Kalagayang Pangkalusugan ng Pilipinas
sa Panahon ng mga Amerikano
Mañago, Raymund Kernell B.
Domingo, Christian Owen P.
Gutierrez, John Ray B.
Poltic, Ner Foxworth V.
Ventula, Geevee N.
Isang Panahunang-Papel na Ipinasa kay
Prop. Jerome A. Ong
Departmento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Oktubre 7, 2013
I. PANIMULA
Ang kalusugan ay kayamanan, ika nga ng mga Pilipino. Tunay ngang mahalaga ang
kalusagan sa ating pamumuhay. Kung masama ang lagay ng ating kalusugan, tiyak rin na
maaapektuhan ang ating mga paggawa. At kapag apektado ang ating paggawa, paralisado na rin
ang ating bansa. Ang pagiging malusog ay hindi lamang isang pansariling responsibilidad. Ang
ating pamahalaan din dapat ay kailangang kumilos para sa ikabubuti ng kanyang mga
mamamayan.
Nakakitaan sa pagtatapos ng ika-labinsiyam na siglo ang paglago at pagpasok ng bagong
kapangyarihan sa Asya—ang Estados Unidos. Naagaw nito mula sa Espanya ang pamumuno sa
Pilipinas matapos buwagin ng militar nito ang pag-aalsa ng mga katutubo. Mas pinaunlad pa ng
mga Amerikanong pumalit ang mga nasimulan na ng mga conquistadores. Totoong hindi naging
mainit ang pagtanggap ng maraming katutubo sa mga bagong batas at kultura pero hindi nagtagal
ay naging bukas na rin ang mga ito sa mga polisiyang Amerikano. Binigyang pansin ng
pamahalaan, sa ilalim ng mga dayuhan, ang agham at edukasyon gayundin ang kalinisan at
kalusugan, pananaliksik at pagsusuri ng mga mikrobyo upang malunasan ang iba‘t ibang mga
epidemya‘t sakit na sumalanta sa Pilipinas, gayundin ang paggawa ng mga paraan at polisiya ang
gobyerno upang matugunan ang mga sakuna. Maraming mga institusyon at pagamutan din ang
itinayo ng mga Amerikano upang makatulong sa lipunan.
Masasabi natin na ang bawat isa sa kolonyang Pilipinas, dayuhan man o katutubo, ay
naghangad at gumawa ng paraan upang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan. Ang tanging
pagkakaiba lamang ay ang paraan ng pagtugon nila sa mga sitwasyon—lalo na sa mga sakit—
laganap man o hindi, kaya‘t naganap ang iba‘t ibang pangyayari na nagpalawak ng tradisyon at
kulturang Pilipino.
II. PANGKALAHATANG KALAGAYAN NG KALUSUGAN NG PILIPINAS
Ito ay isang maikling pagtalakay sa mga mabubuting nagawa ng Espanya ukol sa
medisina at kalusugan dito sa Pilipinas sa mahabang taon nitong pananatili at pamamahala sa
bansa. Kung tunay man na nagkamali siya, siya rin ay may nagawang maganda na kung minsan
ay kinakaligtaan ng ilan sa ating mga mananalaysay bunga ng hindi pantay na palagay.
Ang ilan sa kauna-unahang batas na nakasaad sa Zeal of the Catholic Kings, at
matatagpuan sa sinasabing, ―Leyes de Indias‖, ay nagsasaad ng isang probisyon para sa mga
serbisyong ospital. Isinasaad doon na ang mga ordinaryong ospital ay dapat maitayo malapit sa
mga simbahan dahil sa paniniwalang hindi lang dapat ang katawan ang dapat maghilom, kasama
na rin dapat dito ang kaluluwa. Sa kabilang dako naman, ang mga ospital para sa mga
nakakahawang sakit ay dapat ipatayo sa mga lugar na tuyo sapagkat pinaniniwalaan nilang ang
mga basang lugar ang pangunahing pinagmumulan ng mga sakit.
Ayon sa pangkalahatang reporma ng gobyerno noong 1863, ang mga may kapangyarihan
ay kailangang makipagtulungan sa mga opisyal ng kalusugan sa anumang bagay na may
kinalaman sa koleksyon at pagtatapon ng basura, patubig, sanitasyon ng mga pabrika, at
sanitasyon ng mga pamilihan. Ang ilan sa mga serbisyo para sa kalusugan ng bayan na naitatag
sa pananakop ng Espanya ay ang mga sumusunod:
1. Ang Central Board of Vaccination – ito ay nabuo noong 1806 para sa produksyon,
konserbasyon at distribusyon ng lymph vaccine. Upang mapadali ang distribusyon ng mga
bakuna, ang mga magulang o mga namumuno sa mga paaralan at mga pampublikong institusyon
ay inatasang dalhin ang kanilang mga anak at mga empleyado sa munisipyo upang bigyan ng
bakuna. Kung nanaisin man nilang magpabakuna sa kanilang mga tahanan, sila ay kailangang
magbigay ng karampatang bayad.
2. Edukasyong Pangkalusugan – Ang edukasyong pangkalusugan ay para sa publiko at
karaniwang ginaganap sa mga pampublikong paaralan. Sa oras naman ng epidemya, ang mga
balita at impormasyon ay maaaring ipinagbibigay alam sa publiko sa pamamagitan ng:
a. Mga diyaryo na ipinamamahagi sa mga siyudad kagaya ng Maynila, Vigan, Iloilo,
Cebu at Zamboanga.
b. Mga paskil sa wikang Espanyol at lokal na dayalekto na karaniwang idinidikit sa
mga pasukan ng iba‘t ibang munisipyo.
c. Mga town criers na binabasa ang mga impormasyon sa mga pangunahing lansangan
upang ito ay marinig ng maraming tao.
3. Midwifery Service – Ang pamahalaan ay nagtatag ng tatlong (3) klase ng midwifery
service. May labindalawa sa unang klase na matatagpuan sa Maynila at sa mga sumusunod na
probinsiya: Albay, Batangas, Bulacan, Laguna at Pampanga. May lima naman sa ikalawang
klase para sa Ambos Camarines, Cavite, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Zambales. At may lima rin sa
ikatlong klase para naman sa mga probinsiya ng Bataan, Cagayan, Isabela, Nueva Ecija at Nueva
Vizcaya. Ang mga kababaihang nagsagawa ng mga ito ay tinuruan sa School of Midwifery ng
Unibersidad ng Santo Tomas na itinatag noong 1879. Ito ay isang dalawang taong kurso.
4. Mga spa – Ang mga medical na serbisyo sa mga minero-medicinal springs ay
nadebelop ng mabuti. May manggagamot para sa Los Banos, sa probinsiya ng Bulacan, sa
probinsiya ng Cebu, sa Tiwi, sa probinsiya ng Albay at sa Balong, Anito at Mariveles sa
probinsiya ng Bataan. Ang chemical composition ng mga springs na ito ay iniiba ayon sa
kanilang temperatura para magkaroon ng iba‘t ibang uri ng pagpapagaling.
Maliban sa mga serbisyong nabanggit, ang mga sumusunod ay ilan din sa marami pang
kontribusyon ng Espanya sa kasaykasayn ng medisina sa Pilipinas:
1. Pagtatalaga ng lokasyon ng mga bayan upang siguruhin na ang mga ito ay nasa tamang
lokasyon.
2. Pagpapatayo ng mga sanitary houses.
3. Koleksiyon at pagtatapon ng mga basura.
4. Paghihiwalay sa mga taong may nakakahawang sakit.
5. Pag-aayos at pabubuo ng mga patubig.
6. Pagpapatayo ng mga pampublikong pamilihan.
7. Pagpapatayo ng mga slaughterhouses.
8. Pagpapatayo ng mga sementeryo.
9. Mga kampanya laban sa mga sakit kagaya ng bulutong, kolera at beri-beri.
Kung mapapansin, ang Pilipinas ay mayroon ng sistema ng kalusugan bago pa ang pagdating
nga mga mananakop na Amerikano.
III. KALUSUGAN SA PANAHON NG MGA AMERIKANO
A. Mga Karaniwang Sakit at Epidemya
i. Amoebic Dysentery
Ayon kay D.C. Worcester, Secretary of
Interior sa koloniyang Pilipinas, sa panahong
nagsimula ang panahong Amerikano, kaagad na
nagdulot ng pagdurusa ang sakit na amoebic
dysentery sa mga sundalo, mga sibil na opisyal
ng gobyerno at mga manggagawa nito. Isang
siyentipikong pagsusuri na isinagawa sa Bureau
of Science ang nagturo sa mga Amerikano ng
mga mabisang paraan upang labanan ang sakit na ito. At ito ay ang pagtatapon ng dumi sa
tamang paraan, pangangasiwa ng mabuti sa pagbobomba ng pataba sa mga gulay at ang
pagpapabuti sa mga kalagayan ng mga pinagkukuhanan ng tubig na pang-inom. Ang paggawa ng
mga ito ay nakapagpababa ng bilang ng mga namamatay mula sa sakit na ito.
Ito ay nagmumula sa isang uri ng amoeba na tinatawag na Entamoeba hisolytica. Ang
pangunahing dahilan ng paglaganap ng amoebic dysentery sa Pilipinas ay walang iba kundi ang
pag-inom ng kontaminadong tubig. Sa simula pa lang, ang mga Pilipino ay kumukuha ng
kanilang inuming tubig mula sa mga tubig na dumadaloy sa batis, mga bukas na bukal at mga
balon. Ang mga balon na ito ay napakadelikado sapagkat karaniwang gawain ang paglaba ng
mga damit malapit sa mga ito at ang maduming tubig na naglalaman ng mga masamang
mikrobyo ay napupunta sa mga balon na ito na ginagamit ng mga tao.
Mga sundalong dumanas ng Amoebic Dysentery. (Pinagkunan: www.businessinsider.com)
Ang mga pinagkukunan ng inuming tubig ng mga tao sa probinsya ay napagbuti at nalinis
sa pamamagitan ng pagtatag ng mahigit sa walong daan (800) na poso. Nagawa ito sa paggastos
ng gobyerno ng malaking halaga para sa pagtatag ng mga karagdagang balon – isang polisiya na
taos-pusong tinanggap ng mga taong bayan.
ii. Anthrax
Ang anthrax ay dulot ng B. Anthracis
bacteria. Sa isang sulat, binanggit ni W. H. Boynton
si McCullen na nag-ulat sa pagkakaroon ng anthrax
sa kapuluan. Noong Abril ng 1904, sinabi niya na si
Dr. Lusk, isang beterinaryo ng Second Cavalry sa
U.S.A., ay nag-ulat na may namatay na mga uri ng
kabayo mula sa anthrax. Idinadag pa niya si C. J.
Thompson ng Serum Laboratory sa Alabang noong
Agosto 14, 1910 na tumawag sa kaniya para sa isang
inihandang dugo. Ang dugo ay kinuha mula sa isang kalabaw na namatay ng biglaan sa may
Taytay. Pitong kaso ang sinuri galing sa Taytay na napatunayang anthrax. Ayon kay L. Lopez-
Rizal at A. C. Alomia, ilan sa mga lugar na inatake ng epidemyang ito ay sa Bangar at La Union.
iii. Bubonic Plague
Isang epektibong grupong pangkalusugan ang itinatag na binubuo ng mga may kilalang
kakayahan at malaking praktikal na karanasan na tinawag na Board of Health. Ang tagapangulo
nito ay si Major Louis M. Maus, commissioner of health. Ang ibang miyembro ay sina Mr. H.D.
Osgood, sanitary engineer; Dr. Franklin H. Meacham, chief sanitary inspector; Dr. Paul C.
Ang B. Anthracias Bacteria na siyang nagdudulot ng anthrax.
(Pinagkunan: www.medgadget.com)
Freer, superintendent of government laboratories; at Manuel Gomez, kalihim. Ang kakayahan ng
grupong ito ay subok na sapagkat sila na talaga ang gumagamot ng epidemya sa hukbong
sandatahan - ang pinagsimulan ng epidemya ng bubonic plague.
Ayon kay D.C. Worcester, ang bubonic plague ay nagsimula pa sa Maynila at lumaganap
sa Cavite at Cebu. Isang epektibong kampanya laban dito ay inulunsad at hindi na ito tinigilan
hanggang sa nasugpo ang sakit noong 1906. Isa itong kapansin-pasing tagumpay sa isang
bansang katulad ng Pilipinas. Ngunit muling kumalat ang sakit na ito noong 1912. Ang mga daga
at ang mga garapata ng mga daga ang siyang nagpapasa nito sa mga tao. Malamang, ito ay dinala
ng mga daga na nakatago sa mga malalaking kahon ng gulay sapagkat kumalat ang sakit na ito sa
isang distrito kung saan maraming kahon ng gulay ang binubuksan araw-araw. Sa parehong
panahon, ang bubonic plague ay nakita din sa Iloilo kung saan siyam (9) na katao ang namatay
bago nawala ito. Nakita din ito sa Maynila kung saan limampu‘t siyam (59) ang namatay
hanggang sa buwan ng Setyembre 1913. Kung hindi matagumpay na nalabanan ang sakit na ito,
malamang, magdudulot ito ng hirap at pagkawala ng
mga ari-arian.
iv. Bulutong
Ayon kay D.C. Worcester, ang bulutong noon
ay itinuturing na isang normal o ordinaryong
karamdaman ng pagkabata. Isang pangkaraniwang
bagay na makita ang isang bata na dinadapuan ng
sakit na ito na nakikipaglaro at nakikipaghalubilo sa
ibang mga bata na malulusog. Ang damit ng mga tao Si Dean C. Worcester, ang Kalihim Panloob ng
Taft Commission (Pinagkunan: www.wikipedia.org)
na namatay mula sa sakit na ito ay pinapasa sa ibang miyembro ng pamilya na minsan ay hindi
na nilalabhan. Ang mga dumaranas ng sakit na ito ay ibinababad ang kanilang sarili sa malamig
na tubig kapag ang lagnat nila ay tumataas na at ayon sa kanila, binabayaran nila ang parusa ng
kanilang kamangmangan gamit ang kanilang sariling buhay. Dahil maraming mga Pilipino ang
takot sa likhang-isip na bagay na tinatawag nilang aswang, kadalasan ay isinasara nila ang
kanilang mga pinto at bintana kapag sumapit na ang gabi upang maging ligtas sila mula ditto;
kaya dumating ang pagkakataon kung saan ang isang batang nangangailan ng sariwang hangin
lalo na kapag gabi ay walang nakatanggap nito – na nagdudulot nga ng sakit na bulutong.
