40
Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell Akademikong taon 2019-20

Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

  • Upload
    hahuong

  • View
    237

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell

Akademikong taon 2019-20

Page 2: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Pag-uusapan sa Araw na Ito● Mahahalagang Petsa ng Pagsusumite sa Lowell para sa Ika-9 grado● Kinakailangan ukol sa Paninirahan/Kinakailangang mga patunay ng address● Kung saan kukuha ng aplikasyon/ kung saan magsusumite● Mga Pamantayan para sa Pagtanggap sa ika-9 grado sa Lowell High School● Mga Pagtanggap na Band 1, 2 at 3 ● Kinakailangan para sa Pag-eeksamen/ Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell● Pagtanggap sa mga Grado 10-12● Mga Pinakamadalas Itanong● Q&A

2

Page 3: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Link para sa mga Pinagkunan para sa Araw na Itowww.sfusd.edu/enroll

3

Page 4: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mahahalagang Petsa ng Pagsusumite sa Lowell para sa Ika-9 grado

● Kailangang isumite ang Mga Aplikasyon para sa Ika-9 na Grado sa Lowell kasama ng Aplikasyon para sa Pag-eenroll (Enrollment Application) sa SFUSD bago sumapit ang Biyernes, Disyembre 14, 2018, o sa araw na ito.

● Padadalhan ang mga aplikante sa Marso 15, 2019 ng sulat sa koreo, na nag-aabiso sa kanila tungkol sa puwesto sa paaralan.

● Kailangang sumagot ang mga magulang/legal na tagapatnubay ukol sa pagtanggap o hindi pagtanggap sa alok ng puwesto bago sumapit ang Abril 5, 2019 , o sa araw na ito, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga espesipikong instruksiyon sa pagtanggap ng alok ng Lowell, na nakadetalye sa sulat ng pag-apruba.

4

Page 5: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Disyembre 14, 2018Huling araw ng pagsusumite ng Aplikasyon para sa ika-9 grado sa Lowell, sa akademikong taon 2019-20

5

Payo: Iwasan ang mahahabang linya sa EPC at isumite ang inyong aplikasyon sa Nobyembre.

Page 6: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Kinakailangang PaninirahanKinakailangang patunay ng address

6

Page 7: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Kinakailangan sa Paninirahan ● Ang mga aplikante at ang

kanilang (mga) magulang/legal na tagapatnubay ay kailangang legal at pisikal na nakatira sa San Francisco sa panahon ng aplikasyon. Kung nakatira ang mga magulang sa magkaibang address, kailangang nakatira sa San Francisco ang pangunahing magulang na may kustodiya.

● Kailangang patuloy silang nakatira sa San Francisco mula sa panahon ng aplikasyon at hanggang sa pumapasok sa Lowell ang estudyante.

7

Walang isasaalang-alang na Permisong Distrito sa Distrito (Interdistrict Permit) para sa pagtanggap sa Lowell.

Page 8: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Posibleng kailangan pa ng dagdag na dokumentokungA. wala sa mga rekord ng distrito (kasalukuyang mga

estudyante) o sa patunay ng petsa ng kapanganakan ng estudyante (mga bagong estudyante) ang pangalan ng magulang/ legal na tagapatnubay

B. pumapasok ang aplikante sa paaralan sa labas ng San Francisco; o

C. nakatira ang mga magulang/ legal na tagapatnubay sa magkaibang address.

8

Mga Kinakailangan sa Paninirahan

Page 9: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

● Agad na kakanselahin at babawiin ang naging resultang pagbibigay ng puwesto para sa mga aplikasyon na mapag-aalamang may hindi totoong address.

● Tandaan na kung kakailanganing mag-empleyo ang Distrito ng imbestigador o gumamit ng iba pang rekurso para masuri pa ang inyong sinasabing paninirahan, sisingilin kayo ng Distrito kapag sa huli, mapagpasyahan nitong hindi totoo ang inyong pahayag. Sa mga nakaraang pangyayari, nasingil na ng Distrito ang mga magulang/tagapatnubay ng mas malaki pa sa $5000 para sa pag-iimbestiga ng hindi totoong pahayag.

