Upload
j2daq
View
282
Download
7
Tags:
Embed Size (px)
Citation preview
Pagkakasunod-sunod ng mga pahina ng papel
De La Salle Lipa
Saint Brother Jaime Hilario FSC Learning Community
“Anak ng Jueteng: Paggagad sa mga Suliraning Hatid ng Modernong Kahirapan”
Isang Pagsusuri at Pananaliksik
Bilang Isang Kailanganin sa
Filipino 11
Isinumita kay:
G. Darius Cantos
Isinunita nina:
Joy Ann Caraan
Joyce Tubo
Shiela Marie Aguila
Cj Salido
Princess Sarah Virtudazo
Jeanette Anne Umali
Alex Fransisco
Elizabeth Magboo
Marso 2012
PANIMULA
I. Panimula
Sa bawat sugal sa buhay ng tao nandiyan ang pagka-panalo ngunit hindi mawawala ang
pagkatalo. Sumablay man sa desisyon, hindi matatapos ang pagkakataon upang maisa-ayos muli
ang pagkakamali. Maliit man ang pag-asang makaahon at makabalik sa tamang daloy ng
pamumuhay doble naman ang maaaring makamit kung ito ay pagsisikapan. Maaaring isugal ang
buhay ngunit walang kasiguraduhan ang mga ito sa mundo ng Jueteng. Dahil sa bawat yugto nito
ay mayroong magtatagumpay at mayroong matatapakan.
Ang Jueteng ay patuloy na nanunuot sa ating lipunan. Marami man ang nagnanais na ito ay
buwagin, ito ay hindi tuluyang mawawasak. Marami ring mga Pilipino ang nakadepende ang
kabuhayan sa Jueteng. Kinapapalooban din ang Jueteng ng jargon o mga espesyal na salita na
naiintindihan lamang ng mga taong may kinalaman dito.
Isang salitang naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ay ang
Jueteng maging siya man ay isang ordinaryong mananaya, kubrador, cabo, banca, o kung anu pa
man. Isang salita na nauunawaan hindi lamang ng mga mahihirap kung hindi maging ng mga
taong nasa alta-sosyedad o ang mga naghaharing uri. Isang salita na nakaukit na sa ating kultura.
Mananatili ang Jueteng sa bokabularyo ng mga Pilipino hangga’t may mga taong naghahalu-halo
ng mga numero para matsambahan ang tamang kumbinasyon nito.
Sa pelikulang Kubrador, ito ay tungkol sa buhay ng isang kubrador na nagsisikap
mangolekta ng taya sa mga tao araw-araw. Kahit na pinaghaharian ng takot na baka mahuli ng
mga buwaya sa kanyang lipunan ay sinuong pa rin niya ang panganib at hirap ng pangungubra.
Sa pagsususring papel na ito ay iniuugnay ang Teoryang Pampanitikang Marxismo upang
mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at
mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas; ng
mahirap ang mayaman. Ginagamit ang mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan
at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan..
A. Layunin at Suliranin ng Pag-aaral
Ang pagsusuring papel na ito ay tungkol sa suliraning hated ng modernong kahirapan
patungkol sa Jueteng na inuugnay sa Teoryang Pampanitikang Marxismo. Sa pagsususirng papel
na ito naghanap ang mga mananaliksik ng iba pang impormasyon upang mapalawak ang mga
paksang napapaloob sa Teoryang Marxismo at pelikulang Kubrador.
Ang mga tanong na naisagwa ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang Jueteng?
2. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit hindi mamatay-matay ang Jueteng sa Pilipinas?
3. Ano ang estado sa buhay ng mga kubrador?
4. Paano naging daan ang Jueteng sa kahirapan?
5. Paano naging solusyon ang Jueteng sa kahirapan?
B. Kahalagahan
Ang pagsusuring ito ay mahalaga upang makapaghatid ng impormasyon hindi lamang sa
mga manunuri kung hindi pati na rin sa mga mambabasa. Ito ay maaaring makatulong sa mga
taong interesado at nais umusisa sa paksa ng pagsusuring papel na ito.
Mahalagang malaman ng mga mambabasa ang kahirapang hatid ng Jueteng sa modernong
panahon. Nais din ng mga mananaliksik na mamulat ang mga mambabasa sa mga bagay na
nakapaloob sa Jueteng.
C. Suliranin at Limitasyon
Ang pagsusuring papel na ito na pinamagatang “Anak ng Jueteng: Paggagad sa mga
Suliraning Hatid ng Modernong Kahirap” ay sumasaklaw sa pag-uugnay ng Teoryang
Pampanitikang Marxismo at Jueteng sa mga mahihirap. Subalit hindi nito saklaw ang mga
impormasyong may kinalaman sa iba pang teoryang pampanitikan na makikita sa pelikulang
Kubrador.
KAUGANAY NA LITERATURA
II. Kaugnay na Literatura
Pagkataong Pilipino
Ayon kay Ursula V. San Pablo, tinalakay niya ang iba’t ibang kahulugan ng sugal, mga
dahilan kung bakit nagsusugal ang isang tao, mga uri nito at mga epekto nito sa manunugal.
Tinalakay rin niya rito ang kasaysayan ng sugal sa Pilipinas.
Ilan sa mga nakasaad na kahulugan ng sugal ay ang pagpupusta ng isang bagay na may
halaga, pagbabakasakali o pagsubok sa suwerte at pagkakaroon ng kaligayahan sa pakikipagbuno
sa kapalaran. Pampalipas-oras, katutubong hangarin, bisyo at daan upang sumandaliang
makalimutan ang problema ang ilan sa mga dahilan ng mga tao kung bakit sila nagsusugal. May
mabuti at masamang epekto naman ang sugal sa mga tao – depende na sa isang manunugal kung
paano niya ito dadalhin.
Batay din sa kanyang salig ng pag-aaral may apat na uri ng sugal. Ito ang sugal – bata,
sugal ng matatandang babae o mga may bahay, sugal ng mga kalalakihan at sugal para sa lahat.
Ang jueteng ay kabilang sa uri ng sugal na para sa lahat. Tinalakay rin nito ang kasaysayan ng
sugal sa ating bansa. Ayon din sa kanya, bago dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa,
iisa lang ang kinagigiliwang sugal ng mga Pilipino – ang karera ng kalabaw at hilahan nito. Hindi
nagtagal ay itinigil rin nila umano ito sapagkat napagtanto nila na malaki ang naitutulong ng mga
kalabaw sa kanilang pagsasaka. Nang dumating ang mga Kastila sa bansa, dala nila ang Kastilang
baraha at sabong na kanilang pinalaganap sa buong kapuluan. Lalo pang lumaganap ang sugal
noong panahon ng Amerikano. At noong ipataw ang Martial Law, nakabawas ito nang malaki sa
paglaganap ng sugal sa bansa. Ngunit hindi pa rin tuluyang huminto ang pagsusugal ng mga
Pilipino. Likas na nga raw sa ating mga Pilipino ang kahiligan sa pagsusugal.