Noong nagsimulang kumalat ang bulutong sa mga Amerikanong sundalo at nang
mabilisan itong lumaganap, inatasan si Major Frank S. Bourns ng Army Medical Corps upang
pugsain ito. Marahan niya namang natupad ang utos na ito. Sa paglipas ng maikling panahon,
ang paggamit ng simbahan ng Sta. Ana bilang isang ospital para sa bulutong ay pinahintulutan at
ang mga may sakit na Pilipino ay marahang ginagamot doon.
Sa kasagsagan ng paglaganap ng bulutong sa Pilipinas, ang mga Amerikano ay
nagsagawa ng mahigit sampung (10) milyong pagbabakuna na nagbunga sa pagbaba ng bilang
ng mga namamatay sa sakit na ito taon-taon. Mula sa umpisang bilang na apatnapung libong (40,
000) tao ay naging pitong daan (700) na lamang ito at naging mas maliit ang bilang ng kaso ng
bulutong sa Maynila kumpara sa Washington sa Amerika. Ang bakunang ginamit para sa sakit
na ito ay inihanda ng Bureau of Science sa napaka-maingat na paraan at napatunayan itong puro
at aktibo.
v. Diphtheria
Ang Diphtheria ay isang sakit na dulot ng corny bacterium. Iniulat ni A. C. Alomia na
noong 1906, ang Pilipinas ay nagtala ng 17 na bilang ng tao na nagkakasakit sa bawat 100, 000
na populasyon at noong 1916, bumaba ito sa 6 na tao na lamang. Ang karaniwang dami ng kaso
bago nagsimula ang digmaan ay 143 ngunit nang magsimula ang kalayaan, may average na 242
and narehistro, isang 59.23 porsyentong pagtaas. Binigyang pansin nina D. Stransky at N. S.
Felix ang mas malaking pagkakakitaan ng sakit sa mga bata at ipinayo ang mas maraming
pagsusuri. Naniniwala din ang mga ito na laganap sa buong Pilipinas ang diphtheria.
vi. Influenza
Pinangasiwaan ni H.W. Wade ang isang di-nailathalang gawa sa pagbubukod ng
Hemophilus influenza noong World War I sa Philippine General Hospital; Dept. of Pathology;
College of Medicine, University of the Philippines; at Bureau of Science. Siya ay isa sa mga
kawani na nagpanatili ng lahi ng Hemophilus influenza na gagamitin para sa bakuna, ngunit
hindi ito natuloy. Sa isang pag-aaral sa nakakahawang coryza o sipon, ipinapakita na ang
Hemophilus galinarum ay ang pangunahing sanhi ng nasabing epidemya. At kahit ito ay
madaling makita sa microscope, ito ay hindi mapaghiwalay kahit sa mga paraang siyentipiko.
Mga gawa at pag-aaral ukol sa chemotherapy naman ang pinangunahan nina Coronel, Baluyot, at
Levine. Natagpuan na ang streptomycin ay isang mabisang lunas sa sakit.
vii. Ketong
Ang ketong ay isang sakit sa balat na kilala na sa buong Pilipinas bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Nagkaroon ng malawakang paglaganap nito sa mga kapuluan ng Cebu at
Panay, sa Ilocos, Gitnang Luzon, Bicol at Maynila. Ito ay nagmumula sa isang uri ng organismo
na pinangalanang Mycobacterium leprae na natuklasan ni Gerhard Armaurer Hansen noong
1873. Pagdating ng mga Amerikano, naging masusi ang pag-aaral sa ketong at kung paano
mahahanapan ng solusyon ang paglaganap nito sa buong kapuluan. Ayon kay Dr. Victor G.
Heiser, mayroong mahigit kumulang 6, 000 na ketongin sa buong kapuluan ng Pilipinas noong
mga unang taon ng ika-dalawampung siglo.
Mula panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa mga huling taon ng ika-
labinsiyam na siglo, pinaniniwalaang ang ketong ay namamana at nagpapasalin-salin sa bawat
henerasyon. Ngunit noong natuklasan na na ito ay nanggagaling sa Mycobacterium leprae, tulad
ng nabanggit kanina, naging mas maigi pa ang ginawang mga pananaliksik hinggil sa sakit na
ito. Sinasabing ito ay naipapakalat mula sa isang ketongin papunta sa isang taong walang ketong,
kung saan ang mga sanggol at mga bata ang pinakamadaling mahawahan kapag sila ay
makikisalamuha sa mga ketongin sa matagal na panahon.
Ang pakikihalubilo sa mga ketongin ay hindi naman talaga delikado. Sa katunayan,
napatunayan na kahit ang isang ketongin at isang malusog na tao ay ikakasal at magsasama sa
iisang bubong, hindi pa rin natin masasabing malaki ang pag-asa na mahawa ang malusog na tao.
Ang dahilan kung bakit ito ay kumakalat ay marahil noong bata pa lamang, kung kailan mahina
pa ang kakayahan ng katawan upang labanan ang sanhi ng sakit, ay nakuha na ito.
Noong natuklasan na ng mga Amerikano na ang ketong ay unti-unti nang nagiging
talamak, sila ay bumuo ng isang sistema upang mapigilan ang tuluyang pagkalat nito.
Ipinanukala nila na ang mga taong nadapuan ng sakit ay kinakailangang maihiwalay agad mula
sa karamihan sa pagpapadala sa kanila sa Culion, isang maliit na lipunan na binubuo ng mga
ketongin. Ayon pa kay Dr. N. C. MacNamara, nararapat lang talaga na ilayo ang mga ketongin
mula sa lungsod sapagkat ito lang ang natatanging paraan upang unti-uting mapigilan ang
pagkalat ng sakit na ito, lalo na at nalaman nang isang organismo ang dahilan ng pagkakaroon ng
ketong.
Pagkalipas ng labinwalong taon, may mga maliliit na pagamutan na rin para sa mga
ketongin na itinatag sa mga kapuluan ng Cebu, Iloilo, Legaspi at Zamboanga, nang sa ganoon ay
maging mas madaling makapagpagamot ang mga ketongin, at hindi na kinakailangan pang
lumayo pa sa kani-kanilang mga pamilya. May mga klinika rin na naitayo, bilang suporta sa mga
pagamutan na ito, na nagsilbing hantungan para sa mga nais magpagamot ng iba‘t ibang sakit sa
balat at para na rin maagang matuklasan at malunasan ang mga may sakit ng ketong. Dagdag pa
rito, sa ilalim ng programa ng Department of Health and Public Welfare of the Republic of the
Philippines, na mas kilala bilang Bureau of Health, at U.S. Public Health Service, nagtatag sila
ng mga naglalakbay o naglilibot na klinika. Ang hangarin ng ganitong uri ng klinika ay ang
magpunta sa mga bayan at barangay ng bansa nang sa ganoon ay makapagbahagi sila ng mga
kaalaman tungkol sa ketong at makapagbigay ng libreng panggagamot sa lahat ng uri ng sakit sa
balat.
Sa panahong ito ay nagagamit pa rin ang mga naitatag na ospital noong pananakop pa ng
mga Espanyol. Ito ay ang San Lazaro Hospital sa hilaga ng Intramuros at ang Cebu Leprosarium
na itinayo sa pangunguna ng mga paring Pransiskano at naglalayong magbigay-serbisyo bilang
kawanggawa sa mga may sakit. Ang mga pagamutang ito ay naging handa sa pagtanggap ng mga
pasyenteng may ketong, kahit na nasa
malubhang kalagayan na sila. Noong 1903,
inulat ni Dr. H. B. Wilkinson na ang
kaniyang mga pasyente ay madalang
gumaling, ngunit sa kabila nito, sila ay
masaya pa rin, marahil ay dahil nakalimutan
na nila ang abiso sa kanila na magpunta sa isla
ng Culion. Mahigit 200 na ketongin ang
kayang pagsilbihan ng malinis at maayos na ospital na ito, kaya naman wala na silang makitang
dahilan para lumipat pa sa isang malayong isla.
Hindi maikakaila na kahit anong gawing hakbang upang maiwasan ang sakit na ito ay
marami pa ring mga nahawa. Dahil dito, ang Bureau of Health ay nagkaroon ng maramihang
paggawa ng chaulmoogra oil bilang lunas sa ketong. Ang paggamit ng ganitong uri ng lunas ay
nagbunga ng mainam na resulta at hindi nagtagal, naging laganap na ang paggamit nito.
Pagkatapos ng 1910, nakahanap ang grupo ni Dr. V. Heiser ng mas epektibo at bagong paraan ng
paghahanda ng chaulmoogra oil na maaaring ibigay sa pasyente – ito ay sa pamamagitan ng
pagsasaksak ng hiringgilya sa balat. Sa kabila nito, lumabas ang iba‘t iba pang mga bagong uri
ng gamot tulad ng promin, promizole, at diazone upang gamitin bilang lunas sa mga
mangaggawang Amerikano, na sinasabing epektibo at nakagagamot din. Noong 1918, idineklara
ni Dr. Heiser na ang chaulmoogra oil ay pumasa sa pagsubok ng panahon sapagkat ito lang ang
pinakamabisa at ligtas na gamot sa lahat ng mga natuklasan.
Mga manggagamot at nars sa labas ng San Lazaro Hospital.
(Pinagkunan: www.healthbeat.ph)
Habang naghahanap pa ng tuwirang gamot at bakuna para sa ketong, hirap na inilayo ang
mga ketongin mula sa masa at ipadala sa Culion, lalo na‘t sa panahong ito, ang bansa ay magulo
dahil sa mga digmaan.
Ang ginawang hakbang ng mga Amerikano upang pigilan ang pagkalat ng ketong sa
kapuluan ay dapat bigyang-pansin sapagkat ito ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa
kasaysayan ng ketong sa Pilipinas. Ito na nga ang kanilang pagpapadala ng mga ketongin sa
Culion at pagbuo ng isang maliit na koloniya roon. Ito ang paglalahad:
Noong ika-27 ng Mayo 1906, ang barko ng mga Amerikano o Coast Guard cutter, na
pinangalanang Polilio, ay naglalaman ng kulang 400 na pasahero na naglakbay patungong
Culion, isang isla sa malayong
kanluran ng Pilipinas. Sila ang unang
pangkat ng mga ketongin na pinilit na
umalis mula sa kanilang mga tirahan
at magtungo sa Culion kahit na
walang kasiguraduhan kung sila ay
magbibigyan ng maayos na pamumuhay
roon. Noong 1910, isa pa uling pangkat, na
binubuo ng 5,000 ketongin, ang naglakbay sa karagatan papuntang Culion. Ngunit hindi lahat ay
naging matagumpay. Tatlong libo (3,000) sa kanila ay namatay pagkadating pa lamang sa isla,
habang 114 naman sa kanila ay nakatakas. Sinabi pa ni Richard Johnson, isang korporal, ang
‗Culion‘ ay isang salita na siyang nakapagdudulot ng pagkalungkot sa mga taongbayan. Para
Ang kolonya ng Culion kung saan namamalagi ang mga ketongin.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
naman sa mga ketongin, ang Culion ay siya nilang kinatatakutan na minsan nga‘y mas
nasisindak pa sila rito kaysa sa mismong sakit nila. Pagkatapos ng maraming taon, naging
malapit na rin sila sa Culion at natutunan na rin nilang mahalin ang islang ito.
Binuo ng mga Amerikanong opisiyal ang ganitong uri ng koloniya nang sa ganoon ay
mapag-aralan pa nila nang mas mabuti ang sakit at ang mga katangian nito. Isa pa, nais din
nilang magkaroon ng kanlungan ang mga ketongin na para sa kanila lamang, sapagkat sa
lungsod, sila ay kinukutya at itinatanggi bilang bahagi ng pamayanan. Sila ay sinusubukang
pagalingin mula sa sakit sa pamamagitan ng regular na pagsasaksak sa kanila ng chaulmoogra
oil; sila ay tinuruan ng tamang kalinisan sa katawan at sa pamamahay sa pamamagitan ng araw-
araw na paliligo, pangangalaga sa kanilang hardin, at pagwawalis sa tapat na kanilang mga
tirahan; isa pa, pinaunlad sa kanila ang kumpiyansa na sila ay mananatiling bahagi pa rin ng
lipunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga kasangkapang pangkalakaran, pagsali sa mga
larong pampamayanan, at pagbibigay sa kanila ng karapatang bumoto tuwing eleksyon.
Ang kaso nina Jose E. (1913) at Marcelo A. (1909) na kung saan sila ay naging
bacteriologically negative matapos ang ilang taon ng pagtanggap ng chaulmoogra oil ay
nagbigay-daan upang kilalanin ang kolonya ng mga ketongin, ang Culion, bilang isang ganap na
institusyon. Naging sikat ang Culion bilang isang laboratoryo para sa chemotherapy ng ketong.
Makalipas ang panahon, ang mga kababaihan ay nanganak sa koloniya. Upang
magkaroon ng seremonya, pagkatapos ng 1910, pinangunahan ng simbahan ng Culion ang
pagkakasal sa mga magkasintahan at sa pagbuo ng mga pamilya. Marami sa mga anak nila ay
walang bahid ng sakit. Sa maikling panahon, pinabayaan ng mga Amerikanong opisiyal na ang
mga ketongin na magulang at ang malusog na anak ay magsama sa iisang tahanan. Ngunit dahil
sa takot na makuha ng mga anak nila ang sakit, noong 1915, idinadala na ang kanilang mga
sanggol sa Balala nursery at duon ay sama-samang inaalagaan ang mga malulusog na anak ng
mga ketongin. Tuwing araw ng Linggo ay maaaring bisitahin ng mga magulang ang kanilang
mga anak. Pagtungtong ng mga anak nila sa ikalawang taon, sila ay ipinapaampon o kaya naman
ipinapadala sa Welfareville Institution sa Maynila.
Nang maging gobernador-heneral si Leonard Wood, M.D., noong 1922, mahigit 1/3 ng
pondo para sa kalusugan ng Pilipinas ay napunta sa Culion. Bagaman maraming gumaling dahil
sa mas pinatinding pagtutok sa pananaliksik at pasilidad, naghirap din ang mga ito sa pag-alis sa
kolonya. Sa parehong taon, napagdesisyunan ng mga miyembro ng Senado ng Pilipinas, matapos
bisitahin ang Culion, na ito ay isang ‗walang kwentang‘ institusyon na pinaglalaanan ng pondo at
tinawag itong isang kakaibang Amerikanong pag-aaksaya sa isang mahirap na kapuluan. Sa
sitwasyon, ikinumpara ng pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, ang malaking gastos sa
pagrereporma sa mga ketongin na may 6, 000 na populasyon at ang kakarampot na pondo para sa
tuberculosis na pumapatay ng may 30, 000 Pilipino bawat taon.