9

Mga kinakailangan sa paninirahan

Page 10: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

KAILANGANG MAGBIGAY ANG MGA BAGONG ESTUDYANTENG SUMUSUNOD NA IMPORMASYON KASAMA NGKANILANG FORM PARA SA PAG-AAPLAY:

A. ID na may Litrato ng Magulang/ Tagapatnubay (Tandaan: Kailangang isumite nang personal ng Magulang/ Tagapatnubay ang aplikasyon

B. Patunay ng petsa ng kapanganakan. Kung hindi nakalista sa dokumento ang pangalan ng magulang/ tagapatnubay, kailangan ng karagdagang pagtitiyak para mapatunayan ang pagiging tagapatnubay.- Sertipiko ng kapanganakan o opisyal na rekord ng ospital

10

Mga kinakailangang dokumento

Page 11: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

KAILANGANG MAGBIGAY ANG MGA BAGONG ESTUDYANTENG SUMUSUNOD NA IMPORMASYON KASAMA NGKANILANG FORM PARA SA PAG-AAPLAY:

C. Isang (1) patunay ng address ng tirahan, kung saan kasama ang pangalan at address ng magulang/tagapatnubay. Kailangang ibigay ang alinman sa mga sumusunod na orihinal na dokumento, na may petsang nasa loob ng nakaraang 45 araw:

11

Mga kinakailangang dokumento

● Singil ng utility (halimbawa, koryente o tubig), mula sa mga ahensiyang tulad ng PG&E, tubig, cable o basura. Walang singil sa cell phone na tatanggapin.

● Kapwa ang rehistro ng sasakyan at seguro ng sasakyan

● Polisiya para sa seguro ng may-ari ng tahanan o homeowner, o ng umuupa

● Pahayag ng buwis para sa ari-arian

● Pay stub (rekord ng suweldo)● Pagkakarehistro ng botante ● Opisyal na sulat mula sa ahensiya para

sa panlipunang serbisyo/ng gobyerno● Grant deed (patunay ng paglilipat ng

pagmamay-ari), Titulo ng ari-arian o kasunduan para sa pag-upa/lease o kontrata ng pag-upa na may dokumentasyon ng may-ari ng gusali

● Kasunduan batay sa Seksiyon 8

Page 12: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Kung saan kukuha ng aplikasyon Kung saan magsusumite

12

Page 13: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

13

Kung saan kukuha ng Aplikasyon para sa Lowell

● Lowell High School

● Lahat ng middle school at paaralang K-8 ng SFUSD

● Karamihan sa mga hindi pampublikong middle school at paaralang K-8 sa San Francisco

● Educational Placement Center (Sentro para sa Pagbibigay ng Puwesto sa mga Institusyong Pang-edukasyon)

● Website ng Distrito: www.sfusd.edu/enroll.

Puwedeng makakuha ng Aplikasyon para sa Lowell at ngPangkalahatang Aplikasyon para sa Pagpapa-enroll sa SFUSD sa:

Page 14: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Kung saan magsusumite ng aplikasyon para sa Lowell

Personal na kailangang isumite ng mga magulang/ legal na patnubay ng mga kasalukuyang estudyanteng nasa ika-8 na grado sa SFUSD ang dalawang nakompletong aplikasyon sa kanilang kasalukuyang middle school ng SFUSD o sa Educational Placement Center.

14

Personal na kailangang isumite ng mga magulang/legal na patnubay ng lahat ng iba pang estudyanteng nasa ika-8 na grado ang dalawang nakompletong aplikasyon sa Educational Placement Center.Hindi tatanggapin ang mga aplikasyong ipadadala sa pamamagitan ng koreo.

