46
Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon: Nakabubuti ba o Nakasasama? Sa taong 2010 – 2011 Isang Tisis na ihinarap sa mga Guro mula sa Departamento ng Sining at Agham Bilang Pagtugon sa Araling Filipino 200 Ni Hiedee C. Talusan At Arnel Joseph Roque

Thesis Reference

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Thesis Reference

Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral

sa Ikatlong Taon: Nakabubuti ba o

Nakasasama?

Sa taong 2010 – 2011

Isang Tisis na ihinarap sa

mga Guro mula sa Departamento ng Sining at Agham

Bilang Pagtugon sa Araling

Filipino 200

Ni

Hiedee C. Talusan

At

Arnel Joseph Roque

Inihanda para kay :

Bb. Lilia Manahan

Page 2: Thesis Reference

PAGKILALA

i. Pagpapasalamat

Kami ay lubos na nagpapasalamat ng buong puso at ng may paggalang sa mga

sumusunod :

Una sa lahat sa gabay ng Panginoong Diyos na nagpatuloy na nagbigay ng lakas,

tiwala at talino sa amin upang maisakatuparan ang pagkasulat namin ng naturang

pananaliksik. kami ay nagagalak sapagkat alam naming sa bawat oras, minuto, at araw na

aming ginugol para mabuo ang thesis na ito hindi nawala sa aming tabi ang kanyang

presensya. Na lubos na naghikayat sa amin na magsulat.

Sa aming Guro na si Bb. Lilia Manahan na nagmulat at nagturo sa amin kung

paano makagagawa ng isang maayos at epektibong pananaliksik na tulad nito. Sa walang

sawang pagpapaalala sa mga dapat naming gawin at sa kanyang patnubay at pagbibigay

ng kaalaman upang mabuo ng maayos ang pag-aaral na ito. Kami ay lubos na

nagpapasalamat sa iyo sa lubos na pang-unawa sa amin. Salamat po.

Sa aming mga kaibigan na taos pusong nagbigay ng kanilang suporta at panahon

upang kami ay kanilang matulungan. Sa pagiging mabuti at maaasahang kaibigan. At higit

sa lahat, sa aming pinakamatalik na kaibigan na siyang palagi naming nakasama sa pag-

aayos ng pag-aaral na ito. Maraming maraming salamat sa inyong lahat.

2

Page 3: Thesis Reference

At sa aming pamilya na siyang nagsisilbing inspirasyon at nagbibigay ng lakas at

tapang ng loob sa amin, maging ano mang pagsubok ang dumating sa aming buhay.

Nananatili silang nasa aming tabi sa mga panahong kami ay abalang- abala sa pagsasaayos

namin ng pagsasaliksik na aming ginagawa. Kami ay lubos na nagpapasalamat na kami ay

pinagkalooban ng Maykapal ng pamilyang tulad ng mayroon kami ngayon. Sila ang aming

kayamanan na kahit kalian ay hindi makukuha mula sa amin.

3

Page 4: Thesis Reference

ii. Paghahandog

Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal naming inaalay sa aming kanya-

kanyang pamilya . Sa aming mga kanya-kanyang mga magulang na lubos na nagmamahal at

naka-uunawa sa amin sa lahat ng aspeto ng aming buhay. Maging sa aming mga kapatid na

parating nakaagapay sa amin sa oras na kailangan naming sila.

Sa aming ulirang Guro na si Bb.. Lilia Manahan, inihahandog din namin ang munting

gawaing ito sa kanya. Dahil kung hindi rin sa kanyang suporta at patnubay ay hindi

namin matatapos ang aming pananaliksik na ito.

Sa aming mga kaibigan na lubos ang pagtitiwala at pagmamahal sa amin, kami ay

natutuwa sapagkat kami ay biniyayaan ng mga kaibigang tulad nila. Isa sila sa aming

pinaghahandugan ng munting gawain na ito.

At higit sa lahat inihahandog namin ang aming munting gawain sa ating Diyos na

dakilang lumalang sa ating lahat.

