6
1 OPENING REMARKS Rafael 'Ka Paeng' Mariano Chairperson, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Enero 28, 2015 Disyembre 14, 1994 nang ratipikahan ng Philippine Senate ang pagpasok ng bansa sa General Agreements on Tariffs and Trade (GATT) World Trade Organization (WTO) sa kabila ng malakas at malawak na pagtutol ng mamamayan. Sa botong 19-5, inaprubahan ng Senado ang pagpasok ng Pilipinas sa WTO bilang isa mga founding members nito. Ngayon, mahigit dalawampung taon matapos na isubo tayo sa 'tiyan ng halimaw,' higit ang pangangailang balikan natin ang mga naging epekto ng GATT-WTO sa kabuhayan ng mamamayan, partikular sa mga magsasakang Pilipino. Magbibigay ng testimonya ang ating mga lider magsasaka upang ipakita kung paano unti- unting pinapatay ng imperyalistang globalisasyon ang kabuhayan ng masang magsasaka. Titingnan din natin ang mga polisiya at patakaran sa agrikultura at ekonomya na ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang rehimen sa ngalan ng pagtataguyod umano ng 'malayang kalakalan' at 'global competetiveness' na sa totoo lamang ay mga anti- mamamayang patakaran para buksan ang ekonomya ng mga maliliit na bansa para pumiga ng dambuhalang tubo mula sa pawis at dugo ng mga produktibong pwersa. Kukuha rin tayo ng mahahalagang aral sa mga mga pambansa at pandaigdigang pagkilos ng mamamamayan laban sa WTO na lumalaban sa imperyalistang imposisyon at pananalasa sa buong mundo. Sisikapin nating makabuo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa tungo sa pangangailangan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na isang hakbang sa pag-ahon ng mamamayan at ng bansa sa kinasadlakan nitong kumunoy ng ekonomya at lipunang pumapabor sa mga naghaharing uri at dayuhan.

Two Decades of WTO: Bane for the People

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Opening Remarks delivered by Rafael 'Ka Paeng' Mariano during a Forum on the 20th anniversary of PH accession to WTO, January 28, 2015

Citation preview

1

OPENING REMARKS

Rafael 'Ka Paeng' Mariano

Chairperson, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

Enero 28, 2015

Disyembre 14, 1994 nang ratipikahan ng Philippine Senate ang pagpasok ng bansa sa General Agreements on Tariffs and Trade (GATT) World Trade Organization (WTO) sa kabila ng malakas at malawak na pagtutol ng mamamayan. Sa botong 19-5, inaprubahan ng Senado ang pagpasok ng Pilipinas sa WTO bilang isa mga founding members nito.

Ngayon, mahigit dalawampung taon matapos na isubo tayo sa 'tiyan ng halimaw,' higit ang pangangailang balikan natin ang mga naging epekto ng GATT-WTO sa kabuhayan ng mamamayan, partikular sa mga magsasakang Pilipino.

Magbibigay ng testimonya ang ating mga lider magsasaka upang ipakita kung paano unti-unting pinapatay ng imperyalistang globalisasyon ang kabuhayan ng masang magsasaka.

Titingnan din natin ang mga polisiya at patakaran sa agrikultura at ekonomya na ipinatupad ng mga nagdaan at kasalukuyang rehimen sa ngalan ng pagtataguyod umano ng 'malayang kalakalan' at 'global competetiveness' na sa totoo lamang ay mga anti-mamamayang patakaran para buksan ang ekonomya ng mga maliliit na bansa para pumiga ng dambuhalang tubo mula sa pawis at dugo ng mga produktibong pwersa.

Kukuha rin tayo ng mahahalagang aral sa mga mga pambansa at pandaigdigang pagkilos ng mamamamayan laban sa WTO na lumalaban sa imperyalistang imposisyon at pananalasa sa buong mundo.

Sisikapin nating makabuo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa tungo sa pangangailangan ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon na isang hakbang sa pag-ahon ng mamamayan at ng bansa sa kinasadlakan nitong kumunoy ng ekonomya at lipunang pumapabor sa mga naghaharing uri at dayuhan.

