14
I. Introduction “ May Isang Sundalo ’’ Ang dulang “ May Isang Sundalo ” ay tungkol sa dalawang pangunahing karakter ng isang sundalo at ng isang babaeng bayaran. Ang sundalo na sa kabila ng pagkakaroon ng kalakasang pisikal sa kanyang uniporme, at baril na hawak naroon ang kalungkutang nagkukubli. Ang Babaeng bayaran na nais makaalpas sa kahirapang kinasadlakan at naging biktima ng masamang kapalaran. Ang kwento ng nakaraan at kasalukuyan sa kanilang buhay at sa magulong paligid na kanilang ginagalawan. Dito umikot ang kanilang mga buhay ang kwento ng “ May Isang Sundalo”. Ang dulang ito ay ay nagpapakita ng reyalidad ng bawat karakter. Ang sundalo na naglalarawan sa isang katauhang may paninindigan, may lakas ng loob, matapang, tapat sa tungkulin, ngunit sa kabila ng mga iyon naroon ang kahinaan . Ang kahinaang ito ay nagpapatunay na sa bawat tao matatag man sa labas naroon ang bawat kahinaan sa bawat isa. Ang kanyang pamilya, ang kanyang kapatid ang naging Dahilan ng kanyang kahinaan. Ang babaeng bayaran maagang naging biktima ng kahirapan. Hindi man nya kagustuhan maging alipin ng maruming trabaho pinilit maging matapang na harapin ang buhay sa maruming paraan kanyang nalalaman. Ang karakter na ito ay nilalarawan ang isang katauhan ng isang taong naligaw ng landas ngunit mas piniling maging matapang ang hindi tunutungo ang tama. Characteristic Ang bawat karakter ay binigyan ng simpatya sa isang eksena kung saan nagkaroon ang sundalo (ginanapan ni Charles Mingo) at ang babaeng bayaran (binigyang buhay ni Angeline Marie Sembrano) ng isang diskusyon. Dito inilabas ang mga damdamin ng bawat karakter dula. Ang sundalong nagsisilbing instrumento at tagapagpanatili ng kapayapaan sa lugar na iyon. Ang babaeng kapit sa patalim upang patuloy na

Term Paper 2

  • Upload
    keziah

  • View
    42

  • Download
    7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

term paper

Citation preview

Page 1: Term Paper 2

I. Introduction “ May Isang Sundalo ’’

Ang dulang “ May Isang Sundalo ” ay tungkol sa dalawang pangunahing karakter ng isang sundalo at ng isang babaeng bayaran. Ang sundalo na sa kabila ng pagkakaroon ng kalakasang pisikal sa kanyang uniporme, at baril na hawak naroon ang kalungkutang nagkukubli. Ang Babaeng bayaran na nais makaalpas sa kahirapang kinasadlakan at naging biktima ng masamang kapalaran. Ang kwento ng nakaraan at kasalukuyan sa kanilang buhay at sa magulong paligid na kanilang ginagalawan. Dito umikot ang kanilang mga buhay ang kwento ng “ May Isang Sundalo”.

Ang dulang ito ay ay nagpapakita ng reyalidad ng bawat karakter. Ang sundalo na naglalarawan sa isang katauhang may paninindigan, may lakas ng loob, matapang, tapat sa tungkulin, ngunit sa kabila ng mga iyon naroon ang kahinaan . Ang kahinaang ito ay nagpapatunay na sa bawat tao matatag man sa labas naroon ang bawat kahinaan sa bawat isa. Ang kanyang pamilya, ang kanyang kapatid ang naging Dahilan ng kanyang kahinaan. Ang babaeng bayaran maagang naging biktima ng kahirapan. Hindi man nya kagustuhan maging alipin ng maruming trabaho pinilit maging matapang na harapin ang buhay sa maruming paraan kanyang nalalaman. Ang karakter na ito ay nilalarawan ang isang katauhan ng isang taong naligaw ng landas ngunit mas piniling maging matapang ang hindi tunutungo ang tama.

Characteristic

Ang bawat karakter ay binigyan ng simpatya sa isang eksena kung saan nagkaroon ang sundalo (ginanapan ni Charles Mingo) at ang babaeng bayaran (binigyang buhay ni Angeline Marie Sembrano) ng isang diskusyon. Dito inilabas ang mga damdamin ng bawat karakter dula. Ang sundalong nagsisilbing instrumento at tagapagpanatili ng kapayapaan sa lugar na iyon. Ang babaeng kapit sa patalim upang patuloy na makapamuhay at may tinatagong galit sa mga sundalong naroroon.