Anatomiya ng Jueteng
Batay sa librong “The Anantomy of Gambling” na isinulat ni Ret. Police Director
Wilfredo R. Reotutar ay tumatalakay sa iba’t ibang uri ng sugal – kung paano laruin ang mga ito,
ang kayarian nito, mga kagamitang ginagamit sa mga sugal na ito at maging ang mga taong
bumubuo rito. Tinalakay rin ng may-akda ang eksistensiya ng sugal, sistema ng pagtaya, mga
argumento hinggil sa sugal, mga pangunahing simulain ng sugal at iba pa. Isa sa mga uri ng sugal
na kaniyang tinalakay rito ay ang jueteng na kung saan marami siyang isiniwalat tungkol rito.
Inihayag niya sa librong ito na ang jueteng ay isang laro ng mga mahihirap at may-kayang
pamilya. Na ang mga taong ito ang nagpapanatili sa operasyon ng jueteng. Sinabi rin niya rito na
malaking bilang ng mga Pilipino ay nakadepende ang kabuhayan sa jueteng sapagkat wala na
silang ibang paraan na alam na hanapbuhay maliban dito. Sila ay nagtatrabaho rito bilang mga
cobrador, cabo, revisador, bolador at iba pa.
Isiniwalat niya ang nagaganap na dayaan sa jueteng. Bago pa man umpisahan ang bolahan,
natignan na nang mabuti ang listahan ng mga taya at ang kombinasiyon na walang taya o di kaya
ay may pinakamaliit na taya ang siyang karaniwang nananalo. Bihira lamang silang nagpapanalo
ng malaking taya at gagawin lamang nila umano ito upang makahikayat ng mas marami pang
mananaya.
Isiniwalat rin niya na 30 porsiyento ng kabuuang koleksyon sa operasyon ng jueteng ay
napupunta sa “protection racket” nila. Ito ay kinabibilangan ng mga opisyales ng gobyerno at
kapulisan, maging siya man ay nasa mataas o mababang posisyon. Binibigyan nila ang mga ito ng
suhol upang hindi magambala ang operasyon ng jueteng. Kapalit ng suhol ay ang pagbibigay
proteksyon sa mga ito.
Makikita natin na ang pinakamataas na posisyon sa jueteng ay ang gambling lord o ang
tinatawag nilang banca o “financier”. Kapantay naman ng banca ang mga benepisyaryo o
intelligencia nito sapagkat sila ang nagbibigay proteksiyon sa operasyon ng jueteng at tulad niya
ay may mataas ding posisyon ngunit sa gobyerno naman ito. Sumunod naman ang coordinator o
ang tinatawag nilang table manager o jueteng operator.Sa management naman, dito kasapi ang
revisador, caha, watcher, at bolador. Sila ang karaniwang makikita sa mga bolahan. Ikalawa sa
panghuli ay ang mga cabo na siyang pinagdadalhan ng mga cobrador ng kanilang buong
koleksiyon ng taya sa isang araw. Ang cobrador ang pinakamababang posisyon sa opersayon ng
jueteng.
Small Town Lottery kapalit ng Jueteng
Ayon sa ulat pananaw ni Dodie C. Banzuela (San Pablo City, December 6, 2005) – Kung
matatawag mang “the same dog with different collar” ay ito na nga ang operasyon ng Small Town
Lottery (STL) na nakatakdang ipalit sa jueteng ng Philippine Charity & Sweepstakes Office
(PCSO).
Sa nakalap ng DERETSO na Kapasiyahan Bilang 2005-013 mula sa “Liga ng mga Bayan
sa Pilipinas, Balangay ng Lalawigan ng Quezon”, na pinagtibay noong September 23, 2005 nina
Candelaria Mayor David V. Emralino, Pangulo ng Balangay at Tiaong Mayor Raul S. Umali
bilang siyang Kalihim ng Balangay, ay sinabi nila na:
“Sapagkat ang mga Punong Bayan sa Lalalawigan ng Quezon ay sumasang-ayon na
napapanahon ang Small Town Lottery bilang panibagong gawaing pangkabuhayan na
makakalagak din ng karagdagang pondo para sa mga Pamahalaang Lokal;
“Sapagkat, ang pondong magmumula sa operasyon ng Small Town Lottery ay
makakatulong ng malaki upang higit pang mapag-ibayo ng mga Pamahalaang Lokal ang
pagpapatupad ng mga lingkurang pambayan.
“Dahil dito, sa nagkakaisang mungkahi ng liga:
“Ipinasiya, gaya ng ngayon ay pinagpapasiyahan: Na ipahayon sa Tanggapan ng Swipstik
ng Kawanggawa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Tagapangulo at Pangkalahatang Tagapangasiwa
nito, ang Kgg. Rosario C. Uriarte, ang nagkakaisang pagtanggap ng Liga ng mga Bayan sa
Pilipinas Balangay ng Quezon, sa nagkakaisang pagtanggap sa Small Town Lottery bilang
alternatibo sa illegal na jueteng.”
Una ng sinubukang “ipalit” ang STL sa jueteng sa panahon ni dating pangulong Corazon
Aquino matapos ang People Power 1986.
Tila sa unang pagpapatupad ng STL ay “pumalpak” kaagad sapagkat nagkanya-kanyang
agawan sa pagpapatakbo nito – pulitiko, negosyante, at mismong mga jueteng operator. Kaya
naman hanggang ngayo’y may hinahabol pang mahigit sa 800 milyong pisong diumano’y itinakbo
ng unang namahala sa national operation ng STL.
At sa muling paginit ng usapin sa jueteng ay nakatakdang muling ipatupad ng PCSO ang
STL upang anila pa’y “makabalik” na sa trabaho ang mga dating nawalan ng trabaho sa industriya
ng jueteng. Subalit hanggang ngayo’y wala pa ring malinaw na guidelines na inilalabas ang PCSO.
Ano nga ba ang pagkakaiba ng STL sa Jueteng?