Sila ang aming inspirasyon sa buhay at sa kanila namin inihahandog ang aming

munting gawain na aming pinaghirapan.

4

Page 5: Thesis Reference

iii. Talaan ng Nilalaman

Pagkilala

i. Pasasalamat …………………………………………………. 2

ii. Paghahandog ………………………………………………... 4

iii. Talaan ng Nilalaman ………………………………………. 5

Kabanata 1

Panimula…………………………………………………………………………… 7

Kahalaghan ng Pag-aaral ………………………………………………………… 9

Paglalahad ng Suliranin ………………………………………………………..… 10

Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………... 11

Paradaym………………………………………………………………………….. 11

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura……………………………………………...........… 13

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng pananaliksik……………………………………………….. 15

Disenyo……………………………………………………………………………… 15

Respondente………………………………………………………………………… 16

Instrumento…………………………………………………………………………. 16

Pagtratrato sa mga datos…………………………………………………………... 17

5

Page 6: Thesis Reference

Estatistikong Pagtatrato……………………………………………………………… 17

Kabanata 4

Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos………………………………………. 18

Talahanayan 1………………………………………………………… 19

Talahanayan 2 ………………………………………………………... 20

Talahanayan 3 ………………………………………………………... 21

Talahanayan 4 ………………………………………………………... 22

Talahanayan 5 ………………………………………………………... 23

Talahanayan 6………………………………………………………… 24

Talahanayan 7 ………………………………………………………... 25

Talahanayan 8 ………………………………………………………... 26

Talahanayan 9 ………………………………………………………... 27

Talahanayan 10 ………………………………………………………... 28

Kabanata 5

Konklusyon, Lagom at Rekomendasyon

Konklusyon……………………………………………………………………………… 29

Lagom……………………………………………………………………………………. 31

Rekomendasyon…………………………………………………………………………. 32

Personal na Impormasyon ………………………………………………….. 1-2

6

Page 7: Thesis Reference

Kabanata 1

Panimula

Sa Paglipas ng mga panahon, Maraming mga bagay ang mabilis na nagbabago. Isa na

dito ang mabilis na pagdami at pagunlad ng mga kagamitan na produkto ng teknolohiya.

Masasabing sa panahon na ating ginagalawan ngayon napakalaki ng ginagampanang tulong ng

mga teknolohiya sa pag-unlad ng isang bansa.

Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang

pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa

kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento

at gadget na ginagamit ng mga tao. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang teknolohiya

ay mabilis mapaunlad ay dahil sa layunin nito na matulungang mapadali ang pang-araw araw na

gawain ng tao. 1

Ayon sa Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989), Ang teknolohiya ay nangangahulugang

agham na nauukol sa mga sining na pang-industriya. 2

7

Page 8: Thesis Reference

Sa larangan ng negosyo, Teknolohiya ang gumaganap ng isa sa mahalagang papel. Halos

lahat ng mga negosyo at industriya sa buong mundo ay gumagamit ng teknolohiya. Ngayon

ang lahat ng negosyo ay may potensyal na maging internasyonal sa pamamagitan ng paggamit

ng internet. Kung ang iyong negosyo ay may isang website, makatutulong ito sa iyong negosyo

upang maabot ang mga kliyente sa kabila ng libu-libong milya sa pamamagitan lamang ng isang

click sa isang pindutan. Ito ay hindi magiging posible kung walang Internet na bunga ng

makabagong teknolohiya. 3

Napakabilis ng paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito, mas

napapadali ang ating mga gawain. Maraming uri ang teknolohiya at maraming gamit ang mga

ito. Sa taon na kung saan ang computer ay hindi pa naiimbento, ang mga mag-aaral ay hindi pa

pansin ang paggamit ng teknolohiya sa paggawa ng mga gawain. Ang mga mag-aaral ay umaasa

sa libro at laging bumibisita sa silid aklatan, basahin ang kanilang mga tala at upang suriin ang

kanilang mga aralin sa paaralan. Ngunit sa ating panahon ngayon ay makikitang hindi maiwasan

ng mga mag-aaral ang pagdepende sa mga teknolohiya ngayon.