Noong 1930, nawala ang konsentrasyon ng mga ketongin sa Culion. Sa halip, bagong
mga pagamutang estasyon ang ikinalat sa kapuluan na nagbigay-daan para sa mga ketongin
upang magkaroon ng normal at maayos na pamumuhay habang nagpapagamot.
Naging isang matagumpay na lipunan ang Culion. Ito ay naging isang kanlugan para sa
mga ketongin at nagsilbing lugar na tinawag nilang tahanan. Ayon kay J. D. Long, sa nakita niya
ay maaari niyang masabi na ang Culion ay isa sa mga pinakamalilinis na lugar sa Pilipinas.
Dagdag pa rito, mula sa ulat ng isang lupon ng mga Amerikano na pinangunahan ni Dean
Worceseter, sinabi nilang ang Culion ay isang akmang lugar para makapagtatag ng isang
koloniya ng mga ketongin. Wala na ni isa man sa kapuluan, maliban sa Culion, matatagpuan ang
isang isla na tila ba maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga naninirahan dito – isang
paraiso.
viii. Kolera
Noong 21 Marso 1902, sinabihan si D.C. Worcester na dalawang pasyente mula sa
ospital ng San Juan de Dios ay nagkakaroon ng sintomas ng kolera at sa sumunod na araw ay
isang positibong pagsusuri sa laboratoryo ang isinagawa. Maraming kaso ang kaagad na
sumunod. Naharap sina D.C. Worcester sa isang matinding epidemya ng napakapeligrosong sakit
na ito. Sa simula, ang bilang ng mga taong namamatay dahil sa kolera ay halos umabot na sa
isangdaang porsyento ng mga nagkasakit. Sa kasamaang palad, walang tao na konektado sa
serbisyong medikal ng Pilipinas ang may praktikal na karanasan sa pagharap sa sakit na ito.
Sa umaga ng Marso 22, sinabihan ni D.C. Worcester si General Chaffee tungkol sa
sitwasyon at humingi siya ng sapat na pwersang militar na ipadala sa tambak ng ilog ng Marikina
upang protektahan ang tubig na pinanggagalingan ng lungsod mula sa posibleng kontaminasyon.
Ang hiling na ito ay siya namang natugunan na, at napatunayan naman nang ang mga guwardya
na pinadala ay sapat upang mapanatiling malinis ang tubig ng lungsod.
Ngunit, may tatlong
bayan sa itaas na bahagi ng ilog
kung saan nakasanayan na ng
mga tao dito ang maligo at
maglaba sa batis na ito. Marami
sa mga maruming balon ang
Ang paraan ng padidismpekta ng mga bahay laban sa kolera.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
kaagad tinabunan ng lupa. Ang mga tao na hindi talaga sanay sa mga hadlang upang
mapanatiling malinis ang lugar ay kumapit sa kanilang paniniwala na may karapatan silang
gawin kung anuman ang gusto nila. Umayaw sila sa pagdisimpekta ng kanilang bahay. Naging
masama ang kanilang pananaw tungo sa Board of Health. Dahil dito, isang kampanyang pang-
edukasyon ang kaagad na inilunsad at mga simpleng direksyon upang maiwasan ang impeksyon
ay inilathala at pinalaganap. May mga istasyon na itinatag sa lungsod upang mamahagi ng
malinis na tubig. Ang pagbenta ng mga pagkain na maaaring mapagkunan ng kolera ay
ipinagbawal. Isang hiwalay na lupa ang ginawa na nakapalibot sa lungsod upang maprotektahan
ang mga probinsya.
Dahil sa inaasahang
posibleng epidemya ng kolera, isang
kampo ang ginawa sa San Lazaro
kung saan dinadala ang mga taong
dinapuan ng kolera. Isang ospital
para sa kolera ang itinayo malapit
dito at ang mga may kolera ay
kaagad na dinadala dito mula sa
kanilang bahay. At ang kanilang mga
bahay ay dindisimpekta o kaya ay
sinusunog kapag hindi na nakayanan ng pagdisimpekta. Ang mga katawan ng mga namatay
sanhi ng kolera ay binabaon sa isang selyadong kabaong o sinusunog. Nang nanganib ang kampo
at ospital sa San Lazaro dahil sa dumami ang mga taong nagkaroon ng kolera, isang
Ang mga maruruming balon na pinanggagalingan ng sakit na kolera.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
pangalawang kampo at ospital ang itinayo sa Santa Mesa kung saan pwedeng tumira ang mga
may sakit sa mga tolda.
Nang nangyari na ang epidemya, may maraming mga tao sa Maynila na may mga
masamang balak na hindi pinapalampas ang pagkakataon upang gumawa ng gulo. Maraming
mahirap na pagsubok ang dinanas ng Board of Health dahil sa mga mangmang na taong kasali sa
serbisyong medikal na nagsasabi na ang sakit ay hindi raw kolera. May mga sabi-sabi ring
kumalat na pinapatay daw ang mga taong may kolera sa mga kampo at ang mga pasyenteng
bagong dating sa mga ospital ay pinapainom ng likidong may lason at agad-agad silang namatay.
May sabi-sabi din na ang malinis na tubig na ipinamamahagi ay may lason at nilalagyan daw ng
lason ng mga Amerikano ang mga balon. Sa kabila ng lahat na ito, naging matagumpay pa rin
sina D.C. Worcester sa laban kontra sa kolera. Ang kolera na nagsimula noong Marso 1902 ay
nawala sa pagdating ng Marso 1904.
Isang pinakasikat na tao noong panahon ng
Amerikano na namatay dahil sa kolera ay si Apolinario
Mabini. Sa paglalahad: Si Mabini ay ipinatapon sa Guam.
Nakipag-usap siya sa mga Amerikanong opisyal na
pauwiin siya sa Pilipinas upang sulyapan niya ang
kaniyang bayan. Kung maganda ang kinalabasan ng
koloniyalismo ng Amerikano, siya ay manunumpa sa
watawat ng Amerika; kung hindi ay magpapatapon siya sa
Guam. Pumayag ang mga Amerikano. Nang nasa Pilinas
na siya, muli niyang tinikman ang paborito niyang gatas ng
Si Apolinario Mabini, ang isa sa mga kilalang biktima
ng sakit na kolera (Pinagkunan: www.asianjournal.com)
kalabaw, na hindi naman pala pasteurized o dumaan sa proseso ng paglilinis, kaya naman siya ay
tinamaan ng kolera, kasabay na rin ng epidemya ng sakit na ito sa ganitong panahon. Siya ay
namatay noong Mayo 13, 1903. Ito ay ayon sa paglalahad ni Prop. Jerome Ong, M. A. History sa
kaniyang klase sa kasaysayan.
ix. Malaria
Noong dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas, ang malaria ay pumatay ng kasing dami ng tao
katulad ng bulutong. Ang malaria ay laganap sa
maraming rehiyon noon kung saan mahirap makakuha
ng epektibong quinine. Ang mga quinine na ibinebenta
sa tindahan ay karaniwang naglalaman ng cornstarch o
plaster of Paris. Si D.C. Worcester, ang Secretary of
Interior noon, at mga Amerikano ay nagdala ng quinine
at nakipag-kaibigan sila sa mga katutubong mga Pilipino
sa pamamagitan ng pagbigay nito sa mga may sakit. Ang
antas ng pagkamatay ay nabawasan ng malaking porsyento sa pamamagitan ng pagbigay ng
milyon-milyong dosis ng quinine. Nakapag-pababa din sa dami ng namamatay mula sa malaria
ang pag-aalis sa mga hindi ginagamit na tubig at pagbobomba ng petrolyo sa mga lugar kung
saan pwedeng tirhan ng mga lamok na maaaring magdala ng sakit na ito. Tinuruan din ng mga
Amerikano ang mga katutubo sa kahalagahan ng pagtulog sa ilalim ng isang kulambo. Ang mga
tao na naapektuhan na ng malaria ay inilalagay sa malinis at ligtas na lugar kung saan hindi na
sila makagat pa ng mga lamok upang hindi na rin lumala pa ang kanilang kondisyon.
Ang baktiryang Plasmodium na siyang nadudulot ng sakit na malaria.
(Pinagkunan: www.wikipedia.org)
Ang mga resulta na nakuha mula sa pagsugpo ng malaria ay karaniwang nakakamangha.
Ang Calapan, kabisera ng Mindoro, na tinaguriang ―White Man‘s Grave‖ dahil sa laganap na
lagnat mula sa malaria ay naging isang pambihirang malusog na probinsya. Ang Iwahig, sa
Palawan, kung saan maraming kaso ng malaria, na nagdudulot ng mga pagkamatay, ay naging
isang malusog na lugar. Nagpapakita ito na maaari pa ring malutasan ang mga problema sa
pamahalaan kahit gaano na ito kaseryoso.
Si Emilio Jacinto ay isa sa mga pinakakilalang
personalidad na nasawi dahil sa malaria. Sa paglalahad: Nais
niyang mag-aaral sa itatayong paaralan ni Apolinario Mabini sa
Malolos, Bulacan kaya naman nagsulat siya ng isang liham sa
kaniya. Pumayag si Mabini sa ganitong hiling kaya naman
pinapunta niya si Jacinto sa Malolos. Sa daan papuntang Malolos,
kinagat siya ng lamok sa Mahayhay, Laguna at doon ay tinamaan
siya ng malaria at kalaunan ay namatay siya sa noong Abril 16,
1899. Ito ay ayon sa paglalahad ni Prop. Jerome A. Ong, M.A.
History sa kaniyang klase sa kasaysayan.
x. Pagkalason mula sa Salmonella (Salmonellosis)
Ang salmonellosis ay isang uri ng pagkalason mula sa pagkain dulot ng isang
organismong tinatawag na salmonella. Maaari itong makuha kung ang isang tao ay makakakain
ng isang pagkaing mayroong salmonella. Ang isang taong naapektuhan na ng salmonellosis ay
maaaring makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagdudumi, lagnat, at ang pagkirot ng kalamnan
sa may bahagi ng tiyan. Ito ay unti-unting lumalala mula 12 hanggang 72 oras pagkatapos ng
Si Emilio Jacinto, ang Utak ng Katipunan, ay isa rin sa mga bayaning namatay dahil sa
sakit na malaria. (Pinagkunan: www.geni.com)
impeksyon. Sa kabila nito, marami-rami na ring kaso ang nakapagpatunay na maaaring gumaling
ang isang tao mula sa salmonellosis kahit hindi ito ginagamot.
Si C. Monserrat ay nag-ulat ng kaso na may impeksiyon na nakita sa autopsya at kinalala
ang organismong ito bilang Salmonella paratyphi. Noong 1924, inihayag nina C.R. Lacy at O.
Garcia na 15% ng mga Salmonella paratyphi ay nakita sa mga pagsusuri ng dugo noong
parehong taon. Si T. Topacio ay nagsagawa ng masusing pag-aaral sa mga baboy patungkol sa
kaso ng salmonellosis noong 1936. Ito ay nagpapakita na ang salmonellosis ay may kaugnayan
sa kaso ng cholera sa mga baboy. Nakita ang Salmonellosis suis sa dugo, atay, at pasak ng
baboy. Ito rin ay natagpuan bilang pangalawang organismo na dahilan ng nakakahawang
pulmonya sa mga baboy.
xi. Pasteurellosis (Haemorrhagic septicaemia)
Ang pasteurellosis ay isang sakit o impeksyon na dulot ng isang bacteria na tinatawag na
pasteurella. Ang pinakanakababahala sa lahat ng mga uri ng pasteurella ay ang Pasteurella
multocilda. Ang karaniwang tinatamaan ng organismong ito ay ang itaas na bahagi ng
respiratory tract.
Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pisikal na pakikisalamuha sa ibang tao, o ‗di kaya
naman ang pagkain ng mga pagkaing nakontamina na ng ganitong uri ng bacteria. Maaari rin
itong makuha kapag ang isang tao ay nakagat ng isang pusa o aso na mayroong pasteurella.
Gayunpaman, hindi ito madaling maipasa sa ibang tao.
Ang mga karaniwang sintomas ay pamamaga, panunugo, at cellulitis o ang malubhang
pagdurugo ng bahagi sa ilalim ng balat. Ang silakbo ng pesteng ito ay naganap sa Maynila noong
1912. Ayon kay V.G. Heiser, hanggang Oktubre 1, 1912, ang porsyento ng mga apektadong mga
daga ay nasa 0.005% at nadiskubre na kung nasaan ang mga dagang apektado ng pasteurella,
naroon din ang karamihan sa mga nagkakasakit ng pasteurellosis. Si R. Strong ang pangunahing
nag-aral tungkol sa bakunang posibleng pumuksa sa salot na ito. Si O. Schobl, ang nanguna sa
paggawa ng masusing pag-aaral sa laganap na sakit na ito sa Maynila noong 1912 hanggang
1913.
xii. Tuberculosis
Ayon kay Basilio Valdes, Major General, P.A., Chief of
Staff ng Secretary of Health and Public Welfare, ang
matagumpay na pagpugsa sa pagkalat ng tuberculosis ay
matatamo lamang sa pamamagitan ng purong aksyon ng masa,
ng mga institusyong pangkalusugan at mga pinuno ng
pamahalaan.
Ang tuberculosis ang nanguna sa listahan ng mga
pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong mundo sa
pagitan ng mga taong 1927 hanggang 1937. Ang epidemyang
ito ay nabigyan ng, kung hindi man pinakamalaki, katumbas na
prayoridad sa pagpaplano ng pambansang rehabilitasyon ng anumang problemang binibigyan ng
pinakamataas na pansin na kinakaharap ng Pilipinas.
Sa bawat labinlimang minuto, isang Pilipino ang namamatay dahil sa tuberculosis sa
Pilipinas. 35,000 Pilipino sa pinakaproduktibong panahon ng kanilang buhay, ang namamatay sa
sakit na ito bawat taon. Sa pagsusuri, sa halagang P1,000 bawat pagkamatay, P365 ang
Si Basilio Valdes, Chief of Staff ng Secretary of Health and Public
Welfare (Pinagkunan: www.doh.gov.ph)
nagagastos para sa pagkain at gamot, P20 para sa gastos sa libing. Ang 35,000 bilang ng mga
namamatay dahil sa tuberculosis ay kumakatawan sa pagkalugi ng P69,475,000 bawat taon.
