11
Project In A.P Submmited by: Dyana Mae Tabeta 29 Magandang hudyat ang pagkakabuo ng Indigenous Peoples’ Rights Act (Republic Act No. 8371, 1997) para sa pagpapalalim ng kaalaman hinggil

yan-yan - sdname

  • Upload
    eds

  • View
    177

  • Download
    13

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: yan-yan - sdname

Project

In

A.P

Submmited by: Dyana Mae Tabeta 29

Magandang hudyat ang pagkakabuo ng Indigenous Peoples’ Rights Act (Republic Act No. 8371, 1997) para sa pagpapalalim ng kaalaman hinggil sa maagang kasaysayan ng Pilipinas. Nagbunga ito ng ibayong pagsisikap upang mas kilalanin at pahalagahan ang katangian natin bilang isang bayang may samu’t saring grupong etniko na pawang may mayamang tradisyong pangkultura, at kung gayon ay may kani-kanyang ambag sa pambansang identidad. Mahalaga ang pagbabalik-aral sa kasaysayan upang kilalanin ang batayan ng ating pagkakahalintulad bilang isang bayan. Ang sinasabing cultural diversity ng ating mga pamayanan ang nakapagbibigay sa atin ng malikhaing kapasidad upang tugunan ang maraming hamon hindi lamang sa nakalipas na yugto ng kasaysayan kundi maging sa kasalukuyang panahon ng globalisasyon.

Page 2: yan-yan - sdname

Ayon sa maigsing pagkakilala ng ating mga guro at mag-aaral sa sektor ng batayang edukasyon, marahil ay nakintal sa isip ng marami na ang Kordilyera ay isang lugar na may hagdan-hagdang palayang itinuturing na namumukud-tanging pamana natin sa daigdig. Sa mas mapanlikhang mga isip, wasto man o mali, isa pa ring larawan ng Kordilyera ang bahag at sibat, at pwede na ring idagdag ang isa pa, ang pamumugot ng ulo. Mga unang Europeo at Amerikanong nagsipag-aral sa rehiyon noong ika-19 at ika-20 dantaon ang pinagmulan ng ganitong mga arketipo. Pwede na ring idagdag ang “tribal war” at bodong bilang paboritong paksain para sa Kalinga at Mt. Province, modernisasyon at “social change” para sa Abra at Ifugao, at kooptasyon at edukasyong kolonyal naman para sa Benguet kaya’t mismong sa mga taga-Kordilyera ay may mga pagtinging matatapang at “warlike” ang mga Kalinga samantalang mapayapa at mahinahon naman ang mga taga-Benguet. Mula dekada 70, dahil naman sa impluwensiya ni W. Henry Scott, nabago ang mga paboritong paksain : paglikha ng minoryang kultural, pagkakaroon ng dikotomiyang mayorya-minorya, gayundin ang tinutuya o maaari ring pinupuring Igorot (“ridiculed and romanticized Igorot”). Bunga ng kahinaan sa integrasyon ng kaalamang antropolohikal at istorikal hinggil sa Kordilyera ay nanatili ang mga arketipong ganito. Dahil wala namang malaking ambag sa ikasusulong ng bayang may ethnic plurality kung magtatagisan tayo sa pinakaiba o nakamamanghang katangiang dulot ng karakterisasyong kolonyal, mahalagang iwasto natin ang ganitong mga ideya. Ano nga ba ang mahahalagang ideya na dapat nating ipalaganap tungkol sa maagang lipunan at kultura ng Kordilyera? Ilalahad sa papel sa paarang kumprehensibo, bagamat may pagbubuod lamang, kung paano mas mainam na kilalanin ang mga pamayanan ng Kordilyera sa hilagang Luzon, batay sa mga pag-aaral sa rehiyon sa nakaraang mahigit 100 taon nang pananaliksik ng mga banyaga at Pilipino sa kaayusan ng rehiyon bago natransporma ang sistemang pangkalinangan.  

