44
1 Unang Markahan TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN Unang Aralin Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon Panimula: Lalakbayin natin ang mundo gamit ang globo at mapa Tanong: Paano nilakbay ni Magellan ang Pilipinas? Sa kanyang paglalakbay, ano ang kanyang napag- alaman tungkol sa hugis ng mundo. ( Sumangguni sa

Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

  • Upload
    voxuyen

  • View
    1.361

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

1

Unang Markahan

TAO, KAPALIGIRAN AT LIPUNAN

Unang Aralin

Pagtukoy ng Pilipinas Gamit ang

Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Panimula: Lalakbayin natin ang mundo gamit ang

globo at mapa

Tanong:

Paano nilakbay ni Magellan ang Pilipinas?

Sa kanyang paglalakbay, ano ang kanyang napag-

alaman tungkol sa hugis ng mundo. ( Sumangguni sa

Page 2: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

2

website na ito:http://video.answers.com/learn-

about-magellans-voyage-1519-1522-117507844)

Page 3: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

3

Gawain 1:

Tanong:

Ano ang hugis ng mundo?

Ano ang replica ng mundo?

Ang globo ay modelo ng mundo. Sa globo

makikita ang kabuuang larawan kung saan

nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa,

mgakaragatan, at mga kontinente.

Page 4: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

4

Gawain 2:

Ano-ano ang mga pangunahing direksyon?

Page 5: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

5

Gawain 3:

Ano-ano ang mga pangalawang direksyon?

Page 6: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

6

Gawain 4:

Ano ang mapa?

Ang mapa ay isang patag na paglalarawan sa

daigdig.

Matutukoy mo ba ang iba’t ibang lugar ng

Pilipinas ayon sa pangunahin at pangalawang

direksyon?

Page 7: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

7

Gawain 5:

Subukan natin ang inyong kakayahan sa

pagtukoy ng mga lugar gamit ang mapa ng

Pilipinas.

1. Ano ang malaking pulo na nasa hilaga?

2. Ano ang malaking pulo na nasa kanluran?

3. Ano ang malaking pulo na nasa timog?

4. Ano ang malaking pulo na nasa silangan?

Ano naman ang apat na pangalawang

direksyon?

Kung ikaw ay nasa Cebu, ano-ano ang mga

lalawigang malapit ayon sa pangalawang

direksyon:

1. Timog silangan

2. Timog kanluran

3. Hilagang kanluran

4. Hilagang silangan

Gawain 6:

Sagutin ang mga sumusunod:

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa

sagutang papel.

1. Ano ang replika o modelo na mundo?

A. globo B. mapa C. kompas

Page 8: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

8

2. Ano ang patag na larawan ng mundo kung

saan ipinapakita ang mga lokasyon ng mga

lugar, anyong- tubig, at anyong –lupa?

A. globo B. mapa C.kompas

3. Nasa anong kontinente ang bansang

Pilipinas?

A. Aprika B. Asya C. Australia

B. Alamin ang mga lugar gamit ang pangunahin

at pangalawang direksyon. Isulat ang titik ng

tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang malawak na katubigan na nasa

gawing silangan ng Pilipinas?

A. Dagat Timog Tsina B.Dagat Celebes

C. Karagatang Pasipiko

2. Ano ang malaking pulo na nasa hilaga ng

Visayas?

A. Mindanao B. Luzon C. Palawan

3. Ano ang bansa na nasa hilagang-kanluran ng

Pilipinas?

A. Thailand B. Brunei C.Hongkong

Page 9: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

9

Ikalawang Aralin

Pilipinas Bilang Bahagi ng Mundo

Gawain 1:

A. Ano-ano ang mga mahahalagang

bahagi ng mundo?

Page 10: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

10

B. Ano-ano ang mga guhit na makikita sag

lobo?

