Author
others
View
31
Download
0
Embed Size (px)
������������������������������������������������������������������������������
UMAWITNANG MASAYAKAY JEHOVA
LIRIKO LANG
UMAWITNANG MASAYAKAY JEHOVA
— 1 C R O N I C A 1 5 : 1 6
LIRIKO LANG
�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������
Pangalan
�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������
Kongregasyon
Watchtower Bible and Tract Society ofNew York, Inc., Wallkill, New York, U.S.A.
Made in Japan
sjjy
ls-T
G2
00
31
2
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito.Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya
na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.Para sa donasyon, magpunta sa donate.jw.org.Umawit Nang Masaya kay Jehova—Liriko Lang“Sing Out Joyfully” to Jehovah—Lyrics Only
Inilimbag Marso 2020Tagalog (sjjyls-TG)
˘ 2017Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Mga Tagapaglathala
Jehova 1-12Jesus/Pantubos 13-20Ang Kaharian 21-24Mga Pinahiran at Ibang mgaTupa 25-27Kaugnayan kay Jehova 28-40Panalangin 41-47Pag-aalay 48-52Ating Ministeryo 53-84Ating mga Pulong 85-93Ang Kasulatan 94-98Ating Kapatiran 99-103Makadiyos na mga Katangian 104-130Pamilya/Kaibigan 131-138Ating Pag-asa 139-147Kaligtasan/Pagkabuhay-Muli 148-151
Indise ng mga Paksa
1. Diyos na Jehova, Kata’s-taasan.Laan mo’y buhay at kaliwanagan.
Likha mo’y patunay ng ’yong lakas;Langit at lupa’y walang wakas.
2. Ang katarungan, nasa ’yong trono.Aming nalaman, mat’wid na utos mo.
’Yong Salita ’pag aming binasa,Karunungan mo’y makikita.
3. Ang pag-ibig mo’y lalong dakila!Mga kaloob mo’y kamangha-mangha.
Ihahayag nang may kagalakanKatangian mo at pangalan.
1 Ang mga Katangian ni Jehova(Apocalipsis 4:11)
(Tingnan din ang Awit 36:9; 145:6-13; Ecles. 3:14; Sant. 1:17.)
1. Buháy at tunay ka—Ang Maylikha sa amin
At ang tanging Diyos namin—Jehova, ngalan mo.
Isang karangalanTawagin na ’yong bayan.
Ihahayag saanman,Kal’walhatian mo.
(KORO)Jehova, Jehova,Walang Diyos gaya mo.
Ikaw lang ang Diyos sa langitAt sa buong mundo.
Diyos kang Kataas-taasan,Dapat malaman ’to.
Jehova, Jehova,Walang Diyos liban sa iyo.
2 Jehova ang Iyong Ngalan(Awit 83:18)
2. Pinangyayari moAng anumang naisin
Nang matupad din naminAng kalooban mo.
Kami ay ’yong Saksi,’Pinangalan mo sa ’min.
At karangalan naminDalhin ang ngalan mo.
(Koro)
(Tingnan din ang 2 Cro. 6:14; Awit 72:19; Isa. 42:8.)
1. O Jehova, sa ’mi’y ’binigaypag-asang kay ganda.
Sa mundo’y nais sabihin,dapat ibalita.
Ngunit sa buhay naming ito,may pangamba’t takot din.
At itong pag-asa naminay parang nagdilim.
(KORO)Ikaw ang aming pag-asa at lakas.Ang kulang nami’y pinunan.
Sa pangangaral ay may lakas-loobdahil ikaw ang sandigan.
3 Ikaw ang Aming Pag-asa at Lakas(Kawikaan 14:26)
2. O Ama, kami’y ’yong tulunganna ’di malimutan,
Sa harap ng suliranin,ika’y laging nandiyan.
Napatitibay kami nito,ang lakas natatamo,
Nabubuhay ang pag-asasa ’ming mga puso.
(Koro)
(Tingnan din ang Awit 72:13, 14; Kaw. 3:5, 6, 26; Jer. 17:7.)
1. Aking Pastol si Jehova;Pag-akay niya’y susundan.
Alam niya ang nasa puso koAt tunay na kailangan.
Sa matubig na pastulan,Ako’y inaakay niya.
Kailanma’y hindi niya ’ko iiwan,Laa’y kapayapaan.
Kailanma’y ’di niya ’ko iiwan,Laa’y kapayapaan.
2. Daan mo’y anong ginhawa,Landas ng kat’wiran mo.
Tulungang huwag lumihis dito,Ito ang hiling sa ’yo.
Kahit pa sa kadiliman,Walang katatakutan.
Ikaw ang aking tanging sandigan,Aking Diyos at Kaibigan.
Ikaw ang tangi kong sandigan,Aking Diyos at Kaibigan.
4 “Si Jehova ang Aking Pastol”(Awit 23)
3. Pastol ko’y ikaw, Jehova.Pag-akay mo’y susundan.
Lakas ko at kapahingahanay ’yong inilalaan.
Pag-asa na ’binigay mo,Ito’y tiyak na kakamtin.
Ang tapat na pag-ibig mo sana’ymanatili sa akin.
Tapat na pag-ibig mo sana’ymanatili sa akin.
(Tingnan din ang Awit 28:9; 80:1.)
1. O Diyos, lubos mo ’kong kilala.Lahat sa ’kin ay nalalaman mo.
Sinuri mo ang puso ko’t isipan.Alam mo rin ang salita
at kilos ko.Noong ako’y gawin sa lihim,
Mga buto ko’y ’di kubli sa ’yo.Aking anyo, lahat ay nakasulat.
Pinupuri ko ang kapangyarihan mo.Mga gawa mo ay kahanga-hanga;
Ito’y lubos ko ngang nalalaman.Itago man ako ng kadiliman,
Tiyak na ako ay masusumpungan.O sa’n ako makatatakas,
At sa’n ako makapagtatago?’Di sa langit, kahit pa sa Libingan,
Kahit sa dagat, sa dilim,sa’nmang dako.
5 Mga Kamangha-manghangGawa ng Diyos
(Awit 139)
(Tingnan din ang Awit 66:3; 94:19; Jer. 17:10.)
1. Ang langit ay sa Diyos lumul’walhati.Ating nakikita ang mga likha niya;
Araw-araw ay pinupuri siya.Mga bituin nagtatanghal ng karunungan niya.
2. Batas ni Jah, laan nito ay buhay.Paalaala niya sa atin ay gabay.
Tuntunin niya’y totoo at mat’wid,Ang salita niya’y kay tamis, tapat, at dalisay.
3. Walang hanggan ang takot kay Jehova.Higit pa sa ginto ang mga utos niya.
Ang pangalan niya at karangalan,Lagi nating itatanghal,
Magpakailan pa man.
6 Ang Langit ay Lumuluwalhati sa Diyos(Awit 19)
(Tingnan din ang Awit 111:9; 145:5; Apoc. 4:11.)
1. O Diyos na Jehova, aming lakas;Ang tangi naming Tagapagligtas.
Nangangaral kami bilang Saksi,Tao ma’y tumanggap o tumanggi.
(KORO)Diyos na Jehova, aming kanlungan,Ihahayag ang ’yong pangalan.
Dakila ka sa kapangyarihan,Laan mo ay lakas at sanggalang.
2. Liwanag ay iyong pinasikat.Katotohanan sa ’mi’y suminag.
Ang Salita mo ay natutuhan;Maninindigan sa ’yong Kaharian.
(Koro)
3. Kagalakang gawin ang nais mo,Sumalansang man sa ’min ang Diyablo.
Buhay ma’y mapaslang, tulungan mo,Manghawakan sa Soberanya mo.
(Koro)
7 Jehova, Aming Lakas(Isaias 12:2)
(Tingnan din ang 2 Sam. 22:3; Awit 18:2; Isa. 43:12.)
1. Jehova, ang kanlungan,Tiwala’y sa kaniya.
Dapat na manirahanLagi sa lilim niya.
Tayo’y ipagsasanggalang;Hindi niya pababayaan.
Si Jehova’y sandigan.Siya’y tapat, makatarungan.
2. Libo man sa ’yong kananAng magsisibagsak.
Mat’wid at maaamo,’Di mapapahamak.
’Di tayo dapat masindak,’Pag ang hatol ay ’nilapat.
Tayo ay iingatanAt ligtas sa kaniyang pakpak.
3. Kahit saanmang dako,Palaging tandaan,
Iingatan niya tayo,Laging babantayan.
Sa araw o kadiliman,Walang dapat katakutan.
Jehova, ang kanlungan,Nariyan siya magpakailanman.
8 Si Jehova ang Ating Kanlungan(Awit 91)
(Tingnan din ang Awit 97:10; 121:3, 5; Isa. 52:12.)
1. Luwalhatiin si Jehova,Langit ay naghayag ng kat’wiran niya.
Umawit sa ’ting Diyos, siya’y ating purihin;Dakilang gawa niya’y sambitin.
(KORO)Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,Si Jehova ay naging Hari!
Langit ay magsaya, Lupa ay magalak,Si Jehova ay naging Hari!
2. Kal’walhatian ni Jehova,Ihayag natin ’to sa mga bansa.
Siya ang Hari natin, dapat siyang purihin.Yumukod at siya ay sambahin.
(Koro)
3. Kaharian Niya’y natatag na.Sa trono ang Anak ay ’niluklok niya.
Mga diyos ng mundo ay mapapahiya,Papuri’y tanging kay Jehova.
(Koro)
9 Si Jehova ang Ating Hari!(Awit 97:1)
(Tingnan din ang 1 Cro. 16:9; Awit 68:20; 97:6, 7.)
1. Ating Diyos ay papurihan!Ipakilala ngalan niya!
Araw niya ay malapit na,Ihayag natin ang babala.
Panganay ng Diyos ngayo’y Hari na,Itinakda ni Jehova.
Ang pagpapalang ilalaan NiyaSa lahat ay ibalita!
(KORO)Ating Diyos ay papurihan!Kadakilaan niya’y ihayag!
2. Ating Diyos ay papurihan!Tayo’y umawit sa kaniya!
Magsaya, magpasalamat,Ihayag kal’walhatian niya.
Kahit na dakila siyang Maylikha,Mapagpakumbaba pa rin.
Kailangan nati’y nalalaman niya,Panalangin ay diringgin.
(Koro)
10 Purihin si Jehova na Ating Diyos!(Awit 145:12)
(Tingnan din ang Awit 89:27; 105:1; Jer. 33:11.)
1. O Jehova, ang ’yong mga gawa,Araw-araw nilul’walhati ka.
Mga likha, wala mang salita,Papuri’y inihahayag nila.
Mga likha, wala mang salita,Papuri’y inihahayag nila.
2. Pagkatakot sa ’yo ang simulaKarunungan sa salita’t gawa.
Mahalaga sa ’min ang utos mo—Kayamanang higit pa sa ginto.
Mahalaga sa ’min ang utos mo—Kayamanang higit pa sa ginto.
3. Buhay nami’y naging mahalagaMula nang aming makilala ka.
Pinakadakilang pribilehiyo,Pabanalin namin ang ngalan mo.
Pinakadakilang pribilehiyo,Pabanalin namin ang ngalan mo.
11 Mga Nilikha—Pumupuri sa Diyos(Awit 19)
(Tingnan din ang Awit 12:6; 89:7; 144:3; Roma 1:20.)
1. Diyos na Jehova, makatarungan,Makapangyarihan ka,
At tunay kang dakila.Diyos ng pag-ibig at karunungan.Dapat na purihin ka.
2. Nadarama ang ’yong malasakit;Kahit alabok kami,
Mahal mo pa rin kami.Sa ’yong daan ay tinuturuan,Tulong mo’y nandiyan lagi.
3. Langit at lupa ay umaawitSa ’yong kal’walhatian,
Taglay ang kagalakan.Diyos na Jehova, karapat-dapatPurihing walang hanggan.
12 Dakilang Diyos, Jehova(Exodo 34:6, 7)
(Tingnan din ang Deut. 32:4; Kaw. 16:12; Mat. 6:10; Apoc. 4:11.)
1. Ang pag-ibig ng Diyos,Dakila at lubos,
Nang ang Panganay niya’y inihandog niya.’Sinilang sa mundo—
Kristo’y naging tao—Pinarangalan ang kaniyang Ama.
2. Ang Salita ni Jah,Naging pagkain niya.
Sa kaniya’y nagdulot ng karunungan.Ang kaniyang huwaran,
Sa ati’y iniwan.Maglingkod sa Diyos ay kagalakan.
3. Katulad ni Jesus,Papurihan ang Diyos,
Ang mga yapak niya ay sundan natin.Ang kaniyang huwaran
Ay ating tularan,Nang lingap ng Diyos mapasaatin.
13 Si Kristo ang Ating Huwaran(1 Pedro 2:21)
(Tingnan din ang Juan 8:29; Efe. 5:2; Fil. 2:5-7.)
1. Sa pangunguna ni Jesus at mga pinahiran,Natitipon na sa ngayon ang lubhang karamihan.
Ang Kaharia’y ’sinilang na;Mamamahala sa lupa.
Walang-kapantay na pag-asa,Dulot sa ’tin ay ginhawa.
(KORO)Purihin si Jehova at ang Anak niyangHari ngayon at Panginoon.
Nagkakaisa, tayo’y sumunodAt maglingkod sa kaniya.
2. Purihin ang Hari natin taglay ang kasiyahan.Dala niya’y kapayapaan; dulot ay kaligtasan.
Tanaw natin ang pag-asa,Wala nang mga pangamba;
Ang mga patay mabubuhay.Panahon ng kagalakan!
(Koro)
14 Purihin ang Bagong Hari ng Lupa(Awit 2:12)
(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:1; Isa. 9:6; Juan 6:40.)
1. Purihin si Kristo,Panganay ni Jehova.
Ang soberanya ng Diyos,’Pagbabangong-puri niya.