Ang dulang ito ay nagpapakita ng dalawang tao sa magulong mundo na naghahanap ng kasagutan sa kanilang kalituhan mga karanasan na sa kanilang buhay na may kapaitan. At ang aspeto at mga bagay na nagpagulo sa

Page 2: Term Paper 2

kanilang pamumuhay sa kasalukuyan. Ito ang karakter ng dalawang pangunahing tauhan sa kwento

Buod

Tagpuan: Sa bahay ng babaeng babaeng bayaran. Sa lugar kung saan ang sundalo ay nakabase.

Ang sundalo ay tinungo ang bahay ng babaeng bayaran. Sa una ay naisip ng babae ang na ang pakay nito ay ang panadaliang aliw na kanyang inanaalok niya sa bawat sundalong tumutungo sa kanya. Ang ngunit ang tanging pakay nito sa kanya ay makausap sya sa mga oras na iyon. Lingid sa babae na ang sundalo ay may makababatang kapatid na syang nagpapaalala nito sa kanya.

Nagpakilala ang sundalo silay nag-usap ng mga bagay na nakikita nila sa kanilang lipunan at sa magulong kapaligiran kung saan sila ay naroroon. Ang ang lipunan kung saan sila ay kabilang at pangyayaring nagtaboy sa kanila sa ganoong uri ng pamumuhay. Ang kalupitang nangyayari sa kanilang kapaligiran ang mga pagpapahirap ng mga sundalo sa mamamayan roon.

Nagkaroon sila ng isang diskusyon mainit na pagtatalo tunkol sa kanilang lipunan ang mga mamayan nagdurusa ang mga sibilyan . Dito nasabi ng babae ang kanyang damdamin ang pagkamatay ng kanyang ama dahil sa kamay ng mga sundalo. at ang damdamin ng sundalo sa kanyang kapatid na sumama sa mga rebeldeng lumalaban sa pamahalaan. nagtapos ang pagtatalong ito malaman nila kung sino ang tunay ng biktima ng magulong lipunan.

II. Moral Lesson

Ipinakita sa dula ang magkaibang katauhan sa magkaibang pananaw. Ang aral na dula ay hindi sa dahas nasusulusyunan ang mga promblema . Kailangan magkaroon

Page 3: Term Paper 2

ng lakas ng loob upang patuloy na harapin ang buhay na kayaning iaahon ang sa sarili sa suliranin o kahiraping umaalipin. Na ikaw mismo ang pumipili sa sarili mo kung anong ladasin ang gusto mong tahakin at hindi dapat magkubli sa nakaraan.

III. Recommendation/ Conclusion

Recommendation:

Ang “ May Isang Sundalo ’’ ay may malalim na kahulugan at sa aming palagay mas naging malinaw sana ang dula kung naipakita ang mga detalyeng nagpapakita ng paglilinaw sa istorya at ang aktwal na mga pangyayari sa labas. Ang literal na kapaligiran sa lugar na iyon. Maiimukahi namin na mas makakainam sana kung ang ipinakita ang bawat tagpo sa dula kung saan nagsimula ang bawat buhay ng mga tauhan dito. Kung saan pinakita ang mga pangyayari sa kanilang buhay bago ang kanilang pagtatagpo . At mas nakainam din sana kung mayroon itong magandang wakas ang kinahantungang ng mga buhay nila pagkatapos ng kanilang pagtatagpo.

Conclusion :

At sa aming hinuha ang dulang ito ay nagpapakita ng mga masidhing damdamin tungkol sa pamahalaan, pamilya at sa bahagi ng kahirapan ng mga mamayan ang mga tunay na biktima tulad ng nararanasan natin sa ating bayan ngayon. Nalaman namin at natutunan sa dulang ito ang kahalagahan ng kapayapaan hindi lang sa pamilya at sa sarili. Kung papano tahakin ang kawastuhan sa gitna ng kalituhan, na tayo rin ang pagpapasya ng pagbabago sa pamahalaan man sa sarili o sa buhay na gusto nating tahakin. Maaring, tayo man ang biktima sa ngayon ngunit huwag natin hayaan na masadlak sa masama at magulong kapalaran ang ating buhay.

