ANTIPOLO
DISTRICT HOSPITALSubmitted to:
Mrs. Jennifer Maralit, RN
Clinical Instructress
Submitted by:
Ma. Cristina Doctor
Karen Raizel Francisco
Regina Bernardo
Cristopher John Ceñidoza
Jose Carlo Apagalang
BSN-III-A-2a
PAGBUBUNTIS
Kailangan ng bawat buntis na babae ng mabuting kalusugan, maayos na pagkain at ng
pagmamahal at suporta ng pamilya at komunidad. Maraming babae ang malusog ang
pagbubuntis at hindi mahirap ang panganganak. Karamihan ng sanggol ay malusog sa pagsilang.
PAANO MALALAMAN KUNG BUNTIS KA
• Hindi dumadating ang iyong regla.
• Nananakit at lumalaki ang iyong suso.
• Masama ang tiyan mo at minsan ay naduduwal ka.
• Mas madalas kang naiihi.
• Napapagod ka.
1
Pananatiling Malusog Habang Nagbubuntis
Kung maaalagaan ang sarili habang buntis, mas malamang na maging ligtas ang pagbubuntis at
panganganak mo at malusog ang sanggol.
1. Sikaping kumain ng masustansyang pagkain. Ang mahusay na
nutrisyon ay nagbibigay ng lakas, lumalaban sa impeksyon,
nagbubuo ng malusog na sanggol, at tumutulong pigilan ang
sobrang pagdurugo sa panganganak. Tandaan na pinapakain mo
ang sarili at ang sanggol. Gumamit ng iodized na asin para
maiwasang magkadepekto ang iyong sanggol ng kahinaan sa
pag-iisip.
2. Matulog at magpahinga tuwing may pagkakataon. Kung kailangang nakatayo ka sa iyong
trabaho, sikaping umupo o humiga nang ilang beses sa bawat araw.
3. Pumunta sa mga prenatal check-up para matiyak na walang problema,
at makita ang mga problema bago pa lumala. Kung wala ka pang bakuna
para sa tetano, gawin sa pinakamaagang makakaya. Magpabakuna
nang di-bababa sa 2 beses bago manganak
4. Manatiling malinis. Maligo o maghugas nang regular at maglinis ng
5. ngipin araw-araw.
6. Gawin ang pampahigpit na ehersisyo, para maging mas malakas ang
puwerta mo matapos manganak
7. Sikaping mag-ehersisyo araw-araw. Kung nakaupo ka sa trabaho,
sikaping maglakad araw-araw. Pero huwag magpagod.
8. Tigilan ang mga inuming nakakalasing, o paghitit o
pagngata ng sigarilyo at tabako. Masama ito sa iyo at sa
nabubuong sanggol.
2
9. Umiwas sa mga kemikal na pamatay ng insekto at damo, at
iba pang matatapang o pampabrikang kemikal.
Makakasama ito sa nabubuong sanggol. Huwag hawakan, o
magtrabaho nang malapit, o langhapin ang singaw nito. Huwag na huwag paglagyan ng
pagkain o tubig ang mga basyong lalagyan ng kemikal.
10. Lumayo sa mga batang may butlig-butlig sa buong katawan. Baka German measles ito, na
makakasama sa nabubuong sanggol.
Karaniwang mga Problema Habang BuntisKapag buntis ka, nagbabago ang katawan mo at puwedeng magkaroon ka ng ilan sa mga
sumusunod na pangkaraniwang problema. Tandaan lang na normal sa pagbubuntis ang
karamihan sa mga ito.
1. MASAMA ANG SIKMURA (NADUDUWAL)
Madalas tawagin itong ‘morning sickness’, pero puwedeng madama mo ito anumang oras o
kung minsan ay buong araw. Nawawala ito madalas sa katapusan ng ika-3 o 4 na buwan.
2. HEARTBURN O HINDI NATUNAWAN
Kung may heartburn, pakiramdam mo ay parang nasusunog ang lalamunan at dibdib.
Pinakamadalas ito sa huling bahagi ng pagbubuntis, pagkatapos kumain o kapag nahihiga.
Ano ang gagawin:
• Sa halip na isang kainan na marami, gawing kaunti pero madalas.