Para sa katarunganSiya’y namamahala.
Paghahari sa lupa,Dala’y pagpapala.
(KORO)Sa Panganay ng DiyosIukol ang papuri!
Sa Bundok Sion ’niluklok,Nagsimulang maghari!
2. Purihin si Kristo,Para sa ’tin namatay.
Kasalana’y pinawiUpang tayo’y mabuhay.
Magaganap sa langitKasal ng Kordero.
Sa soberanya ng Diyos,Ito’y patotoo.
(Koro)
15 Purihin ang Panganay ni Jehova!(Hebreo 1:6)
(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:3, 4; Apoc. 19:8.)
1. Pinahiran ni Jehova,Ngayo’y naghahari na.
Ang trono niya’y makatarungan;Pagpapalain ang lupa.
(KORO)Purihin ninyo si Jehova,
ninyong matapat na tupa,Kay Kristo’y tapat na sumusunod
at tinutularan siya.Purihin ninyo si Jehova,
Pinahiran niya’y Hari na.Pinahiran upang parangalan
banal na pangalan niya.
2. Mga kapatid ni Kristo,Tinawag at pinili,
Sa Kaharian ay kasama,Sa lupa ay maghahari.
(Koro)
16 Purihin si JehovaDahil sa Kaniyang Pinahiran
(Apocalipsis 21:2)
(Tingnan din ang Kaw. 29:4; Isa. 66:7, 8; Juan 10:4; Apoc. 5:9, 10.)
1. Mabait at matiisin,Si Kristo ay maibigin.
Sa gawa’t salita ’pinakita niyaAng awa niya at kalinga.
Maysakit ay pinagaling;Panahon niya’y ’binigay rin.
Siya’y tapat at mapagsakripisyo.Lagi siyang handang tumulong.
2. Sikapin nating tularanHalimbawa niyang kay inam.
Maging maibigin at mabait din.Ang kap’wa ay alalayan.
Kaibigang nangangailangan,Agad nating tutugunan.
’Pag lumapit ang ulila’t balo,Maging handa ring tumulong.
17 Handang Tumulong(Lucas 5:13)
(Tingnan din ang Juan 18:37; Efe. 3:19; Fil. 2:7.)
1. Ngayon kami’y nasaharap mo, Jehova,
Dahil ang pag-ibig mosa ’mi’y ’pinakita.
Anak mo’y ’binigaynang kami’y mabuhay.
’Sinakripisyo mo aywala ngang kapantay.
(KORO)Buhay niya ay inihandogupang kami ay matubos.
Walang hanggan,magpapasalamat kami sa ’yo.
2. Ibinayad ni Kristoang kaniyang buhay.
Dahil sa pag-ibig,kusa niyang ibinigay.
Nagdusa siyapara sa ’ming kaligtasan.
Buhay makakamtan,wala nang kamatayan.
(Koro)
18 Salamat sa Pantubos(Lucas 22:20)
(Tingnan din ang Heb. 9:13, 14; 1 Ped. 1:18, 19.)
1. Jehova, Amang nasa langit,Ito ay sagradong gabi.
Noo’y ’pinakita ang ’yong katarungan,Lakas, dunong, at pag-ibig.
Kordero ng Paskuwa’y nagligtas,At bayan mo ay lumaya.
Nang maglaon, dugo ni Kristo’y ’binuhosBilang katuparan ng hula.
2. ’Pinaaalala sa aminng tinapay at ng alak
Halagang katumbasna binayaran mo,
Inihandog ang ’yong Anak.Ito ay gabi ng Memoryal;Dapat na alalahanin.
’Yong Anak ay nagdusaat siya’y namatay,
Nagsilbing pantubos sa amin.
19 Ang Hapunan ng Panginoon(Mateo 26:26-30)
3. Ngayon, kami ay natitipon,Tugon sa paanyaya mo.
Upang purihin ka sa iyong pag-ibigAt ngalan mo’y parangalan.
Memoryal ay magpapatibaySa aming puso’t isipan.
At lalakad kami sa daan ni Jesus,Nang mabuhay magpakailanman.
(Tingnan din ang Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-26.)
1. Diyos naming Jehova,Kami’y ’yong tinubos.
Dala ay pag-asaPara sa amin.
Itong aming buhay,Sa ’yo ibibigay.
Kalooban mo aypalaging susundin.
(KORO)Anak mo’y ’binigay,Kami’y umaawit
At nagpapasalamatdahil Anak mo’y ’binigay.
20 Ibinigay Mo ang IyongMahal na Anak
(1 Juan 4:9)
2. Dahil sa ’yong awa,Kami’y tinanggap mo.
Jehova, ikaw ay mahal na tunay.’Di mapapantayanAng ’yong inilaan.
Siya’y namatay upangKami ay mabuhay.
(Koro)
(PANGWAKAS)Diyos naming Jehova, mula sa ’ming puso,Maraming salamat, ang Anak mo’y ’binigay.
(Tingnan din ang Juan 3:16; 15:13.)
1. Natatangi kay JehovaAng kaniyang Kaharian.
Ang Anak niya’y maghahari,Masama’y wawakasan.
(KORO)Unahin ang KaharianAt ang kaniyang kat’wiran.
Awitan siya ng papuri;Atin siyang paglingkuran.
2. Bakit pa mababalisaKung ano’ng kakainin?
Ang Diyos ay maglalaan nga,Kung Kaharia’y unahin.
(Koro)
3. Ihayag ang Kaharian;Sa lahat ibalita.
Ang pag-asa’y kay JehovaAt sa kaniyang Teokrasya.
(Koro)
21 Patuloy na Unahin ang Kaharian(Mateo 6:33)
(Tingnan din ang Awit 27:14; Mat. 6:34; 10:11, 13; 1 Ped. 1:21.)
1. Ikaw ay magpakailanman,Diyos naming Jehova.
Naghahari ang ’yong Anak;Iniluklok mo siya.
Kaharia’y ’sinilang na;Mamamahala sa lupa.
(KORO)Kaharian ng DiyosAy naitatag na ngayon.
Ang aming dalangin:“Nawa’y dumating na ito!”
2. Araw ng Diyablo’y may wakas;Ito’y malapit na.
May pagdurusa man ngayon,Tayo’y may pag-asa.
Kaharia’y ’sinilang na;Mamamahala sa lupa.
(Koro)
22 Dumating Nawa ang Kaharian!(Apocalipsis 11:15; 12:10)
3. Mga anghel ay nagsaya.Ngayo’y may ginhawa.
Ang langit ay nagbubunyi,Diyablo’y hinagis na.
Kaharia’y ’sinilang na;Mamamahala sa lupa.
(Koro)
(Tingnan din ang Dan. 2:34, 35; 2 Cor. 4:18.)
1. Sa Kaharian ng Diyos,Naghahari si Jesus.
Purihin siya, ang batong-panulok.Tayo ay magkaisa,
Umawit at magsaya.Ang ating Tagapagligtas ay ’niluklok.
(KORO)Ano’ng magiging kalagayan’Pag dumating ang Kaharian?
Kat’wiran at kaligayahan,At buhay na walang hanggan.
Purihin ang SoberanoSa kaniyang katapatan.
2. Dakilang araw ni Jah;Ito ay malapit na.
Lumang sistema ay lilipas na.Dapat mangaral ngayon;
Habang mayro’ng panahon,At magpasiya upang pumanig sa Kaniya.
(Koro)
23 Nagsimula NangMamahala si Jehova
(Apocalipsis 11:15)
3. Hari nati’y maringal;Atin siyang minamahal.
Sa ngalan ng Diyos dumarating siya.Sa templo ay maglingkod;
Dalangin ay ihandog.Pamamahalaan niya ang buong lupa.
(Koro)
(Tingnan din ang 2 Sam. 7:22; Dan. 2:44; Apoc. 7:15.)
1. Halina’t pagmasdanAng bundok ni Jehova;
Ngayo’y nakatatag atLalo pang ’tinaas.
Ang lahat ng bansaDito ay dumadagsa.
Lahat tinatawagan,‘Sa Diyos maglingkuran.’Panahon na ngayon,Bansang maliit ay lálakı́.
Tayo’y sumusulongPatnubay ng Diyos ang siyang sanhi.
Milyon-milyon ngayonAng pumanig na kay Jah.
Bilang Soberano,Siya’y kinilala nila.
24 Halikayo sa Bundok ni Jehova!(Isaias 2:2-4)
2. Nag-utos si Jesus,Na ating ipahayag
Ang mabuting balitaTungkol sa Kaharian.
Si Kristo’y Hari na,Sa kaniya ay pumanig.
Mga maaamo,Sa Diyos kayo’y makinig.Tayo’y natutuwa,Bayan ng Diyos ngayo’y lumago.
Tayo’y may bahagi,Sabihin sa lahat ng tao,
‘Halina’t pumuntaSa bundok ni Jehova.’
Tinig ay ilakas,At ating ibalita.
(Tingnan din ang Awit 43:3; 99:9; Isa. 60:22; Gawa 16:5.)
1. Mga anak ng Diyos naKaniyang bagong nilikha,
Binili’t pinahiran,Sinang-ayunan niya.
(KORO)Sila ay ’yong bayan.Ngalan mo’y taglay nila.
Mahal ka nila, atInihahayag kang dakila.
2. Isang banal na bansa;Pinalaya’t tinawag
Mula sa kadilimanTungo sa liwanag.
(Koro)
3. Tinutupad ang atas,Tinipon ibang tupa.
Matapat sa Kordero;Masunurin sila.
(Koro)
25 Isang Espesyal na Pag-aari(1 Pedro 2:9)
(Tingnan din ang Isa. 43:20b, 21; Mal. 3:17; Col. 1:13.)
1. Si Jesus ay mayro’ng ibang mga tupana kasama ng mga kapatid niya.
Lahat ng tulong sa mga pinahiran,Ito ay kaniyang gagantimpalaan.
(KORO)“Inaliw n’yo sila at tinulungan.Ito’y ginawa n’yo para sa akin.
Pagpapagal n’yo para sa kanila,Pagpapagal n’yo na rin sa akin.
Parang ginawa n’yo na rin sa akin.”
2. “Nang ako’y magutom, pinakain ninyo.Nangailangan ako at nandiyan kayo.”
“Kailan ’yon ginawa?”kanilang ’tinanong.
At bilang sagot, ang Hari’y tutugon:(Koro)
3. “Kayo’y nangangaral nang may katapatan;mga kapatid ko’y sinuportahan.”
Hari’y magsasabi sa tupa sa kanan:“Manahin ang lupa magpakailanman.”(Koro)
26 Ito’y Ginawa Ninyo Para sa Akin(Mateo 25:34-40)
(Tingnan din ang Kaw. 19:17; Mat. 10:40-42; 2 Tim. 1:16, 17.)
1. Malapit nang isiwalatLahat ng pinili;
Makakasama ni Kristo,Sila’y maghahari.
(KORO)Isisiwalat sa wakasMga anak ng Diyos.
Sa gantimpala’t tagumpay,Kasama ni Jesus.
2. Ang nalabi pa sa lupaay tatawagin na.
Ang Hari ng mga hari,Titipunin sila.
(Koro)
(BRIDGE)Makikipagdigma silaKasama ni Kristo.
Magaganap sa langit angKasal ng Kordero.
(Koro)
27 Ang Pagsisiwalatsa mga Anak ng Diyos
(Roma 8:19)
(Tingnan din ang Dan. 2:34, 35; 1 Cor. 15:51, 52; 1 Tes. 4:15-17.)
1. Sino’ng kaibigan mo,O Diyos na Jehova?
Siyang pinagtitiwalaan mo;Siya na kilala ka.
Siya na yumayakapsa iyong Salita.
At ito ang lagi niyang gabaysa buong buhay niya.
2. Sino’ng kaibigan mo,O Diyos na Jehova?
Siyang nagpapasaya sa iyo,Siya na ’yong kilala.
Siyang nagpapabanalsa iyong pangalan.
Sa salita’t gawa ay tapatat maaasahan.
3. Malalapitan ka’pag mayro’ng problema.
Nadarama ang pagmamahalat ang ’yong kalinga.
Sana’y manatiliang pagkakaibigan.
Wala nang hihigit pa sa ’yo,Mahal kong Kaibigan.
28 Maging Kaibigan ni Jehova(Awit 15)
(Tingnan din ang Awit 139:1; 1 Ped. 5:6, 7.)
1. Diyos na Jehova, makapangyarihan,Maibigin, at makatarungan.
Taglay mo ang saganang karunungan.Ang Soberano sa kalangitan.
Bilang ’yong bayan, aming kagalakanNa maglingkod para sa Kaharian.
(KORO)Nawa’y mamuhay ayon sa ’ming ngalan.Maging Saksi mo ay karangalan.
2. Magkakasama sa paglilingkuran;Nabubuklod sa pagkakaisa.
Ang pagtuturo ng katotohanan,Nagbibigay sa amin ng saya.
Iniingatan ang aming paggawiDahil kilala sa ’yong pangalan.
(Koro)
29 Pamumuhay Ayonsa Aming Pangalan
(Isaias 43:10-12)
(Tingnan din ang Deut. 32:4; Awit 43:3; Dan. 2:20, 21.)
1. Ang buhay sa mundong ’toay may luha at pagdurusa.
Ngunit ang aking buhayay mayro’ng halaga.
(KORO)Dahil tapat ang Diyos at
’di lilimutin pag-ibig ko.Hindi siya nang-iiwan;
Si Jehova’y kasama ko.Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
2. Kalagaya’y mahirap;Kabataan ay lumipas na.
Ngunit natitiyak ko,Ako’y may pag-asa.
(Koro)
30 Aking Kaibigan, Diyos, at Ama(Hebreo 6:10)
(Tingnan din ang Awit 71:17, 18.)
1. Halina’t tayo’y lumakadKasama ng ating Diyos.
Ika’y umasa lagi sa kaniya.Siya ang iyong lapitan.
