58
Peoples Development Institute Modyul sa Pagsasanay sa HRBA (Training Module on Human Rights-Based Approach) Training Leaders For Community Empowerment December 2013

Training Module on Human Rights-Based Approach

Embed Size (px)

DESCRIPTION

This is a training module on Human Rights-Based Approach. This training module is the result of the long years of PDIexperience in development work.

Citation preview

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    i

    _____________________________________________

    _____________________________________________Peoples Development Institute

    Modyul saPagsasanay

    saHRBA

    (Training Module onHuman Rights-Based Approach)

    Training Leaders For Community Empowerment

    December 2013

  • _____________________________________________

    ii

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Published by the Peoples Development Institute91 Madasalin Street, Brgy. Sikatuna Village, 1101Quezon City, PhilippinesTel. No. (632) 351-7553

    Lay-out and Artwork by: Ramon T. Ayco, Sr.of Peoples Development InstituteSet in Times New Roman Txt LT Std, pt. 12

    Published in the Philippines

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    iii

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Pagsasanay sa HRBA(Training Module on

    Human Rights-Based Approach)

  • _____________________________________________

    iv

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    v

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Acknowledgement

    This training module is the result of the long years of PDI experience in development work.

    We would like to extend our deepest gratitude to Bread for the World for their unwavering support to the PDI program and their deep understanding of the imperatives for developing the capacities of the peasants, indigenous people, women and the out-of-school youth.

    From the Peoples Development Institute, support was provided by Ramon Ayco and Analyn Larot for technical support and Salvador Mirandilla for developing and translating the training modules in Pilipino.

    Most importantly, PDI would like to thank all the community organizers and workers of PDI who helped in the conceptualization and design of the training modules.

    Aurea Miclat-TevesPresidentPeoples Development Institute

  • _____________________________________________

    vi

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    1

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    PANGKALAHATANG LAYUNIN:

    Sa pagtatapos ng Pagsasanay ang mga kalahok ay matututo sa paggamit ng HRBA bilang batayan at gabay sa partisipasyon ng mga mamayan para sa mabuting pamamahala.

    LAYUNIN:1. Maunawaan ang konsepto ng Karapatang pantao2. Malinawan sa kaibahan ng karapatang pantao sa

    pangangailangan.3. Magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa mga

    sangkap ng bawat karapatang pantao4. Matukoy ang mga paglabag sa karapatan ayon sa

    mga pangunahing sangkap nito.5. Maipaliwanag ang obligasyon ng estado.6. Maunawaan ang mga prinsipyong gumagabay sa maayos

    na pamamahala sa paggamit ng prinsipyo ng PANTHER.7. Makagawa ng plano sa mga isyu na may

    kinalaman sa kanilang karapatan upang ito ay kanilang maigiit sa pamahalaan. (Duty Bearer)

    PAMAMARAAN: Palihan (Workshop) Lektura (Lecture) Malayang Talakayan (Open Discussion) Laro (Games)

  • _____________________________________________

    2

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Brain Storming Pagsasadula (Role Playing) Pagbabahagi (Sharing) Pag-uulat (Reporting)

    MGA PAKSA:

    Session I. Pagpapakilala/layunin ng Pagsasanay

    Session II. Konsepto ng Karapatang Pantao1. Kahulugan ng Karapatang Pantao2. Uri ng Karapatang Pantao3. Pagkakaiba ng Karapatang Pantao sa Pangangailangan4. Katangian ng Karapatang Pantao5. Paglabag at Di paglabag sa Karapatang pantao6. Pagpapaliwanag sa Human Rights Based

    Approach (HRBA)

    Session III. Mga Sangkap (Normative Content) ng Karapatang Pantao

    1. Karapatan sa Sapat na Pagkain2. Karapatan sa Tubig3. Karapatan sa Kalusugan4. Karapatan sa Paggawa5. Karapatan sa Edukasyon6. Karapatan sa Sapat na Pabahay

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    3

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Session IV. Sino ang Estado (Duty Bearer)?1. Obligasyon ng Estado

    a. Obligasyong Igalang (Respect)b. Obligasyong Protektahan (Protect)c. Obligasyong Ipatupad (Fulfill)

    Session V. Prinsipyo ng Karapatang Pantao1. Partisipasyon (Participation)2. Pananagutan (Accountability)3. Walang pagtatangi (Non-discrimination)4. Hayag (Transparency)5. Makataong Dignidad (Human Dignity)6. Pagsasakapangyarihan (Empowerment)7. Panuntunan ng Batas (Rule of Law)

    Session VI. Paglalagom at Repleksyon

    Session I:PAGPAPAKILALA/LAYUNIN

    NG PAGSASANAY

    Activity 1: Pagpapakilala ng mga kalahok: bawat isa ay tatayo at mag-isip ng isang kataga na nagsisimula sa letra ng kanyang pangalan. Halimbawa: Ako si Buddy, ako ay may Boldness magsalita.

  • _____________________________________________

    4

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Facilitator: Para lalong magkakilanlan ang bawat kalahok, tayo ay maglalaro.

    Activity 2: Ice Breaker/LARO - MINIMUM to MAXIMUM

    Mechanics: Para magkakilanlan ang mga kalahok sila ay mag-grupo ng tig-lima o tig-pito. Kanilang gagawin ang hinihingi ng Tagapagpalaro. Halimbawa: Pumila ayon sa taas simula pinakamababa hanggang pinakamataas, Pumila ayon sa edad, pinakabata hanggang pinakamatanda etc. Narito ang ilang maaring hingin:

    1. Pumila ayon sa birthday (Enero-Disyembre)2. Pumila ayon sa haba ng buhok (maiksi hanggang

    pinakamahaba)3. Pumila ayon sa dami ng ng naging boyfriend o

    girl friend (mula isa -pataas)4. Pumila ayon sa dami ng magkakapatid (mula isa-

    pataas)5. Pumila ayon sa laki ng beywang (maliit to malaki)

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    5

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Processing: Ano ang natutunan mo sa laro na ginawa?Nakilala ang bawat isa at medyo nakilala ang bawat kalahok (getting to know each other). Nagkaroon ng pagkakaisa na pumila ng tama (unity and cooperation). Nakipag-usap o nagtanong (malayang komunikasyon). Mabilis na Naisagawa ang pila ng tama (team work).

