Upload
others
View
63
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.4(Week 2):
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob
10
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.4 (Week 2): Ang Mataas na Gamit at Tunguhun ng Isip at Kilos-Loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ruth Angelie S. Carin
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Chona B. Jumao-as, Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Ruth Angelie S. Carin
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit
at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iv
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos-Loob!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
v
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawain para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka bilang
mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos ang konsepto ng isip
at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay-daan upang magamit
sa iba’t ibang kalagayan ng pagkatuto.
Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang
karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung saan
mo basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na nakagagawa ng angkop na
kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag
ng pagmamahal at paglilingkod (MELC EsP10MP-Ie-3.4).
2
Ayon kay Thomas Monson,” Una, punuin ang iyong isip ng katotohanan; pangalawa,
punuin ang iyong buhay ng serbisyo; at pangatlo, punuin ang iyong puso ng pagmamahal
(1995).” Ang mga salitang ito ay nagpapatunay na dapat nating punuin ang ating pagkatao ng
katotohanan, pag-ibig, at paglilingkod habang tinatahak ang buhay. At gamitin ang mga ito
bilang huwaran upang maaaring ihulma at hubugin ang ating sarili. Ito ay ating
tungkulin tungo sa buhay, at upang magawa ito, dapat nating gamitin ang ating isip at kilos-
loob para maisagawa angkop na kilos.
Subukin
Panuto: Sa nakaraang aralin, naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para
lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Nagbigay din ng
karagdagang gawain hinggil sa tamang paggamit ng isip at kilos-loob sa isang malikhaing
paggawa. Sa lahat nga kaalamang ito, isulat ang pinakainam na sagot sa Paunang Pasulit sa
iyong kwaderno:
1. Ito ay ang pagtugon ng tao sa layunin na hinihingi ng sitwasyon.
a. Pagmamahal b. Paglilingkod
c. Hustisya d. Respeto
2. Ito ang kaisipang sumusunod sa isip na nagbibigay-kahulugan sa isang sitwasyon dahil sa
kamalayan at asbstrak na kakayahan. Ang isang tawag sa taong tinalakay ay kapag ang isang
sitwasyon ay tinukoy.
a. Nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo
b. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
c. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
d. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
Aralin
4
Ang Mataas na Gamit at Tungkulin ng Isip at Kilos-Loob
3
3. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. Kakayahang mag-abstraksiyon
b. Kamalayan sa sarili
c. Pagmamalasakit
d. Pagmamahal
4. Ito ang kakayahan ng pag-iisip upang buod ng karanasan at maglakip ng isang term upang
mabigyan ito ng kahulugan.
a. Mag-isip b. Makaunawa
c. Maghusga d. Mangatwiran
5. Ito ang pangunahing gamit ng isip ng tao.
a. Mag-isip
b. Umunawa
c. Magpasya
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
4
Balikan
Pagkatapos basahin ang ibinigay na sitwasyon ibaba, magpasya at gumawa solusyon
sa papamagitan ng paggamit sa mga speech balloon. Gawing gabay ang usapan ni Tiboy at
Ramon sa unang module.
Palaging kang honor student mula sa unang baitang hanggang sa pagtatapos mo sa
elementarya. Ngayong nasa ikapitong baitang ka na nag simula ka nang magkagusto sa
kasalungat na kasarian.
Ngunit ng makilala mo ang iyong kasintahan nagdi-date na kayo pagkatapos ng klase,
at madalas, matagal na kayong natutulog dahil sa pagchat hanggang hating-gabi. Napabayaan
mo nang alagaan ang iyong pagiging honor student at ang iyong mga marka. Nasa ikatlong
markahan na at nanganganib kang di makapagtapos sa sekondarya dahil sa iyong mga lagpak.
Kinausap ka ng iyong ina, at nagtanong siya kung ano ang iyong katuwiran sa iyong
naging pasya at kilos, at kung ano ang iyong solusyon kaugnay dito.
Gamit sa Pagsusuri:
5
Tuklasin GAWAIN
Panuto: Kaugnay sa pasya at solusyon sa naunang gawain sa speech balloons sa
sitwasyong inilahad, pagnilayan ang mga sumusunod na tanong at isulat ang mga sagot sa
iyong kwaderno.
1. Ginagamit ko ba ang aking isip sa pagtuklas ng katotohanan? Pangatwiranan ang iyong
sagot.
