32
ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala Center for Women’s Resources Page 0

Ulat Lila March 2013

Embed Size (px)

DESCRIPTION

women empowerment in the Philippines

Citation preview

Page 1: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 0

Page 2: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 1

Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala Muli, sinusubukan ang tatag ng kababaihan ngayong 2013. Maraming katha na naikukubli ang katotohanan para sa tunay na pagbabago. Bumabaha ng pangako mula sa tradisyunal na pulitiko at mga nagpapanggap na progresibo – lalo na’t panahon ng eleksyon – na halos lahat naman ay mapapako. Nagpapatuloy ang karahasan na kanilang nararanasan. Kaya, mas kailangan ng kababaihan ngayon ang tibay ng loob at pagkakaisa para labanan ang karahasang patuloy nilang nararanasan. Mas kailangan nila ngayon ang kaalaman para makapagsuri at makapag-aninaw sa mga bibitawang pangako ng mga tradisyunal na pulitiko at nagpapanggap na progresibo. Mas kailangang ubos-lakas nilang igiit ang kanilang karapatan at kalagin ang tanikala mula sa isang lipunang nakabalot sa kabalintunaan at panghihimasok. ANG KABALINTUNAAN NG EKONOMYANG BUMABANGON Naideklarang gumaganda ang ekonomya kung saan umabot ng 6.8% ang gross domestic product (GDP) sa huling kwarto ng 2012. Naibabandera ang pagbangon ng ekonomya dahil sa diumano’y magandang rekord ng bansa sa mga dayuhang mangungutang at imbestor. Ipinakita ng International Monetary Fund (IMF) ang katuwaan nito sa pagtawag sa bansa bilang “rising tiger”. Kung tutuusin, talagang interesado ang dayuhang malalaking negosyante sa bansa lalo na’t patuloy ang pagdausdos ng ekonomya ng mga kapitalistang bansa at nangangailangan silang makabawi sa pamamagitan ng malayang kalakalan sa Pilipinas na sagana sa likas na yaman at tao. Sa balangkas ng patakarang neoliberal ng pamahalaang Aquino, mas lalo itong nakapagbigay daan para mas maraming makapasok na naglalakihang dayuhang imbestor. Para sa kababaihan, simple lamang ang sukatan sa pag-unlad: pagkain sa bawat mesa, regular at disenteng trabaho, at libreng serbisyong panlipunan. Pero sa balangkas ng pamahalaang Aquino, ang kasagutan sa pag-unlad ay public-private partnership o PPP. Ayon nga sa Asian Development Bank, pinakahanda o “PPP-ready” ang Pilipinas kumpara sa iba pang bansa sa timog-silangan katulad ng Indonesia, Thailand, at Vietnam.1 Sa ganitong kalagayan, ang sukatang tinutukoy para sa kaunlaran ng kababaihan at ng kanilang pamilya ay ipinaubaya na ng pamahalaang Aquino sa kamay ng pribadong sektor.

1. Pagkain sa bawat mesa

Batay sa Kagawaran ng Agrikultura, tumaas ng 2.92% ang produksyon sa agrikultura. Pero kung ikukumpara sa itinaas din ng import na produktong agrikultural, partikular sa ating pangunahing kinakain na katulad ng bigas at mais, makikitang mas mabilis ang pag-ampat ng agrikultural na pagkain kaysa sa sariling produkto ng bansa. May 3.48% na average na pagtaas sa pag-ampat ng pakain sa loob ng tatlong taon kumpara sa 1.39% average na pagtaas ng pagtanim ng mga lokal na magsasaka. (Tingnan ang Tsart 1 at Tsart 2)

Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Page 3: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 2

Chart 3. Agricultural Export-Import, 2009 - 2011

Source: Bureau of Agricultural Statistics, and source of basic data - NSO, 2012

Chart 2. Corn Production and Imports, 2009-2011

Source: BAS, and source of basic data - NSO, 2012

Source: BAS, source of basic data - NSO, 2012

Chart 1. Rice Production and Imports, 2009-2011

Sa kabuuan, hindi nakabangon sa loob ng tatlong taon ang di-balanseng pangangalakal sa agrikultura. Sa loob ng panahong nabanggit, umabot ng negatibong 187.54% ang average balance of trade sa agrikultura. (Tingnan ang Tsart 3) Imbes na ituwid ang pagkakamaling ipinailalim sa GATT-WTO ang pangangalakal ng bansa, mas idiniin pa ng pamahalaang Aquino ang kahalagahan ng pakikipag-partner sa mga pribadong sektor kahit sa usaping pagkain ng bayan. Sa mga pangunahing kailangang pagkain tulad ng bigas, ang Pilipinas ay isa sa top three importers nito sa buong mundo, kasama ang Indonesia at Nigeria.2 Kung tutuusin, kaya ng Pilipinas ang maging self-sufficient sa bigas dahil ito ay isang agrikultural na bansa. Idineklara pa mismo ng Department of

Children
Highlight
Page 4: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 3

Source: DBM 2012, BAS 2013

Chart 4. Government Expenditures in Agriculture, 2009-2011

Agriculture na kayang magprodyus ng 20.04 miliion metric tons (MMT) ng palay at 8.75 MMT ng mais ang Pilipinas kapag nabigyan ng mas malaking badyet sa 2013.3 Ngunit mahihirapang maisakatuparan ang pagiging rice self-sufficient ng bansa sa dalawang salik: Una, nagbabala ang Asian Development Bank (ADB) na makakaapekto ng malaki sa pagtaas ng presyo ng bigas o “price shocks” sa pandaigdigang merkado kapag hindi itinuloy ng Pilipinas ang pag-angkat ng bigas, kagaya diumano ng nangyaring krisis pampinansya noong 2007-2008.4 Hindi tinumbok na ang krisis ay dahil sa palalang monopolyo kapitalismo na nagdulot ng mas matinding kahirapan sa lahat ng dako ng daigdig. Pangalawa, napakaliit ng nilaang suporta para sa agrikultura lalo na nang naluklok sa poder si Aquino. Sa loob ng apat na taon mula 2009 hanggang 2012, hindi man lang tumaas ng 6% ang nakalaan para sa agrikultura. Pinakamababa pa noong 2012 kung saan 2.95% lamang ng kabuuang ginastos na Php1.8T ng gobyerno ang napunta sa agrikultura. (Tingnan Tsart 4) Suporta sa kababaihang magsasaka Imbes na mas malaking badyet galing sa pondo ng gobyerno, mas pinatibay ng pamahalaang Aquino sa ilalim ng PPP ang pagbibigay ng mayor na papel sa mga negosyante. Ang malaking katanungan ay kung ang tulong at pakikipagsosyo sa pribadong sektor ay nagreresulta ng kaunlaran sa mga magsasaka kung saan malaking bilang ang kababaihan. Tatlo sa bawat miyembro ng sambahayan (household) na gumagawa sa produksyon sa agrikultura ay kababaihan.5 Kung suporta sa agrikultura at kababaihang magsasaka ang pag-uusapan, mas binigyang puwang ng gobyernong Aquino ang paglalaan sa micro-credit and loans para diumano’y makatulong sa pag-alwan ng kanilang buhay. Sa pautang na ito kukunin ng kababaihang magsasaka ang mga kakailanganin nilang kagamitan para sa produksyon.

Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Page 5: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 4

Chart 5. Irrigated areas by type of Irrigation system, 1990 - 2011

Source: National Irrigation System, June 2012

Nagkainteres ang pribadong sektor dito dahil kumikita sila sa interes ng pautang. At sinisiguro nilang ang makakasama lamang sa programa ay yung may kapasidad na magbayad. Kahit ang ADB na tagapagtaguyod ng microfinance ay umaming hindi naging epektibo ang programa dahil naobserbahang karamihan sa mga nasa programa ay hindi ang pinakamahirap sa komunidad.6 Para naman sa mahihirap na naging bahagi ng programa, ang perang nahihiram ay nagagamit sa mas batayang pangangailangan kagaya ng pagkain, dagdag gastusin sa pag-aaral ng mga anak o gamot sa maysakit, imbes na maging puhunan sa negosyo o pambili ng gamit sa pagsasaka. At dahil sa liit ng kita nila sa gawaing bukid, hindi nila kayang bayaran lalo na’t may interes ito. Dahil dito, lalong nababaon sa utang ang kababaihang magsasaka. Nakita ring hindi naging signipikante o wala ring pagbabago sa kalagayan ng mga nangutang, at hindi rin ito nakatulong para mapabuti ang kanilang panlipunang kondisyon.7 Ayon sa mga nakapanayam ng CWR na kababaihang magsasaka, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng abono at ang atrasadong pamamaraan sa produksyon ay nagdulot ng kaunting produkto at kita. Dahil dito, kumukuha pa sila ng ekstrang gawaing labas sa pagsasaka katulad ng paglalabada at pagiging kasambahay. Sabi pa ng mga nanay, walang signipikanteng pagbabago kahit pa nagkaroon ng ekstensyon ang CARP na tinawag na CARPER.8 Makakatulong ng malaki sa kababaihang magsasaka kung pinaglaanan ng malaking suporta mula sa bulsa ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa malaki pang pangangailangan sa makinarya, sa pananaliksik, at sa post-harvest activity. Sa matagal ng panahon, masyadong maliit ang inilalaang badyet para sa pagpaunlad ng agrikultura. Isa na rito ang paglalaan ng irigasyon sa lupang sakahan. Sa loob ng higit dalawang dekada, mayroon lamang 54% sa kabuuang lupang sinasaka ang may naitayong irigasyon ang gobyerno. May average na paglago ng 0.77% sa loob ng 21 taon ang pambansang sistema ng irigasyon ng lupa. Sa pagpatuloy ng ganitong kakulangan sa irigasyon, magiging mahirap ang makapagprodyus ng sapat-sapat para sa pagkain. (Tingnan Tsart 5)

Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Page 6: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 5