8

Page 9: Thesis Reference

Kahalagahan ng pag-aaral

Sa pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, masasabi nating napakarami nitong

naitutulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Halos lahat ng tao ay nalalaman ang

kahalahagan nito. Bilang isang mag-aaral, masasabi nating napakalaki ng papel ng teknolohiya

sa kanilang pag-aaral ngunit maari rin itong makasama kung hindi gagamitan ng disiplina.

Para sa mga magulang, inaasahang ang pananaliksik na ito ang maging daan

upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, upang

malaman ang mga epekto ng mga makabagong teknolohiya ngayon sa kanilang pag-aaral.

Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay malaman ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng

mga teknolohiya.

Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang

dahilan upang mas lalo pa nilang lawakan ang kanilang kaalaman patungkol sa teknolohiya at

ipagpatuloy ang kanilang pag-gabay sa mga mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga

makabagong teknolohiya.

Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito ay mapukaw

ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang ginagawa at gagawin

pang mga pag-aaral tungkol sa mga epekto ng mga teknolohiya sa buhay ng isang mag-aaral.

Para sa mga mag-aaral, ninanais ng pananaliksik na ito na ipakita sa mga mag-aaral ang

mga natatanging epekto ng mga makabagong teknolohiya sa kanila at kung paano ito

9

Page 10: Thesis Reference

nakatutulong maging kung paano ito nakasasama sa kanilang pag-aaral. Inaasahan din na ang

mga mag-aaral ay matututo kung paano gamitin ang mga teknolohiyang ito ng may disiplina.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay sinisikap na sagutin ang mga pagunahing mga katanungan

tungkol sa epekto ng mga makabagong teknolohiya. Alam nating malaki ang ginagampanang

papel ng teknolohiya sa mga mag-aaral ngunit ito din ay nagiging sanhi upang maisantabi nila

ang kanilang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay sinikap sagutin ang mga sumusunod na

katanugan:

1. Bakit maraming mga mag-aaral ang nahuhumaling sa mga makabagong gamit na

produkto ng teknolohiya?

2. Natutulong ba o nakasasama ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan?

3. Anu – ano ang mga dahilan kung bakit nakakasagabal ang mga makabagong gamit sa

pag-aaral ng mga mag-aaral?

4. Anu – ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa buhay ng

isang mag-aaral?

10

Page 11: Thesis Reference

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga nakalap na impormasyon sa

iba’t ibang mga kasagutan ng mga mag-aaral na nasa sekondarya. Ang mga nakuhang

impormasyon ay nanggaling sa mga mag-aaral ng Baliuag University. Ang mga mag-aaral na

sakop ng pananaliksik na ito ay mula sa mga 3rd year students.

Paradaym

KABATAAN ----> ORAS NG PAG-AARAL ----> PAGPAPAHINGA

Tunkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan ay napagod na sa kanilang

pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila.

Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-

aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y

11

TEKNOLOHIYA

MGA MAKABAGONG GAMIT

MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT

Page 12: Thesis Reference

makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatid ng teknolohiya ay

maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring

magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa

kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa

kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral.

Kabanata 212

Page 13: Thesis Reference

Mga Kaugnay na Literatura

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay

nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala naang teknolohiya ay may

epekto sa ating lipunan , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya

dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino . ang

mga pananaw na ito ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung

ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito

ay nakasalalay sa atin mga Pilipino kungt paano natin ito gagamitin.