Salita niya ay gawing gabayUpang ’di maligaw.
Kamay mo’y hahawakan niya,Sundan siya bawat araw.
2. Maging banal sa paglakadKasama ni Jehova.
Laging isipin ang mga bagayna totoo’t dalisay.
Palaging isaalang-alangKaniyang kaisipan.
Kahit sa anumang tukso,Makapaninindigan.
3. Anong ligayang lumakadBilang kaibigan ng Diyos.
Pasalamatan ang ’nilalaangregalo’t pagpapala.
Puso mo ay may kagalakan;Umawit sa kaniya.
At malalaman ng lahat,Ikaw ay kay Jehova.
31 Lumakad na Kasama ng Ating Diyos(Mikas 6:8)
(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; Fil. 4:8; 1 Tim. 6:6-8.)
1. No’ng una tayo’y naguguluhanSa turong may kasinungalingan.
Nang matuto tungkol sa Kaharian,Puso’y naliwanagan.
(KORO)Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.
Ating ibalitang ang Kaharianay magdudulot ng kapayapaan.
2. Naglilingkuran nang balikatanSa pangangaral ng Kaharian.
Panahon na para pagpasiyahan,Sa Diyos ay manindigan.
(Koro)
3. Ang Diyablo’y ’di dapat katakutan,Dahil si Jehova ang kanlungan.
Marami man ang ating kalaban,Diyos ang siyang kalakasan.
(Koro)
32 Pumanig kay Jehova!(Exodo 32:26)
(Tingnan din ang Awit 94:14; Kaw. 3:5, 6; Heb. 13:5.)
1. Pakisuyo, O Jehova,Lingkod mo sana’y dinggin.
Kalooba’y nagdurusa;Tulungang huwag mangamba.
(KORO)Ang pasanin mo’y ihagis
kay Jehova at magtiwala.Aalalayan ka lagi
at iingatan ka niya.
2. Kung pakpak taglay ko lamang,Sa malayo’y lilipad,
Nang panganib maiwasan,Upang ’di mapahamak.
(Koro)
3. Kapayapaan ng isipay laan ni Jehova.
Nar’yan siya para tumulongsa harap ng problema.
(Koro)
33 Ihagis Mo kay Jehovaang Iyong Pasanin
(Awit 55)
(Tingnan din ang Awit 22:5; 31:1-24.)
1. O Jehova, ako ay hatulan.Aking katapatan nawa ay pagmasdan.
Suriin mo, ako ay subukin.Puso’t isipan ko ay ’yong dalisayin.
(KORO)Para sa ’kin, aking kapasiyahan,Lumakad nang tapat magpakailan pa man.
2. Ang masama ay ’di ko kaibigan.Iniiwasan ang mga mapanlinlang.
Sa mapagkunwari’y hihiwalay.Sa makasalanan, huwag sanang idamay.
(Koro)
3. Iniibig ko ang ’yong tahanan.Sumasamba sa ’yo nang may kalinisan.
Sa ’yong altar ay lilibot ako,Para iparinig pasasalamat ko.
(Koro)
34 Lumalakad Nang Tapat(Awit 26)
(Tingnan din ang Awit 25:2.)
1. Karunungan ay ating kailangan,dahil dapat alamin
Ang talagang mas mahalagaat kailangan nating gawin.
(KORO)Ang mabuti ay ibigin.Pasayahin
Puso ng Diyos, at ibibigay niyaPagpapala
’Pag inuna ang mahalaga.
2. Pangangaral tungkol sa Kaharianay dapat na unahin.
Mga nauuhaw sa katotohana’yating hanapin.
(Koro)
3. Kaya’t kung ang ating uunahinay ang mas mahalaga,
Tayo’y magiging kontento atpuso’y magiging payapa.
(Koro)
35 Unahin ang mga Bagayna Mas Mahalaga
(Filipos 1:10)
(Tingnan din ang Awit 97:10; Juan 21:15-17; Fil. 4:7.)
1. Ang puso nati’y bantayanAt huwag magkasala.
Ang pagkatao sa loob,Alam ni Jehova.
Puso nati’y mapandaya,Lumilihis minsan.
Isip ang dapat manaig,Puso ay gabayan.
2. Puso’y laging ihahandaSa pananalangin.
Sabihin ang ’yong problema,Magpasalamat din.
Mga turo ni Jehova,Dapat nating sundin.
Ang pusong matapat sa Diyos,Kailangang taglayin.
3. Sa masamang kaisipan,Puso ay ingatan.
Ang Salita ng Diyos atingLaging pag-isipan.
Mga tapat na lingkod niya,Mahal ni Jehova.
Buong-puso siyang sambahinBilang kaibigan niya.
36 Bantayan ang Ating Puso(Kawikaan 4:23)
(Tingnan din ang Awit 34:1; Fil. 4:8; 1 Ped. 3:4.)
1. O Jehova, Soberano,Ikaw lang ang iniibig ko.
Debosyon ko’y iaalaySa bawat araw ng buhay ko.
Mga utos mo’y susundin koAnumang maging sitwasyon.
(KORO)O Jehova, sa ’yo lang angBuo kong kalul’wang debosyon.
2. Mga nilikha mo’y lagingLumuluwalhati sa iyo.
Ang lakas ko’y gagamitin,Ihahayag ko ang ngalan mo.
Buong buhay ko’y iaalay,At ito’y walang kondisyon.
(Koro)
37 Buong-KaluluwangMaglingkod kay Jehova
(Mateo 22:37)
(Tingnan din ang Deut. 6:15; Awit 40:8; 113:1-3; Ecles. 5:4; Juan 4:34.)
1. May dahilan ang Diyos noong tinawag ka,Inakay ka sa katotohanan.
Pananabik sa ’yong puso’y nakita niya,Gawin ang tama at hanapin siya.
Nangako kang nais niya’y susundin;Tulong niya’y asahang patuloy rin.
(KORO)Dugo ni Jesu-Kristo ang tumubos sa ’yo.Pag-aari ka na ng Diyos na Jehova.
Gagabayan ka lagi at iingatan pa.Tutulungan ka niya, patitibayin ka.
2. Alang-alang sa ’yo Anak niya’y ’binigay;Nais ng Diyos na magtagumpay ka.
’Di niya ’pinagkait sarili niyang Anak,Kaya tiyak na tutulungan ka niya.
Pag-ibig mo’y ’di niya lilimutin,Sa Diyos ika’y mahalaga pa rin.
(Koro)
38 Tutulungan Ka Niya(1 Pedro 5:10)
(Tingnan din ang Roma 8:32; 14:8, 9; Heb. 6:10; 1 Ped. 2:9.)
1. Sa buong buhay, sikaping gumawaMabuting ngalan sa Diyos na Jehova.
Kung tama’y gagawin sa kaniyang paningin,Malulugod ang Diyos sa atin.
2. Ang mundong ’to ay humihimok sa ’tin,Katanyagan ay sikaping abutin.
Pagsang-ayon ng Diyos ay ’di makakamtan,Kung mundo ay ating kaibigan.
3. Sa aklat ng Diyos, nawa’y isulat niyaAting pangalan at mga ginawa.
Mabuting pangalan sa Diyos ay ingatan,Panatilihin walang hanggan.
39 Gumawa ng MabutingPangalan sa Diyos
(Eclesiastes 7:1)
(Tingnan din ang Gen. 11:4; Kaw. 22:1; Mal. 3:16; Apoc. 20:15.)
1. Ikaw ba’y kanino?At sino ba ang diyos mo?
Kung kanino ka yumuyukod,Sa kaniya ka naglilingkod.
Kung dalawa ang diyos,Hati ang debosyon mo!
Sa pipiliin masasalaminKung handa ang ’yong puso.
2. Ikaw ba’y kanino?Sino nga ba ang diyos mo?
Isa ay huwad, isa’y tunay,Pumili ka’t huwag maghintay!
Kay Cesar pa rin baAlay ang katapatan?
O ibibigay sa Diyos na tunay,Gawin ang kalooban?
3. Ako ba’y kanino?Si Jehova ang Diyos ko.
Siya ang aking laging susundin;Panata ko’y tutuparin.
Ako ay tinubos;Debosyon ko’y sa kaniya.
Buo kong buhay ay iaalayAt pararangalan siya.
40 Tayo Ba’y Kanino?(Roma 14:8)
(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 116:14, 18; 2 Tim. 2:19.)
1. Pakisuyo, Amang Jehova,Ang awiti’y dinggin mo sana.
Pangalan mo ay pupurihin.
(KORO)Pakinggan sana ang dalangin.
2. Salamat po sa araw na ’to,Sa buhay ko, at sa gabay mo.
Dama ko ang lingap mo sa ’kin.(Koro)
3. Ang nais ko’y gawin ang tama.Tulungan mo, O aking Ama,
Kayanin ang mga pasanin.(Koro)
41 Pakinggan Sana ang Aking Dalangin(Awit 54)
(Tingnan din ang Ex. 22:27; Awit 106:4; Sant. 5:11.)
1. O Jehova, banal ang ’yong ngalan,Dakila at dapat na papurihan.
Matutupad ang ’yong layunin.O Diyos, aming idinadalangin:
Kaharian mo’y dumating,Pagpapala’y kakamtin.
2. Salamat po sa ’yong pagpapala;Araw-araw, regalo mo’y sagana.
Buhay namin ay galing sa ’yo.Karunungan ay ’nilalaan mo.
Salamat po sa lahat,Papuri’y nararapat.
3. Sa mundong ’to, mayro’ng kahirapan.Laan mo ay pag-asa’t kaaliwan.
Ama, kami’y ’yong patibayin.Ihahagis sa ’yo ang pasanin.
Kami po’y tulungan moNa sundin ang nais mo.
42 Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos(Efeso 6:18)
(Tingnan din ang Awit 36:9; 50:14; Juan 16:33; Sant. 1:5.)
1. Diyos na Jehova, maraming salamat,At nais ka naming papurihan.
Kami’y mahal mo at ’yong nililingap.Lubos ka naming paglilingkuran.
Araw-araw kami ay nagkukulang;Humihiling ng kapatawaran.
Salamat dahil kami’y tinubos moAt alam mong kami’y alabok lang.
2. Salamat sa kabaitan mo sa ’min;Inilapit mo kami sa iyo.
Turuan mong higit kang makilalaPara maging matapat sa iyo.
Espiritu mo’y tumutulong sa ’min.Dahil dito, may lakas ng loob.
Salamat po at ’yong sinang-ayunan,Aming kagalakan na maglingkod.
43 Isang Panalangin ng Pasasalamat(Awit 95:2)
(Tingnan din ang Awit 65:2, 4, 11; Fil. 4:6.)
1. Jehova, pakisuyo, panalangin ko’y dinggin.May sugat ang damdamin at kay hirap tiisin.
Nanghihina ako’t gulong-gulo ang isipan.O Diyos ng kaaliwan, kalungkutan ko’y ibsan.
(KORO)Ibangon mo; tulungan mo.Pag-asa ko’y buhayin mo.
Ngayong ako’y nanghihina,Palakasin n’yo po, Ama.
2. Sa t’wing nanghihina, ’yong Salita aking lakas;’Nihahayag ang damdaming hindi ko mabigkas.
Pananampalataya ko ay patibayin mo.Mas dakila ang ’yong pag-ibig kaysa puso ko.
(Koro)
44 Panalangin ng Nanghihina(Awit 4:1)
(Tingnan din ang Awit 42:6; 119:28; Roma 8:26; 2 Cor. 4:16; 1 Juan 3:20.)
1. Ang mga binubulay koNa nagmula sa ’king puso,
Sana’y makalugod sa ’yo,Nawa’y mapatibay ako.
’Pag ’di ako makatulogAt laging ’di mapalagay,
Ikaw ang iisipin koAt mat’wid na mga bagay.
2. Mga bagay na malinis,Anumang kaibig-ibig,
Ito’y magbibigay sa ’kinKapayapaan ng isip.
Ang ’yong mga kaisipan,Halaga’y ’di matumbasan.
Mga salita mo sana’yLaging laman ng isipan.
45 “Ang Pagbubulay-bulayng Aking Puso”
(Awit 19:14)
(Tingnan din ang Awit 49:3; 63:6; 139:17, 23; Fil. 4:7, 8; 1 Tim. 4:15.)
1. Salamat, Jehova, sa araw-araw.Sa ’mi’y pinasikat ang ’yong tanglaw.
Salamat sa pribilehiyong dalangin;Nalalapitan ka lagi namin.
2. Salamat, Jehova, sa ’yong pag-ibig,Mahal mong Anak, mundo’y dinaig.
Salamat sa tulong upang magawaKalooban mo’t aming panata.
3. Salamat, Jehova, sa karangalanNa ipangaral ang ’yong pangalan.
Salamat at pagdurusa’y lilipas;Kaharian mo’y ’di magwawakas.
46 Salamat, Jehova(1 Tesalonica 5:18)
(Tingnan din ang Awit 50:14; 95:2; 147:7; Col. 3:15.)
1. Manalangin sa Diyos na Jehova,Pribilehiyo bilang kaibigan niya.
Siya’y lapitan, buksan ang ’yong puso;Magtiwalang Siya’y tutulong sa ’yo.
Manalangin sa kaniya.
2. Manalangin at magpasalamat.Pagkakasala ay ipagtapat.
Hingin ang kaniyang kapatawaranAt alam niyang tayo’y alabok lang.
Manalangin sa kaniya.
3. Manalangin ka ’pag may problema,Dahil si Jehova’y ating Ama.
Iingatan at tutulungan ka;Huwag kang matakot, magtiwala ka.
Manalangin sa kaniya.
47 Manalangin Ka kay Jehova(1 Tesalonica 5:17)
(Tingnan din ang Awit 65:5; Mat. 6:9-13; 26:41; Luc. 18:1.)