Gayunpaman, maaaring mapigilan at mabawasan ang paglaganap nito kung naturuan at
nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga tao upang iwasan at waksiin ang epidemyang ito.
Kaya kung titignan ang mga kakulangan sa mga kampanyang pinondohan ng gobyerno at ang
mga pribadong institusyon, ang suliranin ng tuberculosis ay nanatiling peligroso.
Samantala, ang mga maunlad na bansa tulad ng Amerika, Inglatera, at Alemanya ay
nagtagumpay sa pagsugpo ng tuberculosis hanggang sa tuluyang pagkawala nito. Sa Pilipinas,
ang kabuuang bilang ng mga namatay ay 33,000 noong 1930 at tumaas sa 35,000 noong 1940.
Ang pagtaas na ito ay dahil sa mahinang aktibidad at mga panukalang ipinatupad upang labanan
ang tuberculosis tulad ng (1) pambansang kampanya ng impormasyon, (2) anim na
pampublikong pagamutan, (3) isang palusugan na may 600 kama, (4) limang pabilyon na may
400 kama, (5) isang preventorium na may 100 kama; at (6) gugol na P1,500,000 bawat taon.
B. Mga Institusyong Pangkalusugang Naitatag
i. Bureau of Health
Noong Setyembre 29, 1898, sa bisa ng General Order No. 15, binuo ang Board of Health
para sa siyudad ng Maynila. Si Dr. T.H. Pardo de Tavera at Dr. Aristone Bautista Lim, kasama
ang tatlo pang Amerikanong doktor, ang bumuo sa unang provisional board. Dahil ang general
order ay para sa benipisyo ng mga Amerikano, nilayon ng institusyon na bigyan ng tuon at
protektahan ang kalusugan ng mga Amerikanong sundalo. Noong Agosto 26 ng sumunod na
taon, inalis ang Board of Health at inatasan si Dr. Guy Edie bilang unang Commissioner on
Health. Taong 1901, itinatag ang Board of Health para sa Pilipinas sa pamamagitan ng Act No.
157. Ito ang naging Insular Board of Health matapos itatag ang mga probinsyal at munisipal na
mga antas ng health boards sa pamamagitan ng Act No. 307 at 308. „Di nagtagal, tinanggal ang
Insular Board of Health at ang mga trabahong ginagampanan nito sa pamamagitan ng Act No.
157; pinalitan ito ng Bureau of Health sa
ilalam ng Department of Interior. Si Dr.
Victor Heiser ang unang direktor ng
kalusugan. Sa bisa ng Philippine
Commission Act No. 1487, pinalitan ang
mga health boards sa probinsyal na antas
ng mga district health officers. Taong
1912 nang ipasa ang tinaguriang Fajardo
Act kung saan pinaigting ang kalinisan sa
mga munisipalidad at sinimulan ang pondo para sa kalusugan. Pagkatapos ng tatlong taon,
pinalitan ang pangalan ng Bureau of Health at ginawa itong Philippine Health Service. Hindi
naglaon ay muli itong ibinalik sa dating pangalan. Si Dr. Vicente de Jesus ang unang Pilipinong
direktor ng kalusugan.
Ayon sa Report of the Philippine Commission to the Secretary of War (1900-1915), ang
ahensyang ito ng kalusugan ang isa sa mga pinakaimportanteng trabaho ng gobyerno dahil ang
mga layuning nakapaloob dito ay mas binibigyang-pansin ang interes ng mga tao. Sa ilalim ng
Bureau of Health at Bureau of Quarantine, nasugpo nang maayos at mabilis ang iba‘t ibang
Ang lumang gusali ng Bureau of Health. (Pinagkunan: www.wikimedia.org)
epidemya sa Maynila gaya ng cholera at tinagurian ang lungsod bilang isa sa mga pinakamalinis
at pangkalusugang lugar sa malayong silangan.
Ang pagbabakuna ay naging malawakan sa pamumuno ng institusyong ito; ang bulutong na
dating sikat, dahil pumapatay nang may 30,000 na tao bawat taon, ay halos hindi na kilala dahil
sa bisa ng mga gamot, sa kabila ng maliit na pagkalat nito sa Samar noong 1914.
Dahil sa patuloy na bisa ng trabaho ng ahensya, napababa ang antas ng mga namatay sa
Maynila. Ayon sa istatistika, Hunyo, 1914 ang nagtala ng pinakamababang antas ng mga
namamatay sa kahit anong buwan sa 1914. Sa kabila ng maayos na trabaho ng ahensya, ang mga
opisyal sa mga probinsya sa pagdaan ng mga taon ay naniniwalang tumatanggap ang Maynila ng
hindi pantay na halaga ng alokasyon para sa kalusugan at kalinisan. Isang halimbawa ay ang
pagbibigay ng 52 porsyento na pondo sa mga nasa labas ng Maynila kahit ang mga ito ay
bumubuo sa 97 porsyento ng buong populasyon ng Pilipinas. Samakatuwid, ayon sa mga tiga-
Maynila, ito daw ang sentro ng komyunikasyon kaya dapat lang na ito ang bigyan ng
pangunahing pansin.
Iba‘t iba pang sakit at epidemya ang hinarap ng Bureau of Health. Ilan sa mga ito ay
ketong, beri-beri, malaria, at typhoid fever. Kasali na rin ang typhus fever, cancer at diphtheria.
Upang matugunan ang mga ito, ilang mga batas ang ipinasa. Ang mga ito ay nagtatakda ng
pondo para sa iba‘t ibang pasilidad na kaakibat sa pagtutok sa mga sakit. Ilan sa mga ito ang Act
No. 2370, para sa medikal na pagpapagamot ng mga mahihirap; Act No. 2376, para sa pagkuha
ng tiqui-tiqui na kailangan sa paggamot ng beri-beri; Act No. 2378, para sa paggawa ng pasilidad
sa ospital ng San Lazaro; at mga dating batas na inamyendahan para sa Culion. Ang iba pa ay
mga pondo para sa palakasan, kalinisan at sanitasyon, pagkain at gamot.
May mga polisiyang ipinatupad ang ahensya sa gitna ng mga epidemya. Ilan sa mga
pagtugon nito sa mga sakit ay may kinalaman sa pagkontrol ng pansariling pakikisalamuha at
kampanya laban sa mga daga. Hiningi ng ahensya na ihiwalay ang mga naapektuhan ng
epidemya. Ang silid ng may sakit ay nilinisan gamit ang carbolic acid at lahat ng walang
halagang damit at kagamitan ay sinunog. Ipinayo nito sa publiko na uminom lamang ng mga
ipinakulong tubig, sundin ang mga batas para sa pangkalahatang pansiriling kalinisan, at laging
linisan ang mga basura. Idinagdag pa nito na ang pagsusuot ng sapatos at medyas ay tumutulong
sa pag-iwas sa sakit.
Bukod sa mga polisiyang pang-epidemya, mayroon ding mga ipinatupad ang Bureau of
Health ukol sa pagkontrol ng dumi, suplay ng tubig, malaria, ketong at mga pista. Noong 1912,
binalaan ng ahensya ang mga Pilipino tungkol sa dumi ng tao na mas delikado pa sa arsenic,
isang delikadong kemikal. Sinabi pa nito na kahit sino ay maaaring dapuan ng mga sakit dahil sa
mga organismong marahil ay nanggaling sa mga dumi. Ayon kay Dr. Wallace de Witt, ang mga
katutubo raw ay hindi malinis sa gawain ng mga ito. Sinabi naman ni Dr. Thomas R. Marshall na
dapat daw turuan ang mga Pilipino na ang pagdumi kung saan-saan ay delikado at dapat itigil.
Kaya naman, inirekomenda nito na dapat sanayin ng mga Amerikano ang mga Pilipino na
umasta at gumalaw na kasing-ayos ng kahit sinong responsableng Amerikano.
Isa sa mga itinuturing na lugar na pinagmumulan ng mga nakakahawang sakit ay ang
mga bukas na pamilihan tulad ng Divisoria sapagkat dito ang sentro ng polusyon at dumi na
kasama sa kalakalan. Sa iba‘t ibang dayuhan, halos lahat ng pumunta sa pamilihan ay kinakitaan
ng negatibo at masama ang lugar. Sabi ni LeRoy, kung hindi kokontrolin, ang mga pamilihan ay
magiging sentro ang mga ito ng impeksyon. Ayon naman sa manunulat na si William Freer,
bilang reaksyon sa ingay at pamumuhay na kaakibat ng mga pamilihan, ang mga salita ay wala
daw kakayahang ipinta ang kalagayan ng buhay sa mga kalye ng Maynila.
Sa suplay ng tubig, nakahanap pa rin ng bakas ng bacteria sa mga ito. Kaya naman,
bilang pagtugon, itinakda ng direktor ng kalusugan na dapat ipakulo ang tubig sa takure ng 15
minuto bago ito ipainom ng mga nagbebenta. Nakitaan rin ng Bureau of Health ang mabilis na
pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng iisang baso na ginagamit ng maraming tao. Upang
solusyanan ito, ipinayo ng ahensya ang paggamit ng mga disposable na mga baso na gawa sa
matigas na papel.
Sa mga aspeto naman ng mga sakit na dala ng lamok gaya ng malaria, ang pagkontrol
sa populasyon ng insekto at pagbibigay ng mga dosis ng quinine na nakatulong sa paglaban sa
sakit mismo ang pinagtuunan ng pansin ng ahensya. Hanggang sa ngayon, ito rin ang ginagawa
ng ating pamahalaan. Nakatulong nang malaki ang ginawang pag-alis sa mga hindi ginagamit na
tubig at pagbobomba ng petrolyo sa mga lugar kung saan pwedeng tirhan ng mga lamok.
Pinayuhan ng mga kawani ng ahensya ang mga Pilipino na gumamit ng kulambo upang hindi
makagat ng lamok.
Ang pagtugon naman ng Bureau of Health sa ketong ay isa sa mga maaaring hindi
malilimutang kontribusyon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Upang tugunan ang problema sa
mga ketongin, nagpatayo ng isang lipunan ang ahensya sa pamumuno ng unang direkor ng
kalusugan na si Dr. Heiser. Tinawag itong koloniya ng Culion. Maraming Pilipino ang nawalay
sa kanilang mga pamilya dahil ang Culion ay ihiniwalay sa lipunan. Marami ang naghirap sa
proseso subalit ‗di maikakaila ang mga ginawang pananaliksik ng mga dalubhasa na talaga
namang nagbigay-daan upang malunasan ang sakit. Nakilala ang Culion bilang isa sa
nagpasimula ng konsepto ng espesyal na lugar ng pagamutan para sa mga ketongin sa Asya. Sa
kabila ng lahat ng ito, tinutulan ng mga mambabatas ang proyekto sa kadahilang masyadong
malaking parte ng pondo para sa kalusugan ang napupunta rito. Dahil din sa kolonyang ito,
naging masama ang imahe ng Bureau of Health sapagkat lumalabas na parang ginagamit lamang
nga mga Amerikano ang Culion upang makakuha ng pagkilala sa sangay ng medisina sa buong
mundo. Isang ebidensya ay ang pagpapabaya ng ahensya sa sakit na tubercolosis na pumapatay
ng libo-libong tao bawat taon at ito ay binigyang pansin ni Manuel L. Quezon. Sa kabila nito,
ipnagpatuloy pa rin ang operasyon sa Culion.
Bilang kasama sa aspeto ng kalusugan, nakipagtulungan ang Bureau of Health sa
Bureau of Science upang mas mapagtibay pa ang mga paraan ng paglaban, pagkilala at
paggamot sa iba‘t ibang klase ng sakit, gayundin ang pagdiskubre ng mga bagong gamot.
Hanggang sa kasalukuyan, nanatili pa rin ang tinatawag nating Bureau of Health, na mas kilala
bilang Department of Health. Bagaman napalitan na ang panahon, halos magkapareho ang
ginagampanang trabaho ng dalawa. Ang ahensya ang isa sa mga maituturing ng pamana ng mga
Amerikano sa ating bansa.
ii. Bureau of Science
Taong 1901 sa Bureau of Science nang simulan ng mga dalubhasang Amerikanong
mananaliksik ang pag-aaral sa pangkahalatang siyensya, lalo na sa medikal na suliranin. Ito ay
nabigyan ng bagong pangalan noong 1945 na Institute of Science and Technology. Ang kanilang
mga likha ay nailathala sa Philippine Journal of Science.
Si L. Topacio, ang may-akda ng Philippine Journal of Science, ay nag-ulat ng pag-unlad
ng bacteriology and serology sa Pilipinas sa taong 1903-1953 at binansagan niyang
„Development of Bacteriology and Immunology in the Philippines‘.
Noong 1888, itinayo ang unang
laboratoryo ng gobyerno sa Maynila at si
Anacleto del Rosario, na isang kimiko, ang
kauna-unahang namuno rito. Noong Enero
16, 1900, ang Secretary of War ay nagtakda
ng pagbuo ng laboratoryo para sa
bacteriology at immunology sa Pilipinas na
pamumunuan ng U.S. Army Medical Board.
At noong 1901, ang Bureau of Government Laboratories ay itinatag ng Philippine Commission
at si P.C. Freer, isang kimiko, ang hinirang na tagapangasiwa. Si Dr. R. P. Strong naman ang
naitakda na Direktor ng Biological Laboratory. At noong 1906, ang institusyon ay tinawag na
‗Bureau of Science‘
Ayon sa Philippine Bureau of Science Press Bulletin (1918), ang Bureau of Science ay
nabuo at unang nakilala bilang Bureau of Government Laboratories noong Hulyo 1, 1901 sa bisa
ng Act No. 156 ng komisyon ng Pilipinas. Ang mga unang eksperimento at imbestigasyon ay
nagsimula noong Disyembre 9, 1902. Ayon sa sa bulletin issue, ito ay may 30 siyentipiko na
gumagawa ng iba‘t ibang imbestigasyon kung saan kabilang ang mga pag-aaral sa botany,
bacteriology, serology, ornithology, marine biology, entomology, geology, chemistry,
standardization, pisikal at mekanikal na pagsusuri, at iba pa. Sa sinasadyang pag-iwas ng
gobyerno ng Pilipinas sa pagbuo ng iba‘t ibang organisasyong siyentipiko at pagsasama ng mga
Ang gusali ng Bureau of Science (Pinagkunan: www.arkitektura.com)
ito sa iisang mabisang institusyon, naapektuhan ang ekonomiya na makikita sa lumiliit na halaga
para sa administrasyon at gastos ng operasyon.