A.     Katangian ng rehiyon at mamamayan Bagama’t noong 1986 lamang naitatag ang CAR sa bisa ng Executive Order No. 220, tanyag ang Kordilyera sa pagkakaroon ng masaganang likas yaman sa mabundok nitong kalupaang pinapagitnaan ng Sentral Kordilyera sa hilaga (ang pangunahing anyong lupa sa rehiyong bioheograpikal na binubuo ng mga probinsya ng Cordillera Administrative Region, La Union at Ilocos Sur), ang Caraballo sa bahaging timog silangan, at ang Sierra Madre sa bandang silangan (sa Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at Quirino). Magkakadugtong ang mga probinsya at magkakatulad halos ang mga likas yamang biolohikal at pisikal. Mayaman sila sa mga mineral, kahuyan, matabang lupa, tubig at enerhiya. Mula 5 m.a.s.l. (sa Abra) ang elebasyon hanggang 2000 m.a.s.l. o 2922 m.a.s.l. pa nga sa Mt.Pulag ng Benguet (ikatlong pinakamataas sa Pilipinas), kung kaya’t mahigit 60% ng kalupaan ay mabundok at natatamnan ng 1.8 na libong ektarya ng gubat na dipterocarp, mossy at pine. Tinatayang ang kagubatang ito’y halos 10% ng natitirang kagubatan ng Pilipinas (o mas kaunti na ngayon). Sa rehiyon nagmumula ang 5 pangunahing ilog na dumadaloy di lamang sa buong rehiyon kundi hanggang sa kapatagan ng Luzon : ang Amburayan, Bued, Abra, Agno, Chico at Ahin, kaya’t mahalagang pinagkukunan ng enerhiya at tubig. Ang ekolohikal na kontekstong ito ang susi sa naging tunguhin ng kasaysayan at katayuan ng mga Igorot o mamamayan ng Kordilyera sa kasalukuyan. Isang katangian din ng rehiyon ang pagkakaroon ng mayamang tradisyong pangkultura, dahil sa pluralismoug etniko na makikita sa pagkakagrupo nila sa di bababa sa 11 itinuturing na pangunahing etnolingwistikong grupo : ang Isnag, Kalinga, Tinggian, Kankanay, Bontok, Ibaloy, Ifugao, Gaddang, Ilongot, Kalanguya, at Agta. May mas partikular pang pagkukumpol sa bawat isa nito. Halimbawa, may halos 11 ang maliit na grupong kinikilala ng mga Tinggian na sa ngayo’y nasa 80% pa ng kalupaan ng Abra. Kasama dito ang Adasen, Mabaka, Gubang, Banaw, Binongan, Danak, Masadiit, Moyadan, Binongan, Ilaud o Itneg, at ang Maeng (Dorral, 1979 and 1987). Para naman sa Ifugao, pinag-iiba-iba pa ang Ayangan, Tuwali, at Kalanguya, samantalang itinuturing din ng ilan sa Kalanguya o Ikallahan na talagang iba sila sa Ifugao. Ang terminong Aplay naman ay ginagamit upang pag-ibahin ang mga Kankanay ng hilagang kanlurang pamayanan ng Tadian, Bauko, Sabangan, Besao at Sagada mula sa mga lugar na malapit sa Bontoc, o ang I-lagod, o kaya’y ang I-maeng, na nakatira sa gilid ng bundok sa hangganan ng Abra at Mountain Province. Kahit pa nga sa mga Aplay, pinag- iiba pa rin ang mga nasa bahaging timog gaya ng Bauko at Tadian bilang I-abagatan, samantalang ang mga nasa malapit naman ng Ilog Balasiyan ay tinatawag na I-balas-