• Iwasan ang pagkaing maanghang o malangis.
• Damihan ang tubig at iba pang malinaw na sabaw o likido.
• Iwasang humiga pagkatapos kumain.
• Matulog na mas mataas ang uluhan kaysa sa sikmura.
3
3. DISCHARGE MULA SA PUWERTA
Habang nagbubuntis, normal na may maputing discharge o lumalabas mula sa iyong puwerta.
Pero kung makati, mahapdi, o may masamang amoy, baka may impeksyon ka sa ari na dapat
gamutin. Kung madugo ang discharge o may mucus (mala-sipon) na kahalo, o kung marami at
mukhang tubig, magpatingin sa health worker. Baka nagsisimula kang mag-labor nang
napakaaga.
4. VARICOSE VEINS
Ito’y mga kulay asul at namamagang ugat sa paa’t binti at sa paligid ng ari. Dulot ito ng bigat ng
nabubuong sanggol. Puwedeng lumaki at sumakit ito nang husto.
Ano ang gagawin:
• Iwasang tumayo nang matagal. Kung kailangan mong tumayo, lumakad-lakad o galaw-galawin
ang paa’t binti. Kung nakaupo, itaas mo ang paa tuwing may pagkakataon.
• Tiyaking nakakalakad ka araw-araw. Kung may kapansanan ka at hindi makapaglakad,
pakiusapan ang isang kapamilya na tulungan kang galaw-galawin at i-exercise ang iyong mga
paa.
5. CONSTIPATION (HIRAP DUMUMI)
Pinapabagal ng pagbubuntis ang paggana ng daanan ng dumi, kaya nagiging mas matigas ang
dumi at mas mahirap ilabas.
Ano ang gagawin (tulong din ito para makaiwas):
• Uminom ng di-bababa sa 8 basong tubig o inumin bawat araw.
• Mag-exercise nang regular.
• Kung gumagamit ka ng iron, subukang uminom ng isa lang bawat araw kasabay ng katas ng
prutas o gulay, o tumigil ng ilang araw.
• Kumain ng maraming prutas, gulay at pagkaing may fiber (hilatsa)—tulad ng kamoteng kahoy.
• Huwag uminom ng laxative. Panandalian lang ang lunas nito, tapos ay kailangan mo nang
uminom nang mas madami.
4
6. ALMORANAS
Ito’y mga namamagang ugat sa palibot ng butas ng puwit. Madalas ay makati, mahapdi o
dumudugo. Pinapalala ito ng constipation.
Ano ang gagawin:
• Umupo sa palanggana na may bahagyang malamig na tubig para mabawasan ang sakit
7. PULIKAT SA PAA
Madalas magpulikat sa paa ang mga buntis—laluna sa gabi, o kapag nag-inat o naituro pababa
ang paa. Posibleng dulot ito ng kakulangan ng calcium sa kinakain.
Ano ang gagawin:
• Kumain ng maraming pagkaing may calcium tulad ng gatas, keso at mga gulay na berde at
madahon.
8. PANANAKIT SA IBABANG BAHAGI NG LIKOD
Ang ganitong pananakit ay mula sa bigat ng nabubuong sanggol.
Ano ang gagawin:
• Hilingin sa iba na himasin o imasahe ang iyong likod.
• Magpatulong sa iyong pamilya sa ibang mabibigat na trabaho.
• Huwag kaligtaan na ituwid ang likod habang nakatayo o nakaupo.
• Matulog nang nakatagilid na may unan o nakabalunbon na tela sa pagitan ng tuhod.
9. PAMAMANAS NG MGA PAA AT BINTI
Normal sa pagbubuntis ang kaunting pamamanas ng paa—laluna para sa mga babaeng
kailangang nakatayo nang buong araw.
Ano ang gagawin:
• Itaas ang paa mo tuwing may pagkakataon.
• Kung nagpapahinga, mahiga sa iyong kaliwang bahagi.
• Palatandaan na ng panganib kung sobrang manas na ang paa mo, o manas na ito paggising pa
lang sa umaga, o kung manas na rin ang kamay at mukha mo.
