16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 8: Talumpati: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ 9

Z P Filipino...Ikalawang Markahan- Modyul 8: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

  • Upload
    others

  • View
    36

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 8:

    Talumpati: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

    9

  • Filipino - Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan- Modyul 8: Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Rolando T. Cagatin at Normita M. Ogoc

    Editor: Lea Jane T. Lañoso/Alma R. Santiago, MT-1

    Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1

    Tagalapat: Jessa Rose D. Ajero

    Tagapamahala:

    Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD

    Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor - Filipino

    Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

  • Ang modyul na ito ay naglalayong malalaman o matatalakay ang

    nilalaman ng isang Talumpati ng isang pangulo na si Lee Myung-Bak ng

    South Korea, sa pulong ng United Nations tungkol sa climate change. Sakop

    ng modyul na ito na magagamit sa ano mang iba’t ibang paraan at sitwasyon

    ng pagkatuto. Ang mga leksyon ay naisasaayos sa standard na pamamaraan.

    Alamin/Balikan

    Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang talumpati na pinamagatang

    “Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima.

    Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay

    inaasahan na:

    a. Naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang

    orihinal. (F9PN-IIi-j-49)

    b. Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan

    at damdamin. (F9PB-IIi-j-49)

    c. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng

    pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa talumpati; ang mga

    salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa

    kontekstong pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa

    kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F9PT-IIi-j-49)

    d. Naisusulat ang sariling na nagpapakita bg pagpapahalaga sa pagiging

    Asyano. (F9PU-IIi-j-52)

    e. Nagagamit ang linggwistikang kahusayan sa pagsulat ng sariling akda

    na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.(F9PW-IIi-j-52)

    1

  • B. Sa mga nakaraang module, natutunan mo ang sanaysay at ang

    bahagi nito. Ngayon, ay paghahambingin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba

    ng sanaysay at bahagi nito sa talumpati gamit ang Venn Diagram sa ibaba.

    Pagkakaiba

    Pagkakatulad

    Pagkakaiba

    Mga Tala para sa Guro

    Dito ang guro ay magbibigay ng pagpapaunawa sa gagawing pag-

    aaral sa modyul na ito. Laging paaalalahanan ang mag-aaral sa mga

    dapat gawin at sisiguraduhing naiintindihan ng mga mag-aaral ang

    mga aralin at Gawain sa modyul na ito. Dito iwawasto ng guro ang mga

    tapos nang Gawain ng mag-aaral.

    2

  • Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang isang talumpati, “Talumpati

    Ukol sa Pagbabago ng Klima”.

    Tuklasin

    Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima

    Copenhagen, ika-18 ng Disyembre - Ang babasahin ay ang talumpating

    binibigkas ni Pangulong lee Myung Bak, pangulo ng Timog Korea, sa pulong

    ng United Nations tungkol sa climate change.

    Una sa lahat, kasama ninyo ako sa paghahatid ng pasasalamat sa buong

    pamahalaan ng Denmark at lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa

    paghahanda ng pagtitipong ito.

    Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay hindi lamang

    makaaapekto sa ating mga sarili kundi pati sa kabataan at sa kinabukasan

    ng ating planeta. Halos pitong bilyong tao ang nanonood sa atin. Dapat hindi

    sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.

    Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay

    magsama-sama. Imbes na sabihing “ikaw muna”, ay umpisahan nating

    sabihing “ako muna”.

    Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-

    umpisa sa paggawa ng ating bahagi at kapag ito ay nagawa na natin ay saka

    pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa mundo. Ito ang

    dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.

    Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng mga layuning

    kusang inilatag ng mga umuunlad na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng

    transpararency at magbibigay ng tulong upang matamo nila ang kanilang

    layunin. Ito ay isang paraan upang mahikayat ang mga bansang kumilos

    nang kusa.

    3

  • Iniskan ang larawang ito mula sa Pinagyamang Pluma 9 na aklat pahina 264

    Katulad ng ipinangako, ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin

    ang problema. Bilang isang bansa ay nangangako kaming maibigay ang

    pinakamataas na pangangailangang inirekomenda ng pandaigdigang

    komunidad.

    Kagaya ng alam ninyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging

    nangangailangan ng enerhiya. Sa nakalipas na labinlimang taon dumoble

    ang produksiyon ng greenhouse gas ng Korea. Hindi madaling tumupad sa

    pangako para sa ganitong bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa

    usapin ng pagbabago ng klima.

    Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang makinig

    sa mga hinaing at pangangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan

    naming gawin ito sapagkat makabubuti ang pagkilos sa atin at sa kabutihan

    ng mundo.

    Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang

    pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo. Mga pinuno at mga

    mamamayan ng buong mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan ang

    produksiyon ng greenhouse gas, ngunit papaano?

    4

  • Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang pagtugon

    sa katanungang ito. Kaya rito sa Copenhagen, dapat pagtuonan ang pagsagot

    sa kung paano mababawasan ang produksiyon ng green house gas. Kung

    tutuosin kapag isinaalang-alang nating ang pagsulong ng ekonomiya, ang

    paghanap ng solusyon ay napakahalaga.

    Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan kung paano

    mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin

    sa pagtugon kung paano kadami ang dapat ibawas.

    Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang

    bagong pambansang bisyon namin taon-taon, ang dalawang porsiyento ng

    aming GD? ay inilalaan sa Research and Development ng mga bagong

    makakalikasang teknolohiya at imprastruktura. Dahil dito, sa katapusan ng

    taong ito, ang Basic Lse ng Green Growth ay ipapasa. Gagawin namin ang

    aming makakaya upanga mabawasan ang produksiyon ng carbon, ngunit

    maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong,

    magbibigay ng maraming trabaho at berdeng kinabukasan. At umaasa akong

    maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang dahilan kung bakit ang korea ay

    magtatayo ng Global Green Growth Institute o GGGI sa kalagitnaan ng

    susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sa bawat isa sa atin upang

    maibabahagi natin ang ating galing at kaalaman.

    Pagsasama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng

    lipunan sa buong mundo na nagkaroon ng mga posibleng solusyon sa ating

    suliranin. Sa diwa ng pandaigdigang pakikipag-ugnayan, ang GGGI ay

    maaaring maging global think tank at maaaring maging tulay upang mapag-

    ugnayan ang mauunlad at papaunlad pa lang na mga bansa.

    Kaugnay nito, ang Korea ay handang tumulong sa pagbubukas ng post

    2012 regime sa pamamagitan ng pagiging bansang pagdarausan ng COP 18

    sa 2012.

    Mga pinagpipitaganan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong

    mundo, napagkasunduan nating ang dalawang digring layunin.

    Ngayon ay panahon na upang kumilos.binigyan na tayo ng isang

    makasaysayang responsibilidad.Huwag nating kalimutan na kung ano man

    gang makakamit natin mula rito at kung ano man an gating gagawin dito ay

    siyang huhubog sating kinabukasa. Ngayon ay panahon na upang sama-

    sama tayong kumilos.

    Nakuha mula sa Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa Ikasiyam na Baitang; Pp. 263-265

    5

  • Panuto: Ipaliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at

    damdamin. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

    1. Sa palagay mo, ano ang layunin ng pangulo ng South Korea sa pagbigkas ng talumpati sa komperesiya?

    2. Pagkatapos mong mabasa ang talumpati, anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo? Pangatwiran ang iyong sagot.

    3. Matagumpay ba ang bansang South Korea sa pagsulong ng kanilang

    adhikain ukol sa klima? Patunayan ang iyong sagot.

    4. Maging makabuluhan pa rin ba sa kasalukuyan ang talumpating ito?

    Ipaliwanag.

    5. Bilang kabataang Asyano paano kayo makakatulong sa ating inang kalikasan? Pangatwiran.

    Suriin

    A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salitang may

    salungguhit batay sa konteksto ng pangungusap. Isulatang titik ng tamang

    sagot sa sagutang papel.

    1. Ang mekanismong ginamit ng South Korea ay nagpakilala sa kanila sa

    buong mundo.

    a. kaparaanan b. solusyon c. sistema d. adhikain

    2. Ipinahayag ng Korea ang pangakong pagaanin ang layunin ng

    problema.

    a. higpitan b. luwagan c. solusyunan d. abangan

    3. Maghahanap ang South Korea ng mga makinang magtataguyod sa

    pagbibigay ng maraming trabaho.

    a. tulong b. hirap c. lagay d. bigay

    4. Ang isyu batay sa pagbabago ng panahon ay dapat mag-umpisa sa

    paggawa ng ating bahagi.

    a. magmula b. magsimula c. manggaling d. malito

    5. Ang usapin hinggil sa klima ay dapat tugunan ng buong bansa.

    a. solusyon b. pag-usapan c. balewalain d. sundin

    6

  • B. Panuto: Suriin ang talumpati batay sa kaisipan, damdamin at bisa o

    epekto nito sa iyo gamit ang graphic organizer sa ibaba.