Page 3: yan-yan - sdname

iyan (Boquiren, Nettleton, Regpala and Torres, 1988). Para naman sa Kalinga na may halos 36 pang maliliit na grupo, lokasyon ang batayan ng kanilang pag-iiba-iba bilang “tribu” ayon sa mga river basin, watershed at kapatagan (Mangali, Lubo, Tinglayan, Buaya, iba pa). Maliliit na pagkakaiba lamang sa wika, gawi, paniniwala at materyal na kultura ang katangian ng mga grupong ito kung titignan ang lapit nila sa isa’t isa mula hilaga hanggang katimugan. Di sila magkakaunawaan kung sadyang malalayo na sa isa’t isa, bagamat may pagkakahalintulad pa rin sa mga elementong Iloko na batayan ng mga wika. Nagiging matingkad lamang ang pagkakaiba- iba, kung may malubhang kumpetisyon sa paggamit ng mga likas yaman tulad ng kagubatan at ilog.  Bagamat minorya sila ngayon sa pambansang antas, sila naman ang mayorya sa rehiyon ng Kordilera. Gayunpaman, malaking bahagi ng kanilang sistemang panlipunan at pangkultura ang nakapailalim na sa batas ng pambansang estado, kaya’t bagama’t marami ang likas yaman ay hindi naman mga taga-Kordilyera ang pangunahing nakikinabang sa mga ito. B. Kaalaman hinggil sa tunguhing istorikal sa rehiyon Sa konteksto ng mas malawak na saklaw ng Pilipinas, iba ang naging daloy ng kasaysayan sa Kordilyera, tulad ng iba pang pamayanang di nakolonisa, kung ihahambing sa malaking bahagi ng arkipelago na napasailalim ng estadong kolonyal ng Espanya.  Sa loob ng halos 250 taon mula nang pasukin ng pwersa ng kolonyalismo ang Pilipinas, nanatiling malaya ang kalakhan ng Kordilyera. Maaalala na hindi epektibong napasailalim sa Espanya ang Kordilyera kahit naitatag ang mga comandancias-politico-militares sa huling 50 taon ng kolonyalismong Kastila. Liban sa pagtatatag ng isang korporasyon sa pagmimina noong 1856 (Sociedad Minero Metalurgica Cantabro Filipina de Mancayan) at pagbibigay ng titulo sa ilang indibidwal sa Benguet at Mountain Province, hindi nawala sa mga katutubong pamayanan ang kontrol sa kalupaan at likas yaman nito. Sa pagpasok na lamang ng imperyalismong EU tunay na nagsimula ang pagsasamantala sa mayamang kalupaan ng mabundok na rehiyon, na nagbunga ng mga bagong tunggalian sa puwersa at relasyon ng produkyon. Kaalinsabay ng mga pangyayaring ito ang paghina ng kaisahang pang-etniko ng mga katutubong pamayanan at pagpapatindi sa makauring pagkakahati ng lipunang katutubo. Dahil di epektibong nakolonisa ng mga Kastila at, kung gayon, naiiba sa mga indio (o mga acculturated na nakolonisa ng Espanya) sa malaking bahagi ng Pilipinas, binigyang diin ng mga Amerikano ang pag-aaral sa katangian ng mga pamayanang katutubo, pati na ang kanilang ikinabubuhay at mga rekurso sa kapaligiran. Maagang itinatag ang Bureau of Non-Christian Tribes noong 1901 dahil na rin sa mahigpit na pagnanais ni Dean Worcester na pangalagaan ang kapakanan ng mga katutubo alinsunod sa paternalistikong ideya ng “white man’s burden.” Dahil hindi rin naging lingid sa mga Amerikanong opisyal ang yaman ng rehiyon, yayamang nasagap ni Worcester noong 1880s ang mga ganitong balita nang unang pagkakataon pa lamang na nililibot niya ang Pilipinas, di nakakapagtaka kung bakit sa mga nainterbyu ng mga miyembro ng Schurman Commission sa Pilipinas noong 1899 tulad nina F. H. Donaldson-Sim at Jose Camps, mga banyaga na dating nanirahan sa Benguet, ay paulit-ulit na lumutang ang mga tanong kung tutuo nga ba o hindi na sagana sa yamang mineral ang probinsya, kung ano ang kalagayan ng agrikultura, mga tanim at hayop na inaalagaan, ang kalagayan ng pamilihan at transportasyon, at iba pa.i[1]