Para sa mga pasilidad, nalipat sa gusali ng Bureau of Science ang laboratoryo, gayundin
ang San Lazaro mula sa Board of Health noong Enero 1, 1903. Noong Hulyo 1 ng parehong
taon, inilipat din ang bahagi ng laboratoryo ng botany na unang inorganisa ng Bureau of
Agriculture. Noong mga sumunod na mga taon, idinagdag na rin sa ilalim ng Bureau of
Government Laboratories ang Bureau of Mines at Ethnological Survey o dating kilala bilang
Bureau of Non-Christian Tribes, ang koleksyon ng mga katutubong ispesimen,. Ang katawagang
Bureau of Science na ipinalit sa Bureau of Government Laboratories ay unang ginamit noong
1905 sa bisa ng Act No. 1407 na naging kaakibat ng paglipat ng Bureau of Mines sa ilalaim ng
ahensya bilang isang departamento. Ang sumusunod ang mga trabahong ginagampanan ng
Bureau of Science sa iba‘t ibang sangay ng agham at kalusugan:
Bakteriolohiya At Medisina
Ang Bureau of Science ay gumagawa ng maramihang mga trabaho sa laboratoryo para sa
Philippine Health Service, kung saan kabilang na ang pagsusuri ng mga daga, pagsusuri ng dumi
para sa cholera at ibang organismo, pagsusuri ng tubig at pagkain, pagsusuri ng dugo, ihi at
dumi, at iba pa. Ang malaking panahon ay ginugol para sa maagang pagtuklas ng mga
nakakahawang sakit katulad ng cholera, bubonic plague, typhoid fever, ketong, tuberculosis,
malaria, bulate, genito-urinary na sakit, at iba pa. May malaking bahagi ng trabaho sa paggawa
ng bakuna. Ang Bureau of Science ay gumagawa ng taunang suplay ng bakuna para sa bulutong
na sapat para sa 2,000,000 tao.
Pag-aaral ng Halaman at Hayop
Ang dalawang sangay ng pag-aaral ng hayop at halaman ay magkapareho sa kadahilanang
pareho silang sangkot sa pagkakakilanlan ng iba‘t ibang mga uri ng hayop at halaman. Ang
trabaho ng mga mag-aaral ng halaman ay nakatuon sa mga medisina at agrikultural. Ilan sa mga
nakakabahalang sakit ng mga halaman at hayop ay ang fungi na nagiging resulta ng mga fungus.
Ang pag-aaral sa mga organismong ito ay isa sa mga mahalagang sangay ng botany sa Pilipinas.
Isa rin ang pagkontrol sa mga lamok, langaw at iba pang insekto na kilalang mga tagapagdala ng
mga sakit.
Ipinakilala ng Bureau of Science ang mga silkworms, mga itlog nito, at mga panuto sa mga
nais gumawa ng sutla. Ang industriya ng sutla ay maayos na nakiayon sa mga kondisyon sa
Pilipinas at dapat itong bilisang paigtingin. Pinasigla ng ahensya ang malalimang pangingisda at
pinagbuti ang mga paraan ng paghuli at pagbenta, at ang pag-asin, pagpapatuyo at pag-iimpake
ng mga isda. Ang pag-aaral naman sa pagkain ng mga ibon ay nakagawa ng basehan na ang mga
ibon ay importante sa pagprotekta ng mga gubat at produktong agrikultural at sila ang
komokontrol sa mga nakakasamang mga insekto. Ang batasan ng Pilipinas ay nagpasa ng iba‘t
ibang mga batas na nagtatanggol sa mga hayop batay sa mga impormasyon ng Bureau of
Science.
Kimika
Sa sangay na ito, may pagsusulit ng halos 10, 000 na mga uri ng semento ang ginagawa taon-
taon, kabilang na ang mga pisikal na pagsusulit sa pagpapatibay ng bakal, lubid, kable, panali, at
mga materyales para sa konstruksyon. Masinsinang trabaho ang ginawa upang makahanap ng
pampalit na mga kemikal sa mga hindi makikita sa Pilipinas dahil sa digmaan at upang
makahanap nga paraan na naaayon sa kanilang gamit.
Isang organik na kimika ang kumakatawan sa Bureau of Science sa Food and Drugs
Inspection Board. Kasama nito, itinaguyod din ang Bureau of Science-Iloilo Sugar Laboratory
kung saan inaasikaso ang maayos na pagtanim, tamang panahon ng pag-ani at pagpapatakbo ng
plantasyon.
Pag-aaral ng Bato at Pagmimina
Ang mas malaking bahagi ng panahon ng mga geologist ng ahensya ay inatupag sa pang-
inhinyero at ekonimikong aspeto ng mga metal at hindi-metal na mineral at ang pagtunton sa
mga mahahalagang lugar ng interes. Sa kabuuan, sinisikap ng ahensya na makatulong sa mga
tagagawa, minero, tagatanim, at mga manggaagawa sa pampublikong kalusugan sa pamamagitan
ng paggawa ng mga ulat at pagbigay ng dalubhasang payo ukol sa mga tanim, lupa, pataba, sakit
ng mga halaman, mga peste, pagmimina, at iba pa. Kabilang na din ang pagsusuri ng asukal,
lupa, tubig, metal, mineral, semento, at iba pa. Upang ipakita ang mga gawaing nagawa ng
Bureau of Science, ang susunod na istatistika ang naglalaman ng kanilang trabaho:
Fiscal Year Kemikal at Pisikal
na Pagsusuri ng
mga mineral,
metal, semento at
iba pa
Pagsusuri ng
mga dumi, ihi,
dugo, daga, at
iba pang
bakteriolohikal
na pagsusuri
Total na
pagsusuri at
pag aanalisa
Magagamit na
inilaang pesos
1906-7 3,064
26, 449
29, 513
381,838.28
1909-10 9,353
34, 913
44, 266
404, 159. 16
1912-13 15, 602
152, 471
168, 073
409, 884. 30
iii. College of Medicine and Surgery
Dahil sa pangangailangan ng
pagkakaroon ng isang unibersidad
ang Pilipinas, si W. Morgan Shuster
ay bumuo ng ―Philippine University‖
Bill o ―Commission Bill No. 33‖
noong Pebrero 1908, na naglalayong
makapagbigay ng mahusay na
pagtuturo at mabisang pagsasanay sa
iba‘t ibang bahagi ng akademiya nang
may pantay na pagtingin sa pagkatao ng bawat isa. Ito ay naisabatas noong Hunyo 19, 1908.
Ang Unibersidad ng Pilipinas ay nagtakda ng pitong kolehiyo, noong 1911, na bubuo ng
pamantasan: College of Liberal Arts, College of Medicine and Surgery, College of Law, College
of Veterinary Medicine, College of Agriculture, College of Engineering, at School of Fine Arts.
Ang College of Medicine ay nagsimula pa sa Philippine Medical School, sa bisa ng isang
batas na ipinasa noong December 1, 1905. Sinabi na aamyendahan ang Act No. 1415 na gumawa
sa Philippine Medical School ay magiging College of Medicine and Surgery ng unibersidad
kapag may dalawa o mas maraming colleges ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagawa na at
gumagana na. Ang ganitong kolehiyo ay naitatag dahil napansin na ng mga opisyal na mayroon
nang malaking pangangailangan sa mga doktor para manggamot sa taongbayan. Napag-alaman
sa isang pag-aaral na mayroon lamang isang (1) doktor para sa 21, 209 na katao. Ang kolehiyo
ay pormal na binuksan noong 1907. Makalipas ang tatlong taon, ito ay pinalitan ng pangalang,
Ang lumang gusali ng Philippine Medical School, ang kasalukuyang UP College of Medicine.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
College of Medicine and Surgery. Noong 1923, ibinalik muli ang pangalan sa College of
Medicine.
Ang College of Medicine ang pinakamatagal nang yunit ng unibersidad. Ito ay nabuo
mula sa Second Philippine Commission Act No. 141, bilang pagtugon sa kaunting populasyon
ng mga doktor sa kapuluan. Ito ay nagbukas noong Hunyo 10, 1907. Ang gusali nito ay
nakapuwesto sa School for the Deaf and Blind sa Bonifacio Drive habang hinihintay na
makumpleto ang paggawa ng gusali nila sa Pedro Gil o Kalye Herran.
Ang kasaysayan ng UP Maynila ay binubuo ng pag-unlad ng mga kolehiyong
kumakatawan dito, kung saan ang karamihan dito ay matagal nang nabuksan, at ang isa pa nga
ay nabuo na kahit na hindi pa man naisasakatuparan ang pagtatatag ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ito ay nakatayo sa lugar kung saan dati‘y nakalagay ang unibersidad noong nagsisimula pa
lamang ito.
Sa kabila ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig (1941-1945),
hindi pa rin natinag ang College of
Medicine sa kanilang pagsasagawa ng
mga klase. Ngunit noong 1945,
napilitan silang huminto sapagkat
naging delikado para sa kanila ang
lumabas pa sa lansangan dahil sa mga
pagpapaputok at pambobomba sa Battle of
Manila.
Ang Bulwagang Rizal ng UP Maynila sa kasagsagan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Source: flickr.com)
Pagkatapos ng digmaan, agad na nagpatuloy sa klase ang kolehiyo kahit na ang gusali
nila ay butas-butas na dulot nga ng labanan at digmaan. Ang mga gusali ng Philippine General
Hospital at College of Medicine ang naging kanlungan ng mga manggagawa at nagtatrabaho sa
unibersidad.
Noong lumipat na ang UP sa Diliman, noong 1949, nanatili pa rin ang kolehiyo sa
Maynila. Makalipas ang ilang taon, nakapagtayo na rin ng Medical Library, Science Hall at
Basic Science Lecture Rooms, bilang mga pag-aari ng kolehiyo.
Hindi natin maikakaila na ang Philippine General Hospital ay bahagi na ng kasaysayan
ng College of Medicine sapagkat ito ang nagsilbing laboratoryong pagamutan ng mga mag-aaral
ng medisina sa unibersidad.
Naging magkaakibat ang PGH at CM sa pagkamit ng husay sa panggagamot sa
pamamagitan ng pagsasanay at pag-aaral ng pangkalahatang kalusugan ng tao at lipunan.
Maliban sa PGH at CM, mayroon pang ibang mga kolehiyo na binuksan sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano: College of Pharmacy, 1911; College of Dentistry, 1915; College
of Public Health, 1927.
C. Mga Pagamutang Binuksan
i. Mary Johnston Hospital
Ang pagkakatatag ng Mary
Johnston Hospital noong 1908 ay nag-ugat
mula sa isang Metodistang misyonaryo na
Ang lumang gusali ng Mary Johnston Hospital. (Pinagkunan: www.maryjohnston.ph)
si Dr. Rebecca Parrish. Noong mga panahon na iyon, ang kalagayang pangkalusugan sa Pilipinas
ay hindi ganoon kabuti at pati na rin ang mga serbisyong pangkalusugan ay hindi gaanong
tinutukan ng gobyerno. Ito iyong mga panahon kung kailan 60 porsyento ng mga sanggol na
ipinapanganak ay nangamamatay na bago pa man sila tumungtong sa edad na 5. Kasama ang
tatlo pang ibang mga nars, pinangunahan niya ang pagkakatatag ng isang klinika malapit sa
National Methodist Church.
Sa isang lugar naman sa Minneapolis, Minnesota, pumanaw ang asawa ni Daniel S. B.
Johnston na si Mary, na talaga namang minahal niya nang tapat at totoo. Dahil sa pangyayari,
minarapat na pagplanuhan ni Daniel na gawan ng memoryal ang kaniyang asawa. At sa isang
pagkakataon, nalaman ni Johnston na si Dr. Parrish pala ay mayroong planong magpatayo ng
isang ospital sa Maynila. Napagdesisyunan ni Daniel Johnston na pondohan at suportahan ang
planong ito at isunod ang magiging pangalan ng ospital sa pangalan ng kaniyang asawang si
Mary Johnston, bilang ala-ala sa kaniyang minamahal.
Naitayo ang Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila at nagsimulang magbigay-
serbisyo noong 1908. Ang ospital ay naglalaman ng 50 na higaan para sa mga pasyente at
nakapanggamot na rin ng marami-raming mga may sakit. Ngunit pagsapit ng 1911, ito ay
nahinto sa serbisyo sapagkat ang gusali ay nasunog. Hindi nagtagal ay binuo muli ito, at sa
ikalawang pagkakataon, ito na ay may kakayahang maglaman ng 150 na higaan para sa mga
pasyente. Nang ang digmaan ay sumiklab noong dekada ‘40, ang Mary Johnston Hospital ay
binuwag naman ng mga Amerikano, bilang bahagi ng kanilang pananakop sa Maynila, at tanging
ang harapan na lamang ng gusali ang nanatiling matatag.
Pagsapit ng 1950, ang pagamutan ay muling isinaayos at binuo sa ikatlong pagkakataon.
Ang mga pinakamakabagong kagamitan na ang kanilang ginamit at ang lahat ng makikita sa loob
ng pagamutan ay bago. Dahil dito, ang Mary Johnston Hospital ay nakilala bilang
pinakamakabagong pagamutan sa buong Maynila. Ito ay pinasinayaan sa pangunguna ni
Pangulong Elpidio Quirino. Matapos ang dalawang dekada, pinalaki pa ito. Ang pag-unlad ng
Mary Johnston Hospital ang nag-udyok sa mga doktor at iba pang tauhan dito na lalo pang
magpursige sa pagtatrabaho, at lalo pang pagbutihan ang pagbibigay ng mainit na serbisyong
pangkalusugan sa mga nangangailangan, lalo na sa mga taga-Tondo.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin lahat ay nakakaalam na ang Mary Johnston Hospital
na itinayo sa Kalye Nolasco, Tondo, ay kinikilala bilang isang makasaysayang pook ng mga
Amerikano. Ito rin ang isa sa mga pinakaunang pagamutang itinatag ng mga Metodista sa buong
mundo na nakatanggap ng suportang pampinansyal mula sa Millenium Fund of the United
Methodist Church. Pinangangalagaan nang mabuti ng ospital, hindi lang ang mga pasyente nito,
kundi pati na rin ang mismong gusali, nang sa ganoon ay maging mas epektibo at mas mahusay
ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa lipunan, at gayundin ay upang mapanatili nila ang kanilang
pinakaiingatang yaman – ang pamana ng nakaraan.
ii. Philippine General Hospital
Ang Philippine General Hospital (PGH) ay isang ospital na pagmamay-ari ng
pamahalaan at pinamumunuan ng Unibersidad ng Pilipinas – Maynila, ang Health Sciences
Center ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang tangi at pinakamalaking ospital na pinamamahalaan
ng unibersidad at itinakda rin bilang National University Hospital. Ito ang pinakamalaking
ospital sa bansa na may kakayahang maglaman ng 1, 500 kama. 1000 sa mga ito ay para sa mga
pasyenteng mahihirap at ang natitirang 500 ay para sa mga pribadong pasyente.