    Pagyamanin

    A. Panuto:Ipahayag ang iyong sariling damdamin, kongklusyon o

    paniniwala batay sa kawastuhan o kamalian ng pahayag at pag-unawa gamit ang estratehiyang Read and React.

    READ REACT

    READ REACT

    Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima

    Damdaming Pinukaw Mga Kaisipang Napulot

    Paliwanag sa naging bisa o epekto sa ‘yo sa akda

    Binigyan na tayo ng makasaysayang

    responsibilidad. Huwag nating kalimutan na kung

    ano man ang makakamit natin mula nito at kung ano

    man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa

    ating kinabukasan.

    Kinakailangan nating pagtuonan kung paano

    mababawasan ang produksiyon ng greenhouse gas

    kagaya ng ginagawa natin sa pagtugon kung gaano

    kadami ang dapat ibawas.

    7

  • READ REACT

    READ REACT

    READ REACT

    B. Panuto:Ipaliwanag ang naging bisa ng nabasang talumpati sa sariling

    kaisipan at damdamin. Ibigay kung ano ang naging sanhi at bunga ng

    problema. Kung ikaw ay isang lider ng bansa, anong solusyon ang iyong

    gagawin.

    Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “Ako

    muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin

    ang mundo.

    Ang mga desisyong gagawin natin dito ngayon ay

    hindi lamang makaaapekto sa ating sarili kundi pati

    sa kabataan at sa kinabukasn ng ating planeta.

    Ang usaping hinggil sa pagbabago ng panahon ay

    dapat lamang mag-umpisa sa paggawa ng ating

    bahagi.

    PROBLEMA

    EPEKTO SANHI

    8

  • Isaisip

    Ang Timog Korea ang nanguna sa mga bansang nasa Asya sa

    paglunsad ng greenhouse gas emission trading scheme. Ito’y naglalayong mabawasan ang produksiyon ng gas ng 30%. Ang hakbang na ito ay

    nagpapakita ng kanilang pangakong mangunguna sa mga pagkilos upang maalagaan ang ating planeta. Naniniwala silang ang mababang produksiyon

    ng carbon ay magbubunga ng pagsulong ng ekonomiya. Ang kasaysayan ng Timog Korea ay nagsasaad ng kuwento ng isang bansang umahon sa kahirapan at sa sandaling panahon ay naging isa sa mga tinaguriang “Asian

    Tigers”. Sa kabila ng kanilang tagumpay sa umuunlad na ekonomiya, sadyang

    mapapahanga ka sa kanilang mga hakbang upang isulong ang green growth agenda. Kaya sa Talumpati nag kanilang pangulo, lantarang sinabi nito ang

    pagpapahalaga ng ating kapaligiran. Sa kabilang dako naman, ang pagtatalumpati ay isang sining ng

    pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil

    sa isang paksa sa pamamagitan ng wasto at mabisang pagbigkas. Mga Hangarin ng Pananalumpati:

    1. Makapagbigay ng Kabatiran- maaaring magbigay ang isang talumpati ng mga bagong kaalamang makadaragdag sa mga nalalaman ng mga

    tagapakinig. 2. Makapagturo o makapagpaliwanag. 3. Makapanghikayat.- naglalayon itong umakit sa mga tagapakinig ng

    tanggapin ang isang pinagtatalunang palagay o kalagayan.

