19
WIKANG FILIPINO: KUMUSTA NA? MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. Istambay na Istandardisasyon Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang Ingles sa Filipino. Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nagsasabing “kung ano ang baybay, siya ring sulat.” Kaya isusulat ang salitang Ingles a ng “magnetic” sa “magnetik,” ang “” sa “ekwipment,” at ang “census” bilang “sensus.” Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas, ang paggamit sa binagong alpabeto sa talakayang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino: Paglilinaw at Paglalapat” sa Elizabeth Seton School-South, Cavite noong 2002. Sa artikulong makikita sa www.dasma.dlsu.edu, kanyang sinabi na nakasaad sa rebisyon ang maluwag na paggamit ng apat sa walong titik na dagdag (C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z). Maaaring gamitin ang mga letrang F, J, V at Z sa mga karaniwang salita habang limitado pa rin sa mga salitang teknikal, kultural at tanging pangalan ang nalalabing apat na letra. Ngunit tila hindi pa rin ito sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang Filipino upang maging ganap na pambansang wika ito. Para sa iba, walang kaganapan at linaw ang pamantayan. “Kinakailangan munang simulan ang pagkakasundo sa kung anong pamantayan ang gagamitin, bago maging ganap na wikang pambansa ang Filipino,” ani Reynaldo Candido Jr., propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters at dating katulong na patnugot sa Filipino ng Varsitarian. Para kay Vim Nadera, direktor ng Likhaan Institute of Creative Writing ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), matagal na dapat naisaayos ang mga alituntunin sa wika. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit pilit pa ring pinipigil ang pag-unlad nito. “Intelektwalisado na ang Filipino dati pa,” aniya. “Ngunit ang masakit nito, kumukontra sa paggamit ng Filipino ang mismong KWF.”

WIKA Articles

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: WIKA Articles

WIKANG FILIPINO: KUMUSTA NA?

MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. 

Istambay na Istandardisasyon

Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang Ingles sa Filipino. Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nagsasabing “kung ano ang baybay, siya ring sulat.” Kaya isusulat ang salitang Ingles a ng “magnetic” sa “magnetik,” ang “” sa “ekwipment,” at ang “census” bilang “sensus.” 

Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa Filipino ng De La Salle University-Dasmariñas, ang paggamit sa binagong alpabeto sa talakayang “2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino: Paglilinaw at Paglalapat” sa Elizabeth Seton School-South, Cavite noong 2002. Sa artikulong makikita sa www.dasma.dlsu.edu, kanyang sinabi na nakasaad sa rebisyon ang maluwag na paggamit ng apat sa walong titik na dagdag (C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z). Maaaring gamitin ang mga letrang F, J, V at Z sa mga karaniwang salita habang limitado pa rin sa mga salitang teknikal, kultural at tanging pangalan ang nalalabing apat na letra. Ngunit tila hindi pa rin ito sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang Filipino upang maging ganap na pambansang wika ito. Para sa iba, walang kaganapan at linaw ang pamantayan. “Kinakailangan munang simulan ang pagkakasundo sa kung anong pamantayan ang gagamitin, bago maging ganap na wikang pambansa ang Filipino,” ani Reynaldo Candido Jr., propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters at dating katulong na patnugot sa Filipino ng Varsitarian. Para kay Vim Nadera, direktor ng Likhaan Institute of Creative Writing ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), matagal na dapat naisaayos ang mga alituntunin sa wika. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit pilit pa ring pinipigil ang pag-unlad nito. “Intelektwalisado na ang Filipino dati pa,” aniya. “Ngunit ang masakit nito, kumukontra sa paggamit ng Filipino ang mismong KWF.”

Ayon kay Nadera, ang KWF ang siya umanong kumakampi sa pagpapatupad ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Dahil dito, naitutulak palayo ang mga Pilipino sa pagtangkilik sa sariling wika.

Itinanggi ng KWF ang umanong pagkiling nito sa paggamit ng Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Ipinaliwanag ni Ricardo Nolasco, ang tagapangulong komisyoner, na itinataguyod lamang nila ang multilingguwalismo kung saan magsisimula ang pagtuturo ng mga asignatura sa wikang sinasalita sa isang rehiyon. Kasama ang paggamit ng Ingles sa patakarang ito.“Hindi rin maitatatwa ang kahalagahan ng mga rehiyonal na wika at Ingles sa pakikipag-

Page 2: WIKA Articles

ugnayan ng mga Pilipino.” 

Inamin naman ng komisyon na naguguluhan din maging sila sa kanilang nilabas na rebisyon kaya binawi nila ito noong Hulyo 5 ng taong kasalukuyan. Ayon kay Nolasco, hindi nila maunawaan ang pagbaybay ng mga salitang-hiram. Halimbawa, ginawang “soljer” ang salitang “soldier,” “kaf” ang “cough,” at “vekeyshun” ang “vacation.” 