Ayon kay Kristine Mae Ledda, Isang mag-aaral ng University of the Philippines Baguio, Sa

kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakaka-alam ng isa pa sa mga sikat na imbensyon,

ang Computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mga mag-aral na katulad ko. Ayon nga sa mga

nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon sa library ng paaralan upang hanapin

ang kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay nariyan sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang

sa lugar ng mga urban maging sa rural ang mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot lang, nasa harap

mo na agad ang hinahanap mo. Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng

leksyon, nariyan pa ang printer upang solusyonan ang problema sa matagal na pagsusulat ng

mga takdang aralin. Click lang ng click ay makukuha mo na ang isang mabilis na proseso ng

paggawa. Kung isang matalinong indibidwal nga naman ang gagamit ng teknolohiya, siguradong

malayo ang mararating ng ating bansa. Malaki ang maitutulong nito upang umunlad at patuloy

na mapadali ang proseso ng modernisasyon na siyang magdadala sa bawat tao sa tiyak na

tagumpay. 4

13

Page 14: Thesis Reference

Ayon kay DepEd Asst. Secretary Teresita Inciong, kina kailangan na pagsabihan lang ng

mga guro ang kanilang mga estudyante na patayin o itago ang cellphones ng mga ito habang

nasa klase para makaiwas sa anumang reklamo mula sa mga magulang laban sa kanila. Sa

umiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number 70-1999,

mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellular phones sa mga estudyante habang nasa

loob ng klase. Pinakiusapan din ni Inciong ang mga estudyante na maging responsable sa

paggamit ng cellphone. Hinikayat rin ni Inciong ang mga guro na gabayan ang mga estudyante

sa tamang paraan sa paggamit ng naturang teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag

ang mga ito sa maling gawain tulad ng pakikipag-text sa mga estranghero na may masasamang

intensyon, bagkus ay gamitin ito lalo na sa paghingi ng saklolo. 5

Kabanata III

14

Page 15: Thesis Reference

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga maniniliksik ay matiyagang na ngalap ng impormasyon sa pamamagitan ng

matiyagang pamimigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Baliuag University sa Ikatlong

taon sa sekondarya at pangangalap ng mga datos sa aklatan at mga thesis

Sa kabanatang ito ilalahad ang desinyo at pamaraan ng mga mananaliksik, disenyo,

respondent, teknik, instrument, paraan ng pagsasagawa at istratehiyang gagamitin ng mga

mananaliksik sa pagsusuri ng ibinibigay na talatanungan.

Disenyo

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey o paglalarawan

panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng

talatanungan.

Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumawa muna ng

talatanungan o “questionnaire” na siyang ipinasasagot sa mga mag-aaral ng Baliuag University

sa sekondarya, Ikatlong taon. Na nagiging saklaw ng pag-aaral na ito. Pagkatapos malikom ang

mga talatanungan, ito ay iwinasto at matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan ng

talahanayan. Upang lalong maging malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay gumamit ang mga

mananliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa ng bawat talahanayan.

Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula.

15

Page 16: Thesis Reference

RESPONDENTE

Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ikatlong taon sa

sekondarya ng Baliuag University. Binubuo ng limampung mag-aaral.

Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa Prinsipal at Gurong nangangasiwa

sa respondent na mag-aaral na saklaw ng pag aaral upang maipamahagi ang mga talatanungan

o questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik upang matugunan ang hinahanapan ng

kasagutan.

INSTRUMENTO

Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman ang mga salik

na nakakaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral. Gumamit dn ng aklat

ang mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.

PAGTATRATO SA MGA DATOS

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally ang mga kasagutan

sa kwestyuneyr ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa dami

16

Page 17: Thesis Reference

ng sinang-ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa

kwestyuneyr o talatanungan.

ESTATISTIKONG PAGTATRATO

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage technique upang masuri ang kinalabasan

ng mga kasagutan ng mga mag-aaral

Narito ang pormula na ginamit ng mga mananaliksik upang mailahad ng mabuti ang pag-

aaral.