Talahanayan 1. Pag-abot ng MDG 2015 Gamit ang Refined Methodology

Source: NSCB, 2012

Ang katha sa pagbawas ng kagutuman Sa Timog-silangang Asya, nalagay ang Pilipinas na pangalawa sa Cambodia bilang bansang lumala ang bilang ng mga nagugutom.9 Para makalkula ang paglala ng kagutuman, tiningnan ng Global Hunger Index ang bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon, at ang child mortality. Pero kung pagbabatayan ang pinakahuling estadistika ng National Statistical Coordination Board (NSCB), bumaba ng 5% ang poverty incidence noong 2009 na umabot sa 20.9% kumpara sa 26.3% noong 2006.10 Naging mababa ito dahil binago ang pamamaraan ng pagtingin at pamantayan sa kung ano ang karukhaan. Sa taong 2011 ginawang ang minimum na kabuuang halagang kailangan para sa batayang pangangailangan ng isang tao ay Php46 kada araw or Php6 na mas mababa kaysa doon sa dating pagsukat. Tinawag itong “refinements” ng NSCB para diumano makonsidera ang mga “food bundles” ng mga taga-probinsya na siya talagang “revealed preferences” ng mamamayan.11 Nagawa ang “refinements” sa pamamagitan ng pagbago ng talaulaman o menu kung saan kinuha ang pinakamurang pagkain na pwedeng pagkuhanan ng nutrisyon. Napansin ring inalis na ang iba pang batayang pinagkakagastusan bukod sa pagkain katulad ng kagamitan at paglilibang. Hindi na rin binilang sa mga naghihirap ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa kariton at kartong bahay dahil ayon sa DSWD, masyadong pansamantala ang kanilang tirahan. Kung tutuusin, may 517,000 na mag-anak o 2.6 milyong indibidwal sa Metro Manila ang nasa ganitong kondisyon.1213 Kahit pa binago ng gobyernong Aquino ang mekanismo para tingnan ang usaping karukhaan sa bansa, hindi pa rin naikubli ang mataas na bilang ng mahirap. At kahit binago pa ang kategorya para lamang makahabol sa target ng millennium development goals (MDG) sa 2015, makikita sa Talahanayan 1 na batay na rin sa estima ng NSCB, malayo pa rin ang aabutin para masugpo ang kahirapan pagdating ng 2015. Mayroon lamang 0.53% ang pag-unlad ng kalagayan ng pamilyang Pilipino.

Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Children
Highlight
Page 7: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 6

Chart 6. Labor Force Participation Rate by Sex, 2003-2012

Source: National Statistics Office

2. Regular, disenteng trabaho at nakasasapat na sahod

Sa pangkalahatan, ang kalagayan ng kababaihan sa larangang paggawa ay (1) hindi lahat sa kanila ay binibilang sa lakas paggawa, (2) marami sa kanila ang walang mahanap na trabaho, (3) kung nakakapagtrabaho man, matatagpuan sila sa low-skilled, underpaid, underemployed na mga trabaho, at (4) mas mababa pa rin ang turing sa kanila kaysa manggagawang kalalakihan. Lakas Paggawa Malaki pa rin ang bilang ng kababaihang hindi isinasama sa lakas paggawa. Noong 2012, 50.1% lamang ng kababaihan ang isinama sa lakas paggawa kumpara sa 78.5% na kalalakihan. At bumaba pa ang bilang ng 0.3% ng kababaihan mula noong 2011. (Tingnan Tsart 6) Kahit pa mas mababa ang unemployment rate ng kababaihan, sa esensya, mas maraming kababaihan pa rin ang walang trabaho dahil hindi sila ibinibilang sa lakas paggawa. Sa tala ng National Statistics Office (NSO), mayroong 21,000 kababaihan ang nawalan ng trabaho mula 2011 hanggang 2012 batay sa sarbey ng BLES. At tumaas pa ito ng higit 2%. (Talahanayan 2)

Talahanayan 2: Number of Unemployed Persons, 2011 and 2012 (in thousands) Sex 2011 2012 Nominal

Difference Percent Increase/ decrease

Both Sexes 2,814 7.0%

2833 7.0%

19000 0.68%

Male 1,772 7.3%

1771 7.2%

-1000 -0.06%

Female 1,041 6.6%

1062 6.7%

21000 2.02%

Source: National Statistics Office

Children
Highlight
Page 8: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 7

Box 1. Employed Women by Major Industry, 2011

Chart 7. Percent Share of Low Paid Workers, 2001-2011

Source: BLES Decent Work Statistics

Marami rin sa kababaihang nagtatrabaho ang underemployed o kulang sa 40 oras at naghahanap na madagdagan ang kanilang oras ng paggawa o kaya’y dagdag na pagkakakitaan. Noong 2011, may 7.2 milyon ang itinuturing na underemployed, o 19.3% ng kabuuang bilang ng may trabahong Pilipino. Sa huling kwarto ng 2012, tumaas pa ito sa 22.7%. Sa bilang na ito, 2.25 milyon ang kababaihan.14 Dagdag pa, ayon sa BLES, halos dalawa sa bawat sampung kababaihang may trabaho ang nasa low paid jobs. Noong 2011, 2.59 milyon o 17.7% ito ng kabuuang employed na kababaihan, mas mataas ng 0.9% puntos mula noong 2010. (Tsart 7)

Tatlo sa bawat sampung kababaihang may trabaho ang nasa wholesale and retail trade, 20% ang nasa agrikultura, at 11% ang nasa private households. (Tingnan ang Box 1) Kung mapapansin, nasa mga industriyang ito rin ang may pinakamababang sahod. Sa wholesale and retail trade halimbawa, nasa Php261.00 lamang ang average daily wage. Sa agrikultura, at private households with employed persons, na aabot sa 4.7 milyong kababaihang ma trabaho, mababa sa Php140.00 ang average daily wage. Kapansin pansin rin ang mas mababang sahod ng kababaihan kaysa sa kalalakihan. Sa mga laborers and unskilled workers kung saan pinakamaraming kababaihang manggagawa, mas mababa ito ng 37%. Sa mga service workers naman, mas mababa ito ng 52%. (Tsart 8)

Page 9: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 8

Chart 8 . Average Daily Basic Pay by Occupation by Sex, 2011

Source: processed from BLES Gender Statistics on Labor and Employment 2012

Sa itinakdang family living wage ng IBON noong 2011, kinakailangan ng isang pamilya ng P993.00 para matugunan ang mga pang araw araw na pangangailangan ng pamilya. Pero ayon sa NEDA, kailangan lamang ng isang pamilya na may limang miyembro ng P258.96 para hindi maituring na mahirap. Kung ito naman ang susundin, batay sa datos ng BLES, nasa 5.4 milyon pa rin o 37% ng kababaihang may trabaho ang kumikita ng mas mababa sa itinakdang poverty threshold na ito. Kaugnay sa pinag-usapang kagutuman sa mga naunang pahina, karamihan sa pamilya sa mababang saray ay walang sapat na kita para makapag-ipon sa kanilang kakailanganin. Kumbaga, ang buhay nila ay nakabatay na lamang sa araw-araw na kita. Kung titingnan ang Tsart 9, makikita na napakalaki ng puwang ng kita ng pinakamayamang pamilya o yung nasa ika-10 saray (10th decile) sa mababang saray. Kahit ipagsama ang kita ng mga pamilyang nasa una hanggang ikalimang saray (first to fifth income decile) na aabot sa Php7.53milyon sa isang taon, ay hindi pa rin makakaabot sa kita ng ika-10 saray na umaabot ng mahigit Php1.3bilyon. Sa maliit na kita ng tatlong saray (first to third decile), mas malaki ang nagagastos nila kaysa kanilang kita kaya wala silang ipon. Habang ang nasa 10th decile ay nakakaipon pa ng 26.51% ng kanilang kita. Sa napakababang kita ng pamilya lalo na sa una hanggang pangatlong saray, marapat lamang na isakatuparan na ang mahigit isang dekadang panawagan sa Php125 na dagdag sahod sa mga manggagawa. Sa mahabang panahon, walang dagdag sa sahod ng manggagawa habang tumaas ang inflation rate ng may average 4.8% (2006-2012)15 kung saan hinahatak pa pataas ang presyo ng lahat ng batayang bilihin at pamasahe.

Page 10: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 9

Chart 9. Total Annual Family & Expenditure, by Income Decile, Philippines, 2009 (values in million Php)

Source: National Statistics Office, 2011

Chart 10. Total Percentage Distribution of Female OFW, by Place of Work, April to Sept, 2007 – 2011

Source: National Statistics Office, updated Jan 2013

3. Pantakip sa kawalan: Migranteng Pilipino

Katulad ng mga nagdaang rehimen, kapos pa rin ang oportunidad ng kababaihan sa panahon ni Aquino. Kaya naman, marami pa rin sa kanila ang lumalabas ng bansa para makapaghanap ng trabaho na may sahod na makabubuhay sa kanyang pamilya. Sa huling tala ng NSO, 47.8% ng lumalabas na overseas Filipino worker (OFW) ay kababaihan. [NSO, 2012] Sa apat na taong nagdaan, lalong tumataas ang bilang ng kababaihang nagtatrabaho sa Western Asia na kung saan matatagpuan ang Kuwait, Qatar, Saudi Arabia, at United Arab Emirates. Noong 2010, 51.8% ng kababaihang lumuwas ng bansa ang nasa mga lugar na nabanggit. [Tingnan ang Tsart 10] Ito rin ang mga lugar kung saan maraming kaso ng pang-aabuso – pisikal at sekswal – sa mga kababaihan.16

Page 11: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 10

Source: National Statistics Office, updated Jan 2013

Chart 11. Deployed Female Land-based workers (New Hires) by Major Occupation, 2010

Source: National Statistics Office, updated Jan 2013

Chart 12. Total number of Female OFW, by Age, April-Sept, 2010-2011

Napakabulnerable ng sitwasyon ng mga nagtatrabahong kababaihan sa lugar na nabanggit dahil karamihan sa kanila ay napupunta sa mga trabahong nag-iisa at pribado bilang kasambahay at manggagawa sa pabrika. Sa mga kababaihang lumalabas ng bansa noong 2010, 72.83% ang service worker kung saan nabibilang ang kasambahay o domestic helper. Sinundan ito ng mga manggagawa na umabot sa 12.40%. Samantala, mayroon 9.35% ang nakukuha sa professional work at 0.31% lamang ang nasa managerial position. [Tingnan ang Tsart 11] Malaking bilang sa mga migranteng kababaihan ay yaong nasa produktibong edad, 25 – 34 taong gulang na aabot sa 52.9% noong 2010 at 51.4% noong 2011. Interesante ding tingnan ang tumataas na bilang ng kabataan, edad 15 – 24 taong gulang ang pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho. [tingnan angTsart 12] Sila ang mas bulnerable sa pang-aabuso at mas mababang pasahod. Sila rin ang may tendensyang maging kimi sa mga abusadong employer. Patuloy ang pagpadala sa ibang bansa ng mga manggagawang Pilipino dahil malaki ang naidadagdag ng remitans nila para sa ekonomya ng bansa. Sa taong 2012, nakapagpadala ang migranteng manggagawa ng US$21.391B (Php868.260B) sa bansa, may pagtaas ng 6.3% sa naibigay noong 2011.17 Ang kanilang remitans ay nakadagdag ng 8.5% sa kita ng bansa. Inaasahan din ng Bangko Sentral na makakabigay ng 5% dagdag ang mga OFW ngayong 2013.18