Item Jueteng
STL (Batay pa lamang sa
Unang pananaliksik ng
DERETSO)
Dami ng numerong
paglalabanan 1 – 37 1 – 38
Halaga ng tatamaan PhP 8.00/centavo PhP 9.00/centavo
Gamit sa pagbola
Buliton na aalugin
sa bote
Katulad ng ginagamit sa Lotto
Listahan ng taya o
lastilyas
Puwede kahit sa
palara o kaha ng
sigarilyo
Printed sa newsprint at
kailangan ay 3 kopya na
gagamitan ng carbon paper
Pag-claim ng tama
Pagkabola ibibigay
na ang tama
Within 24-oras
Pagkuha ng Sariling diskarte May endorso mula sa lokal na
empleyado
ng operator
pulitiko
Scope ng operation Kahit saan
Ayon sa impormasyon
pinagaaralan pa kung: By
province or by congressional
district
Main operator Kahit sino PCSO
# of sub-operator Kahit ilan Isa bawat probinsiya or
Congressional district
Ganansya ng
pamahalaan Wala
PhP 5M cash bond & PhP 2M
cash deposit, at iba pang
kaukulang buwis na ipapataw
ng pamahalaan
Intelehensya Regular: Mula Malakanyang
Hanggang Barangay Tanod,
Kasama na ang AFP
& PNP; Media;
Religious Sector; Charity
Institutions
Wala
Irregular: namatayan, Fiesta,
irthday, Public & Private
Schools atbpng. nais mag-
solicit
Gana ng kubrador
6% commission sa ; pamasahe;
engreso bastagan; balato kapag
may patama 7% commission sa Engreso
Proteksyon sa kawani
Sagot ng operator ang
pampyansa kapag nahuli;
anumang oras ay nakakabale;
sagot din ng bangka ang upa sa
boarding house, personal na
gamit (sabon, toothpaste, etc.);
pagkain; pang-goodtime
Wala ng huli; security of
tenure
Paraan ng pagtaya Lalapitan ng kubrador ang
tataya
Ganoon pa rin: Lalapitan ng
kubrador ang tataya
Paraan ng pagkubra
ng napanalunan Dadalhin ng kubrador
Wala pang impormasyon ang
Deretso
Ayon pa sa impormasyong nakalap ng DERETSO, dapat sana’y nakapagsimula na ang
operasyon ng STL noon pang December 1, subalit dahilan nga sa kawalan pa rin ng guidelines na
nagmumula sa PCSO ay hindi pa ito maipatupad.
Ayon pa sa source ng DERETSO, posibleng isa sa dahilan ng pagkabalam ay kung
papaano nga ba ang sistema sa pagbibigay ng kapahintulutan ng PCSO sa magiging sub-operator
nito. Considered na isang government owned and controlled corporations (GOCC) ang PCSO at sa
ilalim ng batas hindi ito maaaring pumasok sa isang kontrata o kasunduan sa pagbibigay nga ng
permit-to-operate.
Sa operasyon ng Lotto, tanging PCSO lamang ang siyang nag-ooperate nito. At iisa
lamang ang kombinasyon ng tamang numero na pinagbabatayan.
Sa STL, na dapat nga’y pamalit sa Jueteng, na kung saan, independent sa bawat isa ang
sinumang jueteng operator sa isang lugar, ay mas maraming kumbinasyon ang tatamaan.
Malaki rin aniya ang magagastos ng magiging sub-operator sapagkat siya ang magpapa-
imprenta ng sulatan ng taya at siya din ang bibili (exclusive na mabibili lamang sa PCSO) ng
gagamitin sa pagbola. Initially, magkakahalaga diumano ang nasabing gamit sa pagbola ng
mahigit sa limampung libong piso.
Makakatiyak din aniya ang mananaya na magiging parehas ang labanan sapagkat ang
gagamitin nga ay katulad ng ginagamit sa Lotto.
Police officials sabit din sa jueteng
Ayon kay John Roson ng Inquirer hindi lamang mga dikit kay Pangulong Aquino ang
tumatanggap ng jueteng payola kundi maging mga heneral at iba pang matataas na opisyal ng
Philippine National Police.
Ito ang panibagong pagbubunyag ni anti-jueteng crusader na si dating Lingayen
Archbishop Oscar Cruz kaalinsabay sa pagsasabi na lalong humahaba ang kanyang listahan ng
mga taong gobyerno na nakikinabang sa iligal na sugal na jueteng.
Sa press conference sa headquarters ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa
Maynila, sinabi ni Cruz na nakipagkita siya sa mga ‘sources’ na maraming nalalaman tungkol sa
jueteng operations.
Anya, higit umanong mas maraming pulis ang tumatanggap sa jueteng kaysa sa mga hindi
tumatanggap.
Ayon kay Cruz, dalawang beses siyang nagpadala ng sulat kay Verzosa hinggil sa jueteng
ngunit dinedma lamang umano siya nito.
Samantala, idinawit naman ni Sandra Cam ang bagong hepe ng pulisya PNP sa jueteng,
gaya ng una na ring sinabi ng isang grupong nagpakilalang Junior Officers of the PNP.
Ayon kay Cam, isa si Bacalzo sa binibigyan ng payola ng isang Delfin Gener alias "Boy
Tangkad", kilala umanong jueteng lord, base na rin sa rebelasyon ni Wilfredo “Boy” Mayor. Si
Cam at Mayor ay kapwa naging testigo sa isinagawang Senate inquiry sa jueteng controversy na
kinasangkutan ng dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo. Itinanggi naman ni Bacalzo ang
akusasyon ni Cam.
Ayon kay Bacalzo, malabo na magkaroon siya ng kaugnayan sa jueteng dahil matagal na
siyang hindi itinatalaga sa labas ng Camp Crame.
Katuturan ng mga Katawagan
Jargon. Ito ay lipon ng mga espesyal na lengguwahe o mga salita na ginagamit ng isang
particular na grupo ng mga tao tulad ng mga dalubhasang manggagamot.
Jueteng. Ayon sa pakahulugan ni Reotutar sa kanyang libro na pinamagatang “Anatomy of
Gambling”, ang jueteng ay isang laro na pinatatakbo ng mga numero na kung saan tatlumpo’t-
pitong (37) numero ay isainasama o inihahalo sa isa pang pangkat ng tatlumpo’t-pito ring
numero upang nakabuo ng iszng kombinasiyon ng dalawang numero o isang total ng 1369 (37 *
37) na kombinasiyon. Ang pinakamababang taya rito ay 25 centavos at ito ay umaabot hanggang
isang daang piso bawat kombinasioyn. Ang jueteng ay isang uri ng sugal na labag sa batas o
illegal na kung saan ang mga mananaya nito ay kabilang sa mga mahihirap at may-kayang
pamilya. Tinatayang limampung milyong piso (P50 M) ang mga tayang nakokolekta o
nasasamsam nila sa isang araw.
Cabo. Ang namamahala at nangangasiwa sa mga cobrador sa isang partikular na lugar na may
operasiyon ng jueteng. Siya ang tagasamsam at tumatanggap ng mga nalikom na taya ng mga
cobrador kasama na rin dito ang mga kopya ng mga listahan ng mga numerong tinayaan. Siya rin
ang naggagarantiya na ang lahat ng mga patakaran ay sinusunod ng mga nasasakupan niyang
cobrador. Siya rin ang nagpapataw ng kaukulang parusa sa sinumang cobrador na lalabag sa
kanilang patakaran. Siya rin ang naghahanda ng listahan ng mga kombinasiyon na mayroong
malaking taya na kanya namang ibibigay sa kanilang banca o financer upang makita kung aling
kombinasiyon ang sisira sa kanilang bankroll.
Cobrador. Ang tagalikom ng mga kombinasiyon at taya ng mga mananaya sa jueteng sa
pamamagitan ng paglilibot sa mga bahay-bahay. Ang isang cobrador ay maaaring isang tindera
sa sari-sari store o bangketa, labandera, tambay o kung sinumang may kakayahang lumikom at
patubuin ang mga taya para sa jueteng. Makikita mo siya na may dala-dalang mga papel at
pluma na kung saan niya isinusulat o inililista ang mga indibidwal na kombinasiyon ng mga
mananaya. Lahat ng kanyang listahan ay mayroong duplicate o kopya para sa mananaya at ang
isa ay para sa kanya.