    Session Proper:

    Session II:KONSEPTO NG KARAPATANG PANTAO

    Layunin: Malaman ang konsepto ng Karapatang pantao, kahulugan, mga buod ng artikulo, uri ng karapatang pantao, kaibahan ng karapatan sa pangangailangan.

    Panimula: Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights)

    Noong Disyembre 10, 1948, ang Pangkalahatang Kapulungan ng mga Bansang Nagkakaisa ay nagsagawa at nagpahayag ng Pandaigdig na

  • _____________________________________________

    6

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao. Ang mga nilalaman noon ay mababasa sa mga susunod na pahina. Kasunod ng makasaysayang gawaing ito, ang Kapulungan ay nananawagan sa lahat ng mga kagawad ng bansa upang ilathala ang nilalaman ng Pahayag upang itoy palaganapin, itanghal, basahin, at talakayin lalung-lalo na sa mga paaralan at iba pang institusyong edukasyonal, nang walang pagtatangi batay sa kalagayang political ng mga bansa o mga territory.

    Nasa ibaba ang buod ng bawat artikulo na siyang batayan sa mga Karapatang pantao.

    Artikulo 1: Malaya, pantay sa dignidad at karapatanArtikulo 2: Lahat ng karapatan ay para sa lahatArtikulo 3: Buhay, kalayaan at siguridadArtikulo 4: Walang sinumang alipinArtikulo 5: Kalayaan sa tortyurArtikulo 6: Kilalanin ng batas bilang tao kahit saanArtikulo 7: Pantay na pangangalaga sa batasArtikulo 8: Mabigyan ng lunas laban sa paglabag sa

    karapatanArtikulo 9: Kalayaan sa di makatwirang pang-

    aaresto at pagkulongArtikulo 10: Makatarungang paglilitis sa hukumang

    Malaya

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    7

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Artikulo 11: Ituring na walang sala hanggang di napapatunayan

    Artikulo 12: Kapanatagan sa sariliArtikulo 13: Malayang pagkilos at paninirahanArtikulo 14: Magpakupkop sa ibang bansa laban sa

    pag-uusig at persekusyonArtikulo 15: NasyonalidadArtikulo 16: Magpakasal at magbuo ng pamilyaArtikulo 17: Pagkakaroon ng pag-aariArtikulo 18: Sariling isip, budhi at relihiyonArtikulo 19: Magbuo ng opinyon at magpahayagArtikulo 20: Mapayapang pagpupulong at pagsasamahanArtikulo 21: Pakikilahok sa pamahalaanArtikulo 22: Kapanatagang PanlipunanArtikulo 23: Hanapbuhay, kabuhayan, pag-unyonArtikulo 24: Magpahinga at maglibangArtikulo 25: Pamumuhay na angkop sa taoArtikulo 26: Lahat ay may karapatan sa edukasyonArtikulo 27: Lumahok sa pagpapaunlad at

    makinabang sa sining at aghamArtikulo 28: Panlipunan at pandaigdigang kaayusan

    titiyak sa mga karapatang pantaoArtikulo 29: Tungkulin ng lahat ang pagkilala at

    paggalang sa karapatan at kalayaan ng iba.Artikulo 30: Hindi dapat gamitin ninuman ang mga

    karapatang ito upang labagin ang karapatan ng iba.

  • _____________________________________________

    8

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    PRE-TEST: ALAMIN NATIN - Ano ang mga ginagawa natin na ayon sa ating mga Karapatan?

    Activity 3:Ang unang Grupo ay pumila at bawat isa ay magbanggit ng isang ginagawa at ang Group B naman ay pipila din at siyang magsasabi kung saang Karapatan ito nakapaloob.

    Group A: Group B: Kumakain - Right to Food Nagtatrabaho - Right to Work Umiinom - Right to Water Nagpapatingin sa doctor - Right to Health Pinag-aaral ang anak - Right to Education

    INPUT: Lahat ng ating ginagawa ay nakaugat o nakabatay sa ating mga karapatan. Halimbawa nagtatrabaho tayo dahil karapatan nating maghanap-buhay upang kumita ng pera upang may magamit sa iba pa nating karapatan.Tulad ng bahay, damit, edukasyon at iba pa.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    9

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Activity 4:Bigyang kahulugan ang salitang KARAPATAN sa isang salita. Magbigay ng isang salita ayon sa iyong pagkaunawa sa salitang karapatan.

    Rights Dapat Kalayaan (Freedoms) Entitlements Kapangyarihan Dignidad

    I. KAHULUGAN NG KARAPATANG PANTAO

    Ano ang Karapatang Pantao? - Lahat ng TAO ay mayroon nito, mga indibidwal, saan man (unibersal). Magkakaugnay ang ating mga karapatan (Pangkabuhayan, Panlipunan, Pangkalinangan,

  • _____________________________________________

    10

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    (ESC) Karapatang Sibil at Pampulitika (CP). Nakasaad ito sa mga pandaigdigang kasunduanNag-aasahan (interdependent) ang ating mga karapatan.Tumutukoy sa ating mga Kalayaan at karapat-dapat na matamo (Freedoms and Entitlements).Ang karapatang pantao ay katipunan ng lahat ng karapatang hawak ng bawat tao dahil sa kanyang pagkatao.

