Political Science 198
ANG BUTAS NA“JUVENILE JUSTICE SYSTEM”
SA LUNSOD NG MAYNILA
Isang Case Study ng Manila Youth Reception Center (MYRC)
Ipinasa kay:Prof. Clarinda Berja
Ipinasa ni:Jessa P. Singuillo
2009-23321
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang pagiging epektibo ng Manila Youth
Reception Center (MYRC) sa paghahanda sa mga Children in Conflict with the Law
(CICL) para sa kanilang muling pagbalik sa lipunan bilang “socially-functioning” na mga
indibidwal, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa apat na mahahalagang
indicators ng “good governance” – clear policy guidelines, facilitative organizational
structure, competent staff, at adequate budgetary support. Ang mga pamamaraan na
ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay in-depth interviews, documentary
research, at participant observation, kung saan ang populasyon na kanyang pinag-
aralan ay labing-dalawang (12) mga respondents na binubuo ng mga piling kawani
1
mula sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), MYRC, at Manila District
Welfare Offices (MDWOs), at ilan sa mga CICL at mga magulang. Sa pagtatapos ng
pag-aaral ay napagtanto na hindi ganoon ka-epektibo ang center sa paghahanda sa
mga CICL para sa kanilang muling pagbalik sa lipunan bilang “socially-functioning” na
mga indibidwal, sa kadahilanang hindi ganoon kaayos ang pamamahalang namamalagi
sa buong “juvenile justice system” ng lunsod ng Maynila – na binubo ng Office of the
Mayor, MDSW, MYRC, at ang anim (6) na MDWOs, kung saan maliwanag na
naipinakita ang mga “gaps” o butas na bumabalot dito, na nagiging sanhi ng mga
isiniwalat na mga problema at kahinaan sa loob ng bawat nauugnay na ahensiya,
katulad na lamang ng pagtaas ng “recidivism” o muling pagkakasala ng mga released
CICL taun-taon. Ang mga ito ay nagpapatunay na ang kasalukuyang sistema ay
nakapagbibigay lamang ng isang “band-aid” na solusyon sa tunay at matagal ng
suliraning kinakaharap ng lipunan – kahirapan.
PANIMULA
Noong 1962, ang Manila Youth Rehabilitation Center (MYRC), na ngayon ay
Manila Youth Reception Center (MYRC) na, ay isang gusali na may dalawang palapag,
kung saan ito ay naitayo sa isang 990 m2 na lote sa tulong ng isang dating alkalde ng
lungsod ng Maynila na si Arsenio H. Lacson. Sa kasalukuyan, ang center ay
matatagpuan sa Lion’s Road sa kanto ng Arroceros Street sa Ermita, Maynila. Mayroon
itong anim (6) na mga dormitoryo, kung saan ang mga ito ay pinangalanang Masinop,
Mabait, Matapat, Masipag, Masikap, at Mahinhin na para sa mga kababaihan. Mayroon
ding isang silid na tinatawag na “isolation/reception room”, kung saan kaya nitong itira
ang kulang kulang 150 na mga bata (Bulatlat, 2005). Ang mga benepisyaryo ng center
ay mga lalaki at babae na mga menor pa lamang o may edad na umaabot mula labing-
lima (15) hanggang labing-pitong (17) taong gulang na nagkasala o nakalabag sa
2
batas, kung saan ang imposable penalty ng nagawang krimen, ayon sa Revised Penal
Code ay mas mataas sa anim (6) na taon, kabilang na ang kanilang mga pinakamalapit
na mga pamilya at kamag-anak o immediate families (Jetonzo, 2012).
Sa karaniwan, ito ay isang organisasyon na pinapalakad ng lokal na gobyerno ng
Maynila sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD), at nagsisilbi bilang pansamantalang tahanan para sa mga CICL, kung saan
kinikilala at tinataguyod nila ang mga karapatan, dignidad, at potential o nakatagong
lakas ng mga kabataan. Sa center ay naglalaan din sila ng iba’t ibang mga mga
programa at serbisyo tulad ng social, administrative, legal, at educational programs and
services (Jetonzo, 2012). Inilahad din ni Jetonzo (2012) na ang pinakamahalagang
tungkulin ng center ay “makapaglaan ng isang silungan, lubusang pagkalinga,
pagkupkop, at pamamatnubay sa mga naninirahan dito sa pamamagitan ng mga
programa at serbisyo na hawak ng ministro, kung saan ito ay makapaghahanda ng
husto sa mga bata para sa isang dalisay at mabuting pamumuhay kapag sila ay muling
naibalik sa kanilang mga pamilya at komunidad” (p. 2).
Gayunman, tila hindi maitatanggi na mayroong samu’t saring mga “gaps” o butas
na nakapaloob, hindi lamang sa institusyong ito, kundi sa buong “juvenile justice
system” ng lokal na pamahalaan ng Maynila, kung saan kinukumpuni ito ng Office of
the Mayor, MDSW, MYRC, at MDWOs, kung saan kabilang sa mga problemang ito ang
kakulangan sa at kababawan ng mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng
MYRC na kadalasan ay lipas na sa moda at hindi na angkop para sa mga
kasalukuyang hilig o gusto ng mga kabataan at kakulangan sa maayos na
pagsasagawa o pagsasakatuparan sa mga ito, kakulangan sa pagtutulungan at
pakikipag-ugnayan sa pagitan at sa gitna ng mga ahensiya, kakulangan sa “monitoring”
ng MDSW sa mga aktibidad, pangangasiwa, at progreso ng MYRC at mga MDWOs,
kakulangan at kababawan ng mga inilalaang serbisyong “aftercare” ng MDWOs,
kakulangan sa bilang, kakayahan, at kaalaman ng mga kawani at empleado ng center
dahil sa kakulangan sa mga ipinagkakaloob na mga seminar at training, kung saan isa
sa pangunahing sanhi ng mga problema at kahinaang ito ay ang kakulangan sa pondo
na inilalaan ng lokal na pamahalaan. Mahalagang magkaroon ng masugid na pag-aaral
3
ukol sa isyung ito upang mabigyan ng solusyon ang samu’t saring mga problemang
nakapaloob sa buong sistema na nangangasiwa sa paglalaan ng hustisya para sa mga
kabataan at tila maiwasto o maituwid ang maling pagtingin sa mga mga kabataang ito
na agarang hinuhusgahan at kinatatakutan ng lipunan.
Sa pag-aaral na ito, susubukang sagutin ng tagapagsaliksik ang sumusunod na
mga katanungan: Ano ang program design ng center? Mayroon bang malinaw na gabay
sa pamamahala o clear policy guidelines ang mga kawani ng center upang
pangangasiwaan nito ng maayos ang center at ang mga kliyente nito? Mayroon bang
facilitative na organizational structure ang lokal na pamahalaan? Mayroon bang sapat at
angkop na mga kakayahan ang mga staff o kawani ng center upang pangisawaan ang
mga kliyente nito, partikular na ang mga CICL? Paano ang buong proseso ng paglalaan
o pamamahagi ng pondo o badyet para sa iba’t ibang institusyon o departamentong na
nakapaloob sa “juvenile justice system” ng lokal na pamahalaan, na kinabibilangan na
dito ang center? Paano tinatasa o ina-assess ng mga tagapamahala, ng mga kliyente,
at ng kanilang immediate families, ang pagiging epektibo ng center? Anu-ano ang mga
problemang nakakasagupa ng mga tagapamahala ng central office, center, at district
welfare offices, kabilang na ang mga kliyente nito? Anong uri ng governance ang
makikita sa buong “juvenile justice system” ng lokal na pamahalaan ng Maynila?
PAKSA NG PANANALIKSIK: Ang pagiging epektibo ng Manila Youth ReceptionCenter (MYRC) sa paghanda sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) para sakanilang muling pagbalik sa lipunan bilang “socially-functiong” na mga indibidwal.
MGA KATANUNGAN NG PANANALIKSIK
I. Pangkalahatang Katanungan:
Gaano ka-epektibo ang Manila Youth Reception Center (MYRC) sa paghanda sa mgakliyente nito para sa kanilang muling pagbalik sa lipunan bilang “socially-functioning” namga indibidwal?
II. Mga Partikular na Katanungan:
1. Ano ang program design o ang disenyo ng programa ng center? 2. Mayroon bang malinaw na gabay sa pamamahala o clear policy guidelines ang
mga kawani ng center upang pangangasiwaan nito ng maayos ang center at angmga kliyente nito?2.1 Kung mayroon nga, naisasagawa ba ng maayos ang mga ito?
4
3. Mayroon bang facilitative na organizational structure ang lokal na pamahalaan?3.1 Mayroon bang coordination at cooperation sa gitna ng central office, ng
center, at ng mga district welfare offices?3.2 Paano sinisigurado ng lokal na pamahalaan na lahat ng mga CICL na
nakakalabas sa center ay nakakatanggap ng mga kinakailangan nilang mga“aftercare services” mula sa kani-kanilang mga district offices pagkalabasnila?
4. Mayroon bang sapat at angkop na mga kakayahan ang mga staff o kawani ngcenter upang pangisawaan ang mga kliyente nito, partikular na ang mga CICL?4.1 Ang mga kasanayan ba ng mga kawani ng center ay angkop sa aktwal nilang
mga trabaho o tungkulin sa loob ng center?5. Paano ang buong proseso ng paglalaan o pamamahagi ng pondo o badyet para
sa iba’t ibang institusyon o departamentong na nakapaloob sa “ juvenile justicesystem” ng lokal na pamahalaan, kung saan kabilang na dito ang center?5.1 Mayroon bang sapat na pondo na nakukuha ang center mula sa lokal na
pamahalaan?5.2 Gaano kalaki ang kahalagahan o “prioritization” na ibinibigay ng lokal na
pamahalaan sa center?6. Paano tinatasa o ina-assess ng mga tagapamahala, ng mga kliyente, at ng
kanilang immediate families, ang pagiging epektibo ng center?7. Anu-ano ang mga problemang nakakasagupa ng mga tagapamahala ng central
office, center, at district welfare offices, kabilang na ang mga kliyente nito?8. Anong uri ng governance ang makikita sa buong “juvenile justice system” ng
lokal na pamahalaan ng Maynila?8.1 Paano maiuugnay ang uri o klase ng governance na nakapaloob sa buong
“juvenile justice system” ng lokal na pamahalaan sa pagiging epektibo ngcenter?
8.2 Anu-ano ang mga pagbabagong nararapat na isagawa sa sistemang itoupang mas mapagbuti ang pamamalakad sa center?
PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Ang “Kabataan” bilang tugatog ng Paglabag o Pagkakasala
Isinaad sa Artikulo 1 ng United Nations Convention on the Rights of Child na ang
isang “bata” ay isang tao na may gulang na mas mababa sa labing-walong taon (18).
Sa yugto ng adolescence, ayon kina Day, Howells, at Rickwood (2004), nagiging
pinakamalapit ang mga bata sa samu’t saring mga problema sa kaasalan. Dahil dito ay
iba’t ibang mga programa ang nilikha at iba’t ibang mga institusyon rin ang itinayo para
sa mga kabataan, upang harapin at lutusin ang mga nasabing problema. Ilan sa mga
pangunahing layunin o hangarin ng mga nilikhang mga programa at itinayong mga
institusyon ay iwasan o alisin ang mga suliranin at bawasan ang probabilidad na muling
5
maranasan ang mga ganitong problema o suliranin sa hinaharap (Bulgin, 2008;
Cheung, 2008).
Ang Vulnerability o Kahinaan ng mga Children in Conflict with the Law (CICL)
Sa Metro Manila, nananatiling malaking problem ang mga batang nagiging
kalaban ng batas o mga CICL ay karaniwang nanggagaling sa mahirap na sektor ng
lipunan, kung saan karamihan sa kanila ay lalaki na may edad na 14 hanggang 17
taong gulang, may mababang naabot na edukasyon, at may kasaysayan ng
pagaabuso, paggamit ng pinagbabawal na gamot at alkohol, atbp. Dahil marami sa mga
magulang sa Pilipinas ay hindi sapat ang kinikita, kadalasan ay napapabayaan na ang
edukasyon at medikal na pangangailangan ng mga anak nila. Ang sitwasyon sa pamilya
ng mga batang ito ay nagpapakita ng kasaysayan ng pagabuso, pagmamalupit, at
pagpapabaya kung kaya tila tinitingnan na nila ang kalsada bilang bagong nilang
tahanan kung saan sila ay napipilitang tumira at magtrabaho bilang car washers,
vendors, peddlers, at maging prostitutes. Dahil dito ay mas nagiging vulnerable sa mas
maraming mga pagaabuso at mga panganib. Ang isyu ng mga batang kalye o street
children, ay tila lumalagpas sa ating karaniwang pagtingin sa kanila bilang mga batang
gutom, mahirap, magulo, walang tahanan, at nakatira lang sa kalsada. Sa pagintindi sa
mga kalagayan ng mga batang ito at pagunawa na ito ay isang pampublikong isyu,
nararapat pa din nating tandaan na sila ay mga bata pa din, kung saan lahat sila ay
may karapatang mabigyan ng lahat ng mga oportunidad na makakatulong sa kanilang
paunlarin at pagbutihin ang kani-kanilang mga nakatagong lakas o abilidad at lumaki
bilang mga bihasa at matatag na mga indibidwal (Puzon, 2003).
Criminalisation, Stereotyping, at Dehumanisation ng mga Batang Kalye o CICL
Ang mga CICL o batang kalye ay hindi lamang nagsisilbi bilang nakakahiya at
malinaw na paalala ng kakulangan at kabiguan ng lipunan sa pagkakaloob at
pagpoprotekta sa mga pinaka-vulnerable o pinakamahihina nitong mga kabataan, kundi
tinitingnan din sila ng karamihan bilang krimal na nagbabanta o nagbababala sa
nasabing lipunan. Sa ganitong paraan, tila nagiging mas madali nalang para sa kanila
na hindi na makita ang mga ito, katakutan na lamang sila bilang mga mapanganib na
mga kriminal o tingnan sila bilang mas maliit o di masyadong mahalaga kaysa sa isang
6
tao. Ang ganitong pagtingin ay nagreresulta sa pagtingin sa kanila ng publiko mula sa
pagiging isang bata, patungo sa isang batang kalye, patungo sa isang kriminal, na
karapat-dapat na magtamo ng hindi mabuti o masamang pagtrato mula sa publiko
(Wernham, 2004).
Ang criminalisation at dehumanisation ay nagtatatag ng mga mapanganib na
pagbabanta sa mga vulnerable na kabataan kung saan kinakalagan nila ang mga tao,
lalo na ang mga autoridad, ng kanilang katungkulan na ibigay sa kanila ang kanilang
mga karapatang pantao. Ang criminalisation, stereotyping, at dehumanisation ay may
epekto sa mga kabataan ito sa panlahat at pansariling aspeto at binubuo ng
pinakamahalagang pumapailalim na mga salik na nakakapagimpluwensiya sa pagtrato
sa kanila sa criminal justice system, kung saan ang mga negatibong generalisation at
stereotyping ang nagpapalabo sa individuality ng mga batang babae at lalaki na
nakatira at nagtatrabaho sa kalsada. Sa ganitong paraan, ito ang nagdudulot ng hindi
angkop at malabis na pagtugon mula sa criminal justice system (Wernham, 2004).
Ang Kahirapan at ang Kawalan ng Katarungan
Bawat taon, libu-libong mga bata ang napupunta sa mga youth residential
treatment facilities o youth rehabilitation centers sa buong mundo, kung saan halos 70%
ng mga ibinibilanggo ay mga batang kalye o street children. Siya nga, hindi lahat ng
mga batang nakapaloob sa juvenile justice system ay talagang kalaban ng batas.
Karamihan sa kanila ay inaaresto lamang sa dahilang sila ay nasa kalsada, kung saan
mayroon na agad na hindi matuwid na paghihinala na sila ay gagawa ng pagkakasala o
paglabag o sa pamamagitan ng Anti-Vagrancy na mga batas na lipas na sa moda at
taliwas sa international human rights na batayan, kung saan ginagawang kasalanan
ang kahirapan. Ang mga lokal o kultural na konsepto ng pagkabata, bata, at
pagbibingata o pagdadalaga, at ang mga tradisyonal na pagtingin at pagpapalagay ng
matatanda sa mga bata ay may mahalagang papel o tungkulin sa pag-unlad at sa
buhay ng mga kabataan, kung saan maraming mga magulang sa Pilipinas ang may
pagtingin na utang ng mga anak nila ang mga buhay nila sa kanila. Dahil dito, ang mga
bata ay inaasang palakihin ang mismong kinikita ng pamilya nila. Maraming kaso ang
nagpapakita na habang ang mga batang ito ay gumagawa ng samu’t saring mga ilegal
7
at legal na gawain upang makaligtas sa kalupitan ng kalsada at upang palakihin ang
kinikita ng pamilya nila, ito ang nagbibigay daan upang sila ay tunay na o tingnan na
kalaban ng batas. Ang mga krimen na karaniwang ginagawa ng batang ito ay ang: (1)
pagnanakaw o panloloob, (2) paggahasa o rape, (3) pisikal na pananakit, pagpatay ng
tao, at omisidyo, (4) ilegal na pagaari ng pinagbabawal na gamot o paggamit ng mga
solvent, at (5) bagansiya o vagrancy (Puzon, 2003).
Sa ating lipunan, ang kahulugan ng criminality o kabalakyutan, ang kaanyuan ng
katarungan, at ang mga resulta o kalalabasan ng sistema ng katarungan o justice
system ay mas pinapanigan o pinapaboran ang mga may pribilehiyo at may mga
kapangyarihan sa lipunan kaysa sa mga mahihirap at disenfranchised na kasapi ng
lipunan. Nakapasaloob din sa juvenile justice system ang mga limitasyon na
karaniwang ipinagsasanggalang o pinapangalagaan ang mga makapangyarihang
kasapi ng lipunan buhat sa isa’t isa. Samantala, ipinapahayag naman ng uliran na
kalikasan ng mga kaparusahan ang kanilang mga katungkulan sa pagpapatunay sa
universality at inviolability ng isang justice system, kung saan sa pagpapatupad nito ay
pinipreserba o pinapanatili nito ang hindi pantay na pamamahagi ng kayamanan at
kapangyarihan sa lipunan. Sa ibang salita, ang inihahatid na katarungan ng
kasalukuyang justice system ay ang ipinagpapalagay na katarungan para sa mga
makapangyarihan at mayayaman, habang ang injustice o kawalan ng katarungan ay
para naman sa mga mahihirap, mahihina, at walang kapangyarihan. Tunay nga na ang
umiiral na judicial framework ay isinasagawa sa pamamagitan ng elite mentality ng
panlipunang pamamahala o social control (Gelderloos, 2010).
Ang Kawalan ng Katarungan sa mga “Juvenile Justice Systems”
Isinasaad sa Artikulo 3.1 ng United Nations Convention on the Rights of the
Child (UNCRC), “In the courts of law, the best interests of the child shall be a primary
consideration in all actions concerning children” (Puzon, 2003, p. 28).
Siya nga, ang pagtingin ng lipunan sa mga batang kalye ay pawang mga
tagalabas o outsiders, na kadalasan ay mayroon lamang panlabas na pagkakataon
upang makaligtas at umunlad patungo sa kanilang pinakabuong natatagong lakas o
kapasidad. Ngunit dahil sa kanilang hindi kapani-paniwalang resiliency, lakas ng loob,
8
at imahinasyon sa gitna ng mahirap nilang sitwasyon o kalagayan, ay tila sama-sama
nilang napipihit ang panlabas na pagkakataong iyon upang maging mga pangunahing
mga karapatang pantao na meron sila (Wernham, 2004).
Sa maraming bansa sa buong mundo, ang mga batang naninirahan at
nagtatrabaho sa mga kalsada ay nagdurusa mula sa samu’t saring mga pagdadahas ng
mga karapatang pantao sa ilalim ng mga tinatawag na mga “justice system”. Tunay
ngang iba’t iba ang mga kwento ng batang pumapailalim sa ganitong sistema ngunit tila
iisa lamang ang tema ng mga kwento nila, at ito ay ang kawalan ng hustisya o injustice.
Siya nga, kailangan ng matinding pagtutulungan upang agad na maibalik ang
katarungan o hustisiya sa tinatawag na justice system (Wernham, 2004).
Youth Residential Treatment Facilities o Youth Rehabilitation Centers
Ang mga center, na maaaring panggabi, drop-in, at pansamantalang kanlungan
o tahanan, ay naghahandog o nagaalay sa mga bata ng pagkain, tirahan, impormal na
edukasyon sa pamamagitan ng mga tutorial, counseling, at value education (Puzon,
2003). Naglalayon ang mga institusyon na ito na, hindi lamang tulungan ang mga
kabataan sa kanilang mga problema, pigilan ang pagbalik nila sa paggawa ng krimen,
at paramihin ang mga oportunidad para sa kanila, kundi protektahan rin ang publiko at
siguraduhin ang kanilang kaligtasan buhat sa samu’t saring mga banta o peligro mula
sa CICL (Henggeler & Schoenwald, 2011).