Page 12: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 11

Chart 13. Total Number of Deployed OFW, April – Sept, 2007-2011 (in ‘000)

Source: National Statistics Office, updated Jan 2013

Inaasahan nang malaki ng gobyerno ang remitans para sa paglago ng ekonomya pero ito ay isang mabuway na sandigan dahil nakadepende ito sa pangangailangan ng kumukuhang bansa o receiving country. Kaya nga kung titingnan ang Tsart 13, may pagbaba ng 4.49% ang napaalis noong 2009 mula sa taong 2008. Ito ang panahon kung saan pumutok na ang pandaigdigang krisis pampinansya sa mga kapitalistang bansa na siya ring kumukuha ng mga migranteng Pilipino. Sa pagpasok ni Aquino, muling pinataas nito ng 5.63% ang pagpaluwas ng migrante para makaambag sa ekonomya. KABALINTUNAAN NG PAGBIBIGAY-SERBISYO Sa kulturang Pilipino, ang serbisyo ay kusang-loob, kagyat, at de-kalidad na ibinibigay sa kapwa. Pero ngayon sa panahon ni Aquino ay tangan-tangan ang PPP, negosyo ang pagseserbisyo. Malaki ang tubo ng negosyante sa serbisyong kalusugan, edukasyon, pabahay, at yutilidad dahil ang mga ito ay batayang pangangailangan ng mamamayan. Sa kabilang banda, sinasabi ng pamahalaang Aquino na mabibigay ng pribadong sektor ang de-kalidad na serbisyo sa mamamayan kaysa sa bangkaroteng gobyero.

1. Pribatisasyon ng kalusugan

Lumiliit pa lalo ang ang kontribusyon ng gobyerno dahil sa tuluyang pagbenta ng serbisyong kalusugan sa pribadong sektor. Sa kabuuan, 3% lamang ng ating Gross Domestic Product (GDP) ang nakalaan para sa kalusugan sa bansa na di hamak na mas maliit sa itinakdang 5% na pamantayan na panukala ng World Health Organization (WHO). Ang pambansang badyet sa kalusugan na PhP 53.8 bilyon o PhP 0.62 kada araw bawat Pilipino ay kulang na kulang; ito ay malayo sa pamantayan ng pambansang alokasyong dapat inilalaan ng gobyerno. Ang halagang ito ay 16% lamang ng PhP 333.9 bilyong badyet na inilalaan para sa pagbabayad sa utang panlabas. Kaya habang tumatagal, malaking bulto ng gastusin para sa kalusugan ay galing sa bulsa ng bawat pamilya, kung saan umabot

Page 13: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 12

na ito sa 52.7% kumpara sa nilalabas ng gobyerno na 26.5%. Kahit ang ipinagmamalaking serbisyo ng gobyerno na National Health Insurance Program, isang programa sa ilalim ng gobyernong korporasyong Philhealth, ay napakaliit lang ang kontribusyon. Aabot lang ito sa 8.9%. Resulta ng piskal na debolusyon sa gobyerno, mas malaki ang inilaan ng local government na 15.3% kaysa sa national government na mayroon lamang 11.2%, kung saan ang serbisyong kalusugan sa kanayunan ay nakadepende sa pagkakaroon ng pondo ng local na pamahalaan. Dahil relatibong atrasado sa lokal, naging problematic ang ginawang decentralized na paggastos lalo na’t sentralisado naman ang mga mauunlad na kagamitan sa urban at national. (Tingnan ang Talahanayan 3)

Talahanayan 3. Distribution of Health Expenditure by Source of Funds, 2007-2010 Source of Funds 2007 2008 2009 2010

GOVERNMENT 27.5 24.8 25.9 26.5 National Government 12.2 12.1 10.8 11.2 Local Government 15.4 12.7 15.1 15.3 SOCIAL INSURANCE 7.4 7.1 8.1 8.9 National Health Insurance Program 7.4 7.1 8.1 8.9

Employees' Compensation2 0 0 0 0

PRIVATE SOURCES 64.7 66.9 63.7 62.9 Private Out-of-Pocket 55 56.7 53.2 52.7 Private Insurance 1.6 1.7 1.8 1.7 Health Maintenance Organizations 4.9 5.2 5.4 5.4 Private Establishments 2.2 2.3 2.3 2.1 Private Schools 1 1 1 1 REST OF THE WORLD 0.3 1.2 2.2 1.7

Grants 0.3 1.2 2.2 1.7

ALL SOURCES 100 100 100 100 Source: NSCB Philippine National Health Accounts, December 2012

Para mas lalong mapabilis ang pagbebenta ng pampublikong ospital, ipinanukala ang House Bill 6069 o “An Act Creating National Government Hospital Corporations” at ang katapat nito sa senado na Senate Bill 3130 o “National Government Hospital Corporate Restructuring Act”. Kapag naisabatas ang mga ito, may 26 pampublikong ospital ang maisasapribatisa. Mas lalong hindi magiging abot-kaya ng mga mahihirap na pamilya ang pagpapagamot. Dumaming nars at doktor? Ipinagmalaki ni Aquino noong nakaraang SONA na nakapagpadala na ng 30,000 nars sa kanayunan bilang sagot sa pagiging abot-kamay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Ngunit ayon sa Health Alliance for Democracy (HEAD), ang programang ito ng gobyernong Aquino ay mapanlinlang at mapagsamantala. Ayon pa sa HEAD, nakakatanggap ng 40% mas mababang sahod ang mga nars sa ilalim ng programang ito. Tumatanggap ng PhP 8,000 ang mga nars at hinihikayat ang local government units (LGUs) na mag-ambag ng PhP 2,000 para sa alawans (allowance) at benepisyo ng mga nars. Ito ay

Page 14: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 13

“pinatamis na kontraktwalisasyon” dahil isang taon lang ang kontrata kaya’t matapos ang isang taon ay wala na namang trabaho ang mga nars. Ang programang Doctors-to-the-Barrios (DTTB) na nasa ika-18 taon nang implementasyon. Batay sa DoH, mula noong 1993 ay mayroon nang 28 batches na may 553 doktor ang nagsilbi sa 390 malalayong munisipalidad sa 16 rehiyon ng bansa. Ipinagmamalaki ng DoH na sa pagtatapos ng taong 2012 ay wala nang “doctorless” na munisipalidad.19

Ngunit maging ang mga doktor ay ginigipit ng gobyerno. Noong 2011, maraming doktor sa kanayunan ang hindi nabigyan ng kanilang hazard pay. May isang kaso pa kung saan ang isang DTTB na nabigyan ng hazard pay ay inatasang isauli ang natanggap nyang PhP 17,000 000 dahil umano ito ay labis o dahil sya ay overpaid, ayon sa Commission on Audit (CoA). Kaya’t bagamat marami nang naipadalang doktor sa kanayunan, marami ang hindi nakakapanatili dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno. Sa Talahanayan 4, ikinumpara ang katha at katotohanan ng kalagayan sa kalusugan. Makikita dito na ang mga deklarasyon ni Aquino ay taliwas o kulang sa pangkalahatang nangyayari sa isyung pangkalusugan. Talahanayan 4. Katha at Katotohanan Hinggil sa Kalusugan

Ang Sabi ni P-noy sa Kanyang SONA 2012 Ang Tunay na Kalagayan, ayon sa Progresibong Sektor Pangkalusugan

1,672,977 na kananayan ang nakakapagpa-regular na tsek-ap

1,672,814 na mga bata ang nabakunahan laban sa diarrhea, polio, measles, at iba pang mga sakit

85% ng mga Filipino ay myembro ng Philhealth; may karagdagang 23.31 milyong Pilipino ang may akses sa mga benepisyo at serbisyo ng PhilHealth

5.2 milyong pinakamahihirap na kabahayang natukoy ng National Household Targeting System ay magbebenepisyo na sa mga libreng programa ng PhilHealth. Dahil sa No Balance Billing Policy ng DoH, ang paggamot sa dengue, pneumonia, asthma, cataracts—gayundin ang paggamot sa mga catastrophic diseases tulad ng breast cancer, prostate cancer, at acute leukemia—ay maaaring makuha ng libre ng pinakamahihirap nating kababayan.

Ang 1,672,977 na kananayan ay bumubuo lamang ng 25% ng kabuuang mga nagbubuntis (NDHS 2008)

Ang mga nabakunahang bata ay 70% lamang ng kabuuang bilang para sa edad 0-2 taong gulang (NDHS 2008);

Hanggang ngayon, mayorya ng PhilHealth claims ay sa anyo ng reimbursement, at umaabot lamang sa 30% ng kabuuang gastusin sa ospital o total hospitalization cost.

Ang No Balance Billing ng Philhealth (halimbawang maipatupad) ay aplikable lamang sa 5.2 milyong pamilyang naka-enrol sa ilalim ng PhilHealth’s Indigency Program (pinakamahirap na 20% ng populasyon). Ang natitirang 60% ng populasyon na umaasa sa public health care system (batay sa datos ng DoH) at iba pang mga kaso ay sisingilin at ang mamamayan ang papasan sa pagtataas ng gastusin sa pangangalagang pangkalusugan dulot ng pagtatanggal o phaseout ng charity beds, at ng pribatisasyon ng pampublikong ospital. Ang PhilHealth ay walang silbi sa mga erya na walang ospital at/o walang PhilHealth-accredited na ospital.

