2
ARMAS SA PAKIKIBAKA (Armasan ang puso ng prinsipyo ng pakikibaka) John Carlo Cudia Lorenzo | University of the Philippines Manila Ngayon ay humaharap ang iskolar ng bayan sa rurok ng krisis sa edukasyon. Higit pa rito, patuloy din ang pagtapak sa karapatan ng mamamayang Pilipino sa batayang serbisyong panlipunan. Sa pagsuri sa mga daluyong na dumarating, patuloy na pinatutunayan ng iskolar ng bayan na kinakailangan ng pinakamatalas na linya upang makamit ang pagkakaisang pinanday ng prinsipyo, katwiran, at katotohanan. Sa pagkakataong haharapin at kakalabanin ang pinakamataas na yugto ng krisis, dadalhin ng mga iskolar ng bayan at mamamayan ang prinsipyadong pagkakaisang nabuo patungo sa sama-samang pagkilos, dahil ito ang kasaysayan ng kilusang patuloy na binabago ang ating lipunan. Ito ang kasaysayan ng ating pamantasan. Ito ang kasaysayan ng Office of the Student Regent. Ang mismong Office of the Student Regent (OSR) ay mula sa tagumpay ng laban at pagkakaisa ng mga iskolar ng bayan at mamamayan. Sa panahong humaharap ang ating pamantasan sa mabibigat na isyu, nakita na ang tagumpay ng laban ng iskolar ng bayan ay makakamit lamang sa pagpapaloob ng kanyang laban sa pakikibaka ng kabataan at mamamayang Pilipino. Ang laban ng iskolar ng bayan ay hindi hiwalay sa laban ng sambayanan. Ngayon ay mas hinihimok ang mga iskolar ng bayan ng panahon upang gamitin ang ating mga armas; paigtingin ang ating prinsipyadong pagkakaisa upang mas lumakas ang ating sama-samang pakikibaka na magkakamit ng mas malaking tagumpay. Ang rehente ng mga mag-aaral ang pangunahing magtataguyod ng pagkakaisa ng mga konseho at lahat ng mag-aaral ng UP. Makakamit lamang ito sa patuloy na diskusyon sa mga isyu at problemang kinakaharap natin. Kailanman hindi dapat nagpapakupot ang rehente sa takot na dala ng tunggalian at mga debate, dahil dito naguguhit ang pinakamatalas na linya na magmumulat sa malaking bilang ng iskolar ng bayan at magpapanday sa ating pagkakaisa. Ang rehente ng mga mag-aaral ay hindi nag-iisa. Sa lahat ng pakikibaka sa loob at labas ng Board of Regents ay kasama niya ang laksa-laksang masa na nagbibitbit ng boses na makaestudyante at makamamamayan. Mas napapalakas ng ating sama-samang pagkilos ang pagyanig sa kinauukulan hinggil sa ating panawagang libreng edukasyon para sa lahat. Ang rehente naman ay hindi dapat tumiklop sa mga daluyong maaaring dumating. Ang rehente ng mga mag-aaral ay hindi lamang dapat nagpapakulong sa pagmumulat, sya din ay ang pangunahing nag-oorganisa at nagpapakilos sa mga estudyante at mamamayan. Patuloy na dapat binabalikan ang kanyang katungkulang tunay na representante ng mga iskolar ng bayan. Sa pagpapatuloy ng mga tagumpay ng mga nakaraang rehente ng mga mag-aaral, narito ang aking mga panukalang plano upang makamit ang mga nabanggit na layunin. General Plan of Action Hinggil sa demokratikong pamamahala at tunay na representasyon Pagpapalakas ng relasyon ng OSR at mga UP yunit sa pamamagitan ng pagkokonsulta sa mga konseho at pahayagan.

VMG Carlo Lorenzo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

VMG Carlo Lorenzo

Citation preview

  • ARMAS SA PAKIKIBAKA

    (Armasan ang puso ng prinsipyo ng pakikibaka)

    John Carlo Cudia Lorenzo | University of the Philippines Manila

    Ngayon ay humaharap ang iskolar ng bayan sa rurok ng krisis sa edukasyon. Higit pa rito,

    patuloy din ang pagtapak sa karapatan ng mamamayang Pilipino sa batayang serbisyong

    panlipunan. Sa pagsuri sa mga daluyong na dumarating, patuloy na pinatutunayan ng

    iskolar ng bayan na kinakailangan ng pinakamatalas na linya upang makamit ang

    pagkakaisang pinanday ng prinsipyo, katwiran, at katotohanan. Sa pagkakataong haharapin

    at kakalabanin ang pinakamataas na yugto ng krisis, dadalhin ng mga iskolar ng bayan at

    mamamayan ang prinsipyadong pagkakaisang nabuo patungo sa sama-samang pagkilos,

    dahil ito ang kasaysayan ng kilusang patuloy na binabago ang ating lipunan. Ito ang

    kasaysayan ng ating pamantasan. Ito ang kasaysayan ng Office of the Student Regent.

    Ang mismong Office of the Student Regent (OSR) ay mula sa tagumpay ng laban at

    pagkakaisa ng mga iskolar ng bayan at mamamayan. Sa panahong humaharap ang ating

    pamantasan sa mabibigat na isyu, nakita na ang tagumpay ng laban ng iskolar ng bayan ay

    makakamit lamang sa pagpapaloob ng kanyang laban sa pakikibaka ng kabataan at

    mamamayang Pilipino. Ang laban ng iskolar ng bayan ay hindi hiwalay sa laban ng

    sambayanan.