Page 15: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Pamantayan para sa Pagtanggap sa ika-9 grado ng Lowell High School

15

Page 16: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

16

Pamantayan para sa Pagtanggap● Mga pinal na grado para sa unang

semestre ng ika-7 grado sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies), at Siyensiya

● Mga pinal na grado para sa ikalawang semestre ng ika-7 grado sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies), at Siyensiya

● Mga pinal na grado para sa unang semestre ng ika-8 grado sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies), at Siyensiya

Page 17: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

17

Mga Tiebreaker

● Mga marka mula sa eksameng SBAC sa ika-7 grado o mula sa Enero 2019 na eksamen para sa Pagtanggap sa Lowell

● Impormasyong isinumite sa Aplikasyon para sa Lowell (mga gawaing extracurricular na nagpapakita ng kakayahan sa pamumuno, mga puwedeng isaaalang-alang na kondisyon, naipakitang kakayahan na makaigpaw sa hirap, at impormasyon tungkol sa pamilya)

● Sanaysay (essay) na susulatin sa kasalukuyang paaralan ng aplikante sa Enero 2018 (Lahat ng paaralan na may mga aplikante para sa Lowell ay bibigyan ng mga instruksiyon para sa pamamahala sa pangangailangan para sa sanaysay)

Pamantayan para sa Pagtanggap

Page 18: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Pagtanggap na Band 1, 2 at 3

18

Page 19: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mayroong tatlong magkakaibang Band (paraan para maging kuwalipikado) para sa pagtanggap sa Lowell High School.

Mayroon ding karagdagang ebalwasyon sa mga aplikante ng Espesyal na Edukasyon - RSP para sa pagtanggap sa Lowell High

1. Band 1 – humigit-kumulang 70% ng mga puwesto (humigit-kumulang 615 puwesto)

2. Band 2 – humigit-kumulang 15% ng mga puwesto (humigit-kumulang 130 puwesto)

3. Band 3 – humigit-kumulang 15% ng mga puwesto (humigit-kumulang 130 puwesto)

4. Espesyal na Edukasyon – RSP –pagpapasyaha pa – batay sa makukuhang espasyo

Mga Pagtanggap na Band 1, 2 at 3

19

Page 20: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

20

Nakabatay ang Band 1 na pagtanggap sa:

● Mga grado ng aplikante sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies) at Siyensa sa kabuuan ng ika-7 grado at ika-1 semestre ng ika-8 grado.

● Mga marka ng aplikante mula sa mga bahaging ELA/Pagbabasa (Reading) at Matematika ng SBAC, o ng Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell (Lowell Admission Test).

● Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. Ang 2018-19 na pinakamababa nang posibleng marka (cut-off score) para sa Band 1 ay 88 puntos.

Page 21: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

21

Nakabatay ang Band 1 na pagtanggap sa:

● Ika-1 Semestre Ika-7 Grado: 16 Pinakamataas o Maximum na binubuo ng 4 puntos para sa bawat isa sa mga sumusunod na asignatura: Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Soc Studies), Siyensiya A = 4, B = 3, C = 2, D = 1, F = 0

● Ika-2 Semestre Ika-7 Grado: 16 Pinakamataas o Maximum na binubuo ng 4 puntos para sa bawat isa sa mga sumusunod na asignatura: Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Soc Studies), Siyensiya A = 4, B = 3, C = 2, D = 1, F = 0

● Ika-1 Semestre Ika-8 Grado: 32 Pinakamataas o Maximum na binubuo ng 8 puntos para sa bawat isa sa mga sumusunod na asignatura: Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Soc Studies), Siyensiya A = 8, B = 6, C = 4, D = 2, F = 0

● Ang SBAC o eksamen para sa Pagtanggap ng Lowell:

○ 25 Pinakamataas o Maximum nang puntos. Bawat kalahati (Pagbabasa/ELA at Matematika) ng SBAC o eksamen para sa Pagtanggap sa Lowell ay may katumbas na 12.5 puntos

○ Tingnan ang dokumentong Buod ng mga Band (Band Summary) para sa pag-iisa-isa sa mga Puntos para sa Band 1

Page 22: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Para maisaalang-alang para sa Band 2, ang mga estudyante ay kailangang:

1. may pinakababa na o minimum na GPA na 3.00 (na nakuha mula sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies) at Siyensiya sa kabuuan ng ika-7 grado at ika-1 semestre ng ika-8 grado) at

2. Pinakamababa na o minimum na 60%tile (puwesto kung ihahambing sa iba pang kumuha ng eksamen) na average sa SBAC o eksamen para sa Pagpasok sa Lowell.

