Dean C. LoganLos Angeles CountyRegistrar-Recorder/County Clerk
lavote.net
Ang mga lugar ng botohan ay magbubukas sa Ika-7 ng umaga at magsasara sa Ika-8 ng gabi
Opisyal na Halimbawang BalotaEspesyal na Halalan ng Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng Los AngelesIka-4 ng Hunyo, 2019
TAGALOGBG 008
Mga Tagubilin sa Pagboto
Paano bumoto sa inyong lugar ng botohan sa Araw ng Halalan
FP-TP01-TAG
21
* Ang isang isinusulat-lamang na opsyon ay matatagpuan sa ilalim ng listahan ng kandidato kung saan angkop.
21
Pagboto sa mga isinusulat-lamang na kandidato
Sa lugar ng botohan
Sa pamamagitan ng koreo
Paano iboto ang isang taong hindi nakalista sa balotaIsulat ang pangalan at katungkulan ng opisyal na isinusulat-lamang na kandidato sa “isinusulat-lamang” na bahagi ng balota. Ang isang listahan ng “Kuwalipikadong Isinusulat-lamang na mga Kandidato” ay makukuha 11 araw bago ang halalan sa lavote.net. Humingi sa isang manggagawa sa botohan ng listahan ng mga kuwalipikadong kandidato.Hindi mo maaaring isulat ang isang kandidato at saka iboto pa rin ang isa pang kandidato sa balota para sa kaparehong katungkulan.
Tandaan: Ang isinusulat-lamang na mga boto ay hindi ipinahihintulot para sa iminumungkahi-ng-botante na mga katungkulan sa Pangkalahatang Halalan.
LA 008-001
FP-TP02-TAG
Mga katungkulan sa balotaAng halalang ito ay upang punuan ang mga katungkulan at bumoto sa mga panukalang nakakaapekto sa munisipal, pampaaralan at pang-estadong pambatasang hurisdiksiyon sa County ng Los Angeles.
Suriin ang iyong Halimbawang Balota at Bisitahin ang lavote.net upang matiyak na nakahanda ka para sa Araw ng Halalan!
Kailangan mo ba ng tulong sa pagboto?Kung ang isang botante ay sumumpa na hindi niya kayang markahan ang isang balota ang botante ay maaaring tumanggap ng tulong sa pagmarka ng kanyang balota mula sa dalawang (2) taong pinili niya (E.C. § 14282).
Impormasyon para sa mga botante
LA 008-002
FP-TP03-TAG
Mga lokasyon ng hulugan ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng KoreoAng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ay nagkakaloob ng mga lokasyon ng hulugan para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa ika-4 ng Hunyo, 2019 na Espesyal na Pangkalahatang Halalan ng Distrito 33 ng Senado (at Munisipal at Espesyal na mga Halalan).
Simula sa ika-7 ng Mayo, sinumang botante ay maaaring maghulog ng kanyang binotohang balota sa isa sa maraming maginhawang lokasyon sa buong County ng Los Angeles.
Bago mo ihulog ang iyong balota ng VBM, tiyakin na:1) Ang iyong balota ay matatag na nakalagay sa loob ng sobre ng Pagboto sa
Pamamagitan ng Koreo.2) Pinirmahan mo ang likod ng sobre ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Para sa mga detalye sa programa at isang listahan ng mga lokasyon ng hulugan ng balota, mangyaring bisitahin ang lavote.net.
Mga lokasyong hulugan para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
LA 008-003
FP-TP04-TAG
Binago ng County ng Los Angeles ang disenyo ng inyong mga materyal sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (VBM) na ginagawang mas madali at mas maginhawang bumoto sa pamamagitan ng koreo.
Mga bagong kard ng balota at sobreMas malaki, buong mukha na balotaMas madaling basahinMas madaling sagutanMas madaling intindihin
Mga balota sa iba't ibang wikaNag-aalay kami ng mga balota sa 12 wika.
Tawagan ang aming opisina upang hilingin ang iyong balota sa iba't ibang wika sa (800) 815-2666, opsyon 3
Mga mapipiling pagbabalikMadali mong maibabalik ang iyong balota ng VBM sa pamamagitan ng USPS (Mga Serbisyong Pangkoreo ng U.S.). Hindi kailangan ng selyo. Bilang karagdagan, maaari mong ihulog ito sa alinmang lokasyon ng pagboto sa Araw ng Halalan o sa isa sa aming mga lokasyon ng hulugan ng balota na maginhawang mapupuntahan.
Mga bagong materyal sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (VBM)
Official Ballot
Ano ang bago?
Paano mo malalaman na galing ito sa
amin?
Bisitahin ang LAvote.net upang humiling ng isang balota ng VBM, humanap ng isang lokasyon ng hulugan ng balota ng VBM o upang alamin ang katayuan ng iyong balota ng VBM.
ReturnEnvelope
U.S POSTAGE
PAID
Hindi kailangan ng selyo
BAGONG ANYO!
LA 008-004
FP-TP05-TAG
Mag-aplay upang makaboto sa pamamagitan ng koreo
Aplikasyon upang Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo
Gusto kong maging isang perma-nenteng botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Gusto kong maging isang per-manenteng botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Kayo ay awtomatikong tatanggap ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo bawat halalan
Kayo ay awtomatikong tatanggap ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo bawat halalan
Minsanang Pagboto sa Pamamagitan ng KoreoMaaari kang humiling ng isang balota sa pamamagitan ng koreo simula sa 29 na araw bago ang halalan. Mag-aplay sa pamamagitan ng paggawa ng isa sa mga sumusunod:
Bisitahin ang lavote.net at iharap ang iyong kahilingan online. Tanggalin at ipakoreo pabalik ang aplikasyon na nasa panlikod na pabalat na
pahina ng libritong ito. Magpadala ng isang liham na pinirmahan ng botante na kasama ang direksiyon ng
tirahan ng botante at kung saan ipapadala ang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo:
Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County P.O. Box 30450, Los Angeles, CA 90030-0450.
Mag-aplay sa pamamagitan ng pagtawag sa (800) 815-2666, opsyon 2.
Permanenteng Pagboto sa Pamamagitan ng KoreoAng batas ng California ay nagpapahintulot sa isang botante na ipahayag na gusto niyang awtomatikong bumoto sa pamamagitan ng koreo sa bawat halalan. Maaari kang humiling na ipakoreo sa iyo ang isang balota nang awtomatiko tuwing may halalan. Ito ay tinatawag na katayuan para sa Permanenteng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Maaari kang mag-download ng aplikasyon sa lavote.net o i-tsek lamang ang kahon sa aplikasyon para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa panlikod na pabalat ng libritong ito.
LA 008-005
FP-TP06-TAG
Batas sa mga Karapatan ng Botante
Ikaw ay may mga sumusunod na karapatan:
1. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante. Ikaw aykarapat-dapat bumoto kung ikaw ay:- isang mamamayan ng Estados
Unidos na naninirahan sa California- hindi kukulangin sa 18 taong gulang- nakarehistro kung saan ka
kasalukuyang naninirahan
- hindi kasalukuyang nasa pang-estado o pederal na bilangguan o hindi parolado para sa isangnapatunayang peloni
- hindi kasalukuyang ipinasiya ng isang hukuman bilang walang kakayahan ang isipan upang bumoto
2. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante kahit na angiyong pangalan ay wala sa listahan.Ikaw ay boboto gamit ang isang pansamantalang balota. Ang iyong boto ay ibibilang kung ang mga opisyal sa halalan ay nagpasiya na ikaw ay karapat-dapat bumoto.
