8
WIKA Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas. Ang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Hiligaynon. Ang Iloilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Silangang Visayas. Lungsod ng Iloilo ang kapital nito at matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Pulo ng Panay, at nasa hangganan ng Antique sa kanluran at Capiz sa hilaga. Matatagpuan naman ang Guimaras sa timog-silangan ng pampang ng Iloilo at Negros Occidental naman sa ibayo ng Gulpo ng Panay at Kipot ng Guimaras. Maraming salitang Kastila sa Ilonggo, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila. Mga pangungusap Tagbalay(Tao po) Malakat ka na(Aalis ka na) Karon na lang (ngayon na lang) Ihatag mo ini sa iya palihog (Pakibigay mo ito sa kaniya) Nagakadlaw na siya (Tumatawa na siya) Kaon ka na sang kan-on (Kumain ka ng kanin!) Nakaka-on na ako sang kan-on (Kumain na ako ng kanin) Diin ka makadto (Saan ka pupunta) Bakal! (Pabili)

WIKA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kahulugan ng wika

Citation preview

Page 1: WIKA

WIKA

Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas. Ang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Hiligaynon. Ang Iloilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Silangang Visayas. Lungsod ng Iloilo ang kapital nito at matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Pulo ng Panay, at nasa hangganan ng Antique sa kanluran at Capiz sa hilaga. Matatagpuan naman ang Guimaras sa timog-silangan ng pampang ng Iloilo at Negros Occidental naman sa ibayo ng Gulpo ng Panay at Kipot ng Guimaras.

Maraming salitang Kastila sa Ilonggo, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.

Mga pangungusap

Tagbalay(Tao po)

Malakat ka na(Aalis ka na)

Karon na lang (ngayon na lang)

Ihatag mo ini sa iya palihog (Pakibigay mo ito sa kaniya)

Nagakadlaw na siya (Tumatawa na siya)

Kaon ka na sang kan-on (Kumain ka ng kanin!)

Nakaka-on na ako sang kan-on (Kumain na ako ng kanin)

Diin ka makadto (Saan ka pupunta)

Bakal! (Pabili)

Tagpila ini (Magkano ito)

Palangga ta ka(Mahal kita)

Palangga ta man ka(Mahal din kita)

Siraduhi palihog ang pirtahan (Pakisara ang pintuan)

Palihog trapuhi ang lamesa(Pakipunasan ang mesa)

Mga salita

Page 2: WIKA

Tagalog Ilonggo

bahay balay

ito ini

iyan ina

iyon ato

dito diri

diyan dira

doon didto

at kag

MAPA

Mga lungsod

Lungsod ng Passi

Lungsod ng Iloilo

Mga munisipalidad

Page 3: WIKA

Ajuy

Alimodian

Anilao

Badiangan

Balasan

Banate

Barotac Nuevo

Barotac Viejo

Batad

Bingawan

Cabatuan

Calinog

Carles

Concepcion

Dingle

Dueñas

Dumangas

Estancia

Guimbal

Igbaras

Janiuay

Lambunao

Leganes

Lemery

Leon

Maasin

Miagao

Mina

New Lucena

Oton

Pavia

Pototan

San Dionisio

San Enrique

San Joaquin

San Miguel

San Rafael

Santa Barbara

Sara

Tigbauan

Tubungan

Zarraga

http://tl.wikipedia.org/wiki/Iloilo_%28lalawigan%29

Heograpiya

Hinihiwalay ng makitid na Kipot ng Iloilo mula sa pulo ng Panay at Kipot ng Guimaras mula sa pulo ng Negros ang lalawigan ng Guimaras.

Ang pulo ng Guimaras na siyang pangunahing pulo ng lalawigan ang bumubuo sa 98 bahagdan ng kabuuang kalupaan nito. Binubuo ang lalawigan ng pangunahing pulo ng Guimaras at ilan pang maliliit na mga pulo sa baybayin nito, ang pinakamalaki rito ay ang pulo ng Inampulugan sa timog-silangang baybayin ng Sibunag na may lawak na 10.67 km².[1] Ang ilan pang mga pulo ng lalawigan ay ang mga pulo ng Nadulao, Nalunga, Guiuanon, Panubulon, Tandug, Yato, Taklong. Mayo 42 maliliit na pulo naman ang bumubuo sa Kapuluang Taklong sa timog-kanlurang baybayin ng Nueva Valencia sa Golpo ng Panay na nagsisilbing

Page 4: WIKA

pambansang reserbang pandagat, kung saan nagsasagawa ng iba't-ibang gawaing pananaliksik.

