72
Yunit 2 i Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

  • Upload
    others

  • View
    84

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Yunit 2

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

i

Araling Panlipunan

Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Page 2: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

 

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex,

Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected]

ii

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar

Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili

Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda

Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,

Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus

Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at

Jayson R. Gaduena

Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro

Encoder: Earl John V. Lee

Page 3: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Yunit 2: ANG AKING PAMILYAAralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng

Pamilya ......................... 54Aralin 1.1: Ang Aking

Pamilya ................................................ 55Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga

Kasapi ng Aking Pamilya ……………………………….......

61

Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ................ 65

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 70Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng

Aking Pamilya ....................................................................

71

Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya …………………………………………………………

76

Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ……………...

80

Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya 86Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking

Pamilya …………………………..……………………..……...

87

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya ...........................................

89

Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya …………………………… 96

Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …….…. 97

Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya ................................. 100

iii

Page 4: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Yunit 2: ANG AKING PAMILYA

Panimula

Mga Layunin:

4

Page 5: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:

1. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya;2. nasasabi na ang bawat pamilya ay may

angking katangian;3. nakasusunod sa mga alituntunin ng

pamilya;4. naipagmamalaki ang pamilya;5. napahahalagahan ang mabuting

pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya; at6. napahahalagahan ang ugnayan ng

sariling pamilya sa ibang pamilya7. nabibigyan ng kahulugan ang salitang

pamilya;

Aralin 1:Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya

5

Page 6: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Panimula

Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya

Pag-isipan

6

Page 7: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?

Gawain 1Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa

loob ng bahay na makikita sa ibaba.

Gawain 2Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong

guro o tagapag-alaga.

7

Ako si ______________________________________.

(Ano ang iyong pangalan?)

___________________ang kasapi ng aking (Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)

pamilya.

Si _____________________ ang aking ama.

(Ano ang pangalan ng iyong ama?)

Si _____________________ang aking ina. (Ano ang pangalan ng iyong ina?)

Si/ Sina _______________________________________

(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano ang kanilang pangalan?)

ang aking kapatid/mga kapatid.

Page 8: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 3Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilya

upang masagutan ang mga patlang.

Ang ama ko ay si _________________________________.

Siya ay _____________________________ taong gulang.

8

Page 9: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gusto niyang mag_______________________________ .

Ang ina ko ay si__________________________________ .

Siya ay _____________________________ taong gulang.

Gusto niyang mag _______________________________ .

Si ___________________________________ay kapatid ko.

Siya ay ______________________________taong gulang.

Gusto niyang mag________________________________ .

Gawain 4

Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito ay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan.

9

Page 10: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng isang bagay.

Sa paggamit ng bar graph, mahalagang tingnan muna ang pamagat upang malaman kung ano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graph na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph, makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras o tagal na inilagi nila sa bawat

10

Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa Lugar na Kanilang Pinasyalan

Ora

s

Mga Lugar na Pinasyalan

1

2

3

4

5

Bahay ng lola

Simbahan

Parke Pamilihan

Page 11: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

lugar. Ang bawat bar sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi ng pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sa bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang dalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan.

Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?

Gawain 5

Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukin ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang gagamitin ninyong bar sa gagawing bar graph upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya.

Ang mga Kasapi ng Pamilya

11

Maki

Bert

Rosa

Mark

Malaya

Dan

Edna

Abbi

Pat

Ron

Susan Mila

Mong

Rina

Ben

Ned

Lito

Aris

Nena1

2

3

4

5

6

9

8

7

10

Bila

ng n

g Ka

sapi

ng

Pam

ilya

Miko Bea Lina Paolo Tina

Pangalan ng Mag-aaral

Page 12: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya

Pag-isipanAno-ano ang ginagawa ng mga

kasapi ng iyong pamilya sa loob ng inyong tahanan?

Gawain 1

12

Tandaan: Ikaw ay bahagi ng isang pamilya. May iba’t ibang kasaping bumubuo sa iyong pamilya.