Naglalaan din ang mga institusyong ito ng iba’t ibang mga programa at mga
serbisyo na maaring makatulong sa mga kabataan sa pagbuo ng mga wastong pag-
uugali at pagkilos, na katanggap-tanggap sa lipunan. Sa pamamagitan din ng mga
programa at mga serbisyong ito ay naihahanda ang mga kabataan sa kanilang muling
pagbalik sa indibidwal nilang mga komunidad bilang mabuti, matuwid, at
kapakipakinabang na mga mamamaya. Siya nga, ang ganitong mga institusyon ay hindi
lamang dapat nagsisilbi bilang isang “destinasyon”, kundi bilang isang “pamamagitan” o
intervention na makakapagbigay sa mga kabataan ng pagkakataon na magkaroon ng
maayos at kapakipakinabang na pamumuhay pagkatapos nilang makalabas sa juvenile
justice system at muling makabalik sa lipunan (Cheung, 2008; Darbouze, 2008).
9
Inilahad sa Bulatlat (2005), na mayroong lamang apat na youth homes o
rehabiliation centers dito sa Pilipinas, tulad ng Molave Youth Home sa Quezon City, ang
Manila Youth Reception Center (MYRC), ang Pasay City Youth Home (PCYH), at ang
Regional Rehabilitation Center for the Youth sa Cebu City. Naglalayon ang mga
institusyong ito na mapaglingkuran ang mga CICL at mapaglaanan ang mga
pangunahin nilang pangangailangan, gaya ng isang “home-like” na kapaligiran na
makapagbibigay sa kanila ng mga kinakailangan nilang pagmamahal, pagkalinga, at
pagpapayo upang gamutin ang kanilang behavioral problems o mga problema nila sa
pag-uugali o pagkilos, nang sa huli ay maihanda sila kanilang muling pagbalik sa
lipunan bulang mabuti, matuwid, at kapakipakinabang na mga indibidwal o
mamamayan.
Ang Kahalagahan ng Mabisa o Epektibong Pamamagitan o Intervention
Ang pamamagitan o intervention o pamamagitan na ito ay mahalagang bahagi
ng juvenile justice system o sistema na nakikitungo sa mga CICL, kung saan isang
mabisa o epektibong pamamagitan o intervention ang kinakailangan upang pababain
ang mga pangyayari tulad ng juvenile delinquency o ang pagkakasala o paglabag sa
batas ng isang bata o menor de edad. Totoo ngang kailangan rin ng mga batang ito ang
isang epektibong pamamagitan o intervention pagkatapos ang pagpapalaya sa kanila
sa juvenile justice system, upang mapigilan ang mga kapus-palad na pangyayari na
tinatawag na residibismo o recidivism, kung saan ito ay ang muling pagbalik sa
pagkakasala o paglabag sa batas ng mga bata. Sa katunayan, sinasabing mas mataas
ang probabilidad na bumalik muli sa pagkakasala o mag-recidivate ang mga batang ito
kung hindi magkakaroon ng isang epektibong pamamagitan para sa kanila. Di
maitatanggi na ang kauna-unahang salik sa likod ng tagumpay ng mga bata sa loob ng
center ay ang kanilang kondisyong pangasal bago pa man sila sumailalim sa paggamot.
Siya nga, matitiyak lamang ang tagumpay ng buong sistema kung lahat ng mga taong
kabilang sa buong rehabilitation process o proseso ng pagbabagong-buhay para sa
mga bata, ay masugid na makikipagtulungan at maayos na gagampanan ang partikular
nilang mga papel at tungkulin (Darbouze, 2008; Lipsey, Wilson, & Cothern, 2000;
Loeber & Farrington, 1998).
10
Ang mga Pangunahing Salik ng isang Epektibong Paggamot
Alunsunod kina Day, Howells, at Rickwood (2004), “ang antas ng pagkamabisa
ay sinasabing mas mataas sa mga programang may pinakamahusay na kalidad, kung
saan ito ay mayroong matibay na theoretical basis, gumagamit ng isang structured na
pamamaraan na nakapokus sa mga pagkilos at pagiisip ng mga CICL, at ibinibigay o
inihahatid ng mga bihasa o dalubhasang mga kawani o skilled staff” (p. 2).
Upang matasa o ma-evaluate kung nagiging epektibo nga ba ang mga
programang ito para sa kabataan, nararapat na magkaroon ng paghahalintulad sa
pagitan ng epektibo at hindi epetibong mga programa at mga serbisyo. Una, sinasabi
na epektibo ang isang programa kapag bibigyang pokus nito ang pangunahing mga risk
factor tulad ng pamilya, paaralan, mga kaibigan, at kapaligiran, sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng tungkulin ng pamilya, pagbawas ng pag-anib sa mga deviant o di
karaniwan na mga kaibigan. Pangalawa, nararapat siguraduhin na mayroon itong
katangian na rehabilitative, kung saan ang pamamagitan o treatment na ginagamit ay
makikita sa “home-like” at “child-friendly” kapaligiran ng bata. Pangatlo, nakapagbibigay
dapat ito ng tiyak o partikular na mga programa at serbisyo kung saan ang lahat ng mga
stakeholder o mga benepisyaryo ay kailangang sumunod at makipagtulungan
(Henggeler & Schoenwald, 2011).
Gayon pa man, ang mga kabataan ay patuloy pa din nakakasagupa ng iba’t
ibang mga problema at suliranin pagkatapos ng pagpapalaya sa kanila mula sa
institusyon. Ilan sa mga problemang ito ang pagkakaroon ng trabaho, pagaayos ng
relasyon sa loob ng pamilya, paghahanap ng suportang pinansiyal, at pagkakaroon ng
tirahan o bahay. Mahalagang isaalang-alang ang mga salik na ito sa pagbalangkas ng
uri o klase ng paggamot o treatment na magiging pinaka-anggkop at pinaka-epektibo
para sa mga CICL. Isa pa, maari ding makita ang pagiging epektibo ng programa o
institusyon sa pamamagitan ng pag-tingin sa recidivism rate, at kung ang mga
nakalabas na bata ba ay muling bumalik sa pagkakasala o paglabag sa batas at kung
parehas lang ba ang uri ng krimen na ginampanan nila (Altschuler, 2008; Cheung,
2008).
11
Sa katunayan, ang tagumpay o pagiging epektibo ng isang treatment program o
programang paggamot ay nakadepende sa digri o antas kung saan naisasagawa ng
mga institusyon ang kanilang mga naitatag na mga layunin. Importante ding kunin at
ipagsaalang-alang ang mga pagtatasa o assessment ng mga pangunahing mga
stakeholder o benepisyaryo ng institusyon, tulad ng mga CICL at maging ng publiko
mismo (Cheung, 2008).
“One Size Does not Fit All”
Ang pagiging epektibo ng kahit anong institusyong paggamot ay nakasalalay sa
pagtanto na “one size does not fit all” o na ang isang sukat ay hindi akma para sa lahat
sapagkat bawat isang bata ay naiiba sa uri ng paggamot na kailangan nila. Tunay nga,
sinisigurado ng isang mabisa o epektibong sistema na ang bawat bata ay
nakakatanggap ng tiyak at partikular na atensiyon at serbisyo na kailangan niya, kung
saan ang paraan na ginagamit sa pakikitungo sa kanila ay direktang
mapangangasiwaan ang kanilang mga indibidwal na pangailangan at hinihingi o
demands, kung saan depende ito sa antas ng krimen na kanyang ginawa. Siya nga,
dapat gumawa ng mga partikular na programang paggamot para sa bawat isa sa mga
CICL, upang tulungan silang baguhin ang masamang pagkilos at itaguyod ang
kaayusan ng kanilang pag-iisip. Sa katunayan, mayroong mahalagang pagbawas sa
recidivism rate o pagbabalik sa pagkakasala para sa mga higher-risk na mga bata na
sumailalim sa angkop na paggamot (Center on Early Adolescent, 2008; Altschuler,
2008; Cheung, 2008; Darbouze, 2008).
Ang mga “Higher-Risk” at “Lower-Risk” na mga Kabataan
Mahalagang isinasaalang-alang ng sistema ang antas ng peligro o level of risk
ng bawat bata, kung saan ang mga higher-risk ay maingat na inihihiwalay sa mga
lower-risk. Sa paghihiwalay na ito, maiiwasan ang tinatawag na “grouping” o pagbubuo
ng mga grupo sa loob (Center on Early Adolescent, 2008).
Maraming pagsasaliksik rin ang nagpapakita na ang pagsasama-sama ng mga
CICL na mayroong iba’t-ibang antas ng peligro o levels of risk sa loob ng institusyon ay
nakapagtataas ng probabilidad na makakakuha at ma-impluwensiyahan ang isang bata
12
ng mga negatibong pag-uugali o pag-kilos mula sa ibang mga bata at maging katulad
nila ang ibang mga higher-risk na kabataan. Bukod doon, sinasabi sa ilang mga pag-
aaral na ang mas epektibong pakikitungo sa lower-risk na mga bata at first-time
offenders ay ang mas kaunting pagkadikit o contact sa sistema. Sa katunayan, ang mga
batang na hindi naman talaga marahas nung umpisa ay kadalasang lumalala kapag
dinala sa mga ganitong institusyon, kung saan tumataas ang kanilang recidivism
tendencies. Sa katunayan, ang pagkakulong sa institusyon ay nararapat na nakatakda
lamang para sa mga higher-risk na mga bata sapagkat sila ang nagtatakda ng mas
malaking peligro o panganib sa lipunan (Altschuler, 2008; Center on Early Adolescent,
2008; Lipsey, Wilson, & Cothern, 2000).
Ang mga Kawani o Tagapamahala ng “Juvenile Justice System”
Samantala, ang mga matandang o mga taong nagsisilbi naman bilang mga
tagapangasiwa sa mga CICL ay hindi lamang dapat dalubhasa o skilled, kundi optimista
at maunawain sa pangangasiwa ng mga kaso ng mga batang ito. Bukod dito,
importante din na lubusan nilang mabatid ang kanilang mga pangunahing
responsibilidad tulad ng paggamit ng sapat na dami ng parusa at saway, at mga
karapatan at pribilehiyo na maaaring makapagpapalakas ng loob ng mga kabataan
upang sila’y magbago para sa ikabubuti, habang sila ay nabibigyan ng kaligtasan o
security at pagkakataon na muling maibalik sa lipunan (Center on Early Adolescent,
2008; Cheung, 2008).
Nararapat ding magkaroon ng isang “positibong relasyon” sa pagitan ng bata at
ng matanda na nangangasiwa sa kanila, kung saan mahalagang magkaroon ng isang
mabuti at mapagtiwalang relasyon sa kanila habang nasa loob ng institusyon.
Nararapat ding siguraduhin na mayroong angkop na antas ng ugnayan ang bata sa
bihasang kawani, kaysa sa ibang mga bata na pumapailalim din sa sistema at
nakakaranas din ng parehas na mga problema at suliranin. Sa pamamagitan nito ay
mas nadaragdagan ang kamalayan ng mga kawani ukol sa mga problema at mga
suliraning kinakaharap ng mga bata sa loob ng institusyon. Sa ganitong paraan ay mas
maibibigay na nila karampatan at naaangkop na tulong para sa mga bata at mas
lumilitaw at nagiging hayag na rin sa kanila ang iba’t ibang mga kahinaan at kakulangan
13
na napapaloob sa institusyon. Dahil dito ay mas napapaunlad ang disenyo at
pagsasagawa ng mga programa at serbisyo na inilalaan ng institusyon at ito ay mas
nagiging epektibo (Center on Early Adolescent, 2008; Cheung, 2008).
Ang Pagtakas o Paglayas ng mga CICL mula sa Manila Youth Reception Center
Noong 2002, nagkaroon ng isang sawing-palad na pangyayari kung saan
tatlumpung (30) mga CICL ang nakatakas mula sa center, kung saan ito ay
pinangunahan at pinagplanuhan ng isang menor na mayroong kasong murder at
frustrated murder. Ilan sa mga sinasabing salik sa likod ng pangyayaring ito ay ang
kapabayaan ng mga opisyal at mga kawani ng center at ang nakapanlulumong
kalagayan sa loob ng institusyon, kung saan ito ay dumaranas ng pagsisiksikan o
overcrowding at kakulangan sa maayos na pasilidad (Felipe, 2002). Sa katotoohanan,
ang mga paglabag na may kaugnayan sa pagtakas o paglayas mula sa institusyon ay
maaring magpahiwatig ng kakulangan o pagkabigo ng institusyon at ng komunidad
(Altschuler, 2008).
Ang mga Pagdadahas at Pagaabuso sa mga CICL
Sa loob o sa labas man ng juvenile justice system, ay maraming pagdadahas
ang ginagawa laban sa mga CICL, kung saan marami sa kanila ang nakaranas ng
pagaabuso, pansasamantala, at pagdadahas sa kanilang tahanan na nagiging dahilan
kung bakit sila umaalis at naninirahan na lamang sa kalsada.Sa panahon naman na
unang silang mapasailalim sa batas, ay pinapahirapan at pinapasakitan ng mga walang
pakiramdam na tagapagtupad ng batas at maging ang mga peacekeepers ng
komunidad. Bagaman mayroon namang ilang mga pagbuti at pag-unlad, ang
kalahatang pagtrato sa mga CICL sa kamay ng mga mambabatas at sa kondisyon ng
mga kulungan ay dehumanizing at salungat sa mga karapatan at pinakamabuting
interes ng mga bata (Puzon, 2003).
Disempowerment ng mga Pangunahing Stakeholders sa “Criminal Justice
System”
14
Ang problema sa status quo o ang kasalukuyang lagay ay ang pag-disempower
nito sa mga pangunahing stakeholders ng criminal justice system tulad ng biktima o ng
maysala at ang kanilang mga pamilya, mga malalapit na kaibigan, mga kauri o peers,
at mga katrabaho o colleagues, na siyang nagbibigay sa kanila ng suporta at
pagkalinga. Sila ay tinaguriang “primary stakeholders” sapagkat sila ang may
pinakamalaking mapapakinabangan o mawawala ayon sa pamamagitan ng criminal
justice at ang magiging resulta o kalalabasan nito. Siya nga, isa sa mga paraan tungo
sa kanilang empowerment ay sa pamamagitan ng pagmi-miting, pakikipagusap, at
paglulutas sa mga bagay na may kinalaman sa criminal justice, kung saan ang mga
pangunahing stakeholders ay mae-empower na magkaroon ng kanilang pahayag o
pasiya sa kung ano ang tingin nilang tama o mali, makatarungan o di makatarungan, at
maipahayag ang tunay nilang nararamdaman tulad ng hurt, disappointment o
pagkabigo, at galit sa mga pamamaraan na katanggap-tanggap sa lipunan. Tunay
ngang hangga’t hindi pa nangyayari ang mga nabanggit sa taas, ay hindi pa din
mararamdaman ng mga pangunahing stakeholders na sila ay napakinggan, o sila at
ang kanilang mga pakiramdam at mga pananaw ay mahalaga din sa proseso ng
paggawa ng desisiyon o pagpapasya. Isa pa, hangga’t hindi masugid na kabilang ang
mga mahahalagang mga stakeholders sa pagbalangkas ng mga kasunduan at
kapasiyahan ay mas maliit ang pagkakataon na igagalang nila ang mga ito at mas maliit
ang pagkakataon na mabibigyan sila ng kasiyahan nito. Siya nga, tila mas may alam
ang mga pangunahing stakeholders ang mga mas mainam na mga detalye ng mga
pangyayari at mga pangangailangan ng maysala at ng biktima, kung kaya’t mas makini-
kinita nila ang pagkabisa o pagiging epektibo ng ipinalagay na kapasiyahan sa pagtamo
sa mga layunin nito at kung itatakda nito ang mga kasali sa karagdagang pagkabigo at
pagkabagsak (Barton, 1999).
Sinasabi na ang pangunahing katungkulan ng criminal justice na pamamagitan
ay ang pagtaguyod ng kapayapaan at panlipunang pagkakaisa sa pamamagitan ng
pagtiyak na may katarungan para sa mga panig na kasali, kung saan mayroon itong
itinakdang misyon o tungkulin na ipagtanggol ang mga inosente at parusahan ang mga
maysala. Dahil ang criminal justice system ay kinakatawan ng tradisyunal na proseso
ng korte, ay malabo na magiging empowering ito para sa mga pangunahing
15
stakeholders. Sa katunayan, ang kasalukuyang mga criminal justice systems ay mina-
marginalise at dini-disempower ang mismong mga tao na may pinakamalaking
ipinagsasapalaran o stakes sa partikular na juvenile justice na pamamagitan. Isa pa,
ang mga biktima at ang mga inakusahan ay pinanghihinaan ng loob at pinagkakaitan ng
mga tunay na mga oportunidad upang magkaroon ng mas masugid na papel o
tungkulin sa legal na sistema at kapasiyahan ng kanilang mga kaso. Dahil dito ay tila
nagiging pawang mga bystanders o manonood na lamang sila ng sarili nilang mga kaso
na sarili din nilang mga laban (Barton, 1999).
Kakulangang ng “Monitoring” at ang mga Serbisyo at Programang “Aftercare”
Ayon kina Lipsey, Wilson, at Cothern (2000), mahalaga na masigurado na ang
bawat bata ay nakakatanggap ng mga iminungkahing paggamot sa pamamagitan ng
monitoring. Pagkatapos makalabas sa institusyon, ang mga bata ay nararapat na
sumailalim sa monitoring at aftercare services sa loob ng anim (6) na buwan. Habang
maraming pagsasaliksik ang sumusuporta sa pagiging epektibo o pagkamabisa ng mga
institusyong ito, tila kakaunti lamang ang mga pag-aaral na nagpapakita na mayroon
talagang inilalaan na mga aftercare services at monitoring practices sa mga nasabing
institusyon. Tunay ngang kailangan ng matinding pagmo-monitor sa mga batang
nakalaya na sa institusyon upang mabigyan ng pang-matagalan o long-term na
paggamot ang mga CICL, kung kaya’t dapat talagang mas ayusin at mas paunlarin ang
mga pamamaraan sa pagmo-monitor at pag-uulat ng mga tunay ibinibigay na mga
serbisyo at ang kalidad nito (Center on Early Adolescent, 2008).
Kakulangan sa “Accountability” o Pananagutan ng “Juvenile Justice System”
Isa sa mga tinuturong dahilan sa likod ng mabagal pagkasulong ay ang lack of
accountability o pananagutan ng juvenile justice system, kung saan madalang na
sineseryoso ng mga autoridad ang paghadlang at pamamagitan sa masamang
kaasalan o delinquency, upang masukat ang resulta ng pagsisikap o pagpupunyagi
nito. Sa halip, tila tinatasa nito ang mga ahensya sa batayan na kung gaano
natutugunan ang mga pamantayan sa pagalinga sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang
mga tungkulin, at paghadlang sa mga pagtakas o mga pangyayari na kinakailangan ng
16
mga pagsaway o pagpigil. Kung wala ang mga gayong datos tulad ng mga muling
pagkabilanggo o pagkadakip o re-arrests o highschool graduation rates, mas kaunti
panggigipit o puwersa sa mga opisyal ng ahensiya upang mapagbuti pa ang kanilang
paggawa o performance (Greenwood, 2008).
Totoo ngang mahalaga na tiyakin na ang accountabillity o pananagutan ay
tinuturing bilang sentral o pangunahing salik sa korte, partikular na sa pagproseso ng
mga kaso, paggawa ng desisyon, pagpaplano ng programa, at pagbibigay o pagaalay
ng serbisyo. Nararapat na siguraduhin ng juvenile court o korte para sa mga kabataan
na lahat ng mga proseso at paggawa ng desisyon ay isinagawa sa makatarungan at
walang pinapanigan o kinikilingan na pamamaraan, kung saan lahat ng mga desisyon
ay binabalanse ang best interest o pinakamabuting interes ng bata, kasama ng mga
best interest din ng biktima at ng komunidad, at lahat ng mga constitutional rights o mga
karapatan na nakasaad sa konstitusyon ng lahat ng panig ay itinataas o ipinagtatanggol
(Kurlychek, Torbet, & Bozynski, 1999).
Ang mga serbisyo na ibinibigay o inaalay ng juvenile justice system ay
ipinagpapalagay na nagpopokus sa kabataan at sa pagsulong ng rehabilitation plans o
mga plano o hangaring pagbabagong-buhay, upang tulungan ang mga batang maysala
na maging kapaki-pakinabang, matuwid o law-abiding na kasapi ng lipunan. Subalit, sa
pagpapanatili sa mahigpit na pagpopokus sa rehabilitation o pagbabagong-buhay, ang
sistema ay pinupuna o binabatikos ang kapabayaan nito sa pagatang o pagpataw ng
accountability o pananagutan para sa mga gawain o pagkilos na ginampanan o ginawa
na. Kadalasan, ang sistema ay inaakusahan na naglalaan o nagkakaloob lamang ng
“slap on the wrist” o mababaw at panlabas na kaparusahan para sa mga batang
nagkasala imbes na tunay na mangasiwa ng katarungan. Isa sa mga sinasabing
dahilan sa likod ng mga ganitong kaganapan na nagpapakita ng leniency o kaluwagan
ng sistema ay ang napakaraming caseloads o mga kasong hinahawakan ng mga
kawani sa loob ng sistema, kung saan ito ang nagiging hadlang sa kanila para maglaan
o magkaloob ng mga serbisyo na hindi mababaw at mas mapadalas ang pakikipagkita
sa mga bata at sila ay mas matutukan (Kurlychek, Torbet, & Bozynski, 1999).