    II. MGA URI NG KARAPATANG PANTAO:

    1. Collective Rights - pangkalahatang Karapatan ng isang bansa, bayan, komunidad. Halimbawa: Civil and Political Rights, Family Rights, Economic Rights

    2. Individual Rights - karapatan ng bawat isang tao.Halimbawa: Rights to Life and freedom, Rights to Health, Education, Water, Food, Housing

    III. PAGKAKAIBA NG KARAPATANG PANTAO SA PANGANGAILANGAN

    KARAPATANG PANTAO

    PANGANGAILANGAN NG TAO

    Likas na taglayng bawat isa

    Pangangailangan para mabuhay

    Para sa lahat ng tao (universal)

    Pangangailangan ayon sa kultura, kalagayan,

    kabuhayan

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    11

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Magkakaugnay (interrelated)

    pagkain, damit, tirahan, malinis na tubig, hangin

    at iba pa.Hindi nagbabago Nagbabago

    IV. KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO

    Para sa lahat (universal) - anuman ang ating kulay, lahi, kasarian, kultura, bansa, relihiyon, kalagayan sa lipunan, babae, lalaki o anumang pagkakaiba, ang karapatang pantao ay para sa ating lahat , dahil tayo ay tao.

    Magkakaugnay (Inter-related) - hindi maaring paghiwa-hiwalayin dahil ang karapatang pantao ay magkakaugnay. Pag inalis mo ang isa ay magkakaroon ng problema. Kailangan pareho itong natatamasa. Halimbawa, hindi pwedeng pagkain lang, kailangan din ng tubig. Hindi pwedeng pabahay lang kung wala namang trabaho o pagkakakitaan.

  • _____________________________________________

    12

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Nagkakatulungan (inter-dependence) - Nagkakatulungan sa isat-isa dahil hindi ka maaring mabuhay na nag-iisa. Ang karapatan ay kailangan ang isat-isa. Halimbawa ang karapatang mabuhay ay kailangang kumain, uminom, maging malusog at mapayapa at magkaroon ng marangal na trabaho.

    V. PAGLABAG AT DI PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO

    Activity: Laro Bumoto Ka! - Bumoto ayon sa mga babasahing sitwasyon:

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    13

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    SITWASYON PAGLABAG DI PAGLABAG1. Nagkaroon ng

    blacksand mining sa Zambales na proyekto bilang Livelihood ni Governor.

    2. Binigyan ng relief at supply ng pagkain ang mga nasa Evacuation center na naapektuhan ng bagyong Yolanda.

    3. Nagkaroon ng food blockade sa Palawan.

    4. Namigay ng kulambo sa Rizal dahil sa pagdami ng sakit na Malaria.

    5. Gumamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda sa lawa ng Taal ang ilang mangingisda.

    6. Dinimolish ang kabahayan ng mga naninirahan sa tabing riles nang walang relokasyon,

  • _____________________________________________

    14

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    7. Pinutol ang mga puno at ginawaang uling ng mga taga Benguet.

    8. Namigay ng trabaho ang bagong Mayor ng Bacoor.

    9. Pinaganda ang mga paaralan na nasira ng bagyo.

    VI. PAGPAPALIWANAG PATUNGKOL SA HUMAN RIGHTS-BASED APPROACH:

    Ang Human Rights Based Approach o HRBA ay isang framework o pamamaraan sa pagpapatupad ng mga programa, serbisyo na nakabatay sa mga karapatang pantao. Sa madaling salita, TAO ang siyang sentro ng pag-unlad. Ito ay prinsipyong gumagabay upang maayos na isakatuparan at walang nalalabag na anumang karapatan.Ang HRBA ay nakasentro sa mataas na pag-unlad ng TAO sa pamamagitan ng pagtamasa ng mga Sangkap (Normative Content) at ubod ng mga karapatan (Core Content) na may prinsipyong batayan.Pag pinag-usapan ang HRBA, dapat malinaw ang papel na ginagampanan ng mga TAO bilang CLAIM HOLDER at ng pamahalaan bilang DUTY BEARER.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    15

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Session III: MGA KARAPATANG PANTAO

    at ANG SANGKAP

    Layunin: Malaman ang mga Sangkap ng ilang piling karapatan upang makamit at maabot ang pinakamataas na antas ng mga karapatan.Hindi ka maaring mag-enjoy sa ating mga karapatan kung ang sangkap nito ay wala, kulang o hindi natin natatamasa. Alamin natin ang mga sangkap ng ilang mga karapatang pantao.

    1. KARAPATAN SA SAPAT NA PAGKAIN

    Kahulugan: Ang sapat na pagkain ay natutupad kung ang bawat tao ay may pisikal at pang-ekonomiyang kakayahan na makamit ito ano mang oras.

  • _____________________________________________

    16

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Mga Pangunahing Nilalaman o Sangkap sa Karapatan sa Sapat na Pagkain:

    PAGKAKAROON - sapat ,dami at kalidad ng pagkain ayon sa pangangailangan ng bawat isa, ligtas sa mga mapinsalang substansiya at tanggap sa kultura ng kumakain.

    ABOT-KAYA - makamit ang kailangang pagkain sa mga sustinable o likas kayang pamamaraan at hindi nagiging sagabal sa pagtamasa ng iba pang karapatang pantao.

    SAPAT NA NUTRISYON (dietary needs) - ang isang buong diyeta ay naglalaman ng mga nutrisyon para sa pisikal at mental na paglago, pag-unlad at pagpapanatili nito.Para rin sa pisikal na gawain sa pagtugon sa mga physiological needs o pagkamit sa lahat ng pangangailangan upang matiyak ang mahusay na pangangatawan sa lahat ng yugto ng buhay at ayon sa kasarian at trabaho.

    LIGTAS (free from adverse substances) - nagtatakda ng mga pangangailangan para sa kaligtasan ng pagkain at mga

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    17

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    pampubliko at pribadong pamamaraang nagbibigay proteksiyon para maiwasan ang kontaminasyon ng pagkain dulot ng hindi malinis na kapaligiran o hindi tamang pagdadala nito sa buong yugto ng food chain.Kailangan din na malaman at maiwasan o alisin ang mga natural na toksin.