Band 222

Page 23: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

23

Nakabatay ang Band 2 na pagtanggap sa:

● Mga grado ng aplikante sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social Studies) at Siyensiya sa kabuuan ng ika-7 grado at ika-1 semestre ng ika-8 grado. (max 64 puntos)

● Marka ng aplikante mula sa Band 2 na ebalwasyong ginawa ng mga komiteng naka-base sa paaralan. (pinakamarami na o max na 45 puntos) Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 2 ay 109 puntos. Ang 2018-19 na pinakamababa nang posibleng marka (cut-off score) para sa Band 2 ay 85 puntos.

Tingnan ang dokumentong Buod ng Band (Band Summary) para sa pag-iisa-isa sa mga Puntos para sa Band 2

Page 24: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Para maisaalang-alang para sa Band 3, ang mga estudyante ay kailangang mayroong:

1.pinakamababa na o minimum na 64 puntos mula sa:a. Mga grado ng aplikante sa Ingles, Matematika, Araling Panlipunan (Social

Studies) at Siyensiya, mula sa buong taon ng ika-7 grado at ika-1 semestre ng ika-8 grado, mga marka ng aplikante mula sa mga bahaging Pagbabasa (Reading)/ ELA at Matematika ng Eksamen para sa Pagpasok ng Lowell (Lowell Admission Test). (Band 1) at

b. pumapasok sa paaralang natukoy na Band 3. Matutukoy ang mga paaralang Band 3 bilang hindi sapat ang representasyon (under-represented) gamit ang datos mula sa huling tatlong taon ng populasyon ng mga estudyante, bilang ng mga aplikante, at bilang ng mga natanggap. Hindi ilalabas sa publiko ang listahan ng mga paaralang nasa Band 3 hanggang sa maipadala ang mga abiso sa koreo.

Band 324

Page 25: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Kinakailangan sa Pag-eeksamen Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell

(Lowell Admissions Test)

25

Page 26: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

26

Lahat ng Estudyanteng hindi nakakuha ng eksameng SBAC sa Spring ng ika-pitong grado ay KAILANGANG kumuha ng Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell sa isa sa dalawang naka-iskedyul na petsa sa Enero. HINDI puwedeng kumuha ng eksamen sa pagpasok sa Enero ang mga aplikanteng nakakuha na ng eksameng SBAC.

Ibinibigay ang mga Eksamen sa Pagpasok sa Lowell High School, 1101 Eucalyptus Ave.

Kailangang markahan ng mga aplikante ang kanilang napiling petsa ng pag-eeksamen sa kanilang aplikasyon sa Lowell.●Miyerkoles, Enero 9, 2019 6:00 p.m. ●Sabado, Enero 12, 2019, 8:30 a.m.

● Matatapos ang pag-eeksamen sa Miyerkoles nang mga 9:00 p.m.

● Matatapos ang pag-eeksamen sa Sabdo nang mga 11:00 a.m.

● Mayroong 15 minutong pahinga kung saan papayagan ang mga meryenda pero hindi magbibigay ng meryenda.

● Hindi pahihintulutan ang mga diksiyonaryo at calculator. Magkakaloob ng mga lapis at papel.

● Walang sulat na ibibigay para kumpirmahin ang inyong napiling petsa ng pag-eeksamen. Inaasahan sa mga aplikante na magpakita sa kanilang piniling petsa ng pag-eeksamen.

● Para mapahintulutang pumasok sa lugar ng eksamen, kailangang magdala ang lahat ng estudyante ng isang uri ng identipikasyon na may litrato.

● Inirerekomenda, pero hindi kinakailangan, na magdala rin sila ng kopya ng dalawang aplikasyon.

Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell

Page 27: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Ang mga magulang/legal na patnubay na gustong matanggap ang mga pinagsama-samang marka (composite score) ng kanilang mga anak sa Marso 2019, ay kailangang isaad ito sa aplikasyon para sa Lowell. Ang pinagsama-samang marka ang numerong nakukuha mula sa mga grado at marka sa eksamen ng aplikante. Hindi nagbibigay ng mga detalyadong ulat ng mga indibidwal na marka sa eksamen.