17
Isa pang hamon na kinakaharap nila ay ang kakulangan sa pondo. Tila
kinakailangan ng ahensiya na umupa ng mga bagong kawani na makakatugon sa mas
mataas na pamantayan ng mga kredensiyal bago makapagsimula, nang walang rentas
o revenue na makapagbabayad sa mga kostas o costs. Ang estado at ang mga lokal na
ahensiya ay nahihirapan pa ding makahanap ng ganoong klaseng pondo kahit sa
mabuting pangkabuhayang mga panahon. Ngayon, ito ay mahirap na talaga. Kahit
pagkatapos magsimulang iharap sa programa, tila kakailanganin pa din ng ilang oras
para ang pagsulong o progreso ng mga kaso ay lubos na mahawakan ng lahat ng mga
kawani na namamahala sa programa (Greenwood, 2008).
Kakulangan sa Pagsasagawa ng mga Batas at Koordinasyon ng mga Ahensiya
Sa Pilipinas, iba’t ibang mga batas para protektahan at itaguyod ang mga
karapatan at kapakanan ng mga bata at mga batayan at mga manwal sa pamamahala
ng CICL ang iprinoklama. Subalit, tila mayroong problema ng kakulangan sa inter-
agency coordination at ang hindi pagsasagawa o pagsasakatuparan sa ilang mga purok
tungkol sa mga batas ng pangangasiwa at pagtrato ng mga bata na kadalasang paulit-
ulit na inaabuso sa legal na proseso. Ang karaniwang karanasan ng mga bata habang
nasa ilalim ng sistema ay nagpapahayag ng maselang mga puwang o butas sa
pagsasagawa o pagsasakatuparan ng karamihan sa mga batas o kautusan. Sa kabila
ng nasyonal na mga batas at mga programa upang pagtibayan ang mga kasalukuyang
pandaigdig na pamantayan sa kaligtasan, proteksyon, mga karapatan sa pag-unlad at
pagkakasali, at ang pagtrato sa mga kabataan, tila nagpapatuloy pa rin ang
pagkakataon ng pagaabuso at pagpapabaya (Puzon, 2003).Samu’t saring mga kinatawan at ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department
of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Justice (DOJ), at ang
Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng mga pagtugon at mga programa
upang pakitunguhan at magpokus sa kapakanan at kabutihan ng mga CICL. Bagaman
mayroon ding mga non-government at pribadong mga organisasyon na nagsimula at
nangasiwa ng mga pagtugon at mga programa upang pakitunguhan ang nasabing isyu,
tila marami sa serbisyong ipinagkakaloob ng mga NGOs sa bansa ay short-term
lamang kung saan nagpopokus ang mga ito sa pagkakaloob ng pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, damit, kalusugan, at edukasyon (Puzon, 2003).
18
Ang sinasabing dahilan sa likod ng kakulangan sa pampulitikal na kagustuhan at
pagkilos ng mga mambabatas ang kakulangan sa mga badyet para sa mga institusyon
ng pamahalaan. Ang limitadong badyet na ito ang siya ding nagdudulot ng kakulangan
ng isang komprehensibong programang pang-pagbabagong buhay o rehabilitation
program at mga problema sa implementasyon na siyang pinagmumulan ng maraming
problema na nakakatagpo at nakakasagupa ng mga kabataan na napasailalim sa
sistemang panghustisya o justice system (Puzon, 2003).
Ang Pangangailangan ng Isang “Holistic Approach”
Mahalagang magkaroon ng pagbabago sa juvenile justice system subalit dapat
maging maingat sa pagsasagawa sa pagbabagong ito sapagkat ang pagbabago o
pagpapabuti sa ilang mga parte o bahagi ng sistema nang hindi sinusuri o kinikilatis ang
kabuuan ay maaari lamang magpalala sa sitwasyon. Maaari rin itong tawagin na
“baloon effect” ng pagbabago sa juvenile justice, kung saan ang paghawak sa isang
parte o bahagi ng problema ay nagdudulot lamang ng pagumbok o pagtumbok nito sa
ibang lugar. Kailangan gumawa ng mga mahirap na desisyon sa ibig sabihin nito
alinsunod sa gamit, kung saan may kakulangan sa mapagkukunan, nagkakatalo-talong
mga interes, kakulangan sa pampulitikal na kagustuhan, at ang negatibong
impluwensya ng media (Wernham, 2004).
BALANGKAS NG PAGAANALISA
Sa pagsusuri o pagsisiyasat sa pag-aaral na ito ay gagamit ang tagapagsaliksik
ng “Systems Theory” ni David Easton. Ayon sa kanya, ang isang sistema ay isang
“organized o complex whole, isang pulutong o pangkat ng mga nagtutulungang bahagi
o parte na bumubuo sa isang collective entity” (Easton, 2007, p. 20). Totoo ngang higit
pa ito sa suma ng mga bahagi o parte nito sapagkat ito ay relasyon o pagkakaugnay ng
mga parte o bahagi nito, kung saan bawat isang parte o bahagi ay mayroong partikular
na ambag o tulong, na maaring may postibo o negatibong epekto, sa patuloy na
pagtakbo ng buong sistema. Ang mga negatibong ambag sa sistema ay tinatawag na
dysfunctional. Sumakatuwid, ang pokus ng sistemang ito ay sa mga tungkulin, mga
19
ambag, at mga epekto ng mga elemento o parte sa kabuuan nito. Bukod dito, halos
lahat ng mga sistema ay may epekto sa iba pang mga sistema (Abrahamson, 1978).
Ang political system naman na tinatawag ding regime, ay “isang network kung
saan ang pamahalaan o gobyerno ay lumilikha ng mga output bilang pagtugon sa mga
input mula sa publiko” (Heywood, 2007, p. 26). Ang input ay kinukumpuni ng mga
pangangailangan o demands at mga suporta mula sa publiko, habang ang output
naman ay kinukumpuni ng mga desisyon at mga pagkilos ng pamahalaan, tulad ng
pagsasagawa o pagpasiya ng mga batas, pagpataw ng mga buwis o taxes, at ang
pagbahagi ng pampublikong pondo o public funds. Ang mga output na ito ang siyang
naglilikha naman ng feedback na mas lalo pang huhubog sa mga input at mga output
Siya nga, hindi lamang kabilang sa sistemang ito ang mga mekanismo ng pamahalaan
o gobyerno, kundi pati na rin ang structures at mga proseso kung saan ang mga ito ay
nakikipag-interact o nakikipagtulungan sa mas malaking lipunan. Itinuturing rin ang
sistemang ito bilang isang subsystem ng isang mas malaking social system o
panlipunang sistema, kung saan may mga interrelationship na nakapaloob sa isang
komplikadong kabuoan na may kaugnayan sa pamamahagi ng kapangyarihan,
kayamanan, at mapagkukunan, sa lipunan (Heywood, 2007).
Sumakatuwid, sinusubukang ipaliwanag ng teoryang ito ang komplikadong mga
relasyon sa pagitan ng pampulitikal na sistema at iba pang mga sistema. Ang buong
sistema o prosesong ito ay tinitingnan din bilang dynamic, innovative at interactive,
kung saan ang bawat bahagi nito ay may iba’t ibang impact sa sistema o proseso sa
kabuoan (Turner, 1997b). Bukod doon, ang pangpolitikang proseso ay dumadako
patungo sa isang pangmatagalan o long-term equilibrium o stability, kung saan
nakadepende ang survival nito sa pagtutugma ng mga output sa mga input nito.
Tintingnan din ng teoryang ito ang kaugnayan sa pagitan ng mga input at ng mga
output, kung saan ang pampolitikang proseso ay itinuturing na self-regulating
machinery na tumutugon sa mga input sa pamamagitan ng mga ouput (Heywood,
2007).
Subalit, bago ko lubusang maipaliwanag kung paano ko ginamit ang ang
teoryang ito sa aking pag-aaral o pagsasaliksik ay ipapaliwanag ko muna kung paano
ko ginagamit o binibigyang kahulugan ang terminong “effectiveness” o pagkamabisa sa
20
aking pag-aaral. Ang effectiveness o pagkamabisa ay isang pangmatagalan o long-
term na pamamaraan para sa pagtamo ng ‘end goal’ o pangwakas na layunin nito, at
magtagumpay sa huli. Ito ay isang dynamic na proseso sapagkat naniniwala ito sa mga
mutable variable at inuudyok nito ang pagbabago, kung saan hinihingi nito na mag-isip
ang mga tao ng iba’t ibang mga pamamaraan para sa pagkamit ng ninanais o
hinahangad na layunin o desired goal. Sa huli, tinitiyak nito kung ang actual output o
tunay na nagagawa at ang desired output o gustong nagagawa ay nagtatagpo o
nagkakasalubong (Difference between efficiency and effectiveness, 2011).
Ang “youth rehabilitation center” naman ay isang lugar kung saan naglalaan ng
isang partikular na “state of care” o “treatment of choice” para sa mga kabataan na
mayroong iba’t ibang karamdaman o problemang emosyonal o behavioral. Hindi
lamang dapat ito nakapagbibigay ng isang maayos at ligtas na kapaligiran para sa mga
kliyente nito, datapuwat ito rin ay naghahandog ng samu’t-saring mga structured na
programa at mga serbisyo upang mapaglingkuran ang mga partikular na
pangangailangan ng mga kabataan, kung saan importante na sumailalim ang mga
batang delingkwente sa mga ito. Siya nga, nararapat lamang na isama ng center ang
iba’t ibang mga pangmatagalan o long-term na mga layunin sa program design o
disenyo ng programa nito, tulad ng pagsanggalang sa publiko at pagbaba sa bilang ng
mga krimen (Cheung, 2008).
Inilahad sa Seksiyon 53 ng Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and
Welfare Act of 2006, ang mga tungkulin ng isang “youth rehabilitation center”:
Ang youth rehabilitation center ay magkakaloob ng 24-oras na grupongpagkalinga, paggamot, at pagbabagong-ayos o rehabilitation na mga serbisiyosa ilalim ng pamamatnubay ng isang bihasang kawani kung saan ang mgananinirahan ay inaalagaan sa ilalim ng isang structured therapeutic environmentna may huling layunin na muling ibalik sila sa kanilang mga pamilya at mgakomunidad bilang bilang socially-functioning na mga indibidwal. (p. 31-32)
Isa sa mga importanteng konseptong ginamit sa taas ay ang “socially-
functioning”, kung saan ito ang ginamit bilang paglalarawan sa mga indibidwal o mga
kabataan bilang mabuti, matuwid, at kapakipakinabang pagkatapos nilang sumailalim
sa programa ng institusyon o center. Ipinaliwanag ng Medical-Dictionary Online, ang
“social functioning” bilang “kakayahan ng isang indibidwal na makipag-interact sa
21
lipunan sa isang normal at karaniwang paraan.” Sumakatuwid, ito ang tinakdang
magiging resulta o mabubuo na pag-uugali ng mga bata sa kanilang pagkalabas at
muling pagbalik sa kani-kanya nilang mga komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay magpopokus sa isyu ng “governance”, kung saan ang
pagiging epektibo o effectiveness ng center ay maaaring masukat o malaman sa
pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa uri ng governance o pamamamahala na
nakapaloob mismo sa center, kung saan tinitingnan ito bilang isa lamang bahagi or
parte ng buong pampulitikal na sistema ng lokal na pamahalaan ng Maynila na
bumubuo sa juvenile justice system ng lunsod (Figure 1). Ang sistemang ito ay
pinangungunahan ng Central Office sa pinakataas, kung saan ito ay kinapapalooban ng
Opisina ng Alkalde o Office of the Mayor at ng Department of Social Welfare (DSW),
pababa sa Manila Youth Reception Center (MYRC) at patungo sa anim (6) na District
Welfare Offices (DWOs) ng Maynila.
Figure 1. Organizational Structure ng “Juvenile Justice System” sa Lunsod ng Maynila
Alinsunod sa kahulungan ni Heywood (2007), ang governance ay tumutukoy sa
“samu’t saring mga pamamaraan, kung saan ang social life o panlipunang pamumuhay
ay pagtutugmain” (p. 6). Sumakatuwid, ang pamahalaan o gobyerno ay maaaring
tingnan bilang isa sa mga institusyon na kabilang o nakapaloob sa governance. Ang
22
prinsipal na mode o kaparaanan ng governance ay kinabibilangan ng merkado, mga
herarkiya, at network. Bukod dito, ang governance ay maaring mahati sa dalawang
kategoriya: good governance at bad governance.
Siya nga, maaaring maaninag ang uri ng governance na nakapaloob sa center
sa uri ng governance na mayroon ang sistema sa kabuoan, kung kaya upang malaman
ang uri ng pamamahala na nakapaloob sa center, mahalaga munang alamin kung
anong klase ng governance o pamamahala ang namamalagi sa buong sistema na
kinapapalooban nito. Sa ganitong paraan, ay maaari nang mahinuha kung “good” o
“bad” na governance nga ba nito.
Mayroong itinakdang apat (4) na mga indicator ng good governance ang
tagapagsaliksik sa center: (1) clear policy guidelines o malinaw na gabay sa
pamamalakad, (2) facilitative organizational structure o nakatutulong na balangkas ng
kapisanan, (3) competent staff o mga kawaning may kakayahan, at (4) adequate
budgetary support o sapat na badyet o suportang pinansyal (Figure 2).
Figure 2. Apat (4) na Pangunahing Indicators ng Good Governance sa MYRC
Ang unang itinakdang indicator ng good governance ng tagapagsaliksik ay ang
clear policy guidelines o ang malinaw na batayan sa pamamalakad. Sa pagsuri sa
23
indicator na ito ay mahalagang malaman kung sa simula pa lamang ay mayroon ng
mga polisa, partikular na ang mga polisa o batas ukol sa “juvenile rehabilitation”, na
isinasakatuparan ng MDSW na pangunahing ahensiyang namamahala sa center, bilang
batayan o gabay ng center sa pamamalakad sa institusyon nito. At kung mayroon mang
mga isinasakatuparan na mga polisa, ay importante ding malaman kung anu-ano ang
mga ito, kung maliwanag o malinaw ba ang mga ito, at kung paano mino-monitor ng
central office ang center upang masigurado na ang mga polisa o batas na
isinasasakatuparan o pinapalaganap nito sa center ay nasusunod.
Ang pangalawang itinakdang indicator ng good governance ay ang facilitative
organizational structure o nakatutulong na balangkas ng kapisanan. Dito ay titingnan
ang buong organizational structure na nakapaloob, hindi lamang sa center, kundi pati
na sa buong lunsod ng Maynila, kung saan susubukang tingnan at siyasatin ang
pagkakaugnay, pagsasaayos, at pagtutulungan sa gitna ng iba’t ibang ahensiya na
bumubuo sa juvenile justice system ng lunsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng
pagtingin sa kabuoang organizational structure ng lokal na pamahalaan ay maaaring
maiuugnay rin ito sa organizational structure na nakapasaloob sa center. Isa pa,
mahalagang makilala kung sino o anong ahensiya ba ng lokal na pamahalaan ang may
pangunahing responsibilidad o katungkulan sa center at kung paano nito
pinangangasiwaan o pinamamahalaan ang nasabing institusyon. Sa pag-aaral na ito,
mahalaga ding malaman kung facilitative o nakatutulong nga ba ang ganitong kaanyuan
para sa kaayusan, hindi lamang ng center, kundi ng buong juvenile justice system sa
lunsod, kung saan ang pagiging epektibo ng buong sistema ay maaari ring maiugnay sa
pagiging epektibo ng center sa pagtupad sa pangunahing layunin nito.
Ang pangatlong itinakdang indicator ng good governance ay ang pagkakaroon
ng competent staff o ang mga kawaning may kakayahan. Upang magkaroon ng
tamang-tamang pagsiyasat sa competency ng mga nabanggit na kawani ng center ay
mahalagang magkaroon ng isang holistic at ganap na pagtingin sa kanila sa
pamamagitan ng sistematikong paggamit at paghalo sa iba’t ibang mga pamamaraan
ng pananaliksik tulad ng in-depth interviews, participant observation, at documentary
research. Sa pamamagitan ng documentary research at content analysis, ay maaaring
24
magsimula sa pagtingin sa “job descriptions” na itinakda ng MDSW at nakasaad sa
kanilang mga dokumento para sa bawat posisiyon ng mga kawani ng center. Sa
ganitong paraan ay makikita ang mga required skills/qualifications o mga kakayahan o
katangiang kinakailangan ng isang partikular na kawani para sa isang partikular na
posisyon o tungkulin sa loob ng center. Sa pamamagitan naman ng in-depth interviews
at participant observation sa mga nasabing kawani kung saan susuriin ng lubusan ang
kanilang mga sinasabi at ikinikilos, ay mas lalawig ang kaalaman at mas lilinaw ang
pagsisiyasat kung ang mga “job descriptions” ba na itinakda ng MDSW para sa mga
kawani nito ay umaakma sa aktwal na mga kadalubhasaan o skills na meron ang mga
nasabing mga kawani, at kung ang mga ito ay talagang angkop sa mga aktwal na
ginagawa nila sa loob. Gayon pa man, ang pagtingin o pagsuri sa competency o
pagkakaroon ng kakayahan ng mga kawani o staff ay hindi lamang nakatudla sa mga
kawani sa loob ng center lamang kundi sa kabuoang pampulitikal na sistema ng lokal
na pamahalaan ng Maynila na kinapapapalooban ng mga kawani mula sa mga
pangunahing ahensiya na bumubuo sa “juvenile justice system” tulad ng central office,
MYRC, at mga DWOs. Bawat isa sa mga ito ay pare-parehas na susuriin, isa-isa at
sama-sama.
Ang pangapat na itinakdang indicator ng good governance ay ang adequate
budgetary support o sapat na badyet/pondo o suportang pinansyal. Sa pag-aaral na ito
ay masusi kong titingnan ang buong proseso ng badyet sa lokal na pamahalaan ng
Maynila, kung saan aking aalamin kung sino o anong partikular na ahensiya ang
nagtatakda ng badyet ng lunsod, kung saan ba nagsisimula ang prosesong ito, kung
anu-ano ang mga partikular na bagay na pinaglalaanan ng badyet, kung ano ang
batayan sa pagtakda ng mismong badyet, kung ilang porsyento ng kabuoang badyet
ang inilalaan para sa center, kung pang-ilan ba ang center sa mga “priorities” ng lokal
na pamahalaan at kung gaano kalaki ang importansya na ibinibigay nito sa kanila. Sa
pamamagitan ng paghanap sa mga kasagutan para sa mga katanungang binanggit ay
ating malalaman kung ano nga ba ang dahilan sa likod ng patuloy na kakulangan pa din
sa badyet sa lunsod na nagdudulot ng patuloy at samu’t saring mga suliranin at
problema sa iba’t ibang ahensiya o institusyon ng lokal na pamahalaan.
25
Sa katunayan, ang National Statistics Coordination Board (NSCB) ay bumuo ng
Good Governance Index (GGI), kung saan sinusukat nito ang mga resulta ng good
governance sa pamamagitan ng partikular na mga pulutong ng estadistika hinggil sa
performance ng mga nasyonal at lokal na opisyal alinsunod sa tatlong mga
pangunahing kategoriya: economic, administrative, at political governance. Datapwat,
hindi pa din kasama ang mga indicators hinggil sa eliminasyon ng graft at corruption,
pagpapabuti ng transparency at accountability, ang kahandaan ng Information
Communication Technology (ICT) at pagpapabuti ng teknolohiya, at ang walang patid
na paggawa o pagtayo sa mga kapasidad o kakayahan ng mga LGUs (Galang, 2012).
