Transcript

BALINTUNA NG MAKABAGONG PANAHON

Marami tayong matataas ng gusali,ngunit maiksing pagtitimpi.malalapad na daanan o lansangan, ngunit makikipot na pananaw na nagbabanggaan.Malalaki at magagandang tahanan, ngunit salat sa pagmamahalanmaraming mabibiling pagkain at gamut, ngunit mabibigat ang mga dumarating na sakit at salot.

Napataas at nagkaroon ng buhay ng kalidad, ngunit bumaba naman ang ating moralidad.makabagong gadgets upang makipag-ugnayan ngunit di mabilang ang hiwalayan.maraming nakakamtang kalayaan ngunit kulang sa pananagutan. maraming oportunidad at pagkakataonngunit sobrang pang-aabuso sa kanya kanyang panahon. Madalas, gumagawa ang tao ng labag sa moralidad hindi dahil sa hindi niya alam ang kalidadng mabuti at masama, ng tama atmali, kundi dahil sa katigasan ng pusong ayaw ikanduli ang katotohanang mayroong mga panuntunandapat tayong sundan. Ito ay isang pagpipilit na tao ang may kalayaankung ano ang mabuti at masama ay siyang pagpasiyahan.

Upang marating ang huli nating dapat kahantungan, pagiging kaisa ng Diyos sa kaligayahang walang-hanggan,kailangang mamuhay tayo ayon sa moralidad, ayon sa tama at mabuting pagkilos ng taong may dignidad, batas-kalikasang moral ay hindi mga pabigat kundi gabay tungo sa ating tunay na kaligayahang salat. Huwag tayong magsawa sa pagsisikap na mamuhay ayon dito sa lahat ng pangyayari ng pang-araw-araw na buhay.