 Naging tampok ang Kordilyera kaugnay ng Digmaang Pilipino-Amerikano dahil naitatag sa mga probinsya nito ang pinakaunang pamahalaang sibil ng estadong kolonyal sa ilalim ng Estados Unidos. Pagkatapos tugisin at pasukuin ang mga katutubong lider tulad nina Mateo “Bahag” Carantes, Juan “Oraa” Cariño, Valeriano “Buhao Bilet” Guillet at Magastino Laruanii[2] itinatag sa Benguet noong 23, Nobyembre 1900 sa pamamagitan ng Philippine Commission Act No 48 o Benguet Law ang pamahalaang sibil at sinimulan ang lahatang-panig na pagsakop at transpormasyon ng probinsya. Noong 18 Agosto 1908 sa bisa ng Act No. 1876 itinatag ang buong Mountain Province bilang isang yunit pampulitika na may 7 sub-probinsya : Benguet, Lepanto, Amburayan, Bontoc, Ifugao, Kalinga at Apayao. Bagamat tumagal pa ang pakikibaka laban sa imperyalismong EU hanggang 1913 sa huling laban sa Waga sa sub-probinsya ng Apayao, nagsilbing hudyat ang Benguet Law at ang pagkakatatag ng iisang Mountain Province sa tunay na sistematiko at kumprehensibong pagpapailalim ng mga pamayanang katutubo sa batas ng estadong kolonyal.

Page 4: yan-yan - sdname

 Sa sumunod na isandaang taon, umiral ang pambansang estadong kolonyal sa ilalim ng pamahalaang Amerikano, naisagawa ang sistematikong pagsasamantala sa likas yaman ng rehiyon, napatingkad ang makauring pagkakahati ng lipunan, at humina ang kakanyahang etniko ng mga pamayanan. Ginamit na pamamaraan at instrumento ng EU ang sumusunod :· ipinailalim ng estadong kolonyal sa batas nito ang sistemang katutubo, lalu na kaugnay ng pagmamay-ari ng lupa at paggamit ng likas yaman· pinapasok ang mga pribadong korporasyon sa pogmimina at pagtrotroso· inilatag ang batayan ng komersyalisasyon sa agrikultura· iniugnay ang lokal na ekonomiya sa pambansa at pandaigdigang pamilihan· inilunsad ang malawakang social engineering sa imprastruktura, edukasyon, relihiyon. at kamalayan. Anim na magkakaibang “sonang” pamproduksyon ang kinahantungan ng pagbabagong istorikal ng lugar sa loob ng sumunod na 50 taon noong ika-21 dantaon : · ·        ang malalayo at interior na pamayanang nakasasapat lamang (kung hindi man kulang pa nga) ang produksyon ng mga tradisyo (palay kamote) nal na halamang pagkainp the highly inaccessible subsistence farming areas at in the interior· ·        kapatagan at paanan ng bundok na natatamnan ng palay at gulay, na karaniwang may labis na produksyon· ·        ang tinatawag na vegetable-producing belt ng Benguet and kanlurang bahagi ng Mt. Province · ·        ang mga sentro ng minahan sa ilalim ng mga pribadong kumpanya, na mayroon ding nakasasapat lamang na produksyon· ·        ang dating mga sona ng pagtotroso, ngayo’y nakalbo na, na ginamit din ng malalaking pribadong korporasyon· ·        mga sentrong urban para sa komersyo, edukasyon, pamahalaan, relihiyon at pamayanan. K. K.       