Gayon man, isa sa mga itinuturing na kasangkapan sa pagpapabuti ng
governance ay ang decentralization. Ang decentralization, alinsunod kay Heywood
(2007), ay “ang paglaki ng lokal na autonomya dahil sa paglipat ng mga kapangyarihan
at mga responsibilidad mula sa mga nasyonal na mga pulutong” (p. 165). Sa Pilipinas,
nagsimulang magkaroon ng decentralization nang ihayag ito sa Local Government
Code of 1991, kung saan nagkaroon ng paglipat ng mga tungkulin, mga kapangyarihan,
at mga mapagkukunan mula sa nasyonal na pamahalaan papunta sa Local
Government Units (LGUs) nang sa gayon ay mas matutukan ng mga opisyal ng mga
lalawigan, mga lunsod, mga munisipyo, at mga barangay sa ibayo kapuluan, ang
pangkabuhayan at mga pangunahing mga pangangailangan sa mga pook na iyon. Isa
sa mga estratehiya na ginagamit sa ganitong uri ng sistema ay ang fiscal
decentralization strategy, kung saan ang mga lokal na pamahalaan ay may mga
kapangyarihan nang magpasya sa magiging komposisyon ng kanilang mga paggugol at
mga kikitain alinsunod sa kani-kanyang mga development targets. Layunin din ng
estratehiyang ito na mabigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaang para
sa pagsulong ng mga economic activities at pagbawas ng poverty levels sa kani-
kanyang mga kamunidad. Subalit, tila nananatili pa ding mabagal ang bilis ng progreso
o kaunlaran at may takda ang mga benepisyo upang magkaroon ng epekto sa mga
sosyal na kondisyon ng mga tao, lalo na sa mga nakatira sa mga rural na bahagi
(Galang, 2012).
26
Ang decentralization ay itinuturing din bilang pinakamahalagang katangian ng
bureaucracy o burukrasya, kung saan ito ay tumutukoy sa mga tungkulin ng mga tao o
opisyal na nagta-trabaho sa mga departamento ng pamahalaan o sa bureaux o mga
opisina. Tumutukoy rin ito sa mga propesyonal na civil servant at mga opisyal ng
pamahalaan, na may digri ng kasarinlan at may elite na katayuan. Sa larangan ng
agham panlipunan, ito ay tumutukoy sa isang kaganapan kung saan ang mga
namumuno ay mga nonelected o appointed na mga opisyal, na nagsisilbi din bilang
administrative machinery ng pamahalaan, at isang kapisanan o samahan na gumagamit
ng makatuwiran na pamamaraan o rational mode. Sa pamahalaan, ang mga
bureaucracy ay tumutukoy sa mga administrative procedures kung saan ang mga
opisyal ay mayroong mahalaga at malaking impluwensiya sa decision-making process o
proseso ng paggawa ng mga desisyon (Heywood, 2007; Turner, 1997a).
Isa sa mga model ng burukrasya ay tinatawag na “bureaucratic oversupply
model”, kung saan ito ay nakapokus sa ideya ng rational choice theory na nagsasabi na
“ang mga indibidwal ay rationally self-seeking creatures o utility-maximizers”, at ng
public choice theory na “gumagamit sa economic model ng paggawa ng desisyon sa
pampublikong sektor” (Heywood, 2007, p. 385). Ang mga opisyal na bumubuo ng isang
makapangyarihang grupo sa loob ng pampulitikang sistema ay mayroong vested na
interes sa pagnanais na matamo ang kani-kanyang pulitikal at pansariling interes, sa
kabila ng kanilang larawan bilang public servants o mga tagapaglingkod ng publiko. Sa
loob ng makinarya ng pamahalaan ay nagkakaroon din ng malawig na
pagmomonopolisa ng grupong ito, hindi lamang ng mga impormasyon at mga desisyon,
kundi pati na din ng badyet, kung saan hangarin nilang palakihin ang ahensya o
departamentong pinagtatrabahuhan nila, pati na rin ang badyet para dito. Ang dahilan
sa likod ng ganitong hangarin ay ang garantiya na ang paglaki ng burukrasya ay
makapagbibigay sa kanila ng job security, mas malaking promotional prospects, mas
mabuting mga sweldo o sahod, at para naman sa mga pinakamataas na opisyal, ay
mas malaking kapangyarihan, tangkilik o patronage, at prestihiyo. Ito ay nagreresulta sa
tinatawag na “over-supply problem", kung saan napakataas na ng bilang ng mga civil
servants, at ng mga serbisyo, at mas mataas na rin ang badyet. Bukod dito, ay
27
nagdudulot rin ito ng paglaki ng mismong pamahalaan at ng mga pampublikong
resbonsibilidad (Heywood, 2007; Turner, 1997a).
Sa katotohanan, ito ay isang anyo o klase ng political abuse o pampulitikang
abuso, kung saan gumagamit ng tinatawag na red tape sa paghigpit ng nasyonal na
pamamalakad at paggamit ng labis-labis na oras sa pagsagawa o pagsakataparan ng
mga desisyon. Sa katunayan, ang mga burukrasya ay likas na maaksaya at hindi
mabisa, kung saan bukod sa hindi maganda ang kalidad ng mga serbisyong
ipinagkakaloob nito, ay hindi din nito natutustusan ang mga gusto at pangangailangan
ng mga konsumidor. Bukod dito, ang mga bureaucratic organizations ay kadalasan ding
top-down at hierarchical ang istruktura. Datapwat, ang pagpapatuloy ng ganitong uri ng
sistema kung saan may kakulangan sa epektibong public scrutiny o pagsisiyasat ng
publiko at accountability o pananagutan, ay maaaring magdulot ng korupsyon, laganap
na kahirapan, at kasiraan (Heywood, 2007; Turner, 1997a).
Research Design
Kailangan na mga Datos Mapagkukunanng mga Datos
Paraan ngPagkuha ngmga Datos
Paraan ngPagsuri samga Datos
1. Konsepto o Ideya ng CICL, Decentralization, atBurukrasiya
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Content Analysis
Coding for Themes
2. Program Design o Disenyo ng Programa ng Center
- History, Nature and Process, Vision and Mission, Goals, Programs and Services
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Participant Observation
Content Analysis
Coding for Themes
3. Competency o Kakayahan ng mga Kawani o Tagapamahala
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Content Analysis
Coding for Themes
28
Participant Observation
4. Policy Guidelines o Batayan sa Pamamalakad sa Center
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Content Analysis
Coding for Themes
5. Budget Process o Proseso ng Badyet sa City Government
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Content Analysis
Coding for Themes
6. Organizational Structure ng City Government
Primary Data Source
Secondary Data Source
Documentary Research
In-Depth Interviews
Content Analysis
Coding for Themes
7. Perception o Pagtingin ng mga Tagapamahala atng mga Stakeholder
Primary Data Source
In-Depth Interviews
Participant Observation
Coding for Themes
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang mga layunin ng pananaliksik ay tutuparin o isasagawa sa pamamagitan ng
documentary research, in-depth interviews, at participant observation.
Study Population
Ang populasyon na pinag-aralan ng tagapagsaliksik ay mahahati sa tatlong
grupo, kung saan nagsagawa ng mga in-depth interview sa kanila upang magkaroon ng
unbiased at malalim na pagtingin sa paksa sa kabuuan nito.
Ang pangunang grupo ay binubuo ng ilan sa mga tagapamahala mula sa Manila
Department of Social Welfare (MDSW) na may pangunahing may responsibilidad o
tungkulin na pangasiwaan at pamahalaan ang center at ang anim na District Welfare
Offices. Kabilang na dito ang City Government Assistant Department Head III for
Administration, Institutional Management and Program, at ilang mga piling empleado.
29
Nakapaloob naman sa pangalawang grupo ang mga pangunahing kawani o
tagapangasiwa ng center na siyang kasali sa proseso “social rehabilitation” ng mga
CICL tulad ng Officer-in-Charge o Head, Supervisor, Acting Psychologist, mga Social
Workers, at Houseparent. Dahil nagkakaroon ng palagiang “rotation” sa mga empleado
ng lokal na pamahalaan, karamihan sa mga kawani ng center ay nakapagtrabaho na rin
sa Manila District Welfare Offices (MDWOs) na siyang naglalaan ng after-care services
para sa CICL at MDSW, at hindi kadalasan ay sa parehas na posisyon. Dahil dito ay
masasabi na tila versatile, well-rounded, at knowledeable naman sila ukol sa iba’t ibang
mga proseso na nakapaloob sa lokal na pamahalaan. Dahil District IV ang distrito na
may pinakamaraming bilang ng mga referral ng mga nakalayang CICL mula sa center,
nagsagawa din ng panayam ang tagapagsaliksi sa ilang mga empleado doon.
Ang pangatlong groupo naman ay binubuo ng mga pangunahing stakeholders ng
center tulad ng mga kasalukuyang kliyente ng center — dalawang CICL na may edad
na labing-walo (18) pataas na nag-recidivate, pati na rin ang kanilang mga immediate
families o malalapit na pamilya, tulad na kanilang mga magulang.
Sa ilang beses na pagbalik ng tagapagsaliksik sa center, central office, at piniling
district office, upang makapanayam ang mga taong nagbanggit sa taas ay tila
nagsagawa na din siya ng participant observation, kung saan mas naging malapit na
siya sa mga tao sa loob ng mga nasabing ahensya ng pamahalaan. Dahil nasasanay
na ang mga empleado sa kanyang presensya, ay mas nagiging maginhawa, magaan,
at maluwag na sila sa pakikitungo ng mga ito sa tagapagsaliksik. Bukod dito, tila mas
nagiging kampante na sila, kung saan may tiwala na sila, kung kaya’t mas nagiging
tapat at natural na ang kanilang pagkilos. At dahil dito ay mas naging madali para sa
tagapagsaliksik ang pagkuha ng mga kinakailangang niyang mga datos, dokumento at
impormasyon mula sa kanila (Ulin, Robinsons, Tolley, at McNeill, 2000).
Instrumentation
Sa loob ng panahon ng pakikipagpanayam, ang tagapagsaliksik ay gumamit ng
isang unstructured interview guide, kung saan ito ang nagsilbi bilang instrumento niya
sa pagsasagawa at pagtatapos sa isa sa mahalagang bahagi ng proseso ng
30
pananaliksik. Ang instrumentong ito ay naglalaman ng mga kinakailangang mga
katanungan na itatanong sa mga panayam. Bagaman, hindi naging hadlang ang
ganitong paraan upang gamitin ng tagapagsaliksik ang kanyang personal na estilo at
natural na maipahiwatig ang kanyang sarili sa interviewee, at gayon din para sa
interviewee sa kanya. Sa halip, ginamit ito ng tagapagsaliksik bilang patnubay habang
nakikipagpanayam upang hindi siya malihis sa pokus ng pananaliksik, at mas lalo pa
itong mapagyaman. Para naman sa mga interviewee, tila nakatulong ang ganitong
pamamaraan upang makalikha at makapagbigay ng isang magiliw at magaan na
kapaligiran sa pagitan ng tagapagsaliksik at ng interviewee. Malaki rin ang naitulong
nito upang makakuha ang tagapagsaliksik ng mga mahahalaga, matatalino, at
matitinong kasagutan mula sa mga interviewee, kung kaya’t malaki ang naging
pakinabang at benepisyo ng pananaliksik mula dito. Bukod dito, sinigurado din ng
ganitong pamamaraan na walang oras ang nasayang.
Nang payagan ng interviewee, ay gumamit din ng electronic voice recorder ang
tagapagsaliksik upang i-record ang bawat panayam, habang nagsusulat o nagtatala din
ng mga field notes o mga personal na obserbasyon at replekson mula sa panayam.
Data Gathering
Ang tagapagsaliksik ay nagtipon ng mga datos mula sa dalawang partikular na
mapagkukunan: (1) Primary at (2) Secondary data source, kung saan ang primary data
source ay maari pang hatiin sa dalawang uri o grupo.
Ang unang uri ng primary data source ay kinuha ng tagapagsaliksik mula sa mga
opisyal na talaan, estadistika, at iba pang mga dokumento galing sa center, central
office, at piniling district office, kabilang na rito ang manual of operation at taunang ulat
na pang-pinansiyal o badyet ng MDSW, MYRC, at ng buong lunsod, at ilang mga case
studies ng mga kliyente na nasa loob ng center, ang Republic Act of 9344, at iba pang
mahahalaga at nauugnay na mga datos at mga dokumento. Ang pangalawang uri
naman ng primary data source ay kukunin sa mga written accounts o transcription mula
sa mga isinagawang in-depth interviews.
31
Bago pangasiwaan ang kahit anong panayam, sinigurado din ng tagapagsaliksik
na nagkaroon siya ng maingat at masusing paghahanda upang makapaglikha ng
maayos, malaman, at masaganang resulta. Sa paghahandang ito, tiniyak ng
tagapagsaliksik na malinaw na sa kanya kung ano ang kinakailangan niyang mga
impormasyon, kung saan batid na niya kung ano ang pinakamabuting pagkakasunud-
sunod o sequence ng mga katanungan na makakatulong sa pagkuha ng mga ninanais
niyang sagot mula sa mga interviewee. Naghanda din ng isang “checklist” ang
tagapagsaliksik na naglalaman ng itinakdang plano para sa panayam.
Ang secondary data source naman ay tinatawag ding mga new-media
sources,kung saan kabilang na dito ang mga artikulo galing sa internet, websites, o
electronic media news. Dito kinuha ng tagapagsaliksik ang iba pang mahahalagang
mga datos at impormasyon upang mas mapagbuti pa ang isinasagawang pag-aaral o
pananaliksik.
Lahat ng mga datos, dokumento, at impormasyon na makukuha mula sa
dalawang nabanggit na mga mapagkukunan ay importante sa pagbuo ng research
paper, kung saan ang mga ito ay lubusan at puspusang pag-aaralan, susuriin, at
sisiyasatin.
PAGAANALISA SA MGA DATOS
Sa unang bahagi ng pagaanalisa sa mga datos ay gumamit ng coding na
pamamaraan. Kabilang dito ang lahat ng mga pagsasalin ng mga recorded na
panayam, kung saan ito ay ginawa pagkatapos ng bawat proseso ng
pakikipagpanayam. Ang mga pagsasalin na ito ay pinag-aralan, sinuri, at siniyasat ng
ilang beses hanggang sa magkaroon na ng isang ganap na pagkatawan ng bawat
kasali mula sa mga sagot ng mga interviewee.
Coding
Pagkatapos ng proseso ng pagsasalin ay bumuo ng isang partikular na coding
na pamamaraan na siyang ginamit sa proseso ng pagsuri ng bawat isang pagsasalin
na nagmula sa mga panayam sa mga key informant.
32
Una, ang tagapagsaliksik ay gumamit ng “open-coding” na pamamaraan, kung
saan ang bawat isa sa mga naisalin na panayam ay muling sinuri at siniyasat, habang
unti-unti na hinanap at kinilala ang mga major at minor na tema. Ito ay bubuuin ng iba’t
ibang mga konsepto, ideya, kilos, at iba pa. Para sa bawat isang tema na nakita, isang
partikular na code ang itinalaga dito. Ang code na ito ay nagtataglay ng ilang mga letra,
mga salita, o mga simbulo.
Ang tagapagsaliksik ay nagpatuloy sa pamamagitan ng “axial-coding” na
pamamaraan, kung saan ang mga nakitang mga major at minor na tema ay aayusin sa
loob ng mga kategoriya o mga grupo na makapaglalagom o makapagbibigay ng
kahulugan sa salin. Isang naglalarawang pangalan o label naman ang itinalaga sa
bawat isang kategoriya. Ang iba mga tema na nagsilbing mga subcategories ay maari
pang kilalanin, samantala ang mga pangunahing mga kategoriya naman ay maaring
pang hatiin sa mga subcategories o mas tiyak o partikular na mga kategoriya. Sa
ganitong paraan ay nagkaroon ng mas malaki at mas matinding pagtatasa o evaluation.
May mga pagkakataon na kinailangan magkaroon ng mga bagong kategoriya upang
mabigyang-lugar ang mga datos na hindi bumabagay sa kasalukuyang mga label. Ang
ganitong proseso ay ipagpapatuloy ng tagapagsaliksik hanggang sa lahat na ng mga
mahahalagang mga tema ay nakita, nakilala, at napangalanan na.
Pagkatapos, itinalaga naman ang mga dibuho o pattern at kaugnayan, sa loob,
sa pagitan, at sa gitna ng mga kategoriya. Pagkatapos piliin ang mga kaso na
kinakatawan ng bawat tema, ang mga ito ay pinaghalintulad, kung saan nakita ang mga
pagkakaparehas at pagkakaiba ng mga ito. Pagkatapos ng proseso ng pangungulekta
ng mga datos, ang mga naunang itinalagang mga tema ay muling siniyasat at inayos
habang mas lalo pang pinalawig ang mga major na tema. Ang iba’t ibang mga tema ay
lubusan at puspusang siniyasat habang ang mga maliit na pagkakaiba ay binigyang
diin upang mapagyaman pa lalo ang pagsusuri.
Validation
Pagtapos ng pagsasalin, paglalagom, at pagpapakahulugan sa mga recorded na
panayam, ang kopya ng buod ay ibinigay sa ilan sa mga interviewees nang sa gayon ay
33
mapatotohanan kung ang mga naisalin ba na mga datos ay kasang-ayon sa kanilang
nilalayong paninindigan o katayuan. Kung nagkaroon man ng mga pagsasalungat o di
pagkakaayon sa loob ng prosesong ito, muling sinuri at pinapatotohanan ang mga
datos na ito sa mga interviewee. Ang mga naglalaban-laban at hindi nagkakatugmang
mga pahayag ay hindi itinuring na invalid, datapwat ang mga ito ay nagsilbing
instrumento o pamamaraan upang mas lalo pang mapagyaman ang pagsusuri sa
pagsasaliksik at gawin itong mas komprehensibo sa pagpapakita ng karagdagang mga
kaalaman o paniniwala.
Ang pangalawang bahagi naman ng pagaanalisa sa mga datos ay ginamitan ng
content analysis o documentary analysis. Sa pamamagitan ng ganitong paraan ay
susurin ang mga importanteng mga dokumento at datos na ginamit sa pananaliksik
tulad ng mga libro, academic journals, diyaryo, mga ulat o reports, at iba pang mga
kaugnay na literatura at mahahalagang mga dokumento. Importante ang mga ito upang
magkaroon ng isang komprehensibong pagtingin sa kung paano nga ba talaga
tumatakbo o umaandar ang isang sistema o programa
Sa katunayan, ang paraang ginamit sa pagsuri o paganalisa sa mga kaugnay na
mga dokumento o datos ay tila parehas lang din sa paraang ginamit para sa
paganalisa ng mga key informant interviews -- ang “coding” na pamamaraan.
Triangulation
Ang pananaliksik na ito ay gumamit din ng “triangulation” -- ang proseso kung
saan ang dalawa o mahigit na mga teorya o pamamaraan ay pagsasama-samahin sa
iisang pananaliksik o pag-aaral lamang. Sa pag-aaral na ito, tatlong partikular na uri o
klase ng triangulation ang ginamit, data triangulation, methodological triangulation, at
unit of analysis triangulation.
Sa data triangulation, ang pananaliksik ay gumamit ng mga mapagkukunan ng
mga datos tulad ng primary at secondary data sources, kung saan ang mga datos at
impormasyon na nakuha mula sa mga ito ay masugid na sinuri, alinsunod sa layuning
makuha ang samu’t saring mga anggulo at perspektibo ukol sa paksang pinagaaralan.
Ang methods triangulation naman ay nagpokus sa mga data collection methods o
34
pamamaraan nang pagkuha ng mga datos sa pananaliksik. Dahil gumamit ng tatlong
partikular na pamamaraan sa pananaliksik -- documentary research, in-depth interview
at participant obervation. Ginamit ang mga pamamaraang ito upang pagmasdan ang
paksa sa iba’t ibang anggulo. Sa ganitong paraan, nakita rin ang iba’t ibang mga mukha
ng problema na nakapaloob dito. Sa unit of analysis triangulation, ang mga pahayag at
mga pag-kilos ng mga kalahok sa pag-aaral, tulad ng mga kawani o tagapamahala ng
center, pati na rin ang mga pangunahing stakeholders nito, ay masususing pinagaralan
at siniyasat (Guion, 2002; Hussein, 2009).
ETIKAL NA PAGSASAALANG-ALANG
Bago nagsimula ang panayam, pinapirmahan muna ng tagapagsaliksik sa bawat
interviewee ang consent form. Dito nakapaloob dito ang mga layunin ng pananaliksik,
ang nilalaman at tagal ng panayam, ang mga panganib at mga benepisyo ng pagsali,
ang mga karapatan ng mga kalahok na tumanggi na makipagpanayam o umurong
mula sa pagkakasali sa kahit anong oras, at ang katiyakan o kasiguraduhan na ang
pagkakakilanlan nila ay hindi malalagay sa kompromiso at ang kanilang karapatan na
magkaroon ng privacy ay mapapangalagaan, mapoprotektahan, at marerespeto, kung
saan ang kanilang paglahok at ang mga impormasyon na pinili nilang ihahayag sa
tagapagsaliksik ay mahigpit na magiging kompidensiyal at gagamitin lamang para sa
mga layunin ng akademya.
Sinigurado din ng tagapagsaliksik na bawat aspeto ng pananaliksik o pag-aaral
na maayos at puspusang naipaliwanag sa mga interviewee, sa wika na alam na alam
nila. Kabilang na dito ang pangunahing layunin o hangarin, katangian, at balangkas ng
35
pag-aaral, pati na din ang mga papel at tungkulin ng interviewee sa pananaliksik na
ginagampanan. Ipinaliwanag din ng tagapagsaliksik ang nilalaman ng panayam, pati na
rin ang posibleng format, daloy, at tagal nito. Nagbigay din ng contact information ang
tagapagsaliksik sa mga interviewees habang pinahintulutan at binigyan sila ng
pagkakataon upang magtanong o maglinaw ng kahit anong pag-aalinlangan o hinala
tungkol sa pananaliksik o panayam.