Aniya, “kahit ang mga taga-KWF, hindi ginagamit ang rebisyong ginawa noong 2001”.Dagdag pa ni Nolasco, pansamantalang ibabalik muna ang alpabetong Filipino ng 1987, kung saan ginagamit at tinatanggap ang walong banyagang letra, ngunit ibabaybay ayon sa pagsasalita ng Filipino. 

Kung on, ibabalik din ang mga salitang “soljer” bilang “kawal,” “kaf” bilang “ubo”, at “vekeyshun” bilang “bakasyon.” 

Nakakaapekto rin sa problema sa wika ang iba’t ibang mga patakarang pangwika ng mga pamantasan, ayon kay Nadera. 

“Iba-iba kasi ang pamantayan sa pagsusulat sa Filipino na ginagamit ng mga paaralan,” ani Nadera. “Paiba-iba kasi ang paggamit ng alpabeto. Naghahalo-halo ang mga ito. Kung minsan ginagamit ang alpabeto noong 2001, kung minsan naman noong 1987. Iba-iba lahat, iba sa UP, sa La Salle, sa PNU at sa Ateneo. Sa UST, wala.”

Noong 1989, sinimulan ng UP ang paggamit sa Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Dahan-dahang ipinatupad ito hanggang sa kalaunan, maraming asignatura sa UP ang tinuturo gamit ang wika.

“Patunay ang istandardisasyon sa mga eskwelahan na kayang pag-isahin ang pamantayan ng wikang Filipino, at higit tayong uunlad kung gagamitin natin ito,” ani Nadera.Ibang usapin naman ang kalaan ng Filipino sa UST. Ani Candido, ang hindi pagkakaroon ng departamento sa Filipino dito ang dahilan kung bakit nakakaligtaan ang pagsunod sa iisang istandard sa Filipino. Noong 2004, nabuwag ang Department of Languages na siyang nangangasiwa dati sa pagtuturo sa wikang Filipino at pinalitan ito ng General Education Department. 

“Dito kasi sa UST, wala tayong ginagamit na alituntunin. Tinuturo ang nirebisang paggamit ng alpabeto, ngunit mapapansin na hindi pa rin naiintindihan ng lahat ang paggamit nito,” ani Candido. Halimbawa nito ang pagsulat sa salitang “alpabeto,” na maaaring gawing “alfabeto”. O “efekto,” sa halip na “epekto.”

Sinabi naman ni Nadera na inanyayahan noong 1994 ang UST na sumali sa Sanggunian ng mga Unibersidad at Kolehiyo sa Filipinas o SANGFIL kung saan nagkakaroon ng mga pagpupulong ang mga kolehiyo na talakayin ang kani-kanilang pananaw at ideya sa pagkaroon ng iisang sistemang pangwika, ngunit hindi ito lumahok. 

Layunin ng grupong SANGFIL ang ibayong pagsasaayos ng mga alituntuning pangwika at ang pag-uusap sa mga usapin nito sa akademya. 

Page 3: WIKA Articles

Ani Nadera, “pinalampas ng UST na malinang nito ang sariling polisiya sa paggamit ng Filipino lalo pa’t wala itong sariling departamento para sa sariling wika.” Dulot daw ito ng pagkiling sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo. 

Hindi rin sumusunod sa itinakdang bagong alpabeto ng KWF ang Ateneo, ayon naman kay Michael Coroza, propesor ng malikhaing pagsulat sa Ateneo De Manila University at dating patnugot sa Filipino ng Varsitarian. Aniya, “sinusunod ng Ateneo ang tradisyon ng panitikang Pilipino, dahil ito ang nakagisnan natin.” 

Mag-Ingles na lang ba?

Sa mga problemang kinakaharap ng wikang Filipino, napapatanong tuloy ang marami kung dapat nga bang gawing lingua franca ito ng mga Pilipino. May mga nagnanais na gamitin na lamang ang Ingles dahil naniniwala silang higit itong maunlad at angkop na midyum ng pakikipag-ugnayan lalo na sa panahon ng globalisasyon at information technology.

Noong 2004, itinakda ng Pangulong Macapagal-Arroyo ang pagbabalik sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa kanyang pasinayang talumpati noong nasabing taon, sinabi niyang nakatutulong sa mga Pilipino ang kagalingan sa pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa pagiging mabisa umano nito sa pagkatuto ng mga estudyante. 

Pinabulaanan naman ito ni Nadera. Aniya, mali ang paniniwala na tanging wikang Ingles lamang ang nagsisilbing susi sa kaunlarang pang-ekonomiya. 

“Higit nating kailangan ng wikang makapagbubuklod sa ating lahat at hindi solusyon dito ang paggamit ng Ingles. Mas dapat pagtuunan ng pansin ang paggamit ng Filipino dahil ito ang mas naiintindihan, partikular na ang mga masa sa bansa,” ani Nadera. “Ang mga edukado lamang ang siyang higit na nakakaintindi ng Ingles, at isinusulong nila ito para mapanatili ang kapangyarihan.”