2

Pag-iisahin natin ang ating mga tunguhin na para sa pagtataguyod ng maka-magsasaka, maka-mamamayan kalakalan, at umaasa sa sariling sa ekonomya na tunay na nagsisilbi at magpapaunlad ng buong sambayanan.

WTO bilang instrumento ng imperyalistang agresyon, pandarambong at pananalasa

Nabuo ang World Trade Organization (WTO) noong 1995 matapos ang Uruguay Round ng General Agreements on Tariffs and Trade (GATT), na serye ng mga kasunduang naglalayong baklasin ang mga restriksyon o 'barrier' sa 'malayang kalakalan' sa pagitan ng mga bansa.

Ang WTO sa ngayon ay binubuo ng 159 na bansa na pana-panahong nagpupulong upang ayusin, itakda at ipatupad ang mga kasunduan sa pandaigdigang kalakalan. Ang mga bagong kasunduan ay pinagbobotohan ng mga kinatawan ng mga kasaping bansa matapos ang mga debate at negosasyon. Mayroon itong mekanismo sa pagtitiyak sa pagpapatupad ng mga desisyon nito kung saan maaring ihabla ang mga bansang hindi nagpapatupad ng mga probisyon ng mga kasunduan at kung mapatunayan ay parurusahan sa pamamagitan ng mga multa o di kaya’y embargo sa kalakalan. May kapangyarihan rin ang WTO na magpasya sa mga sigalot sa kalakalan sa pagitan ng mga miyembrong bansa. Subalit batay sa karanasan, ang mga kapasyahan ng WTO ay naipipilit lamang sa mga mahihirap na bansa habang pikit-mata ito sa mga lantarang paglabag dito ng mayayamang bansa. Sa saligan, ang mga kasunduan sa WTO ay mga alituntunin na kailangang sundin at pagbatayan ng mga kasaping bansa sa pagbubuo ng kanilang patakaran at praktika sa pakikipagkalakalan. Dalawang pangunahing prinsipyo ang itinatakda ng WTO: 1) Most- Favored-Nation (MFN) Treatment o –iisang pagtrato sa lahat ng kasaping bansa nang walang diskriminasyon o pagtatangi, at 2) ang National Treatment o ang pagtrato sa mga produktong imported ng katulad sa lokal na produkto. Nilalayon ng WTO na 1) tiyaking natatamasa ng lahat ng kasaping bansa ang magkakatulad na karapatan sa kalakalan, 2) itaguyod ang malayang kalakalan at bawasan hanggang maalis ang mga restriksyon sa malayang kalakalan tulad ng taripa at buwis, 3) bumuo at magpatupad ng mga batas at reglamento sa pandaigdigang kalakalan, 4) alisin ang mga subsidyo upang matiyak na higit na “competitive” ang kalakalan. Mga pangako ng kamatayan Upang lansihin ang publiko at pagmukhaing mabuti para sa mamamayan ang 'globalisasyon', bago ang ratipikasyon ng Senado sa GATT, ipinangalandakan ng gobyerno na ang pagpasok sa WTO ay makalilikha ng panibagong 500,000 bagong trabaho at P60 bilyong gross value added (GVA) kada taon.