    KATANGGAP-TANGGAP sa kultura o sa kakain (cultural or consumer acceptability) - Pagsasaalang-alang sa mga pinahahalagahang paniniwala sa pagkain kahit hindi batay sa nutrisyon ngunit nakakabit sa pagkain, pagkonsumo nito at may kaalaman sa katangian ng mga naabot na mga pagkain.

  • _____________________________________________

    18

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    PAGKAKAROON NG PAGKAIN - tumutukoy sa mga pamaraan para sa pagpapakain sa sarili direkta mula sa produktibong lupa o iba pang mga likas na yaman, o para sa gumaganang sistema sa pamamahagi, pagproseso at pamilihan na maaring maglipat ng pagkain mula sa lugar ng produksiyon papunta sa kung saan ito may pangangailangan.

    PAGKA-ABOT KAYA (Accessibility) - sumasaklaw sa parehong pangekonomiya at pisikal na pagka-abot:Abot Kayang bilhin - ang mga personal o sambahayang pananalaping gastos kaugnay

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    19

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    sa pagkuha ng pagkain para sa sapat na dyeta ay hindi dapat makompromiso. Ang economic accessibility ay naangkop sa anumang pamamaraan ng mga tao sa pagkuha ng kanilang pagkain at para matamasa ang karapatan sa sapat na pagkain. Ang mga vulnerable groups sa lipunan tulad ng mga taong walang lupain at iba pang kabilang sa bahagdan ng populasyon na naghihirap ay dapat bigyang pansin sa pamamagitan ng mga espesyal na programa.

    Kayang puntahan - ang sapat na pagkain ay dapat na napupuntahan ng lahat, kabilang ang mga taong may pisikal na kahinaan tulad ng bata, matatanda, may pisikal na kapansanan at may malubhang sakit at problemang medical kabilang ang mga maysakit sa pag-iisip. Ang mga biktima ng natural na kalamidad, mga taong naninirahan sa mga lugar na malamang makaranas ng sakuna at iba pang espesyal na mga grupo na may disbentahe ay dapat bigyang pansin at prayoridad sa pagkaabot sa pagkain. Ang isang may kahinaan na grupo ay ang katutubo dahil ang kanilang pagka-abot sa mga minanang lupain ay maaring nanganganib.

  • _____________________________________________

    20

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    2. KARAPATAN SA TUBIG

    Kahulugan: Karapatan ng lahat sa sapat, ligtas, katanggap-tanggap, pisikal na maabot at abot-kayang tubig para sa personal at pambahay na gamit.

    MGA SANGKAP:

    PAGKAKAROON o AVAILABILITY - ang tubig para sa bawat tao ay dapat na sapat at tuloy-tuloy para sa mga personal at domestic na gamit. Ang mga kalimitang gamit nito ay para sa inumin, pangpersonal na kalinisan, paglaba ng mga damit, paghahanda ng pagkain, pangpersonal at pangbahay na kalinisan. Ang dami ng tubig para sa bawat tao ay dapat tumutugma sa pamantayan ng World Health

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    21

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Organization (WHO). Ang ilang mga tao at grupo ay maaari ring mangailangan ng karagdagang tubig dahil sa kalusugan, klima at mga kondisyon sa trabaho.

    KALIDAD o QUALITY - ang tubig na kailangan para sa personal o domestic na gamit ay dapat maging ligtas laban sa mga mapinsalang micro-organism, kemikal na sangkap at radiological hazards na maaring maging banta sa kalusugan ng tao. Ang tubig ay dapat ding may katanggap-tanggap na kulay, amoy, at lasa.

    PAGKA-ABOT o ACCESSIBILITY - ang tubig at ang mga pasilidad at serbisyo kaugnay nito ay dapat na maaring makamit ng lahat nang walang pagtatangi at nasa loob ng pamamahala ng estado. Ang accessibility ay may apat na magkakasanib na aspeto:

    Kayang Puntahan / Physical accessibility - ang tubig, sapat na mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat nakapaloob sa isang ligtas na lugar na maaabot ng lahat ng mga seksyon ng populasyon. Ang sapat , ligtas at katanggap-tanggap na tubig ay dapat na makukuha sa loob o sa agarang paligid ng bawat sambahayan, institusyong pang-edukasyon

  • _____________________________________________

    22

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    at lugar ng trabaho. Lahat ng mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat na may sapat na kalidad, angkop sa kultura at sensitibo sa kasarian, life-cycle at pribadong pangangailangan. Ang pisikal na kaligtasan ay hindi dapat nanganganib sa panahon ng pag-abot sa mga pasilidad at serbisyo ng tubig.

    Abot-kayang bilhin / Economic accessibility - ang tubig at mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat na abot-kaya para sa lahat. Ang direkta at hindi direktang gastos at singilin kaugnay sa pagkakaroon ng tubig ay dapat na abot-kaya at hindi dapat na malagay sa kompromiso o pagbabanta sa pagkakaroon ng iba pang mga karapatan.

    Walang tinatangi / Non-discrimination - ang tubig at serbisyo ng tubig ay dapat na maaring makamtan ng lahat, kabilang ang mga pinaka-mahina o mga taong isinantabi ng lipunan (vulnerable o marginalized), naisaad sa batas at sa aktwal na mga pangyayari, nang walang pagtatangi.