Maagang kasaysayan, lipunan at kabihasnanIlan sa mahahalagang aspeto ng sistemang panlipunan at tradisyong pangkultura ng maagang pamayanan sa Kordilyera ang sumusunod : 1.      Maagang kasaysayan: teorya sa pagtatao at maagang pamayannanSa pag-aaral ni Prill Brett,iii[3] may iba’t ibang teorya hinggil sa mga unang pamayanan sa Kordilyera na binuo ng mga Amerikano gaya ni H. Otley Beyer noong maagang bahagi ng 1900 na nalathala noong 1918, o si Jenks noong 1905, at Kroeber (1928). Narebisa na ito nila Eggan (1941, 1952, 1954, 1950), Keesing (1962), at Scott (1958, 1969). Muling narebisa ang kanilang mga pagtingin dahil sa bagong pag-aaral naman tulad ng kay Bodner Pinakamaaga ang pagtingin (mula kay Beyer) na nagkaroon ng hiwa-hiwalay na migrasyon sa Pilipinas may 2,000 taon na ang nakalilipas. Kung dati nang may mga Negrito na nakarating sa Pilipinas 25,000 – 30,000 taon BP (bago ang kasalukuyan), sinundan sila ng mga Indonesian A na siyang ninuno ng mga taga Apayao, Abra, Kalinga at Ifugao. Mula naman sa Indonesian B noong 1,500 BC ang mga ninuno ng Ibanag, Gaddang, Kalinga at Ifugao (gumagamit ng mga kagamitang yaring bato, nagtatanim ng gabi at palay sa kaingin. Tinataya niyang mga 800-500 BC nang dumating ang teknolohiya ng pagpapayoh na ginagamitan ng tanso at bronse, samantalang mga 300-200 BC nang nakarating sa Pilipinas ang kabayo at kalabaw. Si Keesing ang unang tumuligsa ng teoryang ito, subalit ang paglulugar niya ng pagtatao sa Kordilyera sa pagtakas lamang ng mga Ilokano mula sa Kastila ay hindi wasto. Ginamit niyang patunay na walang pagbanggit ang mga sundalo at paring Kastila hinggil sa mga payew bago mag-ika-19 na dantaon, at madali lang naman daw gawin ang mga terraces, kung paaanong madali lamang itong mentenahin/ayusin kung nasisira kaya’t hindi nauugnay sa matandang tradisyon. Hindi wasto ang mga hinuhang ganito. Kahit sa maagang tala sa Bila, Bauko noong ika-17 na dt ay sinasabing may ekstensibong mga palayan dito, samantalang hindi pa naman gaanong marami ang mga dokumentong kayang abutin ni Keesing noong ginagawa niya ang pananaliksik noong 1932. Mahalaga ang paglilinaw ni Eggan na lokal na pag-angkop at paglilinang ang paglitaw ng mga payew, gaya

