3
Ako ay ACC Pulis By Darren N. Naelgas (to be delivered by Ian Lovic Molo, CRIMSING Department) PPrrrrrt………….. Tigil! Police ‘to… Lalong lumalala ang problema ng mga ilegal na droga sa ating bansa, laganap ang ibat-ibang klase ng krimen na ang numero unong dahilan ay mga ipinagbabawal na gamot. Siguro masasabi natin na kahit saang parte sa Pilipinas ngayon ay may ganitong aktibidades, hindi man bulgar at pasimple lang pag kumilos ang mga galamay nito, lalo na sa mga siyudad at maging ang buong metro Manila ay maraming mga drug lords na walang pakundangang naninira sa kinabukasan ng mga mamayan lalo na sa kabataan ngayon. Maraming pagdududa na may sabwatan sa pagitan ng mga awtoridad at mga drug lords kaya patuloy ang paglaganap ng ganitong klase ng krimen, at iisa lamang ang dahilan, ang limpak-limpak na salaping kikitain sa pagbebenta ng ipinagbababawal na gamot na ito. Mga hoodlums in uniform sa military at kapulisan at maging mga pulitiko ay maaring sangkot sa mga ganitong gawain, kaya nahihirapan ang mga ahensiya na inaatasan ng ating gobyerno para sugpuin ang mga kabuktutan sa lipunan. Ngunit baka isipin ninyong napaka hipokrito ko naman upang ilaglag ang mga gahamang pulis na ako nga’y nag-aaral din upang maging isa sa kanila. Ngunit hindi, hindi ako makikipag plastikan pa sa inyo, hindi ako naririto upang takpan ang kamaliang ginagawa ng mga taong mapag balat kayo sa pusisyon. Nandito ako upang manindigan, upang ipabatid sa lahat na iba ang mga aral na ipinunla sa akin ng Aklan Catholic College lalong lalo na ng Criminology Department upang iwasan at hindi tularan ang mga ganung klaseng pulis sa kasalukuyan. Oo kaming mga ACC pulis ag babago sa mukha ng makabagong lipunan. Ako’y kabataang handang tumanggap ng bawat aral na maaari kong gamitin sa pakikidigma laban sa masamang bisyo. Mulat ang aking isipan sa mga nangyayari ngayo sa lipunan at alam ko ang tama sa mali dahil sa mga aral ng paaralang ito.

Talumpati CRIM

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Speech

Citation preview

Page 1: Talumpati CRIM

Ako ay ACC PulisBy Darren N. Naelgas

(to be delivered by Ian Lovic Molo, CRIMSING Department)

PPrrrrrt…………..

Tigil! Police ‘to…

Lalong lumalala ang problema ng mga ilegal na droga sa ating bansa, laganap ang ibat-ibang klase ng krimen na ang numero unong dahilan ay mga ipinagbabawal na gamot. Siguro masasabi natin na kahit saang parte sa Pilipinas ngayon ay may ganitong aktibidades, hindi man bulgar at pasimple lang pag kumilos ang mga galamay nito, lalo na sa mga siyudad at maging ang buong metro Manila ay maraming mga drug lords na walang pakundangang naninira sa kinabukasan ng mga mamayan lalo na sa kabataan ngayon.

Maraming pagdududa na may sabwatan sa pagitan ng mga awtoridad at mga drug lords kaya patuloy ang paglaganap ng ganitong klase ng krimen, at iisa lamang ang dahilan, ang limpak-limpak na salaping kikitain sa pagbebenta ng ipinagbababawal na gamot na ito. Mga hoodlums in uniform sa military at kapulisan at maging mga pulitiko ay maaring sangkot sa mga ganitong gawain, kaya nahihirapan ang mga ahensiya na inaatasan ng ating gobyerno para sugpuin ang mga kabuktutan sa lipunan.

Ngunit baka isipin ninyong napaka hipokrito ko naman upang ilaglag ang mga gahamang pulis na ako nga’y nag-aaral din upang maging isa sa kanila. Ngunit hindi, hindi ako makikipag plastikan pa sa inyo, hindi ako naririto upang takpan ang kamaliang ginagawa ng mga taong mapag balat kayo sa pusisyon. Nandito ako upang manindigan, upang ipabatid sa lahat na iba ang mga aral na ipinunla sa akin ng Aklan Catholic College lalong lalo na ng Criminology Department upang iwasan at hindi tularan ang mga ganung klaseng pulis sa kasalukuyan. Oo kaming mga ACC pulis ag babago sa mukha ng makabagong lipunan.

Ako’y kabataang handang tumanggap ng bawat aral na maaari kong gamitin sa pakikidigma laban sa masamang bisyo. Mulat ang aking isipan sa mga nangyayari ngayo sa lipunan at alam ko ang tama sa mali dahil sa mga aral ng paaralang ito.

Handa akong manindigan upang maituwid ang ganitong kasamaan sa lipunan at sisimulan ko ito sa aking sarili. Oo sa disiplina sa sarili ang siyang kulang ngayon sa bawat isa sa atin at kahit sa mga paaralang hindi iniisip ang kinabukas ng kanilang nasasakupan.Kung lahat ng mga mag-aaral ay tinuturuan ng disiplina sa sarili upang iwasan ang masasang epekto ng droga, sigurado akong walang krimenalidad na nangyayari ngayon sa lipunan.

Kaibigan, mapalad tayo at ditto natin inilaan an gating buhay sa paaralang ito, mapalad tayo sapagkta mabuti ang bawat programa ng ACC upang matugunan ang lahat n gating pangangailangan sa hinaharap. Dito sa paaralang ito tayo magsisimula sa pag hulma ng maayos at masayang lipunan.

Dito natin huhulmahin ang masagana at matiwasay na lipunan sapagkat gabay natin ang bawat aral na siyang magdadala sa atin sa pedestal ng kabanalan.

Page 2: Talumpati CRIM

Iwasan natin ang masamang bisyo sapagkat walang lugar ang mga ito dito sa ating paaralan at wala itong magandang maidudulot sa ating buhay. Kung lahat tayo ay may disiplina sa sarili at kung lahat tayo ay makikinig sa ating mga guro sa bawat aral na kanilang ipinunla sa atin tiyak lahat tayong magiging mabuting ehemplo sa baying ito. Tayo ang magiging kasagutan sa patuloy na pagkasira sa mukaha ng kabataang Pilipino, tayo ay magtutuwid sa maling landas na sinimulan ng kapwa natin mag-aaral na nalihis ng landas. Tayo ang sasagot sa bawat pag-uusig ng hinaharap. Tayo ang makikipaglaban upang matuldukan ang pagdanak ng dugo, pagkitil ng buhay at laganap ng krimenalidad sa lipunan.

Tama, tayong mga ACC Police, tayong lahat na ACCian, tayong mga kabataang naninindigan laban sa droga, laban sa katiwalian at laban sa kriminalidad.

Prrrrrrrrrrrt…………..

"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. Do you understand the rights I have just read to you? With these rights in mind, do you wish to speak with me?"