5
MGA PALATANDAAN NG PANGANIB SA PAGBUBUNTIS1. Sobrang panghihina o pagod (anemia)
Kung may sobrang panghihina o pagod ka, baka anemic ka. Mas malamang duguin nang
malubha pagkapanganak ang mga babaeng sobrang anemic.
Ano ang gagawin:
• Tiyaking may pagkaing sagana sa iron—karne, isda, manok, itlog, butong-gulay (beans at
peas), at mga gulay na berde’t madahon.
• Uminom ng 325 mg iron, 2 beses at 1 mg folic acid, 1 beses bawat araw hanggang manganak.
Kung isasabay sa prutas tulad ng dalandan, mangga o papaya, mas magagamit ng katawan ang
iron.
2. Pananakit sa puson
Ang matindi at tuluy-tuloy na pananakit sa unang 3 buwan ay puwedeng mula sa pagbubuntis
na lumalaki sa labas ng matris, sa loob tubo (tubal pregnancy o ectopic pregnancy). Masakit
dahil nababanat ang tubo. Kung lumaki pa ang pagbubuntis, puputok ang tubo at dudugo.
Napakadelikado nito. Duduguin ka sa loob at maaaring mamatay.
3. Pagdurugo mula sa puwerta
1. Pagdurugo sa maagang bahagi ng pagbubuntis. Puwedeng normal ang mahinang pagdurugo
mula sa puwerta sa unang 3 buwan. Pero kung may kasabay na pananakit, baka may
pagbubuntis na lumalaki sa labas ng matris (ectopic). Napakadelikado
nito. Kung mas malakas ang pagdurugo kaysa sa normal na pagregla, malamang nakukunan ka.
2. Pagdurugo sa huling bahagi ng pagbubuntis. Posibleng problema sa inunan (placenta) ang
sanhi ng pagdurugo matapos ang unang 3 buwan. Delikado ka at ang iyong dinadala.
Ano ang gagawin:
• Pumunta sa pinakamalapit na ospital.
• Habang papunta sa ospital, mahiga na mas mataas ang paa.
• Huwag maglagay ng kahit ano sa puwerta.
6
4. Lagnat
Ang mataas na lagnat, laluna kung may kasamang panginginig, pananakit ng katawan at
matinding sakit ng ulo, ay puwedeng mula sa malaria. Ang paggamot ay naka-akma dapat sa
lugar mo.
5. Pamamanas ng kamay at mukha o matinding sakit ng ulo at panlalabo ng paningin
(eclampsia)
Normal sa buntis ang kaunting pamamanas sa paa. Pero posibleng may eclampsia ka kung
manas na ang kamay at mukha, laluna kung kasabay na masakit ang ulo, nanlalabo ang
paningin, o nananakit ang tiyan. Puwedeng magkombulsyon ka
dahil sa eclampsia, at mamatay kasama ang iyong dinadala.
Ano ang gagawin:
• Magpasukat sa presyon ng dugo. Pumunta sa health center o ospital kung kinakailangan.
• Magpahinga tuwing pupuwede. Mahiga sa iyong kaliwang bahagi.
• Sikaping magdagdag ng pagkaing maraming protina araw-araw.
PALATANDAAN NA MALAPIT NA ANG PAG-LABORPalatandaan ito na nagsimula o malapit nang magsimula ang labor. Puwedeng hindi ito
mangyari lahat, at magkaiba ang pagkakasunod.
1. Paglabas ng malinaw o kulay rosas na mucus (malasipon) mula sa puwerta. Habang buntis,
barado ng makapal na mucus ang bukana ng matris (cervix). Proteksyon ito ng sanggol at matris
sa impeksyon. Sa pagbuka ng cervix, nailalabas ang bara kasama ang kaunting dugo.
2. Paglabas ng malinaw na tubig mula sa puwerta. Maaaring mabasag ang panubigan bago
magsimula ang pag-labor, o anumang sandali habang nagle-labor.
3. Simula ng paghilab (contraction). Sa umpisa, maaaring 10–20 minuto o higit pa ang pagitan
nito. Hindi nagsisimula ang totoong pag-labor hangga’t hindi nagiging regular ang paghilab
(halos parepareho ang pagitan ng bawat isa).