Ekwador – Ito ang guhit na pahalang na

naghahati sag lobo sa hilaga at timog

hemispero na nasa 0° na nakakaulong sa

pag-aaral ng klima ng daigdig

ekwador

Page 11: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

11

Latitud/Parallel- Ito ang tawag sa mga

guhit na nasa hilaga o timog ng linya ng

ekwador. Ito ay iginuhit nang paikot sag

lobo. Ang sukat mula ekwador ay 0°

hanggang 90° polong hilaga o 0°

hanggang 90° polong timog. Ginagamit

ang itik H upang tikuyin kung ang latitude

ay nasa Hilaga ng ekwador at titik T kung

nasa Timog ekwador.

Page 12: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

12

Longhitud/Meridian – Ito ang tawag sa mga guhit

na nasa kanluran o silangan ng linya ng prime

meridian at international dateline. Ito ay

iginuguhit nang paikot sag lobo. Ang sukat mula

prime meridian ay 0° hanggang 180°

international dateline. Ginagamit ang titik K

upang tikuyin kung longhitud ay nasa Kanluran

ng prime meridian at titik S kung nasa Silangan ng

prime meridian.

Page 13: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

13

Gawain 2:

A. Ano-ano ang mga kontinente ng mundo?

Subukan ang mga ito sag lobo.

1. Asya

2. Europe

3. North America

4. South America

5. Africa

6. Antarctica

7. Australia

B. Ano-ano ang mga karagatan ng mundo?

Iguhit an gang mundo at ilakip ang mga

karagatan .

1. Karagatang Pasipiko

2. Karagatang Atlantiko

3. Karagatang Indian

4. aragatang Arctic

Gawain 3:

Alamin ang mga sumusunod na

katanungan. Isulat ang tamang sagot sa papel.

_____________ 1. Ito ang tawag sa mga guhit na

nasa kanluran o silangan ng linya ng prime

meridian at international dateline.

_____________2. Ito ang tawag sa mga guhit na

nasa hilaga o timog ng linya ng ekwador.

Page 14: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

14

_____________3. Ito ang guhit na pahalang na

naghahati sag lobo sa hilaga at timog hemispero

na nasa 0° na nakakaulong sa pag-aaral ng

klima ng daigdig.

____________4. Ito ang kontinente kung saan

nabibilang ang Pilipinas.

____________5. Ito and karagatan na nasa

silangan bahagi ng Pilipinas.

Ikatatlong Aralin

Pilipinas Bilang Bahagi ng Mundo

Gawain 1: Awitin ang kantang “Kay Liit ng

Mundo”

O Kay Liit ng Mundo

Ito ang mundo ng kasiyahan

Ng kalungkutan, ng kalumbayan

Pag-ibig, pag-asa at pagmamahalan

Dapat isaalang-alang

O kay liit ng mundo,

O kay liit ng mundo,

O kay liit ng mundo,

O kay liit ng mundo.

Page 15: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

15

Gawain 2:

1. Suriin ang globo. Hanapin ang bansang

Pilipinas.

2. Ipaskil ang bansang Pilipinas sa payak na

larawan ng isang globo. Kulayan ito.

Page 16: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

16

Gawain 3: Isulat sa hanayan ang mga lalawigan

kabilang sa malalaking pulo.

Luzon Visayas Mindanao

Gawain 4:

A. Tingnan ang globo. Hanapin kung saang

latitud at longhitud naroroon ang mga bansang

sumusunod:

Bansa Latitud Longhitud

1. Pilipinas

2. Hapon

3. Saudi Arabia

B. Sabihin ang mga pook na may relatibong

lokasyon sa Cebu.

1. Hilaga –

2. Timog –

3. Silangan –

4. Kanluran –

Page 17: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

17

Ikaapat na Lingo

Ang Klima ng Bansa

Gawain 1: A. Awitin natin ang Kaysarap ng Ulan

Kaysarap ng Ulan

Kung ang ulan ay katas ng mga prutas

O, kaysarap ng ulan!

Ako’y lalabas nang ako’y makalasa

A, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a, a

O, kaysarap ng ulan!

Gawain 2

Ang Pilipinas ay may dalawang pangunahing uri

ng klima.