Bahagdan = (Bilang ng mga tumugon / Kabuuang bilang ng mga sumagot) x 100

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos

17

Page 18: Thesis Reference

Sa kabanatang ito ilalahad ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng pag-aaral sa

pamamagitan ng masusing paglalahad sa mga kasagutan ng respondent sa binigay na

talatanungan sa pamamagitan ng talahanayan.

Ito ay matiyagang pinagtulung-tulungan ng mga mananaliksik upang mailahad ng tama

ang mga kasagutan.

Narito ang talahanayan na ginamitan ng pormulang “Bahagdan = (Bilang ng mga

tumugon / Kabuuang bilang ng mga sumagot) x 100” para makuha ang bahagdan at kabuuan ng

kasagutan.

1. Anu-ano ang mga gamit na mayroon ka na produkto ng teknolohiya?

18

Page 19: Thesis Reference

Lumalabas sa pagsusuri na ito na ang mga kabataan ngayon ay gumagamit ng mga

makabagong teknolohiya. Halos lahat ng mga kabataan maging lalaki man o babae ay

gumagamit ng mga ito, nangunguna sa mga teknolohiyang ito na mayroon ang mga kabataan ay

cellphone (babae 100%, lalaki 96%) pangalawa ay ang Computer o laptop (babae 64%, lalaki

76%), pangatlo ay ang Mp3 player (babae 36%, lalaki 36%), pang-apat ay ang Psp (babae 40%,

lalaki 28%), at ang panghuli ay ang mga iba pang mga makabagong teknolohiya tulad ng Ipod,

Ipod touch at Digicam (babae 4%, lalaki 0%).

2. Kung may Computer / Laptop, hanggang ilang oras ang naigugugol mo sa paggamit nito?

19

Page 20: Thesis Reference

Lumalabas sa pagsusuri sa pag-aaral na kung ang isang kabataan ay mayroong Computer

o Laptop, ang bahagdan ng mga mag-aaral na 1 oras at pababa ang naigugugol ay (babae 12%,

lalaki 12%), ang 2 oras naman ay (babae 8%, lalaki 16%), ang 3 oras naman ay (babae 8%, lalaki

12%), ang 4 na oras naman ay (babae 4%, lalaki 28%), ang panghuli naman ay 5 oras at pataas

ay (babae 28%, lalaki 24%). Ipinapakita ng graph na ito na base sa mga sagot ng mga mag-aaral

na mayroong Computer o Laptop ay 5 oras pataas ang naigugugol sa paggamit nito.

3. Kung nag-rerent naman ng computer, ilang oras ang naigugugol mo sa paggamit nito?

20

Page 21: Thesis Reference

Lumalabas sa pagsusuri na ito na kung ang mga mag-aaral naman ay nagrerenta ng

Kompyuter ang bahagdan ng mga mag-aaral na gumugugol ng 1 oras at pababa ay (babae 20%,

lalaki 28%), ang 2 oras naman ay (babae 48%, lalaki 28%), ang 3 oras naman ay (babae 16%,

lalaki 8%), ang 4 na oras naman ay (babae 0%, lalaki 4%), ang panghuli naman ay 5 oras at

pababa ay (babae 8%, lalaki 16%). Sa kabuuang pagsusuri lumalabas na karamihan sa mga mag-

aaral na nagrerenta ng Kompyuter ay 2 oras ang naigugugol.

4. Kung may Cellphone ka, gaano kalaki ang nagagastos mo sa loob ng isang linggo?

21

Page 22: Thesis Reference

Lumalabas sa pagsusuri na lahat halos ng mga mag-aaral ngayon ay gumagamit ng

Cellphone, narito ang mga bahagdan na nagpapakita kung gaano kalaki ang nagagastos ng mga

mag-aaral sa pag-loload sa loob ng isang linggo. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na

gumagastos ng 50 pababa ay (babae 68%, lalaki 36%), ang gumagastos naman ng 100 ay (babae

20%, lalaki 40%), ang gumagastos naman ng 150 ay (babae 4%, lalaki 12%), at ang panghuli ay

ang mga mag-aaral na gumagastos ng 200 pataas ay (babae 8%, lalaki 20%). Ang resulta ay

lumalabas na ang karamihan ng mga mag-aaral ay gumagastos ng 50 pababa sa loob ng isang

linggo.