Ang mga estudyanteng tatanggap ng akomodasyon para sa pag-eeksamen sa pamamagitan ng IEP, planong 504, o iba pang planong pampaaralan na may dokumentasyon, ay kailangan i-tsek ang kahon sa aplikasyon. Pakilakip ang kasalukuyang IEP, planong 504, o iba pang dokumentasyon.

27

Eksamen para sa Pagpasok sa Lowell (Lowell Admission Test)

Page 28: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Kailangang nakalista ang Lowell High bilang isa sa mga napili sa Pangkalahatang Aplikasyon para sa Pag-eenroll (General Enrollment Application) ng SFUSD. Kailangang isumite nang magkasama ang dalawang aplikasyon.

Hindi kailangang Lowell ang unang napili, pero kailangang nakalista ito sa tunay na pagkakasunod-sunod ng mga gusto ng aplikante, kung saan nasa pinaka-itaas ang pinakagusto.

Dadaan ang lahat ng paghiling para sa Lowell sa gayon ding proseso ng pag-alam kung kuwalipikado, nang kasabay ng iba pa, anuman ang ranggo nito sa listahan ng mga piniling paaralan.

Ipadadala sa koreo ang lahat ng sulat ukol sa puwesto o assignment, kasama na ang mga sulat ukol sa puwesto sa Lowell High sa Marso 15, 2019. Tatanggap ang bawat estudyante ng iisang sulat lamang ukol sa puwesto o assignment.

Hindi makatatanggap ang mga estudyanteng hindi kuwalipikado para sa Lowell ng hiwalay na sulat ng pagtanggi, maliban na lamang kung hindi sila kasalukuyang naka-enroll sa SFUSD, at Lowell High lamang ang hiniling.

Para makatanggap ng puwesto sa Lowell, kailangang kompletuhin ng magulang/ tagapatnubay ang proseso ng pagpaparehistro na naka-detalye sa sulat ukol sa puwesto.

Paghiling sa Lowell sa Aplikasyon para sa Pag-eenroll (Enrollment Application)

Abiso ukol sa Puwesto o Assignment

28

Page 29: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Pagtanggap para sa mga Grado 10-12

29

Page 30: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

● Makakukuha na ng mga Aplikasyon para matanggap sa Lowell sa mga Gradong 10-12 sa Mayo 2019.

● Nakabatay ang pagtanggap sa mga grado sa report card (ulat ng mga asignatura at marka) sa mga semestreng Fall at Spring para sa mga akademikong asignatura, magmula sa pagsisimula ng ika-9 grado, at sa makukuhang espasyo sa hinihiling na antas ng grado (grade level).

● Kailangang may mga grado ang aplikante para sa 4 o higit pa sa mga larangan ng kaalaman (content area) na ito sa lahat ng grado:○ Mga Sining sa Wikang Ingles (English Language Arts)○ Matematika (Mathematics)○ Araling Panlipunan (Social Studies)○ Siyensiya (Science)○ Dayuhang Wika (Foreign Language)

30

Pagtanggap para sa mga Grado 10-12

Page 31: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

● Kailangang ibigay ang mga selyadong transcript ng mga aplikanteng estudyante na hindi taga-SFUSD bago magtapos ang Hunyo 2019.

● Isasagawa ang pag-aabiso ukol sa pagkakatanggap sa Lowell sa mga gradong 10-12 sa kalagitnaan ng Hulyo 2019.

31Mga Transcripts (opisyal na rekord ng trabaho ng mag-aaral) at Pag-aabiso

Page 32: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Pinakamadalas Itanong

32

Page 33: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Madalas Itanong (Mga aplikante para sa ika-9 grado)

33

Q1: Kailangan ko bang magbigay ng mga report card at/o grado? A: Hindi, ang EPC ang kukuha ng mga rekord ng paaralan mula sa kasalukuyang paaralan ng inyong anak. (Kung hindi makakuha ang EPC ng mga rekord, o kung hindi kompleto ang mga rekord, kokontakin ang pamilya ng aplikante)