3

Subalit alam nating lahat na walang nangyari sa mga pangakong ito. Dahil sa epekto ng mga patakaran ng dating rehimeng Ramos sa ilalim ng 'Philippines 2000' at sa pagpapatupad ng AoA at iba pang patakaran sa agrikultura, naging tambakan ng agricultural imports ang bansa. Noong 1994, naging net importer ang Pilipinas ng mga produktong agrikultural at nagkapagtala ng $42 milyong dolyar na trade deficit. Halos apat na beses pang nadoble ito noong 1995, nang umabot sa $150 milyong dolyar ang trade deficit ng bansa. Noong 1996 at 1997, umabot sa $789 milyong dolyar at $764 milyong dolyar ang trade deficit. Limang taon sa ilalim ng GATT, nasa $670 milyon ang trade deficit. Bagamat ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural, naging net importer rin tayo ng bigas. Wala pang limang taon sa ilalim ng WTO, noong 1998, lumobo ang rice imports sa ng bansa sa 2.2 million metric tons (MTT). Ito'y higit dalawampung ulit na mas malaki kaysa sa itinakdang Minimum Access Volume at halos 40% na ng kabuuang produksyon noong panahong iyon. "Ayon mismo sa National Statistical and Coordination Board (NSCB), "in the 70s and 80s and as late as 1992, we were self-sufficient in rice. From 1993 to 2011, we depended on rice importation to secure our food needs. Rice is very important to our poor kababayans, who spent 32% of their total expenditure in 2006 on rice." Itinambak rin sa bansa ang mga imported na mais kung saan 500 beses na lumaki ang corn imports. Mula sa 640 metric tons noong 1994 umabot pa sa 462,000 metric tons noong 1998. Naturingang major corn producer ang Pilipinas subalit higit 20% ng ating mais ay imported. Napakalaki rin ng itinaas ng ating inimport na produktong karne at isda, gulay at prutas, dairy products at mantika.

Year Vegetables and Fruits In kg.

Coffee, Cocoa In kg.

Dairy Products In kg.

Meat and Meat Preparation

1995 159,977,302 24,591,579 196,174,588 39,978,911 2000 359,293,420 47,677,893 274,365,279 144,041,130 2005 381,944,070 70,058,586 268,416,100 169,807,719 2010 552,061,525 117,473,126 326,562,032 380,772,481 2013 565,041,610 130,748,758 328,544,718 357,227,066

Source: BAS website. Accessed January 27, 2015

Habang bumabaha sa merkado ang mga imported na produkto, patuloy ang naging pagbagsak ng lokal na produksyong agrikultural. Kada taon, nababawasan ang produksyon ng mais, asukal, mani, kamatis, kape, kakao at camote. May isang panahon din na umabot sa pinakamababa ang produksyon ng bigas at mais. Unti-unting pinatay ng mga imported na produkto ang lokal na produkto ng at kabuhayan ng ating mga magsasaka.

4

Dahil sa kawalan ng subsidyo mula sa gobyerno at napakamahal na gastos sa produksyon presyo, naisadlak sa palagiang peligro ang kabuhayan ng mga magsasaka. Patuloy ding nanganganib ang seguridad sa pagkain ng buong bansa. Sino ang nakinabang? Maliwanag na hindi ang mga magsasaka at mamamayang Pilipino ang nakinabang sa WTO. Ang sinasabing 'malayang kalakalan' sa ilalim ng WTO ay di-pantay at tagibang na pandaigdigang kalakalan sa pagitan ng mga maliliit at mayayamang bansa. Pinalala pa ito ng mga anti-mamamayang patakaran at polisiyang pang-eknomya ng mga administrasyong nagtataguyod ng dikta ng dayuhan. Dahil sa mga imposisyon sa ekonomya at kalakalan, lalong naghirap ang mga mamamayan samantalang nagkakamal naman ng tubo ang mga multinasyunal na korporasyon. Pinatindi ng mga imposisyong ito ang 'export-oriented at import dependent' na katangian ng ekonomya ng Pilipinas. Dahil dito, mas naging bulnerable ang mamamayan sa krisis ng pandaigdigang ekonomya gaya ng nangyari noong 1997 'Asian Financial Crisis' at noong 2008 'global economic meltdown' ng malalaking dayuhang bangko at institusyong pampinasya. Milyun-milyon ang nawalan ng trabaho sa sektor ng agrikultura at pagmamanupaktura dahil sa WTO. Noong 1999, limang taon sa ilalim ng WTO, halos kalahating milyong magsasaka ng palay, 66,000 magsasaka ng mais, 200,000 mamalakaya at halos kalahating milyong magbubukid at manggagawa sa tubuhan ang naapektuhan ng labis-labis na importasyon. Batay sa mga impact research na isinagawa ng Ibon Foundation, nakita ang mabigat na epekto ng WTO sa mga crop sectors na butil (palay at puting mais), asukal, gulay, livestock, poultry, niyog, animal feed (dilaw na mais), nakita ang mabigat at pangmatagalang epekto ng AoA sa mga maliliit na prodyuser at mga magsasaka sa bansa dahil sa pagbaha ng mga murang import. Ilan pa sa mga naging epekto ng WTO ang mga sumusunod:

Napakamahal na gastos sa produksyong agrikultural Kawalan ng suporta at subsidyo mula sa gobyerno para sa produksyon ng mga

magsasaka Mababang halaga ng produkto Implasyon at mataas na presyo ng bilihin, serbisyo Pangangamkam at pagsusubasta ng lupa

5

Mga lokal at dayuhang patakaran

Agreement on Agriculture (AoA) 1) Removal of Tariff and all non-tariff barriers 2) Reduction of Domestic Subsidy 3) Reduction of Export Subsidy

Public Law 480 o Food for Peace Program ng U.S. $20 milyong pautang ng US sa Pilipinas para sa pag-iimport ng bigas, mais at iba pang produkto ayon sa dikta ng U.S. Ayon mismo sa Dept. of Agricultura, ito ay isang “concessional sales program to promote exports of U.S. agricultural

commodities.”

Republic Act 8178 - pagpapalit sa Quantitative Import Restrictions sa mga produktong agrikultural, maliban sa bigas, ng mga taripa at pagbubuo ng Agricultural Competetiveness Enhancement Fund (ACEF). Isinabatas noong 1996, ipinawalambisa ng batas na ito ang pitong iba pang batas na nagbabawal sa importasyon o nagsasaad ng mga regulasyon sa importasyon ng gulay (sibuyas, patatas, bawang, repolyo at iba pa), kape, livestock na baka at produktong tabako.

Liberalisasyon ng rice sector kapalit ang $175 milyong pautang mula sa Asian

Development Bank, kabilang na ang pribatisasyon ng NFA, pag-aalis ng rice subsidy sa mga konsyumer at pag-aalis sa mga restriksyon sa pag-iimport ng bigas.

Malakas na paglaban ng mamamayan Mula nang maitatag ang WTO at mabuo ang mga kasunduan nito, nalantad na ito sa buong mundo bilang kontra-mamamayan. Hinarap ito ng malakas at malawak na oposisyon at protesta ng mamamayan ng buong daigdig, laluna ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante sa mga mahihirap na bansa. Maging sa mga kapitalistang bansa, nagpoprotesta rin ang mga mamamayang biktima ng tumitinding krisis pang-ekonomya na dulot ng labis na produksyon, mga pagbabawas sa benepisyo at iba pa. Noong 1998 sa ika-50 anibersaryo ng GATT-WTO nagmartsa sa mga lansangan ng Brazil ang 40,000 magsasakang walang lupa, mga manggagawang walang trabaho habang sa India, daan-daan libong magsasaka ang nanawagang umalis na sa WTO ang kanilang gobyerno. Lahat ng ministerial meetings ng WTO ay hinarap ng mga pagkilos ng mamamayan. Ang makasaysayang Battle of Seattle noong 1999 na nagpabagsak sa tinatawag na 'millenial round' ng WTO ministerial meeting sa Washington ang nagmarka ng pandaigdigang paglaban ng mamamayan sa WTO.

6

Sa 6th ministerial meeting noong 2005, higit 10,000 mamamayan ang nagmartsa sa Hongkong. Gayundin ang iba pang WTO ministerial meetings sa Doha, Cancun, at Bali, malakas din na nagprotesta ang mamamayan ng buong daigdig. Sa Pilipinas, nabuo ang Pambansang Ugnayan labang sa GATT (PUMALAG) na kinalauna'y naging Pambansang Ugnayan ng Mamamayan Labag sa Imperyalistang Globalisasyon (PUMALAG II). Dahil sa nabanggit na kalagayan, mahigpit pa rin ang paninindigan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kumalas na ang Pilipinas sa WTO, na nagdulot lamang ng walang katulad na pahirap at pasakit sa mamamayang Pilipino. ###