1. Lumakad kasama ng Diyos;Nakahawak sa kaniyang kamay.
Tinanggap natin ang kaniyangKabaitang walang kapantay.
Dahil sa kaniyang pag-ibig,Tayo’y makalalapit;
Buhay nati’y iaalay,Kay Jehova ay papanig.
2. Ang wakas nalalapit na,At ngayo’y galı́t si Satanas.
Paghadlang at pag-uusig,Gamit niya nang tayo’y umatras.
Pero nandiyan si Jehova,Hawak ang ating kamay.
Tayo’y laging iingatanUpang tayo’y ’di mawalay.
3. Naglaan ang Diyos ng tulong,Salita at espiritu niya,
Nar’yan din ang kongregasyonAt pananalangin sa kaniya.
Habang tayo’y lumalakadKasama ni Jehova,
Gagawin natin ang tama,Magiging tapat sa kaniya.
48 Lumakad Kasama ni Jehova Araw-araw(Mikas 6:8)
(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; 1 Hari 2:3, 4.)
1. O Diyos, ang pangako namin,Kalooban mo’y gagawin,
Dahil ang aming naisin,Puso mo ay pasayahin.
2. Alipin mo’y naglalaanNg pagkain na kailangan
Upang kami’y palakasinAt kalooban mo’y sundin.
3. Espiritu mo’y ibigay,Sa ’min ito ay gagabay;
Ang bunga’y ipakikitaNang puso mo’y mapasaya.
49 Pinasasaya ang Puso ni Jehova(Kawikaan 27:11)
(Tingnan din ang Mat. 24:45-47; Luc. 11:13; 22:42.)
1. Puso ko’y iaalay;Iibigin kang tunay.
Tinig ko’y alay ko rin;Papuri’y aawitin.
2. Mga paa ko’t kamay,Sa paglilingkod alay.
Kahit pilak ko’t gintoay ibibigay sa ’yo.
3. Buhay ko’y para sa ’yo;Gagawin ang nais mo.
Sana ay kalugdan mo,Salita at kilos ko.
50 Ang Aking Panalangin ng Pag-aalay(Mateo 22:37)
(Tingnan din ang Awit 40:8; Juan 8:29; 2 Cor. 10:5.)
1. Tayo’y kay Jesus inakay ni Jehova,Ngayon ay naging alagad niya.
Katotohana’y laan;Tayo’y naliwanagan.
Tiwala’y nadagdagan,Sarili’y tinalikdan.
(KORO)Sa Diyos tayo’y nakaalay; ating pasiya.Kagalakan ating nadarama.
2. Sa panalangin, nangako kay Jehova,Maglilingkod tayo sa kaniya.
Dulot ay kagalakan,Hindi mapapantayan.
Ngalan niya’y ating taglay;Kaniya ang ating buhay.
(Koro)
51 Sa Diyos Tayo’y Nakaalay!(Mateo 16:24)
(Tingnan din ang Awit 43:3; 107:22; Juan 6:44.)
1. Dahil likha ni JehovaAng langit at lupa,
Buong uniberso’y kaniya,Gawa niyang kay ganda.
Ang kaniyang regalong buhay,Isang katunayan
Na siya’y nararapat sambahinAt laging papurihan.
2. Anak ay nagpabautismo;Sa Diyos nanalangin:
‘Ang ’yong kalooban, Ama,ay handa kong gawin.’
Nang sa Jordan siya’y umahonBilang pinahiran,
Si Kristo’y naging masunurin,Tapat na naglingkuran.
3. Narito kami, Jehova,Handa na ang buhay,
Aming sarili’y ’tinakwil,Sa ’yo inialay.
Ang ’yong Anak ay ’sinugo,Nagbayad ng buhay.
Sa ’min ang may-ari ay ikaw,Mabuhay ma’t mamatay.
52 Kristiyanong Pag-aalay(Hebreo 10:7, 9)
(Tingnan din ang Mat. 16:24; Mar. 8:34; Luc. 9:23.)
1. Bangon na,Umaga na.Tayo ay mangangaral.
Pero madilim,At biglang umulan.
Masarap sanang magpahinga,mahiga.
(KORO)Maging handa at positibo,At manalangin ka;
Sa ministeryo’y gaganahanAt may sigla.
Mga anghel ay papatnubay,’Di ka nag-iisa.
At kung may kaibigang kasama,Tagumpay ka.
53 Maghanda Para Mangaral(Jeremias 1:17)
2. Dulot ay kagalakanKung tatandaan ito.
At nakikitang Diyos na Jehova,
Pagsisikap nating maglingkodsa kaniya.
(Koro)
(Tingnan din ang Ecles. 11:4; Mat. 10:5, 7; Luc. 10:1; Tito 2:14.)
1. Mayro’ng isang daanng kapayapaan.
Daang umiral nanoong una pa man.
’Tinuro ni Jesus,sa kaniya narinig.
Sa Salita ng Diyos,ito’y nakasalig.
(KORO)Ito’ng daan. Oo, ito’ng daan.Huwag lumingon; huwag mong lilihisan!
Tinig ng Diyos ating pakinggan:‘Lakaran n’yo, oo, ito’ng daan.’
2. Mayro’ng isang daan,Pag-ibig na wagas.
Tinig ng Diyos ang siyangnagturo ng landas.
Pag-ibig niya’y lubos;Mainit at tunay.
Daan ng pag-ibig,Sundan sa ’ting buhay.
(Koro)
54 “Ito ang Daan”(Isaias 30:20, 21)
3. Mayro’ng isang daanPatungo sa buhay.
Wala nang hihigit;Ito ang patnubay.
Daan ng pag-ibigat kapayapaan,
Daan sa ’ting buhay;Diyos pasalamatan.
(Koro)
(Tingnan din ang Awit 32:8; 139:24; Kaw. 6:23.)
1. Ibalita aking bayanAng tungkol sa Kaharian.
Ang Anak ko’y Hari na,Diyablo’y inihagis niya!
Malapit na niyang gapusinAng kaaway na ito.
Ginhawa at kalayaan,Inyo nang matatamo.
(KORO)Mahal ko, huwag kang matakotSa mga banta nila.
Lingkod ko ay iingatanDahil siya’y mahalaga.
2. Kaaway man ay maramiAt nanghahamak sila.
Minsa’y nagkukunwariNang kayo ay madaya.
Anuman ang pag-uusig,Huwag silang katakutan.
Ang tapat ay maliligtas;Tagumpay makakamtan.
(Koro)
55 Huwag Matakot sa Kanila!(Mateo 10:28)
3. ’Di kita kalilimutan,Akin kang iingatan.
Kahit ang kamatayanay ’di makahahadlang.
Mawala man ang ’yong buhay,Maaalala kita.
Manatili kang tapat atTiyak ang ’yong gantimpala!
(Koro)
(Tingnan din ang Deut. 32:10; Neh. 4:14; Awit 59:1; 83:2, 3.)
1. Katotohanan ay dapat isabuhay;Ikaw ang magpapasiya rito.
Kaya’t piliin patnubay ni Jehova;Ang salita niya’y totoo.
(KORO)Isapuso mo ang iyong natutuhan.At madarama ang kagalakanKung maninindigan ka.
2. Pagsisikap mo, panahong ’nilalaanSa paglilingkod sa Kaharian,
Dulot nito ay saganang pagpapalaAt buhay na walang hanggan.
(Koro)
3. Para sa ’ting Diyos, tayo’y batang paslit lang;Patnubay niya’y kailangan natin.
Sa bawat araw, sa kaniya ay paakay;Pagpapala niya’y kakamtin.
(Koro)
56 Manindigan Ka sa Katotohanan(Kawikaan 3:1, 2)
(Tingnan din ang Awit 26:3; Kaw. 8:35; 15:31; Juan 8:31, 32.)
1. Gusto nating tularan ating Diyos,’Di siya nagtatangi, pantay lahat.
Nais niyang mga tao’y maligtas;Kaniyang tinatanggap silang lahat.
(KORO)Puso ang mahalaga,Hindi ang anyo nila.
Mensahe ng Diyos para sa lahat.Dahil sa mahal sila,Mangaral sa kanila.Lahat puwedeng maging kaibigan niya.
2. Kahit saan sila masumpungan,Kahit ano’ng naging buhay nila.
Puso nila ang mas mahalaga—Nakikita ito ni Jehova.
(Koro)
3. Tinatanggap ng Diyos na JehovaLahat ng tumalikod sa mundo.
Gusto nating ibahagi itoSa bawat uri ng mga tao.
(Koro)
57 Mangaral sa Lahat ng Uri ng Tao(1 Timoteo 2:4)
(Tingnan din ang Juan 12:32; Gawa 10:34; 1 Tim. 4:10; Tito 2:11.)
1. Si Kristo ay nangaral sa iba,Ang init at alikabok
ay ’di niya inalintana.Mahal niya ang tupa ni Jehova;Hinanap niya buong araw,
tinuruan niya.Sa bawat pinto’t lansangan,Pag-asa ay ipaalam,Magwawakas lahat ng pagdurusa.
(KORO)Hanapin angkaibigan ng kapayapaan.
Hanapin angnakaayon sa kaligtasan.
Ang lahat ay balitaan.
58 Hanapin ang mga Kaibiganng Kapayapaan
(Lucas 10:6)
2. Ang panahon ay apurahan na,Kaya’t gawin buong kaya;
milyong buhay nakataya.Pag-ibig ang nag-uudyok sa ’tin.Pusong wasák hihilom
at buhay kakamtin.Sa bawat lunsod at bayan,’Pag may isang nasumpungan,Madarama natin ang kagalakan.
(Koro)
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 28:19, 20; Luc. 8:1; Roma 10:10.)
1. Papurihan si Jehova!Siya’ng nagbigay buhay at hininga.
Parangalan pangalan niya,Pag-ibig, at kadakilaan niya.
Araw-araw ay papurihan siya.
2. Papurihan si Jehova!Pangangailangan ’nilalaan niya.
Ang dalangin diringgin niya;Tinutulungan ang mahihina;
Lakas laan ng espiritu niya.
3. Papurihan si Jehova!Maaasahan katarungan niya.
Itutuwid kamalian.Pagpapala dulot ng Kaharian.
May-kagalakan siyang papurihan!
59 Papurihan si Jehova!(Awit 146:2)
(Tingnan din ang Awit 94:18, 19; 145:21; 147:1; 150:2; Gawa 17:25.)
1. Habang may panahon,tayo ay magbabala.
Araw ng galit ni Jehovamalapit na.
(KORO)Buhay nila, nakataya;Gayundin ang sa atin.
Dapat maging masunurin,Sa lahat ng bansa ating sabihin.
2. Dapat ipaalamang mensahe na ito,
Nang tao’y makipagkasundosa Diyos ngayon.
(Koro)
(BRIDGE)Ito ay apurahan,Upang ang tao’y mabuhay.
Sabihin at ituro,Katotohana’y ibigay.
(Koro)
60 Buhay Nila ang Nakataya(Ezekiel 3:17-19)
(Tingnan din ang 2 Cro. 36:15; Isa. 61:2; Ezek. 33:6; 2 Tes. 1:8.)
1. Determinado ngayong kawakasan,Ipagtatanggol balita ng Kaharian.
Sumasalansang man ang Diyablo,Kay Jehova, maninindigan tayo.
(KORO)O sulong, mga Saksi, magpakatatag!Ang gawain ay dapat na ikagalak!
Sabihing ang Paraiso’y malapit na;Pagpapala nito’y darating na.
2. ’Di natin hanap buhay na maalwan;Mundo ay hindi natin kinakaibigan.
Sikapin na huwag madungisan;Katapatan sa Diyos ay iingatan.
(Koro)
3. Kaharian ng Diyos tinatanggihan;Ang pangalan niya ngayo’y sinisiraan.
Tayo ay makikibahagisa pagpapabanal nito palagi.
(Koro)
61 Sulong, mga Saksi!(Lucas 16:16)
(Tingnan din ang Ex. 9:16; Fil. 1:7; 2 Tim. 2:3, 4; Sant. 1:27.)
1. Ihandog ninyo sa Diyos ang bagong awitin.Dakilang gawa niya ay ihayag natin.
Siya ay malakas, at Diyos siya ng kaligtasan.At siya ay hahatol para sa kat’wiran.
(KORO)Umawit!Tayo ay magbunyi!
Umawit!Si Jehova’y Hari.
2. Magalak kayo, ang ating Hari’y purihin!Ang kaniyang pangalan, parangalan natin.
Sa harap niya ay umawit nang sama-sama;Tugtugin ang alpa, tambuli’t trumpeta.
(Koro)
3. Ang karagatan, lahat ng naro’y pumuri.Mga nasa lupa, lahat ay magbunyi.
Mga ilog ay pumalakpak at magsaya.Mga kabundukan, umawit sa kaniya.
(Koro)
62 Ang Bagong Awit(Awit 98)
(Tingnan din ang Awit 96:1; 149:1; Isa. 42:10.)
1. Ang diyos ng mga tao,Yaring kahoy at bato.
’Di nila kilalaDiyos na totoo.
H’wad na diyos walang alamSa ’ting kinabukasan.
Mga saksi nila’y bulaan,Dahil walang katibayan.
(KORO)Tayo ay kay Jehova.Tayo’y mga Saksi niya.
Ang ating Diyos ay hindi huwad;Hula niya’y natutupad.
2. Sa ’tin ay karangalan,Dalhin ang kaniyang ngalan.
Ibinabalitakaniyang Kaharian.
Tutulungan ang ibaNang mapalaya sila.
Kapag sumulong, sasama naSa pagsamba kay Jehova.
(Koro)
63 Tayo’y mga Saksi ni Jehova!(Isaias 43:10-12)
3. Dahil sa pangangaral,Diyos ay napababanal.
At nababalaanang masasama.
Patatawaring lubos’Pag nanumbalik sa Diyos.
Kapayapaa’y makakamtanAt buhay na walang hanggan.