Subalit may apat na uri ng klima ayon sa dami ng

ulan. Ano-ano ang mga ito?

Unang Uri ng Klima – May salawang tiyak na

panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang

Abril, maulan naman mula Mayo hanggang

Oktubre. Nakakaranas ng ganitong uri ng klima

ang mga lugar .

Ikalawang Uri ng klima – Maulan sa mga lugar na

sa kanlurang bahagi ng Pilipinas tulad ng Ilocos,

Mindoro, Palawan, at Negros.

ito. Nakakaranas ng lalong malalakas n pag-ulan

mula Nobyembre hanggang Enero. Madalas din

Page 18: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

18

itong daanan ng bagyo. Kasama sa mga lugar

na ito ang Silangang Quezon, Catanduanes,

Sorsogon, Samar, Leyte, at Silangang bahagi ng

Mindanao.

Ikatlong Uri ng Klima – Hindi gaanong tiyak ang

panahon. Tuyo mula Nobyembre hanggang

Abril. Maulan mula Mayo hanggang Oktubre.

Nararanasan sa mg alugar ng Kanlurang

Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, silangang

bahagi ng Mountain Province, timog Quezon,

silangang Negros, silangang Panay, gitna

hanggang Timog ng Cebu, at bahhagi ng

Hilagang Mindanao.

Ikaapat na Uri ng Klima – Halos pantay ag

distribusyon ng ulan sa buong taon. Kasama sa

mga lugar na ito ang hilagang-silangang Luzon,

kanluran ng Camarines Norte at ng Camarines

Sur, Marinduque, at ilang bahagi ng Mindanao.

Gawain 3

Magbigay ng kaukulang gawain na maaring

gawin sa nabanggit na panahon:

Tag-ulan Tag-init

Page 19: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

19

Gawain 4

Sagutin ang mga pagsasanay.

Direksiyon: isulat sa papel ang letra ng tamang

sagot:

1. Alin ang naglalarawan sa klima ng bansa?

A. tropical B. pabago-bago

C.walang direksyon

2. Ilang uri ng panahon sa ating bansa?

A. 2 B. 3 C. 4

3. Ano-ano ang uri ng klima sa ating bansa?

A. tag-ulan at tag-init B. tag-ulan, tag-

init at tagsibol

C. taglamig, tagsibol, tag-init at taglagas

4. Bakit magkakaiba ang klima sa ibat-ibang

bahagi n gating bansa?

A. Dahil sa pagkilos ng hangin

B. Dahil sa pagdaan ng mga bagyo

C. Dahil sa pisikal na kapaligiran

II. Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Sagutin ang

mga tanong :

maulan

bagyuhin

malamig

bagyuhin

Page 20: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

20

1. Ano ang uri ng klima sa Sta. Rosa?

2. Ano ang klima ng Lian?

3. Aling mga pook ang magkatulad ang klima?

4. Alin-alin ang madalas na daanan ng bagyo?

5. Ano ang klima sa Niyogan?

Ikalimang Aralin

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Gawain 1: Awitin ang “ PIlipinas Kong Mahal”

Pilipinas Kong Mahal

Ang bayan ko'y tanging ikaw

Pilipinas Kong Mahal

Ang puso ko at buhay man

Sa iyo'y ibibigay

[ Lyrics from: http://www.lyricsty.com/francisco-

santiago-pilipinas-kong-mahal-lyrics.html ]

Tungkulin kong gagampanan

Na lagi kang paglingkuran

Ang laya mo'y babantayan

Pilipinas kong Hirang

Gawain 2: Ano-ano ang mga anyong lupa at

kanilang katangian?

Page 21: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

21

Kapatagan — isang lugar kung saan walang

pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at

pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman

ng mga palay,mais,at gulay.

Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig,

may matatarik na bahagi at hamak na mas

mataas kaysa sa burol. hal.Bundok

Banahaw,Bundok Apo.

Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na

kung saan ang tunaw na bato ay maaaring

lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.