Table Manager/ Jueteng Operator. Ang namamahala ng mga operasyon sa isang malaking
lugar o sa isang probinsiya. Lahat ng mga cabo at cobrador ay sa kanya kumukuha ng mga
kautusan. Ang mga cabo ay direktang nag-uulat o nagsusumbong at nagbibigay-alam sa kanyang
pansin sa mga malalaking taya ng mga kombinasiyon na maaaring sumira sa kanilang bangko.
Tinitiyak rin niyang protektado ang interest ng banca upang hindi sila gambalain ng mga pulis o
mga opisyales sa gobyerno. Siya ang tagatingin na ang kanilang racket sa proteksiyon ay patuloy
na naisasagawa na ayon sa kanilang plano. Kung may problemang dumating, siya ang gumgawa
ng paraan. Direkta siyang nag-uulat sa “financier” o banca.
Banca. Ang “financier” ng jueteng. Siya ang taga tustos sa lahat ng gastusin sa mga operasiyon
ng jueteng sa isang lugar. Siya ay mayroong malaking “bank accounts” para may pantustos sa
mga gastusin sa kanilang operasiyon at may pambayad sa mga napatamang mga kombinasiyon.
Intelligencia. Ang mga “jueteng protectors.” Ang mga kasapi rito ay maaaring isang opisyal sa
gobyerno, kapulisan, barangay kapitan at iba pa. Sila ang nagbibigay proteksiyon sa mga
operasyon ng jueteng kaya naman maayos na naisasagawa ang isang bolahan sa isang particular
na lugar kahit na labag ito sa batas. Kapalit ng kanilang pagprotekta sa jueteng ay malaki nilang
porsiyento rito.
Caha Ang tagahawak, tagatago, at tagatanggap ng lahat ng perang nakolekta ng mga cobrador
mula sa mga mananaya nito sa isang lugar o lalawigan.
Revisador. Ang tagatsek o tagatingin kung may tumamang numero o wala sa listahan o
papelitos. Siya rin ang tagabilang kung magkano ang naipasok na pera ng isang cabo. Tinitiyak
rin niya na tama ang mga bayarin na nagawa sa mga operasyon ng jueteng.
Look-out/Watcher. Ang tagapagbantay sa labas ng isang lugar kung saan isinasagawa ang
bolahan. Sila ang nagbibigay ng babala sa mga taong nasa loob kung may parating na mga pulis.
Bolador. Ang tagabola sa bolahan ng jueteng.
Pompiyang. Kung magkapareho ang lumabas na kombinasiyon.Halimbawa: 1-1,
4-4, 3-3.
Bastag. Kung ang tumama lamang sa iyong kombinasiyon ay isang numero lamang. Halimbawa:
Ang kombinasiyong tinayaan mo ay 2-9 at ang lumabas naman ay 2-5. Ang numerong 2 lang ang
naitama mo. Bastag ang tawag doon. Isosoli iyong kalahati ng iyong taya pag nangyari iyon.
Pero sa ngayon, tinanggal na ang bastag.
Casas. Ito ang tawag sa tatlong numero hanggang anim na numero na nilagyan ng bracket na
kung saan kapag ang lumabas na kombinasiyon ay mayroon doon sa bracket na iyon, tumama ka
na.
Tumbok at Sahod. Ito ang dalawang parte ng isang taya. Ang tumbok ay ang taya ng isang
mananaya para sa mismo o eksaktong ayos ng kaniyang kombinasiyon habang ang sahod naman
ay ang taya kapag baliktad ang ayos ng lumabas na kombinasiyon kumpara sa kaniyang
tinayaan. Halimbawa: Tinayaan mo ang kombinasiyon na 1-29 ng
Php15 at Php 5. Ang Php 15 ay iyon ang tumbok at ang sahod naman ay iyong Php5. Kung ang
lumabas ay saktong 1-20, ang kikilalanin nilang taya ay ang Php15 pero kung 20-1 naman ang
lumabas, ang kikilalaning taya ay ang Php5 dahil kabaliktaran ito ng iyong tinayaang
kombinasiyon.
Cotejo. Isang papel na listahan ng mga numero o kombinasiyong lumabas noong mga nakaraang
buwan o taon. Ginagawa itong basehan ng mga mananaya sa pagpili at pagbuo ng isang
kombinasiyon.
Papelitos. Ito ang tawag sa papel na karaniwang hawak o bitbit ng mga cobrador kapag sila ay
lumilibot sa mga kabahayan upang kumuha ng mga taya. Dito nila isinusulat ang mga
kombinasiyon na tinayaan ng mga mananaya.
Bulilyo/Tambiyolo. Isang rattan basket na hugis bote o di kaya ay isang karaniwang bote na
binalutan ng packing tape sa labas nito. Dito inilalagay ang bolitas upang kalugin.
Bolitas. Mga maliliit na bilog na may nakaukit na mga numero mula 1 hanggang 37 na
inilalagay sa loob ng bulilyo o tambiyolo.
Jueteng Payola. Ayon kay Añonuevo, ito ay tumutukoy sa kita ng operasiyon ng jueteng sa
bansa.
Jueteng Blue Book. Nakasulat dito ang mga pangalan ng mga taong sinusuhulan ng jueteng
gaya ng barangay tanod at kapitan, konsehal, pulis at iba pa.
Jueteng Country. Ito ay tumutukoy sa lalawigan o bansang tinutustusan ang mga
pangangailangan sa pamamagitan ng jueteng.
III. Batayang Teorya at Konseptual na Balangkas
Batayang Teorya
Teoryang Marxixmo, ito ang teoryang inilapat sa pelikulang “Kubrador” ni G. Jeffry
Jeturan sa agkat sa istorya ng pelikulang ito makikita ang iba’t ibang klase ng tungalian, mayroong
mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api. Mapapasin din natin kung
paano pinakita ng bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang karakter at kung anung katangian
mayroon ang bawat isa.Pinapakita sa teoryang ito ang paglabanan ng malakas at mahina;
mayaman at mahirap. Makabuluhan rin kung paano natalo ng malakas ang mahina ng mayaman
ang dukha. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga
mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng
kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.
Layunin ng teoryang ito ay lantad ang iba’t ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa
suliranin na kanyang kinakaharap. Kaya’t kung atin susuriin mabuti ay tugma ang teoryang
maxixmo sa isang napakagandang pelikulang ito ni G. Jeffrey Jeutrian.
Ang pagsusuring ito ay ibinatay sa Teoryang Marxismo na inilapat sa bawat senaryo o
pangyayari sa Pelikulang Kubradorni G. Jeffry Jeturian. Ipinapakita sa tsart sa ibabang bahagi ng
papel ang paglalapat na ibinatay sa teoryang nabangit.