    Ngayon ay mas hinihimok ang mga iskolar ng bayan ng panahon upang gamitin ang ating

    mga armas; paigtingin ang ating prinsipyadong pagkakaisa upang mas lumakas ang

    ating sama-samang pakikibaka na magkakamit ng mas malaking tagumpay.

    Ang rehente ng mga mag-aaral ang pangunahing magtataguyod ng pagkakaisa ng mga

    konseho at lahat ng mag-aaral ng UP. Makakamit lamang ito sa patuloy na diskusyon sa

    mga isyu at problemang kinakaharap natin. Kailanman hindi dapat nagpapakupot ang

    rehente sa takot na dala ng tunggalian at mga debate, dahil dito naguguhit ang

    pinakamatalas na linya na magmumulat sa malaking bilang ng iskolar ng bayan at

    magpapanday sa ating pagkakaisa.

    Ang rehente ng mga mag-aaral ay hindi nag-iisa. Sa lahat ng pakikibaka sa loob at labas ng

    Board of Regents ay kasama niya ang laksa-laksang masa na nagbibitbit ng boses na

    makaestudyante at makamamamayan. Mas napapalakas ng ating sama-samang pagkilos

    ang pagyanig sa kinauukulan hinggil sa ating panawagang libreng edukasyon para sa lahat.

    Ang rehente naman ay hindi dapat tumiklop sa mga daluyong maaaring dumating.

    Ang rehente ng mga mag-aaral ay hindi lamang dapat nagpapakulong sa pagmumulat, sya

    din ay ang pangunahing nag-oorganisa at nagpapakilos sa mga estudyante at mamamayan.

    Patuloy na dapat binabalikan ang kanyang katungkulang tunay na representante ng mga

    iskolar ng bayan.

    Sa pagpapatuloy ng mga tagumpay ng mga nakaraang rehente ng mga mag-aaral, narito

    ang aking mga panukalang plano upang makamit ang mga nabanggit na layunin.

    General Plan of Action

    Hinggil sa demokratikong pamamahala at tunay na representasyon

    Pagpapalakas ng relasyon ng OSR at mga UP yunit sa pamamagitan ng

    pagkokonsulta sa mga konseho at pahayagan.

  • Pag-update sa mga napagkasunduan sa Board of Regents, at mabilisang aksyon sa

    mga napagkasunduang hindi pabor sa mga estudyante.

    Patuloy na paglulungsad ng mga summit at congress.

    Paglulungsad ng mga education discussions at basic masses integration sa mga yunit

    upang mas mapalawak ang kaaalaman sa isyu ng lokal at nasyunal.

    Pagpapatuloy ng mga kampanya na isinisigaw ang ating karapatan sa edukasyon

    Patuloy ang kampanyang mataas na subsidiya para sa ating pamantasan at patuloy

    sa panawagang pagbabasura ng Socialized Tuition.

    Pag-aaral sa mga polisiya at programang nakatuon sa kaunlaran ng unibersidad.

    Pagbubuo ng mga alyansa na mas maghihimok sa iskolar ng bayan na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa edukasyon.

    Hinggil sa Demokratikong Karapatan

    Pagpapatuloy ng UP Agenda and List of General Demands.

    Pakikipag-ugnayan sa iba pang rehente ng Board of Regents, mga opisina ng administrayon, unyon at iba pang miyembro ng komunidad ng UP.

    Paglulunsad ng kampanya para sa pagkakaroon ng representate ng mga mag-aaral

    sa lahat ng pagbubuo ng desisyon sa bawat yunit.

    Paghimok sa mga iskolar ng bayan na makialam sa iba pang isyung panlipunan.

    Paglulungsad ng voters education para sa nalalapit na pambansang eleksyon.

    Karapatan ng mga kababaihan at mga may napiling kasarian.

    Ituloy ang adbokasiya hinggil sa pagpapatuloy ng GPH-NDFP peace talks.

    ITULOY ANG ADBOKASIYA PARA SA KARAPATAN NG MGA KATUTUBO AT

    PAMBANSANG MINORYA.

    Ituloy ang adbokasiya na itaas ang sahod ng mga mangagawa ng 16,000/buwanan.

    Ituloy ang adbokasiya na tunay na reporma sa lupa para sa mga magsasaka.

    Palawakin ang kaalaman hinggil sa ibat-ibang karapatang pantao. Isulong ang karapatan ng lahat sa libre at dekalidad na serbisyong medikal at

    makilahok sa pakikibaka upang pigilan ang pagprivatize ng mga pampublikong

    ospital.

    Ituloy ang adbokasiya sa pag-aaalaga sa ating kalikasan.

    Ang rehente ng mga mag-aaral ay hindi lamang basta representante ng mga iskolar ng

    bayan, sya rin ay representante ng boses ng milyong-milyong kabataan na wala sa

    paaralan, mga manggagagawa na ginagawang alipin sa mga pabrika, mga magsasaka na

    patuloy na inaagawan ng lupa, mga kababaihan na patuloy na ginagahasa, mga katutubo

    na patuloy na pinapaalis sa kanilang mga lupang ninuno, mga mamamayang Pilipino na

    bukang-liwayway palang ay gising na, magbabanat ng buto para sa sahod na sa pamilya ay

    hindi mapagkasya. Patuloy na isusulong ang politika ng masa at palaging babalikan ang

    kanyang mandato na paglingkuran ang sambayanan.