May dalawang uri ng bulkan, una ang

tinatawag na tahimik na kung saan matagal

na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang

Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng

Laguna; at ang ikalawang uri naman ay

aktibo na kung saan maaari itong sumabog

anumang oras. Mapanganib ang ganitong

bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga

ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito

ay ang Bulkang Pinatubo.

Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa

bundok at ang halimbawa nito ay ang

tanyag na Chocolate

Hills ng Bohol saPilipinas. Pabilog ang hugis

nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa

panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay

nagiging kulay tsokolate.

Page 22: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

22

Lambak — isang kapatagan ngunit

napaliligiran ng mga bundok. Marami ring

mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani,

mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas — patag na anyong lupa sa

mataas na lugar. Maganda ring taniman

Bulubundukin — matataas at matatarik na

bundok na magkakadikit at sunud-

Gawain 2: Ano-ano ang mga tubig at ang

kanilang mga katangian?

a. Karagatan -Ang karagatan ay ang

pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-

tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga

kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko,

Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian,

Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

b. Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-

tubig na mas maliit lamang ang sukat sa

karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat

nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa

mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina,

Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes,

Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)

Page 23: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

23

c. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong

tubig na umaagos patungong dagat.

Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas

ng bundok o burol.

d. Look - Ang look ay anyong-tubig na

nagsisilbing daungan ng mga barko at iba

pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang

tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa

dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila,

Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng

Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng

mga look sa Pilipinas.)Ito ay parte ng isang

Golpo

e. Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran

ng lupa.

f. Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa

isang sapa

Gawain 3: Sagutin ang pagsasanay:

Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Hanapin

ang titik ng tamang sagot at isulat sa

sagutang papel.

A. B.

_____1. Pinakamataas na

anyong lupa a. lawa

_____2. Mataas na lugar

tulad ng bundok ngunit ang

ibabaw nito ay patag b. kapatagan

Page 24: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

24

_____3. Anyong tubig na

hindi dumadaloy at

napapaligiran ng lupa c. bundok

_____4. Anyong tubig na

bumabagsak mula sa

mataas na lugar d. talon

_____5. Ito ay malawak at

patag na lupain e. talampas

Ikaanim na Aralin

Uri ng Mapa ng Pilipinas ( Katangian at

Pagkakakilanlang Heograpikal)

Gawain 1: Balik-aralan ang kahulugan ng mapa.

Ibigay ang mg uri ng mapa. Ibigay ang

kahulugan ng mga sumusunod na mapa:

1. Mapa ng relatibong lokasyon

2. Mapang Pisikal at topograpikal

3. Mapang Pangklima

Mapa ng relatibong lokasyon - Tiyak o

absolutong pagtukoy ng lokasyon

Mapang pisikal - uri ng mapa na

naglalarawan sa anyong lupa o tubig.

Mapa ng klima - uri ng mapa na

nagpapakita ng tipo ng klima ng iba't ibang

lugar.

Page 25: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

25

Gawain 2. Subukin at gawin

a. Maglagay ng tsart sa pisara. Bawat bata ay

bibigyan ng larawan o salita at dapat

Idikit nila ito kung saan ito nararapat.

Tag – ulan tag – init talampas

Lambak taglamig Taiwan

Japan Cambodia Karagatan

Pangklima

Pisikal/Topograpikal

Relatibong

Lokasyon

Page 26: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

26

Gawain 3: Iguhit ang mapa ng Pilipinas. Kulayan

at kilalanin ang mga lalawigan.

Page 27: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

27

Gawain 4: Iguhit ang mapa ng inyong

lalawigan . Isulat ang mga lungsod at bayan

nito. Kulayan ito.

Page 28: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

28

Ikapitong Aralin

Likas Na Yaman Ng Bansa

Illus of natural resources

Pag-isipan Illus of a child

Tayo’y Umawit

Tayo’y Umawit

(Himig: Leron-Leron Sinta)

Bansang Pilipinas pinagpalang tunay

Mga anyong lupa, mga anyong tubig

Ang lahat ng ito nagbibigay ganda

At umaakit pa sa mga turista.