Senaryong hango sa pelikula Paglalapat ayon sa Teoryang Marxismo
Sa kadahilanang illegal ang Jueteng sa
pelikulang Kubrador ay nahuli si Amelita ng
mga pulis kabilang na ang kanyang mga
kasamahang kubrador. Nakakita si Amelita ng
kakampi sa loob ng batas sa katauhan ng mga
pulis na tumataya rin sa jueteng. Dahilan upang
siya ay madaling mapalaya sa kulungan.
Maipapakita dito ang kapangyarihan ng mga
pulis sa pagpapairal ng jueteng. Dahil dito mas
lalong lumalakas ang jueteng at maraming
mahihirap ang natatapakan.
Naatasan si Amelita na dumalo sa bolahan ng
jueteng. Kung saan siya ay hinuhusgahan ng
mga kabo sapagkat siya ay isang hamak na
kubrador lamang. At ayon sa kanila ay hindi
maaaring pumunta ang isang kubrador sa
bolahan ng jueteng.
Sa loob ng jueteng may nabibigyan ng mataas na
posisyon na nangmamaliit sa mga mababang
posisyon, katulad na lamang ng nabanggit na
sitwasyon na nanggaling sa pelikulang
Kubrador.
Isang Caha na nagbibigay ng suhol sa mga
opisyales ng gobyerno upang hindi nila ilaglag
ang operasyon ng jueteng.
Masasabing ang nagpapatakbo at
nagpapalaganap sa jueteng ay ang salapi; na
kahit ang mga opisyal ng gobyerno ay
nagagawang bayaran ng mga kahero ng jueteng.
Katulad ng maipakita sa pelikulang kubrador. At
ito ay dahilan upang hindi masupil ang jueteng.
Ipinakita ng pelikulang Kubrador ang takot ng
isang kubrador sa mga opisyal ng gobyerno na
maaaring humuli sa kanya.
Dahil sa kapangyarihan ng opisyales
nagkakaroon ng matinding takot ang mga taong
nasa mabababang antas lalo na ang mga taong
kumikita sa illegal na paraan katulad na lamang
ng jueteng.
Konseptual na Balangkas
anak ng jueteng: paggagad sa mga suliraning hatid ng modernong kahirapan
Marxismo
Ano ang jueteng?
An-anu ang mga
dahilan kung bakit
hindi mamataym
atay ang jueteng sa pilipinas?surbey,interbyu,research
Ano ang estado sa buhay ng
mga kubrador?
Paano naging
daan ang jueteng sa kahirapan?
Paano naging
solusyon ang
jueteng sa kahirapan?
Paksa ng Balangkas
Makikita sa itaas ang balangkas na nagawa ng mananaliksik. Napili ng mga mananaliksik
ang ganitong uri ng balangkas sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita kung paano nagawa ng
mananaliksik ang pagsusuring papel na ito. Makikita sa balangkas na ito ang pamagat na
sumisimbulo ng pinakapinapaksa ng balangkas na ginawa. Makikita rin sa balangkas ang teoryang
ginamit ng mga mananaliksik ang teoryang Marxismo. Ito ang napiling teorya ng mga
mananaliksik sapagkat mailalarawan nito ng ayos ang paksang kanilang sinusuri. At sa
pamamagitan nito, malalaman din ng mga mananaliksik ang mga kapangyarihang lumalaganap sa
jueteng. Nariyan din ang mga na tumutulong sa mga mananaliksik na malaman ng ayos ang
kanilang paksa. At sa pamamagitan nito, napapagtanto ng mga mananaliksik ang mga dapat na
malaman. Dumaan sa matinding pagsusuri ang papel na ito, nariyan ang mga surbey at interbyus
na nakatulong ng malaki sa paggawa ng papel na ito. At dahil sa mga nabanggit at pagsasaliksik sa
internet, nabuo ang papel na ito na maaaring makatulong sa lahat ng mga mambabasa.
IV. Pagtalakay
Ang bahagi ng pagsususring papel na ito ay sumasagot sa mga katanungang nabuo sa
unang bahagi ng papel na ito. Dito ay nabigyan ng mas malawak na detalye ang mga kahulugan
ang mga bagay na may patungkol sa juteng na tinatalakay ng papel na ito.
1. Ano ang Jueteng?
Ang salitang “jueteng” ay hango sa salitang Chinese na “hue” na katumbas ng bulaklak
(flower) at “eng” na ibig sabihin ay pagtaya (to bet). Ang jueteng sa Pilipinas ay mula pa noong
panahon ng kolonya ng Espanya.
Ang jueteng ay dumedepende sa dami ng mga tumatayang tao. Simple lamang laruin ang
jueteng. Pipili ka lamang ng dalawang numero mula 1 hanggang 37. Ang larong ito ay mahigpit na
ipinagbabawal ng gobyerno kaya ang pagbola nito ay palihim na ginagawa.
Ang nananalong pares na numero sa jueteng ay binobola, gamit ang maliliit na bolang kahoy
(tinatawag na “bolitas”) na markado ng numerong 1 hanggang 37. Ang bola ay ginagawa ng isang
“bolero” at sinasaksihan ng mga “cabo.” Pagkatapos kalugin ng “bolero” ang bote ay kumukuha
siya ng isang “bolita.” Ang numero sa “bolita” ay sinusulat at ang “bolita” ay binabalik sa bote.
Kinakalog muli ito ng “bolero” at kumukuha ng ikalawang “bolita” at sinusulat. Ang dalawang
magkasunod na numero ng “bolitas” ay ang nagiging panalong kombinasyon sa bolang iyon.
Hindi pare-pareho ang panalo sa jueteng.
Nagbabayad and operator ng P700 hanggang P900 para sa nanalong kombinasyon sa bawat
pisong taya. Napag-alaman ko na ang jueteng sa probinsiya ay ginagawa tatlong beses isang araw.
Isa sa umaga, tanghali at gabi.
Dati ay pwede tumaya sa jueteng sa halagang 25 centavos lamang. Ngunit sa pagtatanong ng
mga mananaliksik ang malimit na pinakamababang taya ngayon ay piso. Walang limitasyon ang
tayang pera. Ang jueteng ay popular sa mga mahihirap at mga “lower-middle class” na Pilipino.
Terminolohiyang Jueteng
Sa pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa jueteng, may mga terminolohiya ito .
Ang tawag sa taongnangangalap ng taya ay “kubrador.” Ang taya naman ay tinatawag na “kubra.”
“Bangka” ang ngalan ng pinagbibigyan ng lahat ng taya sa isang lugar. Ang mga numero naman
na napipisil na lumabas ay “paya.” Ang tawag sa papel na sinusulatan ng mga taya ng isang
kubrador ay “dilito” at “ligaho” naman ang mala-diary na pinagsusulatan ng mga numerong
tumama na. Minsan may pagkakataong magkaparehong numero ang tumatama. Ang tawag sa
parehong numerong lumabas ay “tupyang” o “pares” (halimbawa 23x23).