Kapag nariyan na alinman sa 3 ito, panahon nang maghanda sa panganganak.
7
PAGPLAPLANO
NG
PAMILYA
8
ANG IUD (IUCD, COPPER-T)
Ang IUD ay isang maliit na bagay (device) na ipinapasok sa loob ng matris ng health worker o
komadrona na may ispesyal na pagsasanay. Kapag nasa loob na ng matris, pinipigilan ng IUD
ang semilya ng lalaki na mapertilisa ang itlog ng babae. Puwedeng manatili ang IUD sa matris
nang hanggang 10 taon (depende sa klase ng IUD) bago kailangang tanggalin at palitan.
Puwedeng magamit ang IUD na hindi nalalaman ng lalaki (pero minsan nararamdaman ng lalaki
ang tali). Karaniwan ay gawa sa plastik, o plastik at tanso ang IUD.
Karaniwang side effects:
Puwedeng magkaroon ng kaunting pagdurugo sa unang lingo
pagkaraang mag-IUD. Nagkakaroon din ang ilang babae ng mas
mahaba, malakas at mas masakit na pagregla, pero madalas
humihinto ito pagkatapos ng unang 3 buwan.
CONDOM
Ang condom ay isang makitid na supot na gawa sa manipis na goma. Suot ito ng lalaki sa
kanyang ari habang nakikipagtalik.
Ang condom na gawa sa latex ang pinakamahusay na proteksyon laban sa mga
INP at HIV/AIDS. Puwede itong gamitin nang mag-isa o kasabay ang
ibang paraan ng kontrasepsyon. Nabibili sa maraming botika at tindahan
ang condom, at madalas nakukuha sa mga health center at sa mga programa
laban sa AIDS.
Ingatan na hindi mapunit ang condom sa pagbukas ng pakete. Huwag gamitin ang condom mula
sa paketeng punit o tuyo, o kung naninigas o malagkit na ang condom. Hindi ito gagana.
9
Hormonal na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya
Ang mga paraang ito ay may lamang hormone—estrogen at progestin—na kamukha ng
estrogen at progesterone na ginagawa ng katawan ng babae. Kasama sa mga hormonal na
kontraseptibo ang:
1. PILDORAS
Paano gamitin ang kumbinasyong birth control na pildoras:
Nakapaloob ang pildoras sa pakete na tag-21 o 28 na tabletas. Kung mayroon kang 28-araw na
pakete, uminom ng isang pildoras sa bawat araw ng buwan. Pagkaubos mo ng isang pakete,
simulan ang pag-inom ng pildoras mula sa bagong pakete.
Kung mayroon kang 21-araw na pakete, uminom ng pildoras
bawat araw sa loob ng 21 araw. Pagkatapos, maghintay ng
pitong araw bago simulan ang bagong pakete. Madalas,
rereglahin ka sa mga araw na hindi ka umiinom ng pildoras. Pero simulan mo ang bagong
pakete kahit na hindi dumating ang iyong regla. Sa 21-araw at 28-araw na pakete, parehong
simulan ang unang pildoras sa unang araw ng iyong regla. Sa ganitong paraan, may proteksyon
ka agad. Kung lampas na sa unang araw, puwede kang magsimula sa alinman sa unang 7 araw
ng iyong buwanang siklo. Pero hindi ka mapoproteksyunan agad, kaya sa unang 2 linggo na
nagpipildoras, dapat gumamit ka ng ibang paraan ng kontrasepsyon, o hindi muna makipagtalik.
Dapat uminom ka ng isang pildoras bawat araw, kahit hindi ka nakikipagtalik.
Sikaping inumin ang pildoras sa parehong oras bawat araw. Maaring makatulong kung
tatandaan mo na palagi kang magsisimula ng bagong pakete sa parehong araw ng linggo.
Karaniwang side effects ng kumbinasyong pildoras:
•Di-regular na pagdurugo o spotting
Pagkaduwal.
Pananakit ng ulo.
10
Nalimutang inumin ang pildoras:
Kung lalaktaw ka ng pag-inom, maaari kang mabuntis.