Kaya dapat lang ating pagkaingatan

Ano-ano ang

inyong nakikita sa

larawan?

Ano ang tawag

natin dito?

Page 29: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

29

Mga ilog, dagat na pinagkukunan

Isda, perlas at mga kabibe pa

Nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Ating anyong-lupa bigyan ng halaga

Ito’y nagbibigay pagkain sa tuwina

Masustansiyang gulay, prutas at iba pa

Pagputol ng puno dapat iwasan na

Tanong:

Ano ang ibig ipahiwatig sa

kanta?

Saan ba natin makukuha ang

mga isda, perlas at mga

kabibe?

Saan ba natin makukuha ang

masustansiyang gulay, prutas,

at iba pa?

Dapat ba nating

pahalagahan ang mga ito?

Paano mo mapahahalagahan

ang ating mga likas na

yaman?

Gawain 1

Ilagay sa tamang hanay ang sumusunod na

larawan. Illus of

ginto pilak mais bangus niyog

abaka langis palay gulay korales

Page 30: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

30

Yamang Nauubos Yamang Di-Nauubos

Gawain 2

A. Basahin ang maikling tula.

Bansang Pinagpala ni: Bing Castor-Gonzales

Ating bansa’y kaakit-akit

Tunay na marikit

Mga anyong-lupa nito’y

Walang makahihigit.

Page 31: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

31

Malawak na kapatagan

Mataas na kabundukan

Mga burol at palayan

Tila walang katapusan.

Tayo’t pagmasdan mo

Lalim ng karagatan

Tila baga dinuduyan

Sa alon ng kagandahan.

Mga ilog, lawa dito

Look, talon at baybayin

Pinagpala ng Diyos natin

Kaya’t nararapat na mahalin.

Sagutin ang sumusunod:

1. Tungkol saan ba ang tula?

2. Ano ang mensahe ng tula?

3. Ikaw, ano ba ang iyong magagawa

upang mapangalagaan ang ating likas na

yaman?

B. Gumuhit ng iba’t ibang likas na yaman na

ating makukuha sa lupa, tubig at gubat.

Page 32: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

32

Yamang Lupa Yamang

Tubig

Yamang Gubat

Gawain 3

A. Isulat ang N kung ang likas na yaman ay

nauubos at DN ay di-nauubos.

_____1. ginto _____ 6. pilak

_____2. mais _____ 7. bangus

_____3. niyog _____ 8. abaka

_____4. langis _____ 9.palay

_____5. gulay _____ 10. korales

B. Pangkatin ang mga likas na yaman ayon sa

uri na nasa talahanayan. Gawin ito sa

sagutang papel.

isda ginto perlas

Page 33: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

33

tangile korales goma

troso pilak nikel

tanso gulay

alimango

pinya abaka yakal

Yamang

Lupa

Yamang

Tubig

Yamang

Gubat

Yamang

Mineral

C. Gumawa ng isang poster tungkol sa

tamang paglinang ng ating mga likas na

yaman.

Tandaan

Ang mga lupang sakahan,

tubigan, pangisdaan, kagubatan, at

kabundukan ang bumubuo ng mga likas

na yaman ng bansa.

Ayon sa anyo, dalawa ang uri ng

mga likas na yaman- nauubos o yamang

di-napapalitan at di-nauubos o yamang

napapalitan. Kabilang sa yamang

nauubos o yamang di-napapalitan ang

Page 34: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

34

mga yamang mineral gaya ng ginto, pilak,

tanso at nikel.

Samantala, ang mga yamang di-

nauubos o yamang napapalitan ang mga

halaman, hayop, at kagubatan.

Ikawalong Aralin

Gawain 1

Umawit Tayo

Umawit nang masigla sa himig ng “Sitsiritsit” .

Sumunod sa

guro.

Tayo Na

(Himig: Sitsiritsit)

Sa malawak na sakahan

Sari-sari ang halaman

Mais, gulay, sitaw, pakwan

Kalabasa at dalandan.