Ang tagapagsaliksik ay nagkonsulta din sa kasali tungkol sa paraan kung paano
itatala ang mga impormasyon o datos na makukuha habang nangyayari ang panayam,
kung saan hiningi ang permiso o consent ng interviewee sa paggamit ng electronic
voice recorder. Kung hindi naman pinayagan ay gumamit nalang ng ibang paraan tulad
ng note-taking o pagsusulat. Ang mga recorded at transcribed na interviews, fieldwork
notes, at iba pang mga dokumento na kinapapalooban ng kompidensiyal na mga
impormasyon at maaaring ilagay sa panganib o alanganing sitwasyon ang mga kasali,
ay itinago sa isang napakaligtas na lugar o imbakan pagkatapos magawa ang research
paper.
Habang nangyayari ang pakikipagpanayam sa pagitan ng interviewer at ng
interviewee, ipinagsaalang-alang din ng tagapagsaliksik ang iba pang panlabas na salik
sa panayam tulad ng emosyon, pagpapasiya, at antas ng pagintindi o pagunawa ng
interviewee. Nagtatag rin ang tagapagsaliksik ng isang maaliwalas, reassuring, at non-
threating na kapaligiran para sa interviewee upang mas malaya niyang maihahayag ang
kanyang sagot, opinyon, karanasan, at pakiramdam, ukol sa paksa ng panayam. Isa pa,
nakapagtatag rin ng rapport o kaugnayan – isang magiliw at matiwasay na relasyon –
ang tagapagsaliksik sa kanyang interviewee, upang mas lumaki ang kanyang
pagkakataon upang makakuha ng mga partikular na kompidensiyal na impormasyon
mula sa kanila.
Isinaalang-alang din ng tagapagsaliksik ang vulnerability o kahinaan ng mga
interviewee at ng mismong paksa ng pagsasaliksik, kung saan may responsibilidad ang
tagapagsaliksik na pangalagaan at pag-ingatan ang anonymity at confidentiality ng mga
pangunahing mga kliyente o stakeholders ng center -- tulad ng mga CICL at ang
kanilang mga magulang na kasalukuyang sumasailalim sa programa ng center – na
36
pumayag na makilahok sa pag-aaral at panayam, kung saan gumamit ng pseudonyms
o hindi totoong mga pangalan ang tagapagsaliksik. Sinigurado din ng tagapagsaliksik
na ang ilan sa mga personal na impormasyon tungkol sa kalahok, tulad ng tirahan,
contact number, o kahit anong impormasyon na kikilala sa katauhan nito, ay hindi
maisasama o maisisiwalat sa pag-aaral; sa halip, gumamit nalang ng coding ang
tagapagsaliksik kung hindi talaga maiiwasan.
Pagkatapos ng pag-aaral, ang tagapagsaliksik ay naghanda at naglaan ng kopya
ng final research paper para sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) at sa
Manila Youth Reception Center (MYRC). Sa pamamagitan nito ay maipapakita at
maipapahayag ang tunay na suliranin na nakapaloob sa center at sa buong lunsod,
kung saan mas madaragdagan ang pagkaalam, hindi lamang ng mga tagapamahala ng
gobyerno, kundi pati na din ng publiko, ukol sa mga ito. Gayon pa man, hindi sapat ang
pawang pagkabatid at paglingap sa problema, kung saan kailangan itong lagyan at
sabayan ng ng angkop, tunay, at progresibong pagkilos mula sa gobyerno upang
maibigyan ito ng nararapat na solusyon at makamit ang minimithing pagbabago sa huli.
MGA RESULTA AT DISKUSYON NG PAG-AARAL
INDICATOR #1: “CLEAR POLICY GUIDELINES” O MALINAW NA GABAY SA
PAMAMALAKAD
Ang “Vision and Mission” at Pangunahing Layuninin ng MYRC
Nakasaad sa Manual of Operations ng MYRC, na ang Vision ng center ay
makapagbigay ng pansamantalang tirahan o institusyon para sa mga Children in
Conflict with the Law (CICL) na magkikilala at mangangalaga sa mga karapatan,
dignidad, at potential nila. Sa kabilang dako, ang Mission naman ng center ay
makapagbigay ng tahanan, sukdulang pangangalaga, pagkalinga, at paggabay sa mga
kliyente nito na makakapaghanda sa kanila para sa isang matuwid at mabuting
pamumuhay sa oras na sila ay muling maibalik sa kani-kanilang mga pamilya at
komunidad. Isa pa, ang pangunahing layunin ng center ay mabantayan at
37
mapangalagaan ang mga karapatan ng mga CICL at maitaguyod ang kanilang pisikal,
pangkaisipan, at sikolohikal na kapakanan.
Ayon kay Mary Jane Tarala (personal communication, January 10, 2013),
Officer-In-Charge o Head ng MYRC:
“Sa aming mission and vision, siyempre we have to protect the rights of thechildren in conflict with the law. Yan yung pinaka-main goal namin kasi angaming center, this is a temporary shelter for children, pending the resolution ofthe case by the court. Kaya habang sila ay may hearing, naandito sila sa amin.”
Mga “Guiding Principles” o Gabay sa Pamamalakad ng MYRC
Bukod dito, nakapaloob din sa Manual of Operations ng center ang samu’t saring
mga prinsipyo o alituntunin na nagsisilbi bilang gabay ng mga kawani sa pamamahala
ng center. Alinsunod sa utos ng Manila Department of Social Welfare (MDSW), bilang
pangunahing ahensiya ng pamahalaang namamahala sa center, ang mga magsisilbing
guiding principles o mga prinsipyong magsisilbing gabay sa center ay manggagaling sa
samu’t saring mga batas para sa mga juveniles o mga kabataan, tulad na lamang ng
Presidential Decree 608 o Child and Youth Welfare Code (1974) kung saan naniniwala
ang batas na ito na “ang bata ay isa sa pinakakamahalagang mga asset ng nasyon.
Ang bawat pagsisikap ay inilalaan upang maitaguyod ang kanyang kapakanan at
masigurado na ang mga oportunidad niya para magkaroon ng isang kapakipakinabang
at masayang buhay”, United Nations Standard Minimum Rules for the Administration of
Juvenile Justice (Beijing Rules), United Nations Guidelines for the Prevention of
Juvenile Delinquency (Riyadh Guidelines), kung saan nakasaad dito na “ang paglagay
sa mga bata sa isang institusyon o ang pagkulong sa kanila ay nararapat na magsilbi
bilang pinakahuling kailanganin at para sa minimong panahong kinakailangan lamang,
at ang pinakamabuting interes ng bata ay binibigyan ng kataas-taasanang
importansya”, at ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act (2006),
kung saan ang mga kondisyon na nakapaloob dito kabilang na ang mga patakaran sa
pagsasakatuparan nito, alinsunod sa umiiral na nasyonal na alituntunin, ay nararapat na
isagawa sa lahat ng pagkakataon.
38
Nakasaad din sa RA 9344 na ang mga menor de edad na mga kabataan na
nagkaroon ng paglabag at nagkasala sa batas ay nararapat tawagin na “Children in
Conflict with the Law” o CICL, imbes na “juvenile delinquent” o “youthful offenders”.
Mga Karapatan ng mga CICL at ang mga “Child-Protection Policies” ng MYRC
Ang mga CICL ay mayroon ding samu’t saring mga karapatan, kung saan
kabilang na rito ang (1) pagkakaroon ng legal na manananggol, (2) pagkakaroon ng
confidentiality o pagiging kompidensiyal ng mga rekord, (3) pagkakaroon ng access sa
mga serbisyo na nagmumula sa mga may kakayahang mga empleado, mga pulis, mga
boluntaryo, at mga bihasang mga espesyalista, (4) pagkakaroon ng access sa mga
pasilidad at serbisyo na nakapagtutugon sa lahat ng mga kinakailangan ng kalusugan
at dignidad ng isang tao, kabilang na ngunit hindi naman limitado sa mga edukasyunal
at bokasyonal na mga pagsasanay o trainings, (5) pagkakaroon ng sapat na medikal na
tulong na pang-iwas at panggamot sa sakit, (6) pagkakaroon ng kalayaan sa paghayag
ng relihiyon, (7) pagkakaroon ng makatarungan at makataong paraan ng pagdidisiplina
sa loob, at (8) pagkakaroon ng pakikipagkita o contact sa kani-kanilang mga pamilya at
mas malawak na komunidad.
“With regards to the rights, kasi kame, ‘child-friendly’. We adhere to the rules ofRA 9344, kaya kung maaari we do not violate the said rights, mapa-constitutionalrights man yan. Inside the rules of RA 9344, we do not want to violate them” (J.Tarala, personal communication, January 10, 2013).
Ayon naman kay Marietta Gesolgon (personal communication, January 13,
2013), Social Service Supervisor ng MYRC, ang center ay “child-friendly” sa dahilang
may sapat namang kaalaman ang mga kawani nito ukol sa proseso upang
pangasiwaan ang mga kaso ng mga bata. Datapwat, tila makikita sa mga wards o
dorms ng center na mayroon itong mga ‘rehas’.
Ang kanyang pagpapaliwanag ukol dito:
“Supposedly sa batas parang dapat ‘walang rehas’ pero dito mayroon kasi hindinaman talaga ito yung total rehabilitation center. Sa Tanay parang open talagapero while they are waiting for their case disposition talagang ganoon, pero kungmalaki-laki lang yung space, palagay ko matutupad talaga yung nasa batas. Kasinagkaroon na ng mga instances or cases dito na may mga nakatakas tapos
39
minsan naman nagkakaroon ng away among the CICL sa loob ng mga dorms.So yung security lang din talaga yung concern namin. Security pa rin noongbata. Iniisip namin yung security nila more than sa security namin. Yung securitynamin, second na yun.”
Sapagkat isa sa mga pangunahing karapatan ng mga bata na magkaroon ng
legal na tagapagtanggol, bawat isa sa mga CICL na ipinapasok dito sa center ay
automatikong binibigyan ng tagapaganggol o attorney mula sa sa Public Attorney’s
Office (PAO), na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ). Alinsunod naman sa
pangalawang isinaad na karapatan ng mga CICL kung saan ang confidentiality o ang
pagiging kompidensiyal ng mga rekord ng bawat isa sa kanila ay ibibigay sa kanila, ang
center ay mas nagiging maingat at strikto sa mga bumibisita sa mga CICL kung saan
mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng iba’t ibang mga gadgets upang kunan ng
litrato o video-han ang mga CICL at kung anu-ano pang mga pagsasanay na maaaring
makapaglagay sa kanilang kaligtasan, karapatan, at confidentiality sa alanganin (M.
Gesolgon, personal communication, January 13, 2013).
Nakapaloob naman sa “Child Protection Policies” ng center ang (1) pagkakaroon
ng hiwalay na dormitoryo o silid para sa babae at lalaki, (2) pagkakaroon ng mga
pagbabawal sa tuwing oras ng pagbisita sa mga bata, (3) pagpapahalaga sa kalusugan
at pisikal na kaayusan ng mga bata, at ang (4) pagtataguyod ng iba pang mga
panukala na makakapagpanatili ng confidentiality o kompidensyalidad, sikolohikal na
pag-angat at pagpapabuti sa mga kapakanan ng mga bata. Sa panahon na magkaroon
ng mga problema sa proseso ng pagpapatupad ng mga polisang ito ay mayroong mga
gabay na ibinibigay o nanggagaling sa mga autoridad ng lokal na pamahalaan,
alinsunod sa mga polisa ng siyudad, upang tugunan ang mga ito.
Ang Buong Proseso ng Pagtanggap at Pagpalaya sa mga CICL
Bilang pamantayan sa pamamalakad ng center, nakasaad din sa manual of
operations ng center ang buong sistematikong proseso ng pagtanggap at pagpapalaya
sa mga CICL. Makikita sa Figure 3 na ang prosesong ito ay binubuo ng samu’t saring
mga baytang o hakbang, kung saan ito ay nagsisimula sa oras na maipasok at
tanggapin ang bata sa center sa utos ng Inquest Prosecutor o ng korte. Bukod dito,
40
ipinaliwanag naman ni Mary Jane Tarala (personal communication, January 10, 2013)
ang proseso ng pagtatalaga sa mga bata sa oras na maipasok sila sa center:
“Parang may mga raffle din yun. Kapag may dumating, nakahilera na yung mganames ng social worker. Tapos random yung pagpili. Except sa female. Kasiisang dorm lang yun eh. Tapos may naka-assign na talaga dun na babaengsocial worker. Hindi kame nagsesegregate base sa nature ng crime. Randomlang talaga. Hindi namin dinidistribute yan. Sa sunod na dating, hindi pwedengyung kasunod kasi ang dating social woker, bali three times siyang iikutan parabalanse. Three times siyang hindi bibigyan kahit dumating sa point na siya nanaman, hindi muna siya bibigyan kasi mapaparami sa kanya. Para equal din”
Figure 3. Buong Proseso ng Pagtanggap at Pagpalaya sa mga CICL
Pagtanggap at Pagpasok ng mga CICL sa Center
Sa pagpasok ng bata sa center, ang chief o head ng center ang kauna-unahang
opisyal na tatanggap sa kanya kung saan sinisiyasat at sinusuri ng opisyal na ito ang
mga dokumento na isinuko o ibinigay ng opisyal na naghatid sa bata, at itatala ang
pangalan ng menor sa registration logbook ng center. Pagkatapos ay isasailalim ng
security officer ang menor sa frisking o pagkapkap, kung saan kinakailangang isuko ng
bata ang lahat ng mga personal na pagmamay-ari o gamit nito na maaaring makadulot
ng sakit at dahas. Pagkatapos ay dadalhin sa Medical Service para naman sa kauna-
unahang niyang check-up sa center, tapos sa nakatakdang social worker para sa pang-
una niyang pakikipagpanayam at orientation ukol sa mga patakaran ng center, tapos sa
Homelife Service para sa pamahayang pagkalinga, kung saan dinadala ang bata sa
41
tagal na dalawa hanggang tatlong linggo lamang. Siya nga, kailangan na ding agad-
agad na magsagawa ang nakatakdang social worker ng intensive interview upang
sukatin ang pag-aninaw at pag-intindi ng bata, kung saan kailangan nilang magharap o
magpasa ng “social case study report” sa loob ng sampung (10) araw sa City
Prosecutor’s Office. Ang social worker din ang may responsibilidad na makipagtugon sa
nabanggit na opisina tungkol sa mga kaso ng mga hawak nitong mga bata. Gayon din
ang pakikipagtugon ng social worker sa public attorney ng korte, at maging sa
naitakdang fiscal para sa legal na pagkilos na pinakamabuti para sa menor upang
pabilisin ang pagtalaga sa kaso.
Paglabas at Pagbalik sa Komunidad ng mga CICL
Bago naman ang tuluyang paglabas ng bata ay kailangan munang alamin ng
social worker kung mayroon pa bang pamilyang mababalikan ang bata na
magtatanggap sa kanya sa paglabas niya at kung mayroon bang “parenting capability”
ang mga ito. Para sa mga pagkakataong wala na talagang mababalikan ang bata ay
nakikipagugnayan ang social worker sa iba’t ibang mga Non-Government
Organizations (NGOs) tulad ng Virlanie, ERDA o ACAY, atbp., kung saan at nire-refer
nito ang mga sawing-palad na mga CICL. Kung hindi naman taga-lunsod ang bata ay
nararapat na makipagugnayan ang worker sa nauukol na Local Government Unit (LGU)
at/o kung kinakailangan ay sa isang NGO. Bukod dito, kinakailangan ding na
magkaroon ng “pre-discharged conferences”. Para naman sa mga aktwal na
pagpapalaya, ay nire-refer ng mga social workers ang mga CICL sa kani-kanilang mga
DWOs para sa sinasabing “aftercare” na mga serbisyo, kung saan ang feedback ay
kinakailangan.
Ang mga Serbisyo at Programa ng Center para sa mga CICL
42
Figure 4. Mga Pangunahing Serbisyo at Programa ng MYRC para sa mga CICL
Makikita sa Figure 4 ang samu’t saring mga serbisyo at programa na inilalaan ng
MYRC para sa mga kliyente nito tulad ng (1) Social Service, (2) Homelife Service, (3)
Administrative Service, (4) Para-Legal Service, (5) Medical Service, (6) Dietary
Service, (7) Security Service, at (8) Special Education Program.
Ang “Social Service” ay inilalaan ng mga “social workers”, kung saan sila ang
nangangasiwa ng mga admission interviews o mga panayam sa mga bagong pasok na
mga CICL sa center, social case studies, counseling, group therapy, home visits o
pagbisita sa tahanan, pagpupulong kasama ng magulang ng CICL at iba pang mga
sosyal na mga gawain na makakapagpahintulot sa mga CICL na makipag-usap o
makipag-interak sa isa’t isa at sa mga piling mga miyembro ng komunidad. Ang iba
pang mga serbisyong sosyal na inilalaan ng center ay ang family counseling at para-
legal assistance.
Kabilang din sa mga “social services” na ipinagkakaloob ng center sa mga CICL
ang “value formation”, kung saan nagpopokus ito sa pagsalin o pag-enhance sa mga
“values” ng bawat CICL sa layuning mapagbuti, kung hindi man ganap na mabago, ang
mga hindi magandang kaugalian at asal ng ilang mga CICL sa center. Totoong hindi
“overnight” na proseso ang pagbabago, kung kaya’t kailangan ng sapat na oras para ito
ay makamit. Ito ay isinasagawa sa center ng tatlo hanggang apat na beses sa isang
linggo, sa pamamagitan ng mga boluntaryong mga grupo, katulad na lamang ng mga
“faith organizations”, at pagkakaroon ng misa tuwing linggo. Sa pamamagitan din nito
ay maaring ipakilala, maibalik, o mas mapaigting ang pananampalataya ng bawat isa.
Bukod dito, isa rin ito sa mga itinuturong salik sa likod ng mababang “readmission” rate
sa center (M. Gesolgon, personal communication, January 14, 2013)
43
“Ang problema, kumbaga, ay ang hirap i-mold ng mga bata, pero we are tryingour very best para ma-mold sila as a good person, para paglabas nila, ibang taona sila. Hindi na sila yung taong pumasok dito” (J. Galvez, personalcommunication, January 18, 2013).
Alinsunod sa pahayag ni “Jm” (personal communication, February 6, 2013),
isang CICL na dalawang beses nang bumalik sa center dahil sa paggamit ng
pinagbabawal na droga:
“Dito ko po unang nakilala yung Diyos. Kasi po dati hindi naman po akomarunong magdasal tsaka gumalang. Nung nakulong ako, nalaman at nakilalako ang Diyos. Tapos, dito po ako natuto lahat. Magdasal, gumalang sa mgamatatatanda, tsaka mag- ”po” at “opo”. Tsaka yung magmura at makipagawaykasi kahiligan ko po talaga dati sa labas. Nung pumasok po ako dito, parangnakalimutan ko na po lahat.”
Ang “Homelife Service” naman ay ipinagkakaloob ng mga “houseparents” na
nagsisilbi bilang pangalawang magulang ng mga bata at tila tinatawag ding mga
“surrogate caregivers”. Sila ang nagaalaga, nagaasikaso, at nagsisilbi sa mga kliyente
ng center, kung saan ipinagkakaloob nila sa mga bata ang mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain at damit. Bukod dito, nagbibigay din sila ng referral
para sa medical at dental na pagkalinga ng mga bata, nagtatakda sa mga trabaho o
gawain nila sa loob, at nagsisimula ng mga tyutoryal na mga gawain para sa mga
mabagal matuto o slow learners.
Sa “Dietary Service” naman, ang mga “dietary staff’ ang nagpaplano at
naghahanda sa mga pagkain ng mga bata. Isa pa, sila rin ang nangangasiwa sa oras
ng pagkain sa mess hall at nagpapanatili sa kalinisan at kaayusin ng kusina at iba pang
mga kagamitan. Ang “Medical Service” naman ay ipinagkakaloob ng isang “in-house
medical officer” na siyang may pangunahing responsibilidad na pangalagaan ang
kalusugan at pisikal na kabutihan ng mga bata. Kabilang din sa serbisyong ito ang
medikal na pagsangguni, pagsusuri sa ngipin, at paggamot sa mga sakit ng mga CICL.
Nagsasagawa at nangangasiwa din ng mga panayam o lectures ukol sa personal na
pangangalaga sa katawan, kalinisan, at kalusugan. Ang medical officer, sa tulong ng
iba pang mga kawani ng center ay nagsasagawa ng isang programa na makatutuklas,
makagagamot, at makahahadlang at/o makapigil sa mga nakakahawang mga sakit. Isa
pa, nire-refer niya rin ang kanyang mga pasyente sa mga espesyalista o mga ospital,
44
kung saan siya ay humuhiling din ng x-ray at mga serbisyong pang-laboratoryo kung
kinakailangan, at nagsisikap itong kumuha ng mga medikal na mga sangkapan.
