2
Ulat ng Mag-aaral Impormasyon para sa mga magulang 2015 PAMBANSANG PROGRAMA NG PAGTASA Karunungang Bumasa’t Sumulat at Karunungang Bumilang at Magtuos Pagkakompidensyal Ang mga resulta ng inyong anak ay lubos na kompidensyal. Pakitago ang ulat ng inyong anak sa isang ligtas na lugar. Kung lilipat ang inyong anak sa ibang paaralan, maaaring hilingan kayo ng kopya ng kanyang NAPLAN na ulat. Karagdagang impormasyon Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa NAPLAN, makipag-ugnayan sa punong guro o guro sa paaralan ng inyong anak, at sa mga sumusunod na website: Kanlurang Australya Western Australia scsa.wa.edu.au Pambansang website ng NAPLAN nap.edu.au ACARA website acara.edu.au Ang Aking Paaralan website myschool.edu.au TAGALOG

Ulat - Vale...Ang mga resulta ng inyong anak ay lubos na kompidensyal. Pakitago ang ulat ng inyong anak sa isang ligtas na lugar. Kung lilipat ang inyong anak sa ibang paaralan, maaaring

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ulat - Vale...Ang mga resulta ng inyong anak ay lubos na kompidensyal. Pakitago ang ulat ng inyong anak sa isang ligtas na lugar. Kung lilipat ang inyong anak sa ibang paaralan, maaaring

Ulat ng Mag-aaral

Impormasyon para sa mga

magulang

2015 PAMBANSANG PROGRAMA

NG PAGTASAKarunungang Bumasa’t Sumulat atKarunungang Bumilang at Magtuos

Pagkakompidensyal

Ang mga resulta ng inyong anak ay lubos na kompidensyal.

Pakitago ang ulat ng inyong anak sa isang ligtas na lugar.

Kung lilipat ang inyong anak sa ibang paaralan, maaaring hilingan kayo ng kopya ng kanyang NAPLAN na ulat.

Karagdagang impormasyon

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa NAPLAN, makipag-ugnayan sa punong guro o guro sa paaralan ng inyong anak, at sa mga sumusunod na website:

Kanlurang Australya Western Australiascsa.wa.edu.au

Pambansang website ng NAPLANnap.edu.au

ACARA websiteacara.edu.au

Ang Aking Paaralan websitemyschool.edu.au

TAGALOG

Page 2: Ulat - Vale...Ang mga resulta ng inyong anak ay lubos na kompidensyal. Pakitago ang ulat ng inyong anak sa isang ligtas na lugar. Kung lilipat ang inyong anak sa ibang paaralan, maaaring

inyong anak ay maaaring ikumpara sa mga resulta para sa kalagitnaang 60% ng mga Australyanong mag-aaral at sa pambansang karaniwang pamantayan para sa kanyang lebel na taon.

Ang mga antas ng pagtasa at ang mga pambansang pinakamababang pamantayan

Ang bawat isa sa mga NAPLAN na pamantayan ng pagtasa ay inilalarawan ang matagumpay na nagawa ng mag-aaral mula sa Taon 3 hanggang sa Taon 9 alinsunod sa panlahat na pamantayan na hinati sa sampung band. Ipinakikita ng mga band ang pahirap na nang pahirap maunawaan na mga kagalingang tinatasahan ng NAPLAN. Anim sa mga band ay ginagamit para sa pag-ulat ng pagtupad ng gawain ng mag-aaral sa bawat lebel na taon.

Para sa bawat lebel na taon, isang band sa bawat pagtatasang iskala ay kinikilala bilang pambansang pinakamababang pamantayan. Inilalarawan ng pamantayan na ito ang mga pinakakaunting kagalingan at pag-unawa na inaasahan na ipakikita ng mga mag-aaral sa kanilang partikular na lebel na taon. Ang mga kagalingan at pag-unawa na mga ito ay madaragdagan ng kahirapan habang nagpapatuloy ang mga mag-aaral mula sa Taon 3 hanggang sa Taon 9. Kung ang resulta ng inyong anak ay nasa o mababa sa pinakamababang pambansang pamantayan, inirerekomenda na pag-usapan ninyo ang resultang ito sa paaralan ng inyong anak. Ang mga pambansang pinakamababang pamantayan ay:

• Taon 3 – Band 2• Taon 5 – Band 4• Taon 7 – Band 5• Taon 9 – Band 6

Mga ulat ng mag-aaral

Ang pormat ng mga NAPLAN na ulat ng mag-aaral ay pareho para sa lahat ng mga estado at teritoryo ng Australya.