Pinaghalawan: 2012 SONA speech at Alliance of Health Workers (AHW)

Page 15: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 14

Pagkontrol ng populasyon Sa usaping kalusugan ng kababaihan, napakalimitado ng pagtingin ng gobyerno. Nakapokus ito sa pagkontrol sa populasyon bilang solusyon hindi lamang sa problemang kalusugan ng kababaihan kundi pati na rin sa pangkalahatang problema ng kahirapan. Nakakawing kasi ito sa balangkas ng mga international funding institutions (IFIs) katulad ng IMF-WB at ADB. Kaya sa kapapasang Reproductive Health Law o RA 10354, naiplastar dito kung paano maisakatuparan ang pagkontrol ng populasyon. Tinutuntungan ng gobyerno ang pagdami diumano ng unwanted pregnancies na siyang dahilan ng paglobo ng populasyon. Idinadahilan din na karamihan sa mga ito ay mahihirap at walang akses sa contraceptives na siyang nagiging dahilan ng maraming nanay ang namamatay sa panganganak. Ang ganitong pananaw ay ipinagtibay ng isang 2009 joint report ng Guttmacher Institute at ng University of the Philippines Population Institute na may pamagat na “Meeting Women’s Contraceptive Needs in the Philippines,” kung saan sinasabing 35% ng kababaihang mahihirap na may edad na 15 hanggang 49 ay kabilang sa 53% na hindi natutugunan ang pangangailangan sa kontrasepsyon (unmet need for contraception) kaya raw nagkakaroon sila ng mas maraming anak kaysa sa kanilang ninanais. At ayon din sa ulat, kung wala raw contraceptives, may dagdag na 3,500 kaso ng pagkamatay ng ina kada taon.20 Ano ang kakulangan sa ganitong pagtingin? Una, napaka-myopic ang pananaw kung ang binibigay na salik sa mataas na mortality rate ng mga nanay ay pagiging “unplanned” or “unmet need for contraception”. Kaya may 12 nanay na namamatay araw-araw ay dahil sa wala silang akses sa isang de-kalidad na serbisyo, may kakulangan sa ospital at medical practitioners sa mga lugar, at wala silang pera para makapunta pa sa ospital. Batay sa pag-aaral ng CWR sa siyam na pampublikong ospital sa NCR at mga hilot sa Central Luzon, maraming kababaihan ang mas pinipili ang hilot at manganak sa bahay dahil sa kulang sa badyet, mas personal na pangangalaga ng mga hilot, at malayo ang kanilang lugar sa mga ospital. Pangalawa, na mahigpit na kaugnay sa unang nabanggit, hindi prayoridad ng gobyerno ang magbigay serbisyo sa kalusugan kundi gawin itong negosyo. Kung ikukumpara sa ibang bansa sa Asya ang paglalaan para sa kalusugan ng gobyerno, makikitang pumapangatlo ito sa mga bansang maliit ang porsyentong nilalaan para sa kalusugan. (Tingnan ang Tsart 14)

Page 16: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 15

Chart 14. Percent of Total Government Expenditure for Health, 2009

Source: UNESCAP

Pero kahit nagbigay puwang na sa pribadong sektor para sa serbisyong kalusugan, hindi pa rin nakitaan ng signipikanteng paglaki sa mga mga pasilidad para sa mga pasyente. Ayon mismo sa rekord ng Department of Health, mayroon lamang 10 kama kada 10,000 pasyente noong 2002, lumiit kumpara noong 1980 na 18 kama kada 10,000 pasyente. (Tingnan ang Talahanayan 5) Lalo nang binigyang puwang ang pribadong sektor na magnegosyo sa serbisyong pangkalusugan, mas hindi makakayanan ng kababaihang mahirap ang magpagamot.

Dagdag pa, nakitang mas kapaki-pakinabang para sa mga negosyante ang pagkontrol ng pagbubuntis ng kababaihang manggagawa. Sa Family Welfare and Business Productivity Summit noong ika-15 ng Nobyembre 2012 kung saan dumalo ang mga malalaking negosyante sa bansa na karamihan sa kawani nila ay kababaihan, nakita nilang nakatipid sila ng Php20 milyon dahil sa paghimok nilang gumamit ng contraceptive method ang kanilang mga manggagawa.21 Nakatipid sila sa pagbayad ng medical insurance at pagkuha ng bagong kawani. Ang summit na ito ay dinaluhan ng Philippine Chamber of

Talahanayan 5. Number and bed capacity of government and private hospitals, Philippines, 1980 - 2002

Year Number of Hospitals Bed Capacity Bed per

10,000 pop Total Gov't Private Total Gov't Private 1980 1,607 413 1,194 81,796 39,445 42,351 18.2 1985 1,814 624 1,190 89,508 48,395 41,113 15.5 1990 1,733 598 1,135 87,133 49,273 37,860 14.0 1995 1,700 589 1,111 80,800 43,229 37,571 11.8 2000 1,712 623 1,089 81,016 42,385 38,632 10.6 2002 1,738 661 1,077 85,166 45,395 39,771 10.7

Source: Philippine Statistical Yearbook, 2004

Page 17: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 16

Commerce and Industry (PCCI), Employment Confederation of the Philippines (Ecop), Makati Business Club (MBC), Management Association of the Philippines (MAP), Philippine Business for Social Progress (PBSP), at ilan pang mga negosyante at ahensya.22 Nakatabing sa konseptong “corporate social responsibility”, binigyan ng malaking papel ang pribadong sektor sa ilalim ng PPP para sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagbandila kung anong produkto ang dapat bilhin ng kanilang mga empleyado sa pagkontrol na manganak o di kaya nama’y sila mismo ang nagbebenta ng mga contraceptive methods na ito. Nangunguna ang USAID sa pamamagitan ng PRISM (Private Sector Mobilization for Family Health Project) sa pagbibigay puwang sa pribadong sektor para maging susing grupo sa pagkontrol ng kalusugan ng kababaihan. Isinasakatuparan na ang pamamahagi ng contraceptive method sa 78 probinsya sa bansa, kung saan ang pokus ay sa lugar sa kanayunan na malaki ang populasyon.23 Masyadong interesado ang US sa pagkontrol ng populasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang mahihirap pero mayaman sa rekursong bansa. Nabanggit na sa nakaraang Ulat Lila 2012 na isa sa dahilan ng pag-aalala ng US sa pagdami ng tao sa mga mahihirap na bansa ay ang mas malaking bilang ng mga mag aalsa laban sa US lalo na’t pinagkukuhanan nila ito ng mga hilaw na materyales.24 Pondo para sa IMF Nagawang magbigay ng US$1 bilyong pledge ang gobyernong Aquino sa IMF noong 2012. Isa ulit itong kabalintunaan dahil nakakabigay ang gobyerno sa kabila ng maraming kakulangan sa bansa, partikular na sa isyung pangkalusugan. Ipinapakita sa Talahanayan 6 na sa halagang inilaan sa IMF, marami na ang malalaanan sana para sa pangkalusugang pondo.

Talahanayan 6. Pondo sa Kalusugan, PhP 40 bilyon o US $ 1 bilyon Mga Dapat Pinaglalaanan ng Pondo sa Kalusugan Tinatayang Halaga

Pondo para sa operational expenses ng mga pampublikong ospital upang patuloy na makapagbigay ng libreng serbisyo

PhP 20 bilyon

Isang taon makatarungang sahod ng 10,000 nars ng programang RNHeals PhP 3 bilyon Alokasyon para sa infant and child care services tulad ng vaccination at immunization

PhP 3 bilyon

30,000 Karagdagang de-kalidad na hospital beds PhP1 bilyon Hazard pay sa taong 2012 para sa mga 29,000 manggagawang pangkalusugan sa buong bansa

PhP 232 milyon

Pagtatayo ng karagdagang 4,000 health centers sa mga liblib na baryo PhP2 bilyon Rehabilitasyon sa mga nasirang health facilities dahil sa bagyong Pablo sa Mindanao

PhP500 milyon

Pre-natal, post natal at ante-natal care para sa mga kababaihang buntis na biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao

PhP268 milyon

Alokasyon para sa pagsugpo o pagkontrol ng mga sakit tulad ng TB, malaria, tetanus, polio, atbp

PhP5 bilyon

Dagdag sahod, pagbabalik sa makatarungang meal allowance, at paglikha ng mga kakulangan sa mangagawang pagkalusugan – kasama na ang mga doktor, nars, atbp.

PhP 5 bilyon

TOTAL PhP40 bilyon

Page 18: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 17

Kaya, ang mortality rate ng mga nanay ay mababawasan at hindi magiging problema ang paglaki ng populasyon kung ang balangkas ng gobyerno ay hindi nakakawing sa pagtugon sa interes ng iilan. Kailangan nating matuto sa karanasan ng mga bansang malaya at hindi sunod-sunuran sa dikta ng dayuhan na naging malusog ang mamamayan dahil sa ito ang naging prayoridad ng kanilang gobyerno. Kailangan ang libre, angkop, at agarang pagbibigay serbisyo sa komprehensibong kalusugan ng kababaihan mula pagkabata hanggang sa pagtanda para masiguro ang malusog na pamayanan.

2. Negosyo sa Pabahay

May tinatayang 30 milyong maralitang taga-lungsod [2010]. Malaking bahagi sa kanila ay makikita sa mga relocation sites, tenement houses, komunidad sa paligid ng mga empresa at engklabo, entreswelo, paupahang maliliit, at mga katulad nito. Matatagpuan din ang mga konsentrasyon nila sa mga tabing-riles, tambakan, estero, pampublikong mga lupain at sa iba pang tinatawag ng gobyerno na eryang “iskwater” o “informal settlers” o yung nakatira sa mga lugar na inaari ng ibang tao. Tuwing eleksyon kagaya ngayong 2013, sila ang bida sa mga pulitiko dahil sa laki ng kanilang botong madadala. Bida rin ang mga maralita pagdating sa pagkalap ng pondo at utang. Sa parte ng gobyerno, ibinabandera ng pamahalaang Aquino ang pagprayoridad sa kanila kaya nga nakakakuha ito ng pautang mula sa sa World Bank, Cities Alliance, Japan, at UN-Habitat para diumano’y masagutan ang 3.6 milyong backlog sa pabahay ng pamahalaan.25 Sa Metro Manila pa lamang, mayroon ng 600,000 pamilyang maralita na nabubuhay sa Php46 kada araw lamang. Karamihan sa mga pamilyang ito ay nakaranas na idemolis at inililipat-lipat sa mga bayan ng San Mateo at Rodriguez sa Rizal, sa Calauan, Laguna at sa San Miguel, Bulacan.26

Ginawang dahilan ng gobyernong Aquino na nasa “danger zone” diumano ang mga tinitirhan at kailangan lamang “iligtas” sa sakuna lalo na’t typhoon-prone ang Pilipinas. Pero ang iniaalok na alternatibo ay malayo sa mga pinagkakakitaan ng mga tao sa araw-araw.