Mamasyal sa pangisdaan

At doo’y matitikman

Mga isdang malinamnam

Sa protina ay mayaman

Page 35: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

35

Sa ilalim ng kabundukan

Mayroon ding likas na yaman

Pilak, ginto, tanso, bakal

Makukuha sa minahan.

Tanong:

Ano ang iyong naramdaman habang

umaawit?

Ipinagmamalaki mo ba na sagana sa

likas yaman ang ating bansa?

Ano-ano ang mga likas yaman na ating

makukuha sa sakahan? pangisdaan?

kagubatan?

Gawain 2

Pagbabasa ng isang dayalogo.

Illus of two children talking

Jenny : Napakaganda naman ng mesa at

upuan natin!

Mel : Oo nga, gawa kasi iyan sa matibay

na kahoy.

Page 36: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

36

Jenny : Nagmula sa ating mga minahan at

kagubatan ang mga iyan.

Mel : Gawa naman sa minang mineral ang

mga kagamitan.

Jenny : Sagana talaga sa yamang mineral at

yamang gubat ang ating bansa.

Tanong:

Sino ba ang nag-uusap sa dayalogo?

Tungkol saan ba ang kanilang pinag-

uusapan?

Anong materyal ang ginamit sa

paggawa ng mga mesa at upuan?

Alam na ba ninyo kung saan makikita

ang pinakamalaking kagubatan sa

bansa?

Malaking tulong ba sa atin ang mga

yamang mineral? Saan ba natin ito

makukuha?

Gawain 3

Sa isang short size bondpaper, iguhit ang iba’t

ibang likas yaman na pinakikinabangan ng

ating bansa. Kulayan ito.

Page 37: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

37

Luzon Visayas Mindanao

Bulkang Mayon

Chocolate Hills Talon ng Maria Cristina

Hundred Islands

Boracay Beach Dapitan Shrine

Banaue Rice Terraces

Tulay ng San Juanico

Moro Vinta

Gawain 4

Magagandang

Tanawin

Itanong:

Ano-anong mga magagandang

tanawin ang ating makikita sa Visayas?

Saan naman natin makikita ang

Bulkang Mayon? Banaue Rice Terraces?

Talon ng Maria Cristina?

Paano natin mapangalagaan ang

ating magagandang tanawin at lugar

pasyalan?

Gawain 5

A. Iguhit ang likas na yaman na sa tingin mo

ay iyong napakikinabangan. Kulayan ito.

Gawin ito sa papel.

Page 38: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

38

B. Sagutin ng Tama o Mali. Isulat sa inyong

papel ang sagot.

1. Ang Bulkang Mayon ay nasa Laguna.

2. Maraming magagandang tanawin at

lugar pasyalan sa Pilipinas.

3. Ang Chocolate Hills ay nasa Visayas.

4. Ang Banaue Rice Terraces ay gawa ng

kalikasan.

5. Pinakamahabang tulay sa Pilipinas ang

tulay ng San Juanico.

C. Ilista sa inyong sagutang papel ang mga

produkto ng ating bansa na nagmuka sa

likas na yaman.

Tandaan

May iba’t ibang likas yaman ang

bansa na ating pinakikinabangan. Ayon sa

gamit may mga likas na yamang

nagagawang produkto at nagagamit ng

tuwiran sa iba’t ibang industriya.

Sa Palawan makikita ang

pinakamalaking kagubatan sa bansa. Ang

mga trosong nakukuha rito ay angkop na

angkop sa paggawa ng mga cabinet,

muwebles, at bahay dahil sa matibay at

matigas ang mga ito.

Page 39: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

39

Ang mayamang lupa ay nagbibigay

sa bansa ng mga metal at di-metal na mga

mineral tulad ng carbon at langis na

nagpapaandar sa mga sasakyan at iba pa.

Ang mga ito ay nagbibigay ng higit na

kaunlaran sa kabuhayan ng bansa. May

mga mineral na napakahalaga tulad ng

ginto, pilak, tanso, at nikel dahil

nagagawang alahas, kasangkapan, at

palamuti ang mga ito.