    Abot-kayang makakuha ng impormasyon (Information accessibility) - Kasama rito ang karapatang humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyu sa tubig.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    23

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    3. KARAPATAN SA KALUSUGAN:

    Kahulugan: Karapatan sa pagtatamasa ng pinakamataas na antas na pamantayan ng kalusugan na kaaya-aya para mabuhay ng marangal

    SANGKAP NG KARAPATAN SA KALUSUGAN:

    PAGKAKAROON (Availability) - ang mga pampublikong kalusugan at pasilidad sa pangangalaga ng kalusugan, mga kalakal, serbisyo, at programa ay kailangang may sapat na dami. Kasama rito ang ligtas at naiinom na tubig, sapat na mga pasilidad sa kalinisan, mga ospital, klinika at iba pang kaugnay sa kalusugan

  • _____________________________________________

    24

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    na mga gusali, sanay na medical at propesyonal na mga tauhan na may kompetitibong sweldo at mga mahahalagang gamot.

    ACCESSIBILITY - ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat naabot ng lahat. May apat na magkakasanib na mga panukat:

    a. Walang Pagtatangi (Non-discrimination) - ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat naabot ng lahat, lalo na ng mga nabibilang sa pinakamahina o marginalized na bahagi ng populasyon.

    b. Phyisical accessibility - ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat na ligtas at pisikal na maabot para sa lahat

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    25

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    4. KARAPATAN SA PAGGAWA:

    Kahulugan: Ang karapatan sa paggawa ay mahalaga para sa katuparan ng iba pang mga karapatang pantao at ito ay hindi mahihiwalay

    na likas na bahagi ng dignidad ng tao. Bawat tao ay may karapatang makapagtrabaho na magpapapahintulot sa kanya na mabuhay ng may dignidad. Ang karapatan sa paggawa ay tumutulong na buhayin ng isang tao ang kanyang sarili at pamilya, hanggat malaya niyang pinili o tinanggap ang trabaho para sa kanyang pag-unlad at pagkilala sa komunidad. Nakapaloob din dito ang hindi sapilitang pagtrabaho at pagkakaroon ng pantay na pagkakataon na makapagtrabaho.

    Mga Sangkap ng Karapatan sa Paggawa:

    Pagkakaroon ng Trabaho - ang estado ay dapat maglaan ng mga espesyal na serbisyo para tulungan at suportahan ang mga manggagawa na alamin kung saan makakahanap ng trabaho.

  • _____________________________________________

    26

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Abot-kamay na Trabaho - ang merkado para sa trabaho ay dapat maging bukas para sa lahat at ayon sa tatlong panukat:

    1. Ipinagbabawal ang pagtatangi sa pagkakaroon at pagpapanatili sa trabaho batay sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, bansa o lipunang pinagmulan, ari-arian, kapanganakan, pisikal o mental na kapansanan, katayuan ng kalusugan(kasama ang HIV/AIDS) sekswal na oryentasyon, o sibil, pampulitika, panlipunang katayuan, ipinagbabawal ang anumang pagtangi na may layunin o epekto ng pagwawalang saysay sa pagsakatuparan ng karapatan sa paggawa.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    27

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    2. Madaling marating o maabot na pagtatrabahuan ang dapat isalang-alang sa mga may kapansanan.

    Kabilang din sa sinasabing abot-kamay na trabaho ang karapatang humanap, makakuha at magbigay ng impormasyon ukol sa pagkakaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pagtatatag ng imbakan ng mga datos ukol sa pagkakataon ng empleyo sa merkadong lokal, pangrelihiyon, pambansa at sa ibang bansa.

    3. Trabahong katanggap-tanggap upang maitaas ang uri ng manggagawa sa makatarungan at mainam na mga kalagayan sa trabaho, lalo na sa ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho; ang karapatan na bumuo ng union at karapatan na malayang piliin at tanggapin ang trabaho.

  • _____________________________________________

    28

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    5. KARAPATAN SA EDUKASYON

    Kahulugan: Ang Edukasyon ay karapatang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao. Magagamit niya ito para:

    - Makaahon mula sa kahirapan- Ganap na lumahok sa komunidad- Bigyan ng kapangyarihan ang kababaihan

    (women empowerment)- Mabantayan ang mga bata laban sa sekswal na

    pagsasamantala at mapanganib na trabaho;- Itaguyod ang karapatang pantao at demokrasya;- Pangalagaan ang kapaligiran; at- Mapigilan ang lumalaking populasyon

    Lahat ng edukasyon, ito man ay pampubliko o pribado, pormal o di pormal, ay dapat na naayon sa pagkilala na:

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    29

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    - Ang edukasyon ay patungkol sa damdamin ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao (sense of dignity);

    - Ang edukasyon ay nagbibigay kakayahan sa tao para sa kanilang epektibong pakikilahok sa malayang pamayanan.

    - Ang edukasyon ay nagsusulong ng pag-uunawaan sa lahat ng mga grupong-etniko, mga bansa, mga lahi at mga grupong-relihiyoso.

    SANGKAP NG KARAPATAN SA EDUKASYON:

    Pagkakaroon o Availability - kinakailangan na ang mga institusyon at programang pang-edukasyon para sa lahat at sapat ang dami. May mga pangangailangan at kondisyon na dapat isaalang-alang para sa lubusang pagpapatakbo ng mga ito. Lahat ng mga institusyon at programa ay kinakailangan ng gusali, sanidad, kalinisan para sa lahat ng kasarian, ligtas na inuming tubig at mga gurong may tamang sahod, gamit sa pagtuturo at iba pa. Samantala, ang iba naman ay kailangan ang karagdagang pasilidad tulad ng aklatan, computer at teknolohiya para sa impormasyon.

