9
Filipino Modyul 3, Unang Markahan
Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at
konotatibong kahulugan
ROSEVILLA A. JUMALON
(SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT)
A Joint Project of
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: ROSEVILLA A. JUMALON
Editor: Virginia E. Tagab, MaFil
Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS I – Filipino
Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo
Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien -Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag -Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan– Modyul 3: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
1
Alamin
Sa modyul na ito naipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang
nalalaman sa asignatura na ito sa pangkalahatan. Dito malalaman ang
dalawang dimensiyon sa pagbibigay-kahulugan ng salita.
Pamantayan ng Pagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo at konotatibong kahulugan.
(F9PT-Ia-b-39)
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan din na:
Natutukoy ang denotatibo at konotatibong kahulugan
Nagagamit ang denotatibo at konotatibong kahulugan
2
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin at ibigay ang tamang sagot ayon sa inyong nalalaman kung ang
mga salita sa ibaba ay mga kahulugang DENOTATIBO o KONOTATIBO. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.
1. Buwaya-ganid, sakim, makasarili
2. Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na
maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohiko.
3. Puso-pag-ibig, pagmamahal, damdamin
4. Ibon-kalayaan, kapayapaan 5. Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin.
6. Rosas- pulang rosas na may berdeng dahon.
7. Krus-ito ay simbolo ng relihiyon
8. Ahas-isang traydor o pekeng kaibigan 9. Papel- ito ay isang bagay na sinusulatan
10. Bituin-artista
11. Ama-haligi ng tahanan
12. Ina-ilaw ng tahanan
13. Ahas- isang uri ng hayop na nanunuklaw
14. Buwaya-isang nilalang na naninirahan sa tubig
15. Nagsusunog ng kilay-sinusunog ang kilay
Subukin
3
Aralin
1
Denotatibo at Konotatibong
Pagbibigay-kahulugan
Balikan
Gawain A:
Panuto: Magbigay ng dalawang kahulugan ng mga salita na makikita sa
hugis bilog. Gayahin ang ilustrasyon sa ibaba.
DENOTATIBO
KONOTATIBO
Tuklasin
Gawain :
Ibigay ang kahulugan o ipaliwanag ang kasabihang “Hindi matutularan ang
haligi ng tahanan sapagkat ang buhay nila ay sa pamilya nakalaan.”
4
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________.
Suriin
Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang
tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Sa bahaging ito ay
magkakaroon ka ng mahahalagang interpretasyon sa pagbibigay-kahulugan ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base
sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang mga sinasabi kong uri o paraan ng pagpapakahulugan.Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang malalaman mo na ang salita ay nasa
denotatibo o konotatibong pagpapakahulugan. pagbibigay-kahulugan. Halina’t tingnan at suriin ang mga halimbawa.
DENOTATIBO AT KONOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN
Parehong tumatalakay sa kahulugan ang denotatibo at konotatibo pero paano
ito nagkaiba?
DENOTATIBO-ay ang literal na kahulugan ng salita o parirala o ito ang tawag sa
kahulugang hinango o makikita sa diksyunaryo.
KONOTATIBO- ay ang kahulugan ng salita o parirala ayon sa pagkagamit sa
pangungusap o nakadepende sa pangungusap ang ibig sabihin ng salita o parirala
o ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.
Halimbawa:
1. BOLA
Denotatibo: isang uri ng bagay na tumatalbog
Pangungusap: Ang bola ay ginagamit sa paglalaro ng mga kabataan.
Konotatibo: pambibiro, mabulaklak na salita
Pangungusap: Huwag kayong magpadala sa bola lalo na sa mga kalalakihan.
2. PAPEL
Denotatibo: bagay na sinusulatan
Pangungusap: Huwag itapon ang papel kahit saan.
5
Konotatibo: ginagampanan
Pangungusap: Ano nga ba ang papel mo sa buhay?
3. AHAS
Denotatibo: isang uri ng hayop na gumagapang
Pangungusap: Maraming ahas sa masukal na kagubatan.
Konotatibo: traydor, taksil, pekeng kaibigan
Pangungusap: Ahas ka! Pinagkatiwalaan pa naman sana kita.
4. BULAKLAK
Denotatibo: bahagi ng halaman
Pangungsap: Nababanguhan ako sa mga bulaklak ng rosas.
Konotatibo: dalaga
Pangungusap: Tulad mong isang magandang bulaklak.
5. ILAW
Denotatibo: ilaw na nasa tahanan
Pangungusap: Pakipatay naman ng ilaw.
Konotatibo: Nanay, Ina
Pangungsap: Maasikaso sa pamilya ang ilaw ng tahanan.
Pamprosesong Tanong: Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
1. Anu-ano ang dalawang dimensiyon sa pagbibigay-kahulugan?
Sagot:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Paano nga ba natin makikilala ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan?
Sagot:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
6
Pagyamanin
Gawain A. Ibigay ang Denotatibo at Konotatibo na kahulugan ng bawat pahayag at gamitin
ito sa pangungusap.
MGA PAHAYAG DENOTATIBO KONOTATIBO PANGUNGUSAP
1. maitim na
ulap ay
nagbabantang
mapunit
2. kaluwagang-
palad
3. umakit sa
malaking
kamay
4. papel de
bangko
5. matigas na
loob
6. dilim
7. balat-sibuyas
8. bumulwak
ang wagas na
pagmamahal
9. nagpapangilo
sa nerbiyos
10. palad
7
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
Ang denotatibo ay ang paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay tumutukoy sa literal na konsepto ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari at karaniwang makikita sa diksyunaryo ang ganitong uri ng kahulugan. Samantalang ang konotatibo ay paraan ng pagpapakahulugan kapag nagtataglay ng mga emosyon o pansaloobing pahiwatig subhektibo ang ganitong paraan ng pagpapakahulugan o maaaring hindi hayag o may iniuugnay pang ibang kahulugan.Sa madaling salita, ang konotatibo ay mga salita sa pangungusap na nakabatay ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa pahayag. (context clue)
TANDAAN: Ang kahulugan ng salita ay natutukoy dahil sa mga pahiwatig na salita sa loob ng pangungusap. Narito ang mga paraan upang matukoy ang pahiwatig sa kahulugan ng salita sa pangungusap. 1. Depinisyon Direktang mababasa ang kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap. Nakasusugat ng puso ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway. 2. Karanasan Nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit sa pangungusap. Labis ang kanyang pighati dahil sa walang paalam na pag-alis ng kanyang minamahal. 3. Salungatan Maliban sa kasingkahulugan, mainam na malaman ang kasalungat nito. Ang kabuktutan ay hindi dapat magkubli sa anino ng kabutihan. 4. Pahiwatig Ito ay kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag. Ang pagsulong ng bayan ay makakamit kung magtutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan. 5. Pagsusuri Kailangan dito ng kakayahang panglinggwistika upang masuring maigi ang salita. Naglaho siya sa karimlan.
8
Iswai Isagawa
Gawain :
Panuto: Magbigay ng limang halimbawang salita/parirala/pangungusap ng
denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan mula sa mga akdang inyong
nabasa at gamitin ito sa pangungusap.
DENOTATIBO KONOTATIBO PANGUNGUSAP
1.
2.
3.
4.
5.
Tayahin
Panuto: Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na salita, parirala o pahayag kung ito ba ay nasa Denotatibo o Konotatibong pagpapakahulugan.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Buwaya-Ganid, Sakim, Makasarili
2. Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring
iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohiko.
3. Puso-Pag-ibig, Pamamahal, Damdamin
4. Ibon-Kalayaan, Kapayapaan 5. Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin. 6. Rosas- pulang rosas na may berdeng dahon. 7. Krus-ito ay simbolo ng relihiyon 8. Ahas-isang traydor o pekeng kaibigan
9
9. Papel- ito ay isang bagay na sinusulatan 10. Bituin-artista
11. Ama-haligi ng tahanan
12. Ina-ilaw ng tahanan
13. Ahas- isang uri ng hayop na nanunuklaw
14. Buwaya-isang nilalang na naninirahan sa tubig
15. Nagsusunog ng kilay-sinusunog ang kilay
Karagdagang Gawain
Gawain 1: Bumuo ng sanaysay na sumasalamin sa sariling karanasan gamit
ang denotatibo at konotatibong pagbibigay-kahulugan.
Sagot:
10
RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka:
Kriterya
Napakalinaw
ang Pagkakabuo (15pts)
Lubhang malinaw ang pagkakabuo
(10pts)
Hindi malinaw
ang pagkakabuo (5pts)
Nilalaman
Mensahe
Pagkakabuo
Susi sa Pagwawasto
11
Mga Sanggunian:
1. Panitikang Asyano 9
2. https://philnews.ph.
3. https://www.slidesshare.net