Kung makalimot ka ng 1 pildoras, inumin agad ito sa sandaling maalala mo. Inumin ang
susunod na pildoras sa regular na oras. Dahil dito, maaaring makainom ka ng 2 pildoras sa isang
araw.
Kung makalimot kang uminom ng 2 magkasunod na
pildoras, simulang inumin agad ito. Uminom ng 2 pildoras bawat araw sa loob ng 2 araw.
Pagkatapos, ituloy ang pag-inom ng 1 pildoras bawat araw hanggang maubos ang pakete.
Gumamit ng condom (o huwag makipagtalik) hanggang sa makapag-pildoras sa loob ng 7
magkakasunod na araw.
Kung makalimot kang uminom ng 3 o higit pang pildoras,
itigil ang paggamit ng pildoras at hintayin ang susunod na pagregla. Gumamit ng condom (o
huwag makipagtalik) sa natitirang bahagi ng siklo. Simulan ang bagong pakete pagkatapos.
Makakapagdulot ng kaunting pagdurugo—parang napakabanayad na pagregla—ang pagkahuli
o paglaktaw sa pag-inom ng pildoras.
KONTRASEPTIBONG INIKSYON
Sa paraang ito ng kontrasepsyon, iniiniksyunan ang babae ng hormone tuwing 1 hanggang 3
buwan, madalas
sa health center o family planning clinic, ng taong nakakaalam. Tumatagal ang proteksyon
hanggang sa kailangan mo na ng bagong iniksyon, at puwedeng gamitin na hindi nalalaman ng
iba.
Karaniwang side effects ng progestin-only na iniksyon:
di-regular na pagdurugo o malakas na spotting.
walang regla.
pagdagdag ng timbang.
11
KONTRASEPTIBONG IMPLANT
Ang implant ay mga maliit at malambot na tubo na nilalagay sa ilalim ng balat sa tagong bahagi
ng braso ng babae. May progestin ang mga tubo at parang mini pill ang paggana. Pinipigilan
nito ang pagbubuntis sa loob ng 3–5 taon, depende sa klase ng implant
Karaniwang side effects ng implant:
Sa unang mga buwan, maaaring magdulot ang implant ng di-regular na
pagdurugo (sa gitna ng iyong buwanang siklo) o dagdag na araw ng pagregla.
O puwedeng hindi ka talaga magregla. Hindi ibig sabihin na buntis ka o may problema.
Mawawala rin ang mga ito habang nasasanay ang katawan mo na mas marami ang progestin.
Kung magkaproblema ka dahil sa di-regular na pagdurugo, puwedeng bigyan ka ng health
worker ng low-dose na kumbinasyong pildoras kasabay ng implant sa loob ng ilang buwan.
Maaaring magkaroon ng panapanahong pagsakit ng ulo at parehong side effects na karaniwan
sa mga progestin-only na iniksyon
Natural na Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya
May 3 paraan para maiwasan ang pagbubuntis na hindi kailangan ng anumang gamit o kemikal
(tulad ng panghadlang na kontraseptibo) o gamot (tulad ng hormonal na kontraseptibo). Ito
ang:
1. PAGPAPASUSO SA UNANG ANIM NA BUWAN
(lactational amenorrhea method, LAM)
Sa ilang mga kondisyon, ang pagpapasuso ay pumipigil sa obaryo na maglabas ng itlog. Walang
gastos ang paraang ito, pero pinakaepektibo lang sa unang 6 na buwan pagkatapos magsilang.
2. Mucus Method
Para magamit ang mucus method, kailangan bigyan ng matamang pansin ang mucus
(pamamasa) sa loob ng puwerta. Gumagawa ng basang mucus ang katawan sa panahon na
puwedeng mabuntis para matulungan ang semilya na makapasok sa matris. Kaya kung susuriin
ang mucus araw-araw, malalaman kung kailan nagiging fertile o puwedeng mabuntis, at
puwedeng umiwas sa pakikipagtalik sa panahong iyon
12
Paano malaman kung puwede kang mabuntis:
1. Ipahid ang daliri o piraso ng tela sa labas ng puwerta.
2. Kung may mucus, maglagay sa pagitan ng dalawang daliri. Ano’ng katangian nito? Basa ba
at madulas? Tuyo ba at madikit?
malinaw, basa at madulas na mucus = puwedeng mabuntis (fertile)
maputi, tuyo at madikit na mucus = hindi puwedeng mabuntis
Paano gamitin ang mucus method:
• Huwag makipagtalik anumang araw na nakikita o nararamdaman ang pamamasa o mucus. O
kung gustong makipagtalik sa mga araw na iyon, gumamit ng condom o diaphragm na
walang spermicide (ito lang ang mga paraan na hindi bumabago sa mucus).