2. Upang magmahal at maglingkod, ginagamit ko ba ang aking kilos-loob? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
3. Kaugnay nito, ano-ano ang mga plano kong gawin?
Gamit sa Pagsusuri:
6
SURIIN Ayon sa pilosopiya ni Sto. Tomas de Aquino, “Ang tao ay binubuo ng ispiritwal at
material na kalikasan.” Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao.
Una sa dalawang kakayahan ay ang “Pangkaalamang Pakultad (knowing faculty) dahil
sa kaniyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa,
naghuhusga, at nangangatwiran. Ang pangalawa ay Pagkagustong Pakultad (appetitive
faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob (Esteban, 1990).”
Ipinakita rin ni Esteban (1990) ang gamit ng tsart sa ibaba:
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal (Katawan)
Panlabas na Pandama
Panloob na Pandama Emosyon
Ispiritwal (Kaluluwa) (Rasyonal)
Isip Kilos-loob
Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama ― paningin, pandinig, pandama, pang-
amoy, at panlasa ― nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad
ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.
Ang Panloob na Pandama ay qalang direktang ugnayan sa reyalidad kaya’t
dumidepende lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama. Ito ay binunuo ng:
1. Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-unawa.
2. Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangayayari o karanasan.
3. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito.
4. Instinct – kakayahang mararamdaman ang isang karanasan at tumugon
Ayon kay Robert Edward Brenan (1948), may tatlong kakayahan na nagkakapareho sa hayop
at sa tao:
• Pandama
• Pagkagusto (appetite)
• Pagkilos o paggalaw (locomotion)
7
Pagyamanin
Gawaing Pagkatuto Panuto: Sa iyong kwaderno, kopyahin at isulat ang mga tanong sa ibaba sa tamang
talahanayan:
Mga Tanong sa Paggamit ng Isip at Paghahanap ng Katotohanan
Mga Tanong sa Gusto pang Matutunan sa Paggamit ng Isip at Paghahanap ng
Katotohanan
1. 1.
2. 2.
3. 3,
Pagsusuri sa Gawain: Limang puntos sa bawat tanong at hindi lalagpas sa labin-lima bawat
hanay.
Isaisip
Gawaing Paglalapat
Panuto: Gumawa ng isang rap o kanta na nagpapahiwatig sa importansya ng tamang
kilos ng mga kabataan na nagpapakita ng pagiging mapaglingkod at mapagmahal.
Kraytirya:
a.Nilalaman 30%
b.Presentasyon 50%
c.Orihinal 20%
8
Isagawa
Panuto: Ilagay ang impormasyong hinihingi sa talahanayan sa iyong kwaderno.
Sampung puntos sa bawat kumpleto at angkop na sitwasyong ibinigay.
Sitwasyon Kilos Realisasyon
1.
2.
3.
4.
Matapos sagutan ang talahanayan, isulat ang iyong damdamin at reyalisasyon nang
hindi bababa sa limang pangungusap.
Pagsusuri sa sanaysay:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinal 20%
d. Kalinisan 10%
9
Tayahin
Panuto: Base sa mga nakuha mong mahahalagang repleksyon sa aralin, sagutan ang
iyong kwaderno ang mga katanungan sa ibaba, limang puntos sa bawat bilang.
1. Sa paggunita at pagsusuri sa iyong mga pagpapasya at pagkilos sa nakaraan, ano ang
naramdaman mo tungkol dito?
2. Sa pagsulat ng iyong mga desisyon at kilos na nagpapahiwatig ng mga negatibong
katangian, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili?
3. Sa pagsagawa ng responsableng kalayaan, ano ang karaniwang pumipigil sa iyo na gawin
ito?
Gamit sa Pagsusuri:
10
Karagdagang Gawain
Sa pagtatalakay sa paksa ay madaming gawaing pagkatoto na ang iyong nagawa, at
mga sangguniang nasuri. Posible makatulong ang Karagdangang Gawain na ito. Pagnilayan at
sagutan ang hinihingi.
Panuto: Pumili ng tatlong karanasan o sa ibang matalik na kaibigan at sagutan ang
hinihingi ng ng talahanayan.
Gamit sa Pagsusuri:
11
Susi sa Pagwawasto
PAUNANG PASULIT
1. B
2, B
3. D
4. A
5. B
12
Sanggunian Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao. P.21-41: FEP
Printing Corporation, Pasig City. De Torre, J. (1980) Christian Philosophy. Sinag-Tala Publishers. Manila. Dy, M. Kaisipan, Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP).
Vol. No.1 Monson, T.S. (August, 1995). Formula for Success.
https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/1995/08/formula-for-success?lang=eng. Retrieved July 22, 2020.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]