Ganito rin ang pananaw ni Romulo Baquiran, isang propesor sa UP at manunulat sa Filipino. Aniya, hindi magagamit ng lahat ng Pilipino ang kahusayan sa pagsalita sa Ingles. Kahit mayroong pangangailangan sa ibang bansa ng mga manggagawang magaling magsalita sa Ingles, kaa ng mga call center agents at nars, “aabot lamang sa 200,000 na empleyado ang kukunin sa loob ng tatlo hanggang apat na taon,” ani Baquiran. 

Dagdag pa niya, “higit na maigi kung sa mother language natututo ang mga bata upang mapadali ang kanilang pag-aaral ng mga asignatura.” 

Ikinumpara naman ni Nadera ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa kalaan ng mga maliliit ngunit mauunlad na bansa tulad ng Thailand at Japan. Ayon sa kanya, hindi umaasa ang mga ito sa dayuhang wika upang makamit ang kaunlaran. 

“Malakas ang turismo at ekonomiya ng Thailand at Japan, ngunit hindi sila gumamit ng banyagang wika,” ani Nadera. “Hindi naman kasi kapag ginagamit ang wikang banyaga, sisikat at uunlad na. Marahil, mapipigil pa nito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Pilipino.”Ayon naman kay Baquiran, hindi sinusunod ng pamahalaan ang isinasaad ng Saligang Batas

Page 4: WIKA Articles

tungkol sa wikang Filipino. Ayon kasi sa Artikulo XIV Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano ang nararapat sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Ngunit, tila higit na pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang paglinang sa paggamit ng Ingles. Patuloy ni Baquiran, “halos lahat ng mga asignatura, sa Ingles tinuturo. Ang Filipino, subject na lamang.”

Iba naman ang pananaw ni Dr. Marilu Madrunio, direktor ng Departamento ng Wika ng UST. Aniya, hindi nangangahulugang isasantabi na lamang ang wikang Filipino tuwing gagamitin ang Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Hindi rin ito hudyat na itinutulak papalayo ang sariling wika. 

“Nakasanayan na kasing ituro ang Ingles sa UST. At lahat halos ng mga aklat na ginagamit nakasulat sa Ingles,” ani Madrunio.

Dagdag niya, ginagamit ang wikang Ingles dahil ito ang nakagisnang midyum ng pakikipag-ugnayan ng bansa sa loob ng isang siglo. Sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa, malaki rin ang naitutulong nito lalo na sa larangan ng negosyo at turismo. 

“Nasanay na ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles kung kaya’t ito ang inaasahang gagamitin sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Hindi lamang ito tumutulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa, ito rin ang kinakailangan sa patuloy na pagsulong ng globalisasyon.”Mula sa dyaryo, telebisyon, radyo at internet, mapapansin ang paggamit ng Ingles bilang paraan para ilahad ang mga mensahe sa mga tao. Nasusulat din sa wikang ito maging ang mga librong ginagamit sa pag-aaral. Kung kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit marami ang nag-iisip na naghahari ang wikang Ingles.

“Hindi na natin maaalis ang wikang Ingles dahil nakakabit na ito sa ating bokabularyo,” dagdag ni Madrunio. 

Kapansin-pansin ang malaking impluwensiya ng Ingles sa bokabularyo ng mga Pilipino, lalo na sa paggamit ng Taglish at Enggalog. Laganap ito lalo na sa mga mensaheng “text” tulad ng “dito na me” at “sino u.” Tinatawag ang ganitong penomenon na code- switching.Ayon kay Madrunio, isa itong penomenong panlingguwistika kung saan magkasalit na ginagamit ang dalawang magkaibang wika. 

“Halimbawa, kung magsasalita ako nang tuloy-tuloy sa Filipino tapos biglang may sasabihing salita sa Ingles, code- switching iyon.” 

Dagdag ni Madrunio na hindi dapat itinataguyod ang paggamit ng Taglish at Enggalog, dahil nagiging sagabal umano ang mga ito sa kakayahang magsalita nang tuloy-tuloy sa Ingles. “Noong mga 1950’s, kahit nakapagtapos lamang ng elementarya ang isang tao, makakapagturo ka na gamit ang wikang Ingles. Non, nahihirapan ang mga tao na magsulat at magsalita ng tuloy-tuloy kapwa sa Ingles at Filipino.” 

Sang-ayon naman dito si Nadera, at sinabing ang pag-usbong ng Taglish ang siyang nagbibi patunay na magulo ang paggamit ng wikang Filipino sa bansa.