Page 5: yan-yan - sdname

ng nailahad sa buod. Gayun din ang pagtingin ni Scott, bagamat kapwa sila ay walang sinabing pagsisimula ng tradisyon ng payew, kundi tinalakay lamang ang paglaganap nito sa iba pang bahagi ng Bontoc at Benguet noong ika-19 na dt. Si Bodner sa kanyang arkeolohikal na pag-aaral at mga pananaliksik sa lingwistika nila Reid nito na lamang dekada ‘70 at ’80 ang magtatayang mas maaga pa sa ika-16 na dt. ang mga payew, samantalang ang paglitaw ng mga permanentend pamayanang nakabataysa agrikultura, batay sa carbon dating ng ilang artipak na nakita sa Bontoc, ay inilalagay sa 570-680 AD.

B. Lupa bilang batayan ng kakanyahang pang-etniko

Sentral na konsepto ang lupa sa buhay ng pamayanan sa Kordilyera at mga miyembro nito.iv[4] Nakaugat sa sistema ng paggamit at pagmamay-ari ng lupa ang kaisahan pang-etniko, pati na ang ugnayan ng iba’t ibang pamayanan. Nakaugat sa tradisyong ekolohikal ang tradisyong pangkalinangan. Mahigpit itong tumagos sa kabuhayan, paniniwala, relihiyon, at pakikiugnay sa kapwa at ibang pamayanan. Bawat uri ng paggamit ng lupa ay may nakatakdang mga kaalamang pinalitaw ng maraming dantaong karanasan sa tuwirang paggamit. Ginabayan ito ng regulasyon sa paggamit at pagmamay-ari, at paniniwala para sa wastong pangangalaga.  Nagpapatuloy pa sa mga pamayanang tinaguriang “interyor” ng rehiyon at maging sa mga karaniwang bayang malayo sa sentro ng komersyo ang ganitong mga paniniwala. Karaniwang rudimentaryo ang mga gamit sa produksyon, bagamat may tinataguriang mga baknang o kadangyan (mga lider na tradisyunal o ‘mayayaman’ sa lokal na termino) ay hindi halos sila naiiba sa nakararami, anumang surplus ay naibabahagi sa mga mamamayan sa panahon ng mga ritwal.  Mahigpit ang mga regulasyon sa pangangalaga ng kalupaan :1.      hindi maaaring pumasok ang kahit sino upang magputol ng kahoy.2.      hindi maaaring pumutol ng kahit anong klaseng kahoy3.      may mga takdang panahon para sa pangangaso o panghuhuli ng mga ibon4.      may sabay-sabay na iskdyul ng pagtatanim at pag-aani (kaya’t malakas ang pagsunod sa mga seremonyang agrikultural) para sa pagkontrol sa mga peste. Kahit sa kasalukuyan, may mga pamayanan na maging sa paggamit ng mga tradisyunal na uri ng mga pananim (kadalasan ay bigas) ay hindi halos gumagamit ng mga HYV, at lalong hindi gumagamit ng mga inorganic inputs. Kung paano noon at nagpapatuloy pa rin, may sistema ng kolektibong pangangalaga sa lupa (sa pamamagitan ng saguday o pagmamay-ari ng angkan o dap-ay), mayroong mga teknik at materyales para sa composting, pamamaraan ng pagkontrol sa peste (gaya ng holok sa Ifugao o paggamit ng biospray sa Mountain Province), pagpapayaman sa lupa (paggamit ng sunflower), magmementina ng sariling water source (gaya ng muyong sa Ifugao), mayroon ding sariling pamamaraan at teknolohiya para sa palitan ng mga binhi. Sa ngayon nga, dahil sa hamon ng komersyalisasyon ay umangkop na rin ang sistema ng katutubong batas. Halimbawa, sa mga lugar na Bontok (bilang culture area) sa silangang Mountain Province, sa bahaging hilagang silangan ng Abra, at sa hilaga kanluran at silangang bahagi ng Ifugao, may pag-iral ang mga tradisyunal na kaalaman na nakakapagpanatili pa ng katutubong institusyong pampamahalaan upang ipagbawal ang ilang gawi na unti-inting sumisira sa kalikasan. Halimbawa:1.   bawal magputol ng kahoy na para sa paggamit ng labas sa komunidad2.   bawal mangolekta ng pine cone upang ibenta3.   kailangang magtanim ng 10 puno ang bawat pamilya4.   bawal ang paggamit ng chain saw5.   ang mga makukuhang produktong panggubat ay para lamang sa konsumo ng pamilya, ay hindi maaaring ibenta sa labas. Mahalagang linawin ang mga uri ng pagmamay-ari at paggamit ng kalupaan upang mas maunawaan natin ang kaayusang panlipunang binago ng kolonyalismo at patuloy pang binabago ng pambansang sistema ng mga batas. Hinahati sa tatlo ang batayan ng pagmamay-ari at paggamit sa lupa at likas yaman nito:

1. 1.      Pribadong pagmamay-ari sa lupang kinatitirikan ng tahanan (homelot) at halamanan (home garden) sa paligid nito, gayundin sa mga permanenteng sakahan na natutubigan (o mga

Page 6: yan-yan - sdname

payew/payoh). Itinuturing na pribado ang ganitong mga gamit at pagmamay-ari dahil pinagbuhusan ng lakas paggawa ang paglinang sa kalupaan sa loob ng maraming salinlahi, kaya’t naipapamana (tawid). Gayunpaman, pinananatili sa loob lamang ng angkan (clan, partikular sa Ifugao at Mt. Province ) at pamayanan (ili, sa iba pang erya) ang pagmamay-ari ng lupa: hindi maaaring ipagbili sa mga hindi mamamayan ng lugar (taga-ibang lugar).