  • _____________________________________________

    30

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Pagka-abot-kaya o Accessibility - Ang mga institusyon at programang pang-edukasyon ay dapat na madaling abutin ng lahat at walang itinatangi. Ang accessibility ay may magkasanib na panukat:

    1. Walang pagtatangi o Non-discrimination - ang edukasyon ay dapat na maaring makamit ng lahat, lalo na ng mga pinaka-mahinang grupo (vulnerable groups)

    2. Pisikal na maabot at mapuntahan o physical accessibility - ang edukasyon ay dapat na ligtas at madaling maaabot, alinman sa paraang pisikal na pagpunta sa

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    31

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    lugar nito (hal. paaralan sa komunidad) o sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya (hal. programang distance learning)

    3. Abot-kayang halaga o economic accessibility - ang edukasyon ay dapat abot-kaya ng lahat

    4. Katanggap-tanggap o acceptability - ang porma at nilalaman ng edukasyon kabilang na ang curricula at pamamaraan sa pagtuturo ay dapat katanggap-tanggap (hal. ayon sa kahalagahan, kultura at mabuting kalidad) sa mga mag-aaral at sa mga magulang sa angkop na mga pagkakataon.

    5. Pang-angkop o adaptability - ang edukasyon ay dapat na bumabagay sa pangangailangan ng mga nagbabagong lipunan at komunidad at dapat ring tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang malawak na lipunan at kulturang kinapapalooban.

  • _____________________________________________

    32

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    6. KARAPATAN SA SAPAT NA PABAHAY

    Kahulugan: Ang karapatan sa sapat na pabahay ay di nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng isang tirahan na may bubong. Kasama dito ang karapatang mamuhay sa isang lugar na ligtas, mapayapa at may dignidad.

    Ubod na Nilalaman ng Karapatan sa Sapat na Pabahay:

    1. Legal na Kasiguruhan sa pananatili - may titulo ang lupang kinatitirikan, kung alisin man ay

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    33

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    may magandang paglilipatan na inilaan ang gobyerno

    2. Pagkakaroon ng mga serbisyo materyales, at imptrastraktura - may sapat na proteksyon sa lamig, hamog, init, ulan o iba pang banta sa kalusugan.

    3. Abot-Kaya (Affordable) - abot kaya ang buwanang hulog sa bahay

    4. Angkop na tirahan (habitability) - kompleto ang pabahay

    5. Kayang makuha (accessibility) - malapit sa mga batayang serbisyo ng pamahalaan ang bahay

    6. Lokasyon - ang bahay ay malapit sa hospital, palengke, paaralan at iba pa.

    7. Pangkulturang kasapatan - ang materyales ay angkop sa kultura

  • _____________________________________________

    34

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Session IV: OBLIGASYON NG ESTADO

    Layunin: Matukoy ang mga obligasyon ng Estado o pamahalaan sa pagkakamit o paggiit ng ating mga karapatan.

    A. Sino ba ang Duty Bearer? Ayon sa HRBA, ang mga Duty Bearer o tagapagpatupad ng ating mga karapatan at nagtitiyak na itoy ginagalang, pinoprotektahan, at ipinagkakaloob ay ang bumubuo ng ating Estado.

    Sino ang Duty Bearer? The Philippine Government is the duty bearer.

    A. EXECUTIVEPresident (1)Vice President (1)Autonomous Region: Regional Governor (1)Province: Governor (1), Vice Governor (1)

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    35

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Municipality: Mayor (1), Vice Mayor (1)Barangay: Barangay Captain

    B. LEGISLATIVECongress (2 houses): Senate (24), House of

    Representatives (270)Regional Legislative Assembly (24)Provincial Assembly (voters)Municipal Assembly (Voters)Barangay Assembly (8)Youth Assembly (7)

    C. JUDICIARY:Supreme Court (15)Court of Appeals (60)Sandiganbayan (15)Court of Tax Appeals (9)Regional Trial court (12 courts)

  • _____________________________________________

    36

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    District courts (5 courts)Metropolitan Trial courtMunicipal trial courts in citiesMunicipal trial courtsMunicipal circuit trial courtsShare Circuit courts

    D. AT IBAT-IBANG AHENSIYANG ITINALAGA NG GOBYERNO PARA MAGSERBISYO SA MGA TAO (CLAIM HOLDER)

    Halimbawa:

    Karapatan AHENSIYA NG GOBYERNO 1. Food NFA, D.A, BFAR, BFAD, 2. Health WHO, 3. Education Dep Ed, CHED,4. Work DOLE, OWWA, POEA,5. Housing NHA, HUDCC, UDHA, LRA,

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    37

    _____________________________________________

    _____________________________________________

  • _____________________________________________

    38

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    INPUT: Bukod sa tatlong ito (Executive, Legislative at Judiciary) na bumubuo ng ating estado ang pang-apat ay ang MEDIA na neutral at tagapagpadaloy ng malayang komunikasyon at ugnayan ng tao sa Gobyerno.

    Workshop: Pagtatala ng Pagtupad sa Obligasyon ng Estado

    Gabay na Tanong:

    1. Anu-ano ang mga nagawa na ng pamahalaan sa inyong komunidad ayon sa mga nabanggit na karapatan?

    2. Anu-ano naman ang di pa nagagawa na kailangan sa inyong komunidad ayon sa mga Karapatang nabanggit?

    KARAPATANG PANTAO

    NAGAWA NG PAMAHALAAN

    HINDI PA NAGAWA NG PAMAHALAAN

    1. Pagkain

    2. Tubig

    3. Pabahay

    4. Paggawa

    5. Kalusugan

    6. Edukasyon

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    39

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    TATLONG PANGUNAHING OBLIGASYON NG ESTADO:

    1. Obligasyon na Igalang (Respect) - dapat igalang ng pamahalaan ang ating mga karapatan.

    a. Hinihikayat ang estado na huwag gumawa ng anumang lalabag sa integridad ng individual sa kalayaan ng bawat isa.

    b. Pinagbabawalan ang estado na gumalaw sa anumang paraan na manghimasok sa mga kinikilalang karapatan at kalayaan

    k. Hiningi sa estado na tanggapin ang kaukulang tungkulin na gumawa at iayos ang mga kondisyon para sa pagtamasa at pagkamit ng mga karapatang pantao.