Page 5: WIKA Articles

“Wala kasing sistema, kung kaya’t natatabunan ang Filipino. Nadadamay pa tuloy pati ang Ingles. Kung magkakaroon lamang ng sistema at ng pagkakaisa, malamang maisasaayos ang pagsasalita ng Filipino at babalik ito sa pagka-elegante nito,” aniya.

“Kung mayroon lamang istandardisasyon ang Filipino, maaaring maghari ito laban sa Ingles. Doon muna tayo magsimula,” ani Candido.Tunay na isang hamon sa wikang Filipino ang makasabay sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon para hindi ito matabunan ng mga dayuhang wika sa sariling bayan. a ng sinabi ni Nadera, “sana masimulan muna ang pagkakaisa sa istandardisasyon. Tapos popularisasyon naman. Dapat pambansa muna. Sana pandaigdigan din balang araw.” R. J. A. Asuncion at R. R. T. Calbay

Ang artikulo sa ibaba ay halaw sa THE VARSITARIAN.  Naantig ako sa nilalaman nito sapagkat sumisimbulo ito sa patuloy na pagwawalang bahala ng karamihan sa atin sa mga kalikasan at pinagmulan ng ating lahi kasama na ang pagpapayaman ng ating sariling wika.  Ikaw ba sang-ayon ka ba sa mga obserbasyong ito?

http://www.broodonline.com/forum/index.php?topic=773.0

Wikang Filipino sa Bagong HenerasyonWikang Filipino: pumaibabaw ka!Ngayon sa kasukdulan ng mga wikaDoon sa lahing Filipino ikaw ay punong yaman,Kaakit-akit ang iyong itinanghal na kalayaanhabang tatak mo ang kabantuganSa bayan ay parangalan ngayong buwan ng wika

Page 6: WIKA Articles

Sa pagkakataon lumipad ka muli!Dahil malayang binibigkas ang iyong buhay,Pawang mga puting ibon malaya sa kalangitanAng dakilang kulay na nagliparan ay lumiliwanagUmaakit sa paningin ng karamihan sa kalupaan,Sama-samang tumingin sa mga nakaraan.

Ipaliwanag mo ang kadiliman ng kahapon!Tinahi ang gutay-gutay na bandilaHabang pinagbaonan ng maraming nasawing buhayIsinisigaw ng mga bayani ang nag-iisang hantungang layon,Ang kalayaan sa isang diwa at bansa.

Ipadama sa kanila ang iyong kahalagahan!Sa mga lumimot ay ginawin sa hiyaHubaran ang suot na dayuhang pananalitaMagkakaunawaan lamang si Inka at InkoSa maraming pagkakataong hindi nagkakasundokahit isang dagat at pulo ang layo

Ano pa kaya kung ikaw ay lililok!Buhayin si Balagtas na balisa sa wikaMamukaw sa kaibuturan ng sambayananAt pasayahin ang mga nalulumbay na pusoSa kaluluwang bumibigkas ng lipi noon, ngayon at bukas.

Tumakbo ng mabilis sa bagong henerasyon!Sasakay sa globalisasyon ang kaunlaran at katahimikanDoon sa malayo matutunghayanMay sariling bituin at araw na kumikislapSa perlas ng silangan, buhay ay pumayahawMay awit na nagmamahal, maririnig sa lahing sanlibutan.

Posted by reynaldo on 08/08/2006 01:17 PM [12906 views]

http://www.philippinestoday.net/index.php?module=article&view=11

Filipino, Wika ng Bawat Pilipino

In my sixth column, I'll will pave way and give honor to our national language, Filipino.

Sometimes, we fortuitously neglect the importance of our national language. In whatever

reasons, we tend to take no notice of how one language works in one nation. This month of

Page 7: WIKA Articles

August, we will celebrate the Buwan ng Wika with the theme, "Maraming wika, matatag na

bansa."

Allow me to write my thoughts (in Filipino of course) about the significance of having one

language that binds us as one nation.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat

ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan.

Samakatuwid, ang wika ay nagbibigay diin sa kapaligiran at kultura ng isang bansa. Sa

ikapitong kabanata ng El Filibusterismo na akda ng ating pambansang bayaning si Gat Jose

Rizal na "bawat bayan ay may sarili niyang wika, sarili niyang kaugalian at damdamin."

Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw

na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng

sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang

kaisipan.

Sa ating bansa, ang wikang pambansa ay itinadhanang tawaging Filipino na nakasaad sa

Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1986 Konstitusyon. Ayon dito, "Ang wikang pambansa ng

Pilipinas ay Filipino."

Ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming yugto ng panahon.

Nariyang nakisalamuha natin ang wikang Kastila, Ingles at Tsino. Maraming taon ang ating

hinintay upang ganap nating makamit ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Bigyan din

nating halaga ang mga taong nagbigay pugay upang makamit natin ang wikang pambansa

na siyang tinatamasa natin ngayon. Ggaya na lang ni Rizal at higit kay Pangulong Manuel

L. Quezon, na siya namang tinagurian nating Ama ng Wikang Pambansa. Siya’y

nagtagumpay sa pagsusumikap na magkaroon ang bansang ito ng sariling wikang

pambansa – ang Filipino.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating

kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang

panig ng Pilipinas.