Bukod sa malayo sa trabaho, ang mga lugar na inililipat ang mga tao ay wala ring ilaw at tubig.27 Ayon sa nakapanayam ng CWR tungkol sa isyung pabahay, ang mga ibang nagtiyaga na tumira sa ganoong sitwasyon ang nagsikap na ipaunlad ang lugar. At kapag marami na uli ang nasa lugar at kaaya-aya ng tirhan, mayroon na namang tao na magsasabing pag-aari nila ang lupa at pilit na naman silang pinalilikas sa marahas na paraan.28 Sa nakitang determinasyon ng mga maralita na ipaglaban ang kanilang karapatan sa paninirahan, nakita ng negosyante na mas gamitin ngayon ang pamamaraang popular din sa maralita – ang “on-site redevelopment” o “in-city relocation” na payo ni Prof. Bernardo Villegas ng University of the Asia and the Pacific.29 Kinokonsidera ito ni Noynoy Aquino na

Page 19: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 18

Chart 15. Number of Enrollees and Graduates, by Sex, AY 2005 - 2010

Source: Commission on Higher Education, 2010

ipatupad sa pamamagitan ng ugnayan ng HUDCC (Housing and Urban Development Coordinating Council) at ng asosasyon ng mga housing developers. Sa “symbiotic arrangement” na ito, nagkaroon ng plano na magtayo ng 1,750 medium-rise residential buildings MRBs) sa minimum, para mabigay sa 20,000 maralitang pamilya.30 Ipinagmalaki rin ni Aquino ang imbestment na Php169.4 milyong kontrata sa mga negosyante para sa Iloilo Resettlement Project para ipagpagawa ng 1,000 bahay.31 Ang pagpatayo ng mga “low-cost housing” na dinesenyo para diumano sa mga maralita ay isinasama sa imprastraktura at imbestment na tinitingnang nagpalaki ng GDP ng bansa. At dahil panahon ng eleksyon, pansamantalang ititigil ang demolisyon lalo na sa mga mataong komunidad. Magiging bida ang maralitang komunidad sa mga kandidato para makuha ang kanilang boto. Kaya sa ngayon, isang malaking hamon para sa maralitang pamilya kung paano nila ipaglalaban ang kanilang karapatan. Ginigisa sila sa sariling mantika dahil ang kanilang panawagan ang siyang ginagamit na sangkalan ngayon ng gobyerno para pagkakitaan.

3. Siyensa ng Pagbebenta sa Edukasyon

Isa sa nakitang pagsulong ng kababaihan sa ating bansa ay ang oportunidad nito na makapasok sa eskwela kagaya ng kalalakihan. Kung pagbabatayan ang estadistika, halos magkapantay lamang ang bilang ng kababaihan at kalalakihan na nag-aaral sa elementarya na umabot sa 21.49 milyon ang nag-enrol sa pagbukas ng SY 2012-2013, tumaas ng halos 5% mula sa 20.48 milyon noong nakaraang SY 2011-2012.32 Ayon pa sa NSCB, mas marami pa nga ang kababaihang estudyante sa hayskul at kolehiyo kaysa sa kalalakihan. Pero sa kabuuan, napakaliit ng nakapagtatapos. Kung titingnan ang Tsart 15, makikitang sa mga nag-enrol sa kolehiyo noong SY 2005/06, halos 7% lamang sa mga estudyante ang nakakapagtapos pagdating ng SY2008/09. Nakaungos lamang ng kaunti ang kababaihan sa kalalakihan kung saan 4% sa kanila ang nakapagtapos kumpara sa 3% lamang sa kalalakihan.

Page 20: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 19

Napakababa ng nagtatapos dahil sa 27.84% lamang ang pampublikong kolehiyo o unibersidad at patuloy pang isinasapribatiba ang mga ito. Ang mga SUCs naman ay tinaasan ang tuition, kagaya halimbawa ng sa UP kung saan sa mga bagong nakapasa, Php1,500 kada yunit na ang babayaran. Kung tutuusin, ang tuition ng UP ay katulad na rin ng mga ilang pribadong unibersidad. Pagkatapos pang magsunog ng kilay, napakalimitado ng oportunidad para makapaghanap ng trabaho. Ang payo pa ni Secretary Baldoz ng DOLE, “wag mamili” sa papasukan. Sinabi rin ng NSCB Board Secretary-General Jose Ramon Albert na isa sa bawat limang walang trabaho ay nakapagtapos ng kolehiyo.33 Ayon pa kay Albert, tumaas ng 20.2% ang walang trabaho nitong 2011, mula sa 19.5% ng 2010. Pero ang nakikita pa niyang dahilan ay ang pagiging mapili ng mapapasukan dahil karamihan diumano sa walang trabaho ay nakapagtapos ng medical courses, craft and industrial designs, engineering at architecture.34 Hindi nakitang ang pangunahing salik sa walang mapasukan ang mga nakapagtapos na ito ay dahil kulang o walang puwang na mabigyang oportunidad na mapaunlad ang kakayahan ng bawat mamamayan, sampu na ng kababaihan. Sa programang PPP ni Pnoy, ang mga trabahong bukas lalo na sa kababaihan ay iyong tinataguriang vulnerable, informal, low-skilled, non-regular. Kung tutuusin, mas hinihimok ng pamahalaan ang mga kabataan na magtrabaho kaagad bilang low-skilled worker na siyang karamihang nakukuhang trabaho sa labas ng bansa. Dahil nga sa nakikipagkumpetensya ang Pilipinas sa cheap labor sa Bangladesh, Indonesia, Sri Lanka at umaasa ng kita mula sa remitans ng OFW, kampante na itong makapagtapos ng mga taong hanggang elementarya o hayskul lamang. Ito ang konsepto ng K-12 na puwede nang magtrabaho sa hayskul. Sa ganitong pamamaraan, mas magiging malaki ang gap ng mahirap at mayaman dahil sa ang makakapagtapos na lamang ng kurso ay ang maykaya.

4. CCT bilang band-aid solution Sa kabila ng kahinaan at katanungan sa operasyon ng programang Conditional Cash Transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), nilaanan pa ito ng malaking badyet nitong 2013. Ito ang 78.8% sa badyet ng DSWD na Php56.2 bilyon. Sa preliminary study ng CWR tungkol sa CCT noong 2011 tungkol sa mga iregularidad ng programa ay napatibay nang nagreport ang Commission on Audit (COA) ng mga iregularidad nito noon July 2012. Ayon sa COA, mayroong hindi pa naaayos na Php6.6 bilyon, sobrang pagbayad ng Php 9.7 milyon sa 4,198 na kwestiyonableng benepisyaryo, at mga “double entries” ng 3,146 na tumatanggap ng benepisyo. Nagresulta ito ng Php138 milyon “unclaimed funds” sa Land Bank of the Philippines.

Page 21: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 20

Batay sa pag-aaral ng CWR, ang CCT ay ginagamit bilang pantakip sa lumalalang kagutuman ng maralitang kababaihan at pagmantini ng tradisyunal na pagkilala sa kababaihan. Nagagamit din ito para sa mga pulitikal na layunin. Pantakip dahil may hinahabol na layunin ang gobyerno na sa 2015 ay mabawasan ang mahihirap at magkaroon ng malulusog na mga bata. Ito ang takda ng MDG sa lahat ng member states ng UN. Isa ang CCT na pamamaraan para maipatupad ito sa pamamagitan ng Php1400 dole-out kada mahirap na pamilya. Nagmamantini lamang ang CCT ang tradisyunal na papel ng kababaihan bilang pangunahing tagapangalaga sa anak at pamilya. Bilang benepisyaryo ng P1400, siya ay inaasahang maging pangunahing taong responsable na magsisigurong nag-aaral ang kanyang anak at mapa-check up ng regular sa klinika. Bukod pa rito, isa sa mga kondisyon ng 4Ps ay ang regular na pagdalo sa mga pulong kada linggo. Ang magliban sa mga kundisyong ito ay magreresulta ng bawas sa makukuha o masahol pa, walang makukuha sa araw ng bigayan. Ngayong panahon ng eleksyon, maraming pulitiko na ang pumapapel sa iskedyul ng bigayan ng pera sa CCT. Batay sa data gathering ng CWR, may lugar sa Bikol kung saan ang nagbibigay ng cash sa mga nanay ay ang manugang ng mayor kung saan ang asawa ay kandidato rin. Nagagamit din ito sa pagpigil sa partisipasyon ng kababaihan sa iba pang aktibidad lalo na pag ito ay protesta o meeting ng lokal na organisasyon. Nangyari ang pagpigil na ito sa Timog Katagalugan, Visayas, at Mindanao. May mga naitala ring kaso sa Basilan kung saan, ang mga sundalo pa ang sumasama sa mga kababaihan para magkubra ng cash grant. Sa Bondoc Peninsula, nakitaan rin ng presensya ng militar sa lugar kung saan nagdi-distribute ng cash grant. Sa mga nakapanayam ng CWR na mga benepisyaryo ng CCT, 77% sa kanila ang nagsabing hindi ito magiging solusyon sa kanilang kahirapan. Ayon pa sa kanila mas gugustuhin nila kung ang ibinigay na programa ay pangkabuhayan o scholarship sa kanilang mga anak na nag-aaral. Ang kahilingan ng mga 77% na nanay na magkaroon ng matatag na programa kagaya ng kabuhayan ay malayong masasagot. Dahil sa ang buong programa ng CCT ay utang mula sa IMF at ADB, mas magiging prayoridad ng gobyernong Aquino ang magbayad dito kagaya ng dati nitong gawi.

Page 22: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 21

Chart 16_. Common Price Increase of Gasoline and Diesel, 1999-2013 (in peso per liter)

Source: processed from DOE Oil Monitor

5. Patuloy na pagtaas ng presyo ng yutilidad

Sa araw-araw nating gawain at para mapatakbo ang produksyong pang-ekonomya, batayang pangangailangan natin ang tubig, kuryente, fuel, transportasyon, at telekomunikasyon. Lahat ng mga ito ay nasa ilalim ng PPP. Ibig sabihin, ang mga batayang pangangailangang ito ay pinagkakakitaan imbes na nagsisilbi para sa mamamayan. At dahil una sa lahat sila ay negosyo, hindi na abot-kaya ng tao ang di-mapigilang pagtaas ng mga ito. Di mapigilang pagtaas ng presyo ng langis Sa 15 taon na pagpapatupadsa bansa ng deregularisasyon sa industriya ng langis, tumaas ng 396% ang common price ng kada litero ng diesel at 312% naman sa kada litro ng gasolina. (Tingnan ang Tsart 16)

Mabigat sa bulsa ng consumer katulad ng kababaihan ang walang humpay na pagsirit ng presyo ng langis dahil nagreresulta ito ng pagtaas din ng presyo ng mga batayang bilihin at pagtaas ng pamasahe. Kaya naman, wala ring kapaguran sa pagtutol at protesta ang mamamayan sampu ng kababaihan. Dahil dito, napuwersang magbuo ang gobyernong Aquino ng isang komite, ang Independent Oil Price Review Committee (IOPRC), noong Abril 2012 para diumano mag-aaral ng pricing at kita ng mga oil companies. Ayon sa IOPRC, walang overpricing sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay IOPRC committee head Benjamin Diokno, "the Oil Deregulation Law’s goal of increasing competition, and thus fair price, is being achieved." Aniya, sumasabay lamang diumano ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado. Dagdag pa, nagkataon lamang na nagsasabay-sabay at magkakapareho ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo. Sa binitawang salitang ito ng IOPRC, ipinakita kung paano ang pagyakap sa neoliberal na patakaran ay nagreresulta sa pagiging palaasa sa kung ano ang dikta ng pandaigdigang merkado. Ipinakita rin kung kaninong interes ang nasusunod at pinapanigan ng pamahalaang Aquino kapag nagkakaroon na ng kontradiksyon sa pagitan ng kompanya at ng Pilipinong konsyumer.