Page 4: Term Paper 2

Mga Damdamin at Reaksyon ng Nagsiganap

“May Isang Sundalo”

Charles Mingo & Angeline Marie Sembrano

Ayon sa kanila tulad din ng iba sila mga simpleng mag-aaral din na miyembro ng tiatro ng malaman nilang magiging bahagi sila ng dula at ang magsisiganap sa papel ng sundalo (Charles Mingo) at ang babaeng bayaran (Angeline Sembrano) ay masaya sila. Naroon din daw ang kaba at excitement sa kanilang pagganap. Dahil bukod sa mapapamalas nila aking galing nila sa pag arte maipapakita din nila ang ibang katauhan ng mga karakter sa dula. Dahil ang ito ay nagpapakita rin ng mga pangyayari sa reyalidad ng buhay pinaghusayan nila at ininsayo ang kanilang mga sarili upang masiyahan ang mga manonood at kapulutan din ng aral.

“Tagsibol”

Joyce Ann Masongsong, Junlie barcenas, Mark Jay Belo, Lovely Sanches, & Genesis Maines

Tulad nila masaya din kami ay kami ang nagsiganap sa mga karakter ng tagsibol. Excited din kami dahil ang dula ay may pagkakwela at nakakaaliw kailangan naming magpatawa dito. Ayon kay Joyce Ann (Ibyang) ang karakter niya ay talagang gusto niya dahil ito ay magbibigay ng inspirasyon sa tulad niyang kabataan. Lovely (Aling Berang) medyo taklesa ang karakter ko dito maayos ko naman nagawa at siguro na gustuhan naman ng mga nanood. Junlie at Novelito (Leloy at Danny) sana naaliw namin at nabigyan ng aral ang mga

Page 5: Term Paper 2

tumangkilik ng aming dula kasi mahirap din ang aming karakter namin dito kami ang may pinakamaraming eksena. Genesis (Mang Berong) ang sabungero kung papel dito hindi naman ako ganon sa tunay na buhay pero nag-enjoy naman ako sa aking pagganap kaming lahat masaya sa kinalabasan ng dula dahil nagustuhan nyo ito.

I. Introduction

“Tagsibol”

Ang dulang “Tagsibol” ay imikot sa tatlong kabataan at ang kanilang buhay pag-ibig na may ibat ibang paglalarawan sa murang isip at damdamin ng mga karakter. Ang istorya ng tagsibol ay patungkol sa mga kabataang at ang simula ng pagsibol ng kanilang mga damdamin sa kanil;ang kapanahunan. Ipinakikita dito ang pag-iisip ng mga kabataan sa estado ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga.

Sa pag-ikot ng istorya nagtatagisan ang dalawang binatilyo para sa puso ng dalagita. Nakikita ang paghahangad ng mga ito na mahigitan ang isat-isa upang makuha ang simpatya ng dalagitang si Ibyang. Ang estilo rin ng pamumuhay ng mga ito ay ipakikita. Ang mga nakakaliw na mga magulang ng dalagita at ang mga kaugalian sa probinsya.

Characteristic

Ang mga pangunahing karakter si Ibyang (Joyce Ann Masongsong) ang dalagitang sinisinta ni Leloy (Junlie Barcenas) may amang doktor. Si Danny (Mark Jay Belo) na may kakatwang karakter, katungali ni Leloy sa puso ni Ibyang.

Page 6: Term Paper 2

Ang mga sumusuportang karakter ang mga magulang ni Ibyang. Si Mang Berong (Genesis Maines) ang mahilig sa sabong na ama ng dalagita at ang kanyang ina si Aling Berang (Lovely Sanches). Ito ang mga karakter na magbibigay ng buhay sa dulang “ Tagsibol”.

Buod

Tagpuan: Sa probinsya , sa karinderia ni Aling Berang

Sa kainan ni Aling Berang naroon ang kanyang asawa niyang si Mang Berong na mahilig sa sabong. Habang ang nagbabantay roon ay si Ibyang ang nag-iisang anak nila at kumakain ang mangliligaw nitong si Leloy . Nagtatapat ito ng pag-ibig sa dalaga ng dumating si Danny karibal nito sa puso ng dalagita. Nagtagisan ang mga binatilyo upang makuha ang pansin ng dalagita. Ang mga binatilyo ay magkaibang ugali at katangian kaya naman si Ibyang ay nagkakaroon ng kalituhan. Dumating ang ama ni Ibyang si Mang Berong na natalo sa sabong nagpang-abot ang magasawa sa puntong iyon ay nasaksihan din ng mga binatilyo ang pagtatalo ng mag-asawa. Sa huli si Leloy ang nagwagi ngunit ang pag-iibig sa pagitan nila’y dapat maghintay.