    Mga Halimbawa:a. Gumawa ng epektibong legal remedy para sa

    karapatan sa:- Pagkain- Tubig- Kalusugan- Paggawa- Edukasyon- Pabahay

  • _____________________________________________

    40

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    b. Iwasan ang:- Food blockade- Polusyon ng tubig

    k. Ipagbawal ang corporal punishment sa paaraland. Iwasan ang pagpigil sa tradisyunal na praktis

    sa kalusugane. Buwagin ang Child laborg. No to forced eviction

    2. OBLIGASYON NA PROTEKTAHAN (Protect) - dapat ipagtanggol ng pamahalaan ang ating mga karapatan

    Mga Dapat ginagawa ng Gobyerno:a. Tinutulak ng estado na pagbawalan ang iba sa

    paglabag ng mga kinikilalang mga karapatan at kalayaan.

    b. Kailangan ng estado na iwasan ang paglabag sa karapatang pantao ng mga ikatlong partido.

    k. Ang estado ay hindi dapat makipagsabwatan sa ikatlong partido na sisira sa pagtamasa ng karapatang pantao.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    41

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Mga Halimbawa:a. Gumawa, ipatupad ang mga patakaran sa:

    - Price ceiling ng pagkain- Pagpresyo ng tubig- Pagkuha ng mahusay na guro- Akmang serbisyo sa kalusugan- Labor standards- Building/housing codes (rental laws)

    b,. Imonitor ang kalidad ng:- Sanitasyon sa paggawa ng pagkain- Tubig na ligtas sa kontaminasyon- Edukasyon- Kalagayan sa paggawa- Pabahay- Health goods

    3. OBLIGASYON IPATUPAD (Fulfill) - dapat ipinapatupad o ipinagkakaloob ng pamahalaan ang ating mga karapatan.

  • _____________________________________________

    42

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    a. Itaguyod (Promote) Gumawa ng kondisyon na nakatutok sa pagtamasa at pagkamit ng karapatang pantaoSiguraduhin na ang mga individual ay may oportunidad na makamit ang mga entitlements o karapat-dapat na karapatang pantao na hindi matugunan ng individual lamang.

    b. Magbigay (Provide) - tinatawagan ang estado na maging ultimate provider o natatanging tagabigay ng mga produktibong rekurso o serbisyo sa pangangailangan.

    Mga Halimbawa:a. I-monitor ang abot-kayang presyo ng pagkain,

    tubig, edukasyon, medisina (Generic law), gamit sa pabahay (presyo ng semento, bakal, kahoy at iba pa.)

    b. Magbigay ng subsidy sa pagkain, tubig, edukasyon, kalusugan, trabaho at pabahay.

    c. Magbigay at maglaan:i. food aid sa mga refugeesii. ligtas at sapat na tubig sa mga taong may

    kapansanan, biktima ng peligro/sakunaiii. classroom (mesa, guro, silya, gamit sa

    pag-aaral)iv. libreng serbisyo (halimbawa para sa

    vocational training)

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    43

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    TEST: Tingnan natin kung may natutunan tayo sa tatlong Obligasyon ng Gobyerno:

    Sabihin kungA. RESPECT,B. PROTECT oC. FULFILL ang mga sitwasyon para maunawan

    ang tatlong Obligasyon na ito.

    SITWASYON OBLIGASYON1. Inaprubahan ni Mayor ang City

    Ordinance na nagbabawal o nagpapatigil ng demolisyon sa buong Navotas.

    RESPECT

    2. Nagbigay ng kagyat na tulong ang barangay sa mga naapektuhan ng baha.

    FULFILL(PROVIDE)

  • _____________________________________________

    44

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    3. Naglabas ang Barangay ng isang Ordinansa na nag-uutos sa mga negosyo sa lugar na sumunod sa mga labor standards kaugnay ng pagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo.

    PROTECT

    4. Naglaan ng sapat na pondo ang Barangay para sa pagpapatayo ng mga bagong classroom at mga bagong facilities sa health center

    FACILITATE

    Session V: PRINSIPYO NG KARAPATANG PANTAO

    Layunin: Malaman ang mga prinsipyong gumagabay sa pagsusulong ng Human Rights-Based Approach upang matiyak at mamonitor ang mga programa ng Gobyerno at mga ahensiyang nagsusulong ng karapatang pantao.Ito ay may acronym na PANTHER. Alamin natin ang ibig sabihin o kahulugan ng bawat letra.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    45

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    PARTISIPASYON (Participation) - pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala. Paglahok ng mamayan sa lahat ng desisyon na nakaka-apekto ng buhay at karapatan

    PANANAGUTAN (Accountability) - pananagutan ng pamahalaan na irespeto, ipagtanggol at ipatupad ang bawat Karapatan ng indibidwal at ipatupad ang mga batas nang walang pagtatangi. Pananagutan ng mga namamahala ang kanilang obligasyon at pagsagawa ng mga mamamayan ng kanilang responsibilidad

    WALANG PAGTATANGI (Non-discrimination) - para sa lahat. Kahit sino ay kasali,anuman ang kulay, lahi, kultura, etnikong kinabibilangan, kasarian, relihiyon, panlipunan at pampulitikang kalagayan, pati ang mga bulnerableng mamamayan at mahihirap na sektor ng lipunan. Walang tinatangi, lahat may kabahagi at pantay-pantay.

    Hayag (Transparency) - lahat ng pampublikong pagkilos at desisyon ay hayag at walang itinatago. May access sa mga impormasyon at mga babasahin. Walang inililihim, lahat ipinapaalam.