Kasama sa bawat ulat:

• mga detalye ng mag-aaral at paaralan

• impormasyon tungkol sa NAPLAN na pagsusulit

• mga resulta ng matagumpay na nagawa ng bawat mag-aaral para sa pagbasa, pagsulat na nakahihikayat, mga kalakaran ng wika, at karunungang bumilang at magtuos sa mga NAPLAN na iskala ng pagtasa

• isang palatandaan para sa bawat bahagi ng pagtasa na nagpapakita ng pambansang karaniwang pamantayan at ang kalagitnaang 60% ng mga pambansang resulta

• isang nakasulat na pagsasalarawan ng bawat bahagi ng pagtasa na ipinakikilala ang uri ng mga tinasahang kagalingan

• isang talaan na inilalarawan ang mga kagalingan na malamang na ipapamalas ng mag-aaral sa bawat isa sa mga band

• ang katamtamang resulta ng paaralan (kung saan may lima o higit pa na mga tinatasahang mag-aaral sa isang taon na grupo).

Pagbasa ng ulat ng mag-aaral

Ang resulta ng inyong anak ay inilalarawan sa pamamagitan ng itim na tuldok sa bawat iskala. Ang mga kagalingan na may kaugnayan sa band kung saan naroroon ang tuldok ay inilalarawan sa likurang pahina ng ulat. Malamang na nasagot nang tama ng mag-aaral ang mga tanong na may kinalaman sa mga kagalingan sa matagumpay na nagawang band sa ibaba. Ang resulta ng

Pambansang Programa ng Pagtasa – Karunungang Bumasa’t Sumulat at Karunungang Bumilang at Magtuos Mga (NAPLAN) na pagsusulit

Noong Mayo ng taong ito, binigyan ang mga mag-aaral sa mga taong 3, 5, 7 at 9 sa buong Australya ng mga pagsusulit na nauukol sa karunungang bumasa’t sumulat at karunungang bumilang at magtuos. Higit na isang milyong mag-aaral mula sa halos 10 000 na mga paaralan sa buong Australya ang lumahok sa mga pambansang pagsusulit na ito. Ang NAPLAN na ulat ng inyong anak ay nagpapakita sa inyo kung paano tumutupad ng mga gawain ang inyong anak:

• kumpara sa mga ibang Australyanong mag-aaral• kumpara sa mga pambansang pinakamabababang pamantayan

Maaari din maunawaan ang matagumpay na nagawa ng inyong anak sa buong panahon sa pamamagitan ng pagtingin sa mga nakalipas na mga NAPLAN na ulat. Gayunman, dapat alalahanin na ang mga resulta ay tumutukoy sa iisang punto lamang sa panahon at maaaring hindi maglarawan ng buong antas ng kakayahan ng inyong anak. Noong 2011 ay itinatag na bagong pamantayan ng pagsulat para sa pagsulat na nakahihikayat na hindi maikukumpara sa dating pamantayan ng pagsulat.

Ano ang tinatasahan sa NAPLAN na pagsusulit?

Tinatasahan ng mga pagsusulit na nauukol sa karunungang bumasa’t sumulat ang matagumpay na nagawa ng mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at mga kalakaran ng wika (pagbaybay, balarila at pagbantas). Sinusukat ng mga pagsusulit na nauukol sa karunungang bumilang at magtuos ang matagumpay na nagawa ng mag-aaral sa bilang; alhebra, ugnayan ng isa o higit pa ng paiba-ibang halaga at huwaran (function and pattern); pagsukat, posibilidad at datos; at distansya (space).

Ang layunin ng NAPLAN na pagsusulit

Ang mga resulta ng NAPLAN sa paaralan, pamamalakad at mga pambansang lebel ay ginagamit upang kilalanin ang mga lakas at kahinaan ng programang pang-edukasyon at para tumulong sa pagtakda ng mga layunin para sa pagpapabuti. Sa silid-paaralan, ipinapakita ng mga NAPLAN na resulta sa mga guro kung paano maikukumpara ang matagumpay na nagawa ng kanilang mga mag-aaral sa higit na maraming mga mag-aaral sa buong Australya. Ang mga ulat ng bawat isang mag-aaral ay maaaring gamitin para magbigay-alam sa pag-uusap ng mga magulang at guro tungkol sa mga matagumpay na nagawa at pag-unlad ng inyong anak.