Ang tumbok ay kapag ang unang numero mo ay tugma sa unang numero na lumabas sa bola,
mananalo ka ng pera base sa iyong taya. Ang sahod ay ang taya sa panghuling numero kung
sakaling nauna ang panghuling numero mo sa kinalabasan ng bola. Saklang ang tawag kapag
tumaya ka ng parehong halaga sa dalawang numero. Ang “alaga” ay ang mga numerong
paboritong tayaan o paulit-ulit na tinatayaan. “Butas” naman ang siyang tawag kapag kamuntikan
nang lumabas ang numero mo ngunit nagkulang o sumobra lamang ito ng isa.
Panaginip at jueteng
Dito nakasulat ang katumbas na numero ng mga panaginip. Nakopya ng mga
mananaliksik ang iba sa mga ito.
Mga halimbawa ng katumbas na numero ng mga panaginip:
1 – lalaki, ahas na maliit, lubid
2 – babae, ibon
3 – lumilipad, tatlong sulok
4 – aso, kalaban, baka, kabaong
5 – ahas na malaki, apoy, dugo, kamay
6 – kuwintas, balon ng tubig
7 – itak, baril, gunting
8 – tae, hubad, ginapos
9 – patay, susi, pari
10 – bilog, lasing, putol
Mahaba ang annunsyo dahil hanggang 37 ang listahan. Mula pa daw noong panahon ng
Espanyol ang pagpapakalat ng annunsyo ngunit marami pa din Pilipino ngayon ang naniniwala
dito.
2. Anu-ano ang dahilan kung bakit laganap ang jueteng sa Pilipinas?
Ayon sa nasaliksik maraming dahilan kung bakit laganap ang jueteng sa Pilipinas. Ang una
ay dahil ito ay sinusuportahan o tinatangkilik ng masang Pilipino. Tinatangkilik ito dahil
napakababa ng taya sa jueteng. Mula sa limang piso pataas ang tayaan dito. Kung ikukumpara ito
sa sugal tulad ng lotto masasabing abot-kayang tumaya sa jueteng at dahil ang mga kubrador ang
mismong lalapit sa mananaya mas madali ang proseso ng pagtaya dito. Tinatangkilik din ito dahil
mas malaki ang tsansang manalo ditto kumpara sa iba sapagkat tatlong beses sa isang araw kung
magbola sa jueteng. At panghuli, mabilis na nakukuha ang napanalunang salapi.
Ikalawang dahilan kung bakit laganap ang jueteng ay dahil naging bahagi na ng buhay ng
mga Pilipino ang jueteng. Halos ang kabuhayan ng masang Pilipino ay nakadipende dito tulad na
lamang ng mga kubrador at kabo. Dito kumukuha ang mga kabo at kubrador ng ipangbubuhay sa
kanilang pamilya. Masasabing ang mga mamamayang tumataya dito ay masasabing nagbabaka-
sakaling dumating ang pagkakataong tumama at mabawi ang perang itinaya sa jueteng.
Ikatlo ay dahil ito ay protektado ng mga may kapangyarihan tulad ng mga opisyales sa
gobyerno, ang kapulisan at ang mga mayayamang negosyante ng bansa. Bawat operasyon ng
jueteng sa ating bansa ay sinusuportahan ng mga taong nasabi. Hanggang kumikita ang mga taong
ito, asahang walang patutunguhan ang laban kontra jueteng. Nakakakuha ng malaking porsyento
ang mga negosyanteng ito sa pagbibigay ng kanilang malaking bahagi sa jueteng sapagkat wala
naman itong binabayarang buwis kaya naman ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang
mahihirap ay lalong naghihirap.
Hindi rin lingid sa ating kaalaman na laganap ang jueteng sa ating bansa. Pilit man itong
pigilan ng ating pamahalaan, maging ang ating kapulisan, hindi pa ito tuluyang mabubuwag.
Pansamantala lamang ang mambabatas.Ngunit patuloy pa rin itong lumalago habang dumadaan
ang panahon.
Sa pangkalahatan ang paglaganap ng jueteng ay dahil sa pagkakaroon ng mithiing ganap
na magkaroon ng higit na karangyaan, kapangyarihan at pangalan sa lipunan. Dahil ang hindi
pagiging kontento sa mga bagay-bagay ay nag-uudyok upang maging sakim at manhid ang isang
tao. Sakim at manhid sa kadahilanang hindi nila nalalaman na may naaapakan ng iba at nagsasanhi
ng mga bago problema at kapahamakan.
3. Ano ang estado sa buhay ng mga kubrador?
Ayon sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ang kubrador ay ang tagalikom
ng mga kombinasyon at taya ng mga mananaya sa jueteng sa pamamagitan ng paglilibot sa mga
bahay- bahay. Sa kada isa, dalawa, o tatlong barangay may mga nakatakdang kubrador na
nagpapataya ng jueteng na madalas ay nakabisikleta o kaya’y naglalakad lamang. Iniikot nito ang
tatlong barangay upang magpataya, bale dalawang beses umiikot ang isang kubrador sa isang
araw. Ang unang ikot nito ay sa umaga kung saan nangongolekta ng taya kung laking probinsya
ang isang tao marahil alam nito ang mga bagay na ito. May dala- dala ang isang kubrador na
dalawang ballpen, (reserba ang isa) pakete ng sigarilyo na tinupi sa apat na pahabang sukat at ito
ay nakasuksok sa bulsa sa likuran. Ang unang ikot ay ang pinakamatagal na bahagi sapagkat dito
ay pumupunta ito sa mga bahay- bahay para kumuha ng taya. Ang pangalawang ikot ay madali
lamang sapagkat dito ay sumisigaw na lamang ito ng lumabas na numero at ang titigilan lamang
ay ang gusto ng tumaya para bukas at ang bahay ng mismong nanalo. Maliban kung
nakikipagkwentuhan muna ang kubrador sa mga kakilala nito kaya’t halos lahat ng mga tao sa
isang barangay ay nakikilala ng isang kubrador.
Ang isang kubrador ay maaaring isang tindera sa sari- sari store o bangketa, labandera,
tambay o kung sinumang may kakayahang lumikom at patubuin ang mga taya para sa jueteng.
Ang kubrador din ay ang nangongolekta sa mga tao at sa jetang. Ngunit bakit nga ba nila napasok
ang ganitong uri ng trabaho, gayong alam naman ng mga ito na ang jueteng ay iligal at hindi
ganoong mataas ang kinikita nila dito? Base sa mga nakalap na impormasyon, napasok nila ang
ganitong trabaho dahil iyon lamang ang propesyong tama para sa kanilang natapos. At ginagawa
nilang hanapbuhay kasabay ng paghagilap ng impormayon o balita sa kanilang nasasakupan. Isa
pang dahilan ng iba ay ang gawing pampalipas oras ang pangungubra. Dahil dito ay masasabing
malaki talaga ang nagiging epekto ng jueteng sa mga kubrador. Pinaninindigan ng mga ito ang
pagsali sa larangan ng sugal na ito. Hindi ito ikinahihiya at masasabing hindi pinagsisihan dahil
maaring ang iba sa mga ito ay ilang ulit nang nabilanggo sa pangungubra.