May pamilyang marami ang kasapi. May pamilyang kakaunti ang kasapi.

Nato

Page 13: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Tingnan ang larawan ng dalawang kamay. Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o tagapag-alaga sa patlang na makikita mo sa itaas ng larawan.

Gawain 2

Basahin ang tula na pinamagatang “Ang Aming Mag-anak”, nakuha mula sa http://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang-pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/.

13

Ang Aming Mag-anakAng aming mag-anak ay laging masaya.

Maligaya kami nina ate at kuya.Mahal kaming lahat ni ama’t ina.

Mayroon ba kayong ganitong pamilya?Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,

Tulong ni ama ay laging nakaabangSuliranin ni ate ay nalulunasan,

Sa tulong ni inang laging nakalaan

.

Page 14: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya?

Sino-sino sila? Ano ang naramdaman ng pamilya? Paano mo ito nasabi? Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?

Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi, bakit?

Gawain 3

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.

14

Page 15: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng puppet.

Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang bawat kasapi.

Gawain 4

Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kung Sama-sama.”

15

Masaya kung sama-sama,Sama-sama, sama-sama

Masaya kung sama-sama,At nagtutulungan

Kay inam ng buhayKung nagmamahalan

Masaya kung sama-samaAng buong pamilya

Page 16: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya

Pag-isipan Ano ang mga tungkulin mo sa iyong pamilya?

Gawain 1

Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.

16

Tandaan:

Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may bahaging ginagampanan sa inyong pamilya.

Page 17: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga kapatid?

Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nila? Bakit?

Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang ni Ben sa ginagawa nilang magkakapatid?

Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa inyong tahanan?

Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin

17

Page 18: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at masayang pagsasama ng inyong pamilya.

Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong tahanan?

Gawain 2

Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin kung alin sa mga ito ang nagpapakita na natupad ang tungkulin.

Iguhit ang masayang mukha sa larawang nagpapakita na natupad ang tungkulin at malungkot na mukha naman kung nagpapakita na hindi natupad ang tungkulin.

18

Page 19: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 3

Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong pamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawang tungkulin sa bawat araw.

19

Page 20: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

20

Page 21: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya

Panimula

21

Tandaan:

Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa iyong pamilya. Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at masayang pagsasama ng inyong pamilya.

Page 22: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya

Pag-isipan Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpasaya sa iyo?

Gawain 1

Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon. Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-sunod.

22

Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon

Page 23: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 2

Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang pamilya.

23

Page 24: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 3

Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.

Ano ang nakikita sa larawan?

Sino-sino ang nakikita sa larawan?

Anong pangyayari ang nakikita sa larawan?

Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit?

24

Page 25: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi?

Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na mahalaga? Gawain 4

Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob ng larawan ng bahay.

25

Page 26: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 5

Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang timeline.

Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya?

26

Tandaan:

May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili.

Page 27: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya

Pag-isipan Ano ang mga bagay o pangyayaring nagbabago o nagpapatuloy sa iyong pamilya?

Gawain 1

Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.

Larawan 1: Noong isilang si Laya

27

A B

Page 28: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Larawan 2 : Noong anim na taong gulang na si Laya

Marami ka bang nakulayan?

Gawain 2

Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at Larawan 2 ng pamilya ni Laya.

Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya ni Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan 1?

Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasapi ng pamilya na nasa letrang A at letrang B ng Larawan

1. Anong pagbabago ang napansin mo sa kanila?

28

Page 29: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang C at letrang D ng Larawan 2?

Gawain 3

Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayari sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

29

Page 30: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 4

Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.

Ang Buhay ng Aking Pamilya

Ano ang nagbago?

Ano ang hindi

nagbago?Kasapi

TirahanGinagawa sa loob ng bahay

Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga pangyayari na nagbabago at nananatili? May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago?

30

Tandaan:May mga bagay o pangyayari na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya.

Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago o pananatili ng isang bagay o pangyayari.

Page 31: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral

Pag-isipan

Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aral?

Gawain 1

Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Kulayan ito.

Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay, punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.

31

Page 32: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ang Aking Pamilya

Ako ay nabibilang sa pamilya _________________. (apelyido)

Binubuo ang aking pamilya ng ___________ kasapi. (bilang ng kasapi)

Nakatira ang aming pamilya sa _______________________________________________ . (lugar ng tirahan)

Ang tatay ko ay isang _________________________ . (gawain o hanapbuhay)

Ang nanay ko ay isang ________________________. (gawain o hanapbuhay)

Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-sama ay ________________________________. (paboritong gawain ng pamilya)

Ang aming pamilya ay ________________________. (pinakagustong katangian ng pamilya)

Gawain 232

Page 33: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong ng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart na makikita sa ibaba.

Pangalan ng mga kasapi ng pangkat

Apelyido

Bilang ng Kasapi ng Pamilya

Tirahan

Gawain o hanap-buhay ng tatay

Gawain o hanap-buhay ng nanay

Paboritong gawain ng pamilya

May napansin ka bang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong mga kamag-aral?

May nais ka pa bang ibahaging impormasyon tungkol sa iyong pamilya?Gawain 3

33

Page 34: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, at makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o tuyong dahon.

Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno at idikit ito sa isang malinis na papel

Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon at idikit ito sa ginawang puno.

34

Page 35: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Family tree ang tawag sa iyong ginawa. Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat isa.

Gawain 4

Ibahagi sa klase ang ginawang family tree. Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang

35

Page 36: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-aral.

Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano ang masasabi mo sa inyong mga nabuong family tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family tree?

Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya

Panimula

36

Tandaan:May pagkakaiba at pagkakatulad ang

katangian ng bawat pamilya. Sa pagkakaibang ito makikita ang namumukod na katangian ng isang pamilya.

Nararapat lamang na igalang ang katangian ng bawat pamilya.

Page 37: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya

Pag-isipan Ano ang mga dapat at di dapat gawin sa loob ng inyong bahay?

37

Page 38: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 1Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin

sa mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong ginagawa sa bahay.

Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong kinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na alituntunin.

May naisip ka pa bang alituntunin na ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?Gawain 2

Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito ang ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.

38

Page 39: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

G. Magsabi ng “po” at opo” sanakatatanda

39

Maaari po ba akong sumama?

Page 40: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

H. Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro

I. Iligpit ang mga laruan matapos laruin

Gawain 3

Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letra sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa ibaba.

40

Page 41: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 4

Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.

41

Tandaan:

May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya.

Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya.

Page 42: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya

Pag-isipan

Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng iyong pamilya?

Gawain 1

42

Page 43: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.”

Anong sinabi ng matandang gamugamo sa batang gamugamo?

Anong ginawa ng batang gamugamo?

Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang sinabi ng matandang gamugamo?

Ano kaya ang naramdaman ng matandang gamugamo sa hindi pagsunod ng batang gamugamo?

Anong nangyari sa batang gamugamo?

Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga ang iyong karanasan.

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng inyong pamilya?

43

Page 44: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 2Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng

pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.

Gawain 3Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.

Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong “Snakes and Ladders.” Makinig sa panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong ito.

44

Page 45: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang binagong Snakes and Ladders?

Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin?

Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi pagsunod sa alituntunin?Gawain 4

Magpatulong sa guro upang mapunan ang patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa iyong magulang o tagapag-alaga.

Mahal na _____________________ ,

Ipinangangako ko na simula sa araw na ito, ___________________ , susundin ko ang sumusunod na Isulat ang petsa ngayon

alituntunin sa ating pamilya:45

Page 46: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

1. ________________________________________

2. ________________________________________

3. ________________________________________

________________________________________ Isulat ang buong pangalan

________________________________________Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga

Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya

Panimula

46

Tandaan:

Mahalaga ang mga alituntunin. Nagkakaroon ng kaayusan at

katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang mga ito.

Page 47: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya

Pag-isipan Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya?