At sa kabila ng pagkakaroon ng wikang pambansa hindi natin maitatanggi na maraming

wika ang ating bansa. Walo ang opisyal opisyan nating wika at umaabot sa 68 ang ibang

wikang ginagamit ng maliliit na grupong etniko. Ang wikang kung tawagin ay bernakular

na ginagamit upang lubos na maunawaan ang kaisipan at damdamin. Dito sa Visayas,

mangilan-ngilan rin ang wikang bernakular na ginagamit sa pang-araw-araw tulad ng

Hiligaynon kabilang na ang Ilonggo, Akeanon, Karay-a at iba pa. Nagpapatunay lamang ito

na mayaman ang Pilipinas sa paggamit ng wika bagkus, nananaig pa rin ang wikang

Filipino.

Page 8: WIKA Articles

Ang patuloy na pag-aaral at pagkatuto ng wikang Ingles ay kailangan rin at mahalagang

matutuhan. Sa kasulukuyan, ito ang wikang pandaigdig ng kalakalan. Kailangan nating

makibagay sa pandaigdigang mundo ng panlipunan, pampulitika at pakikipagkalakalan sa

pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles bilang kasangkapan. Sa kabila nito, nananaig

pa rin ang wikang Filipino sa bawat puso ng bawat mamamayang Pilipino. 'Ika nga ng isang

dalubwika, "Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika."

Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa

pagkakaisa ng bansa. At bilang bayan, hindi tayo nagkakaroon ng higit na kamalayan kung

walang wikang panlahat. Samakatuwid, ang wikang Filipino ang siyang bumubuklod sa

mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ating sariwain ang linya sa tula ni Rizal na pinamagatang Sa Aking Mga Kababata:

"Ang hindi magmahal sa kanyang wika

Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Ng tulad sa iang tunay na nagpala."

Ang Filipino ay higit nating palawakin at payabungin tungo sa intelekwalisasyon upang

patuloy nating kaagapay sa pag-unlad ng bansa at maging epektibong kasangkapan sa

pagkakaunawaan ng bawat mamamayang Pilipino.

One national language, Filipino, one country, Philippines; be proud, be one!

For comments and suggestions: Email @ [email protected] or text @ 09196013499

http://www.thenewstoday.info/2007/08/08/filipino.wika.ng.bawat.pilipino.html

Page 9: WIKA Articles

Pambansang Seminar sa Wikang Filipino, Idinaos sa DLSU-Dasma Ang Pamantasang De La Salle-Dasmariñas sa pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino, Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon sa Lalong Mataas ng Edukasyon ay nagdaos ng isang pambansang seminar sa wikang Filipino noong Setyembre 27-29, 2007 sa Tanghalang Julian Felipe, DLSU-Dasmariñas, Cavite. Ang pangkalahatang paksa ng seminar ay “Ang Kulturang Pilipino sa Wika, Literatura at Pelikula.” Masusing tinalakay sa seminar ang limang panayam: 1. “Ang Sitwasyong pangwika ng Pilipinas” ni Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, Punong Komisyoner ng KWF; 2. “Ang Pulitika ng Wika”, tinalakay ni Prof. Randy David ng UP-Diliman; 3. “Peryodismong Pampulitika sa Pilipinas” ni Mr. Boy Villasanta; 4. “Konsentrikong Modelo sa Dinamikong Pagsasalita”, ni Mr. Christian George C. Francisco, DLSU-Dasmariñas. 5. “Ang Paglalapat ng Musika at Tunog sa Pelikula”, panayam ni Prof. Allan Roy Ungriano ng UA&P. Si Dr. Lakandupil C. Garcia ay nagbigay din ng workshop tungkol sa Paanunuring Pampelikula.

 

Espesyal na Kurso sa Kayarian at Morposintaktika ng Wikang Filipino,Idadaos sa Lungsod ng Baguio at Butuan Ang Komisyon sa Wikang Filipino sa pakikipagtulungan ng UP-Baguio at Northern Mindanao State Institute of Science and Technology-CARAGA ay magdaraos ng intensibong kurso sa kayarian at morposintaktika ng wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas sa Oktubre 15-25, 2007 sa Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod ng Baguio at Oktubre 19-30, 2007 sa NMSIST, Ampayon, Lungsod ng Butuan. Ito ay espesyal na kursong panggradwado (3 units, Masteral/Doctoral) para sa mga guro at manunulat ng gramatika. Layunin ng kursong ito na: (a) makapagbigay ng pinakahuling kaalaman tungkol sa ponetika, ponolohiya, ortograpiya at morposintaktika ng mga Pilipino (mga wika sa Pilipinas) at sa pormal at punsyonal na motibasyon para dito; (b) mapahalagahan ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga wika Pilipino sa magkakaibang aspekto ng kanilang gramatika; (c) makapagbigay ng pagsasanay sa pormal at punsyonal na pagsusuri ng mga wikang Pilipino; at (d) malinang ang kakayahan na gumawa ng sariling pananaliksik pangwika.Ang mga magtuturo sa kursong ito ay sina Dr. Ricardo Ma. Nolasco na tatalakay sa punsyonal na dulog sa linggwistika; Dr. Resty Cena, tatalakay sa pormal/minimalist na dulog sa linggwistika; at si Bb. Jocelyn Marzan, tatalakay tungkol sa acoustic phonetics.