Maraming kubrador na pumasok sa ganitong propesyon na dahilan ay upang iahon ang
pamilya masasabing mayroon itong pagpapahalaga sa pamilya. Gagawin ang lahat alang- alang sa
pamilya kahit na malagay ang kanilang buhay sa panganib.
4. Paano naging solusyon ang jueteng sa kahirapan?
Kung mapapansin halos mahihirap na tao ang tumataya sa sugal na tinatawag na jueteng Sa
makatuwid ang jueteng ay naging parte na ng pamumuhay ng maraming mga Pilipino. Dahil
nagbabaka-sakaling palading naambunan ng konting grasya kapag nanalo sa jueteng kahit alam na
walang kasiguruhan ang pagtaya dito. Mapapatunayan at mailalahad na totoo ang nasabing dahilan
sa pamamagitan ng isang kwento na hango sa tunay na buhay. Ang kwentong ito ay galing sa
isang “website” na naglalaman ng maikling impormasyon ukol sa jueteng.
Si Fidel ( hindi niya tunay na pangalan ) ay isang OFW na nagtrabaho sa London. Nasa
London siya nang natanggap niya ang malungkot na balita ng pagpanaw ng kanyang ama sa
Pilipinas. Hindi po malaki ang kanyang naiipon sa London kaya noong una naiisip niya na imbes
na umuwi at gumastos sa pamasahe ay ipapadala na lamang niya ang pera sa Pilipinas para sa
ipang-gastos sa burol ng ama. Nang malaman ng kanyang mga kaibigang kapwa Pilipino ang
sitwasyon ni Fidel sila ay nag-ambag ng pera para ipamasahe ni fidel pauwi sa Pilipinas. Lubos na
lamang ang pasasalamat niya sa kanyang mga kaibigan at dali-dali siyang umuwi ng Pinas.
Sa unang araw ni Fidel sa Pilipinas ay nakihalubo agad siya sa mga taong dumalaw sa
burol ng ama. Sa bahay nila sa probinsya idinaos ang burol. Hindi po nagpapalit ng pounds si
Fidel noong araw na iyon ngunit meron siyang isang libong piso sa kanyang pitaka (pera niya pa
itong naitago noong sila ay umalis patungong London). Inutusan niya ang isa sa mga tao sa
kanilang buhay na bumili ng pansit sa bilao at maiinom para sa mga bisita gamit ang isang libo.
Bumalik ang taong kanyang inutusan dala ang pagkain at inumin at sukling dalawang daan at
singkwenta pesos. Tamang tama naman na nandoon ang kubrador ng jueteng. Naisipan ni Fidel na
magbakasakali at itinaya niya ang natirang sukli sa jueteng. Pinayuhan pa siya ng magjue-jueteng
na tayaan ang kaarawan ng ama at ang numerong 14X5 (tumbok na dalawang daan sa 14 at sahod
naman ng singkwenta sa 5). Pinagdasal at hiniling ni Fidel sa ama na siya ay patamain sa jueteng
upang merong ipangtustos sa libing kinabukasan, nagtungo ang kubrador sa bahay ni Fidel dala
ang magandang balita na tumama ang 14X5. Dala ng kubrador ang halagang Php 140 000 para
kay Fidel. Mataimtim na nagdasal at nagpasalamat si Fidel sa Panginoon at sa kanyang ama sa
perang tila hulog ng langit. Ginamit ni Fidel ang pera sa gastos sa burol at paglilibing ng kanyang
ama.
Katulad ng nangyari kay Fidel sa nasabing kwento, maraming Pilipino ang nagnanais
umahon sa kahirapan sa paraan ng pagtaya sa jueteng. Ito ang dahilan kung bakit nagiging
solusyon ang jueteng sa kahirapan ng mga mamamayang kapos palad. Ngunit hindi dapat na
umasa lamang sa isang bagay na walang kasiguraduhan, kailangan pa rin na pagsisikap upang
masigurado ang kinabukasang gustong marating.
5. Paano naging daan ang jueteng sa kahirapan?
Ang jueteng ay naging daan sa kahirapan sapagkat marami sa ating mamamayang Pilipino
ang tumataya at nakikipagsapalaran sa jueteng. Dahil sa kahirapan ng ating bayan, marami ang
sumusugal sa jueteng at umaasang sila ay mananalo. Ngunit imbis na sila ay umasenso o umahon
sa kahirapan ay lalo pa silang nalulugmok ng dahil sa sugal na jueteng. Kung hindi naman
mahirap ang ating bayan mayroon silang marangal na trabaho at hindi nila papasukin ang
mapanganib na daigdig ng jueteng.
Naging daan din sa kahirapan ang kawalan ng kooperasyon ng iba’t-ibang ahensya ng
pamahalaan. Sa kawalan ng atensyon ng pamahalaan, nakakalimutan nila ang tunay na suliranin
ng mamamayan. Mas iniisip pa nila ang kanilang sariling kapakanan kaya nawawalan ng tiwala
ang taong bayan. Dahil dito, nabibigyan sila ng rason upang sumalungat sa mga patakaran ng ating
pamahalaan.
Hindi magkakaroon ng solusyon ang problema sa jueteng hangga’t ang taong bayan ay
lubog sa kahirapan at walang hanapbuhay na magbibigay ng disenteng pamumuhay. Hindi sapat
ang trabaho lamang, ang kailangan ng bayan ay trabahong magbibigay ng disente at
komportableng pamumuhay. Hindi kataka-taka na karamihan sa naki-kipagsapalaran tumaya sa
jueteng ay ‘yaong mga sawa na sa kahirapan sapagkat sila’y nagbabaka-sakali, tama man o mali,
na sila ay palalayain ng jueteng mula sa kinalulugmukang kahirapan.
Dapat nating maunawaan na ang jueteng ay sintomas lamang ng mas malalang suliranin - ang
hindi maayos na hatian sa yaman ng bansa o ‘yung kawalan ng katarungan. Ang kawalan ng
katarungan ang dahilan kung bakit ang agwat ng mayaman at mahirap ay lalong lumalawak at ito
naman ang nagtutulak sa ating mga kapatid na manandata at lumaban sa pamahalaan.
Ang kahirapan o kawalan ng katarungan, pang-aabuso sa mga mahihirap, ang ma-
lawakang paglabag sa karapatang pantao at ang pagsambulat ng ating populasyon ang ilan lamang
sa mga seryosong suliranin n gating bansa. Kung maiaayos natin ang ating ekonomiya, politika at
socio-kulturang suliranin ay tiyak na uunti, kundi man maglalaho, ang mga tumatangkilik sa
jueteng.
V. Paglalagom, Pagbubuod at Rekomendasyon
Paglalagom
Ang pagaaral na ito ay isang pagtatangkang mapagugnay ang teoryang pampanitikang
Marxismo sa pelikulang Kubrador ni Jeffrey Jeturian. Ito ay upang mabigyang kaalaman ang mga
mambababasa ukol sa kapangyarihang saklaw ng jueteng. Naglalaman ito ng mga negatibo at
positibong impormasyon ukol sa nasabing paksa. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet
upang gawing basehan para mabigyang halaga ang papel na ito.