Q2: Mayroon bang proseso ng pag-aapela para sa mga estudyanteng hindi matatanggap? A: Mayroon nang nakatakdang pamantayan sa pagtanggap ang Lowell High school, at dahil dito, walang tatanggaping apela, upang mapangalagaan ang equity o katarungan sa pagkakapantay-pantay

Page 34: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Madalas Itanong34

Q3: Mayroon bang Wait pool (listahan ng mga naghihintay makapasok) para sa Lowell? Ano ang mangyayari kapag tinanggihan ng natanggap na estudyante ang puwesto?A: Wala, walang wait pool. Humigit-kumulang 1000 estudyante ang tatanggapin para sa 680 puwesto. Intensiyonal ang pagpapa-enroll ng higit pa sa puwestong ito para maisaalang-alang ang mga pattern o madalas nang nangyayaring hindi pagtuloy. Karaniwan nang mga 300 estudyante ang tumatanggi sa kanilang puwesto sa Lowell, kung kaya’t bumababa ang klase tungo sa target na laki nito.

Q4: Mayroon bang prayoridad para sa kapatid na makapasok sa Lowell? A: Wala, kailangang matugunan ng lahat ng estudyante ang pamantayan para matanggap.

Page 35: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Madalas Itanong35

Q5: Gusto kong pumasok ang anak ko sa Lowell; gayon pa man, pumapasok sa ibang paaralan ang kanyang kapatid (B). Paano ko matitiyak na kapag hindi naging kuwalipikado para sa Lowell ang isa kong anak, makapapasok nang magkasama sa paaralan ang dalawa kong anak? A: Puwedeng ilista ng mga aplikante sa Lowell na may kapatid sa iba pang high school ang paaralan ng kanilang kapatid, ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga piniling paaralan, kung saan nasa pinaka-itaas ang pinakagusto. Kailangan nilang isaad sa aplikasyon na may kapatid sila sa isa sa mga napiling paaralan. Ipatutupad ang tiebreaker (serye ng mga preperensiya o pagbibigay ng higit na puntos) batay sa kapatid sa paaralan ng kapatid, kung saan man ito nakalista.

Page 36: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Madalas Itanong36

Q6: Ano ang mangyayari kung hindi maging kuwalipikado ang anak ko para sa Lowell? Masasaktan ba nito ang tsansa niyang makapasok sa ibang piniling paaralan? A: Kung hindi kuwalipikado ang estudyante para sa Lowell, tatanggalin ang paaralan mula sa listahan ng mapagpipilian at iaakyat ang lahat ng iba pang hinihiling sa ranggo ng mga ito sa listahan ng mga preperensiya. Hindi negatibong maaapektuhan ang tsansa na makapasok sa ibang paaralan.

Page 37: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Mga Madalas Itanong37

Q7: Ano ang mangyayari kung nag-aaplay ang aking anak para sa Lowell at sa Ruth Asawa SOTA?A: Kung kuwalipikado ang estudyante para sa Lowell at pasado rin sa awdisyon ng Ruth Asawa SOTA, ibabatay ang puwesto sa paraan ng pagkakalista ng mga paaralan sa pangkalahatang aplikasyon para sa pag-eenroll. Kailangang ilista ang lahat ng paaralan, kasama na ang Lowell at SOTA, ayon sa pagkakagusto ninyo, kung saan nasa pinakaitaas ang pinakagusto.

Page 38: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

Q8: Paano kung gumagamit ang paaralan ng aking anak ng mga trimestre sa halip na semestre?A: Para sa mga paaralang nasa sistemang trimestre, kukunin ang average o panggitnang grado ng lahat ng tatlong semestre ng ika-7 grado at gagamitin ang naging resultang mga grado kapwa para sa ika-1 at ika-2 semestre. Gagamitin ang grado sa unang trimestre ng ika-8 grado para sa ika-1 semestre ng ika-8 grado.

Mga Madalas Itanong38

Page 39: Workshop para sa Pagpapa-enroll sa ika-9 grado sa Lowell · Educational Placement Center ... Test). Ang kabuuang posibleng marka para sa Band 1 ay 89 puntos. ... Matematika) ng SBAC

SAN FRANCISCO UNIFIED SCHOOL DISTRICT

39

Mga Tanong at Sagot