Nakapaloob naman sa “Administrative Services” ang pakikipagugnayan ng
mga “administrative officers” sa governmental at non-governmental na mga ahensya
ukol sa mga administratibong serbisyo, kung saan nagsisikap na makakuha ng mga
kagamitan at sangkapang pang-opisina. Nakapaloob din sa serbisyong ito ang mga
karaniwang trabaho sa opisina, serbisyong clerical at janitorial, at ang pagpapanatili sa
kaayusan ng mga gusali at kagamitan. Sa “Security Service” naman nakapaloob ang
mga “guard” at “escort” na mga serbisyo para sa mga kliyente ng center sa tuwing
mayroong mga court hearings o paglilitis sa korte, pagkaospital, namumukod na
pagbisita sa tahanan, at iba pang mga gawain na isinasagawa sa labas ng center.
Sa “Special Education Program” naman, ang Department of Education,
Culture, and Sports (DECS) ay naglalaan ng mga natatanging mga serbisyong pang-
edukasyon, kung saan ang programa ng “Teachers of the Silanis ng Katarungan” ay
gumamit ng isang kurikulum na nagbibigay diin sa pangunahing pampanitikang
kasanayan, citizenship training at pinagsama-samang bokasyonal na programa. Isa pa,
balak din ng programang ito na maihanda ang mga bata para sa Philippine Educatinal
Placement Test (PEPT).
“Sa education, dahil ang mga bata hindi makaenroll, kasi maraming mga batadito ang kaka-enroll palang tapos nakulong na. Kaya ang nangyayari dyan, toaugment that, at dahil sayang yung panahon, pinapakuha namin sila ngAlternative Learning System (ALS). So far, sa elementary namin, isa lang yunghindi pumasa out of 38. For the secondary level naman, ang pumasa doon, 21,out of 27. So yung ratio ng passing mataas. Dito, wala silang ginawa kundi upo,basa, upo, basa. Meron ding additional household chores para dun sa iba perokapag hindi sila yung selected, nandiyan lang sila sa loob. Kaya lang limitedwhen it comes to written, kasi nga bawal yung pencil. Bali ang problema nalangnila is yung capital kasi meron na silang skills, alam na nila. Pero para sa mgawalang puhunan, pwede na silang ma-employ kasi this certificate of Hotel andRestaurant Services (HRS), is accredited by TESDA, so para ka dingnagschooling ng regular. Ang pagkakaiba lang, hindi ka na nagconsume ngpamasahe, dahil yung trainer na yung mismong pumupunta dito” (J. Tarala,personal communication, January 10, 2013).
45
Ipinahayag ni Marietta Gesolgon (personal communication, January 14, 2013),
na mahalaga rin na magkaroon ng pagbabago o pagpapabuti sa mga programa at
aktibidad na ipinagkakaloob ng center na mas angkop sa hilig ng mga kabataan sa
panahon ngayon. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng social
service at homelife service, at paghingi ng tulong mula sa mga estudyante na nago-
OJT (On-the-Job-Training) sa center.
INDICATOR #2: “FACILITATIVE ORGANIZATIONAL STRUCTURE” O
NAKATUTULONG NA BALANGKAS NG KAPISANAN
.
Figure 5. Organizational Structure ng buong “Juvenile Justice System” ng Lunsod ngMaynila
Ang buong “Juvenile Justice System” na nakapaloob sa lunsod ng Maynila ay
maaaring maunawaan sa pamamagitan ng pagtingin sa balangkas ng kapisanan o
organizational structure ng lunsod na malinaw na ipinakita sa Figure 5. Ito ay
pinangungunahan ng Alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim, kung saan isa sa mga
pangunahing departamentong nito ay ang MDSW na pinamumunuan ng City
Government Department Head III na si Jay R. Dela Fuente, kung saan nasa ilalim ng
pamumuno naman niya ang dalawang City Government Assistant Head III na sina
Celerina F. Sangil na siyang namumuno sa pamamalakad sa MYRC at Jean Joaquin,
na siyang namumuno sa pangangasiwa sa anim (6) na MDWOs sa lunsod ng Maynila.
Alinsunod sa sinabi ni Celerina F. Sangil (personal communication, January 15, 2013),
Assistant Department Head III ng MDSW:
“Local government unit (LGU) kame, under kame ng Office ng Mayor. Iba yungDepartment of Social Welfare and Development (DSWD), National yun. TheDSWD provides technical assistance to the LGUs. Kame naman yung part ng
46
LGU, social welfare arm ng city kasi bawat city may social welfare. Pero hindisiya under ng DSWD kung saan sila yung gumagawa ng mga technical works,mga accreditations, mga development ng mga programs na binababa sa mgalocal governments. Sila yung nagdevelop, binababa sa local government. Kamenaman coordinating lang doon. We are part of the gamut of the city department.Isa kame sa ‘front-liner’ ng city government. Dito sa Central Office, ano kame eh,managerial level. We have to oversee the different units of the department. Maymga district offices kame, community services, and one is the Manila YouthReception Center (MYRC) sa mga unit offices ng DSW Manila.”
Ang MYRC ay pinamumunuan naman ng isang Office-In-Charge o Head na si
Mary Jane Tarala, habang ang MDWOs naman ay pinamumunuan ng iba’t ibang mga
“District Chiefs” na siyang namamahala sa mga CICL sa oras na mai-refer sila doon ng
center pagkatapos nilang makalabas. Ang DWOs ay may responsibilidad na magbigay
ng mga “aftercare” na mga serbisyo para sa mga nakalabas na mga CICL.
Kakulangan sa “Monitoring” at Inter-Agency “Coordination” at “Cooperation”
Nang tanungin si Celerina Sangil (personal communication, January 15, 2013),
Assistant Head ng MDSW, kung may “monitoring” ba na isinasagawa ang
departamento sa center upang masigurado ang maayos na pamamalakad doon, ito ang
kanyang isinagot:
“May mga monitoring naman kami pero hindi regular. Ngayon, may littlemonitoring sa kanilang activities. Kasi may policies na kame in terms of provisionof supply, reporting, management ng center nila, may policy na diyan. So kungbaga, kapag may mga specific concern nalang sila, saka nila binibring-up dito saCity Hall. Marami pang ibang concerns. Hindi lang naman yung CICL. E very‘generic’ din kami. Marami kaming programs, may disaster, may daycare, maykung anu-ano. Hindi lang naman for CICL yon. Maganda sana kung NGO yan,nafo-focus nila. Pero kami very erratic ng implementation namin. Dahil na ngadin sa dami ng inaasikasong mga programa, hindi na din masyadongnatututukan yung mga CICL” (C. Sangil, personal communication, January 15,2013).
Ang center ang simula sa buong proseso ng rehabilitation kung saan nagsisilbi
ito bilang “halfway house” para sa mga CICL. Dito ay unti-unting hinuhubog ang mga
bata sa iba’t ibang mahahalagang aspeto tulad ng relihiyon, edukasyon, at marami
pang iba, upang ihanda sila kapag sila ay makalaya na at muling ng maibalik sa
komunidad. Sa pagdating ng utos mula sa korte para sa pagpapalaya sa bata, agad
47
namang ibabalik ng center ang bata sa kanyang pamilya at ire-refer sa DWO. Sa oras
na makalabas ng bata sa center, ang responsibilidad ng center sa bata ay malilipat na
sa DWO, kung saan sila na ang obligasyon na tapusin ang sinimulan ng center sa
pamamagitan ng tinatawag na serbisyong “aftercare” (J. Galvez, personal
communication, January 18, 2013).
“Ang district ay hindi na karugtong ng MYRC. Once released, released na talaga.Wala na sa amin yung responsibility. Wala na kameng role doon sa monitoringand aftercare. Nasa district na yun kung saan nakatira yung bata. Kasi nameetna namin dito yung objective namin. So once na lumabas na, district na talagaang may responsibility” (M. Gesolgon, personal communication, January 14,2013).
Magkaiba talaga ang institusyon at komunidad, kung saan mas direkta ang
komunidad. Siya nga, mahalagang magkaroon ng koordinasyon at pagtutulungan sa
pagitan ng mga barangay ng bawat distrito upang maisagawa ng maayos ang samu’t
saring mga serbisyo at programa na inilalaan ng distrito para sa kanila. Magkaiba rin
ang sitwasyon at mga pangangailangan at mga inaalala ng komunidad at ng
institusyon, kung saan mas malawak ang sa komunidad. Bukod sa mga CICL, marami
pa itong ibang programa na kailangang tutukan at isaalang-alang tulad ng mga
pangangailangan sa pamilya, sa mga panahon ng kasakunahan o disaster, at maging
sa pagpapagawa ng mga gusali, at iba pa (C. Sangil, personal communication, January
15, 2013).
Ayon kay Mary Jane Tarala (personal communication, January 10, 2013):
“So far, kung hindi din nila minomonitor yun, siyempre, ‘chain reaction’ lang yan.Mas tataas yung recidivist rate at dito din sa MYRC babalik yung mga bata.Yung mga habitual delinquents namin dadami.”
Ang Sitwasyon ng mga CICL sa MYRC
Ang Mukha ng mga CICL
TAONSa Porsyento (%)
Edad Kasarian15 16-
1718-Up
Babae
Lalaki
2011 20.4 77.1 2.5 2.9 97.1
48
2012 19.7 78.7 1.6 2.8 97.2Table 1. Edad at Kasarian ng mga CICL sa MYRC, 2011-2012
Sa Table 1, ay madali mong makikita ang kabuoang mukha ng mga CICL sa
loob ng center. Dito ay malinaw na naipapakita na kalakhang bahagi ng buong
populasyon ng mga CICL sa loob ng center ay kinukumpuni ng mga lalaki, kung saan
karamihan sa kanila ay may edad na labing-anim (16) hanggang labing-pitong (17)
taong gulang.
Kalikasan ng Pagkakasala o Paglabag saBatas
Porsyento (%)2011
Porsyento (%)2012
1. Crime Against Property 53.0 62.42. Drug-Related Violation 18.2 12.93. Crime Against Person 17.9 11.14. Prohibited Under Special Law 6.7 8.95. Crime Against Chastity 4.7 4.8
Table 2. “Nature of Offense” o Kalikasan ng Kasalanan ng mga CICL sa MYRC, 2011-2012
Maliwanag na ipinapakita sa Table 2, na “crime against property” tulad ng
robbery at theft talaga ang pinakalaganap na paglabag o kasalanan na ginampanan ng
mga CICL sa center, kung saan kinukumpuni nito ang humigit-kumulang limampung
porsyento (50%) ng lahat ng mga kasong paglabag sa batas ng mga CICL. Samantala,
ang “crime against chastity” naman tulad ng rape, ang may pinakamababang porsyento.
TAONTotal # ng
mga CICL na Nakaantala sa
Center
Bilang (#) at Porsyento (%)ng mga
Pagpapalaya o Releases
Bilang (#) at Porsyento (%)ng mga Aktibong Kaso
O Active Cases
2011 453 288 (41.5%) 165 (36.4%)2012 411 262 (63.7%) 157 (38.2%)
Table 3. Bilang ng mga CICL at Porsyento ng mga “Releases” at “Active Cases” saMYRC, 2011-2012
Alinsunod sa mga nakasaad na datos sa Table 3, ay makikita na sadyang mas
lamang at mas malaki talaga ang bilang at porsyento ng mga pagpapalaya o releases
kumpara sa mga aktibong kaso o active cases ng mga CICL. Isa pa, mayroon ding
malaking pagtaas sa poryento ng mga pagpapalaya o releases mula 2011 hanggang
2012. Maaaring ipahiwatig ng ganitong kaganapan na ang kasanayan o efficiency ng
center sa pangangasiwa sa mga kaso ng mga CICL ay taunang bumubuti at umiigi.
Gayon pa man, isa din sa mga itinuturong sanhi ng mataas na porsyentong ito ay ang
49
mataas na bilang ng mga batang umaamin na lamang sa krimen o kasalanang iginigiit
sa kanila, ginawa man talaga nila ang krimen o hindi, kung saan maraming bata ang
nakararanas ng “disempowerment” at kawalan ng tiwala sa buong sistema.
Pagtaas ng Residibismo o Ang Muling Pagkakasala ng mga CICL
TAON Total # ngAdmission
Total # ngReadmission
Porsyente (%) ngReadmission
2010 277 17 5.82011 258 17 6.22012 229 25 9.8
Table 4. “Admission” at “Readmission” Rate ng mga CICL sa MYRC, 2010-2012
Sa Table 4, ay mahihinuha na may malinaw na pagbaba sa bilang ng admission
ng mga CICL sa center. Isa pa, tila mababa rin ang total na bilang ng “readmission” sa
center mula 2010 hanggang 2012. Samantala, kung titingnan naman ang katumbas na
porsyento ng bilang ng readmission sa bilang ng admission bawat taon, ay mahihinuha
na bagaman mababa ang bilang ng admission at readmission ng center ay mayroong
namang maliwanag na pagtaas sa porsyento ng readmission. Sumakatuwid, ang
porsyento ng mga CICL na nagre-recidivate o muling bumabalik sa pagkakasala sa
oras na makalaya o makalabas ng center ay talagang tumataas.
Ang Sitwasyon ng mga CICL sa MDWOs
Mayroong anim (6) na mga DWOs sa Maynila, kung saan ito ay binubuo ng (I)
West Tondo, (II) East Tondo, (III) Binondo, Quiapo, San Nicolas, Santa Cruz, (IV)
Sampaloc, (V) Ermita, Malate, Paco, Port Area, Intramuros, San Andres Bukid, (VI)
Paco, Pandacan, San Miguel, Santa Ana, Santa Mesa, alinsunod sa pagkakasunud-
sunod.
MDWOs DistritoI
DistritoII
DistritoIII
DistritoIV
DistritoV
DistrictVI
TOTAL#
# ng mga Barangay 146 121 127 192 180 139 905Lawak o Laki 4.57 km² 4.08 km² 6.24 km² 5.14 km² 11.56
km²7.79 km² 39.38
km²Populasyon (2010) 418,783 209,323 197,859 241,528 325,028 259,650
# at % ng mgaReleased CICL ng
MYRC (2012)
0 2 0 13 0 2 17
0% 11.8% 0% 76.5% 0% 11.8% 100%
50
Table 5. Bilang ng mga nakalayang CICL mula sa MYRC na nire-refer sa MDWOs
Sa Table 5 ay makikita na hindi gaano kalaki ang bilang ng mga CICL na natu-
turn-over o nalilipat sa kanya-kanyang mga DWOs noong 2012 para makinabang at
sumailalim sa sinasabing “aftercare” na mga serbisyo, kung saan labing-pitong (17)
mga kaso lamang ang kauoang naitala sa katapusan ng 2012.
Makikita dito na ang District IV o Sampaloc ang may pinakamaraming hawak o
sakop na mga barangay sa Maynila at may pinakamalaking bilang ng mga CICL na
nanggagaling sa center at inililipat na sa mga DWOs, kung saan kinukumpuni nito ang
halos 77% ng total na bilang ng mga kasong nailipat sa DWOs. Bukod pa dito, hindi din
ganoon kalawak ang distritong ito, kung saan mayroon itong laki na 5.14 km² at tila
pang-apat lamang sa anim na mga distritong may pinakamalaking lawak o area sa
buong Maynila. Isa pa, ang populasyon ng nasabing distrito ay hindi din ganoon kalaki,
kung saan mayroon lamang itong 241,528 na katao noong 2010 at muli ay pang-apat
sa mga distritong may pinakamalaking populasyon.
Si Julieta Galvez ay nagsilbi sa lokal na pamahalaan ng Maynila ng humigit
kumulang dalawampu’t isang (21) taon. Sa ngayon, bagong-bago pa lamang siyang
kawani sa MYRC, kung saan siya nagsimulang magtrabaho bilang isang Recreation
and Welfare Services Assistant noong 2012. Bago pa man siya pumasok at
nagtrabaho sa center ay matagal-tagal din siyang nagtrabaho sa DWO, partikular na sa
District IV o Sampaloc, kung saan siya nanilbihan ng halos dalawampung (20) taon.
Dahil dito, nang siya ay tanungin ukol sa bilang o dami ng mga social workers na
nagtratrabaho sa distrito at nangangasiwa sa mga CICL, ito ang kanyang isinagot:
“Pinakamarami na siguro yung 7? Minsan lima. Oo, ang konti talaga. Kasi angbarangay, katulad nalang sa Sampaloc ha, 192 barangays tapos 5 lang yungsocial workers mo. Di ba? Kasi hindi lang naman mga ganitong cases anghinahandle ng social workers sa district. Maraming programs and services nahinahawakan” (personal communication, January 18, 2013).
51
Figure 6. Mga Pangunahing Programa ng MDWOs
Bawat distrito ay binubuo ng tatlong (3) team o grupo kung saan nagtutulung-
tulungan ang mga ito sa pangangasiwa at pagsasagawa sa samu’t saring mga
programa tulad ng (1) Children Welfare Program, (2) Family Welfare Program, (3)
Program During Emergencies,at mga (4) Special Projects (Figure 6). Una, ang
Children Welfare Program ay kinukumpuni ng “Early Child Care Development (ECD)” at
“Children in Need of Special Protection” o “Aftercare”. Pangalawa, Ang Family Welfare
Program naman ay binubuo ng iba’t ibang mga programa na ukol sa kabuhayan o
livelihood programs, at sa kapakanan at kabutihan ng mga kababaihan at mga taong
may kapansanan o person with disability (PWO), kung saan kabilang din dito ang mga
“crisis intervention programs” para sa mga informal settlers. Pangatalo, nakalakip
naman sa mga sinasabi namang program during emergencies o mga programa sa mga
di inaasahang oras ng kagipitan o pangangailang ay ang “disaster management
program”. Panghuli, kabilang sa mga sinasabing mga Special Projects ay ang mga
proyekto at programa na nabubuo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa iba’t
ibang mga pampubliko o pribadong mga ahensiya tulad ng UNICEF, Petron, at marami
pang iba.
Kakulangan at “Superficiality” ng Serbisyong “Aftercare” para sa mga CICL
Ang mga MDWOs ang sinasabing may pinaka-kritikal na papel sa buong
“juvenile justice system” ng Maynila sapagkat sila ang may responsibilidad na maglaan
ng pinakahuli at pinakamahalagang serbisyo para sa mga CICL – ang “Aftercare”.
Alinsunod sa Title VI, Chapter 1, Section 56, ng RA 9344 o Juvenile Justice and
52
Welfare Act (2006), na pinamagatang, “After-Care support Services for Children in
Conflict with the Law”:
“Children in conflict with the law whose cases have been dismissed by theproper court because of good behavior as per recommendation of the DSWDsocial worker and/or any accredited NGO youth rehabilitation center shall beprovided after-care services by the local social welfare and development officerfor a period of at least six (6) months.,The service includes counseling andother community-based services designed to facilitate social reintegration,prevent re offending and make the children productive members of thecommunity.” (p.32)
Subalit, tila malimit sa hindi naman din nasusunod ang nakasaad sa batas na
anim (6) na buwan na pagmo-monitor sa mga CICL pagkataopos nilang makalabas sa
center. Nang tanungin si Marietta Gesolgon (personal communication, January 14,
2013) ukol dito, ito ang kanyang sagot:
“Hindi na. Sa dami ng programs, tapos underman pa sila, sa dami ng mga dapattrabahuhin sa district, hindi nagagawa yun.”
Nang tanungin naman si Julieta Galvez (personal communication, January 18,
2013) kung natututukan ba ng MDWOs ang mga nakalaya ng CICL at nabibigyan ng
sinasabing “aftercare services” pagkatapos nilang makalabas sa center, ito ang
kanyang sinabi:
“Hindi. Kasi kulang ng human resources. Kulang sa man power. Kulang talagang social workers kaya kahit hindi ako social worker nau-utilize ako. Yun sa mgafollow-up, sa home-visitation. Tapos walang funding na talagang masusustaindoon sa sinasabi nilang ‘after-care’. Pinapasok lang ang mga programs andservices ng department sa pwede nilang i-avail katulad ng capital-assistanceprogram, educational assistance program, parent effectiveness, skills- training...Limited lang talaga. Eh yung iba naman they don’t want to avail that kind ofservices. Yung mga parents naman ayaw nila nun kasi ‘maghahanap buhaynalang daw sila kasi may mga anak silang papakainin.”
Ayon naman ni Mary Jane Analupa-Benavidez, Acting Psychologist ng MYRC at
dating Focal Person sa District I (personal communication, February 7, 2013):
“Ganito yun, once na narelease yung bata, ang district na ang bahalangmakipagcoordinate sa barangay, sa community, at sa parents. Pero I doubt it nanagagawa talaga yung ganun. Mukhang hindi.”
53
Nang tanungin si “Magno”, ukol sa mga “aftercare services” na ibinigay sa kanya
ng DWOs pagkalabas niya sa center at kung anu ang aktwal na ginagawa dito, ito ang
kanyang pahayag:
“Wala. Tinuturuan lang po. Pinapaattend lang po kami kapag sinasabi. Wala po.Parang iniinterview lang. Pinapasabi po lahat ng ginagawa namin. Pinapasabilang samen kung anong ginagawa namin sa bahay namin. Kinukwento ko langpo. Naglalaro ng basketball, computer. Yun lang po” (personal communication,February 6, 2013).
Nang tanungin naman si Julieta Galvez (personal communication, January 18,
2013) ukol dito, ito ang kanyang isinagot:
“Sa district, nirerequire silang magreport once a month, twice a week..dependesa gravity o attitude tapos nirerequire din silang maggawa ng journal. Yungwriting ano nila, kung ano ginawa mo sa isang araw, nainis ka sa nanay mo kasipinagalitan ka, nainis ka sa kuya mo kasi binatukan ka niya, tinatamad ako gustoko lang matulog..yung mga ganun. Yung mga reflection mo sa araw-araw.”
Siya nga, pinagpatibay lamang ng kanilang mga pahayag na talagang may
pagkukulang sa mga serbisyong “aftercare” na ibinibigay sa mga bata. Hindi lamang ito
kulang at limitado, kundi tila “superficial” at mababaw lamang ang mga ito, kung saan
nagsisilbi lamang ito bilang “band-aid solution” sa tunay na problema ng lipunan.
Ang rehabilitasyon ay isang “two-way” na proseso na kinukumpuni ng institusyon
at ng komunidad. Datapwat, hindi maitatanggi na marami talagang mga pagkukulang
ang sistemang kinapapalooban ng dalawang ito. Bagaman may kagustuhan silang
masugid na matutukan ang bawat isa sa mga CICL at ang kani-kanilang mga pamilya
ay hindi nila magawa dahil sa malaking kakulangan sa pondo, kung saan
nakikipagugnayan sila sa iba’t ibang mga ahensya sa pamamagitan ng “networking”.
Siya nga, na kung madadagdagan man ang pondo ay mas mapapagbuti talaga ang
proseso na nangangasiwa sa mga bata kung saan mas magiging ganap at epektibo
ang pagre-rehabilitate sa kanila (C. Sangil, personal communication, January 15, 2013).
Sadyang limitado talaga ang pondo upang talagang maisagawa ng maayos ang
mga programa at serbisyong mayroon ang mga distrito. At kung magkakaroon ng
karagdagang pondo ay maaaring maging mas maayos at mas epektibo ang mga
programa at serbisyong nito. Sa kaso ng mga CICL, kung saan mas matututukan sila
54
ng distrito, kabilang na ang kanilang mga pamilya, mapapababa o maiiwasan na talaga
ang residibismo o ang muling pagbalik sa pagkakasala ng mga CICL.
INDICATOR #3: “COMPETENT STAFF” O MGA KAWANING MAY KAKAYAHAN
Nagkapaloob at nakatakda sa iba’t ibang mga serbisyo at programa ang mga
empleado o kawani ng center para sa mga kliyente nito. Noong Mayo ng taong 2011,
ang naitalang bilang ng empleado o kawani sa center ay animnapu't siyam (69). Gayon
pa man, ang bilang ng mga kawani o personnel ng center ay hindi palagian o constant,
kung saan maari pa rin itong mag-iba, depende sa mga pangyayari o sitwasyon,
exigency ng serbisyo na nakapaloob sa center, at mga memoranda, proklamasyon, at
special order mula sa puno ng departamento at sa lokal na chief executive. Gayon pa
man, lahat ng mga bagay na nauukol sa mga empleado o mga personnel ay sakop na
ng Civil Service Rules and Regulation, kung saan lahat sila ay pinamamahalaan nito sa
oras na pumasok sila sa serbisyo.
Bilang mga kawani at empleado ng pamahalaan, ang lokal na pamahalaan
mismo na pinamumunuan ng Alkalde ang siyang nagtatakda sa magiging posisyon at
trabaho ng mga kawani. Sa katunayan, ang opisina ng Alkalde ang mismong
nagpapamahagi at nagdedesisyon kung saan itatakda ang mga empleado nito (J.
Tarala, personal communication, January 10, 2013). Bagaman, wala talagang
kapangyarihan o control ang mga departamento na magtalaga ng mga empleado,
ngunit maaari din naman silang magrekomenda sa Opisina ng Alkalde, ayon sa napili
ng departamento. Ayon sa mga itinakdang mga polisa ng Civil Service, ay nagkakaroon
din ng tinatawag na “rotation” ng mga empleado, kung saan maaaring mailipat ang
isang empleado mula sa isang departamento patungo sa ibang ahensiya ng
pamahalaan (C. Sangil, personal communication, January 15, 2013).
Sa pagsisiyasat sa indicator na ito ay magpopokus ang tagapagsaliksik sa mga
partikular na mga kawani na nagkaroon ng mahalagang papel sa buong proseso ng
pagre-rehabilitate sa mga CICL habang sila ay nasa loob pa lamang ng center, tulad ng
(1) Social Welfare Officer V, (2) Social Welfare Officer IV, (3) Social Welfare Officer
I, (4) Psychologist II, at (5) Household Attendant I.
55
TITOLO O POSISYON PAGKAKALARAWAN SA TRABAHO(Mga Katungkulan at Responsibilidad )
1. Social Welfare Officer V o “Officer-In-Charge”
Nangangasiwa sa mga administratibo at teknikal naaspeto sa loob ng center; Nagpaplano and gumagawa ngmga polisa at patakaran; Nakikipag-ugnayan sa mgapampubliko at pampribadong mga ahensya; Naghahandaat nagpapasa ng mga report;
2. Social Welfare Officer IV o “Supervisor”
Tumutulong sa Social Welfare Officer V sa paggawa atpagsagawa ng mga polisa at patakaran ng center;welfare programs in the community; Nakikipag-ugnayandin sa mga pampubliko at pribadong mga ahensya;
3. Social Welfare Officer I o “Social Worker”
Nangangasiwa sa mga “interview” o panayam,homevisits, at mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang aspetong mga aktibidad na ukol sa “social welfare”;Naghahanda sa mga kasong pinangangasiwaan;Nagsasagawa ng mga “social assistance”; Naghahandaat nagpapasa ng mga report;
4. Psychologist II o “Acting Psychologist”
Nangangasiwa sa mga panayam atnakikipagugnayan/nakikipagtulungan sa social worker,houseparent, at sa pamilya ng bata; Nagsasagawa ng“psychological test” sa mga CICL ng center; Nagbibigay-pakahulugan at tinatasa ang mga report;
5. Household Attendant I o “Houseparent”
Pinupunan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal napangangailangan ng bawat ward; Ginagampanan angmga “housekeeping activities” o mga aktibidad namagpapanatili sa kaayusan at kalinisan ng mga wards;Nangangasiwa sa mga aktibidad ng mga CICL, sapamamahagi ng mga pagkain at mga pagsasanay ukol saetiketa o etiquette;
Table 6. Mga “Job Descriptions” ng mga Titolo/Posisyon ng mga Kawani/Staff ng Center
Malinaw na naipakita sa Table 6 ang mga partikular na tungkulin ng bawat
posisyon ng mga kawani sa loob ng center, alinsunod sa mga itinakda ng MDSW, kung
saan bawat posisyon o trabaho ng mga napiling mga kawani ay tunay nang mahalaga
sa pagsasagawa sa pang-unang bahagi ng proseso ng “rehabilitation” sa center.
Ang Social Welfare Officer V o ang “Officer-in-Charge” ay mayroong mahalagang
papel na ginagampanan sa loob ng center. Ayon sa “Manual of Operations” ng center,
ang pangunahing responsibilidad ng Head o Officer-in-Charge ng center ay ang
pagsasagawa ng pangkalahatang pamamahala o pangangasiwa sa lahat ng mga
gawain ng mga kawani nito, kung saan kabilang na rito ang pisikal na kondisyon ng
center at ang mga CICL. Sa MYRC, ang kasalukuyang nakatalaga sa posisyong ito ay
56
si Mary Jane Tarala. Ang posisyon naman ng Social Welfare Officer IV o Supervisor ng
Center ay ginampanan naman ni Marietta Gesolgon. Ang posisyon naman bilang Social
Welfare Officer I o Social Worker sa Center, ay kinukumpuni ng labing-isang (11) katao,
kung saan isa sa mga ito ay “unregistered”.
Si Mary Jane Analupa-Benavidez naman ang pansamantalang umuupo bilang
“Acting Psychologist” ng center. Kaya “Acting Psychologist” ang tawag sa kanya dahil
mayroon talagang “Psychologist” na may hawak nung position na pansamantalang
naka-assign sa ibang lugar. Ayon sa kanya (personal communication, February 7,
2013), ang mga tungkulin at aktwal niyang ginagawa sa center bilang “Acting
Psychologist” ay ang sumusunod:
“Ang pinakatrabaho ko talaga is magfacilitate ng mga newly-admitted na CICL.So pagmay mga pumasok na mga CICL na bagong pasok, nagaadminister akong interview, psychological testing, tapos ako na din ang gumagawa lahat ngreports na yun then afterwards bibigyan ko yung mga social worker. Pangalawa,naghahandle rin ako ng mga estudyante na gustong magundergo ng training.”
Isiniwalat naman Susana Bartolome (personal communication, January 15,
2013) ang tungkulin na ginagampanan niya bilang Houseparent ng center:
“Kapag oras ng duty, babantayin mo yung bata, titingnan mo kung yungginagawa sa loob ay mali. Pagsasabihan. Uutusan maglinis ng dorm nila. Tapostingnan tingnan sila.”
Kakulangan sa mga “Training” at mga “Seminar” para sa mga Tagapangasiwa
Sa proseso ng pakikipagpanayan ng tagapagsaliksik sa mga kawani ng center at
ng MDSW, aking namasid at napagtanto na bagaman may pagkabatid o awareness
naman sila ukol sa mga partikular na mga batas na nakasaad sa kanilang Manual of
Operations na nagsisilbing gabay nila sa pamamalakad ng center, ay hindi ganap at tila
limitado at kulang-kulang pa rin ang kanilang kaalaman ukol dito.
“Siyempre responsibility ng mga staff na maging knowledgeable sila sa batas. Attsaka, after mong magundergo ng orientation at mapunta ka na dito once namaging social worker ka na, dapat aware ka sa function mo, in whichresponsibility mo ding magbasa, magtanong kung kinakailangan” (M. Gesolgon,personal communication, January 14, 2013).
57
Tunay ngang maaaring maiugnay ang kulang at limitadong kaalaman ng mga
kawani at tagapamahala ukol sa batas, partikular na sa RA 9344, sa papunti na
paunting bilang ng mga “training” at “seminar” na ipinagkakaloob ng lokal at nasyonal
na pamahalaan para sa mga empleado at mga kawani na kumumpuni sa “juvenile
justice system” ng Maynila.
“Nung onset ng RA 9344, nagkaroon sila ng mga massive, pati sa mgabarangay, meron silang ganyan. Ang Department of Social Welfare andDevelopment (DSWD) nga yung nagbibigay sa amin. From the city of Manila,wala. Wala kameng so much for the training. “Rider” lang kame sa nationalgovernment kasi part ng kanilang technical assistance ay yung provision oftraining. Kaya with the limited provisions of training, ang nangyayari, kapag mayavailable na training, paisa-isa, padalawa-dalawa. Nagrere-echoing nalangkame. Halimbawa, may pinaattend kame na dalawang participants. They aresuppose to re-echo” (C. Sangil, personal communication, January 15, 2013).
Ayon kay Julieta Galvez (personal communication, January 18, 2013):
“Actually, ngayon nga mga limited na yung mga seminars namin, unlike nungmga before. Mga 10 years ago. Social workers ang nagaavail ng mga seminars.Siguro mga 5 to 6 a month. Ngayon a year, siguro swerte ng maka-dalawa.Parang wala na nga akong halos na naririnig na nagse-seminar. Tapos ang slotpa ay limited. Actually dati, tatlo to apat na social worker per district kapag mayseminar. Ngayon hindi na eh. Parang dalawa o isa nalang. Dati may re-echo.Parang wala na din ngayon. Parang wala nakong naririnig. Kasi ako lucky akokasi kahit hindi ako social worker, nakakaattend ako ng mga seminars.”
“Nung bagong panganak palang siya, sagana kami sa seminars noon. I haveattended seminars na within and outside Manila. Somehow meron naman akongknowledge doon” (M.J. Analupa-Benavidez , personal communication, February7, 2013).
“Nagkaroon ng rigid trainings and seminars about RA 9344. Considering nasensitive itong mga hahawakan ng social workers dito, so definitely kailangantalaga yun. Previously, regular pero habang tumatagal medyo hindi na. Yungmga previous years, group kami, kung saan nakasama yung buong MYRC staff.Pero ngayon, may representative nalang kami tapos nagrere-echo nalang. Dapatkung may naattend-an kang seminar, ire-echo mo. Ikaw din magseseminar sakanila. Last year, nagkaroon pero more on doon nalang sa mga bago. Binibigyannaman namin sila ng pagkakataon” (M. Gesolgon, personal communication,January 14, 2013).
Kakulangan sa mga Kawani: Sanghi ng “Case Overload” at “Staff Flexibility”
58
Malinaw na talagang may pagkukulang sa bilang ng mga empleado o kawani sa
loob ng center, partikular na ang mga social worker at mga houseparent. Dahil dito ay
malimit na nasusunod ang mga nakatakadang “standards” sa aktwal na
pangangasiwa/pamamahala doon. Sa katunayan, may ulirang “ratio” na nakatakda para
sa mga social workers, kung saan bawat isa sa kanila ay nararapat lamang mangasiwa
ng sampu hanggang labing-limang mga kaso ng CICL. Sa masamang kapalaran ay
malimit yung nangyayari, kung saan kadalasan ay lumalagpas pa sa dalawampu ang
mga ito. Dahil sa malinaw na pagkukulang na ito, tila ang mga empleado o staff na
mismo ang naga-adjust o nakikibagay sa pamamagitan ng pagiging “flexible” at
“versatile” (C. Sangil, personal communication, January 15, 2013).
“Siyempre, always priority yung mga bata, protection kami eh. Always priorityyan, kaya nga yung sinasabi kong flexibility, kelangan marunong kamingmagsource-out, magnetwork, para ang mga bata ay nabibigyan namin ng iba’t-ibang programa, hindi lang galing dito sa DSW.”
“Underman kami kasi sa accreditation, supposedly 1 to 15, pero ang hinahandleng social worker 20 to 25” (M. Gesolgon, personal communication, January 14, 2013).
Sa pagpapatuloy ni Mary Jane Tarala:
“Oo, kulang sa staff pero siyempre hindi naman kami pwedeng magrequest ngmagrequest kasi marami ding factors and limitations na kelangang iconsider.Pero nagiging enough naman kasi yung mga social workers kasi, althoughmayroong non-registered, nagtutulungan lahat, even yung legal assistant, andkahit yung iba na hindi social workers. Lalo na kapag nakita ko a napakarami nang batang pinapasok dito, tapos matumal yung leave or releases. Kasi nagrerelylang kame ng release sa court. So kapag tingin ko kelangan nila ng assitance,inaalalayan ko na din. Ang main goal kasi ng center is for it to not be “congested”by fast-tracking cases with regards to legal matters, maipagmamalaki namin yun.Kasi dati, yung population ng mga CICL sa MYRC, umaabot ng halos 300.Compared noon, ngayon halos kalahati nalang so napakaliit na talaga. Kasi theactual capacity of our center is only 100 so hangga’t maaari nagfafast-trackkame ng cases. Halos namamaintain na namin yung average number na 150CICL in the center. Siyempre, hindi mo naman mahahawakan yung pasok, yungadmission. It is how you handle the case na fafast-track niyo siya. As atemporary shelter for the CICL, it is our role to efficiently handle the cases of theCICL. Eh kung marami na at hindi na umaalis yung mga bata, edi hundi na siyatemporary kaya kailangan our clients come and go” (personal communication,January 10, 2013).
59
Ayon kay Julieta Galvez, dahil sa kakulangan sa bilang ng mga social workers sa
center ay mas madalas na humihigit sa “standard ratio” na 1:15 o labing-limang kaso sa
bawat isang social worker, ang pinapangasiwaan niya. Kumpara sa dami at bigat ng
trabaho na ipinapataw sa kanila, ay tila napakaliit talaga ng kanilang sinisweldo.
“Minsan kasi may hearing sa umaga yung social worker, tapos may hearing ulitsa hapon so paano mo din ididivide yung sarili mo nun di ba. Minsan iba’t-ibangcourt, sabay-sabay, same time. Iba’t-ibang bata. Kasi nga kulang sa socialworkers. Imagine, may isang social worker humahawak ng 27 cases, iba’t-ibangkaso. Tapos meron pa siyang court hearing. Tapos may isang court, humihingina naman ng feedback ng case. Ang liit lang ng sweldo kumpara mo sa bulk ngtrabaho” (personal communication, January 18, 2013).
“Sa amin, beyond ng control namin kasi we are relying on the decision of thecourt kaya kung tumagal man siya dito ng two years, siguro lapses na din ngcourt yun. So kung irerelate mo yan sa effectiveness, the fact na ano, siyempre,ang amin kasi hangga’t maari hindi kami congested. Hindi na din nagigingeffective yung trabaho mo kung yung place ay congested. Andyan yung maysakit sila. Factor din yan. Kaya kung tumagal yung case sa court, apektado dinang ano namin kasi ang aming population ay dadami. Kasi ang ina-eye naminsana ay 1:15 sa accreditation e kung tumagal, hindi naman namin pwede ilipatna walang order. Talagang may effect” (J. Tarala, personal communication,January 10, 2013).
Makikita din sa center na mayroong malinaw na kakulangan sa bilang ng mga
houseparent na namamahala sa mga ward/dorm sa loob ng center. Ayon kay Susana
Bartolome, isa sa mga houseparent ng center, na umaabot sa dalawa ang mga dorm na
binabantayan at inaasikaso niya.
“Superficiality” o Kababawan ng mga Programa at Serbisyo
Hindi masyadong nakatutok at tila napakaraming butas o pagkukulang ang
buong “juvenile justice system” na nakapaloob sa lunsod ng Maynila, kung saan tila
“superficial” lamang ang ipinagkakaloob nitong mga serbisyo at programa para sa mga
pangunahing stakeholders ng sistema. Sa katunayan, ang pangunahing dahilan sa likod
ng “superficiality” na ito ay maliwanag na kakulangan sa pondo na maiuugnay din sa
pagkakaroon ng kakulangan sa manpower, mga kagamitan, epektibong estratehiya, at
coordination/cooperation sa pagitan ng mga pangunahing mga ahensya ng pamahalaan
na nakapaloob sa nasabing sistema.
60
“Yung mga programs na ino-offer namin ay superficial. Mababaw lang yun..Dalawa kasing bagay yan eh. Effectiveness, yung impact yung kukunin mo eh,kung tumalab ba yung programa namin sa bata. Tapos efficiency, kung nagawamo ba yung mga trabahong pinapagawa sayo. Kung nadeliver yung serviceskaagad. May output. Dito, hindi mo pa makikita diyan yung effectiveness ngrehabilitation program, after a while mo pa makikita yoon.. Siguro yung efficiencyng program namin, ng staff, ng service-delivery namin. Dahil nga we are ableto...Flexible and resourceful kami. If you are able to deliver kung ano yungexpected sayo. Superficial lang” (C. Sangil, personal communication, January15, 2013).
Isa pa, napakahalaga din na matutukan talaga ang mismong mga pamilya ng
mga bata sapagkat sila talaga ang puno ng problema at nagsisilbing pundasyon para sa
kanilang mga anak na nangangailangan ng maayos at matuwid na paggabay mula sa
kanila, upang maiwasan ang iba’t ibang mga problema sa hinaharap. Siya nga, dahil sa
dami ng mga programa at mga serbisyo na pinangangasiwaan ng mga distrito at sa
walang sawang kakulangan sa pondo, ay tila hindi na talaga nila matutukan ang mga
problemang ito (C. Sangil, personal communication, January 15, 2013).
“ Superficial” o Mababaw na “Counseling Services”
Sa center, hindi lang ang mga CICL ang nakakatanggap ng mga serbisyong
counseling mula sa mga social workers. Pati na rin ang mga magulang ng mga ito ay
nakakatanggap din, bago o pagkatapos ng pagdalaw nila. Subalit, tila ang mga
serbisyong counseling na ipinagkakaloob ng center sa mga pangunahing stakeholders
ay “superficial” o mababaw lamang.
Dito kina-counsel din naman namin ang mga magulang. Kino-counsel ng mgasocial workers, kapag dumadalaw sila. It’s either before silang dumalaw sa anaknila or after. They have to report to the social worker kung anong napagusapanninyo ng anak mo, anong sinabi ng anak mo. Wala, tinatanong lang namin. Okamusta na ang pamilya mo? Yung anak mo ba nakakapag-aral din ba? Kapaglumabas yang anak mo, kumbaga tutukan mo na ha...In any way, kasi ngakinakausap namin sila. “Kapag lumabas ka na, dapat ganito na ang buhay mo.Sayang.” Ganun-ganun. Parang we serve as “parents” din nila (J. Galvez,personal communication, January 18, 2013).