http://wika.pbworks.com/w/page/8021647/BALITA

Page 10: WIKA Articles

http://wika.pbworks.com/w/page/8021643/ARTIKULOARTIKULONG PANGWIKA_________________________________  

The ‘first language’ bridge to Filipino and EnglishBy Greg and Diane DekkerPhilippine Daily InquirerPosted date: February 02, 2008 Steve Walter, a multilingual education consultant for SIL International, observed that worldwide, even in countries considered “developed,” any proposal for an educational program in which children begin their education with their “first language” -- or mother tongue -- as the medium of instruction is greeted with public concern. Much of this concern focuses on the supposition that such an approach will surely compromise a child’s learning of the language of higher education and career opportunity. The mandated languages of instruction in the Philippines -- English and Filipino -- are foreign to the majority of Filipino students. This predetermines a lack of understanding of the lessons. On the other hand, using the language the child understands not only affirms the value of the child and his cultural heritage but also enables the child to immediately master the lessons while facilitating the acquisition of Filipino and English. Additionally, when the mother tongue is used in the classroom, the critical thinking skills that are developed transfer to other languages when those languages become functional. The Lubuagan Kalinga First Language Component (FLC) multilingual education (MLE) program has been featured as a case study in a newly released UNESCO DVD, which highlights multilingual education programs that prepare students from minority language communities to successfully retain their home language and culture while achieving well in national education programs. Initiated in 1998, the Lubuagan MLE program is currently used in nine primary classrooms. In early 2007, Lubuagan District Grade 3 students ranked No. 1 in the Kalinga Division in the 2006 NAT Grade 3 Reading Test, scoring in the English and Filipino reading tests 15-25 percent higher than all other Kalinga Division districts. In a memo to Education Secretary Jesli Lapus, Kalinga Schools Division Superintendent Emilia P. Bayubay (now retired) strongly attributed the Lubuagan scores to the effective implementation of the multilingual education program, saying that Lubuagan’s top ranking

Page 11: WIKA Articles

“shows the effectiveness of the program and the genuine commitment of the teachers concerned.” Latitudinal research is still being conducted to determine the effectiveness of the MLE program on students not only while they are in the innovative classroom, but also when they return to the regular Filipino/English-only classrooms -- that is, when they go to Grade 4 onward.With the MLE program now in its third year, test results are showing that children in the MLE classrooms are outperforming other students. The tests -- developed and administered in English at Grade 3 -- sought to measure knowledge and skill in English, Filipino and Math. The content of the tests were drawn from curriculum common to all schools and classes. Initial results show that children taught in their first language are learning more from their educational experience than those who are primarily being taught in English and Filipino. The early results in a long-term study, however, matter less than the later results due to several factors, including the fact that long-term results show better how a student will benefit over time from the educational experience. Walter adds that in the Philippines, [better higher education and career opportunities are] typically expressed in terms of learning English. “There is, after all, a lot of intuitive logic to the assumption that the more a child is exposed to English in school, the better he or she will learn English. This may be another form of the conventional wisdom that if some of something is good, more of that something has to be better.” Educators and researchers are continuing to compile evidence that this popular wisdom is not valid in the case of language development in basic education. Large-scale research carried out both in the United States and in Canada during the last 30 years has provided compelling evidence that the critical variable in second language development in children is not the amount of exposure, but the timing and the manner of exposure [to the language of instruction]. For example, in 1997, researchers Thomas and Collier tracked 42,000 children in the United States who entered school not speaking English. These children had been placed into one of several programs which varied extensively in how much children were exposed to English language instruction and when they were exposed. In one of these programs, non-English speaking children were put directly in English-medium classrooms thereby receiving all of their education in English. In other programs, children received three years of initial instruction via their first language (with preparatory English language instruction) before moving on to an English-medium classroom. In the most extreme (and innovative) type of program, children received up to six years of instruction in their first language while receiving, at the same time, six years of preparatory