3. Karapatang bumoto kung ikaw ay nakapila pa kapag magsasara na ang mgabotohan.
4. Karapatang magpatala ng isang lihim na balota nang walang gumagambala saiyo o nagsasabi kung sino o ano ang iboboto.
5. Karapatang kumuha ng isang bagong balota kung nagkamali ka, kung hindi panaipapatala ang iyong balota. Ikaw ay maaaring:Humingi sa isang opisyal sa mga halalan sa isang lugar ng botohan ng isangbagong balota,Palitan ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ng isangbagong balota sa isang opisina sa mga halalan, o sa iyong lugar ng botohan, oBumoto gamit ang isang pansamantalang balota.
6. Karapatang humingi ng tulong sa pagpapatala ng iyong balota mula sa sinumangpinili mo, maliban sa nagmula sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon.
7. Karapatang ihulog ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang lugar ng botohan sa California.
8. Karapatang kumuha ng mga materyal sa halalan sa isang wikang iba sa Ingleskung may sapat na mga tao sa iyong presinto ng pagboto na nagsasalita ng wikangiyon.
9. Karapatang magtanong sa mga opisyal sa mga halalan tungkol sa mgapamamaraan sa halalan at masdan ang proseso ng halalan. Kung ang taongtinanong mo ay hindi makasagot sa iyong mga tanong, dapat nilang ipadala kasa tamang tao para sa sagot. Kung ikaw ay nakakaabala, maaari silang tumigil sapagsagot sa iyo.
10. Karapatang mag-ulat ng anumang labag sa batas o madayang gawain sahalalan sa isang opisyal sa mga halalan o sa opisina ng Kalihim ng Estado.
Kung naniniwala ka na ikaw ay pinagkaitan ng alinman sa mga karapatang ito, tawagan ang kompidensiyal at walang-bayad na Tuwirang Linya para sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 345-VOTE (8683).
Sa web sa www.sos.ca.gov Sa pamamagitan ng telepono sa (800) 345-VOTE (8683) Sa pamamagitan ng email sa [email protected]
LA 008-006
FP-TP07-A-TAG
Isinaling materyal sa halalan
Ang Pederal na Batas sa mga Karapatan sa Pagboto ay nag-aatas na ang impormasyon para sa botante, kabilang ang librito ng halimbawang balota ay makuha sa Ingles gayon din sa Armenian, Tsino, Farsi, Hindi, Hapon, Tagalog/Filipino, Thai, Koreano, Khmer, Ruso, Espanyol at Biyetnamis.
1-800-815-2666 opsyon 3● Call to receive translated election materials, polling place
information or assistance with LAvote.net.
● Զանգահարեք թարգմանված ընտրական նյութեր, ընտրատեղամասերի վերաբերյալ տեղեկություններ և LAvote.net-ի հետ կապված աջակցություն ստանալու համար։
● 請致電索取已翻譯的選舉資料、投票站資訊或與LAvote.net相關的協助。
برای دریافت مطالب ترجمه شده انتخاباتی، اطلاعات درباره محل اخذ رای یا راهنمایی در ●مورد LAvote.net تماس بگیرید.
● अनुवादित सामग्री, मतिान स्ान की जानकारी या LAvote.net के बारे में सहायता प्ापत करने के लिए कॉि करें।
● 翻訳された選挙資料、投票所情報、またはLAvote.netに関する補助を受けるにはお電話ください。
● Tumawag para makatanggap ng isinaling mga materyales sa halalan, impormasyon sa lugar ng botohan o tulong sa LAvote.net.
● โทรติดต่อเพื่อรับเอกสารการเลือกตัง้ที่แปลแล้วหรือติดต่อสอบถามขอความช่วยเหลือเกี่ยวกับสถานที่เลือกตัง้ได้ที่เว็บไซต์ LAvote.net
● 번역된 선거 자료, 투표소 정보 또는 LAvote.net의 도움을 받으려면 전화하십시오.
● សូមទូរស័ព្ទដ�ើម្បីទទួលដសៀវដៅនៃការដោះដ ន្ោ តដ�លោៃបកដ្បដ�ើយ
រមួជាមួយព័តមាៃទបីកដៃលែង ដោះដ ន្ោ ត ឬជំៃួយជាមួយ LAvote.net ។
● Позвоните, чтобы получить переведенные материалы о выборах, информацию о месте голосования или помощь LAvote.net.
● Llame para recibir materiales electorales traducidos, información sobre lugares de votación o asistencia con LAvote.net.
● Hãy gọi điện thoại để nhận các tài liệu bầu cử đã được phiên dịch, thông tin của địa điểm bỏ phiếu hoặc sự trợ giúp với LAvote.net.
LA 008-007
FP-TP08-TAG
Mga Solusyon sa Pagboto para sa Lahat ng mga Tao Proyektong Paglalagay ng Sentro ng Pagboto
Sa 2020, ang County ng Los Angeles ay lilipat mula sa mga lugar ng botohan patungo sa mga Sentro ng Pagboto. Upang matiyak na ang mga lokasyong ito ay mapupuntahan ng mga botante, nakipagtulungan ang County sa mga eksperto upang isagawa ang Proyektong Paglalagay ng Sentro ng Pagboto.
Ang ginagawa naminAng County ng LA ay magsasagawa ng isang masaklaw na pagsusuring kaugnay ng espasyo upang maunawaan kung kailan at saan pinakamalamang na bumoto ang mga botante.
Paano tayo makakarating doonUpang matiyak na natutugunan ang mga pangangailangan ng komunidad, ang County ay:
Magtatrabaho nang deretso sa mga grupo ng mamamayang nagpapayo
Magsasagawa ng mga pulong ng mga apektado Magsasagawa ng mga pagtatanong sa komunidad
Magkakaloob ng interaktibong online na plataporma upang magtipon ng komento ng komunidad
Ang makukuha ng mga botante
Isang bagong karanasan sa pagboto Maginhawa, ligtas at napupuntahang mga Sentro ng Pagboto na magagamit sa loob ng 11 araw
Mga Lokasyon ng Kahong Hulugan para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na magagamit sa loob ng 29 na araw
Naililipat at Pop-up na mga Sentro ng Pagboto Kakayahang makaboto sa alinmang lokasyon sa County
Napupuntahan Seguridad Pagiging Malapit Kaginhawahan Kahandaan
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang VSAP.lavote.net
COUNTY NG LA
COUNTY NG LA
County ng LA
LA 008-008
PAARALANESPESYAL NA HALALAN NG PINAG-ISANG DISTRITO NG PAARALAN NG LOS ANGELES
EE PANUKALA PARA SA DE-KALIDAD NA GURO, PAGBAWAS NG SUKAT NG KLASE, AT KALIGTASAN NG LOKAL NA PAARALAN. Upang mapanatili/mahikayat ang mga de-kalidad na guro; mabawasan ang sukat ng klase; makapagbigay ng mga serbisyo sa pagpapayo/pangangalaga/silid-aklatan, sining, musika, agham, matematika,
preschool, edukasyong bokasyonal/karera, mga paaralang ligtas/mahusay na napapanatili, mga sapat na materyal/suplay para sa pagtuturo; masuportahan ang mga estudyanteng mahirap/walang bahay; dapat bang magpataw ang Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng Los Angeles ng $0.16 bawat kuwadradong talampakan ng mga pagpapahusay sa gusali taun-taon, nang hindi kasama ang mga nakatatanda/ilang partikular na tumatanggap ng tulong sa may kapansanan, na magbibigay ng humigit-kumulang $500,000,000 taun-taon sa loob ng 12 taon, na mangangailangan ng mga taunang pagsusuri, pagbabantay, at pagpopondo sa mga lokal na paaralan?