Ang PGH rin ang
nagsisilbing laboratoryo ng
mga agham-pangkalusugang
mag-aaral mula sa
Unibersidad ng Pilipinas –
Maynila. Kasama rito ang mga
mag-aaral ng medisina,
nursing, dentistry, physical therapy, pharmacy, occupational therapy at speech pathology.
Ito ay may labing-apat na departamento – Anesthesiology, Internal Medicine, Surgery,
Neurosciences, Pediatrics, Otorhinolaryngology – Head & Neck Surgery, Ophthalmology,
Orthopedics, Rehabilitation Medicine, Psychiatry, radiology, Pathology, Emergency Medicine
and Obstetrics at Gynecology. Sa isang buong taon, umaabot ng 600,000 pasyente ang dumadaan
sa bulwagan ng ospital na ito. Dahil dito, maraming organisasyon ang tumutulong sa ospital.
Ang PGH Medical Foundation at and Fr. Barbero Foundation ang ilan sa mga organisasyong
direktang tumutulong sa nasabing ospital.
Noong 1900, kasabay ng pagkabuo ng Gobyernong Sibil sa Pilipinas, at pagkatatag ng
Taft Commission, si Dean C. Worcester, Secretary of the Interior, ay bumuo ng planong magtayo
ng isang laboratoryo kung saan gaganapin ang mga iba‘t ibang siyentipikong pag-aaral, isang
paaralang pang-medisina, at isang ospital – lahat ay nakatayo malapit sa isa‘t isa kung saan: (1)
ang laboratoryo ay makapagsasagawa ng mga gawain para sa ospital kasabay na rin ng patuloy
na pag-aaral ng mga iba‘t ibang sakit, kung paano mapipigilan at masosolusyunan; (2) ang mga
Ang gusali ng Philippine General Hospital. (Pinagkunan: www.arkitektura.ph)
nagtratrabaho sa laboratoryo ay makapagturo rin sa paaralan at makatulong sa ospital; (3) ang
mga mag-aaral ay magkaroon ng aktwal na pag-aaral sa pamamagitan ng pagtulong sa ospital; at
(4) kung saan ang mga nagtuturo sa paaralan ay makakatulong sa ospital at makapagsasagawa ng
kanilang mga pag-aaral sa nasabing laboratoryo.
Naisakatuparan ang planong ito na tinawag nilang “Worcester‟s Dream” noong July 1,
1901 nang itinayo ang Bureau of Government Laboratories alinsunod sa batas na naglalayong
magkaroon ng sentralisasyon sa lahat ng bayolohikal na pag-aaral ng pamahalaang insular.
Kasunod nito ay ang pagkabuo ng Philippine Bureau of Science na umukopa sa bagong tayong
laboratoryo. Maraming pagtatalo ang ginanap ukol sa kung saan gagamitin ang natitirang lupa
na tinitirikan ng Bureau of Science.
Sa pagtatapos ng taong 1901, nagsimula ang pagpaplano sa pagtatayo ng isang general
municipal hospital kung saan gagamutin ang mga nagsisilbi sa Pamahalaang Insular, ang mga
puti, ang mga mamayan ng Maynila at ng buong kapuluan. Sa pagdating ng mga hukbong militar
ng Amerika sa Maynila, itinayo ang maraming military hospitals sa Maynila kung saan tumulong
ang American Military Medical Corps. Subalit hindi nakontento ang mga mamamayan sa
serbisyong binibigay ng mga ito.
Itinayo ang Women‘s Hospital na bahagyang hinupa ang reklamo mula sa mga
mamamayan. Ang institusyong ito ay para sa mga kababaihan at mga bata ngunit sa panahon ng
kagipitan, tumatanggap sila ng mangilan-ngilang kalalakihan. Subali‘t dahil sa kakulangan ng
mga pasilidad at sa mabilis na paglaki ng populasyon, hindi kinaya ng nasabing ospital ang
pagbibigay serbisyo sa lahat ng tao. Upang ibsan ang nasabing pangyayari, ipinasa ang Act No.
247 noong Oktubre 1901 na naglalayong itayo ang Philippine Civil Hospital. Dahil sa sobrang
pangangailangan ng ospital, agad itong binuksan sa loob din ng nasabing buwan. Bagama‘t ang
mga ospital na ito ay wala sa tamang lugar kung saan ito ay madaling mapuntahan ng
mamamayan, nagpatuloy ang mga ito dahil inabandona na rin ang planong pagpapatayo ng isang
general hospital.
Hindi tumigil ang mga mamamayan ng Maynila sa kanilang hiling ng isang ospital kung
saan sila ay pwedeng magpagamot na walang bahid ng diskriminasyon. Ipinasa nila ang isang
petisyong humihiling mula sa pamahalaang sibil ng isang general hospital sa Maynila.
Ang Philippine General Hospital, na dinisenyo ng Amerikanong arkitekto na si William
Parsons, ay pinasinayahan Setyembre, 1910 sa pagsusumakit ng Kalihim Panloob na si Dean
Worcester, Presidente ng U.S. na si William H. Taft at si Gobernador Heneral Forbes. Nagsimula
ito bilang isang sangay ng Bureau of Health at ng Departamento ng Pampublikong Tagubilin sa
ilalim ng Opisina ng Presidenteng Manuel L. Quezon. Noong Hulyo 1, 1947, ito ay
ipinagkatiwala sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, unti-unti nitong pinalaki ang
mga pasilidad at nagpataw ng mataas na pamantayan ng husay at kagalingan sa kaniyang mga
kawani.
Sa panahon ng digmaan, ang PGH ay naging isang kanlungan sa mga nagsilikas at mga
nasugatan sa digmaan bagama‘t ito ay kulang sa suplay at pasilidad upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan. Kung maaalala, si Honorato Quisumbing, isang student
leader, ay piñata ng mga Hapon dahil siya ay napaghinalaang magnanakaw habang siya ay
patungo sa silid-taguan ng mga medisina.
Sumunod dito ay ang rehabilitasyon at rekonstraksyon ng ospital. Nakita ng mga
dekadang 1950‘s at 1960‘s ang modernisasyon ng mga laboratoryo, organisasyon ng ospital, at
mga kasangkapan nito.
Sa nakaraan, mga mayayaman at kilalang opisyal lamang ng gobyerno kasama na dito
ang Pangulong Manuel Quezon ang tinatanggap sa nasabing ospital. Ngunit ngayon, halos ang
mga pasyente nila ay mga mamamayang nasa mababang antas ng lipunan.
Sa halos isang daan at tatlong taong pagkakatatag ng Philippine General Hospital,
marami na itong natulungan, natutulungan at patuloy pang matutulungang mga mamamayan,
mayaman ka man o mahirap.
iii. St. Luke’s Medical Center
Ospital para sa mga mahihirap
Sa isang simpleng bahay sa Calle Magdalena, itinayo ni Bishop Henry Brent ng
Episcopal Missions ang isang pagamutan, isang klinika para sa mga libreng panggagamot sa mga
mahihirap noong 1903. Sa parehong taon, 1,409 pasyente ang nagamot at binisitahan ng 3,972
katao. Itinayo rin dito ang isang kindergarten school para sa mga batang mahihirap.
Ang mga Amerikanong Episcopalian ay naging tapat sa kanilang misyon na may tatlong
paglilingkod: paglilingkod sa Simbahan, paglilinkod sa pagpapagaling, at paglilingkod sa
edukasyon. Mahusay nilang ginamot ang mga pasyente – ang mga sugatang bata, ang mga pagal
na manggagawa, at mga babaeng buntis. Ang ospital na ito ay naging takbuhan ng mga
mahihirap ng Calle Magdalena at liwasan ng Trozo sa panahon ng kaguluhan at kasawian.
Itinatag ni Rt. Rev. Charles Henry Brent, ang St. Luke‘s Hospital sa Pilipinas.
Noong 1907, pinuwersa ng mga Amerikanong Episcopalian ang pagtatayo ng mas
malaking gusali para sa pagamutan. Ang pangangailangan upang maitayo ito ay napakalaki
ngunit ang mga kagamitan ay kulang na kulang. Sa tulong ng mga estudyante ng Unibersidad ng
Pennsylvania, Harvard, Princeton, at Yale, naipondo ang P18,704 na sapat para sa pagpapatayo
ng isang gusali.
‗San Lucas‘ ang tanyag na bansag sa
St. Luke‘s noon ng mga residente ng Calle
Magdalena. At sa kalaunan, naging University
Hospital ang tawag rito. Ito ay dahil sa
malaking kontribusyon ng mga mag-aaral ng
University of Pennsylvania sa pagkakayari ng
bagong gusali ng ospital. Ang unang gusaling-
pamista ng pagamutan ay tinawag na
Pennsylvania Pavilion bilang pagkilala sa nailaan ng unibersidad. Nagkaroon rin ng Harvard
Ward sa Nursery sa ospital.
Ang unang Filipino Nursing School at lunduyan sa pananaliksik
Naging St. Luke‟s Hospital muli ang pangalan ng ospital noong 1912 upang makita ang
kaibhan nito sa Philippine General Hospital. Si Dr. Najeeb Mitry Saleeby, ang unang direktor ng
ospital, ay nagkaroon ng malaking malasakit sa mga naninirahan sa Calle Magdalena, at nakitaan
ang lugar ng mas malaking pangangailangan. At dahil rito, naging isa siya sa poundasyon ng St.
Luke‟s School of Nursing kung saan tinuturuan at sinasanay ang mga Pilipinong nars. Hindi
natinag si Saleeby sa tingin ng mga edukadong kababaihan sa nasabing propesyon bilang isang
kurso ng mga tagapagsilbi. Noong 1907, ang ospital sa Calle Magdalena ay nagtayo ng
pangunahing eswelahan para sa kasanayan ng mga Pilipinong nars at napagtapos ang unang
tatlong estudyante noong 1911.
Ang Calle Magdalena, pinagtayuan ng St. Luke’s Hospital (Pinagkunan: www.arkitektura.ph)
Ang University Hospital ay nagsikap matamo
ang dalawang misyon: una, ay ang gamutin ang mga
pasyente; pangalawa, ay ang magsaliksik upang
hadlangan ang mga karamdaman at sugpuin ang mga
sakit. Taong 1908, 8,146 pasyente ang nagamot at
27,763 konsultasyon ang naisagawa ng ospital.
Ospital para sa lahat: serbisyo, mga elitista, at
paglaki ng „San Lucas‟
Sa pangkahalatan ang St. Luke‘s ang naging
ospital para sa mahihirap ng Calle Magdalena bilang
pagamutan ng mga misyonaryo. Naging lunduyan ito
ng serbisyong inilaan at mga programang isinagawa
para sa mga pamilya sa pamamagitan ng pagtuturo at
tamang pag-aalaga sa mga sanggol at pangangalaga sa kalusugan.
Upang masuklian ang tulong ng mga taong naglaan ng tulong para sa pagpapatayo ng
dispensaryo, ibinuhos ng mga tauhan ang kanilang oras para sa kalidad na serbisyo para sa mga
pasyente. At hindi naglaon, ay dumagdag pa ang mga tumulong sa ospital.
Hindi lamang sa mga Pilipino, kundi para sa lahat ng lahi, ang ospital sa St. Luke‘s –
Amerikano, Europeo, at mga Asyano. Ito ay naging bukas sa lahat, anumang kulay o relihiyon sa
pagsasagawa ng medikal na sakit ay tinanggap at ang mga emerhensya ay inadmit araw man o
gabi. Sa patuloy na operasyon ng ospital, noong 1920‘s ay nagkaroon ito ng isang daang kama
para sa mga pasyente.
Mga kauna-unahang Pilipinang nars. (Pinagkunan:www.gutenberg.org)
Upang mas mapaganda ang mga pasilidad nito, ang mga bayad na galing sa mga pasyente
ay ang ginamit at ito rin ay para sa kawanggawa ng mga taga-Calle Magdalena at ito ang naging
rason kung bakit napalapit sa kanilang puso ang dispensaryo.
Ang sistematikong administrasyon
Ang disenyo at ang sistema ng ospital ay inihantulad sa mga nasa ibang bansa ni Bishop
Mosher. Ito ay upang mas epektibo at moderno ang serbisyong ilalaan dito. Ang pribadong
palapag nito na para sa ga pasyenteng nagbabayad, na karaniwang mga Amerikano at mga
Europeo. At ang pangkalahatang kwarto sa ikalawang palapag ay hinati sa tatlong bahagi; para
sa mg lalaki na may 30 kama, ang pambabaeng seksyon ay may 26 kama at ang sa nga bata ay
may 12.
Ang ospital ay may dalawang pundasyon. Isa rito ay ang sanitasyon na binigyan ng
malaking importansya sa buong bisinidad at ang pagpapakalat ng impormasyon na binigyan rin
ng diin sa pamamagitan ng pagtatayo ng aklatan sa may ikatlong palapag nito.
Noong Abril 1, 1921 hangggang Marso 31, 1992, ang ospital ay tumanggap ng 1,020
pasyente at 11,963 ang ginamot sa dispensaryo. Nagkaroon ng malaking problemang pinansyal
dahil 300 sa mga 1058 na pasyente sa ward ay di nakapagbayad ng kanilang utang.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para ihinto ng ospital ang kanilang mga operasyon.
Ngunit dahil sa lumalaking gastos para sa mga operasyon, itinakdang magbayad ang mga
pasyenteng kayang magbayad, kung gugustuhin.
Noong 1922, 177 pangunahing operasyon at 416 menor na operasyon ang isinagawa ng
dispensaryo. Sa 593 operasyong ginawa noong taong iyon ay 330 ang libreng pinangasiwaan. 39
kaso naman ng panganganak ang isinigawang walang bayad mula sa 109 kaso. Ang mga
kababaihan at kalalakihan ay pantay na itrinato sa loob ng pagamutan. Maliban sa libreng
konsultasyon, biigyan rin ang mga mahihirap ng libreng gamot.