Page 12: WIKA Articles

instruction in English before being inserted into English-only classrooms for middle schooling. To the surprise and consternation of many educators (and parents), the children who received all of their education in English learned the least amount of English and scored the most poorly in nationally normed and standardized tests of academic achievement -- finishing, as a group, at the bottom 10 percent.(Conclusion next week) http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=116321The ‘first language’ bridge to Filipino and EnglishBy Greg and Diane DekkerPhilippine Daily InquirerFirst Posted 02:23:00 02/09/2008 Large-scale research carried out both in the United States and in Canada in the past 30 years has provided compelling evidence that the critical variable in second language development in children is not the amount of exposure, but the timing and the manner of exposure [to the language of instruction]. For example, in 1997, researchers Thomas and Collier tracked 42,000 children in the United States, who entered school. These children had been placed under one of several programs that varied extensively in how much children were exposed to English language instruction and when they were exposed. In one of these programs, non-English speaking children were placed directly into English-medium classrooms thereby receiving all of their education in English. In other programs, children received three years of initial instruction via their first language (with preparatory English language instruction) before moving on to an English-medium classroom. In the most extreme (and innovative) type of program, children received up to six years of instruction in their first language while receiving, at the same time, six years of preparatory instruction in English before they were inserted into English-only classrooms for middle school.To the surprise and consternation of many educators (and parents), the children who received all of their education in English learned the least amount of English and scored the most poorly on nationally normed and standardized tests of academic achievement, finishing, as a group, at the bottom 10 percent. They were also the most likely to drop out of school before finishing. Conversely, children participating in one of the six-year programs actually completed their secondary education scoring well above the national norm for their native English-speaking peers. 

Page 13: WIKA Articles

Because of the sharp contrast between “popular belief” and the findings or predictions of educational researchers, we tested Grade 3 children participating in the Lubuagan First Language Experiment to measure their English language development. Three components of English language learning were tested -- English listening, English grammar, and English reading. In the Lubuagan experiment, there are three schools in each program with approximately 120 children per program. The test results for English language development show a small but consistent advantage for those children in the First Language Component (FLC) program (in which most initial instruction in reading is in the mother tongue). In technical terms, none of the differences is statistically significant.The test results clearly run contrary to the fear and concern of many parents (and educators) that children beginning in the first language are going to suffer educationally as a result. Not only are these children learning to read in their own language, they are actually learning more English than their peers who are receiving all of their instruction in English. A Math test was also administered to both students receiving instruction in their first language, as well as those receiving instruction primarily in English and Filipino (i.e., the Control Group). Steve Walter notes that Math is of theoretical interest to researchers on the Language of Instruction question. Thomas and Collier have suggested that one of the fundamental virtues of first language instruction lies precisely in its superiority as a vehicle for teaching and learning more complex and subtle concepts. Math is one such example. The logic is simple. Grappling with subtle, nuanced, or complex material requires well-developed language skills for communicating shades of meaning as well as new concepts and models that often have to be introduced by means of analogy. Unlike the English test above, the results of the Math test are statistically significant. Walter notes, “The content of the Math test was taken directly from the Grade 3 curriculum. No effort was made to test the reasoning skills about Math concepts beyond the knowledge and skills taught in the national curriculum. The Math test was not subdivided by domain and so it is presented as a single score. The mean score for the control group was 8.7 (SD = 3.67) while that of the control children was 11.0 (SD = 6.98). The difference is statistically significant (T = 2.26; p = .026) though the level of significance is relatively modest. This test result for Math coincides nicely with the predictions of research on mother tongue education. Children cope better with the introduction of a cognitively complex material when it is presented in their first language. Therefore, they are likely to do better on a test of Math skills, as Math gets more and more cognitively demanding as a child progresses in school. 

Page 14: WIKA Articles

SIL researchers will continue with the Lubuagan study for seven more years to show the long-term advantage of students educated in their mother tongue first. SIL invites educators and interested parties to interact with them on these education questions as we all seek together to extend education opportunities among ethnolinguistically diverse societies. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080209-117747/The_first_language_bridge_to_Filipino_and_English 

Pinoy KasiMother tongueBy Michael TanPhilippine Daily InquirerFirst Posted 01:06:00 02/20/2008 MANILA, Philippines -- I learned, only two weeks ago, that there’s an International Mother Language Day (IMLD), celebrated on Feb. 21. Initiated by UNESCO in 2000, IMLD commemorates an event back in 1952. At that time people were still reeling from the partition of India and Pakistan. The main language in Pakistan was Urdu but there were also many people, in what was then East Pakistan and now Bangladesh, who spoke Bangla. There was a demonstration on Feb. 21, 1952, in support of the right to speak and use Bangla. The police fired on the crowd and three people were killed, martyrs for a mother language. A mother language is different from a national language. In the Philippines, we have a national language called Filipino, which is supposed to draw from different languages in the country but which is still largely Tagalog-based. Tagalog is the mother language of many Filipinos, mainly those living in Central and Southern Luzon. But for many other Filipinos, the mother language is Cebuano (probably outnumbering Tagalogs), Ilokano, Ilonggo and more than a hundred others. Even the Tsinoy (Chinese-Filipino) can say that Filipino is our national language, but Minnan (or Hokkien) is their mother tongue. The idea of a mother language is purely cultural, a way of marking our identity. A mother language can be powerful, which is why governments sometimes try to suppress, even eradicate, the use of minority languages. Often, this is done because of the mistaken notion that national identity depends on having only one language throughout the country. Today, we know that multilingualism can contribute to nation-building. When people are allowed to nurture their mother language, at home and in schools, they learn to appreciate not just their own local culture but also that of the nation. Compare a national TV or radio broadcast, in English or Tagalog-based Filipino, with a regional or provincial station where the discussions are in the local language and you’ll find the latter is much more animated, the analysis more in-depth. There’s much more interaction, with more nuances captured, and national issues become more real to the local population. 