2 OO3 HINDI
KATAPUSAN NG BALOTA
PAGE
1
01-008-TAG LA 008-009
FP-DS02-TAG
Ang mga sumusunod na pahina ay maaaring naglalaman ng Mga Pahayag ng Kandidato, at/o Mga Pagsusuri ng Panukala sa Balota, Mga Pangangatwiran o Mga Sagot.
Ang mga kandidato para sa mga lokal na katungkulan ay makakapili na magsama ng isang pahayag, kung saan sila ay nagbabayad, maliban kung ang namamahalang lupon ang nagbabayad.
Bilang pagsunod sa batas, tanging ang Mga Pahayag ng Kandidato sa wikang Ingles at Kastila ang kasama sa libritong ito. Bawat kandidato na nagsumite ng isang Pahayag ng Kandidato sa wikang Kastila ay nagbayad ng karagdagang bayad.
Ang Mga Pahayag ng Kandidato, Mga Pangangatwiran o Mga Sagot Na Panig, at/o Laban sa mga Panukala sa Balota ay hindi sumasailalim sa pag-edit o bineberipika para sa katumpakan ng sinumang mga opisyal ng halalan.
Ang Mga Pangangatwiran at/o Mga Sagot ay mga opinyon ng mga may-akda.
Mga pahayag ng kandidato at mga panukala
LA 008-010
M00005928TAG-1
BUONG TEKSTO NG PANUKALA EE SA BALOTA
Ang sumusunod ay ang buong teksto ng proposisyon na ihaharap sa mga botante ng Distrito ng
Pinag-isang Paaralan ng Los Angeles (“Pinag-isang L.A.”) sa librito ng balota:
PANUKALA PARA SA DE-KALIDAD NA GURO, PAGBAWAS NG SUKAT NG
KLASE, AT KALIGTASAN NG LOKAL NA PAARALAN
Upang magpanatili/umakit ng mga de-kalidad na guro; bawasan ang sukat ng klase; magkaloob
ng mga serbisyong pagpapayo/pag-aalaga/aklatan, sining, musika, agham, matematika,
preschool, bokasyonal/pangkarerang edukasyon, mga ligtas/mahusay na napapanatiling paaralan,
mga sapat na materyal/suplay para sa pagtuturo; suportahan ang mahihirap/walang bahay na
estudyante; dapat bang magpataw ang Distrito ng Pinag-isang Paaralan ng Los Angeles ng $0.16
kada kuwadradong talampakan ng mga pagpapahusay sa gusali taun-taon, pinalilibre ang mga
nakatatanda/mga partikular na tumatanggap ng tulong na may kapansanan, na magkakaloob ng
humigit-kumulang na $500,000,000 taun-taon sa loob ng 12 taon, na mangangailangan ng mga
taunang pagsusuri, pagbabantay, at pagpopondo sa mga lokal na paaralan?
I. TITULO AT LAYUNIN
Ang panukalang ito (“Panukala”) ay dapat makilala bilang “Panukala para sa De-kalidad na Guro,
Pagbawas ng Sukat ng Klase, Kaligtasan ng Lokal na Paaralan” o bilang “Panukala EE.” Ang
mga kitang malilikom ng Panukalang ito ay dapat gamitin upang magkaloob ng mga de-kalidad
na programang pang-edukasyon upang pahusayin ang nakakamit ng mga estudyante sa Pinag-
isang L.A. at pampubliko, di-nagtutubong mga paaralan ng karta na ipinahintulot ng batas,
pinatatakbo nang ayon sa batas, at matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng Pinag-isang L.A.
(“Mga Lokal na Paaralan ng Karta”).
II. MGA IPINASIYA
Ang Pinag-isang L.A. ay sinusuportahan ng isang komunidad na nagtatalaga ng sarili sa paglikha
at pagpapanatili ng isang mataas ang kalidad na kapaligiran sa pagtuturo para sa lahat ng humigit-
kumulang na 694,096 na PreK-12 nito, maagang edukasyon, edukasyon ng nasa hustong gulang,
at mga estudyante ng Lokal na Paaralan ng Karta. Sa pamamagitan ng suporta ng komunidad,
ang Pinag-isang L.A. ay nakagawa ng malaking progreso sa pagpapahusay ng mga puntos sa
pagsusulit at pag-aalay ng mga inobasyong pang-edukasyon at mga mapipili sa mga estudyante
at magulang upang ihanda ang mga estudyante para mamuhay ng mga responsable at
produktibong buhay sa ika-21 Siglo.
Sa kabila ng mga pagsisikap ng Pinag-isang L.A. upang ipagpatuloy ang pagpapahusay sa
nakakamit ng estudyante at mag-alay ng mga pagkakataon para sa repormang pang-edukasyon,
ang Estado ay patuloy na hindi sapat na nagpopondo sa ating mga lokal na paaralan. Ang
California ay matagal nang nagpunta mula sa pinakamataas ng mga tsart sa pagpopondo sa
edukasyon at nakakamit ng estudyante patungo sa malapit sa pinakamababa. Sa kabila ng
pagiging pinakamayamang estado sa bansa at ika-5 pinakamalaking ekonomiya sa mundo, ang
California ay may ranggong ika-44 sa paggasta sa bawat estudyante. Ang Pinag-isang L.A. ay
nangangailangan ng karagdagang pagpopondo upang magkaloob ng ligtas, protektado, malinis,
at malugod na tumatanggap at sumusuportang mga kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat.
(Ipinagpapatuloy sa kasunod na pahina)
LA 008-011
M00005928TAG-2
BUONG TEKSTO NG PANUKALA EE SA BALOTA (Ipinagpapatuloy)
At saka, dapat tugunan ng Pinag-isang L.A. ang patuloy na kakulangang pang-istruktura upang
maipagpatuloy nito ang pag-aalay ng mataas ang kalidad na mga programang pang-edukasyon sa
lahat ng estudyante nito. Ang isang malaking kakulangan at mga pagbawas ay inaasahan sa Taon
ng Pananalapi 2021-2022 at lampas pa. Kung hindi tugunan, kakailanganing ipatupad ang mga
nakapipinsalang pagbawas sa mga programa, paaralan, at empleyado ng Pinag-isang L.A.,
kabilang ang posibleng mga pagtanggal ng guro at empleyado at pagdagdag sa mga sukat ng
klase.
Ang epekto ng mga pagbawas na ito sa badyet, itinulak ng hindi sapat na pagpopondo ng Estado
ay madarama ng bawat estudyante, magulang, paaralan, at empleyado sa Pinag-isang L.A. Ang
Pinag-isang L.A. ay nagpupunyaging ipagpatuloy ang pagpapahusay sa kalidad at kagalingan ng
mga programang pang-edukasyon nito sa kabila ng hindi sapat na pinansiyal na suporta mula sa
Estado.