Dahil sa libreng serbisyong iniaalay ng ospital, hindi maitatangging nalulugi ito –
kakulangan sa kama, mga gamit, at pasilidad. Dagdag pa rito ay ang bumabang halaga ng kalidad
ng ibinibigay na serbisyo sa mga pribadong pasyente na nagbabayad. Kaya naman, inilipat sa
mga pribadong pasyente ang prayoridad mula sa mga mahihirap na pasyente upang maibalanse
ang sirkulasyon ng pondo ng ospital.
D. Nutrisyon
Unang Bahagi
Ang unang bahagi ng panhanon sa pag-aaral tungkol sa nutrisyon ay nagsisimula sa taong
1903 hanggang sa 1923. Sa taong 1903 ay ang petsa ng paglimbag ng librong The Philippine
Islands na sinulat nina Blair at Robertson. Ang librong ito ay nagbigay ng ideya tungkol sa
pagkain ng ating mga kababayan noong maagang panahon ng pananakop ng Espanyol. Ang mga
pag-aaral tungkol sa nutrisyon noong 1903-1923 ay karaniwang resulta ng mga pagsisikap ng
mga Amerikanong siyentipiko at mga opisyal ng pampublikong kalusugan na pumunta dito sa
Isla noong panahon ng Amerikanong kolonisasyon.
Ang Bureau of Science ay isa sa mga unang institusyong sa pananaliksik. Sina Musgrave
at Richmond na mga empliyado dito ay ang mga unang nagambag sa pagsisiyasat tungkol sa
nutrisyon. Sa pang-apat na taunan na pagpulong ng Philippine Medical Association noong 1907,
nagulat sila tungkol sa mababang protein at taba na nasa gatas ng mga nanay mula sa mga
pamilya na mababa ang kinikita. Binigyang-diin nila ang impluwensya ng malnutrisyon sa
namamatay na mga bata sa ating bansa.
May grupo ng mga banyagang siyentipiko ang pumunta dito upang sumali sa Philippine
Medical School noong naitatag ito sa taong 1907. Nagmula sa kanila si Dr. H. Aron na isang
Alemang doktor. Na sa maikling panahon niyang paninirahan dito sa Pilipinas ay nagambag ng
mga pagaaral na nangibabaw sa unang dekada ng pananaliksik na ginawa ni Dr. Juan Salcedo Jr.
Ang mga pagsusuri ni Dr. Aron ay nakatuon sa kalkulasyon ng pagkain na kinokunsumo ng mga
Pilipino at mga sakit na nagmula sa malnutrisyon.
Karapat-dapat na bigyang pansin ang pagaaral na ginawa nina Dr. Aron at Hocson noong
1911 tungkol sa metabolismo ng nitrogen at phosphorus sa mga tao na kumakain ng kanin.
Nakakawiling pansinin na kahit sa maagang panahon na ito. Nakagawa sila ng isang
importanteng obeserbasyon na hindi posibleng makakuha ng balanseng nitrogen kung ang bilang
ng kalorya sa katawan ay mas mababa sa 1800.
Pagkatapos ng orihinal na publikasyon nina Musgrave at Richmond noong 1907 tungkol
sa komposisyon ng klase-klaseng gatas, ibang mga empliyado ng Bureau of Science ang nag-
ambag sa pag-aaral ng mga komposisyon ng pagkain sa panahong ito. Dapat bigyang pansin din
ang mga ginawang pagsusuri nina Gibbs at Agcaoili noong 1912 tungkol sa maraming pagkain,
Fratt noong 1913 tungkol sa mga prutas sa Pilipinas at ni Wells noong 1922 tungkol sa
maraming klase ng bigas. Ang College of Agriculture of the Universiy of the Philippines ay nag-
ambag din sa pag-aaral ng nutrisyon sa pamamagitan ng mga pag-aaral na nalathala noong 1914
nina Gonzales, tungkol sa niyog; Dacanay, tungkol sa saging sa Pilipinas; at Labayen, tungkol sa
kamoteng kahoy.
Ikalawang Bahagi
Ang pangalawang bahagi ng panahon sa pag-aaral tungkol sa nutrisyon ay nagsimula
noong 1923-1943 kung kailan ang progreso sa natural at medikal na agham ay nakaapekto sa
pagaaral ng nutrisyon. Naging konsiderable ang paglawak ng ating kaalaman tungkol sa
komposisyon ng likido sa ating katawan at ang kahalagahaan ng nakukuha nating nutrisyon mula
sa mga pagkain. Ang mga pagaaral tungkol sa nutrisyon ay naging importanteng bahagi ng
pamahalaan, nagsimula ito sa ulat nina Roxas at Collado noong 1922 tungkol sa halaga ng
nutrisyon na nakukuha mula sa diyeta ng mga Pilipino.
Ang pagkawili sa pag-aaral ng nutrisyon ay nagmula sa maraming pagbabago sa mga
pamahalaang institusyon. Noong 1923, si Concepcion at kanyang mga katrabaho ay bumalik sa
Pilipinas matapos sumailalim sa pagsasanay sa loob ng mga unibersidad ng Amerikano.
Pinagpatuloy nila ang paggawa ng masusing pag-aaral sa larangan ng pisyolohika at byokimika.
Sa parehong panahon, ang Experiment Station Chemical Laboratory ay itinatag sa College of
Agriculture sa Los Baños, Laguna. Ang mga pag-aaral tungkol sa nutrisyon ay ipinagpatuloy sa
Bureau of Science ngunit hindi na ito kasing tindi kompara noong bago pa ang kolonisasyon ng
Amerikano.
Noong dekada ng 1923-1933, ang laboratoryo ng Department of Agriculture ay
nagsimulang mamahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa nutrisyon. Ang pagtatag ng National
Reasearch Council of the Philippines noong 1933 ang nagbigay daan upang ang ating mga
empliyado ay makakuha mas maraming pondo at mas mabuting pasilidad para sa pagsusuri.
Noong 1923, nagbigay ng indikasyon si Santos na ang pagtira sa malamig na klima ay
hindi nakaka-apekto sa metabolismo ng isang taong nasanay sa klimang tropiko. Base ito sa
kanyang pagaaral sa mga Pilipinong estudyante nag-aaral sa Amerika. Sa pamamagitan ng pag-
aaral nina Santos at Gutierrez ay nagkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa konsumpsyon ng
pagkain sa Maynila. Isang malapit na relasyon ang nakita pagitan sa kita, halaga ng pagkain, at
halaga ng nutrisyon ng diyeta. Ang mga residente sa siyudad ay may mas mababang enerhiya,
carbohydrate, at pagtanggap ng mineral ngunit kumain sila ng mas maraming taba at protina na
mas mabuti sa kalidad kompara sa mga nakatira sa probinsya. Pinag-aralan din nina Santos and
Cocepcion ang diyeta ng mga espesyal na grupo. Kabilang sa mga ito ang mga diyeta ng mga
estudyante, empleyado ng pamahalaan, atleta at mga sundalo.
Isa sa mga pagsusuri na ginawa tungkol sa estado ng nutrisyon ng mga Pilipino ay ang
Somatometric index na isang pag-aaral tungkol sa paglaki ng tao . Noong 1926 ay gumawa sina
Siasoco at Goco ng talahayan tungkol sa tangkad at timbang ng mga batang lalaki at babae. Ang
mga iba pang pag-aaral tungkol sa paglaki ng tao ay ginawa ni Concepcion noong 1933 sa pag-
aaral ng paglaki ng Pilipino, at nina Icasiano at Cruz noong 1939 sa pag-aaral ng normal na
paglaki ng mga batang estudyante. Ang benepisyo ng gatas sa paglaki ng mga bata ay napag-
aralan nina Concepcion at Paulino.
Iba na namang pagsusuri ang ginawa tungkol sa estado ng nutrisyon at ito ay ang pelidisi
index ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsukat ng timbang at tangkad ng Pilipino na
nakaupo, nalaman nina Ocampo at Concepcion na ang pelidisi index ng mga Pilipino sa pagitan
ng 31-70 na taon ay mas maganda kung ikompara ito sa mga taga Europa. Sa unang limang taon
ng ating buhay, nagpapakita na ang nutrisyon ng mga batang Pilipino ay mas mabuti kompara sa
mga batang Tsino.
Marami ang ginawang pagsusuri sa nutrisyon sa pagtatapos sa panahong ito. Sa simula ng
Pangalawang Digmaang Pandaigdig, nakapagsimula na din sa pag-aaral si Bendaña-Brown,
kasama ang kanyang mga katrabaho sa Department of Chemistry sa University of Philippines,
tungkol sa pagkakamayroon ng nutrisyon sa pagkain. Si De Jesus at ang kanyang mga katrabaho
sa Institute of Hygiene ay nag-aral tungkol sa mga bitamina. Sa pamumuno ni Soliven, ang mga
kimiko ng Bureau of Animal Industry ay nag-aral tungkol sa dami ng amino acid sa pagkain.
Ang mga pag-aaral na ito ay nahinto dahil sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig dahil
nawala ang mga mahahalagang resulta ng mga pag-aaral nina Santos, Bendaña-Brown at
maraming pang iba.
E. Mga Epekto sa Katutubo
Sa pagdating ng mga Amerikano, iba-iba ang mga naging pagtugon ng mga katutubong
Pilipino sa mga pangkalusugang pagbabagong kanilang hatid. Namulat ang mga katutubo sa mga
modernong kagamitan, impormasyon at konseptong tinuro ng mga Amerikano. Mula sa mga
tradisyonal na kulturang pangkalusugan, unti-unting nagbago ang ilan, at nanatili ang iba.
Ang pagtatayo ng mga ospital ang isa sa mga proyekto ng mga Pilipino. Kahit mayroon
nang mga itinayong pagamutan noong panahon pa man ng mga Espanyol, naging malaki ang
naging kaakibat na epekto nito sa mga katutubo. Isa sa mga nagtatag ng mga dispensary ay ang
mga misyunero. Ang mga mahihirap ay nabigyan ng libreng serbisyo, at samakatwid, naging
mabuti ang mga lagay ng mga Pilipinong katutubo. Ngunit dahil sa unti-unting pagkalugi ng mga
ospital at mga serbisyong ibinibigay noon na kulang sa kalidad sa mga pasyenteng nagbabayad
tulad ng mga Europeo, itinuon ang prayoridad sa mga dayuhang ito.
Samantala, ang ibang mga katutubo ay hadlang sa pagpapagawa ng mga mas
magagandang pasilidad ng mga ospital, dahil wala silang perang pambayad sa mga
pagpapagawang ito. Bukod dito, malaking isyu rin ang pag-alis nila sa kanilang mga kabahayan
dahil sa kalayuan ng Maynila. Bago dumating ang mga Amerikano, hindi nila alam na ang
kolera, tuberculosis, atbp. ay mga nakakahawang sakit kaya‘t hinayaan lamang nilang pumunta
ang kanilang mga pamilyang maysakit sa iba‘t ibang lugar, na naging dahilan ng paglaganap
nito. Sa pagdating ng mga Amerikano, nabatid at naunawaan ng mga katutubo ang kahalagaan
ng panggagamot sa mga ospital sa pagwaksi ng mga epidemya.
Kung ang ibang mga Pilipino ay gumaling, marami rin ang lumala ang sakit. Marami sa
mga pamilyang apektado ng mga epidemya tulad ng kolera ay hindi pinalad na gumaling dahil
matapos sunugin ng mga Amerikano ang kanilang mga bahay dahil sa lumalalang paglawak ng
sakit, inilipat sila sa mga kampo, at naging dagdag pa sa paglaganap nito. Katulad ng kaso ng
mga katutubong may ketong na dinala sa Culion, Palawan, hindi lahat ng mga ito ay gumaling.
Kahit nabigyan sila ng magandang serbisyo - naging mahirap para sa mga katutubo ang
pamumuhay matapos silang palayain at hayaang manahan sa labas ng Culion. Naging tigang ang
lupang kanilang sinakahan at hindi naging maayos ang pakikitungo ng ibang tao sa kanila dahil
sa kapansanang kanilang dinala.
Hati man ang naging epekto nito sa mamamayang Pilipino, nadagdagan ang mga
kaalaman ng mga katutubo sa pagdating ng mga Amerikano. Kung dati ay hilot ang
pangkaraniwang gamot sa sakit, nabigyan sila ng karagdagang kaalaman para sa kalusugan.
Ngunit dahil sa nangingibabaw na pagtingin ng mga Amerikano, nabawasan ang tradisyon na ito.
Nang gayon, natanim sa mas maraming Pilipino na ang ating mga tradisyon ay hindi gaanong
epektibo kumpara sa dalang teknolihiya ng mga Amerikano.
May gumaling, ngunit mayroon ding hindi – ang mga mahihirap ang mga pangunahing
hindi nakatikim ng magandang panggagamot ng mga Amerikano dahil sa kawalan ng perang
pambayad sa mga ospital. Hangad ng mga polisiyang pangkalusugan ang maayos na kalusugan
ng mga katutubo ngunit dahil sa mga gusot sa pakikitungo sa pagitan ng Amerikano at mga
Pilipino, naapektuhan ang mga karaniwang katutubo sapagkat sila ang nasa pinakaibaba – wala
silang nagawa kung hindi sumunod at dumepende sa mga Amerikano sapagkat nasa kanila ang
mas malawak na kapangyarihang magtakda ng kung ano ang mas ―nakabubuti‖.
IV. PAGSUSURI
Hindi maikakailang may malaki-laking progreso sa kondisyong pangkalusugan ng Maynila
sa unang dalawang dekada ng pananatili ng kolonyalistang Amerikano sa bansa. Pangalawa sa
mga mahahalagang kontribusyon ng Amerika sa kolonyang Pilipinas, sunod sa implementasyon
ng edukasyon, ay ang siyentipikong programa ng pampublikong kalusugan. Bago ang 1900,
laganap ang mga sakit tulad ng kolera, tuberculosis, bulutong, malaria, at iba pang nakamamatay
na epidemya. Totoo nga na ang Espanya ay nagtayo ng mga opisina tulad ng Central Council of
Vaccination (1851) at nagsagawa ng mga bakuna sa buong kolonya upang bantayan ang
kalusugan ng mga tao, ngunit dahil sa mahinang kompitensya at di-sapat na pamamahala ng mga
kolonyal na kawani ng pamahalaan, hindi naging tunay na maayos ang kalagayang
pangkalusugan ng bansa. Pagdating ng mga Amerikano, mabilis nilang sinugpo ang mga
epidemya upang pagandahin ang sitwasyon ng kalusugan ng mga Pilipino. Sa pagtatayo ng
Quarantine Service na pinamunuan ng mga Amerikanong doktor, nabawasan ang mga kaso ng
mga epidemya at nagkaroon rin ng mga kaalaman ang mga katutubo sa pag-iwas nito.
Ang pagkakatatag ng Board of Public Health noong 1901, na naging tagapangasiwa ng
mmga kampanya ukol sa mas maayos na kalusugan, ay pumigil sa mga kamangmangan at mga
pamihiin ng Pilipino. Upang maisagawa ito, nagpadala ng mga kinatawan sa mga probinsiya
upang ipaliwanag ang kahalagan ng pagiging malinis sa katawan at mga modernong
pamamaraan upang maiwasan ang ilang mga sakit. Mga dispensaryo, pagamutan ng mga
ketongin, at mga ospital ay itinayo. Malaki ang naging epekto ng mga Amerikano sa mga
Pilipino. Sa katunayan, noong 1898, ang porsyento ng mga namamatay sa bawat 1000 tao ay
30.5% at noong 1907, bumaba ito sa 21.29%.
Hindi lamang ang mga sakit at epidemya at tinugunan ng mga Amerikano, pati narin ang
mga abnormal na kondisyon at kasawian ng ilan sa mga katutubo. Nagpatayo sila ng mga
pasilidad para sa mga ulila, may sakit sa pag-iisip, at mga rebeldeng kabataan. Nagbago ang
paningin sa kanila, na noong una ay hinahayaan lamang ng lipunan na makapanakit sa publiko o
di naman ay ikulong nang hindi binibigyan ng pag-asang magbago at umunlad. Ang mga
bokasyonal na pagsasanay sa kanila ay nagresulta sa moral at pisikal na rehabilitasyon.
Nagkaroon ng interes na bigyan ng tamang pagkalinga sa mga taong may ganitong kondisyon
ang publiko.
Hindi maaaring makapagsinungaling ang nakatala sa mga dokumento bagama‘t maaring
pagdudahan ang katumpakan ng mga datos na nakasaad dito. Sa katunayan, sa maraming
pagkakataon, magkaiba ang datos sa tala ng ilang opisyal na dokumento. Kung oobserbahan,
halos mabuti ang bawat detalyeng matatagpuan sa mga opisyal na rekord ng pamahalaang
kolonyal, malalantad ang ilang kahinaan at kakulangan. Tila sadyang itinago o marahil
natabunan lamang ng sobra-sobrang pagpupuri sa sinasabing kabutihan at positibong resulta ng
mga pagbabago at programang pangkalusugang ipinatupad ng mga kolonyalistang Amerikano
ang anumang kapalpakan at negatibong bunga nito.
Kung pagbabatayan ang mga opisyal na record ng mga tanggapang pangkalusugan ng
pamahalaang kolonyal, sadyang bumaba ang bilang ng kamatayan sa Maynila sa unang
dalawang dekada ng kolonyalismong Amerikano. Ngunit sa unang dekada, mahirap mabakas ang
anumang positibong resulta. Taas-babaang estadistika ng kamatayan mula 1901 hanggang 1909.
Ang tatlong beses na pananalanta ng epidemya ng kolera ang madalas itinuturong dahilan ng
mga Amerikano sa pagtaas-baba ng death rate mula 1901 hanggang 1909. Sa tuwing mayroong
epidemya ng kolera, tumataas ang bilang ng kamatayan.
Pagsapit ng 1909, doon lamang mapupuna ang malaking pagbaba sa bilang ng kamatayan
mula sa sinundang taon at bahagyang pagtaas-baba na lamang ang naganap ng mga sumunod na
taon mula 1909 hanggang 1012. Tanging sa magkakasunod na taong ito nagkaroon ng malinaw
na pagbaba ng kamatayan sa siyudad at unti-unting naramdaman ang positibong epekto ng
patakarang pangkalusugan ng pamahalaang kolonyal. Noong 1913 lamang, matapos ang 15 taon
ng kolonyalismong Amerikano, nagresulta ng makabuluhang pagbaba sa bilang ng kamatayan at
death rate sa Maynila. Sa naturang taon, nasa 5,904 katao at death rate na 24.48 na lamang ang
estaditika ng kamatayan mula sa 9,375 at death rate na 38.30 nong 1901. Umabot sa 3, 471 ang
kabuuang bilang at 13.82 sa bawat 1000 katao ang ibinaba ng estadistika ng kamatayan noong
1913 sa datos ng 1901. Ngunit panandalian lamang ang nasabing kasiyahan. Pagdating ng 1918,
lumundag sa 12,369 na katao o death rate na 46.33 ang kamatayan sa siyudad. Halos doble ang
nabanggit na pagtaas sa 6,682 kamatayan at death rate na 25.03 ng nagdaang taon.
Pinagkunan: Report
of the Philippine
Health Service for
the Fiscal Year From
January to December
31, 1918 (Manila:
Bureau of Printing,
1919), 281-82
Ikinabigla
ng pamahalaang
kolonyal ang
muling pag-akyat
ng bilang ng
Taon Kabuuang bilang ng
kamatayan
Crude Death Rate sa
bawat 1000 katao
1901 9,375 38.30
1902 14,451 59.04
1903 9,358 40.27
1904 10,301 46.83
1905 8,741 39.74
1906 9,182 41.74
1907 7,287 32.59
1908 10,646 47.62
1909 7,936 35.50
1910 8,029 34.25
1911 8,227 35.09
1912 7,819 33.35
1913 5,904 24.48
1914 6,587 24.67
1915 6,820 25.54
1916 7,165 26.84
1917 6,682 25.03
1918 12,369 46.33
kamatayan sa Maynila. Wala sa kanilang hinagap, maging sa guni-guni, na babalik sa nadatnan
nila noong 1898 ang kondisyong pangkalusugan ng Maynila. Simula noong 1906 at lalo na
pagsapit ng 1909, buo ang kanilang tiwala sa katumpakan ng mga patakaran at programang
pangkalusugang ipinatupad nila. Subalit sa muling pag-akyat ng bilang ng kamatayan noong
1918, tila muling nataranta ang mga kolonyalismong Amerikano tulad ng pagkagulat nila sa
unang pag-atake ng kolera noong 1902. At sa kanilang pagkataranta, hindi nila malaman kung
ano ang gagawin. Tulad ng inaasahan, hindi nila sinisi ang kanilang mga sarili. Humanap ang
mga kolonyalismong Amerikano ng ibang sisisihin maliban sa kanilang sarili tulad ng ginawa
nila noong 1902.
Hindi nakapagtatakang mga Pilipino ang unang-unang tinukoy na maysala ng mga
kolonyalismong Amerikano. Kasalanan ng mga Pilipinong mambabatas ang biglaang pagtaas ng
bilang ng kamatayan sa Maynila. Matapos mapasakamay ng mga Pilipino ang dalawang
kapulungan ng kongreso nang mapagtibay ang Batas Jones noong 1916, nawala ang kalusugan sa
priyoridad ng pamahalaan. Sa halip na taasan, binawasan ng kongreso ang badyet sa kalusugan
pertikular ang para sa Philippine Health Service. Nagresulta ang nasabing aksyon sa pagbawas sa
ilang programa at serbisyong pangkalusugan tulad ng pagbabakuna particular sa smallpox.
Maraming pagkakataong ipinahayag ng mga kolonyalistang Amerikano ang pananaw na
bunga ng mga patakaran at programang pangkalusugan partikular ang ukol sa kalinisan at
sanitasyon ang pagbaba ng bilang ng kamatayan o death rate sa Maynila. Epekto rin ng mga
gawaing pangkalinisan at sanitasyon ang pagbaba ng kamtayan sanhi ng ilang mga sakit na
nagresulta naman ng malaking kontribusyon sa pagbaba ng kabuuang kamatayan sa siyudad.
Napababa ang death rate ng mula 40 hanggang 45 sa 20 hanggang 25 bawat 1000 katao sa ilang
komunidad na napatunayan ng posong (artesian wells) napagkunan ng malinis at ligtas na tubig
na inumin.
Hindi lamang sa nabawasang insidente ng pagkamatay makikita ang resulta ng pagtugon
ng pamahalaang Amerikano sa kalusugan, kundi pati narin sa mas pinaayos na pamumuhay.
Ipinakilala nila ang balanced diet na nagresulta sa pisikal na kalasakan ng mga Pilipino. Kung
ang normal na Pilipino ay may tangkad na 5‘2‖ hanggang 5‘4‖ noong panahon ng mga Espanyol,
ngunit dahil sa mas magandang nutrisyon , pag-eehersisyo, at paglalaro ng sports, ang tangkad
ay tumaas sa 5‘4‖ hanggang 5‘6‖
V. PAGTATAPOS
Hindi naging madali para sa mga Amerikano ang pagbabago at pagpapaunlad sa
pangkalahatang kalusugan ng bansang Pilipinas. Marami silang pinagdaanang mga pagsubok
bago nila mapagbuti ang kalagayan ng pangkalahatang kalusugan ng bansang Pilipinas. Isa sa
mga pinakamalaking pagsubok na tinahak nila ay ang pakikipaglaban nila sa mga Pilipinong
nagnanais ng kalayaan para sa ating bansa. Naging hadlang ito sapagkat nahati ang atensyon ng
mga matataas na opisyal ng mga Amerikano sa pakikipagdigma at paglutas ng mga problema sa
Pilipinas – kabilang na dito ang pangkalahatang kalusugan ng mga Pilipino.
Naging sagabal din para sa Amerikano ang kalagayan ng mga bagay-bagay na naiwan sa
Pilipinas pagkatapos ng pananakop ng mga Espanyol. Kabilang sa mga ito ay ang mga
maruruming estero na naging angkop na tirahan para sa mga lamok na nagdadala ng malaria at
iba pang mga sakit, pati na rin ang mga kontaminadong suplay ng pagkain at tubig na
napagkukunan ng sakit na kolera. Bukod sa mga ito, naging problema din ang pinagkukunan ng
mga tao ng pagkain katulad ng mga gulay at hayop sapagkat ilan sa mga ito ay pinanggagalingan
ng mga sakit na nakakamatay. Mga halimbawa sa mga sakit na ito ay ang pasteurellosis,
salmonella, glanders at anthrax.
Maliban sa mga sakit, nag-ambag din sa kahirapan ng mga Amerikano ang
kamangmangan ng mga Pilipino tungkol sa kalusugan. Minsan, ay pinagbibintangan pa ng mga
Pilipino ang mga Amerikano na tagapagsimula ng mga sakit. Dahil din sa kamangmangan ng
mga Pilipino, nakikipagtalo pa ang mga Amerikano sa kanila para maipatupad ang mga
alituntunin o polisiya upang mapigilan ang paglaganap ng mga sakit at epidemya.
Pero sa kabila ng lahat na ito ay naging matagumpay pa rin ang mga Amerikano sa
pagbabago at pagpapaunlad ng pangkalahatang kalusugan ng Pilipinas. Nagawa nila ito sa
pamamagitan ng pagtatag nga mga institusyon na nakatuon sa paglaban sa mga sakit at
epidemya. Ang mga institusyong ito ay nakatayo pa rin hanggang ngayon pagkatapos ng
marami-rami na ring mga taon, katulad ng Bureau of Health, Bureau of Science at College of
Medicine and Surgery.
Tunay ngang naging malaki ang epekto ng pananakop ng mga Amerikano sa ating Inang
bayan, hindi lang sa sistema ng edukasyon o sa uri gobyerno, pati na rin sa pangangalaga sa
kalusugan ng bawat isa. Kung hindi nanghimasok ang mga Amerikano sa ating kasaysayan,
paano na kaya?
TALASANGGUNIAN
MGA PRIMARYANG BATIS
Facts About Leprosy in the Philippines. (1947). Manila.
Freer, P. C. (1904). The Work of the Bureau of Government Laboratories of the Philippine
Islands. Science, 105-109.
J.Cox, A. J. (1918). Philippine Bureau of Science Bulletin 87 1. Manila: Bureau of Printing.
Philippine Commission. (1918). Report of the Philippine Commission to the Secretary of War
(1900-1915). Manila: Bureau of Printing.
Worcester, D. C. (1930). The Philippines Past and Present. The MacMillan Company.
MGA SEKUNDARYANG BATIS
Agoncillo, T. A. (1977). History of the Filipino People. R. P. Garcia Publishing Co.
A hospital's history of compassion. (2001, November 20). Philippine Daily Inquirer, p. C4.
Anderson, W. (1958). Colonial Pathologies, American Tropical Medicine, Race and Hygiene in
the Philippines. Quezon: Ateneo de Manila University Press.
Aquino, B. A. (1991). The University Experience, Essays on the 82nd anniversary of the
University of the Philippines. Quezon: Echanis Press
Bantug, J. P. (1953). A Short History of Medicine in the Philippines: During the Spanish Regime.
Colegio Medico-Farmaceutico de Filipinas, Inc.
de la Torre, V. R. (1981). Land Marks of Manila.
Enriquez, V. G. (1994). Pagbabagong-Dangal (Indigenous Psychology and Cultural
Empowerment .
Fernando, A. S., Peñas, M. D., Alimurong, M. M., & Pesigan, T. (1953). The Golden Book of the
Philippine Medical Association Containing Articles by Various Authors on the Progress
of the Philippine Medicine During the Last Fifty Years.
Guidote, J. (1945). Tuberculosis the Chief Problem in the Philippines. Manila: Bureau of
Printing.
Litiatco, Vicki J.; Cleto, Marita A. (1993). St. Luke's Medical Center At Ninety, An Affirmation
of a Heritage. Ventures Unlimited Incorporated.
Mactal, R. D. (2009). Kalusugang Pampubliko sa Kolonyal na Manila. Quezon: University of
the Philippines Press.
The Hospital, 75 Years of the University of the Philippines-Philippine General Hospital Medical
Center(1910-1985). (1985). University of the Philippine Press.
MGA INTERNET SOURCE
Environmental Health and Safety: Pasteurellosis. (2010, April 27). Retrieved from Stanford
University: http://www.stanford.edu/dept/EHS/prod/asds/pasteurellosis_rabbits.html
Healthwise Incorporated. (2011, February 8). Food Poisoning Health Center: Salmonellosis
Topic Overview. Retrieved from WebMD: http://www.webmd.com/food-recipes/food-
poisoning/tc/salmonellosis-topic-overview
Milestones: DOH through the Years. (2011, October). Retrieved from Republic of the
Philippines Department of Health: http://www.doh.gov.ph/node/milestones.html
Recommended