(Koro)
(Tingnan din ang Isa. 37:19; 55:11; Ezek. 3:19.)
1. Panahon na ng pag-aani,Pribilehiyo para sa ’tin.
Masdan ngayon ang mga bukid,Handa na para anihin.
Si Kristo ang ating huwaran,Nangunguna sa gawain.
Dulot sa atin ay kagalakan,Sa ani may bahagi rin.
2. Pag-ibig sa Diyos at sa kapuwaAng nag-uudyok sa atin.
Pangangaral ay apurahan,Dahil wakas dumarating.
Isang tunay na pagpapala,Kagalakang natatamo.
Magmatiyaga tayo sa gawainHanggang sa matapos ito.
64 May-kagalakang Nakikibahagisa Pag-aani(Mateo 13:1-23)
(Tingnan din ang Mat. 24:13; 1 Cor. 3:9; 2 Tim. 4:2.)
1. Sulong na tungo sa pagkamaygulang!Pasikatin liwanag ng katotohanan.
Ang ministeryo mo’y pasulungin pa;Tulong ng Diyos asahan.
Lahat ay makapaglilingkod.Halina, kay Jesus sumunod.
Magtiwala sa Diyos; huwag manghimagod.Matatag sa katuwiran.
2. Sulong na, mangaral nang lakas-loob!Ang papuri sa Diyos lagi nating ihandog.
Sa kaniya’y sama-sama na maglingkod,Sa bahay-bahay gawin.
Kung may mga sumasalansang,Huwag umurong ni matakot man.
Ang balita tungkol sa Kaharian,Sa lahat ay sabihin.
65 Sulong Na!(Hebreo 6:1)
3. Sulong na, sa pagtuturo’y magtiyaga.Sining pasulungin, gawai’y marami pa.
Gagabay sa ’yo ang espiritu niya,Dulot ay kagalakan.
Ibigin ang ’yong nasumpungan,Magtiyaga, at ito’y balikan.
Puso ay abutin at ’yong tulunganUpang maliwanagan.
(Tingnan din ang Fil. 1:27; 3:16; Heb. 10:39.)
1. Lihim ng Kaharian noo’y nakakubli.Ngayo’y hayag na ang ’pinangakong Hari.
Dahil sa awa’t kat’wiran ni Jehova,Makasalanang tao ay nilingap niya.
Anak niya ang maghahari sa Kaharian;Sa takdang panahon Kaharia’y isisilang.
Kaniyang Anak ay bibigyan ng ’sang nobya;Munting kawan ang napiling kasama niya.
2. Mabuting balitang ito’y inihula.Ngayo’y nais ng Diyos malaman ng madla.
Mga anghel dito ay may bahagi rin,Sila’y pumapatnubay sa ’ting gawain.
Ito’y ating tungkulin at karangalan,Bilang kaniyang Saksi, ang Diyos ay papurihan.
Pangalan niya’y karangalan nating dalhin.Mabuting balita ay ihayag natin.
66 Ihayag ang Mabuting Balita(Apocalipsis 14:6, 7)
(Tingnan din ang Mar. 4:11; Gawa 5:31; 1 Cor. 2:1, 7.)
1. Diyos ay may utos sa atinAt ngayon ito ay dapat sundin.
Ang pag-asang nasa puso mo,Laging handang ibahagi ito.
(KORO)IpangaralSa lahat ang salita!
Mangaral,Ang wakas malapit na.
Mangaral,Para sa maaamo.
Mangaral,Sa b’ong mundo!
2. May mahirap na panahon;Pagsalansang ay magiging hamon.
Pangangaral ma’y pagtawanan,Diyos lang ang ating pagtiwalaan.
(Koro)
3. May panahon ding maalwan,Pagtuturo sa iba’y kailangan,
Upang kaligtasan ay kamtin,Pangalan ng Diyos ay pabanalin.
(Koro)
67 Ipangaral ang Salita(2 Timoteo 4:2)
(Tingnan din ang Mat. 10:7; 24:14; Gawa 10:42; 1 Ped. 3:15.)
1. Halina at makibahagi,Sundan ating Panginoon.
Nariyan ang tulong at gabay niyaSa gawain natin ngayon.
Binhi’y tutubo at mamumungaSa may matapat na puso.
Kaya’t ibigay buong makakayaSa iniatas niya sa iyo.
2. Ang tagumpay ng ’yong gawain,Nakabatay rin sa iyo.
Kailangan silang maturuanNang sumulong at matuto.
Sa pag-uusig at panggigipit,Tulungan silang tumayo.
Ang kagalakan ay ’yong madarama’Pag sa puso binhi’y tumubo.
68 Paghahasik ng Binhi ng Kaharian(Mateo 13:4-8)
(Tingnan din ang Mat. 13:19-23; 22:37.)
1. Ipangaral ang KaharianSa bawat bansa’t bayan.
Taglay ang pag-ibig sa kapuwa,Maamo ay tulungan.
Ito ay isang pribilehiyo;Maglingkod ay kagalakan.
Humayo tayo at mangaralPara sa kaniyang pangalan.
(KORO)Sulong, hayo, ipangaral natin ang Kaharian.Sulong, tayo ay panig kay Jehova, walang hanggan.
2. Pinahiran at ibang tupa,Ngayo’y magkaagapay.
Bata’t matanda’y humahayo,Nakaaalinsabay.
Tungkol sa Kaharian ng Diyos,Lahat dapat balitaan.
Dahil sa lakas ni Jehova,Walang dapat katakutan!
(Koro)
69 Humayo at Ipangaralang Kaharian!(2 Timoteo 4:5)
(Tingnan din ang Awit 23:4; Gawa 4:29, 31; 1 Ped. 2:21.)
1. ’Tinuro ni Kristo ang dapat gawinKapag tayo’y nangangaral:
‘Hanapin ang mga karapat-dapat,Nagugutom sa espirituwal.
Ang sambahayan ay inyong batiin;Magbigay ng kapayapaan.
Kapag tumanggi at ayaw makinig,Ipagpag ang paa’t lumisan.’
2. ’Pag tinanggap ka ay tinanggap din siya;Tulungan ang puso nila.
Wastong nakaayon para sa buhay,Maglilingkod na kasama ka.
Huwag mabahala sa ’yong sasabihin,Si Jehova’y tutulong sa ’yo.
Kapag ang sagot mo’y may timplang asin,Maamo ay maaantig mo.
70 Hanapin ang mga Karapat-dapat(Mateo 10:11-15)
(Tingnan din ang Gawa 13:48; 16:14; Col. 4:6.)
1. Ang hukbo ni Jehova,Ulo’y si Kristo!
Hadlangan man ng Diyablo,Sulong sa paghayo.
Tayo ay maglilingkod,Saanmang dako;
Hindi natatakotAt ’di hihinto.
(KORO)Ang hukbo ni Jehova,Kristo’y kaisa.
Ihayag natin naDiyos naghari na.
2. Tayo ay lingkod ng Diyos;Ating hanapin
Nawawalang tupa atmga dumaraing.
Madalas na dalawinat pakainin;
Ating anyayahansa pulong natin.
(Koro)
71 Tayo’y Hukbo ni Jehova!(Efeso 6:11-14)
3. Ang hukbo ni Jehova,Lider si Kristo,
Sa laban ay handa na,At hindi susuko.
Pero dapat mag-ingatAt maging tapat.
Kahit sa panganib,’Di matitinag.
(Koro)
(Tingnan din ang Fil. 1:7; Flm. 2.)
1. Dati’y hindi natin alamLandas na dapat lakaran.
Ngunit Diyos inilaanSa ’tin ang katotohanan.
Kalooban ni Jehova,Malinaw nating nakita,
Ihayag ang Kaharian,Pabanalin ang kaniyang pangalan.
Tayo ngayo’y nangangaralSa lansangan at tahanan;
Nagtuturo nang may tiyagaNang ang tao ay lumaya.
Habang tayo’y nagsisikapNa mensahe’y lumaganap,
Tayo ay magkaisaHanggang sa gawai’y matapos na.
72 Inihahayag ang Katotohananng Kaharian(Gawa 20:20, 21)
(Tingnan din ang Jos. 9:9; Isa. 24:15; Juan 8:12, 32.)
1. Habang ipinangangaralAng iyong Kaharian,
Kami ay pinag-uusigat pinagtatawanan.
Sa halip na matakot,Ikaw ang dapat na sundin.
Ang espiritu mo’y dalangin;O Jehova, sana’y dinggin.
(KORO)Bigyan mo kami ng tapangPara takot madaig,
At lakas-loob mangaralNang lahat makarinig.
Armagedon malapit na,Hanggang sa ito’y dumating,
Bigyan mo kami ng tapang—Ang dalangin.
73 Bigyan Mo Kami ng Katapangan(Gawa 4:29)
2. Minsan din ay natatakot,Kami’y alabok lamang.
Pero nar’yan ka’t tutulong,Ika’y maaasahan.
At bigyan mo ng pansin,Banta ng mananalansang.
At kami’y tulungang patuloyna mangaral sa ’yong ngalan.
(Koro)
(Tingnan din ang 1 Tes. 2:2; Heb. 10:35.)
1. Ito’y awit ng masayang tagumpay;Papuri sa Kataas-taasan.
Nagbibigay sa atin ng pag-asa.Makiawit tungkol sa Kaharian:
(KORO)‘Diyos sambahin sa trono niya.Kaniyang Anak ay Hari na!
Halina’t umawit at pag-aralanAng awitin tungkol sa Kaharian.’
2. Bagong awit, ito’y nagbabalita,Naghari na si Kristo sa lupa.
At siya’y mayro’ng kasamang magmamana,Ang inihula na bagong bansa:
(Koro)
3. Ang awit ’di mahirap pag-aralan;Ang mensahe ay napakaganda.
Sa b’ong lupa, marami na’ng natuto,At sila rin ay nag-aanyaya:
(Koro)
74 Makiawit Tungkol sa Kaharian!(Awit 98:1)
(Tingnan din ang Awit 95:6; 1 Ped. 2:9, 10; Apoc. 12:10.)
1. Mga tao’y nandurustaSa pangalan ni Jehova.
Diyos daw ay may kalupitan.“Walang Diyos,” sabi ng mangmang.
Sino ang magpapabanalSa ngalang winalang-dangal?
(KORO 1)‘O Diyos, ako ay suguin!Ngalan mo ay pupurihin.
Dakilang karangalan sa ’kin,O, ako ay suguin!’
2. Siya’y mabagal, sabi nila;Takot sa Diyos wala sila.
Yaring bato ang diyos nila;Si Cesar ma’y sinasamba.
Sino’ng magbibigay-alamSa pangwakas na digmaan?
75 Isugo Mo Ako!(Isaias 6:8)
(KORO 2)‘O Diyos, ako ay suguin!Ang babala’y sasabihin.
Dakilang karangalan sa ’kin,O, ako ay suguin!’
3. Maraming nabibigatanSa dami ng kasamaan.
Nais nilang masumpunganTunay na kapayapaan.
Sino ang handang maglaanNg pag-asa’t kaaliwan?
(KORO 3)‘O Diyos, ako ay suguin!Maamo ay aakayin.
Dakilang karangalan sa ’kin,O, ako ay suguin!’
(Tingnan din ang Awit 10:4; Ezek. 9:4.)
1. Ano’ng nadaramasa t’wing nagtuturo ka,
At puso ng maamoay ’yong natatamo?
Lahat ’yong ginawa;ang Diyos na ang bahala.
Puso’y nababasa niya—tapat ay kilala.
(KORO)Anong saya ang maglingkod—puso, isip, tinig handog.
Papuri’y laging ihainbuong buhay natin.
2. Ano’ng nadarama’pag pinakikinggan ka,
Sa mensahe’y tumugonwastong nakaayon?
Mayro’ng tumatanggiat hindi nakikinig.
Tayo’y masaya pa rin,ngalan ng Diyos dalhin.
(Koro)
76 Ano’ng Nadarama Mo?(Hebreo 13:15)
3. Ano’ng nadarama,nandiyan ang tulong ni Jah,
At itong atas sa ’yoay ’sang pribilehiyo?
Tapang ay taglayinpero magalang pa rin.
At mangangaral tayohanggang matapos ’to.
(Koro)
(Tingnan din ang Gawa 13:48; 1 Tes. 2:4; 1 Tim. 1:11.)
1. Sa mundong may kadiliman,Sisikat liwanag.
Gaya ng bukang-liwayway,Araw ay sisinag.
(KORO)Sa dilim sumikat,Mensahe na kay ganda.Dulot ay pag-asa—
Pagsikat ng araw,Kinabukasa’y tanaw—Umaga na.
2. Gisingin ang natutulogHabang may panahon.
Pag-asa ay ibahagi,Patibaying-loob.
(Koro)
77 Liwanag sa Mundong Madilim(2 Corinto 4:6)
(Tingnan din ang Juan 3:19; 8:12; Roma 13:11, 12; 1 Ped. 2:9.)
1. O ang mga nagtuturong Salita ng Diyos,
Nakikinabang din sila,Pagpapala’y lubos.
Si Jesu-Kristo’y nagturoTaglay ang pag-ibig.
Tularan siya; iba’y tulungangsa Diyos mapalapı́t.
2. Bilang guro ng Salita,Tama ating gawin,
At makikita ng lahatna tayo’y taimtim.
Saliksikin ang Salita,Imbaka’y punuin;
Tayo ay magbahagi atSarili’y turuan din.
3. Inilaan ni JehovaLahat ng kailangan.
Dalangin para sa tulong,Kaniyang pakikinggan.
Ang Salita ni Jehova,Kayamanan natin.
Mahal nating tinuturuanMagiging guro din!
78 Itinuturo ang Salita ng Diyos(Gawa 18:11)
(Tingnan din ang Awit 119:97; 2 Tim. 4:2; Tito 2:7; 1 Juan 5:14.)