Sa pagpapatibay ng Panukalang ito, ang mga botante ay nagkakaloob sa mga pampublikong
paaralan ng Los Angeles ng tinatayang karagdagang $500,000,000 kada taon. Ang halagang ito
ay magpapahintulot sa Pinag-isang L.A. na bawasan ang mga sukat ng klase at umakit at
magpanatili ng mga de-kalidad na guro at empleyado upang suportahan ang ating mga lokal na
paaralan. Ito ay tutulong na pangalagaan at itaas ang mga pagsulong sa nakakamit ng estudyante;
mahahalagang programa sa pagtuturo na tulad ng agham, teknolohiya, Ingles, at matematika;
suporta para sa mga estudyanteng maliit ang kita; nag-aaral ng Ingles, tinatangkilik/walang-bahay
na estudyante, estudyanteng may kapansanan, estudyanteng nakatala sa mataas ang
pangangailangan o mababa ang pagganap na mga paaralan, o mahihirap na estudyante; at malinis
at ligtas na mga paaralan.
III. MGA PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA LAYUNIN
Ang mga nalikom ng Panukalang ito ay dapat ipahintulot na magpondo sa mga sumusunod na
layunin para sa mga paaralan ng Pinag-isang L.A. (mga paaralang PreK-12, mga paaralan ng nasa
hustong gulang/bokasyonal/pangkarera, at maagang edukasyon), kabilang ang mga Lokal na
Paaralan ng Karta:
1. Pagbaba ng mga sukat ng klase;
2. Pagkakaloob ng pantay na mga serbisyo sa pag-aalaga, aklatan, at pagpapayo sa paaralan at
ibang mga serbisyong pangkalusugan at pantao para sa suporta sa estudyante;
3. Pagkakaloob ng mga de-kalidad na programang pang-edukasyon, napakahalagang
tagapagdulot at materyal ng paaralan;
4. Pagpapanatili at pag-akit ng mga mataas ang kalidad na guro at empleyado ng paaralan;
5. Pagkakaloob ng ligtas, protektado, malinis, maayos na pinananatili, sumusuporta, at malugod
na tumatanggap na mga paaralan;
6. Pagkakaloob sa mga paaralan ng mga kailangang serbisyong pampangasiwaan; at
(Ipinagpapatuloy sa kasunod na pahina)
LA 008-012
M00005928TAG-3
BUONG TEKSTO NG PANUKALA EE SA BALOTA (Ipinagpapatuloy)
7. Pagsuporta sa mga estudyanteng maliit ang kita, nag-aaral ng Ingles, tinatangkilik/walang-
bahay na estudyante, estudyanteng may kapansanan, estudyanteng nakatala sa mataas ang
pangangailangan o mababa ang pagganap na mga paaralan, o mahihirap na estudyante.
Ang pagpopondong nalikha ng Panukalang ito na ilalaan sa mga Lokal na Paaralan ng Karta ay
dapat ilaan batay sa kanilang pangkaraniwang pang-araw-araw na pagdalo (ADA) sa distrito.
Hangarin ng Lupon ng Edukasyon na ang pagpopondong nalikha ng Panukalang ito ay dapat
ibahagi upang pakinabangan ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga paaralan ng Pinag-isang L.A.
at mga estudyante sa loob ng distrito na nag-aaral sa mga Lokal na Paaralan ng Karta, upang ang
Pinag-isang L.A. at mga Lokal na Paaralan ng Karta ay tumanggap ng mga paglalaan na
makatwirang magkakapantay batay sa ADA. Ang Lupon ng Edukasyon ay dapat magtatag ng
mga tuntunin, pamamaraan, iniaatas na panahon at pamantayan para sa paglalaan at pamamahagi
ng pagpopondo, na dapat kabilang ang, pero limitado sa, isang proseso ng apela para sa mga
Lokal na Paaralan ng Karta na nag-aatas na ang lahat ng apela ay iharap sa Pinag-isang L.A. at
naubos na bago ang pagsisimula ng anumang pamamaraang panghukuman.
Ang pagpopondong nalikha ng Panukalang ito ay hindi maaaring gamitin para sa:
1. Pagbili ng mga lote ng paaralan;
2. Pagtatayo o pagsasamoderno ng mga paaralan;
3. Pagpopondo sa mga pakikipag-ayos na pambatas at pananagutan; at
4. Pagpapatakbo ng mga paaralan sa labas ng mga hangganan ng Pinag-isang L.A.
IV. PAGPATAW NG BUWIS
Ang isang espesyal na buwis ay dapat ipataw sa mga parsela sa Pinag-isang L.A., upang
magkabisa agad pagkatapos pumasa, gaya ng mga sumusunod.
A. Batayan at Antas ng Buwis
1. Ang buwis sa parsela na $0.16 kada kuwadradong talampakan ng mga pagpapahusay ng
gusali kada taon ay dapat ipataw sa bawat parsela ng nabubuwisang tunay na ari-arian.
“Parsela ng nabubuwisang tunay na ari-arian” ay nangangahulugang anumang yunit ng tunay
na ari-arian sa Pinag-isang L.A. na tumatanggap ng isang nakahiwalay na singil sa buwis para
sa batay sa halaga na mga buwis sa ari-arian mula sa Opisina ng Ingat-yaman-Tagasingil ng
Buwis ng County ng Los Angeles. “Kuwadradong talampakan ng pinahusay na gusali” ay
nangangahulugang ang kuwadradong talampakan ng lahat ng gusali o istrukturang itinayo o
ikinabit sa lupa. Lahat ng ari-arian na di-saklaw o walang ipinapataw na batay sa halaga na
mga buwis sa ari-arian sa alinmang taon ay dapat na di-saklaw din ng buwis sa parsela para
sa naturang taon.
(Ipinagpapatuloy sa kasunod na pahina)
LA 008-013
M00005928TAG-4
BUONG TEKSTO NG PANUKALA EE SA BALOTA (Ipinagpapatuloy)
2. Ang isang pagkalibre sa pagbabayad ng buwis sa parsela ay maaaring igawad sa anumang
parselang pag-aari ng isa o higit na tao na 65 taong gulang o higit na umookupa ng parsela
bilang pangunahing naninirahan, pagkatapos ng aplikasyon para sa pagkalibre (“Pagkalibre
ng Nakatatandang Mamamayan”).
3. Ang isang pagkalibre sa pagbabayad ng buwis sa parsela ay maaaring igawad sa anumang
parselang pag-aari ng isa o higit na taong tumatanggap ng suplementong kitang panseguridad
para sa isang kapansanan, anuman ang edad, o mga benepisyo ng seguro sa kapansanan ng
seguridad sosyal, anuman ang edad, na ang taunang kita ay hindi humihigit sa 250 porsiyento
ng 2012 na mga pederal na patnubay sa kahirapan na inilabas ng Kagawaran ng Kalusugan
at mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos, na umookupa ng parsela bilang pangunahing
naninirahan, pagkatapos mag-aplay para sa pagkalibre (“Pagkalibre ng Tumatanggap ng
Benepisyo para sa Kapansanan”).
4. Ang Pinag-isang L.A. ay dapat magkaloob sa Ingat-yaman-Tagasingil ng Buwis ng County
ng Los Angeles ng isang ulat na nagpapabatid ng numero ng parsela at halaga ng buwis para
sa bawat parsela ng nabubuwisang tunay na ari-arian.
B. Termino
Ang pagpataw ay dapat magkabisa sa taon ng pananalapi 2019-2020, at dapat magpatuloy na may
bisa para sa 12 taon.
C. Limitasyon sa Paggasta Ayon sa Saligang-Batas
Alinsunod sa Artikulo XIIIB ng Saligang-Batas ng California, ang Limitasyon sa mga Paglalaan
Ayon sa Saligang-Batas ng Pinag-isang L.A. ay dapat taasan ng halagang nasingil ng pagpataw
nitong buwis sa parsela alinsunod sa mga angkop na iniaatas ng batas ng estado.
D. Pagsingil
Maaaring hilingin ng Pinag-isang L.A. na ang buwis sa parsela ay singilin ng County ng Los
Angeles, o ibang itinalagang ahensiya. Ang pagsingil ng mga buwis sa ilalim ng Panukalang ito,
kabilang ang pagpataw ng mga multa, karagdagang bayad, at interes sa mga taong hindi
nagpadala ng buwis sa parsela na ipinataw ng Panukalang ito, o hindi nagdala ng anumang
delinkuwenteng pagbabayad, ay dapat sumailalim sa at pamahalaan ng mga tuntunin, regulasyon,
at pamamaraang ipinahihintulot ng batas. Ang bawat multang ipinataw at naturang interes na
natitipon sa ilalim ng mga tadhana ng Panukalang ito ay dapat maging bahagi ng buwis na iniaatas
dito na bayaran sa Pinag-isang L.A.
(Ipinagpapatuloy sa kasunod na pahina)
LA 008-014
M00005928TAG-5
BUONG TEKSTO NG PANUKALA EE SA BALOTA (Ipinagpapatuloy)
E. Naihihiwalay
Ang mga tadhana ng Panukalang ito ay hindi dapat pairalin sa sinumang tao, kapisanan, o
korporasyon o sa anumang ari-arian kung saan walang kapangyarihan ang Pinag-isang L.A. na
magpataw ng buwis na itinatadhana rito. Kung ang anumang pangungusap, sugnay, seksiyon, o
bahagi ng Panukalang ito o anumang buwis sa sinumang indibidwal o anumang mga grupong
tinukoy rito ay ipinasiyang labag sa saligang-batas, ilegal, o walang-bisa, ang naturang paglabag
sa saligang-batas, pagiging ilegal, o walang-bisa ay dapat makaapekto lamang sa naturang
sugnay, pangungusap, o bahagi ng Panukalang ito at hindi dapat makaapekto o makapagpahina
sa anumang mga natitirang tadhana, pangungusap, sugnay, seksiyon, o ibang mga bahagi ng
Panukalang ito. Sa pamamagitan nito ay ipinahahayag na hangarin ng mga manghahalal na ang
Panukalang ito ay pagtitibayin kung ang naturang labag sa saligang-batas, ilegal o walang-bisang
pangungusap, sugnay, seksiyon o bahagi nito ay hindi isinama dito.
V. PANANAGUTAN SA PUBLIKO AT PAGBABANTAY
Ang mga nalikom sa ilalim ng Panukalang ito ay dapat pairalin lamang para sa mga ispesipikong
layunin na tinukoy sa itaas. Ang mga nalikom ay dapat ideposito sa isang kuwenta, na dapat
panatilihing nakahiwalay at bukod sa ibang mga kuwenta ng Pinag-isang L.A. Nang hindi
lalampas ng ika-1 ng Enero ng bawat taon habang may bisa ang buwis, magsisimula sa ika-1 ng
Enero, 2020, ang Punong Opisyal sa Pananalapi ng Pinag-isang L.A. ay dapat mag-utos ng
paghahanda ng isang taunang independiyenteng pagsusuri ng pananalapi na nagdedetalye ng
halaga ng mga pondong nasingil at ginasta sa kasalukuyang taon ng pananalapi, at ang katayuan
ng anumang proyekto o paglalarawan ng anumang mga programang ipinahintulot na pondohan
ng Panukalang ito. Ang taunang independiyenteng pagsusuri ng pananalapi ay dapat iharap sa
Lupon ng Edukasyon, at ang naturang pagsusuri ay dapat isapubliko, kabilang ang paglalagay sa
website ng Pinag-isang L.A. Ang mga Lokal na Paaralan ng Karta ay dapat magsama, sa taunang
pagsusuri na iniaatas ng kanilang mga karta, ng isang nakahiwalay na pagkuwenta ng kanilang
paggamit ng mga pondong natanggap nila alinsunod sa Panukalang ito, kabilang ang pagsunod
sa mga ipinahintulot na layunin nito.
Hangarin ng Lupon ng Edukasyon na magkaroon ng mahigpit na pagbabantay, kalinawan at
pananagutan para sa paggasta ng mga pondong nalikha ng Panukalang ito. Pagkaaproba ng
Panukalang ito, ang Lupon ng Edukasyon ay dapat magkaloob ng isang istruktura at mga
mekanismo para sa independiyenteng pagbabantay.
LA 008-015
M00005928TAG-6
WALANG PINAPANIGANG PAGSUSURI NG PANUKALA EE
Ni Mary C. Wickham, Abugada ng County
Ang pag-aproba sa Panukala EE (“Panukala”) ay magpapahintulot sa Lupon ng Edukasyon
(“Lupon”) ng Distrito ng Pinag-isang Paaralan ng Los Angeles (“Distrito”), na naglagay sa
Panukala sa balota sa pamamagitan ng Resolusyon, upang magpataw ng kuwalipikadong espesyal
na buwis (“Buwis”) na $0.16 kada kuwadradong talampakan ng mga pagpapahusay kada taon sa
bawat parsela ng nabubuwisang tunay na ari-arian na ang buo o bahagi ay nasa loob ng Distrito.
Kung aprobahan, ang buwis ay taunang ipapataw simula sa taon ng pananalapi 2019/2020, at
magpapatuloy sa loob ng pitong 12 taon.
Ang mga nalikom mula sa Buwis ay dapat gamitin para sa: pagbawas ng mga sukat ng klase;
pagkakaloob ng mga serbisyong pag-aalaga sa paaralan, aklatan, at pagpapayo at ibang mga
serbisyong pangkalusugan at pantao para sa suporta sa estudyante; pagkakaloob ng mga
programang pagtuturo, mga tagapagdulot at materyal ng paaralan; pagpapanatili at pag-akit ng
mga guro at empleyado ng paaralan; at pagkakaloob ng mga kailangang serbisyong
pampangasiwaan. Walang mga nalikom mula sa Buwis na ito na magagamit para sa pagbili ng
mga lote ng paaralan, pagtatayo o pagsasamoderno ng mga paaralan, pagpopondo sa mga
pakikipag-ayos at pananagutang pambatas, at pagpapatakbo ng mga paaralan sa labas ng mga
hangganan ng Distrito.
Ang Distrito ay dapat mag-ayos para sa isang independiyenteng pagsusuri ng pananalapi taun-
taon na nagdedetalye ng halaga ng mga pondong nasingil at ginasta sa taon ng pananalapi, at ang
katayuan ng anumang proyekto o paglalarawan ng anumang mga programang ipinahintulot na
pondohan ng Panukala. Ang taunang pagsusuri ay dapat iharap sa Lupon. Ang mga nalikom na
buwis ay dapat ideposito sa isang nakahiwalay, espesyal na kuwenta.