Moral Lesson:

Ang pag-ibig sa mga kabataan ay may tamang oras, ang pagiging mapusok ay hindi nakakatulong sa pagdedesisyon. Ito ay nakapaghihintay at dumarating sa tamang panahon. Ang tagsibol ng mga kabataan ay bahagi ng ating buhay na pinagdaraanan ng lahat.

Page 7: Term Paper 2

III. Recommendation/ Conclusion

Ang tagsibol ay isang dulang may pagkakwela ngunit kapupulutan din ng aral. Maganda naman ang kinalabasan nito magaling ang mga nagsiganap . Ang mga karakter ay magagaling mahirap ang magpatawa sa mga manonood ngunit nagawa nila ito ng maayos at nagpaaliw sa bawat isa. Lalo na mga sumusuportang karakter na sina Aling Berang at Mang Berong sila’y nagbigay ng dagdag na kwela sa kwento sila ang mga pinakakatuwang esksena sa dula. Ang mga binatilyong naagawan sa puso ni Ibyang ay mahuhusay din, ang pagtatagisan nila ng galing ay nagpakita ng pagnanais nilang makamtan ang pag-ibig ng dalagita na nagbigay na kulay sa sa dulang ito. Ang pinag-aagawang si Ibyang at mahusay din, ang pagkamahinhin nya natural at umangkop sa kanya pag-arte.

Kaya’t masasabi naming kuntento at nasiyahan kami sa kwento . Pumukaw sa aming interes ang dulang ito dahil tulad mga karakter kami rin ay kabilang sa mga kabataang nagsispagsibol. Ang mga kabataan tulad namin ay madaling nadadala ng emosyon kaya’t naging inspirasyon sa amin si Ibyang. Natutunan namin at nalaman na ang pag-iibigan sa pagitan ng mga kabataan at nagdudlot ng kalituhan, pagtatalo, at pagkakasundo. Ngunit maari din naman maghintay ang mga kabataan sa tamang panahon ng pagdating ng tunay na pagmamahal. Mas makabubuti kung sa panahon ng ating pagsibol ay gawin na lamang nating inspirasyon ano man ang ating damdamin. At pinakamahalaga

Page 8: Term Paper 2

ang pagpapahalaga natin sa ating sarili at pag-eenjoy sa panahong ito.

The Cast of “ May Isang Sundalo” with us

Page 9: Term Paper 2

The Cast of “ Tagsibol” With us

Page 10: Term Paper 2

PRODUCTION STAFF:

Production Manager : Novelito PaezDeputy Production Manager : Ivy MacalaladMarketing Head : Junlie BarcenasFinance Manager : Ma. Kris TransfiguracionMarketing Officers : Joyce Ann Masongsong

Genesis Maines Mark Jay Belo Kevin Roi Ramos

Publicity and Promotions : Marc Ian TingProduction Supervisors : Michael Sabaulan

Maricar Del MonteProduction Chief : Lovely SanchezSouvenir & Production Invitations : Angeline Marie SembranoUsherettes : all artists

ARTISTIC STAFF:

Stage Managers : Mary Jane Cagampang

: Eunice FuloAssts. Manager : Renn Richard Acomular

: Veronica SorianoSet & Props Designers : Prince John Lorenzo

: Patrick De LimaLights Designers : Charles Mingo

: Kenneth Yu: Ramilio Penaverde

Sounds Supervisor : Dominique Velasco: Lloyd Jay Pintal

Artistic Director : Ms. Erlinda P. Lemence

Casts:

Page 11: Term Paper 2

Sundalo : Charles MingoBabaeng Bayaran : Angeline Marie Sembrano

Leloy : Junlie BarcenasDanny : Mark Jay BeloIbyang : Joyce Ann MasongsongMang Berong : Genesis MainesAling Berang : Lovely Sanches

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (EARIST)

COLLEGE OF BUSINESS AND PUBLIC ADMINISTRATION

PROJECT IN PHILIPPINE HISTORY AND CONSTITUTION

Submitted by:

Aiza P. DomingoEdna Benitez

Page 12: Term Paper 2

BSOA I-6Submitted to:

Mr. Garry Gaviola Professor