1. Kay sayang tupa ay turuan;Pagsulong ay nakita.
May gabay ang Diyos sa kanila,At nanindigan sila.
(KORO)Jehova, aming dalangin,Ang ’yong tupa’y kalingain.
Sa ngalan ni Jesus, hiling:Lahat sila ay magpakatatag sana.
2. Sa harap ng mga pagsubok,Ipanalangin sila.
Turuan, alalayan natin,Nang lalong tumibay pa.
(Koro)
3. Sana ay laging magtiwalaSa ’ting Diyos at kay Kristo.
Magsikap, maging masunurinNang ang buhay matamo.
(Koro)
79 Turuan Mo Silang Maging Matatag(Mateo 28:19, 20)
(Tingnan din ang Luc. 6:48; Gawa 5:42; Fil. 4:1.)
1. Ang maglingkod kay Jehova,Isang pribilehiyo sa ’tin.
Oras at lakas ay handog natin,Marami pa ang gawain.
(KORO)Ating tikman at tingnan ngayonAng kabutihan ni Jah.
May gantimpala ’pag ’binigayAng buong makakaya.
2. Buong-panahong lingkod niya,Saganang pinagpapala.
Nagtitiwalang Diyos maglalaan,Kontento at maligaya.
(Koro)
80 Tikman at Tingnanang Kabutihan ni Jehova
(Awit 34:8)
(Tingnan din ang Mar. 14:8; Luc. 21:2; 1 Tim. 1:12; 6:6.)
1. Bago pa sumikat maningning na araw,Tayo’y bumabangon,naghahanda’t nananalangin.
May hatid na ngiti sa lahat ng tao,Pakinggan o hindi,tayo ay mangangaral pa rin.
(KORO)Itong buhay natinPara kay Jehova.
Gagawin ang kalooban niya.Tayo’y naglilingkodUmula’t umaraw
Upang ipakita na mahal natin siya.
2. Sa kinahapunan, paglubog ng araw,Maligaya’t pagod,pag-uwi ay mananalangin.
Ating ’binibigay buong makakaya.At salamat sa Diyossa mga pagpapala sa ’tin.
(Koro)
81 Ang Buhay ng Payunir(Eclesiastes 11:6)
(Tingnan din ang Jos. 24:15; Awit 92:2; Roma 14:8.)
1. Ang utos ni Kristo, ‘Pasikatin n’yoAng inyong liwanag sa mga tao.’
Salita ng Diyos ay ating ihayagNang mapaaninag ang
Kaniyang liwanag.
2. Ating ibalita ang KaharianNang puso ng tao’y maliwanagan.
Ang katotohanan ating sabihin,At magpapasiya sila
kung tatanggapin.
3. Nagpapaganda sa ating salita,Kung kabaitan ay ipakikita.
Liwanag ay lalong pasikatin pa.Tiyak malulugod ang Diyos
sa ating gawa.
82 Pasikatin ang Inyong Liwanag(Mateo 5:16)
(Tingnan din ang Awit 119:130; Mat. 5:14, 15, 45; Col. 4:6.)
1. Sa bawat bahay at pinto,Mabuting balita,
Laging ipinangangaralNg matanda’t bata.
Tungkol sa Kaharian naInihula noon,
Ito’y namamahala na,Ibalita ngayon.
2. Sa bawat bayan at lunsodAting ipangaral,
Kaligtasa’y sa tatawagSa ngalan niyang banal.
Ngunit paano tatawagKung ’di Siya kilala?
Sa bahay-bahay itanyagNgalan ni Jehova.
3. Kaya’t sa bawat tahananAting ibalita.
Kung tanggapin man o hindi,Ito’y pasiya nila.
Mahalaga ay nahayagNgalan ni Jehova.
Hanapin sa bahay-bahayKaniyang mga tupa.
83 “Sa Bahay-bahay”(Gawa 20:20)
(Tingnan din ang Gawa 2:21; Roma 10:14.)
1. Gusto sa ’tin ni Jehova,Ang buhay na maligaya.
Laan niya’y mga paraanPara makapaglingkuran.
(KORO)Maglingkod nang lubospara sa ’ting Diyos.
Saanman kailangan, do’n tayo,tumulong tayo.
2. Bawat lugar, may gawain.Magbahagi, tumulong din.
Handa tayo kahit saan.Nar’yan tayo ’pag kailangan.
(Koro)
3. Ibang bayan o dito man,Bagong mga kasanayan,
Ibang wika’y inaaral,At sa lahat nangangaral.
(Koro)
84 Maglingkod Nang Lubos(Mateo 9:37, 38)
(Tingnan din ang Juan 4:35; Gawa 2:8; Roma 10:14.)
1. Tinatanggap lahat ng naritoUpang sa Bibliya ay matuto.
Sa landas ng buhay inaakay;Sa Diyos ating pasasalamat ibigay.
2. Mahal na mga kapatid natinNa masayang tumanggap sa ’tin,
Pahalagahan, tularan natin.Bagong mga kaibigan ating tanggapin.
3. Ang lahat ay inaanyayahan,Nang katotohana’y malaman.
Tayo ngayo’y inilapit ng Diyos,Kaya bawat isa’y tanggapin nang lubos.
85 Tanggapin ang Isa’t Isa(Roma 15:7)
(Tingnan din ang Juan 6:44; Fil. 2:29; Apoc. 22:17.)
1. Halina’t matuto tungkol kay Jehova.Tubig ng buhay ating tanggapin.
Laan ng Diyos ang mabuting turo;Ang nagugutom ay bubusugin.
2. Huwag pabayaan ang ating pagpupulong;Dito’y matuturuan nang wasto.
Ang kapatiran kasama natin.Espiritu ng Diyos ay narito.
3. Awit ng papuri ay nagpapatibay!Dilang sanay kay tamis pakinggan!
Nawa’y palagi tayong magtipon,Kung sa’n naroon ang kaniyang bayan.
86 Dapat Tayong Maturuan(Isaias 50:4; 54:13)
(Tingnan din ang Heb. 10:24, 25; Apoc. 22:17.)
1. Ang mundo ngayo’y magulo at liko,Daan ng Diyos ay ’di alam.
Wastong patnubay para sa ’ting hakbang,Ito ang ating kailangan.
Mga pulong natin ay naglalaanNg pag-asa at ginhawa.
Pananampalataya’y tumitibay;Lakas ating nadarama.
Ito’y hindi natin pababayaan;Utos ng Diyos ay susundin.
Mga pulong ay tutulong sa atinNa tama ang ating gawin.
2. Alam ni Jehova ating kailangan;Ang payo niya ay pakinggan.
’Pag naglaan ng panahon sa pulong,Ito’y isang karunungan.
Sa mabuting turong napakikinggan,Tayo ay napasisigla.
Dahil nandiyan ang ating kapatiran,Kailanma’y ’di mag-iisa.
Habang hinihintay ating pag-asa,Sila ay ating samahan.
Dahil dito sa pulong nalalamanMakadiyos na karunungan.
87 Halikayo at Guminhawa!(Hebreo 10:24, 25)
(Tingnan din ang Awit 37:18; 140:1; Kaw. 18:1; Efe. 5:16; Sant. 3:17.)
1. Kami’y natitipon, Diyos na Jehova,Tinanggap ang ’yong paanyaya.
Ang ’yong Salita, sa ami’y liwanag—Bukal ng ’yong turong sagana.
(KORO)Ituro mo ang ’yong mga daan;Utos mo’y nais kong mapakinggan.
Lalakad sa landas ng kat’wiran;Nalulugod sa ’yong kautusan.
2. Ang ’yong karunungan ay ’di maarok;Hatol mo ay may katiyakan.
Ang ’yong Salita ay kahanga-hangaAt mananatili kailanman.
(Koro)
88 Ipaalam Mo sa Akinang Iyong mga Daan
(Awit 25:4)
(Tingnan din ang Ex. 33:13; Awit 1:2; 119:27, 35, 73, 105.)
1. Natutuhan natin kay Jesu-Kristo,Dulot sa ’tin nito’y kagalakan.
Ngunit upang pagpalain din tayo,Dapat sundin ating napakinggan.
(KORO)Makinig at sumunodSa kalooban ng Diyos.
Upang ika’y pagpalaing lubos,Makinig at sumunod.
2. Ating buhay tulad ng isang bahayNa ’tinayo sa batong matibay.
Kung turo ni Kristo ang siyang patnubay,Buhay natin ay magtatagumpay!
(Koro)
3. Katulad ng puno sa may tubigan,Nagbubunga sa kapanahunan.
Bilang anak, sundin ang kahilingan—Pag-asa’y buhay na walang hanggan.
(Koro)
89 Makinig at SumunodUpang Pagpalain Ka
(Lucas 11:28)
(Tingnan din ang Deut. 28:2; Awit 1:3; Kaw. 10:22; Mat. 7:24-27; Luc. 6:47-49.)
1. Habang tayo’y naglilingkuran,Tayo’y nagpapatibayan.
Buklod ay lalong tumitibay;Bunga ay kapayapaan.
Dahil sa bigkis ng pag-ibig,Problema ay nakakaya.
Ang kongregasyon ay kanlungan,Dakong ligtas at masaya.
2. Ang salitang angkop at tama,O kay sarap na pakinggan!
Mula sa tunay na kaibigan,Dulot nito’y kaaliwan.
Dahil may iisang tunguhin,O kay ganda ng samahan!
Bawat isa ay patibayinNang pasanin ay gumaan.
3. Ngayon ay ating nakikitaAraw ng Diyos malapit na,
Kailangang tayo’y sama-sama,Manatili sa landas niya.
Maglilingkod magpakailanmanKasama ng kaniyang bayan.
Kaya tayo’y magpatibayan,Ingatan ang katapatan.
90 Patibayin ang Isa’t Isa(Hebreo 10:24, 25)
(Tingnan din ang Luc. 22:32; Gawa 14:21, 22; Gal. 6:2; 1 Tes. 5:14.)
1. O Diyos naming Jehova,Araw na ’to ay kay saya!
Pinarangalan mo, lingkod mo,Dulot ay tuwa.
Gawa ng aming kamay,Pagpapala mo’y ’binigay,
Ang gusaling ito’y narito—Isang patunay.
(KORO)Jehova, aming pribilehiyoAng magtayo para sa ’yo.
Nais naming paglingkuran ka habambuhay;Papuri ay handog sa ’yo.
2. Naging magkakaibigan;O kay saya ng samahan!
Mga alaala ay hindimalilimutan!
Kami ay nagkaisa,Espiritu mo’y sagana.
Isang karangalan, ’yong ngalanay madakila.
(Koro)
91 Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig(Awit 127:1)
(Tingnan din ang Awit 116:1; 147:1; Roma 15:6.)
1. O Diyos, kay laking karangalanSa pangalan mo’y magtayo.
May-kagalakang inaalayPara sa kapurihan mo.
Lahat ng ibibigay naminAy nanggaling din sa iyo.
Lakas, panahon, pag-aari,Handog na mula sa puso.
(KORO)Dakong ito’y handog sa ’yo,Para sa pangalan mo.
Aming inaalay sa ’yo,Tanggapin nawa ito.
2. Nais ka naming parangalan,Sa dakong ito’y sambahin.
Dumami nawa ang matuto,Ikaw ay luwalhatiin.
Para sa iyong kapurihan,Dakong ito’y iingatan.
Sana’y magsilbing katibayanSa mensahe ng Kaharian.
(Koro)
92 Isang Dakong Nagtataglayng Pangalan Mo(1 Cronica 29:16)
(Tingnan din ang 1 Hari 8:18, 27; 1 Cro. 29:11-14; Gawa 20:24.)
1. O Jehova, pagpalainAng aming pagpupulong.
Espiritu mo’y narito;Salamat po sa tulong.
2. Sa banal mong Salita, Diyos,Kami po ay turuan.
Sanayin sa ministeryo,Pag-ibig ay malinang.
3. Kapayapaan laan moNang kami’y magkaisa.
Sana’y mapuri ka naminSa gawa at salita.
93 Pagpalain ang Aming Pagpupulong(Hebreo 10:24, 25)
(Tingnan din ang Awit 22:22; 34:3; Isa. 50:4.)
1. Salamat, Jehova, sa ’yong Salita.Katotohanan ay nagpapalaya!
Banal na Kasulatan ay ’yong inilaan.Dulot nito’y tunay na kaalaman.
2. May kapangyarihan itong matantoAng aming kaisipan at motibo.
Malinaw mga utos; ang hatol mo’y tunay.Ang ’yong simulain ang aming gabay.
3. Ang mga propeta ay gaya namin.May damdamin ding katulad ng sa ’min.
Kaya ang nababasa’y aming nadarama.Salamat, Jehova, sa ’yong Salita!
94 Salamat sa Salita ng Diyos(Filipos 2:16)
(Tingnan din ang Awit 19:9; 119:16, 162; 2 Tim. 3:16; Sant. 5:17; 2 Ped. 1:21.)
1. Nagsiyasat ang mga propeta no’nTungkol sa ’pinangakong Kristo.
Dahil sa kaniya ay may kaligtasanAt pag-asa para sa tao.
Ngayon ang Mesiyas ay naghahari na,Tanda ng presensiya’y batid.
Pribilehiyo nating malaman ito;Maging mga anghel nagmasid!
(KORO)Landas nati’y lumiliwanagAt lalo pang nagniningning.
Masdan Diyos ay nagsisiwalat;Patnubay sa landas natin.
2. Kristo’y nag-atas ng aliping tapat,Laan ay sapat na pagkain.
Katotohana’y lalong lumilinawSa mga puso’t isip natin.
Landas nati’y lalong nagliliwanag;Mga hakbang ay mas tiyak.
Salamat, Jehova, sa kaalaman;Sa daan mo kami’y tatahak.