Page 23: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 22

Liquefied Petroleum Gas Sa pagtaas ng presyo ng langis, kasunod lagi noon ay ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). Sa taong 2012, siyam na beses nagtaas ng presyo ang LPG habang limang beses lamang ang naging pagbaba. Sa kabuuan, pinakamalaki pa ang itinaas ng Isla Gas (dating Solane/ Shell), Petron, Total Philippines at Petronas. Ang mga ito rin ang may pinakamalaking market share sa sa distribusyon ng LPG sa bansa. Katulad ng diesel at gasoline, ang pagsirit ng presyo ng LPG ay karaniwan na lamang simula nang ipatupad ang Oil Deregulation Law. Noong 1998, ang average na presyo ng isang 11-kg LPG tank ay P165.00. Sa taong 2013, nasa P786.00 na ang presyo ng LPG, mataas ng 376% sa presyo nito noong 1998. (Tingnan ang Talahanayan 7) Talahanayan 7. Price Adjustments of 11kg LPG, 2012

Date/ Oil Company Liquigaz Isla Gas** Petron Total Phils Petronas

Pryce Gasses

January 1- 6 3.00 3.00 3.00 3.00 3.36* 2.00 January 6 – 12 1.50* 1.80 1.50 1.50 1.50 1.50* February 1 – 5 6.50* 6.00 6.00 6.00 6.00* 6.00* March 1 -3 6.00* 7.00 4.00 4.00 4.00 6.00* March 8-12 1.50*

3.00 3.00 3.00 1.50*

March 21- April 3 (9.00*) (8.96*) (8.50) (8.50) (7.60) (8.50*) April 26 - May 7 (5.00*) (5.00) (5.25) (5.25) (5.25) (6.00*) May 29 - June 2 (5.50*) (5.00) (5.50) (5.00) (5.50) (6.00*) June 20 - July 2 (6.00*) (5.50) (5.50) (5.50) (5.50) (4.50*) August 1

7.00 7.00 7.00 7.00 4.00*

September 1 -3 7.00 6.00 6.00 6.00 6.00 5.50* October 1 -2 1.70 2.00 1.75 2.00 1.75

October 27 - November 3 0.89 1.00 1.00 1.00 1.00 0.50* November 29 – December 3 (1.34) (1.5) (1.65) (1.50) (1.68*)

Total INCREASE 1.25 7.84 6.85 7.75 8.08 2.00 * VAT Inclusive ** formerly Solane, Shellane Source: processed from DOE Oil Monitor

Sa walang tigil na pagtaas ng presyo nito, direkta itong nakakaapekto sa badyet ng pamilya kaya maraming mga nanay na ang napipilitang magpalit ng gamit sa pagluluto. Ayon sa NSO, mula 2003 hanggang 2009, tumaas bahagi ng mga kabahayan na gumagamit ng uling at paggatong habang bumaba naman ang bahagi ng gumagamit ng LPG.35

Page 24: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 23

Box 2. Katumbas ng Dagdag Pasahe sa MRT

10 kilos regular milled rice @ P30.00 per kilo 20 pcs. lata ng sardinas @ P15.00 per piece

60 pcs. itlog @ P5.00 per piece 2 ½ kilos galunggong @ P120.00 per kilo

Tsart 17. Monthly Income of MRT/LRT Passengers

Source: Mega Manila Public Transport Study 2007

Transportasyon: LRT, MRT Nang itinatayo pa lamang ang LRT at MRT, idineklara itong serbisyo para sa ordinaryong mamamayan para diumano’y magkaroon ng episyente at murang gamit-pantransportasyon. Subali’t ngayon, sinasabi ng DOTC na malaki ang “pagkalugi” ng pamahalaan sa subsidy na ibinibigay nito sa pasahero. Diumano, umaabot sa halos P9 bilyon para sa LRT 1 at 2 at P7 bilyon naman sa MRT ang gastos ng pamahalaan. Sa kaso ng MRT, P15 lang ang maximum na pasahe samantalang aabot daw sa P60 diumano ang aktwal na halaga ng pasahe. Sa kaso naman ng LRT 1 at LRT 2, P15 ang maximum na pasahe samantalang nasa P35.77 at P60.75 ang diumano’y aktwal na halaga nito. Sa planong fare hike, tataas ng 25% hanggang 67% ang dagdag na sisingilin sa mga pasahero. Malaking pabigat ito lalo pa’t 69% ng mga sumasakay sa LRT at MRT ay kumikita ng mas mababa sa P10,000 kada buwan. (Talahanayan 8 at Tsart 17)

Talahanayan 8. Proposed Fare Hike in MRT/ LRT Line Bilang ng

Pasahero Current Fare Proposed

Fare %

Increase

MRT (Taft Avenue in Pasay City to North Avenue in Quezon City) 600,000

Minimum - 10.00 15.00 50.00% maximum - 15.00 25.00 66.67%

LRT Line 1 (Baclaran in Pasay City to Roosevelt in Quezon City) 500,000

Minimum - 12.00 15.00 25.00% maximum - 20.00 30.00 50.00%

LRT Line 2 (Recto in Manila to Santolan in Pasig City) 350,000

Minimum - 12.00 15.00 25.00% maximum - 15.00 25.00 66.67%

Page 25: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 24

Kung matutuloy ito, sa MRT halimbawa, sa minimum, kakailangangnin maglabas ng dagdag na P300 ang isang pasahero sa isang buwan kung regular siyang sumasakay sa MRT. Para sa mga 69% na pasaherong kumikita ng mababa sa P10,000, napakalaking kabawasan ito sa pang araw araw na badyet. Kung tutuusin, ang P300.00 kada buwan na dagdag sa pamasahe ay katumbas na halimbawa ng sampung kilong bigas. (Box 2) Pribadong kuryente Isa na ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo. Sa 44 na bansa nakasama sa sarbey ng International Energy Consultants (IEC), particular ang power rates ng MERALCO, pang-siyam ito sa pinakamahal ang singil sa buong mundo. Nangunguna naman ito kung sa Southeast Asia.36 Paliwanag ng IEC, ang mga karatig bansa ng Pilipinas katulad ng Thailand, Indonesia, Malaysia, Korea at Taiwan ay may average tariffs o power rates na higit na mababa sa rates ng MERALCO dahil sa hanggang 50% subsidyo ng pamahalaan ng mga bansang ito sa kanilang mga consumer. Sa mas palawak na pag-iral ng pribatisasyon sa kuryente, sobra-sobra ang singil sa mga konsyumer. Kung titingnan ang Talahanayan 7, sa buong Pilipinas, may 31.38% na mataas ang rate increase ng pribadong kumpanya kumpara sa mga nasa ilalim ng kooperatiba. Kung ihihimay sa bawat rehiyon ang rate increase ng pribadong kumpanya kumpara sa kooperatiba, ang pinakamataas ay Luzon (13.85%), sumunod ang Visayas (12.54%), at huli ang Mindanao (6.87%). Ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente ay dumadaan sa tatlong mahahalagang sangkap, ang generation, transmission at distribution. Sa generation nalilikha ang kuryente. Pangunahing lumilikha ng kuryente ang NPC at kasunod ang mga power producers. Mula sa mga power plants ay kailangan itong i-transmit sa pamamagitan ng mga transmission lines. Para naman makarating sa indibidwal na kabahayan, opisina, pabrika at iba pa, kinakailangan ang isang distribution utility.

Talahanayan 7. Tariff Rates of Electric Cooperatives and Private Distribution Utilities, March 20120 and 2012

Electric Cooperatives Private Distribution Utilities

Grid Mar-10 Mar-12 Rate

Increase Mar-10 Mar-12 Rate

Increase Luzon 8.954 10.3206 15.26% 8.0465 10.3885 29.11% Visayas 8.6913 10.0412 15.53% 6.8179 8.7316 28.07% Mindanao 7.1071 7.7072 8.44% 5.8864 6.7878 15.31% Philippines 8.2508 9.3563 13.40% 6.9169 10.0145 44.78% Source: DOE, 18th and 20th EPIRA Status Report

Page 26: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 25

Sa Pilipinas, dahil sa pagpapatupad ng pribatisasyon, hawak ng iilang malalaking negosyo ang tatlong sangkap na ito. Halimbawa, sa generation, 55% nito ang kinokontrol ng San Miguel Corporation, First Gen at ng Aboitiz Company. Ang transmission naman ay monopolyado ng Transco na pagmamay-ari ni Henry Sy. Habang ang distribution ay hawak ng ilang malalaking private distribution utilities (PDUs) katulad ng MERALCO sa Metro Manila at Aboitiz sa Mindanao. (Talahanayan 9)

Kaya itong naglalakihang kumpanya ang kumikita dahil naipapasa nila sa konsyumer ang gastos para sa ibang bayarin. Katulad halimbawa sa sample ng isang Meralco Bill na ipinapakita sa Talahanayan 8. Ang mga item kagaya ng system loss, subsidies, government taxes, at universal charges na umabot sa Php239.80 o 18% sa bill ay isinasama para bayaran ng konsyumer. Para sa mga nanay, mabigat ang dagdag-bayad na ito lalo na’t puwede na itong pambili ng pagkain. Pribadong tubig Bilang ang bansa ay pulo-pulo, maraming mapagkukunan ng tubig na libre ang Pilipinas. Ngunit simula nang naibigay ng gobyerno sa mga kumpanya tulad ng Manila Water at Maynilad ang konsesyon sa serbisyong patubig, naging isang mamahaling kalakal na ito. Simula nang isapribado ang serbisyong patubig sa Metro Manila at ilang karatig na bayan, tumataas ang singil nito mula 15% hanggang 21% kada taon. Sa tatlong taon na naluklok sa pagkapresidente si Aquino, tumaas ng 8% ang singil sa tubig ng Maynilad habang 9% naman ang taas sa Manila Water. (Talahanayan 9)