22

Page 23: Thesis Reference

5. Ano sa tingin mo ang nakukuha mong benipisyo sa paggamit ng Mp3, PSP, at Digital Camera at ng iba pang makabagong teknolohiya na mayrooon ka?

Isa sa mga katanungan ay kung ano nga ba ang nakukuhang benipisyo ng mga mag-aaral

sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Narito ang resulta ng pagsusuri, lumalabas na

ang bahagdan ng mga mag-aaral na sinasabing pagiging “in” o sabay sa uso ang kanilang

nakukuha ay (babae 36%, lalaki 32%), ang bahagdan naman ng mga mag-aaral na sinasabing sila

nalilibang ay (babae 80%, lalaki 76%), ang bahagdan naman ng mga mag-aaral na nagsasabing

pagkakaroon ng maraming kaibigan ay (babae 12%, lalaki 28%). Pinapakita na ang halos lahat ng

mga mag-aaral ay libangan ang nakukuhang benipisyo.

23

Page 24: Thesis Reference

6. Saang paraan mo madalas gamitin ang mga teknolohiyang ito?

Alam natin na ang mga makabagong teknolohiya sa ngayon ay mayroong napakalaking

pakinabang lalung-lalo na sa mga mag-aaral. Naririto ang result ang isinagawang pananaliksik,

na kung saan madalas gamitin ng mga mag-aaral ang mga naturang mga kagamitan na produkto

ng teknolohiya. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing madalas nilang gamitin ang

mga ito bilang libangan ay (babae 84%, lalaki 68%), ang bahagdan naman ng mga mag-aaral na

nagsasabing madalas nila itong gamitin bilang instrumento ng komunikasyon ay (babae 40%,

lalaki 48%), at ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing madalas nila itong gamitin sa

pag-aaral ay (babae 56%, lalaki 36%). Bilang resulta, lumalabas na ang karamihan sa mga mag-

aaral ay madalas gamitin sa larangan ng libangan.

24

Page 25: Thesis Reference

7. Anu-ano ang mga positibong epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito sa iyong pang araw araw na pamumuhay?

Maraming mga epekto ang mga teknolohiyang ito sa ating pang-araw-araw na buhay,

narito ang result ang isang pagsusuri tungkol sa positibong epekto ng mga ito. Ang bahagdan ng

mga mag-aaral na nagsasabing ang positibong epekto ng makabagong teknolohiyang ito ay

nakapagpapadali ng komunikasyon ay (babae 92%, lalaki 56%), ang bahagdan ng mga mag-aaral

na nagsasabing ang positibong epekto nito ay nakapagpapabilis ng Gawain ay (babae 76%, lalaki

28%), ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang postibong epekto nito ay

nakapagpapaunlad ng antas ng libangan ay (babae 40%, lalaki 36%) at ang bahagdan ng mga

mag-aaral na nagsasabing ang positibong epekto nito ay nakatutulong sa pagpapalawak ng

kaalaman ay (babae 60%, lalaki 36%). Lumalabas sa pagsusuring ito na para sa mga mag-aaral,

ang positibong epekto ng mga ito ay napapadali ang komunikasyon sa kanilang pang-araw-araw

na pamumuhay.

25

Page 26: Thesis Reference

8. Anu-ano ang mga negatibong epekto ng mga teknolohiyang ito sa iyong pang araw-araw na buhay?

Kung ang mga makabagong teknolohiyang ito ay mayroong positibong epekto, ito ay

mayroon ding negatibong epekto sa pan-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Ang bahagdan

ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay nadadagdagan ang

kanilang gastos, dahilan para maubos ang kanilang baon ay (babae 60%, lalaki 60%). Ang

bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay

nakasasagabal sa mga gawain lalung-lalo na sa gawaing bahay ay (babae 60%, lalaki 36%). Ang

bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay ang hindi

pagtulog sa tamang oras ay (babae 68%, lalaki 36%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na

nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay natural na pag-depende sa teknolohiya ay

(babae 32%, lalaki28%). Bilang resulta, lumalabas lamang na ang negatibong epekto ng

teknolohiya para sa mga mag-aaral ay nadadagdagan ang kanilang gastos dahilan para maubos

ang kanilang baon.

