Enclosure No. 3 to DepEd memo No. ___, s. 2012
MGA PANUNTUNAN PARA SA PAMBANSANG TAGISAN NG TALINO
Patnubay sa Paglahok Kategorya: Pagpapalabas ng 2 minuto Movie/TV Trailer
A. Mga Kalahok: 1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral (pampubliko at pampribado) sa ikatlong
taon sa mataas na paaralan. 2. Ang bawat rehiyon ay may anim (6) na kasapi: limang (5) kalahok na mag-aaral, at
isang (1) tagapayo/tagapagsanay.
B. Panuntunan: 1. Ang pangkat ang inaasahang susulat ng iskrip at magpapalabas ng 2 minuto
movie/tv trailer. 2. Ang tema ay nakatuon sa isa sa mga maikling kuwento ng Singapore. 3. Bago ang paligsahan ay magkakaroon muna ng panayam sa larangan ng pagtuturo
ng dulang pantelebisyon/pampelikula. 4. Bawat pangkat ay may dalawang araw para sa pagsulat at paghahanda sa
gagawing pagpapalabas. 5. Bawat pangkat ay mayroong 2 minuto para sa pagpapalabas ng kanilang movie/tv
trailer. 6. May apat na antas ang paligsahan: pampaaralan, pansangay, pangrehiyunal at
pambansa. 7. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdadala ng sarili nilang kagamitan para sa
paligsahan tulad ng sumusunod: camcorder, SD card/CD/RW/DVD/RW, CD player, laptop, software (movie maker), at iba pa.
C. Pamantayan:
1. Iskrip – 30% a. Kaangkupan sa tema – 15% b. Orihinalidad – 15%
2. Pagpapalabas – 70% a. Screenplay/Setting – 15% b. Cinematography – 15 % c. Technical Production – 15 % d. Sound track – 15 % e. Audience Impact – 10 %
Pipili sa mga kalahok ng una, ikalawa at ikatlong gantimpala na bibigyan ng tropeo at
medalya sa araw ng parangal.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kina Evangeline C. Calinisan o Cristina S. Chioco ng CDD-BSE sa telepono bilang (02) 632-7746.
Recommended