Talahanayan 9. Ownership in Generation, Transmission and Distribution Generation Transmission Distribution

San Miguel Corporation (20%) First Gen/ Lopez (17%)

Aboitiz (15%)

Henry Sy, Jr, China Grid, and the Calaca Group

Meralco (45 % MPI, 27% SMC, 6% Lopez)

Aboitiz (Davao Light and Power, VECO, Cotabato Light and Power Company, San Fernando Electric Light & Power

Co. Inc., Subic EC, Mactan EC., Balamban EC)

Talahanayan 8. Actual Meralco Bill, Nov 19 – Dec 19, 2012 BILL SUBGROUP SUBTOTAL PERCENTAGE

Generation 677.97 51.5% Transmission 105.66 8.0% System Loss 76.60 5.8% Distribution (Meralco) 293.92 22.3% Subsidies 17.65 1.3% Government taxes 130.96 9.9% Universal charges 14.61 1.1% Other charges 0.00 0.0% Total 1,317.35 100.0%

Page 27: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 26

Sino ang nakikinabang? Pero hindi naman sana kailangan ang maging palaasa sa dikta ng pandaigdigang merkado. Ayon sa pag-aaral ng mga makabayang siyentipiko ng bansa, kaya sana ng Pilipinas na maglaan ng pampublikong serbisyo sa loob pa ng 30 taon.37 Marami tayong fossil fuels, natural gas, coal, at mga renewable energy mula sa araw, hangin, tubig, biomass energy, at geothermal energy. Kapag may suporta na ipaunlad ito mula sa gobyerno, hindi na kailangan ang mag-ampat pa. Kaya makikitang ang kulang sa bansa ay ang pulitikang determinasyon na gampanan ang tungkulin pangunahin ang sa mamamayan bago ang interes ng negosyante. Sa pagsasabansa ng mga pambansang industriya at pagtiyak na pinauunlad ang mga yutilidad na di umaasa sa dayuhan ang siyang susi para makaagapay sa pangangailangan ang mamamayan. KABALINTUNAAN SA PANGANGALAGA SA KALIKASAN AT KAPALIGIRAN Matingkad ngayon ang panawagan sa pag-aalaga ng kapaligiran. May ordinansya sa mga sentrong lugar na bawal ng gumamit ng plastic at kailangang magdala ng bag kapag namili. Isa itong kahanga-hangang hakbang. Kaya lamang, may “catch” doon. Kapag walang dalang bag, mapipilitan kang bumili ng Php2.00 na plastic o Php 35.00 “eco bag”. Ito diumano ay para madisiplina ang mamimili na magdala ng recyclable bag. Sa mga nanay na siyang pangunahing bumibili para sa pagkain ng pamilya, nagiging kabawasan ang Php2.00 man o Php35.00 sa badyet. At kung susuriing mabuti, para nga ba ito sa pangangalaga ng kapaligiran o isa pa rin itong pagkakakitaan? Sa 100 katao na papasok sa grocery sa isang araw na bibili ng Php2.00 na plastic, may kita ang may-ari ng Php6,000 sa loob ng isang buwan. At kung may mabentahan namang 50 katao para bumili ng eco-bag na Php35.00, may kita ang may-ari ng Php52,000 sa isang buwan. Nakuha pa nitong bayaran ang gastos rin ng bili ng may-ari ng plastic bag at pagpagawa ng eco-bag. Ang ganitong pagresponde sa problema ng kapaligiran at kalikasan ay hindi angkop na sagot para sa pangmatagalang solusyon; lalo na ang agresibong pagbenta ng kagubatan at kabundukan sa mga naglalakihang dayuhang kumpanya. Ayon sa Center for Environmental Concerns, mayroong 1,136,959 ektarya ng lupa ang pinahintulutan ng gobyerno sa pagmimina at 1,422,190 ektarya naman para sa pagtotroso. May inaprubahang 785 mining

Talahanayan 9. Water Tariffs of Manila Water and Maynilad, 1997-2013

Year Manila Water Maynilad 1997 2.32 4.96 1998 2.32 4.96 1999 2.61 5.8 2000 2.76 6.13 2001 4.22 10.79 2002 4.51 11.39 2003 10.06 11.39 2004 10.4 11.39 2005 13.95 19.72 2006 14.94 21.12 2007 14.94 21.12 2008 19.64 23.05 2009 21.91 27.24 2010 23.08 28.29 2011 25.11 30.34 2012 27.44 32.92

Increase from 1997

to 2012

1082.76% 563.71%

Annual Rate Increase

from 1997 to 2012

20.81% 15.42%

Page 28: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 27

agreements noong Marso 2011 at pinabilis ng 38% ang coal production na umabot na sa 3.6 million metric tons.38 Ang walang patumanggang pagbenta ng kabundukan, kagubatan, at ilang pang kayamanang likas sa bansa ay nagdulot ng tuloy-tuloy na sakuna sa bawat sulok ng Pilipinas. Ang pinakahuli ay ang matinding bagyo sa Mindanao na napakabihirang makaranas ng bagyo. Nagdulot ito ng Php8.5 bilyong pagkasira sa pananim at kabuhayan at umabot ng halos 1,500 ang namatay. Ang pinakabagong sakuna ay ang pagkasira ng Tubbataha Reef dulot ng pagsagasa ng USS Guardian minesweeper. Ang Tubbataha ay tinaguriang world heritage site at isa sa 2% naiiwang coral reef na hindi nanganganib. Pero dahil sa pagsadsad ng minesweeper, umabot na sa 4,000 sq.m ang nasira dito. Ayon sa mga environmental experts, aabot ng 250 taon bago maibalik ang nasirang coral. Sa 1,500 fish species at iba pang hayop-dagat ang nabubuhay sa Tubbataha, nakapagbibigay ito ng kabuhayan sa mangingisda at pagkain sa mamamayan. Kaya, malaking kawalan ang pagkasira ng Tubbataha. Malaking katanungan ang presensya ng USS minesweeper na nabulahaw sa Tubbataha Reef. Habang nililimbag itong sulatin, wala pa ring naririnig na paliwanag mula sa gobyernong US kung ano ang pakay nila sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Para sa mga nagmamalasakit na mamamayan at kahit na rin sa ibang senador, ang pangyayari ay manipestasyon ng kung gaano kalawak ang saklaw ng puwedeng puntahan at panghimasukan ng US dahil sa mga kasunduang tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA). PANGHIHIMASOK SA BAYAN; KARAHASAN SA BATA’T KABABAIHAN Ang panghihimasok ng US at ang pagkasangkot nito sa mga kaso sa bansa ay nangyayari na noon pa. Sa kasalukuyan, sa loob ng 10 buwan, may limang kaso na ang naitala kung saan sangkot ang mga Amerikanong sundalo na kasama sa Balikatan exercises. Una ay ang pagsagasa ng speedboat sa isang bangka na ikinamatay ng isang mangingisda noong Abril 2012. Pangalawa ay ang pagtapon sa Subic ng dumi ng mga Amerikanong sundalo na kasama sa Balikatan noong Oktubre 2012. Pangatlo, nang may nakitang military drone sa Masbate na diumano’y naligaw din noong January 2013. Pang-apat ay ang pagtangging magpasuri o magpadaan sa inspeksyon ng karne na kakainin ng mga Amerikanong sundalo nito ring Enero. At panglima ay ang pagkasira ng Tubbataha. Pero kung babalikan natin simula noong 2008, mayroong apat na kasong wala pa ring nangyari. Isa dito ay yung noong July 3, 2010 kung saan may naiulat na kaso ng pangmomolestiya ang isang sundalong Amerikano sa Basilan. Para sa kababaihan, matingkad ang nangyari noong 2005, nang may ginahasang Pilipina ang mga tropang militar ng US. Mas lalong tumimo ito nang napatakas sa bilangguan ang rapist na si Daniel Smith. Muli, isinangkalan ang VFA para makaligtas sa krimen ang sundalong Amerikano. Dahil din sa VFA, muling binuksan ang Clark at Subic para daungan ng pandigmang kagamitan ng US. Nabigyang dahilan din ang pagsama ng mga ng sundalong Amerikano sa operasyong militar sa bansa.

Page 29: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 28

May US special-operations task force na sumusuporta sa mga sundalong Pilipino para diumano’y masupil ang Abu Sayyaf at iba pang “Muslim extremist groups” sa Mindanao.39 Nag-usap sina Gen. Martin Dempsey (ang Chairman of the Joint Chiefs of Staff) at Philippine Defense Secretary Leon Panetta tungkol sa implementasyon sa bansa ng bagong national security strategy ng US sa Asya. Siniguro ni Panetta na tutulong ng malaki ang Pilipinas para sa programang ito ng US at kapalit nito ay ang pagbibigay ng US$30 milyon pondo sa militar, halos triple ng US$11.9 na binigay ng US noong 2011.40 Ang perang ito ang siya ring ilalaan para sa mga dadagsang daan-daang Marines na pupunta sa Pilipinas sa mga susunod na taon. Muli, kailangang maging mapagbantay ng kababaihan sa mga posibleng pang-aabusong maganap sa pagdagsa ng mga sundalong Amerikano. Napatunayan na ng kasaysayan na sa gitna ng giyera’t panghihimasok, ang kababaihan at bata ang siyang maraming bilang na biktima ng karahasan. Pananagutan ng estado Malaki ang pananagutan ng estado sa anumang karahasang nararanasan ng kababaihan at bata sa lipunan. Ito ang inaasahang magsiguro ng ligtas at katiwa-tiwalang kapiligiran lalo na sa kababaihan at bata. Ang kondisyon ng isang lipunan ay repleksyon ng kung anong uri ng estado ang namamahala. Ang isang marahas na lipunan ay mayroong marahas na pamahahala. Ang Oplan Bayanihan ay repleksyon kung gaano karahas ang estado. Isa itong counter-insurgency program para masupil ang pulitikal na kalaban ng pamahalaan na ngayon ay tanging NPA na lamang ang tinutumbok pagkatapos na nagkaroon ng “peace pact” sa Moro Islamic Liberation Front. Isa rin itong proteksyon para sa mga dayuhang interesado sa likas-yaman ng bansa at para mapatupad ang PPP sa kanayunan. Sa pag-iral ng Oplan Bayanihan, maraming kababaihan ang nakaranas ng karahasan. May 15 ang pinatay noong 2012. Maraming pamilya ang sapilitang lumikas dahil sa tindi ng operasyong militar. Batay sa rekord ng Karapatan, isang human rights organization, may 30,259 na biktima na ang puwersadong lumikas sa huling kwarto lamang ng taong 2012. Pinatay ang katutubong si Juvy Capion ng Mindanao at ang maralitang taga-lungsod na si Marilou Valle ng Tondo dahil sa pareho silang tumutol sa pag-iral ng PPP sa kanilang lugar. Sina Evelyn Legaspi, Pastora Latagan, Helen Gloria, Agnes Mesina, at Carla Bautista ay sinampahan ng gawa-gawang kaso para lamang mapigil sila sa pag-oorganisa ng mahihirap na mamamayan at komunidad. Hindi ligtas ang bata sa operasyong militar sa kanayunan. May 12 pinatay sa taong 2012. Naulat din ng Children’s Rehabilitation Center na ginagawa silang giya para sa operasyon. Ang iba naman ay inaakusahang batang NPA kaya ikinukulong. Simula nang umupo si Aquino sa poder noong 2010, may 16 bata na ang nakulong at inakusahang NPA. Natitigil din ang pag-aaral ng mga bata sa kanayunan dahil nagiging baraks ito ng mga military o di kaya nama’y pinaghihinalaan itong balwarte ng NPA, kagaya ng

