo ang tulong na nararapat sa iyo.Kung sa anumang dahilan ay nagsumite ka ng pagkakamali o nagbago ang iyong katayuang pinansiyal pagkatapos mong magpasa ng FAFSA, tiyaking itama ang impormasyon sa lalong madaling panahon.Magbubunga rin ang pagsisikap na inilaan mo sa pagpasa ng FAFSA. Ang mga pederal na gantimpala, loan, at access sa work study program (programa ng magkasabay na pag-aaral at pagtatrabaho) ay makakatulong sa mga mag-aaral na makatapos ng kolehiyo. Tandaan, karaniwang mas may pleksibilidad ang pederal na tulong kaysa sa mga opsiyon sa pribadong loan.Kung ito ang iyong unang beses na magpasa, o kung nais mo ng pagbabalik-tanaw, tiyaking tingnan ang aming gabay sa bawat tanong sa FAFSA!Mga Update sa 2021-2022 FAFSA Na Dapat Mong Malaman! (collegeraptor.com)

    Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa 2021-22 FAFSA

    © 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

    ADMINISTRASYONRay Cogburn, Punong Tagapagpaganap

    Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

    Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net

    Cory Green, Associate CommissionerKagawaran ng mga Kontrata,

    Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTexas Education Agency

    1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telepono: (512) 463-9734

    www.tea.texas.gov

    Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, Aleman at Koreano.

    EDITORTerri Stafford, Tagapag-ugnay

    Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

    [email protected]

    The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya)