Liksyon 4 para sa ika-26 ng Oktubre, 2019
Pagtatayong muli ng Templo:
Gustong tumulong ng mga kaaway
Natapos ang gawain
Pagtatayong muli ng Syudad:
Natigil ang gawain
Kumilos si Nehemias
Pagharap sa oposisyon
Ang gawain ng Dios ay laging humaharap sa malakas na oposisyon mula samga kaaway ng katotohanan.
Ang mga Hebreo ay humarap sa oposisyon mula nang gabayan ng Dios ang mga pangyayari upang maitayo nilang muli ang Jerusalem at ang Templo.
Nang ang bayan ng Israel ay malugmok sa kagipitan, pinasigla sila ng Dios sapagpapadala ng mga taong magpapatuloy sa gawain.
Ang mga pangyayari sa Ezra 3-7 ay hindi naisulat na magkakasunod gaya ng ginagawa natin.
Matapos ang oposisyon ng mga Samaritano, nabanggit na pinayagan ni Darius ang pagtatayong muli ng Templo (Ezra 3:1-4:5).
Sa Ezra 4:6-23, mayroong oposisyon sa pagtatayong muli ng syudad matapos naiutos ito ni Darius.
Then, the rebuilding of the temple continues from Ezra 4:24 on, according to Darius' decree.
MULING PAGTAYO NG TEMPLO
MULING PAGTAYO NG SYUDAD
[lahat ng taon ay BC]
536 –itinayo ang altar, at inilatag
ang pundasyon ng Templo (Ezra 3)
520 –inutos niDario ang
pagtatayo namuli ng
Templo(Ezra 4:5; 5:1-6:12)
484 –ipinatigil ni Xerxes ang pagtatayong muling syudad (Ezra 4:6)
450? –Ipinatigil ni Artaxerxes ang gawain (Ezra
4:7-23)
535 –Pinigilan ng mga Samaritano
ang paggawa(Ezra 4:1-4, 24)
515 –Natapos ang Templo sa tulong nina Hagai at
Zacarias(Ezra 6:13-18)
457 –ipinadala niArtaxerxes si
Ezra at iniutosang pagtatayong
muli (Ezra 7)
444 –Tinapos niNehemias ang
pagtatayong muli ng pader (Nehemias 2-6)
“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang
katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon angkaliwanagan sa kadiliman?” (2 Corinto 6:14)
Nang ipagpatuloy ng mga Israelita ang pagtatayo ng Templo, ang kanilang mga karatig bayan—mgaSamaritano—ay nag-alok ng tulong: “Papagtayuin ninyokami na kasama ninyo: sapagka't aming hinahanap ang inyong Dios, na gaya ng inyong ginagawa.” (Ezra 4:2)
Tinanggihan ang tulong na iyon dahil sa dalawang dahilan:
Ang kanilang pagsamba ay para sa diosdiosan: “Sila'y nangatakot saPanginoon, at nagsipaglingkod sa kanilang sariling mga dios.” (2 Hari 17:33)
• Ayaw ng mga Judio na muling mahawaan sila ng pagsamba sa diosdiosan.
Sila ay kilalang kaaway ng mga Israelita (Ezra 4:1).
• Nang matanggihan ang kanilang tulong, lumutang ang tunaynilang pakay (Ezra 4:4).
Nagpatuloy ang pagtutol ng mga Samaritano sa pagtatayo ng Templo sa panahon ng paghahari nina Ciro, Cambyses at huwad na Smerdis.
Hindi makaya ng mga Judio ang krisis. Itinayo nila ang kanilangmga bahay gamit ang mga kahoy na para sana sa templo.
Nagpadala ang Dios sa kanila ng “mgatanda” upang isaalang-alang muli ito(Haggai 1:5-11). Hindi nila ginawa, kaya nagpadala ang Dios ng dalawangpropeta na pinakinggan naman ang mensahe: sina Hagai at Zacarias.
Nang ipatuloy nila ang gawain, inudyukan ng Dios si haring Dario nasuportahan sila (Ezra 5).
“Sa buong kasaysayan ng bayan ng Dios ay malalaking
bundok ng kahirapan, na mukhang hindi maakyat,
ang lumilim sa mga nagnais na gawin ang hangarin ng
Langit. Ipinahintulot ng Dios ang mga pagsubok na
iyon bilang subukan ng pananampalataya. Kung
nababakuran tayo sa bawat panig, ito ang panahon
higit sa lahat upang magtiwala sa Dios at sa
kapangyarihan ng Kanyang Espiritu. Ang pagpapakita
ng buhay na pananampalataya ay nangangahulugan ng
paglago sa espiritwal na kalakasan at pagkakaroon ng
hindi natitinag na pagtitiwala. Sa ganung kadahilanan
ang kaluluwa’y nagiging matagumpay na
kapangyarihan. Sa harap ng pangangailangan ng
pananampalataya, nawawala ang mga harang na
inilagay ni Satanas sa daanan ng mga Kristyano; dahil
darating ang kapangyarihan ng langit upang tulungan
sila. 'Walang magiging imposible sa inyo.' Mateo 17:20”
E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 48, p. 594)
“Nang mabasa nga ang salin ng sulat ng haring Artajerjes sa harap ni Rehum, at ni Simsai na kalihim, at ng kanilang mga kasama, sila'y nangagmadalingnagsiparoon sa Jerusalem sa mga Judio, at pinatigil nila sa pamamagitan ng
lakas at kapangyarihan.” (Ezra 4:23)
Natapos ang Templo sa taong 515 BC. Nagsimula agadang pagtatayong muli ng Jerusalem.
At muli na namang nakipaglabanang mga Samaritano. Pinatigil nilaang mga Israelita sa panahon ng paghahari ni Ahasuero [Xerxes] (Ezra 4:6).
Noong 457 BC, pinadala niArtaxerxes si Ezra at binigyan ng kasarinlan ang Juda. Naibalik ang pagtatayo na muli ng syudad.
Noong 450 BC, nahinto na naman ang gawain (Ezra 4:23). Napuno ng takot ang mga Judio, habang ramdam nilanghindi nila kaya ang malakas na kalaban.
Inabot ng 15 taon upang matapos ang 52-araw nagawain. Hindi iyon madali. Napakaraming oposisyon. Kinailangang kumilos ni Nehemias:
Nananalangin muna sila bago kumilos. Ginawa nila ang kanilang bahagi at Dios naman ang gumawa sa iba.
“At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'ygumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa:
bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?’” (Nehemias 6:3)
a) Pangungutya: 4:1-3
b) Pisikal na atake: 4:7-8 Hilaga: Sanballat na Honorita➔ Silangan: Tobias na Ammonita Timog: Geshem na Arabo Kanluran: Mga Filisteo mula sa Asdod
c) Panloob na mga isyu: 5:1
d) Sabwatan: 6:2
e) Akusasyon ng pagtataksil: 6:6-7
f) Huwad na mga propeta: 6:10-13
Ayon sa tala ni Nehemias, dumating ang oposisyon sa iba’t-ibang paraan:
Hinimok ng huwad na propetang si Semaias si Nehemias na kumublisa banal na dako upang maligtas ang kanyang buhay. Gayunman, pinili ni Nehemias na ibuwis ang buhay sa halip na suwayin ang utosng Dios (tanging mga pari ang makakapasok sa mga banal na dako).
“Gaya ni Nehemias, ang bayan ng Dios ay hindi dapat
matakot o hamakin ang mga kaaway nila. Kailangan nilang
matatag na sumulong at itinutuon ang pagtitiwal sa Dios,
ginagawa ang Kanyang gawain ng walang pagkamakasarili,
at itinatalaga sa Kanyang pagtustos ang hangaring
tinatayuan nila …
Sa bawat krisis ay maaaring sabihin ng Kanyang bayan nang
may pananalig na, 'Kung ang Dios ay kakampi natin, sino
ang laban sa atin?' Roma 8:31. Gaano man kamapanlinlang
ang mga pakana ni Satanas at kanyang mga kampon, ay
kayang malaman ng Dios, at dahil sa kawalan ang kanilang
mga payo. Ang tugon ng pananampalataya ngayon ay siyang
tugon na ginawa ni Nehemias, 'Ipakikipaglaban tayo ng
Dios;' sapagkat ang Dios ay nasa gawain, at walang taong
makakapigil sa lubusan nitong pagtatagumpay.”
E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 53, p. 645)