• Huwag makipagtalik hanggang 4 na araw matapos ang huling araw ng malinaw at madulas na
mucus.
• Huwag makipagtalik habang may regla. May maliit na posibilidad na puwede kang mabuntis
pero hindi mo kayang alamin.
• Huwag banlawan o hugasan ang loob ng puwerta (douche) anumang panahon.
• Kung nahihirapang malaman kung kailan puwedeng mabuntis, o kung may impeksyon sa ari,
gumamit ng ibang paraan.
3. Rhythm Method
Tinuturo ng rhythm method kung paano malaman kung kalian puwedeng mabuntis sa
pamamagitan ng pagbilang ng mga araw sa
buwanang siklo.
HINDI maaasahan ang rhythm method kapag:
• nagpapasuso at hindi pa bumabalik ang regla.
• kapapanganak at hindi pa regular ang regla.
Paano gamitin ang rhythm method:
• Bilangin kung ilang araw tumatagal ang bawat buwanang siklo sa loob ng 6 na buwan, mula sa
unang araw ng pagregla hanggang sa unang araw ng susunod na pagregla.
13
• Piliin ang pinakamahaba at pinakamaikling siklo.
• Bawasan ng 20 araw ang pinakamaikling siklo, at 10 araw ang pinakamahaba. Sa pagitan ng 2
araw na ito ang panahong puwede kang mabuntis (panahong mabunga).
• Kahit maaaring makipagtalik anumang araw bago at pagkatapos ng panahon na puwedeng
mabuntis, ang pinakaligtas na mga araw ay yung sa pagitan ng dulo ng panahong mabunga at
simula ng susunod na pagregla.
Permanenteng Paraan ng Pagpaplano ng Pamilya
1. ISTERILISASYON
(operasyon para hindi na magkaanak)
May mga operasyon para maging halos imposible na sa lalaki o babae na magkaanak.
Dahil permanente ang mga operasyong ito, mahusay lamang ito para sa mga babae at
lalaking nakatitiyak na ayaw na nilang magkaanak.
Para maoperahan ng ganito, kailangan mong pumunta sa isang health center o ospital.
Mabilis at ligtas ang operasyon, at hindi nagdudulot ng side effects.
Ang operasyon para sa lalaki (Vasectomy)
Isang simpleng operasyon ang vasectomy kung saan pinuputol ang tubo na dinadaluyan
ng semilya mula sa bayag papunta sa titi. Hindi pinuputol ang bayag ng lalaki. Puwedeng
gawin ang operasyong ito sa alinmang health center na may sinanay na health worker.
Ilang minuto lang ang kailangan.
Hindi binabago ng operasyon ang abilidad ng lalaki na makipagtalik o makadama ng
sekswal na kasiyahan. Nilalabasan pa rin siya pero wala itong semilya. Maaaring may
semilya pa rin ang tubo nang hanggang 12 linggo matapos ang operasyon, kaya
kailangang gumamit ng ibang paraan ng kontrasepsyon sa panahong iyon.
14
Ang operasyon para sa babae (Tubal Ligation)
Ang tubal ligation ay operasyong mas mahirap nang kaunti kaysa sa vasectomy, pero
napakaligtas pa rin nito. Tumatagal ito ng mga 30 minuto.
Gumagawa ang isang bihasa na health worker ng 1 o 2 hiwa sa tiyan ng babae, at
tinatalian pagkatapos ang tubo na dinadaluyan ng itlog papunta sa matris. Hindi nito
binabago ang abilidad ng babae na makipagtalik o makadama ng sekswal na kasiyahan
15
DUTIES