(Koro)
95 Ang Liwanag ayLalong Nagniningning
(Kawikaan 4:18)
(Tingnan din ang Roma 8:22; 1 Cor. 2:10; 1 Ped. 1:12.)
1. Mayro’ng aklat na may dalang pag-asa;Dulot sa tao ay kagalakan.
Kahanga-hanga ang kapangyarihanMga “bulag” naliliwanagan.
Ito ay ang Banal na Kasulatan—Aklat ng Diyos na ’pinasulat niya
Sa mga umiibig sa kaniya atGinabayan ng espiritu niya.
2. Ang paglikha ng Diyos ay iniulat,Nang ang lahat ay kaniyang ginawa.
Ang tao no’n ay ’di makasalanan,Ngunit ang Paraiso’y nawala.
Sinabi na isang anghel sa langitAng humamon sa Diyos at sumuway.
Dulot ay pagdurusa’t kasalanan,Ngunit kay Jehova ang tagumpay.
96 Ang Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan
(Kawikaan 2:1)
3. Ngayon ay panahon ng kagalakan:Namamahala na’ng Kaharian.
Ito ay ating ipinangangaral,Pag-asa’t pagpapala ang laan.
Sa aklat niya ito ay mababasa;Saganang ’spirituwal na pagkain.
Dulot ay tunay na kapayapaan;Kayamanang dapat na basahin.
(Tingnan din ang 2 Tim. 3:16; 2 Ped. 1:21.)
1. Salita ni Jehova aykailangan sa buhay.
Araw-araw na basahinat gawing patnubay;
Dulot ay kapayapaan,kagalaka’y taglay.
(KORO)Ang tao ay mabubuhay’di lang sa tinapay.
Salita ng Diyos ang gabaypara sa ’ting buhay.
2. Mga lingkod noong una,dito’y iniulat,
May pananampalataya,nanatiling tapat.
Sa t’wing ating binabasaay napatitibay.
(Koro)
97 Kailangan ang Salita ng DiyosPara Mabuhay
(Mateo 4:4)
3. Pag-asa ay natatamosa t’wing binabasa;
Karunungan na kailangan’pag mayro’ng problema.
Mga natutuhan natin,kayamanang tunay.
(Koro)
(Tingnan din ang Jos. 1:8; Roma 15:4.)
1. Salita ng Diyos ay giya,Sa dilim ay lampara.
Kung tapat nating susundin,Kalayaan ay kakamtin.
2. Salita niya’y inilaan,Tayo’y nakikinabang.
At itinutuwid tayo;Tulong sa ’ting pagtuturo.
3. Pag-ibig ng Diyos nalamanDahil sa Kasulatan.
Araw-araw na basahin,Patnubay sa ’ting landasin.
98 Ang Kasulatan—Nagmula sa Diyos(2 Timoteo 3:16, 17)
(Tingnan din ang Awit 119:105; Kaw. 4:13.)
1. Mayro’ng isang kapatiran,Kay gandang pagmasdan.
Sa Diyos ay naglilingkodNang may katapatan.
Milyon-milyon ang bilang,At dumarami pa.
Galing sa bawat bansa’t wika,Pumupuri kay Jah.
2. Ating buong kapatiran,Nangangaral ngayon
Ng mabuting balitaSa lunsod at nayon.
Minsan ay napapagodAt nahihirapan.
Pinagiginhawa ni KristoAng nabibigatan.
3. Mga lingkod ni Jehova,Kaniyang iingatan
Habang naglilingkuranSa kaniyang harapan.
Ang ating kapatiran,Ang buong bayan niya,
Kamanggagawa ni Jehova,Lingkod niya sa lupa.
99 Ang Ating Buong Kapatiran(Apocalipsis 7:9, 10)
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 11:29; Apoc. 7:15.)
1. Mapagpatuloy ang Diyos na Jehova.Hindi nagtatangi ang pag-ibig niya.
Ang araw at ulan, kaniyang ’nilalaan,Ang pagkain at kagalakan.
Kapag nililingap natin ang dukha,Bilang anak ay tinutularan siya.
Kaniyang susuklian, ating kabutihan,Ang taimtim na kabaitan.
2. Kagandahang-loob ay ipakitaSa nangangailangan, sinuman sila.
Maa’ring dumating, pagpapala sa ’tin,Kung tayo ay mapagpatuloy.
Tulad ni Lydia no’n ay sabihin moSa mga kapatid: ‘Tuloy po kayo.’
Alam ni Jehova at nakikita niyaAting pagkamapagpatuloy.
100 Maging Mapagpatuloy(Gawa 17:7)
(Tingnan din ang Gawa 16:14, 15; Roma 12:13; 1 Tim. 3:2; Heb. 13:2; 1 Ped. 4:9.)
1. Sa mundong may kaguluhan,Si Jehova ay may bayan,
Naglilingkod nang payapaat nagkakaisa.
Pagkakaisa aydapat mahalin.
Kay rami nating gawain,Diyos gumagabay sa atin.
Manatiling masunurin;Buklod patibayin.
2. Isip ay pagkaisahin,At kung tayo’y mabait din,
Pag-ibig lalong titibay,Kagalakang tunay.
Nakagiginhawa,kay sarap damhin.
Pag-ibig sa kapatiran,Dulot ay kapayapaan.
Dahil dito’y nabubuklodHabang naglilingkod.
101 Naglilingkod Nang May Pagkakaisa(Efeso 4:3)
(Tingnan din ang Mik. 2:12; Zef. 3:9; 1 Cor. 1:10.)
1. Maraming kahinaanang taglay natin.
Ngunit si Jehova ay maunawain.Siya ay maawain;
Tayo’y mahal pa rin.Tulad ng Diyos, tulungan
kapatid natin.
2. Sa tingin ma’y malakas,nanghihina rin.
Sila ay patibayin, ating aliwin.Sila’y kay Jehova;
Aalalayan niya.Damhin ang lungkot nila,
Luha’y pahirin.
3. Sa halip na husgahan,Ating tandaan,
Mapalalakas sila ng kabaitan.Aliwin ang pagód,
Patibaying-loob.Nar’yan tayo’t tutulong
Bilang kaibigan.
102 Tulungan ang Mahihina(Gawa 20:35)
(Tingnan din ang Isa. 35:3, 4; 2 Cor. 11:29; Gal. 6:2.)
1. Naglaan ang Diyos ng patnubay,Pastol na aakay.
Halimbawa nila ay gabaySa landas ng buhay.
(KORO)Sila’y pinagkatiwalaanSa kongregasyon natin.
Tupa ay inaalagaan;Atin silang mahalin.
2. Inuunawa ang damdamin;Sa ’ti’y maibigin.
’Pag nasaktan ay gagamutin,Malumanay sa ’tin.
(Koro)
3. Payo nila’y tulong sa atinUpang ’di maligaw;
At sa Diyos maging masunurinSa lahat ng araw.
(Koro)
103 Mga Pastol—Regalo ng Diyos(Efeso 4:8)
(Tingnan din ang Isa. 32:1, 2; Jer. 3:15; Juan 21:15-17; Gawa 20:28.)
1. Amang Jehova, maawain ka,Mas dakila ka sa ’ming puso.
Pasanin namin ay pagaanin,At aliwin ng espiritu mo.
2. Ama, kaming lahat nagkukulang;Minsan kami ay naliligaw.
Espiritu mo nawa’y ilaanBilang gabay namin araw-araw.
3. ’Pag kami ay pagód at mahina,Pinagiginhawa ang puso.
Sa ’yo, Ama, kami’y umaasa,Lakas laan ng espiritu mo.
104 Tulong ng Banal na Espiritu ng Diyos(Lucas 11:13)
(Tingnan din ang Awit 51:11; Juan 14:26; Gawa 9:31.)
1. Si Jehova ay pag-ibig,Dapat na tularan siya.
Pag-ibig sa Diyos at kap’waay ating ipakita.
Ang buhay na maligayaay ating matatamo;
Pag-ibig na tulad-Kristoay hindi mabibigo.
2. Udyok ng pag-ibig sa Diyos,Ang iba’y ibigin din.
Kapag tayo ay mahina,Tumutulong siya sa ’tin.
Ang pag-ibig ay dalisay,mabait, matiisin.
Kapatid ating ibigin,Lalo pang pasidhiin.
3. Huwag sanang tampo sa kap’wa,Manaig sa damdamin.
’Pag sa Diyos tayo’y umasaItuturo niya sa ’tin:
Pag-ibig sa Diyos at kap’wa—Ang tunay na pag-ibig.
Lagi sanang ipakita,Magiliw na pag-ibig.
105 Si Jehova ay Pag-ibig(1 Juan 4:7, 8)
(Tingnan din ang Mar. 12:30, 31; 1 Cor. 12:31–13:8; 1 Juan 3:23.)
1. Ang mga katangian ng Diyos,Nais nating tularang lubos.
Pinakamahalaga ritoAy ang pag-ibig niyang totoo.
Walang saysay ang talino mo,Kung pag-ibig ay salat sa ’yo.
Pag-ibig ay panatilihinSa lahat ng ating gagawin.
2. Ang pag-ibig ay mapagbigayAt di-makasariling tunay,
Hindi nagtatanim ng galit,Nagpapatawad sa kapatid.
Natitiis ang kahinaan,Kamalian ay tinatakpan.
May hamon mang dumating sa ’yo,Sa pag-ibig ’di mabibigo.
106 Mahalaga ang Pag-ibig(1 Corinto 13:1-8)
(Tingnan din ang Juan 21:17; 1 Cor. 13:13; Gal. 6:2.)
1. Ipinakita sa ’tin ni JehovaTunay na pag-ibig.
Ito’y huwaran na dapat tularan—Magpakita ng pag-ibig.
Sariling Anak kaniyang inilaanBilang pantubos sa ’ting kasalanan.
O kay dakilang kapahayagan ngPag-ibig niya—Ito’y dakila!
2. Ating pag-ibig, ’pakita rin natin,Tulad ni Jehova,
Sa may-edad man o mga baguhan,Lahat sila’y mahalaga.
Pag-ibig sa Diyos at sa kapatiranAy magkaugnay, parehong kailangan.
At handang takpan mga kamalian;Iniibig ating kapatid.
3. Dahil sa bigkis ng pag-ibig natin,Tayo ay pamilya.
Nararanasan, nadarama natinTunay na pagkakaisa.
Pag-ibig ang siyang nagpapakilalaNa tayo’y lingkod ng Diyos na Jehova.
Siya ay tularan, ating ipakitaAng pag-ibig. Diyos ay pag-ibig.
107 Tularan ang Pag-ibig ni Jehova(1 Juan 4:19)
(Tingnan din ang Roma 12:10; Efe. 4:3; 2 Ped. 1:7.)
1. Ang Diyos ay pag-ibig;Sa atin ay umaantig.
’Binigay ang kaniyang Anak,Pantubos para sa lahat,
Upang pag-asa’y makamtan—Ang buhay na walang hanggan.
(KORO)O kayong nauuhaw,Mayro’ng tubig ng buhay.
Halina’t inyong tikman,Pag-ibig niyang tunay.
2. Pag-ibig niyang tapat,Sa gawa niya’y nahahayag.
Pag-ibig ay ’pinakitaNang Anak niya’y mamahala.
Natupad ang layunin niya.Kaharia’y nandito na!
(Koro)
108 Ang Tapat na Pag-ibig ng Diyos(Isaias 55:1-3)
3. Nawa’y maudyukanNa pag-ibig niya’y tularan.
Maaamo ay tulunganSi Jehova’y masumpungan.
At taglay ang takot sa Diyos,Tayo’y mangaral nang lubos.
(Koro)
(Tingnan din ang Awit 33:5; 57:10; Efe. 1:7.)
1. Si Jehova’y nagagalakSa pag-ibig na matapat.
Mahalagang katangian,Pag-ibig na tunay—
Sa puso ay nagmumula;Mas inuuna ang iba;
Damdami’y inuunawa;Kaibigan na tunay.
’Pag may nangangailangan,Tayo’y nar’yan para tugunan.
At bilang ’sang kaibigan,Laging malalapitan.
Ipinakita ni JesusAng pag-ibig ng ating Diyos.
Puso nati’y naaantig—Umibig nang masidhi,
At ipadama lagi.
109 Umibig Nang MasidhiMula sa Puso(1 Pedro 1:22)
(Tingnan din ang 1 Ped. 2:17; 3:8; 4:8; 1 Juan 3:11.)
1. Namamahala na ang Kaharian;Sa lahat ay ibalita.
Tingnan ninyo at itaas ang ulo;Ang kaligtasa’y nar’yan na!
(KORO)Kagalakang galing kay Jehova,Laan lakas na kailangan.
Tayo’y magsaya sa ating pag-asa;Umawit, siya’y pasalamatan.
Kagalakang galing kay Jehova,Papuri’y para sa kaniya.
Kung may debosyon sa ’ting Diyos at Hari,Kagalakan ay madarama.
2. Tayo’y umasa sa Diyos na Jehova.Huwag mangamba, siya’y malakas.
Tumindig at umawit ng papuri;Ang tinig nati’y ilakas!
(Koro)
110 Ang KagalakangGaling kay Jehova
(Nehemias 8:10)
(Tingnan din ang 1 Cro. 16:27; Awit 112:4; Luc. 21:28; Juan 8:32.)
1. Ang dahilan nati’y maramiUpang tayo ay matuwa.
Mga tupa ay sumasama,Nanggaling sa buong lupa.
Tunay ang ating kagalakan,Sa Bibliya ay nakasalig.
Araw-araw na pag-aralan,Sa narinig ay manalig.
Kagalakan nati’y malalim,Nagniningas sa ’ting puso.
Dumanas man ng suliranin,Kailanman ay ’di susuko.
(KORO)Kagalakan natin si Jah!Mga gawa niya’y dakila.
Karunungan niya, O kay lalim nga!Kabutihan niya’y sagana.