Page 15: WIKA Articles

During the last two weeks, the Inquirer has published several articles on another aspect of the use of mother language, this time for education. There was the two-part article by Diane and Greg Dekker of the Summer Institute of Linguistics, and another article by UP linguistics professor Ricardo Nolasco, all pushing for the use of the local language (sometimes called L1, or first language) in schools, citing research to support the contention that classroom instruction in an L1 makes it easier to learn other languages (in the Philippine context, Filipino and English) as well as science and mathematics. Meranaw All this is not new. Even in the past, without conducting elaborate experimental research, educators noted how the use of a local or mother language could facilitate learning. Let me share an account from “The Lanao System of Teaching Illiterates,” written by Frank Laubach and which appeared in “Tales of the American Teachers in the Philippines,” edited by Geronima Pecson and Maria Racelis. The Americans were recruiting teachers to handle public schools in Lanao but found only a small percentage of the population was literate. Those who could read and write were using Arabic and the Americans realized that the local language, Maranaw, was only spoken, without any written system. So they devised a writing system for Maranaw and began to transcribe local songs, prose and poetry. There was certainly no lack of local oral traditions waiting to be transformed into print. Laubach noted that there were “at least 35 long epic poems that would range from 20 to a hundred printed pages in length,” “many prose stories resembling those of the Arabian nights,” “kisas,” or stories from ancient prophets, and thousands of lyric poems “about the harvest, the rain, the clouds, the sunset, love, despair ... everything in their lives.” Using these printed texts of Maranaw folk literature facilitated the literacy campaign, because people were intrigued by the idea of being able to readtheir own literature. In the first four months of 1931, when the Americans first launched their program, they were able to teach 3,000 new individuals each month to read and write. Eventually, the Americans gained as well, by translating English materials on “health, government, history, geography, business, morals and religion” as well as Philippine laws into Maranaw. We don’t seem to have learned from that experience in Lanao. English remains the preferred medium of instruction, using English textbooks, and we like to imagine a time when, supposedly, Filipinos spoke proper English. We forget fluent English was a function of class, of people who could use English both in schools and at home, and with their social circles. For the majority of Filipinos, English and, later, Filipino was, and still is, distant.If Laubach returned to Lanao today, he’d be shocked to find that literacy levels have plummeted again, even as the schools struggle with new requirements to promote English. Everywhere in the country, our textbooks, vital public documents and, generally, books on science are often produced only in English. Many Filipinos are deprived of access to important information needed to participate in civil life.

Page 16: WIKA Articles

 Reading Laubach’s account about the Maranaw also reminded me that our preference for English and now, a skewing toward Tagalog-based Filipino, has contributed to the stunting of regional languages and cultures. Some years back, in one of my graduate classes, a student noted how thrilled he was when he first saw Kapampangan printed literature. Suddenly, the folk tales, the riddles, proverbs that he heard as a child became more real, and more certain of being preserved for future generations. He is lucky that there is printed Kapampangan literature. For many of our other languages, we only have oral traditions, many of which are in danger of dying out because no one is passing them on. At the University of the Philippines, the Department of Filipino sees the importance of exposing students to all these languages, and their literature, offering courses that deal with literature from all over the country. Similarly, the Department of Linguistics is beginning to offer classes in Cebuano.We need a national language, no doubt, but the current policy is worrisome because it promotes English first, Filipino second -- both at the expense of other mother languages. We should allow Filipinos to nurture their own mother language and share this with other Filipinos or even the world. As we begin to appreciate the rhythms and cadences, the humor and the wisdom, in each of our many languages, we just might be able to overcome our parochialism and regionalism and build a nation strong in its multicultural foundations. Previous columns:‘Sayang’ – 2/15/08The Church – 2/13/08We owe them (2) – 2/07/08We owe them (1) – 2/06/08‘Cordi’ – 2/01/0818 or 24? – 1/29/08PowerPoint – 1/24/08http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20080220-119962/Mother-tongue

Page 17: WIKA Articles