Rekomendasyon
Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa lahat ng mga mambabasa na huwag ng gawing
bisyo ang sugal na jueteng dahil maaari itong magsanhi ng mas malaki pang problema. Hindi
sinasabi ng mga mananaliksik na masama ang jueteng dahil may maganda rin naman itong
maidudulot ngunit hindi rin maikakaila ang negatibong epekto na naisasanhi ng sugal na ito
sapagkat nasasabing “Ang lahat ng labis ay masama.” Kailangan lamang ng disiplina at control sa
sarili upang magkaroon ng magandang buhay.
Pasasalamat
Nagpapasalamat ako ng lubos sa Panginoong gumabay at nagbigay lakas sa
aming grupo upang matapos ang pagsusuring papel na ito. Nagpapasalamat
ako sa aking mga kagrupo na sina CJ, Ja- You, Potsii, Ehly, P.S., Alex at si Yen
sa pagsusumikap na matapos ang pagsusuring papel na ito at sa pagtitiyaga
sa lahat kung wala ang tulong nila ay di’ ko kaya ito mag- isa. Sa aking guro
sa kanyang gabay upang maitama ang mali. Sa aking mga kaklase at
kaibigan na hiningian ko ng opinyon. At sa aking ina na sumuporta sa akin.
-Yann Yann
Nais kong magpasalamat sa lahat ng taong tumulong sa amin sa
matagumpay na pagsasagawa ng pagsusuring ito Sa mga kaibigan, kaklase
at mga gurong ssumuporta sa amin. Sa aking mga kagrupo na
nagsusumikap para sa tagumpay ng pagsusuring papel na ito. Higit sa lahat
sa ating Panginoon na nagbibigay lakas sa amin. Maraming salamat sa
inyong lahat.
-CJ
Gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat una sa Panginoon dahil
napagtagumpayan naming ang pagsusuring papel na ito. Sunod ay sa aming
mga guro dahil sa pag-gabay sa amin sa pagsasagawa ng pagsusuring papel
na ito. Huli ay sa aking mga kagrupo, kaklase at kaibigan na tumulong at
nagbigay ng saya para mapagtagumpayan naming ang papel na ito.
-Potsii
Isang pasasalamat na nais ipaabot ng aking pusong at isipan sa mga taong
nasa likod ng tagumpay na
matapos ang papel na ito. Sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay na
palaging nariyan sa aming tabi
upang tumulong at walang sawang sumusuporta para sa amin. At higit sa
lahat sa Poong Maykapal na
gumabay na walang sawang nagmamahal sa ain. Maraming salamat po.
-Ja- You
Una sa lahat nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na gumabay sa amin
upang matapos ang papel na ito nagpapasalamat din ako sa aming kagrupo
na nagbigay ng oras at panahon upang magbigay ng kontribusyon sa papel
na ito. At sa aming guro na si Sir Darius na nagbigay ng proyektong ito na
masasabing luminang sa kaisipan ng mga Level 11 BM 103
-Yen
Isang taos pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa aking mga kaibigan,
kaklase, at guro na andyan para suportahan kami at walang humpay rin na
pasasalamat sa Poong may likha na nagsilbing lakas at gumabay samin sa
pag- gawa ng pagsusuring papel.
-Ehly
Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na walang sawang umuunawa sa
akin na sa kabila ng kadalasan kong pagkawala ay napagtagumpayan pa rin
naming tapusin itong pagsusuring papel na ito. Sa aking magulang na laging
sumusuporta at gumagabay at higit sa lahat sa nasa itaas na tumulong
upang matapos ang pagsusuring papel na ito.
-Alex
Isang napakalaking opurtunidad ang mapasali sa grupong ito sapagkat sa
grupong ito ko natutunang gumawa ng taos puso at may dedikasyon sa
ginagawang papel. Kung paminsan ako ay hindi nakakasama sa gawaan ay
nagpapasalamat parin ako dahil naniniwala ako na kahit sa kaunting oras na
naialay ko ay nakatulong ako ng malaking parte sa pagsusuring papel na ito.
At lahat ng iyon ay nagawa ko lamang dahil sa mga taong pinalalakas ang
aking loob sa mga panahong ako ay nawawala na sa landas. At higit sa lahat
sa Poong Maykapal na hindi ako pinababayan sa aking pangaraw-araw na
buhay.
-Pee-ehs
Dedikasyon
Ang panunuring papel na ito ay inihahandog ng mga mananaliksik sa kanilang guro sa
Filipino 11 na si G. Darius Cantos. Ang papel na ito ay iniaalay rin nila sa mga taong interesado
sa paksang nauugnay sa jueteng at Teoryang Pampanitikang Marxismo.
Una sa lahat nais ihandog ng mga mananaliksik ang papel na ito sa ating Panginoon na
gumabay sa mga mananaliksik at patuloy na pagbibigay lakas ng pangangatawan at isipan.
Iniaalay din ng mga mananaliksik ang pagsusuring papel na ito sa kani-kanilang mga magulang
na nagbibigay ng suporta sa kanila.
Bibliyograpiya
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=210983
http://www.philstar.com/forums/Article.aspx?articleld=276525
http://www.talakayanatkalusugan.com/2010/09/15/jueteng-lords-kornerin-lahat-pinoy/
http://basketbolpilipinas.forummotion.com/t2546-p20-m-suhol-kay-cruz
http://bomboradyo.com/news/more-news/19924-marami-pa-akong-alam-na-sangkt-sa-
jueteng-sandra-cam
http://thepoc.net/thepoc-features/buhay-pinoy-features/9519-bakit-mahirap-sugpuin-ang-
jueteng-sa-buhay-pinoy.html
http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/10/06/10/gov%E2%80%99t-officials-deny-jueteng-
involvement
http://210.5.68.115/story-of-the-day/20939-jueteng-lords-welcome-sa-senate-probe
http://www.gmanetwork.com/news/story/201555/pinoyabroad/balitangpinoy/mga-opisyal-
na-nakikinabang-umano-sa-jueteng-tinukoy-na-ni-cruz
kulturangpop.blogspot.com/2005/10/jueteng.html
TALAAN NG NILALAMAN
I. PANIMULA
LAYUNIN
KAHALAGAHAN
SAKALAW AT LIMITASYON
II. KAUGNAY NA LITERATURA
PAGKATAONG PILIPINO
ANATOMIYA NG JUETENG
SMALL TOWN LOTERY KAPALIT NG JUETENG
OFFICIALS SAMBIT DIN SA JUETENG
KATUTURAN NG KATAWAGAN
III. BATAYANG TEORYA AT KONSEPTUAL NA BALANGKAS
IV. PAGTATALAKAY
V. PAGLALAGOM, PAGBUBUOD AT REKOMENDASYON
PASASALAMAT
DEDIKASYON
BIBLIYOGRAPIYA