26

Page 27: Thesis Reference

9. Paano ito nakakatulong sa iyong pag-aaral?

Ang mga makabagong teknolohiya ngayon ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-

aaral at narito ang resulta ng isang pagsusuri kung paano nakakatulong ang mga kagamitang ito

sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing nakatutulong

ito sa pag-aaral sa paraang nakatutulong ito sa pagkalap ng impormasyon ay (babae 84%, lalaki

72%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing nakakatulong ito sa pag-aaral sa parang

napapadali ang mga takdang aralin ay (babae 60%, lalaki 40%). Ang bahagdan ng mag-aaral na

nagsasabing may iba pan paraan kung paano ito nakatutulong ay (babae 0%, lalaki 4%) Ito ay sa

paraang pagiging maagap sa mga pangyayari. Sa kabuuang resulta, lumalabas na ang mga

teknolohiyang ito ay nakatutulong sa pagkalap o paglikom ng mga mahahalagang

impormasyon.

27

Page 28: Thesis Reference

10. Anu-ano ang nagiging dulot ng mga teknolohiyang ito sa iyong pag-aaral?

Isa sa mga katanungan ay kung ano ang epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito

sa mga mag-aaral lalung-lalo na sa mga mag-aaral ng Baliuag University na nasa sekondarya,

kung ito ba ay nakabubuti o nakasasama. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang

epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito ay nakabubuti ay (babae 60%, lalaki 56%), ang

mga bahagadan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang epekto ng teknolohiyang ito ay

nakasasama ay (babae 28%, lalaki 44%), ang mga bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing

walang naidudulot ang mga ito sa pag-aaral ay (babae 12%, lalaki 0%). Bilang resulta, maraming

mga mag-aaral ang nagsasabing mayroon mabuting epekto ang mga makabagong

teknolohiyang ito.

28

Page 29: Thesis Reference

Kabanata 5

Konklusyon, Lagom at Rekomendasyon

Konklusyon

Tungkulin ng isang kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa

kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring

gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang

kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at

Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na

produkto ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at

cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay

magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang

epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-

aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral.

Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang dulot ang mga

gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang

may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang kagamitan

na ito. Natututo rin na magipon at magtipid ang mga mag-aaral para makabili nito. At higit sa

29

Page 30: Thesis Reference

lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng droga dahil mayroon silang

pinagkakaabalahan.

Kung ang mga teknolohiyang ito ay may magandang naidudulot sa mga mag-aaral,

masasabi nating mayroon din itong naidudulot na nakasasama at nakakasagabal sa pag-aaral ng

isang kabataan. Halimbawa, dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang

mga ito. Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Nakakasira din ito sa

kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na

magkaroon ng mga makabagong gamit, dahilan ito upang magdudulot ng sakit sa ulo sa mga

kabataan sapagkat sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan upang sila

ay magnakaw. At higit sa lahat, naisasantabi nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa nalamang,

mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o kaya naman magaral

para sa kanilang mga pagsusulit.

Hindi natin matatanggal sa mga kabataan na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay

masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon ng mga

gamit na ito na produkto ng teknolohiya. Nakakaalis din ang mga ito ng pagkabagot at

nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ang mga

ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang

mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon mga makabagong gamit ay

maaari ding maaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay lubusang nahihilig sa

30

Page 31: Thesis Reference

musika kaya nakakatulong sa pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing

isa yan sa mga magandang dulot sa mga kabataan.