Ikasiyam Na Aralin

Gawain 1

Umawit Tayo!

Kantahin ang awiting “ Masdan Mo Ang

Kapaligiran” ng Asin.

Masdan Mo Ang Kapaligiran

(Asin)Wala ka bang napapansin

Sa iyong mga kapaligiran

Kay dumi na ng hangin

Pati na ang mga ilog natin.

(Refrain1)

Hindi na masama ang pag-unlad

At malayu-layo na rin ang ating narating

Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat

Page 40: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

40

Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin

Sa langit huwag na nating paabutin

Upang kung tayo’y pumanaw man,

Sariwang hangin sa langit natin

Matitikman.

(Refrain 2)

Mayron lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw

Sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap nalang tayo

magkantahan

Ang mga batang

ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang

matitikman?

May mga puno pa kaya

silang aakyatin

May mga ilog pa

Kayang lalanguyan?

(Refrain 3)

Bakit di natin pag-isipan

Ang nangyayari sa ating

kapaligiran

Hindi na masama ang pag-unlad

Kung hindi nakakasira ng

kalikasan

Page 41: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

41

Darating ang panahon

Mga ibong gala

Ay wala ng madadapuan

Masdan mo ang mga punong

Dati’y ay kay tatag

Ngayo’y namamatay

Dahil sa ‘ting kalokohan

(Refrain4)

Lahat ng bagay na narito sa lupa

Biyayang galing sa Diyos

Kahit nong ika’y wala pa

Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa

Pagkat pag kanyang binawi,

Tayo’y mawawala na

(Repeat refrain 2)

Mayron lang akong hinihiling

Sa aking pagpanaw

Sana ay tag-ulan

Gitara ko ay aking dadalhin

Upang sa ulap nalang tayo

Magkantahan ang mga batang

Ngayon lang isinilang

May hangin pa kayang

matitikman?

May mga puno pa kaya

silang aakyatin

May mga ilog pa

Kayang lalanguyan?

Page 42: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

42

Tanong:

Ano ba ang inyong nararamdaman

habang kumakanta?

Ano kaya ang mensahe ng awit?

May napapansin ka ba sa ating

kapaligiran? Anu-ano ang mga ito?

Gawain 2

Iguhit sa loob ng kahon ang iyong magagawa

upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Gawain 3

Isulat ang tsek ( / ) sa sagutang papel kung ang

parirala ay nagpapakita ng wastong

pangangalaga ng yamang tubig at ekis (x) kung

hindi.

1. Pagtanim ng mga puno sa mga bundok

Page 43: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

43

2. Pag-alis ng basura sa ilog

3. Paglaba sa tabing ilog

4. Iwasan ang pagtapon ng busura sa

pangisdaan

5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda

Ikasampung Aralin

Panimula

Illus. natural resources

Pag-isipan

Ano-ano ang ating mga pinakugkunang

yaman?

Gawain1:

Panuto:

Gamit ang drawing book, lapis, krayola o mga

kagamitang panglokal, gumawa ng mapa na

nagpapakita ng mga likas na yaman ng Pilipinas

Gawain 2:

Panuto:

Isulat ang pagkapareha, pagkakaiba at

kakayahang taglay na katangian

Page 44: Unang Markahan - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ap_lm_1stq_grade3.pdf · Asya 2. Europe 3. North America 4. ... naghahati sag lobo sa hilaga at

44

Gawain 3

1. Kunin ang inyong mga kagamitan,

gumawa o gumuhit ng isang

patalastas o advertisement na

nagsusulong at nagpapalaganap ng

mga magagandang tanawin at

pangunahing lugar pasyalan sa ating

bansa.

2. Ipaskil ang mga ito sa bulletin board

at sa ibang lugar sa loob ng silid-

aralan

Tandaan:

Dapat ingatan ang ating mga

pinagkukunang yaman

dahil bigay ito sa ating Panginoon.

Kakaiban

g taglay

na

katangian