Page 30: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 29

Illustration 1. Mapping Violence against Women and Children

nangyari sa eskwelahan ng katutubo, ang ALCADEV sa rehiyon ng Caraga sa Mindanao. Mahaba at humahaba ang listahan ng karahasan laban sa kababaihan at bata. Ang kultura ng militarismo at panunupil ay nakaukit sa lipunang marahas na kung saan ipinapakita ang lakas sa pamamagitan ng pananakit sa kababaihan at bata. Napapairal ang konserbatibong kaisipan na ang babae at bata ay ekstensyon at kasangkapan lamang ng awtoridad - sa pamilya man ito o sa lipunan. Iba pang porma ng karahasan Tumataas din ang bilang ng mga kaso sa iba pang porma ng karahasan laban sa kababaihan at bata. Mula Enero hanggang Disyembre 2012, may 20,359 na kaso ng karahasan laban sa kababaihan at bata. Kabilang dito ang panggagahasa, pambubogbog, sex trafficking, at sexual harassment. May naitalang 5,180 kaso ng rape noong 2012. Ibig sabihin may isang babae o bata na nagagahasa kada isang oras at 42 minuto. Mayroong 92% pagtaas sa kaso ng ng pambubugbog (domestic violence) kung saan may isang babae o bata na nabubugbog kada 34 minuto at 48 segundo. Sa buong bansa, nangyayari ang karahasang ito. (Tingnan ang Illustration 1) Sa halip na nagtatanggol sa kababaihan at bata, ilang kaso ng panggagahasa ang naiulat kung saan ang perpetrator ay mula sa hanay ng military, pulisya o CAFGU. Sa pagmomonitor ng CWR sa mga pahayagan, nakapagtala ito ng 12 iba’t-ibang kaso ng panggagahasa noong taong 2012 na ang mga “perpetrators” ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. (Talahanayan 10)

Talahanayan 10. Rape Cases Perpetrated by Military, 2012 Incident Place Date of the

Incident Age of Victim Alleged Perpetrator

Rape Mankayan, Benguet

February 2012

Two 16 year-old teen-agers

Capt. Danilo Lalin of the 86th IB (Lagawe, Ifugao)

Rape Calayan, Cagayan

November 15, 2012

PO2 Danilo Makiraya, PNP Regional Headquarters’ Support

Page 31: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 30

Group Rape/Sexual Assault

La Hacienda, Alicia Town

July 28, 2012

15 years old PFC Lionel Christian Sala, Philippine Army’s Engineering Support Batallion

Rape Toril, Davao City October 4, 2012

17 years old SPO1 Adonis Imbestro, PNP Toril Police Station, Davao City

Rape San Fernando, Pampanga

September 29, 2012

19 years old PO1 Omar Harold Cortez

Child rape Cotabato City Corporal Richard Advincula Rape (of daughter)

Cotabato City Daughter Soldier of the Phil. Army 6th ID

Rape San Fernando, La Union

July 2012 Female Detainee at Pugo Police Station, San Fernando, La Union

S/Insp. Jessie Quisada

Rape Masbate & Rizal March 2012 Military Personnel Gang Rape

Aroroy, Masbate

21 years old/textmate of Quinito – “eyeball”

Corporal Gilbert Quinito/Army soldiers of the 9th Infantry Batallion

Source: CWR News Monitoring Ang hamon ng pagkalag ng tanikala Sa mga nabaybay na sitwasyon ng lipunan at ng kababaihan, matingkad na ubos-lakas ang kailangan ng kababaihan para maigiit ang kanilang karapatan. Sa PPP na balangkas ng gobyernong Aquino sa kanyang pamamahala, tumitindi ang agwat ng uring nagsasamantala at uring pinagsasamantalahan. Habang naglilikha ng ilusyong maayos ang ekonomya, kailangang mag-obserba ang kababaihan sa tunay na kondisyon ng mamamayan. Habang may mga nagpapanggap na progresibo sa loob ng pamahalaang Aquino na nag-aastang para sa kapakanan ng kababaihan ang programa na tulad ng CCT, kailangang maging mapagsuri ang kababaihan para maihiwalay nila ang peke sa hindi. Habang nanghihimasok ang gobyernong US sa bansa, kinakailangan ng kababaihan ang mas matinding determinasyon para maipagtanggol ang soberenya. Lalo na ngayong panahon ng eleksyon at bida na naman ang mga isyung ipinaglalaban din ng kababaihan, maraming pangakong maririnig sa mga tradisyunal na pulitiko. Lahat ay mag-aangkin ng kabutihang nagawa para sa bayan, para sa kababaihan. Pwedeng hamunin ng kababaihan ang mga kandidato na iharap ang kanilang plataporma at isama ang mga isyung ipinaglalaban ng kababaihan. Mahaharap ng kababaihan ang hamon ng kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglakas ng kanilang samahan, patuloy na pag-aral sa lipunan, at walang kapagurang magmulat sa kapwa babae para maging kaagapay sa pagkalag ng tanikala ng kaapihan at pagsasamantala.

Page 32: Ulat Lila March 2013

ULAT LILA MARSO 2013 Hamon sa Kababaihan sa 2013: Patuloy na Pagkalag sa Tanikala

Center for Women’s Resources Page 31

1 www.mb.com.ph, “Philippine Public-Private Partnership Readiness”, 21 August 2012 2 Ramon Clarete, “Enhancing ASEAN’s Resiliency to Extreme on Rice Price Volatility”, Asian Development Bank, August 2012 3 Cai Ordinario, “Philippines’ goal not to import rice may harm world market: ADB”, Rappler, 30 August 2012 4 Clarete, Loc. Cit. 5 National Statistics Office, Gender Factsheet, March 2009 6 Asian Development Bank, Impact of Microfinance on Rural Households in the Philippines, September 2007 7 Ibid. 8 Refer to CWR’s research paper on women and CARP to CARPER 9 2012 Global Hunger Index, IFPRI, ConcernWorldwide, Welthrengarhilfe and Green Scenery, October 2012 10 Romulo Virola, “Refinements on the official poverty estimation methodology and the sources of differences of the official poverty statistics and the NHTS-PR estimates”, Meeting of the Cabinet Cluster on Human Development and Poverty Reduction, NSCB, 1 December 2011 11 Ibid. 12 as of March 2011 13 IBON Features, “Latest poverty measure: excluding the poor from the poverty count”, reposted in bulatlat.com, 07 August 2012 14 http://www.manilatimes.net/index.php/business/top-business-news/36124-underemployment-still-a-major-problem-neda 15 National Statistics Office, February 2013 16 Tingnan ang Ulat Lila factsheet 2012 and 2013 17 Prinz Magtulis, $21.391B for 2012: OFW inflows hit new high, The Philippine Star, 16 February 2013 18 Ibid. 19 “Finally, a doctor in every Philippine town,” http://ph.news.yahoo.com/finally-doctor-every-philippine-town-074005919.html, 10 Nobyembre 2012. 20 “Challenge: Maternal Mortality,” http://www.philstar.com:8080/business/2013/02/15/908884/challenge-maternal-mortality, 15 Pebrero 2013. 21 Ana P. Santos, “Family Planning makes good business sense”, Rappler.com, 17 November 2012 22 Ibid. 23 www.prism2.ph 24 See ULAT LILA March 2012 edition, wherein it cited NSSM 200 or the Kissinger Report 25 www.gmanetwork.com, “Binay: HUDCC-World Bank housing strategy to help informal settlers”, 9, October 2012; www.citiesalliance.org 26Charles Buban, “Informal settlers can be responsible allies”, Philippine Daily Inquirer, 21 July 2012 27 Maricar Cinco, “Houses for informal settlers cost P2.8M each”, Inquirer Southern Luzon, 29 October 2012 28 CWR and GWP Housing Consultation with the Urban Poor Communities, 17 July 2010 29 Buban, loc. cit. 30 Ibid. 31 Aurea Calica, “Gov’t ready to give informal settlers new homes”, The Philippine Star, 07 December 2012 32 Jose Rafael Cesar Atencio, “DepEd welcomes 21.49M students for 2012-2013 school opening”, Philippine Information Agency, 04 June 2012 33 Kim Arvin Patria, Got a college degree? No guarantee you'll land a job, says NSCB, Yahoo! Southeast Asia Newsroom, 14 January 2013 34 Ibid. 35 NSO Household Energy Survey 36 Businessworld. PHILIPPINE POWER COSTS RANKED 9TH MOST EXPENSIVE. AUGUST 16, 2012 37 Dr. Giovanni Tapang, Study session on Energy and Public Utilities, All-Leaders’ Meeting, Gabriela, 28 January 2013 38 Feedback, Center for Environmental Concerns, April – June 2011 39 http://thehill.com/blogs/defcon-hill/operations/231257-philippines-re-opens-military-bases-to-us-forces 40 Ibid.