Mahalagang tandaan na ang mga resulta ay nagpapakita ng matagumpay na paggawa ng bawat mag-aaral sa isang magkakasamang pagsusulit. Ang mga guro sa lahat ng mga paaralan ay tuloy-tuloy na tinatasahan ang pagtututo ng kanilang mga mag-aaral sa karunungang bumasa’t sumulat at karunungang bumilang at magtuos. Ang NAPLAN na pagsusulit ay nagdaragdag pero hindi pinapalitan ang mga impormasyon na natitipon ng mga guro.

Ang pag-ulat ng paaralan

Ang mga kainamang resulta ng paaralan ay inuulat sa My School website (myschool.edu.au) sa paraan na pambansang mapagtutulad. Ang website ay isinasapanahon sa mga resulta ng nakaraang taon sa unang tatlong buwan ng taon.

NAPLAN na mga pamantayan ng pagtasa – mga halimbawaTaon 3 Pagbasa Taon 5 Pagsulat (nakahihikayat) Taon 7 Karunungang Bumilang at Magtuos

Ang itim na tuldok ay nanganga-hulugan na ang Taon 3 na mag-aaral na ito ay nakatamo ng resulta sa Band 4 para sa Pagbasa na bahgya lamang na nasa ibabaw ng pambansang karaniwang pamantayan. Ang itim na tatsulok ay ang pambansang karaniwang pamantayan para sa mga Taon 3 na mag-aaral. Ang murang bughaw na bahagi ay nagpapakita ng antas ng mga matagumpay na nagawa para sa kalagitnaang 60% ng mga taon 3 na mag-aaral.

Ang itim na tuldok ay nangangahulugan na ang Taon 5 na mag-aaral na ito ay nakatamo ng resulta na mababa kaysa sa pambansang pinakamaba-bang pamantayan para sa Pagsulat (nakahihikayat). Irinerekomenda na sa resultang katulad nito dapat makipag-usap sa paaralan tungkol dito.

Ang itim na tuldok ay nangangahulugan na ang Taon 7 mag-aaral na ito ay nakatamo ng resulta sa Band 9 para sa Karunungang Bumilang at Magtuos na higit na mataas kaysa sa nakararami ng mga resulta sa Karunungang Bumilang at Magtuos at sa pambansang karaniwang pamantayan para sa mga Taon 7 na mag-aaral.

Band 6

Band 5

Band 4

Band 4

Band 3

Band 2

Band 1 Band 3

Band 5

Band 6

Band 6

Band 5

Band 4

Band 7

Band 8

Band 7

Band 8

Band 9

Taon 5 Pagsulat na Nakahihikayat

NAPLAN na mga iskala ng pagtasa – mga halimbawa

Ang itim na tuldok ay nangangahulugan na ang Taon 5 na mag-aaral na ito ay nakatamo ng resulta na mababa kaysa sa pambansang pinakamababang pamantayan para sa Pagusulat na Nakahihikayat. Irinerekomenda na sa resultang katulad nito dapat makipag-usap sa paaralan tungkol dito.

Ang itim na tuldok ay nangangahulugan na ang Taon 3 na mag-aaral ay nakatamo ng resulta sa band 4 para sa Pagbasa na bahagya lamang na nasa ibabaw ng pambansang karaniwang pamantayan. Ang itim na tatsulok ay ipinakikita ang pambansang karaniwang pamantayan para sa mga Taon 3 na mag-aaral. Ang murang bughaw na bahagi ay nagpapakita ng antas ng mga nagawa nang maayos para sa kalagitnaang 60% ng mga taon 3 na mag-aaral.

Ang itim na tuldok ay nangangahulugan na ang mag-aaral na ito ay nakatamo ng resulta sa Band 7 para sa Karunungang Bumilang at Magtuos na higit na mataas kaysa sa nakararami ng mga resulta sa Karunungang Bumilang at Magtuos at sa pambansang karaniwang pamantayan para sa mga Taon 7 na mag-aaral.