    SOLUSYON

    9

  • 4. Makapagpaganap o makapagpatupad.- ito ay karaniwang ginagamit sa pagpapasinaya ng isang proyekto, batas o ordinansang makakabuti para sa

    nakararami. 5. Manlibang- hangarin nito ay makapagbigay ng kasiyahan at kawilihan

    sa mga tagapakinig. Ang mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati:

    1. Alamin kung anong klase ang iyong mga tagapakinig tulad ng kung sila ba ay grupo ng kabataang tulad mo, grupong magsisitapos ng elementary,

    magulang, at iba pa. Kailangang malaman mo ito upang maiakma ang paksa at paraan kung paano ito sasabihin. 2. Alaming mabuti ang paksa. Minsan kapag naimbitahan ka sa isang

    pagtitipon, mayroon silang tema na dapat mong sundan. 3. Kapag nakakuha na ng paksa, gumawa ng balangkas. Mahalaga ito

    sapagkat matutukoy mo kung ano-anong kagamitan ang kailangan mong saliksikin.

    Hakbang sa Pagbabalangkas 1. Pambungad ng Talumpati

    a. Panimula- nararapat na umisip ng isang panimulang nakapupukaw o

    nakagugulat upang makatawag pansin sa mga tagapakinig. Sa puntong ito, kailangang maikondisyon ang mga tagapakinig sa paksa ng talumpati.

    2. Katawan ng Talumpati b. Paglalahad- sa puntong ito kailangan ng sistematiko at malinaw na

    paglalahad ng mga kabatiran, masusing pagpapaliwanag at mahusay na panghihikayat. c. Bigay-diin o Emphasis- matapos ang paglalahad ng ideya o

    paninindigan, sundan agad ito ng pagbibigay diin o emphasis upang ang bisa nito ay tumino sa isip at kalooban ng mga tagapakinig.

    3. Pagwawakas ng Talumpati d. Impression- nararapat ding wakasan ang pagsulat ng talumpati sa

    pamamagitan ng pagbabahagi ng impresyong ang kaisipang inilahad p paninindigan ay pawang katotohanan lamang. Sa puntong ito maaaring wakasan ang talumpati ng isang tanong, hamon o quotation na titimo sa

    kanilang puso at mag-iwan ng impresyon sa kanilang isipan. 4. Kapag tapos na ang balangkas, maaari nang isulat ang talumpati.

    Iwasan ang pagsulat ng napakahabang talumpati, ang maikli, maliwanag at malamang talumpati ay higit na pinagpupurihan at kinawiwilihan kaysa

    mahaba at maligoy na talumpati.

    Isagawa/ Karagdagang Gawain

    Isipin mong isa kang delegado sa komperensiyang pandaigdigan na

    tatalakay sa problemang kinakaharap ngayon ng sanlibutan. Naatasan kang

    sumulat ng isang talumpati gamit ang wika mong Filipino na tatalakay sa

    ikinababahalang sakit ngayon ng pandemya na COVID 19 na tatalakay din

    sa iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagiging isang Asyano sa gitna

    ng pandemic na ito. Iisa-isahin mo ang magandang katangian ng mga Asyano

    sa pagharap ng pandaigdigang suliranin sa COVID 19.

    10

  • Ang iyong talumpati ay tatayahin gamit ang sumusunod na

    pamantayan.

    Mga Pamantayan Laang

    punto

    s

    Aking

    punto

    s

    Ang talumpati ay naglalaman ng pagpapahalaga at

    magagandang katangian ng pagiging Asyano sa gitna ng

    krisis COVID 19 Pandemic.

    5

    Ang talumpati ay may malinaw na hangarin.

    5

    Ang talumpati ay may nakatatawag-pansin na panimula.

    5

    Nailalahad nang mahusay at kompleto ang mga dapat

    malaman ng tagapakinig sa katawan ng talumpati.

    5

    Naging epekto ang pagwawakas ng talumpati.

    5

    Napakahusay 3- Katamtaman 1- Maraming kakulangan

    Mahusay 2- Di-mahusay

    11

  • A. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong/pahayag. Bigyang-

    kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng

    pangungusap ,ang matalinghagang pahayag sa talumpati, ang mga

    salitang may natatagong kahulugan, ang mga salitang batay sa

    kontekstong pinaggagamitan, ang mahihirap na salita batay sa

    kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. Bilugan ang titik ng

    tamang sagot.