111 Mga Dahilan ng Ating Kagalakan(Mateo 5:12)
2. Likha niya’y kay ganda’t kay husay,Ang langit, dagat, at lupa,
Masdan aklat ng kalikasan,Tunay na kamangha-mangha.
Kagalakan nating mangaral,Kaharian ng Diyos ang paksa.
Dulot na mga pagpapalaO kay sayang ibalita.
Walang-hanggang kaligayahan,Ngayon ay nalalapit na.
Bagong langit at bagong lupa,Pangako ’yan ni Jehova!
(Koro)
(Tingnan din ang Deut. 16:15; Isa. 12:6; Juan 15:11.)
1. Diyos naming Jehova,Diyos ng kapayapaan.
Ang espiritu’y dalangin,Nang bunga ay malinang.
Dahil sa ’yong Anak,Ika’y naging kaibigan,
Mapayapang kaugnayansa iyo ay nakamtan.
2. ’Yong Salita’y ilaw,Patnubay sa ’ming buhay.
Sa mundong may kadiliman,Ikaw ang aming gabay.
Hanggang sa magwakasLahat ng kaguluhan,
Tulungang mapanatiliaming kapayapaan.
3. Sa langit at lupa,Ngayo’y natitipon na
Ang ’yong mga iniibig;Sila’y nagkakaisa.
Ang ’yong Kaharian,Digmaa’y wawakasan.
Maaamo ay tatahangpayapa’t walang hanggan.
112 Si Jehova, Diyos ng Kapayapaan(Filipos 4:9)
(Tingnan din ang Awit 4:8; Fil. 4:6, 7; 1 Tes. 5:23.)
1. Si Jehova ay Diyos ng pagkakaisa.Ang lahat ng digmaan, papawiin niya.
At sa pamamahala ni Jesu-Kristo,Kapayapaang tunay ang matatamo.
2. Ang galit at alitan, ating iniwan.Ang espada at sibat ay binitiwan.
Nang maging mapayapa, magpatawaran.Bilang tupa ni Jesus ay mag-ibigan.
3. Ating kapayapaan ay katunayanNa pagpapala ng Diyos, ating nakamtan.
Ang kaniyang kautusan ay handang sundin.Mapayapang landasin, ating tahakin.
113 Ang Taglay Nating Kapayapaan(Juan 14:27)
(Tingnan din ang Awit 46:9; Isa. 2:4; Sant. 3:17, 18.)
1. Pangalan ni Jehovaay labis na siniraan;
Lubha niyang ninanaisLinisin ang kadustaan.
Mahabang panahon niyaitong pinagtiisan.
Hindi siya nanghimagod,Kahit maghintay man.
Layunin niya sa tao,Kaligtasan ay makamtan.
Pagtitiis ng Diyos ayhindi walang-kabuluhan.
2. Pagtitiis kailangansa makadiyos na landasin.
Puso’y pinapayapa;Galit ay napipigil din.
Nakikita sa tao,Kanilang kabutihan.
Katinuan ng isipay naiingatan.
Tularan si Jehova;Katangian niya’y taglayin.
Espiritu niya’y tulongupang maging matiisin.
114 “Maging Matiisin”(Santiago 5:8)
(Tingnan din ang Ex. 34:14; Isa. 40:28; 1 Cor. 13:4, 7; 1 Tim. 2:4.)
1. Dakila ka, Diyos na Jehova;Kat’wiran mo ay sagana.
Naghahari ang masamaat kami ay nagdurusa.
Ang araw mo’y dumarating na;Pagtitiis matatapos na.
(KORO)Inaasam ang pag-asa,Taglay ang pagpapahalaga.
2. Libong taon, sa ’yong pananaway gaya lang ng ’sang araw.
Paghatol mo’y malapit na;Hindi ’to maaantala.
Ika’y galı́t sa kasalanan;’Pag nagsisi’y kapatawaran.
(Koro)
115 Salamat sa Pagtitiis ng Diyos(2 Pedro 3:15)
(Tingnan din ang Neh. 9:30; Luc. 15:7; 2 Ped. 3:8, 9.)
1. Pinupuri ka namin, Jehova,Mula sa ’ming puso.
Sagana man ang dunong mo’t lakas,Kabaitan ay taglay mo.
2. Tinatawag ni Kristo ang lahatng nabibigatan.
Pamatok niya’y mabait, magaan;Dulot ay kaginhawahan.
3. Katangian ng Diyos at ni Jesusay ating tularan.
Kung tataglayin ang kabaitan,Dulot mo’y kaginhawahan.
116 Nakagiginhawa ang Kabaitan(Efeso 4:32)
(Tingnan din ang Mik. 6:8; Mat. 11:28-30; Col. 3:12; 1 Ped. 2:3.)
1. O kay buti mo, Jehova,Kami’y ’yong pinagpala!
Kabutiha’y ’pinakitasa lahat ng ’yong gawa.
Ang paglingap mo at awa,Labis-labis sa amin.
Dapat lang na sambahin kaat paglingkuran namin.
2. Sa ’yong bayan, nakikitaang iyong kabutihan—
Sa pangangaral nila atsa paggawing kay inam.
Ang mabuting balita aylumaganap sa lupa.
’Yong espiritu’y dalangin,Kabutihan ang bunga.
3. Sana ay ’yong pagpalain,Mabuting gawa namin,
Para sa ’ming kapatiranat sa aming kap’wa rin.
Sa pamilya, kongregasyon,at sa lahat ng dako,
Ika’y aming tutularanat ang kabutihan mo.
117 Magpakita ng Kabutihan(2 Cronica 6:41)
(Tingnan din ang Awit 103:10; Mar. 10:18; Gal. 5:22; Efe. 5:9.)
1. Dahil sa ’ming minanang kasalanan,Puso’y nakahilig sa masama.
O kay daling makasilo sa amin,Kulang na pananampalataya.
(KORO)Palakasin pananampalataya,Pakiusap, Diyos naming Jehova.
Nagsusumamo salig sa ’yong awa,Nang maparangalan ka, O Ama.
2. Kung mayroong pananampalataya,Gantimpala ay ’yong ilalaan.
Sa ’min ito’y magsisilbing kanlungan;Mahaharap ang kinabukasan.
(Koro)
118 Palakasin Mo ang AmingPananampalataya
(Lucas 17:5)
(Tingnan din ang Gen. 8:21; Heb. 11:6; 12:1.)
1. No’ng una ang Diyos ay nagsalita,Ginamit mga propeta.
Ngayo’y sabi niya, ‘Magsisi lahat,’Anak niya’ng nagbabala.
(KORO)Pananampalataya mo,Malakas ba at totoo?
Makikita ba sa gawa?Ito’y tiyak na magliligtas sa ’yo.
2. Utos ni Jesus ay sinusunod,Ipangaral ang Kaharian.
Pangako ng Diyos ating ihayag,Pag-asa ang siyang laan.
(Koro)
3. Angkla na matibay at matatagang pananampalataya.
Sa tulong ng Diyos, walang pangamba.Kaligtasa’y nar’yan na.
(Koro)
119 Dapat Magkaroonng Pananampalataya
(Hebreo 10:38, 39)
(Tingnan din ang Roma 10:10; Efe. 3:12; Heb. 11:6; 1 Juan 5:4.)
1. Pinakadakilang tao si Kristo;Ngunit ambisyon ay wala sa puso.
Kahit binigyan ng dakilang atas,Kailanman si Kristo’y ’di nagmataas.
2. Ang lahat ng taong nabibigatan,Nais niyang pasanin nila’y maibsan.
At kung uunahin ang Kaharian,Kaginhawahan tiyak na makakamtan.
3. Tayo’y magkakapatid, ang sabi niya.Sa kapakumbabaan, tularan siya.
Mga mahinahon ay mahal ng Diyos;Lupa’y kanilang mamanahing lubos.
120 Tularan ang Kahinahunan ni Kristo(Mateo 11:28-30)
(Tingnan din ang Kaw. 3:34; Mat. 5:5; 23:8; Roma 12:16.)
1. Mahal natin ang Diyos na Jehova;Kaya nga iwasan na magkasala.
Kung ang laman dulot ay lumbay,Espiritu dulot ay buhay.
2. Sa araw-araw, nar’yan ang tukso.Mag-ingat baka mailihis tayo.
Madaraig ang kasalanansa tulong ng katotohanan.
3. Sa ’ting pagkilos pati salita,Ngalan ni Jehova baka madusta.
Sana’y maging tunguhin lagi:Dapat magpigil sa sarili.
121 Kailangan ang Pagpipigil sa Sarili(Roma 7:14-25)
(Tingnan din ang 1 Cor. 9:25; Gal. 5:23; 2 Ped. 1:6.)
1. Mga bansa ay naguguluhan;May pangamba sa kinabukasan.
Magpakatibay tayo nang lubos,At tapat sa ating Diyos.
(KORO)Upang buhay makamtan,Mundo’y ating layuan,
At magpakatatagHanggang kawakasan.
2. Sa mundo ay laganap ang tukso;Sanggalang ay isip na matino.
Masama ay kapootan natin;Ang mabuti’y ibigin.
(Koro)
3. Sambahin ang Diyos mula sa puso.Sa ministeryo, sumama tayo.
Ihayag ang mabuting balita.Ang wakas, malapit na.
(Koro)
122 Magpakatatag!(1 Corinto 15:58)
(Tingnan din ang Luc. 21:9; 1 Ped. 4:7.)
1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaralTungkol sa Kahariang minamahal,
Ang kaayusan niya’y dapat na sundin,Pagkakaisa ay panatilihin.
(KORO)Pagpapasakop at katapatan,Sa Diyos ay ilaan.
Maibigin siya, mapagkalinga.Tayo ay iingatan.
2. Katiwala ng Diyos ang ating gabay,At espiritu niya sa ’ti’y aakay.
Maging matatag nang lingap niya’y kamtin.Ihayag natin ang kaniyang layunin!
(Koro)
123 Magpasakop saTeokratikong Kaayusan
(1 Corinto 14:33)
(Tingnan din ang Luc. 12:42; Heb. 13:7, 17.)
1. Katapatan, ipakitasa ’ting Diyos na Jehova.
Bilang bayang nakaalay,Alamin ang utos niya.
Payo niya ay makat’wiran;Sundin ang kaniyang gabay.
Siya’y tapat, maaasahan.Sa kaniya’y ’di wawalay.
2. Katapatan, ipakitasa ’ting mga kapatid;
May tiwala’t malasakit,at palaging mabait.
Ang dangal ay ipakita;Igalang silang tunay.
Sa buklod ng kapatiran,Huwag tayong hihiwalay.
3. Katapatan, ipakitasa mga nangunguna.
Sundin natin mga payoat tagubilin nila.
Pagpapala ni Jehova,Ito ay sasaatin.
Kung tapat at masunurin,Pagsang-ayo’y kakamtin.
124 Ipakita ang Katapatan(Awit 18:25)
(Tingnan din ang Awit 149:1; 1 Tim. 2:8; Heb. 13:17.)
1. Maawain si Jehova.Siya ay Diyos na maligaya.
Nalulugod siyang ilaanang ating pangangailangan.
Pagsusumamo’y diringginkung pagsisisi’y taimtim.
Alam niyang tayo’y alabok;Awa niya’y iniaalok.
2. Kapag tayo’y nagkasala,Hangad natin ay awa niya.
Turo ni Kristo sa atin,Dapat maging maawain.
Upang tayo’y patawarin,Maging mapagpatawad din.
Huwag tayong maghinanakitnang pumayapa ang isip.
3. Kapag tayo’y nagbibigay,Walang ganting hinihintay.
Papuri ay hindi hangad,’Pag nagbigay nang may galak.
Ating gawang mabubuti,Si Jehova ang gaganti.
Maawai’y maligaya,Mahal sila ni Jehova.
125 “Maligaya ang mga Maawain”(Mateo 5:7)
(Tingnan din ang Mat. 6:2-4, 12-14.)
1. Gising na! Magpakatibay;Manatiling matapat.
Taglayin ang katapangan;Ang tagumpay ay tiyak!
Kay Jesus tayo ay sumunod,Matatag at may lakas-loob.
(KORO)Gising na at magpakatibayHanggang sa ’ting tagumpay!
2. Gising na! Sundan ang Kristo.Laging handang sumunod
Sa patnubay ng alipinginatasang maglingkod.
Payo ng matatanda sa ’tin,Bilang tupa ay ating sundin.
(Koro)
126 Manatiling Gisı́ng at Magpakatibay(1 Corinto 16:13)
3. Gising na at ipangaralang mabuting balita.
Humadlang man ang kaaway,Tayo’y magkakaisa.
Ihayag natin si Jehova;Kaniyang araw ay malapit na!
(Koro)
(Tingnan din ang Mat. 24:13; Heb. 13:7, 17; 1 Ped. 5:8.)
1. Ano’ng kapalit na maibibigay?Salamat, Jehova, sa taglay kong buhay.
Puso’y sinuri; salamin ko ang Bibliya,Nang sarili kong pagkatao’y makita.
(BRIDGE)Buhay ’pinangako para sa iyo.’Di napipilitan; ito’y buong puso.
Pinipili ko na paglingkuran ka.Ang nais ko ay mapasaya ka.
Sana’y ’yong tulungang aking suriin,Pagkataong dapat na aking taglayin.
Ang mga tapat, tunay nga na mahal mo.Sana ay mapalugdan ko ang ’yong puso.
127 Ang Uri ng Pagkataona Dapat Kong Taglayin
(2 Pedro 3:11)
(Tingnan din ang Awit 18:25; 116:12; Kaw. 11:20.)
1. Ang mga pangako ng Diyos,mapananaligan.
Pagsubok sa katapatanay ’yong nakakayanan.
Ika’y nagiging matatagat nadadalisay rin.
Pananampalataya mo,Lalo pang patibayin.
2. Pag-ibig mo noong unaay huwag mong iwanan.
Sa kabila ng pagsubok,Lagi