Ang mga pondong nalikha ng Panukalang ito na ilalaan sa mga Lokal na Paaralan ng Karta ay
dapat ilaan batay sa kanilang pangkaraniwang pang-araw-araw na pagdalo sa distrito. Ang Lupon
ay dapat magtatag ng mga tuntunin, pamamaraan, mga iniaatas na panahon, at mga pamantayan
para sa paglalaan at pamamahagi ng pagpopondo, kabilang ang, pero hindi limitado sa, isang
proseso ng apela para sa mga Lokal na Paaralan ng Karta na nag-aatas na ang lahat ng apela ay
iharap sa Distrito bago ang pagsisimula ng anumang pamamaraang panghukuman.
Ang anumang ari-ariang di-saklaw ng mga buwis sa ari-arian na batay sa halaga sa isang taon ng
buwis ay dapat ding palibrihin sa Buwis sa parehong taon. Bilang karagdagan, ang sinumang
may-ari ng parsela na umookupa sa parsela bilang pangunahing tirahan na: (1) 65 taong gulang o
mas matanda; o (2) nakakatanggap ng suplementong kitang panseguridad para sa kapansanan,
anuman ang edad; o (3) nakakatanggap ng mga benepisyo ng seguro sa kapansanan ng seguridad
sosyal, anuman ang edad, na ang taunang kita ay hindi humihigit sa 250 porsyento ng mga pederal
na alituntunin sa kahirapan ng 2012, ay maaaring mag-aplay para sa pagkalibe sa Buwis. Ang
pagpapasiya ng Tagatasa ng County sa pagkalibre o kaluwagan ng anumang parsela sa
pagbubuwis para sa anumang dahilan ay dapat na pinal at may-bisa.
Ang Buwis ay sisingilin ng Kolektor ng Buwis ng County nang magkakasabay, sa
magkakaparehong paraan, at napapailalim sa magkakatulad ng interes at multa na angkop sa mga
buwis sa ari-arian na batay sa halaga.
Ang Panukalang ito ay nag-aatas ng dalawang ikatlong (2/3) boto upang maipasa.
LA 008-016
M00005928TAG-7
PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA EE
Bumoto ng OO sa Panukala EE upang tulungan ang ating mga paaralan ng kapitbahayan na
magpanatili at umakit ng mga de-kalidad na guro, tagapayo, nars ng paaralan, katiwala ng aklatan,
tauhan ng suporta at punong-guro.
Ang Panukala EE ay isang napakahalagang bahagi ng solusyon sa krisis sa pagpopondo sa
pampublikong edukasyon na binigyang-diin ng mga welga ng mga guro kamakailan sa lugar ng
Los Angeles. Ang mga guro at lider ng distrito ng paaralan ay sumasang-ayon na ang Panukala
EE ay magbabawas ng mga sukat ng klase at magkakaloob ng mga kailangang tagapagdulot para
sa mga lokal na paaralan at magbabayad ng mga suweldo upang magpanatili at umakit ng mga
de-kalidad na guro at mga tauhan ng suporta sa estudyante.
Kahit na ito ang ikalimang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, ang California ay may
ranggong ika-44 sa Estados Unidos sa kada-mag-aaral na pagpopondo para sa edukasyon. Ang
Panukala EE ay lubhang kailangan upang makuha ng ating mga LOKAL na paaralan ang mga
tagapagdulot na kailangan ng mga ito upang turuan ang ating mga estudyante, isang
pamumuhunan na tutulong na dalhin ang mas maraming estudyante sa antas ng grado sa
matematika at pagbabasa.
Ang susi sa isang malakas na ekonomiya ay isang lakas paggawa na mahusay ang edukasyon. Sa
pamamagitan ng pagboto ng OO sa Panukala EE at pamumuhunan sa mga de-kalidad na
programa sa akademiko na tulad ng mga sining ng wika, matematika, agham, teknolohiya, mga
sining, bokasyonal at pangkarerang edukasyon, at preschool, magagawa nating magkaloob sa
mga estudyante ng ligtas at malulusog na paaralan at ng de-kalidad na edukasyon na kailangan
nila para sa kolehiyo at karera sa isang ekonomiyang matindi ang kumpitensiya.
Ang Panukala EE ay sasailalim sa mahihigpit na iniaatas para sa pananagutan. Ito ay nag-aatas
na ang bawat dolyar ay gagamitin upang suportahan ang mga lokal na paaralan at hindi makukuha
ng estado o ng pederal na pamahalaan. Ang Panukala EE ay magkakaroon ng pagbabantay ng
publiko at nag-aatas ng mga taunang independiyenteng pagsusuri upang tiyakin na ang lahat ng
dolyar ay ginagasta gaya ng ipinangako.
Ang mga edukador, guro, magulang, at lider ng komunidad ay nagkakaisa sa pagsuporta sa
Panukala EE. Ngayon ang panahon upang mamuhunan sa pampublikong edukasyon! Hindi
nating makakayang maghintay at hayaan ang ating mga paaralan na lalo pang mapag-iwanan.
Bumoto ng Oo sa Panukala EE!
ERIC GARCETTI
Alkalde ng Los Angeles
SUSAN DOMINGO
Nars ng Pinag-isang Paaralan ng Los Angeles
KIRSTEN FARRELL
Guro ng Taon 2018 ng California
ANDRE SPICER
Nakaraang Presidente, Konseho ng mga Itim na Tagapangasiwa, at
Direktor ng Dibisyon ng Pagtuturo ng Pinag-isang Los Angeles
DIANNE F. HARRISON
Presidente, Unibersidad ng Estado ng California, Northridge
LA 008-017
M00005928TAG-8
SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA EE
Bumoto ng HINDI sa Panukala EE.
Ang EE ay isang bagong $500,000,000 na taunang buwis sa lahat ari-arian - mga bahay,
apartment, tindahan sa kapitbahayan, restawran, groseri - sa loob ng LAUSD (Distrito ng Pinag-
isang Paaralan ng Los Angeles), pangkaraniwang $537 kada ari-arian. Gagawin ng EE na mas
mahal ang lahat ng bagay na binibili at ginagamit natin.
Ang EE ay HINDI MAKATARUNGAN sa mga may-ari ng ari-arian at nangungupahan. Ang
mga kasero ay mapipilitang ipasa ang mga tumaas na gastos sa mga nangungupahan. Gagawin
ng buwis na ito na mas malala ang krisis sa pabahay.
Ang EE ay HINDI MAKATARUNGAN sa mga pamilya at bata. Ang distrito ay hindi wastong
pinamamahalaan sa mga dekada na nagresulta sa mababang mga puntos sa Ingles at matematika,
nababawasang pagpapatala at mahihinang antas ng pagtatapos. Sa halip na ayusin ang matatagal
nang problema, repormahin ang sirang sistema at kontrolin ang hindi makontrol na pananalapi,
ang LAUSD ay humihingi ng $6 na bilyon na bagong pera mula sa mga nagbabayad ng buwis.
Ang EE ay HINDI MAKATARUNGAN sa mga estudyante at guro. Ang EE ay walang garantiya
na ang bagong perang ito ay gagastahin sa silid-aralan. Nakatago sa EE ang isang iniaatas na ang
bagong kita ay gamitin para sa “suportang pampangasiwaan.” Kung ang kasaysayan ay isang
patnubay, gagamitin ng LAUSD ang ating mga dolyar ng buwis sa pangangasiwa, mga tagalabas
na kasangguni at utang sa pensiyon.
Ang EE ay HINDI MAKATARUNGAN sa mga nagbabayad ng buwis. Sinasabi ng LAUSD na
hindi nito natatanggap ang makatarungang kabahagi nito sa pagpopondo ng estado sa edukasyon.
Sa halip ng ipaayos iyon sa estado, inilagay ng mga burukrata ang buong pasanin sa ating mga
likod.
Magreporma Muna!
Kailangan natin ng reporma sa edukasyon at mas mahusay na pamamahala ng distrito bago natin
bigyan ang LAUSD ng higit pa ng ating mga pinaghirapang dolyar ng buwis.
Itong pakanang pagliligtas ay mag-aalis lamang ng pagpuwersang magreporma, at walang
magiging mas mahusay para sa ating mga bata.
BUMAGSAK SA PAGSUBOK ANG EE. Bumoto ng Hindi!
MARIA SALINAS
Presidente at CEO (Punong Tagapagpaganap na Opisyal), Kamara de Komersiyo ng
Lugar ng Los Angeles
JON COUPAL
Presidente, Howard Jarvis na Kapisanan ng mga Nagbabayad ng Buwis
RICHARD CLOSE
Presidente, Kapisanan ng mga May-ari ng Bahay sa Sherman Oaks
LARRY SAND
Retiradong Guro ng LAUSD
ALICIA MARQUEZ
Magulang sa LAUSD
LA 008-018
M00005928TAG-9
PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA EE
Bumoto ng HINDI sa Panukala EE.
Gusto nating lahat ng isang mabisang sistema ng pampublikong edukasyon para sa ating mga bata at sinusuportahan ang mas malaking pagpopondo upang makarating doon. Sa kasamaang-palad, ang sagot ay hindi ang buwis sa parsela ng LAUSD (Distrito ng Pinag-isang Paaralan ng Los Angeles). Ito ay walang kasamang garantiya na gagastahin ang ating mga dolyar ng buwis sa silid-aralan upang pahusayin ang edukasyon.
Inaprobahan ng mga botante ang mga pagtaas ng buwis noong 2012 at muli noong 2016 upang pondohan ang mga paaralan. Patuloy na nagkukulang ang LAUSD sa ating mga bata sa pamamagitan ng mahihinang puntos sa nakakamit sa Ingles at matematika, mabababang bilang ng nagtatapos at nababawasang pagpapatala.
HUWAG MAGPALOKO. Ang pera mula sa buwis ay hindi magdaragdag ng mga tagapagdulot sa mga silid-aralan. Ito ay gagamitin upang pansamantalang ayusin ang isang kakulangan sa badyet at upang bayaran ang sobrang-ipinangakong mga gastos ng LAUSD sa pensiyon at segurong pangkalusugan.
Napag-alaman ng isang ulat noong 2018 ng Reason Foundation na sa nakalipas na 15 taon, ang distrito ay nawalan ng higit sa 245,000 estudyante. Pero, ang halaga ng mga benepisyo ng empleyado ng distrito ay tumaas ng 44% mula noong 2014. Ang paggasta nito sa mga serbisyo ng tagalabas na kasangguni ay tumaas ng 110% mula noong 2014.
Isinulat ng Daily News, “Ang mga buwis sa parsela ay kumukuha ng mas malaking porsiyento ng kita mula sa mga nagbabayad ng buwis na maliit ang kita.” Ang buwis na ito “ay magdaragdag ng daan-daang dolyar taun-taon sa mga singil sa buwis sa ari-arian ng mga may-ari ng bahay at libu-libong dolyar sa mga taunang gastos sa mga supermarket, tindahang nagtitingi, gusali ng opisina, bodega at pasilidad na pangkomersiyo.”
Kabilang sa buwis na ito ang mga gusali ng apartment. Ang matataas na renta ay lalo pang tataas!
Ang mga pamilya ay nadudurog sa hindi abot-kayang pabahay. Ang isang bagong buwis na 16 sentimos kada kuwadradong talampakan ng espasyo ng gusali (pangkaraniwang $537 kada parsela) ay ginagawang mas masama ang mga bagay.
Hindi naman kailangan, itong Espesyal na Halalan ng Ika-4 ng Hunyo ay gagastusan ng mga nagbabayad ng buwis ng $12.5 milyon.
INAAKSAYA NG LAUSD ANG ATING PERA.
Ang mga burukrata ng distrito at ang mga tagapagtanggol ng nabigong kasalukuyang kalagayan ay gustong ipaligtas sa mga nagbabayad ng buwis ang isang distrito ng paaralan na may kasaysayan ng kakulangan ng pondo, mahihinang resulta ng edukasyon, nababawasang pagpapatala, hindi makontrol na pagkuha ng mangangasiwa at lumolobong gastos sa pagreretiro at pangangalagang pangkalusugan.
DAPAT UNAHIN ANG MGA REPORMA.
Bumoto ng HINDI sa Panukala EE.
TRACY HERNANDEZ Tagapagtatag na CEO (Punong Tagapagpaganap na Opisyal), Pederasyon ng Negosyo ng County ng Los Angeles
KAGALANG-GALANG NA BILL DEWITT Dating Alkalde ng South Gate
MARIA SALINAS Presidente at CEO, Kamara de Komersiyo ng Lugar ng Los Angeles
JON COUPAL Presidente, Howard Jarvis na Kapisanan ng mga Nagbabayad ng Buwis
STUART WALDMAN Presidente, Kapisanan ng Industriya at Komersiyo ng Valley (VICA)
LA 008-019
M00005928TAG-10
SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA EE
Hindi sinasalungat ng mga kalaban ng Panukala EE na tayo ay may krisis sa pagpopondo sa
pampublikong edukasyon at nagsasabi na sila ay sumusuporta sa mas malaking pagpopondo
upang makarating doon. Sa kabila ng rekord na mga kaluwagan sa buwis at mga tubo ng
korporasyon, sila ay sumasalungat sa Panukala EE upang maiwasan ang aktuwal na pagbabayad
para sa kailangang pagpopondo ng paaralan.
Alam ng mga negosyong nagpaplano para sa pangmatagalan -- hindi lamang mabibilis na tubo --
kung gaano kahalaga ang mga de-kalidad na paaralan para sa kinabukasan ng ating ekonomiya.
Habang ang rekord na bilang ng mga estudyante ay nagtatapos, at ang progreso ay nagawa sa pag-
aaral ng estudyante, ang Panukala EE ay kailangan upang tugunan ang mga dekada ng kulang na
pamumuhunan sa pampublikong edukasyon, mas mababang sukat ng klase, at magpanatili at
umakit ng mga de-kalidad na guro, tagapayo, nars, katiwala ng aklatan, at tauhan ng suporta.
Huwag palinlang -- Ang Panukala EE ay nag-aatas ng mahihigpit na proteksiyon ng nagbabayad
ng buwis at pananagutan. Ang batas ng estado ay nag-aatas na ang lahat ng pondo ay ideposito
sa isang nakahiwalay na kuwenta, at magagamit lamang para sa mga layuning inaprobahan ng
botante. Habang ang batas ay nag-aatas ng taunang pampublikong pag-uulat, higit pa ang
ginagawa ng Panukala EE, na nag-aatas ng mga taunang pagsusuri ng isang independiyenteng
kompanya at independiyenteng pagbabantay.