  • _____________________________________________

    46

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Makataong Dignidad - pundasyon sa pagpapahalaga sa tao bilang sentro ng pag-unlad. Ang dignidad ng tao ay hindi negotiable, at hindi nagbabago. Kabilang ang mga kabataan, kababaihan, may kapansanan, at mga bulnerableng mamamayan sa pagtataguyod ng dignidad, ang mga batayang pangangailangan na dapat isaalang-alang:

    Pagsasakapangyarihan (Empowerment) - tumutukoy sa pagsasakapangyarihan ng mga kapasidad, kaalaman, kakayahan ng bawat indibidwal sa pagtugon sa kanilang mga problema at isyung kinakaharap. Kakayahan ng mamamayan na mapaunlad; desisyon ng mamamayan pinapatupad,

    Panuntunan ng Batas (Rule of law) - pagsakatuparan sa mga itinakdang alituntunin ng batas ng pamahalaan na gabay sa mapayapang pamumuhay at pag-unlad ng bawat isa. Katarungan ng bawat indibidwal. Pagpapanatili ng kaayusan. Pagtugon sa mga karapatan ng mamamayan. Pagkamit ng katarungan dapat kamtin

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    47

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    Workshop: PANTHER PRINCIPLES

    May mga nalalabag bang karapatan sa di paggamit ng prinsipyong PANTHER? Ating alamin.

    Sagutin ang tatlong (3) Gabay na tanong:

    1. Ano ang mga kasalukuyang karanasan batay sa bawat prinsipyo?

    2. Sa inyong palagay, ano ang 3 pamantayan sa mabuting pamamahala batay sa PANTHER?

    3. Paano natin mapapalaganap ang mga pamantayan na ito?

    Tanong #1 Tanong #2 Tanong #31.2.3.

    Session 6:Panghuling Gawain: Paglalagom at Repleksyon

    (SYNTHESIS AND REFLECTION)

    Layunin: Malaman ang mga natutunan sa pagsasanay /pag-aaral ng HRBA.

  • _____________________________________________

    48

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA

    Gabay na tanong:

    Sagutin o isulat sa meta card ang inyong sagot:

    1. Kumusta ako pagkatapos ng pagsasanay na ito?

    2. Ano ang pagbabago sa aking pamantayan sa pagpili sa mga namamahala o Lider ng aming komunidad o samahan?

    REFERENCES:

    1. Selected International Human Rights Instruments - Isinalin sa Pilipino ng EED Luzon Governance Group December 2011

    2. The Rights-Based Approach to Good Governance Edited by Aurea G. Miclat-Teves

    GABAY SA PAGSASANAY NG MGA LIDER SA KARAPATANG PANTAO

    Pangkalahatang Layunin:

    Gamitin ang HRBA bilang pamantayan sa isang mabuting pamamahala ng gobyerno sa pakikilahok ng mamamayan sa mabuting pamamahala.

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    49

    _____________________________________________

    _____________________________________________

    OR

    AS

    SESY

    ON

    PAR

    TIK

    UL

    AR

    NA

    LAY

    UN

    INPA

    KSA

    / N

    ILA

    LA

    MA

    NPA

    MA

    MA

    RA

    AN

    30

    min

    uto

    1M

    akila

    la a

    ng b

    awat

    kal

    ahok

    at

    mal

    aman

    ang

    layu

    nin

    sa

    pags

    asan

    ay.

    Pagp

    apak

    ilala

    LAY

    UN

    IN N

    G P

    agsa

    sana

    yPa

    gpap

    akila

    la

    1 or

    as2

    Mal

    aman

    ang

    kon

    sept

    o,

    kahu

    luga

    n ng

    kar

    apat

    an,

    uri,K

    atan

    gian

    ng

    kara

    pata

    n, k

    aiba

    han

    nito

    sa

    Pang

    anga

    ilang

    an, p

    agla

    bag

    at d

    i pa

    glab

    ag.

    K

    onse

    pto

    ng K

    arap

    atan

    g Pa

    ntao

    K

    ahul

    ugan

    U

    ri, k

    atan

    gian

    K

    aiba

    han

    ng K

    P sa

    Pa

    ngan

    gaila

    ngan

    Pa

    glab

    ag a

    t di p

    agla

    bag

    sa K

    P

    Pagp

    apal

    iwan

    ag sa

    HR

    BA

    Inpu

    t,Rol

    e pl

    ayLe

    ctur

    eD

    iscu

    ssio

    nLa

    ro

    1 or

    as3

    Mat

    ukoy

    ang

    mga

    San

    gkap

    at

    ubod

    ng

    mga

    Kar

    apat

    anSa

    ngka

    p ng

    Kar

    apat

    ang

    pant

    ao(N

    OR

    MAT

    IVE

    CO

    NT

    EN

    T)

    Lect

    ure

    Pagp

    apal

    iwan

    ag

    1 or

    as4

    Mat

    alak

    ay a

    ng m

    ga n

    aitu

    long

    ng

    LG

    U a

    t iba

    pan

    g a

    ctor

    at

    HR

    na

    tinut

    ugun

    an n

    g ka

    nila

    ng

    orga

    nisa

    syon

    OB

    LIG

    ASY

    ON

    NG

    EST

    AD

    OLe

    ctur

    eD

    iscu

    ssio

    nTa

    nong

    at s

    agot

  • _____________________________________________

    50

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA1

    oras

    5M

    auna

    waa

    n an

    g m

    ga

    pam

    anta

    yan

    ng m

    abut

    ing

    pam

    amah

    ala

    ayon

    sa H

    RB

    A

    PRIN

    SIPY

    O N

    G K

    P (s

    a pa

    ggam

    it ng

    PA

    NT

    HE

    R)

    Pagp

    apal

    iwan

    ag

    30

    min

    uto

    6Pa

    glal

    agom

    at R

    eple

    ksyo

    nS

    YN

    TH

    ES

    IS a

    nd R

    eflec

    tion

    Pagb

    abah

    agi

  • Aralin sa Paghuhubog ng mga Lider Pang-Komunidad

    51

    _____________________________________________

    _____________________________________________

  • _____________________________________________

    52

    _____________________________________________

    MODYUL SA PAGSASANAY SA HRBA