2. Karapatan ng pamilya, angkan, at dap-ay na gamitin (usufruct, hindi bilang pagmamay-ari) ang lupang kinakaingin (uma) at pinapagpastulan ng malalaking hayop. Sa ganitong uri ng lupa, mas may karapatan na gumamit ang sinumang naglinis ng erya, at maaari lamang gamitin ng iba kung hindi na kailangan ng o kaya’y may pahintulot mula sa mas nauna ritong gumamit.

3. Komunal (o kolektibong) pagmamay-ari ng buong dap-ay, pamayanan at grupong etnolingwistko (maaaring binubuo ng ilang magkakalapit na pamayanan) sa mga bundok na may gubat at watershed. Nagmumula sa gubat ang mga hayop, kahoy, tubig at iba pang likas yaman na ginagamit ng mamamayan ng komunidad. May mga regulasyon sa paggamit ng kalupaan at pagkuha ng likas yaman mula dito, gaya ng pagtatakda ng panahon para sa pangangaso, pagtatakda kung saang bahagi ng kagubatan maaaring magputol ng kahoy, gaano karaming kahoy lamang ang maaring putulin, pagbabawal na ibenta sa labas ng ili ang naputol na kahoy, at kailan ang panahon ng pagkuha ng pulot at panghuhuli ng ibon.

 

K. Kalagayan ng Produksyon at Kaayusang Panlipunan

Maihahanay sa limang tipo ang mga pamayanan ng Kordilyera sa ika-19 na dantaon bago baguhin ang sistemang panlipunan at pangkultura. Ang pagkakahati sa mga uri naman ang ating bigyang-pansin.v[5]

 

1. 1.      nangangasong mga Negrito sa paanan ng Ilocos at Cagayan, Chico River Valley, at silangang bahagi ng Pangasinan. Wala silang kinikilalang pagkakahating makauri sa kanilang organisasyong panlipunan, at itinuturing na pinuno ang pinakamalawak ang karanasan o kaalaman.

2. 2.      mga pamayanang swidden o dry rice agriculturists (uma) at nagsasayo (goldpanning) sa Apayao, hilagang Abra, at ilang lugar sa hilagang Kalinga. Sa huling mga taon sa ilalim ng Kastila, umabot ang wet rice culture sa kanila. May kinikilala silang grupong maingel (mga mandirigma) kung saan nagmumula ang lider ng pamayanan. Partikular sa Isnag, nahati ang lipunan sa ba-nan na bagama’t may surplas na palay kung kaya’t nakakapagdaos ng say-am (ritwal) ay di naiiba ang katayuan sa ikalawang grupo, ang mga nalimrut na di sapat ang inaaaning palay mula sa sariling lupa kung kaya’t nagtatanim din ng gabi, mais, at kamoteng kahoy; pinakamahirap ang mga sibud na karaniwang nagtatrabaho sa lupa ng mga ba-nan.

3. 3.      mga pamayanang may payew/payoh (permanente o natutubigang sakahan) ng palay at gabi sa hilaga at silangang Benguet, Ifugao at timog na bahagi ng Kalinga. Nahahati ang mamamayan sa kadangyan o baknang na may pinakamalawak at maraming pagmamayaring payew at mamahaling gamit pang-ritwal; ang ikalawang grupo na maituturing na gitnang uri (sassa-ew sa Bakun, namatuk o mabitil sa Ifugao, lawa sa timog Kalinga at Bontoc), may sariling lupang sinasaka subalit hindi sapat ang ani para sa sariling konsumo; at ang ikatlong grupo na walang pagmamay-aring lupa (kotlangan sa Kalinga, nga-ew sa Benguet, lawa-lawa sa Bontoc, nawotwot sa Ifugao).