Ang Bundok Dinulman na may taas na 267 metro mula sa antas ng dagat ang pinakamatayog na bahagi ng lalawigan. Malaking bahagi naman ng pulo ng Guimaras ay 100 metro ang taas mula sa antas ng dagat.

Demograpiya

Siyam sa bawat sampung Guimarasnon ay Hiligaynon — ang pangunahing wika ng rehiyon; samantalang 2.8 bahagdan naman ay Kinaray-a. At ang mga natitira naman ay mga Cebuano, Tagalog at iba pang pangkat

Kasaysayan

Sa malaking bahagi ng kasaysayan ng Guimaras sakop ito ng karatig na lalawigan ng Iloilo. Naging regular na parokya ang Guimaras noong 1755 at di-naglaon dumami ang mga naninirahan dito na naging daan upang ito'y maging isang ganap na bayan noong 1886, na may kabayanan sa Tilad (ngayo'y Buenavista).[3]

Noong 1966 sa bisa ng R.A. 4667, naging sub-lalawigan ng Iloilo ang Guimaras na may tatlong bayan — Buenavista, Jordan at Nueva Valencia (itinatag noong 1941), hanggang 1992 nang itakda ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal (R.A. 7160) ang pagdaraos ng plebisito sa lahat ng mga sub-lalawigan kung nanaisin nitong maging isang ganap na lalawigan o maibalik sa inang lalawigan nito. Sa ginanap na plebisito, 86.9 na bahagdan[4] ang sumang-ayon na maging isang ganap na lalawigan ang Guimaras at tuluyan nang mahiwalay sa Iloilo. Nagkaroon din ito ng sarili nitong kinatawan sa Kapulungan ng mga Kinatawan na unang hinalal noong 1995. Kasabay ng naturang halalan, ang mga plebisito na nagpatibay ng R.A. 7896 at R.A. 7897 na nagtatatag ng mga bayan ng Sibunag[5] at San Lorenzo,[6] alinsunod sa pagkakasunod.

Ang pinakamalalang sakunang pandagat sa Pilipinas ay naganap sa Kipot ng Guimaras sa pagitan ng Guimaras at Negros Occidental noong 11 Agosto 2006

Page 5: WIKA

nang lumubog ang oil tanker ng Petron na M/T Solar 1 at tumagas ang 2.1 milyong litrong langis na lulan nito sa karagatan ng lalawigan.[7]

Pamahalaan[baguhin

Mapang pampolitika ng Guimaras

Gaya ng iba pang lalawigan sa Pilipinas, napapaloob sa Kodigo ng Pamahalaang Lokal ang sistema ng pamamahala sa lalawigan. Pinamumunuan ito ng gobernador na siyang punong tagapagpaganap, kahalili ang isang bise gobernador na tumatayong tagapangulo ng Sangguniang Panlalawigan na bumuboto lamang tuwing patas ang boto ng Sanggunian Panlalawigan.

Sangguniang Panlalawigan

Ang Sangguniang Panlalawigan ng Guimaras na siyang tagapagbatas ng pamahalaang panlalawigan ay binubuo ng walong regular-na-halal na kagawad o bokal at tatlong ex-officiong kasapi na siyang mga pangulo ng:

Panlalawigang tsapter ng Liga ng mga Barangay,

Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ,

Panlalawigang liga ng mga konsehal ng mga bayan sa lalawigan.

Samantalang, naghahalal ng tig-apat na bokal ang bawat distritong pangsangguniang naghahati sa Guimaras. Napapangkat ang mga bayan nito sa sumusunod:

Unang distrito: Buenavista, San Lorenzo

Ikalawang distrito: Jordan, Nueva Valencia, Sibunag

Pagkakahating pampolitika

Page 6: WIKA

Nahahati ang Guimaras sa limang bayan na siya namang nahahati sa 98 barangay.

Ekonomiya

Dahil sa paglago ng turismo, ang sektor ng paglilingkod ang may pinakamalaking ambag sa ekonomiya ng lalawigan. Kasunod nito ang sektor ng pagsasaka, pangingisda at pangungubat — palay, mangga, kasoy, alagaing-hayop at isda.\

http://tl.wikipedia.org/wiki/Guimaras