•Ano ang mapa?
•Paano ito ginagawa?
•Bakit ito mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay?
MAPA AT
ANG MGA DIREKSYON
MapaIto ay ang patag na
representasyon ng isang lugar.
Bilang isang mahalagang kasangkapan sa pag-aaral ng daigdig at heograpiya, ang mapa ay nagsasalarawan ng ating pisikal na kapaligiran tulad ng mga bundok, mga karagatan, mga pulo, mga ilog, mga lawa, at iba pa. It rin ay nagpapakita ng kapaligirang pangkultura tulad ng lungsod, bayan, tulay, paliparan at iba pa.
Cartographer- ay tawag sa ekspertong gumagawa ng mapa.
Iniiba nila ng ang anyo ng globo at ginagawang patag sa pamamagitan ng distansya o pagpapalit ng hugis na anyo ng isang bagay.
Iba’t iba ang uri ng mapang ginagawa ng mga cartographer. Masusi at tiyak ang paggamit nila ng mga sagisag na kumakatawan sa mga bagay na makikita rito.
MGA SIMBOLO O PANANDA SA MAPA
___ _ _ _ ___
___ _ _ ___
Hangganang Pandaigdig
Iba pang Hangganan
Kabisera ng Bansa
Riles ng Tren
Mga Daan
Kanal
Bulubundukin
Bundok
Karagatan
Talampas
Dagat
Look
Dalampasigan
Ilog
Talon
Tangway
Bulkan
Lambak
Burol
Kapatagan
MGA DIREKSYON SA
MAPA
Pangunahing DireksyonHilaga
(North)
Timog(South
)
Kanluran(West)
Silangan(East)
North Arrow
Compass Rose
Mga Uri ng Compass
Batayan sa paghanap ng direksyon sa mapa.
Pangalawang Direksyon
Uri ng Mapa
MAPANG PULITIKAL
- Nagpapakita ng mga
hangganan ng bansa,
rehiyon, bayan at lungsod.
MAPANG PANGKABUHAYAN
- Nagpapakita ng mga uri ng kabuhayan,
gaya ng pananim, mga industriya at produkto ng isang pook.
MAPANG PISIKAL
- Nagpapakita ng iba’t ibang
kaanyuang pisikal gaya ng anyong lupa at anyong tubig
ng isang lugar.
MAPANG PANGKLIMA
- Nagpapakita ng iba’t ibang klima ng ating
bansa
MAPANG PAMPOPULASYON
- Nagpapakita ng iba’t ibang
laki ng populasyon ng isang lugar.
Mapang Panlansangan o Daan
Naglalarawan ng mga daan o lansangan
upang makita ang isang
lugar.
MAPANG PANG-ETNIKO
- Naglalarawan ng iba’t ibang pangkat etniko o mga katutubo na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang IskalaAng scale o iskala ay isang
mahalagang bahagi ng mapa. Ipanapakita nito ang ugnayan ng sukat at distansya sa mapa at ang katumbas nitong sukat at distansya sa mundo. Sa pamamagitan nito makikita ang proporsyon ng isang yunit na panukat sa totoong sukat at distansya ng mga lugar sa mundo.
Uri ng Iskala1.Iskalang Graphic- Ang tinatawag na iskalang graphic ay
ay isang bar scale na parang ruler. Ginagamit o ipinapahayag ito sa kilometro o milya.
2.Iskalang Verbal- Ang iskalang verbal au tumutukoy sa ugnayang nakasulat nakasulat o ipinahahayag sa salita at hindi sa numero o pigura (figure)
3. Iskalang Fractional- Ang iskalang fractional naman ay tumutukoy sa ratio o tumbasan. Ang ibig sabihin, ang bawat yunit ng panukat sa mapa ay may katumbas na bilang ng yunit sa ibabaw ng mundo.
Iskala: 1 pulgada o dali para sa 100 milya
1: 100, 000
Gawain
Gumuhit ng mapang politikal ng Pilipinas sa isang long bond paper. Kulayan ito ayon sa bawat rehiyon. Dapat may label bawat rehiyon.