Lagom

Narito ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit para sa kanila ito ay nakabubuti.

Para sa mga mag-aaral, nakatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay eskwelahan, maging sa

larangan man ng akademiko o sa larangan ng libangan. Lumalabas na ito ay nakatutulong sa

paggawa at pagpapadali ng mga takdang aralin ng mga mag-aaral. Nakatutulong din ito sa mga

mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga proyekto. Ang resultang ito ay nagpapaliwanag lamang

na ang mga makabagong teknolohiyang ito ay nakabubuti at nakatutulong kung gagamitan ng

tamang disiplina.

Narito ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit para sa kanila ito ay nakasasama. Para

sa mga mag-aaral, ito ay nakasasama sa kadahilanang nakasasagabal ito sa kanilang pag-aaral.

Nagiging dahilan din ito sa hindi wastong pagtulog sa tamang oras. Lumalabas din na ang

sobrang pagamit ng wala sa ayos ay hindi nakadudulot ng mabuti.

Narito ang dahilan ng mga ibang mag-aaral, kung bakit para sa kanila ito ay walang

naidudulot. Para sa mga mag-aaral, wala itong naidudulot sa kanila sapagkat hindi nila

nakasanayan palaging kumonsulta o dumipende sa mga teknolohiyang ito. May ilan ding

31

Page 32: Thesis Reference

nagsasabi na wala itong naidudulot dahil mas gusto nila ang makalumang paraan ng pag-aaral,

kung saan sila ay pupunta ng library at magbabasa ng mga libro.

Rekomendasyon

1. Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay nakabubuti at nakatutulong kung gagamitan

ng tamang disiplina.

2. Ang paggamit sa teknolohiya ng lubos at wala sa ayos ay hindi nagdudulot ng mabuti.

3. Hindi dapat tayo masanay na dumipende sa teknolohiya.

4. Limitahan ang paggamit sa mga makabagong teknolohiya upang hindi magdulot ng

masamang epekto sa pag-aaral.

5. Nararapat na bigyan ng mga mag-aaral ng pansin higit kaysa sa ibang mga bagay ang

kanilang pag-aaral.

32

Page 33: Thesis Reference

Vitae

PANSARILING TALA

Pangalan : Talusan , Hiedee Caluag

Tirahan : 451 Sto. Cristo Pulilan Bulacan

Telepono : 09323976447

Personal na Impormasyon

Araw ng kapanganakan : Abril 03, 1993

Istatus : Dalaga

Kasarian : Babae

Nationalidad : Pilipino

Pangalan ng Ama : Federico D.C. Talusan

Pangalan ng Ina : Elvira C. Talusan

33

Page 34: Thesis Reference

Mga Natapos

Elementarya : Sto. Cristo Elementary School ( 2004 – 2005 )

Sekondarya : Liceo De Pulilan Colleges ( 2008 – 2009 )

Kolehiyo : Baliuag University ( Kasalukuyan )

Pangalan : Roque, Arnel Joseph

Tirahan : 36 coral na Bato, San Rafael, Bulacan,

Telepono : 09059778709

Personal na Impormasyon

Araw ng kapanganakan : Nobyembre 10,1992

Istatus : Binata

Kasarian : Lalaki

Nationalidad : Pilipino

Pangalan ng Ama : Pastor Roque

Pangalan ng Ina :Magnolia Roque

Mga Natapos

Elementarya : Coral na Bato Elementary School

34

Page 35: Thesis Reference

Sekondarya : Carlos F. Gonzales High School

Kolehiyo : Baliuag University ( Kasalukuyan )

Talasanggunian

1 www.wikipedia.org. March 20, 2011

2 Diksyunaryo ng Wikang Filipino. 1989

3 www. teknolohistangpinoy.com . March 22,2011

4 Ledda, Kristine Mae. Silip Artikulo. March 26, 2010

5 www.philstar.com . March 27, 2010

6 www.gabaysapagpilicourse.blogspot.com. March 26, 2010

35