Ang Panukala EE ay makatarungan at pantay. Ang mga may-ari ng bahay ay magbabayad ng mas
mababa kaysa isang kuwarto ng mga gastos. Ang Panukala EE ay HINDI gagambala sa mga
kasalukuyan o bagong ordinansa sa pagpapatatag ng renta. Kasama sa EE ang mga pagkalibre
para sa mga may-ari ng ari-arian na higit sa 65 taong gulang at partikular na mga tumatanggap
para sa kapansanan.
Ang Panukala EE ay magiging ang unang pagkakataon na ang ating mga estudyante ay
makikinabang mula sa isang lokal na panukala sa kita na ispesipikong para sa mga guro sa silid-
aralan, tagapagdulot, at pagtuturo.
Bumoto ng OO sa Panukala EE upang bigyan ang ating mga bata ng mga paaralang karapat-dapat
sila at ng edukasyon na hinihingi ng ekonomiya ng mundo ng ika-21 siglo.
WENDY GREUEL
Dating Kontroler ng Lungsod ng Los Angeles
ROXANA TYNAN
Tagapagpaganap na Direktor, Alyansa ng Los Angeles para sa Isang Bagong
Ekonomiya
VAHID KHORSAND
Dating Pangalawang Tagapangulo ng Nagkakaisang Kamara de Komersiyo, Rehiyon
ng San Fernando Valley
MARIA BRENES
Tagapagpaganap ng Direktor, InnerCity Struggle, at Magulang sa Pinag-isang Los
Angeles
TOI JACKSON
Katulong sa Espesyal na Edukasyon
LA 008-020
Ang pahinang ito ay dapat naging blangko dahil sa ayos ng pagkalimbag. Ginamit ng Tagapagrehistro- Tagapagtala/Klerk ng County ang pahinang ito upang magbigay ng karagdagang impormasyon.
Maging manggagawa sa botohan
lPaglingkuran ang inyong komunidad
lKumita ng hanggang $240 sa isang araw
lGawin ang inyong bahagi para sa demokrasya
(800) 815-2666, opsyon 7lavote.net
FP-OPT3-TAG LA 008-021
Ang pahinang ito ay dapat naging blangko dahil sa ayos ng pagkalimbag. Ginamit ng Tagapagrehistro- Tagapagtala/Klerk ng County ang pahinang ito upang magbigay ng karagdagang impormasyon.
Magtipid ng oras at pera!
Tanggapin ang iyong Opisyal na Halimbawang Balota sa
pamamagitan ng e-mail
Bisitahin ang lavote.netupang magpatala
FP-OPT2-TAG LA 008-022
Impormasyon tungkol sa halalanTawagan kami: 1-800-815-2666
Maaari kayong kumuha ng impormasyon tungkol sa mga ispesipikong serbisyo sa halalan sa pamamagitan ng pagtawag nang walang bayad at pagpili sa numero ng opsyon na ipinakikita para sa serbisyong hiniling.
Opsyon 1Impormasyon Tungkol sa Lugar ng Botohan
Opsyon 2Upang magparehistro para makabotoPatibayan ang pagpaparehistro o humiling ng halimbawang balotaBalota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo
Opsyon 3Mga serbisyo sa iba’t ibang wikaMga salin ng halimbawang balota
Opsyon 4Impormasyon Tungkol sa Halalan
Opsyon 5Pandaraya ng Botante/Iulat ang labag sa batas na aktibidad
Opsyon 7Upang maging isang manggagawa sa botohan
Pagsisiwalat ng Pananalapi ng Kampanya ............................ (562) 462-2339Mga iniaatas sa pahayag ng pananalapi ng kampanya para sa mga kandidato, komite at nanunungkulan.
TDD (Mahina ang Pandinig) ..................................................... (562) 462-2259
Ang pahinang ito ay dapat naging blangko dahil sa ayos ng pagkalimbag. Ginamit ng Tagapagrehistro- Tagapagtala/Klerk ng County ang pahinang ito upang magbigay ng karagdagang impormasyon.
FP-OPT1-TAG LA 008-023
FP-LP01-TAG
Ang opisina ng Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ng County ng Los Angeles ay nakalaang magkaloob sa lahat ng mga botante ng isang pribado at independiyenteng karanasan sa pagboto. Upang tingnan ang mga serbisyo ng Kagawaran sa pagbibigay ng kalagayang magagamit, pumunta sa lavote.net.Pantulong na mga kagamitan sa bawat lugar ng botohan
Mahahalagang numero ng teleponoPangkalahatang impormasyon: (800) 815-2666Kalagayan na magagamit ang lugar ng botohan: (800) 815-2666, opsyon 7Mga pagrekord sa CD/Cassette: (800) 815-2666, opsyon 3TDD: (562) 462-2259
Tingnan ang simbolo ng kakayahang mapuntahan sa panlikod na pabalat ng libritong ito upang malaman kung ang inyong lugar ng botohan ay may magagamit na pasukan o tawagan ang numerong nasa ibaba.
20/20 na itim na felt pen Kubol ng Balotang Audio
Kagamitan na nagpapalaki ng tingin
Madaling hawakan na dexterity ball
Pagboto sa gilid ng daan
Nagagamitan ng silyang may-gulong na kubol sa pagboto
Tanda ng magagamit na paradahan
Mapupuntahan na mga lugar ng botohan
LA 008-024
RETURN ADDRESS/TIRAHANG BABALIKAN
DID YOU SIGN YOUR APPLICATION?/PINIRMAHAN BA NINYO ANG INYONG APLIKASYON?
Maglagay ng Primera Klaseng
Selyo dito
VOTE BY MAIL UNITREGISTRAR-RECORDER/COUNTY CLERKPO BOX 30450LOS ANGELES CA 90030-0450
Aplikasyon Upang Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo
Fold and detach/ Tiklupin at tanggalin
Home address/Tirahan: (As registered)/(Kagaya ng nakatala)
(If different from above)/(Kung iba sa nasa itaas)
Hindi ako nagharap ng kahilingan para sa balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa halalang ito sa anumang ibang paraan.
Number and Street/Numero at Kalye
Signature of applicant (Must be signed to be processed)Pirma ng aplikante (Dapat pirmahan para maproseso)
Date (Petsa)
Daytime Phone Number (Numero ng Telepono sa Araw)
City/Lungsod Zip Code/Kodigo Postal
Mail my ballot to/Ipakoreo ang aking balota sa:
Number and Street (or P.O. Box) (Numero at Kalye (o P.O. Box))
City/Lungsod Zip Code/Kodigo Postal
Paunawa: Kung ang taong nakalagay ang pangalan sa halimbawang balota ay wala sa direksyon ng tirahan, mangyaring tumulong na panatilihin ang listahan ng mga botante na napapanahon at magtipid ng mga dolyar ng nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagbabalik nitong halimbawang balota sa inyong kartero.
Registrar-Recorder/County ClerkP.O. Box 30450Los Angeles, CA 90030-0450
( )X
Gusto kong maging isang Permanenteng Botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.Kayo ay awtomatikong tatanggap ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo bawat halalan
Change service requested Paghiling ng pagbabago ng serbisyoAng mga lugar ng botohan ay bukas mula Ika-7 ng umaga hanggang Ika-8 ng gabiAng inyong lugar ng botohan ay:
Ika-4 ng Hunyo, 2019 - Espesyal na Halalan ng Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng Los AngelesAng aplikasyon ay dapat matanggap bago lumampas ang ika-28 ng Mayo, 2019
008
TAG