    1. Anong pangunahing kaisipan ang namayani sa pahayag sa itaas?

    A. maging modelo muna sa lahat para sa ganun sundin ng mga

    nakararami

    B. siya muna ang gagawa para yayaman ang kanilang bansa

    C. siya lang mag-isa ang gagawa ng kaparaanan para maligtas ang

    sanlibutan

    D. walang mangyayaring pagbabago kung hindi siya tutulong

    2. Ano ang layon ng panghuling pangungusap sa itaas?

    A. nangaral C. nagpaalala

    B. nanghihikayat D. naghatid ng impormasyon

    3. Anong ibig sabihin ng unang pangungusap sa itaas?

    A. modelo B. perpekto C. masunurin D. tapat

    4. Ano ang kasingkahulugan sa salitang sinasalungguhitan sa pahayag

    sa itaas?

    A. iahon B. tulungan C. iligtas D. ipahamak

    5. Ang mga sumusunod ay mga katangiang nagpapakita ng

    pagpapahalaga sa pagiging Asyano. Maliban sa isa. Alin sa pahayag sa

    ibaba.

    A. Ang mga Asyano ay nagtutulungan upang mapaunlad ang kani-

    kanilang bansa.

    B. Ang mga Asyano ay nagkakaisa sa pagsugpo sa mga problemang

    kinahaharap ng bawat bansa.

    C. Ang mga Asyano ay hawak-kamay sa paghahanap ng solusyon sa

    usaping pangkalikasan.

    D. Ang mga Asyano ay kanya-kanyang sagip sa mga problema sa

    kanilang bansa at kanya kanyang hanap sa kinalulutas nito.

    Tayahin:

    (1.)Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “Ako muna”, ang

    pinakamabilis na paraan upang sagipin ang mundo. (2.) Mga pinuno at

    mga mamamayan ng buong mundo. (3.) Dapat tayo ay magkasundong

    bawasan ang produksiyon ng greenhouse gas.

    12

  • 6. Ano ang pangunahing diwa ng pahayag sa itaas?

    A. nakasalalay sa ating mga balikat ang ikinatatagumpay at ikinaliligtas

    ng bayan at kabataan

    B. nakasalalay lamang sa iisang lider ang ikinatatagumpay ng isang

    bansa

    C. nasa pangulo nakasalalay lahat ang ikinatatagumpay ng bayan

    D. nasa ating pagbibigay puna sa lider ng bayan ang ikinatatagumpay

    ng bayan

    7. Ano ang layon ng teksto sa itaas?

    A. naghatid ng impormasyon C. nangaral

    B. nagpaalala D. nanghihikayat

    8. Ano ang kasingkahulugan sa salitang nakasalungguhit sa pahayag?

    A. hutok B. aral C. batak D. lasing

    9. Anong bahagi ng Hakbang sa Pagbabalangkas ng Talumpati ang

    pahayag sa itaas?

    A. Pambungad B. Katawan C. Pangwakas D. Panimula

    10. Anong kaisipan ang inilalahad ng pahayag sa itaas?

    A. impresyon na pamukaw sa damdamin ng bawat isa

    B. pangaral na maging batayan sa ating lahat

    C. paalala na huwag makisangkot ninuman

    D. naghatid ng impormasyon na dapat sundin ng lahat

    TAMA O MALI.

    Panuto: Gamitin ang linggwistikang kahusayan sa pagsulat ng sariling akda

    gaya ng talumpati na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang

    Asyano. Isulat ang titik T kapag Tama ang pahayag tungkol sa pagsulat ng

    talumpati at M naman kung Mali ito.

    _____11. Sa pagsulat ng talumpati dapat alamin kung anong klase ang

    tagapakinig nito.

    _____12. Ang paksa ay hindi na kinakailangang alamin sa pagsulat ng

    talumpati.

    _____13. Sa panimula ng talumpati nararapat na umpisahan agad ng pahayag

    na patanong.

    _____14. Ang paglalahad sa pagsulat ng talumpati ay kailangang sistematiko,

    malinaw at mahusay sa panghihikayat.

    _____15. Sa pagwawakas ng talumpati kinakailangang lagyan ng impresyon

    na pupukaw sa isip at damdamin ng tagapakinig.

    Binigyan tayo ng isang makasaysayang responsibilidad. Huwag nating

    kalimutan na kung ano man ang makakamit natin mula rito at kung ano man

    ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.

    13

  • Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian:

    1. Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang.

    SURIIN A PAGTATAYA

    A 1. A 6. A 11. T

    B 2. B 7. B 12. M

    A 3. A 8. A 13. M

    B 4. C 9. C 14. T

    A 5. D 10. A 15. T

    14