 Malinaw na may mapagsamantalang relasyon sa pagitan ng baknang at iba pa kung ibabatay sa paglahok sa produksyon, pagpapatubo sa utang, at pagbabahagi ng ani — mga salik na hindi matingkad sa ikalawang tipo at lalong di umiral sa unang tipo. Sa mga ganitong lipunan, kinikilala ang katayuan ng pinakamahuhusay sa matatanda bilang konseho para sa

i

ii

iii

iv

v

Page 7: yan-yan - sdname

paggawa ng mga desisyon para sa pamayanan (ato/ator sa Bontoc, intugtukan at dallaka sa Lepanto-Bauko, amam-a sa Sagada at Benguet, among dapappangat sa Kalinga kung saan di naglaon ay kinilalang pangat ang pinakamahusay sa mga maingel).

 4. mga pamayanang may minahan ng ginto at pastulan ng baka sa timog Benguet. May

paghahati ng lipunan sa mga baknang, ang kilalang mangangalakal na may malaking bilang ng baka o miniminang lugar, at may pagmamay-aring mga sakahan (bagamat sa pangangalakal at pagmimina ang batayang ikinabubuhay) at alipin; kailianos o biteg (na walang pagmamay-aring alipin o minahan), na naging silbi (sa mga sakahan at pastulan), o pastol (tagapag-alaga ng mga baka), o tagibi (nagserbisyo sa tahanan o taniman ng mga baknang upang magkaroon ng kakainin); at ang mga alipin (baga-en o bague) na siyang nagsilbing tanging lakas-paggawa sa mga minahan.

 5. kalakhan ng Abra (ang kapatagan) kung saan umiral na ang pagtititulo ng mga sakahan bunga

ng mga migrasyong Iloko at pamahalaang kolonyal na Kastila. Pyudal na relasyon sa produksyon ang umiral, kung gayon, at nahati ang lipunan sa panginoong maylupa (mga Kastilang may ari ng mga plantasyon at lokal na principalia); ang panggitnang magsasaka na may sariling lupang sinasaka o ipinapasaka sa iba; at ang mga mahirap na magsasakang maliit o halos walang lupang pagmamay-ari.

 Sa pangkabuuan, mahalagang banggitin na nasa iba’t ibang antas ng pag-unlad ang mga pamayanan ng Kordilyera sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, at tanging sa bahaging timog ng Benguet nakita ang produksyon para sa pangangalakal (ginto) at malinaw na mapagsamantalang relasyon ayon sa pagkakahati sa mga uri. Sa iba pa, nanatiling para sa sariling konsumo ang antas ng produksyon o, kung may surplas man lalo na sa paglaganap ng wet rice culture, ay sa mga pamayanan sa bob ng Kordilyera pa rin ginamit ang surplas na ito. D. Mga suliranin at hamon ng kasalukuyang panahon  Bunga ng epekto ng kolonyalismo sa rehiyong may pluralismong kultural isang partikularidad ng mga pamayanan ngayon ang pag-iral ng kalagayan sa produksyon na kung saan ay may salimbayan ang mga katutubong institusyon at mga bagong salik na ibinunsod ng mala-pyudal at kapitalistang relasyon sa produksyon. Sinasaklaw ng mga katutubong institusyon ang papel ng lallakay sa paggawa ng desisyon sa pagkontrol ng pagmamay-ari at paggamit ng kalupaan; pagpapatuloy ng tradisyon sa kolektibong paggawa at pamumuhay; paglutas sa mga hidwaan at tunggalian; at pagpapanatili sa kaayusang panlipunan. Dahil sa masaklaw at malalim na impluwensya ng estadong kolonyal, at maging ng sumunod na bansang estado ng malayang republika, nasa iba’t ibang antas ng transpormasyon ang mga sistemang kultural ng mga pamayanan ngayon, habang nakapailalim sila nang tuluyan sa kontrol ng mas malaking sistemang pampulitika, kultura, at pang-ekonomiya. Ang tunggaliang ito sa pagitan ng katutubong sistema at bansang estado ang pinagmumulan ng kasalukuyang suliranin sa lupa at likas yaman, ang batayan ng identidad bilang mga pamayanang katutubo.