Gawain 1

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na nakatakda sa inyong grupo.

Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal

Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos 47

Page 48: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa

Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa

Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan

Gawain 2

Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling pamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawang nagpapakita nito.

48

Page 49: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

May iba ka pa bang naiisip na mabubuting katangian ng iyong pamilya?

Gawain 3

Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdala ng larawan ng masasayang gawain ng inyong pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay, at iba pa.

49

Page 50: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong pamilya.

Gawain 4

Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon.

50

Sa aking mga mahal na ____________________, (pangalan ng mga kasapi ng pamilya)

Maraming salamat sa ______________________________________________________________________________________________________________________________________.

(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyongpamilya na dapat mong pasalamatan)

Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya!

Nagmamahal,___________________________

(Isulat ang iyong pangalan)

Page 51: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya

Pag-isipan

Bakit mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya?

Gawain 1

Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ng salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

Alam mo ba ang tawag dito?

51

Tandaan:Ang bawat pamilya ay may taglay na mabubuting katangian. Nararapat lamang na ipagmalaki mo

ang pamilyang iyong kinabibilangan.

Page 52: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikit na larawan upang makabuo ng isang hugis o pattern.

Gawain 2

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon.

Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?Ano ang paboritong gawin ng pamilyang

Ismid?Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng

pamilyang Ismid?

52

Page 53: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa kanilang lugar?

Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi habang sila ay natutulog?Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?

Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid, ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?

Gawain 3

Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam mo ba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture ang mga kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang pangyayari gamit ang kanilang katawan.

Bumuo ng pangkat na may walong kasapi. Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawan nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba pang pamilya.

Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint Me a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari. Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong guro na maaari na kayong muling kumilos.

Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang ipinakitang larawan ng inyong pangkat.

53

Page 54: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Gawain 4

Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba.

Ano ang ipinakikita ng larawan?

Bakit masaya ang mga taong nasa larawan?

Bakit mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan ang bawat pamilya?

54

Tandaan:

Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya.

Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.

Page 55: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan:

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.2. Nagamit ko ang aking

kasanayan sa sining.3. Nagbahagi ako ng aking

kuwento sa aking mga kamag-aral.

4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro.

5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kamag-aral.

6. Nasuri ko ang iba’t ibang larawan.

7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang pangyayari.

8. Natukoy ko ang mga bagay na 55

Mag-aaral Guro

Page 56: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

nagbago at nanatili sa aking pamilya.

9. Napahalagahan ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat pamilya.

10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang bagay tungkol sa aking pamilya.

Nagawa ko ang mga bagay na ito:1. Nasabi ko ang mga

impormasyon tungkol sa aking pamilya.

2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan.

3. Nakagawa ako ng stick puppet.

4. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya.

5. Naikumpara ko ang kuwento ng aking pamilya sa kuwento ng pamilya ng aking mga kamag-aral.

6. Naipagmalaki ko ang aking pamilya.

7. Nakagawa ako ng bar graph.8. Nakabuo ako ng timeline.9. Nakagawa ako ng graphic

organizer.10. Nakagawa ako ng mosaic.11. Nakasulat ako ng liham

pasasalamat sa aking magulang.

12. Nakagawa ako ng family 56

Mag-aaral Guro

Page 57: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

tree.13. Nakabigkas ako ng isang tula.14. Nakaawit ako ng isang kanta.

Naipahahayag ko ang mga ito:

1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t ibang kasapi ang isang pamilya.

2. Nasasabi kong may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya.

3. Nasasabi kong may mga bagay na nanatili at nagbago sa isang pamilya.

4. Nasasabi kong may iba’t ibang Alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya.

5. Nasasabi kong mahalaga ang mabuting ugnayan ng bawat pamilya sa isang pamayanan.

6. Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang aking pamilya.

7. Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ng ibang pamilya.

Komento ng iyong guro:______________________________________________________________________________________________________

57

Mag-aaral Guro

Page 58: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewIsulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at

___________________________________________________________________________________________________________________________.

58