Nang tanungin si “Magno”, isang CICL na tatlong beses ng nakabalik sa center
dahil sa pagre-recidivate sa pamamagitan ng paulit-ulit na pangho-holdup, ukol sa
61
serbisyo at programang ipinagkakaloob ng center sa kanila sa loob, ito ang kanyang
sinabi:
“Yung ibang mga bata po kasi dito, kapag tinuturuan o pinagsasabihan, papasoksa tenga, tapos lalabas sa kabila. Hindi naman po nila pinapakinggan. Kasikapag sinasabihan sila, parang wala na eh. Gagawin lang nila ulit. Marami na rinpong balik-bayan dito eh” (personal communication, February 6, 2013).
INDICATOR #4: “ADEQUATE BUDGETARY SUPPORT” O SAPAT NA
BADYET/SUPORTANG PINANSYAL
Ang badyet ng lokal na pamahalaan ay isang detalyadong plano sa kung paano
balak gugulin ng lokal na pamahalaan ang mga pondo nito, alinsunod sa mga layunin,
pangangailangan, at mga priorities nito. Ang mga lokal na mga kasangguni o mga
councillors ng City Council ang may pinakamalaking responsibilidad para sa mga
ginagawang desisyon sa proseso ng pagba-badyet, sa loob ng sector committees at sa
council o kapulungan sa kabuoan.
Ang “Fiscal Decentralisation Strategy” ay nagbibigay ng mas malaking flexibility
at autonomy para sa lokal na pamahalaan sa paggawa nito ng mga pagpapasya sa
pamamahagi ng gugol, mas pinalaki nito ang flexibility o pakikibagay sa sitwasyon, at
mas mabuting sistema na makakatulong sa lokal na pamahalaan sa pagpasya ng mga
programa at pamuhunan na alinsunod sa mga pangangailangan at mga priorities. Sa
pagkakaroon ng panibagong flexibility sa proseso ng pagba-badyet, tila mas naging
importante naman ang proseso ng “prioritisation”. Ang “Prioritisation” ay isang proseso
ng pagkilala sa mga “unfunded priorities” at paguukol ng pera upang matugunan ang
mga ito, alinsunod sa mga “inter-sector priorities”. Ang lokal na pamahalaan ay
mayroon ng kapangyarihan sa pagpaplano at pagba-badyet, kung saan ang kanilang
mga plano at badyet ay nararapat na maaninag ang mga priorities at mga layunin na
sinimulan o inumpisahan sa nasyonal na mga polisa, mga plano at mga badyet. Siya
nga, ang pagpapalano at budget cycle ay nararapat na nakaakma o nakalapat sa
nasyonal na pagpapalano at budget cycle. Sa katunayan, ang badyet ay napakahalaga
sa pagiging epektibo ng pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga programa.
62
Bukod pa rito, ang badyet ng lokal na pamahalaan ay binubuo ng (1) recurrent
budget at ang (2) capital development budget. Ang recurrent budget ay isang
pampinansyal na plano para sa pagpapalakad ng araw-araw na kinabihasnan na mga
programa sa loob ng pamahalaan. Samantalang ang capital development budget
naman ay isang badyet para sa mga pinamumuhunang pagkilos o gawain tulad na
lamang ng pagtayo ng mga eskwelahan at health centers, kabilang na rito ang
pagsanay sa mga guro at mga nars. Sa pamamagitan din ng nabanggit na estratehiya,
ay maaaring mailipat ang pondo mula sa sentral na pamahalaan sa pamamagitan ng
Recurrent at Development Transfer Systems.
Ang Buong Proseso ng Pagba-badyet ng Lokal na Pamahalaan
Ang buong proseso ng paglalaan ng badyet ng lokal na pamahalaan ng Maynila
ay itinatatag ng City Council ng lunsod, kung saan ito ay nagsisimula ng Oktubre at
nagtatapos ng Hunyo sa susunod na taon. Alinsunod sa paliwanag ni Evangelina
Madria (personal communication, March 15, 2013), Administrative Officer II ng MDSW
na isa sa mga nangangasiwa sa pagyari ng badyet ng MDSW taon-taon, ang payak at
mas maiksing paliwanag para sa buong proseso na napagdadaanan ng badyet ng
bawat departamento ng lokal na pamahalaan bawat taon ay ang sumusunod:
“Nagsisimula ang budget process sa pagkakaroon ng ‘budget deliberation’ kungsaan magseset ang city ng meeting para itackle yung budget niyo. Kasama ditoyung mga staff ng City Budget Office, City Treasurer, City Administrator. Tapos,susunod na dito yung ‘Budget Hearing’, kung saan kasama na yung City Council,Department Heads and Assistant Heads. Dito ipe-present yung ‘budgetproposal’. Then, ita-tackle kung okay ba yun ‘proposed budget’ niyo at kung kayabang ibigay ng City. Kapag sinabing okay antayin mo nalang pagkalabas ngbudget.‘Budget Preparation’ starts in July while Budget Hearing’ occurs inNovember. Then by January, supposedly, lalabas na yung official budget ng city.Pero kapag nagkaroon ng delay of approval, reenacted budget muna ang pagba-basehan. Naibibigay naman yung budget by January pero madalas ay reenactedlang talaga. Sa huli, ang City Council ang magfo-forward ng proposed budget ngcity sa Department of Budget and Management (DBM).”
Sa katunayan, ang prosesong ito ay binubuo ng tatlong (3) pangunahing mga
yugto: (1) Paghahanda para sa “budget process” o proseso ng pagba-badyet, (2)
paghahanda ng “budget framework paper” ng lokal na pamahalaan, at ang (3) pag-
tapos at pag-aproba ng mga “annual workplans” at “badyet” (Figure 7).
63
Figure 7. Tatlong (3) Yugto sa Proseso ng Paglalaan ng Badyet ng Lokal na Pamahalaan
UNANG YUGTO: Paghahanda para sa “Budget Process” o Proseso ng Pagba-badyet
Ang buong proseso ng pagba-badyet ay magsisimula sa Budget Committee, napinangungunahan ng Finance Commission. Di magtatagal ay magkakaroon ng isang “NationalBudget Conference”, kung saan pag-usapan ang mga national priorities, overall sector budgetceilings, at ang sector allocations ng lokal na pamahalaan. Susundan ito ng mga “RegionalFramework Paper Workshops” na siyang nagbibigay-alam sa mga indibidwal ng lokal napamahalaan ukol sa “budget ceilings” para sa recurrent at development grants na nakalaanpara sa mga myembro ng Budget Desk, puno ng mga departamento, at mga pangunahingpolitiko. Sa loob ng isang linggo ng nasabing workshop, ay nararapat na makapaghanda na ng“Budget Call” ang Budget Desk na siyang ipapakalat sa lahat ng mga stakeholders na kasapisa proseso ng paghahanda ng badyet.
PANGALAWANG YUGTO: Paghahanda ng “Budget Framework Paper”
Nagsisimula ang yugtong ito sa pamamagitan ng paghanda sa mga inputs ng sektor atng mga LLG para sa “Development Plans”, kung saan kikilalanin ng mga LLG ang mgapinamumuhunan o investments. Pagkatapos ay ihahanda na ang mga “Development Plans”tulad ng Sector Development Plans” at “Development Budget”. Pagkatapos ay ihahanda namanng mga Sector Departments ang mga input para sa “Budget Framework Paper” ng lokal napamahalaan. Pagkalipas nito ay itatala ng mga Sector Committees ang sector input sa “BudgetFramework Paper” at “Development Plan”. Ang output mula sa mga miting ng SectorCommittee ay isusuko sa Budget Desk para sa paglipon nito sa draft o burador ng “BudgetFramework Paper” at “Spending Options Table”, kung saan pagtutugmain dito ang mga“unfunded priorities” at ang mga “priority areas” na isinawalat sa “Budget Call, kabilang na angmga posibleng mapagkukunan ng pondo upang punan ang mga priorities na iyon. Ang planningunit naman ang siyang magkukumpleto sa paglilipon sa burador ng District Development Plan.Ang mga ito ay isusuko sa Technical Planning Committee kung saan ito ay pagtatalunan. Sapagtutulungan ng lupong ito at ng Budget Desk ay sasailalim sa isang “technical examination”,kung saan sisiguraduhin nila na ang mga badyet proposal at makatotohanan at alinsunod samga polisa ng council, maaaring mapagkukunan, at ng pambansang polisa. Di magtatagal aymagkakaroon naman ng “Budget Conference”, kung saan ang budget framework paper angmagsisilbi bilang gabay ng council sa buong proseso. Ang magiging output ng paguusap na itoang siyang magsisilbing tuntungan ng Budget Desk sa paggawa nito ng final draft ng budgetframework paper at sa paghanda ng “Medium-Term Budget” na siyang ipapakita sa ExecutiveCommittee”. Pagkatapos ng finalisation ng budget framework paper, ay isusuko na ito sa“Ministry of Finance, Planning, and Economic Development”.
Ang yugtong ito marahil ang pinakamahalaga sa buong proseso ng pagba-badyetsapagkat dito nagkakaroon ng pinakamalawakang pagsasangguni sa budget strategy oestratehiya ng badyet ng lokal na pamahalaan, kung saan ginagawa rin ang prioritisationng mga gugol o expenditures. Ang proseso ng “Sector Prioritisation” at pagtakda ng“performance targets”, katabi ng proseso ng pagpa-plano ng Lower Local Government
64
(LLG), ay makakatulong upang ipinagbigay alam ang proseso ng prioritisation naisinagawa ng Council sa “Budget Conference”.
PANGATLONG YUGTO: Pag-tapos at Pag-aproba ng mga Taunang “Workplan” at Badyet.
Sisiyasatin ng “Ministry of Finance, Planning, and Economic Development” ang mgapapeles ukol sa budget framework at ang mga burador ng badyet ng lokal na pamahalaan, kungsaan ang huling budget ceiling ay itatakda. Pagkatapos matanggap ng ministro ang mgakomento at final budget ceilings, ipinagbibigay alam ng Budget Desk sa mga puno ng mgadepartamento at sector committee, at LLG ng mga pagbabago sa pinayagan o pinahintulutang“ceiling” para sa kanilang huling input sa proseso. Sisiyasatin ng mga sector committees angpang-unang burador ng taunang workplan at badyet. Sa tulong ng Budget Desk ay tatapusin nang Executive Committee ang taunang workplan at burador ng badyet na babasahin sa “CouncilMeeting”. Sa miting na ito, ang Council Chairperson ay maglalaan ng “development plan” attaunang workplan at badyet sa kapulungan. Ang meeting na ito ang nagbibigay ng oportunidadpara sa lahat ng mga councillors upang makipagtalo ukol sa badyet. Kung posibleng maresolbaang mga isyu ukol sa badyet, ang badyet ay maaprubahan mismo sa miting. Kapag hindinaman, nararapat itong maresolba sa loob ng tatlong (3) buwan, na susundan ng pagapruba sabadyet. Ang Council Chairperson ang pipirma sa naaprubahang badyet, kung saan ang kopyang naaprubahang badyet ay isusuko sa Full Council o ang Ministry of Finance, Planning, andEconomic Develoment at ang Finance Commission ng lokal na pamahalaan. Ito angmaguudyok sa pag-gugol ng pondo ng sentral na pamahalaan patungo sa lokal na pamahalaansa susunod na pampinansyal na taon.
Ang Badyet ng MDSW
Nakasaad sa General Fund Executive Budget ng lunsod ng Maynila, na ang
total na badyet ng lunsod, na sadyang malimit namang magbago, ay PHP 9.2 bilyon.
Kabilang sa buong proseso ng pagtatalaga ng badyet ng lunsod ay ang City Council at
ilan sa mga miyembro ng civil society. Gayon pa man, ang MDSW ay pinamumunuan
ng Opisina ng Alkalde o ng Office of the Mayor, kung saan iisa lamang ito sa samu’t
saring mga institusyon na sakop ng lokal na pamahalaan. Bagaman may kalayaan ang
departamento na gumawa ng panukala o proposal nito ukol sa magiging badyet o
pondo na ninanais nito para sa susunod na taon, ang huling desisyon kung aaprobahan
o tatanggihan ba ito ay nasa mga kasangguni o councillors pa din ng City Council na
nasa ilalim ng Opisina ng Alkalde.
Nang tanungin si Evangelina Madria (personal communication, March 15, 2013)
ukol sa proseso ng paglikha sa badyet ng departamento:
“Kapag sa department kasi, gagawa ka ng ‘budget proposal’ kung ano yung mganeeds ng departamento niyo. Gagawa ka ng ‘comparative analysis’, between theprevious and currently proposed budget. So mageestimate ka ngayon for 2013.
65
Ano ba yung mga needs nila? Humingi ako ng 11% sa salary para sa 351 naempleado ng department. Ito yung standardization naming na dapat ibigay.Ngayon, reenacted budget pa kami ng 2012. Ang naapprove samen ay yungmandatory increase sa salary na ibinibigay sa mga empleyado. Yung sa part-time, hindi na ako humingi ng increase kasi nga depende sa availability ng citykung kayang ibigay di ba. Ico-comparative analysis mo lang ito, yung pagpo-propose mo, yung paghingi ng budget. Para kung maapprove man yun, meronkaming mapagkukunan ng budget” (E. Madria, personal communication, March15, 2013).
TAON Total na Badyet(in millions of
pesos)
Porsyento (%) ng Totalna Badyet ng Lunsod
2011 123.0 1.32012 144.9 1.62013 158.1 1.7
Table 7. Kabuoang Badyet ng MDSW, 2011-2013
Makikita sa Table 7 ang malinaw na pagbabago sa laki ng badyet ng MDSW
mula 2011 hanggang 2013, kung saan mapapansin na progresibo ang pagtaas ng
badyet ng departamento bawat taon. Isa pa, kung titingnan naman ang kanang bahagi
ng table, ay mapapansin na tila progresibo rin ang pagtaas ng porsyento ng total na
badyet ng lunsod bawat taon. Sa katunayan, kinukumpuni nito ang halos dalawang
posyento (2%) ng total na badyet ng lunsod.
Ngunit nang tanungin ang Assistant Head ng MDSW na si Celerina Sangil
(personal communication, January 15, 2013) kung sapat ba ang badyet na nakukuha
nila mula sa lokal na pamahalaan bawat taon, ito ang kanyang sinabi:
“Hindi enough yung funding dito sa department. Lagi namang bottom-line yung‘funding’. Kahit dagdagan ka pa ng dagdagan ng pondo, hindi enough. Nothing isenough. Pero sinasabi ko nga sa’yo, hindi natin mapeperfect yung funding. Kayalang yung sinsasabi nga natin na flexibility and adjustment, andun yun. SaMYRC, food, tapos yung utilities, electricities, water, yung placement ng mgabata doon, networking with different entities, manpower. Magkano nalang yungmga pagkain ng mga bata ngayon. Isang ward, magkano yan. Yon. Ang laki ngcost ng maintenance. Sahod ng mga tao doon. Malaki yun. Wala kaming controlkasi mga pondo yung nirerequest nila eh. Eh very specific ang funds ng DSW,lalo na physical improvement, wala kaming pondo para doon kaya itataas naminyung request. We are in reality. Alam naman namin yung bureaucracy.Siyempre, kung ano yung priority ng city government, yun yungmabibigyan ng pondo.”
66
Ang Badyet ng MYRC
Sapagkat ang MYRC ay nasa ilalim lamang nang pamamalakad ng MDSW, ang
departamento ang may pangunahing responsiblidad at direktang kapangayarihan na
pangasiwaan ang center. Bukod dito, may kakayahan ang departamento na magtakda
sa badyet ng center at magpasya kung ilang bahagi o porsyento ng total na badyet o
pondo ng buong departamento ang ilalaan para sa center; bagaman, nagpapasa rin
ang center ng kanilang “budget proposal” o financial plan alinsunod sa mga partikular
nilang pangangailangan at kakulangan, nasa MDSW pa rin ang huling desisyon kung
aaprobahan ba ito o hindi. Tila kawangis ng kaganapang ito ang nararanasan ng
departamento sa ilalim ng opisina ng Alkalde, partikular na ang City Council, na siyang
nagtatakda ng badyet ng bawat departamento at ahensyang nasa ilalim nito, kung saan
ang huling desisyon ay nasa kanya.
Ang buong pampinansiyal na prosesong nakapaloob sa center ay naaayon sa
“General Accounting and Auditing System”, kung saan mayroong “Budget and
Accounting Section” ang center na siyang naghahanda sa lahat ng mga vouchers o
mga botser at iba pang mga dokumento para sa mga payables, kung saan kabilang na
rito ang mga peyrol o pay rolls ng mga empleado, at nagtatago sa mga tala na
kinapapalooban ng mga paggamit sa pondo at ang mga balanse nito. Bukod dito,
gumagawa rin ang center ng work and financial plan, annual procurement plan on
subsistence, at report on liquidation of donations. Isa pa, ang center ay nakakatanggap
din ng pinansiyal na suporta mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO),
United Nations Children’s Fund, Virlanie Foundation, at iba pang mga ahensya na
nagkakaloob o donor agencies.
TAON Total na Badyet(in millions of
pesos)
Porsyento (%) ngTotal
na Badyet ng MDSW
Porsyento (%) ng Totalna Badyet ng Lunsod
2011-2013 13.0 9.1 0.1Table 8. Kabuoang Badyet ng MYRC, 2011-2013
Makikita sa Table 8, na halos walang pagbabago sa total na badyet ng MYRC
mula 2011 hanggang 2012, kung saan constant lamang at hindi nagbabago ang laki
nito, kung ihahalitulad ito sa badyet ng MDSW na progresibong tumataas bawat taon.
67
na siyang direktang nangangasiwa sa center at nagtatakda ng kanilang badyet. At kung
susuriin naman kung ilang porsyento ang badyet ng center sa total na badyet ng
departamento at ng lunsod ay makikita na talagang napakaliit nito. Sa total na badyet
ng MDSW, siyam na porsyento (9%) lamang ang kinukumpuni ng center, habang wala
pang isang porsyento (1%) naman ng total na badyet ng lunsod.
“Yung sa local government, di ba nakalagay sa batas, na dapat may 1% naiaallotfor the funding of the center, pero wala. Walang budget eh, kasi manggagalingyung 1% na yun sa barangay. Kasi yung mga clients namin galing din sabarangay, barangay case din yang mga yan. Kaya dapat itong center namin naito, may part din kame doon sa kanilang income. We make various efforts inorder to solicit the funds from those barangays, pero hindi din nila maentertainkasi kulang rin ang pondo ng bawat barangay. Another instance, may isangconsituent na nahuli na mula sa ibang municipality na nahuli dito sa jurisdictionng Manila, tapos naadmit at nadetain dito. Dapat may babayaran rin ang localitynoon. Hindi din naman nasusunod yun” (J. Tarala, personal communication,January 10, 2013).
Alinsunod naman sa sinabi ni Mary Jane Tarala (personal communication,
January 10, 2013), nang tanungin ukol sa pondo na inilalaan ng lokal na pamahalaan
sa center:
“Kung dedepende talaga kame sa local government, kulang talaga. Kasi angbinibigay lang ng local government is yung provision ng food, electricity,maintenance, staff. Other than that, sa ibang NGOs na yun. Kasi kung kukuninmo lang yung per capita namin, lalung-lalo na sa food, ay aabot lang siya ngmga 35 pesos per capita. For example, may budget kame tapos biglang bumabayung number ng population namin. Yung ibang budget, napupunta yan sa ibanginstitutions namin. Hindi namin magiging savings yun kasi general siya under ngDSW. Nakaapportion yan sa iba’t ibang institutions but then may sobra ka,ibibigay mo dun sa iba. Yan ang tinatawag na “budgetting”. Kaya nga tinawag nabudget yan eh, para pagkakasyahin mo eh. Kung sufficient yung binigay, ediwalang problema. Siguro ang pinakamalaking problema ng center ay financially.Sometimes, marami kang plans pero hindi mo materialize because of thefinancial aspect.”
Ayon kay Celerina Sangil (personal communication, March 15, 2013) nang
tangunin siya kung may kaugnayan ba ang mababang “prioritisation” na inilalaan ng
lokal na pamahalaan sa center, na makikita sa mababa at tila hindi nagbabagong pondo
na itinatakda ng departamento para dito, at ang mababang pagtingin at
pagpapawalang-halaga sa mga CICL at sa mga pangangailangan nila:
68
“Hindi naman siguro kasi nga sector lang siya eh, kung ikukumpara mo dun sahealth problems, sa education problems. Kasi marerelate ko yung paggawa ngbudget with politics eh. Kapag tiningnan mo yung political side non, mas masmarami ang may need ng health and educatio, ikumpara mo dun sa proportionng CICL, pero nakikita mo naman dun sa center na multi-service rin angbinibigay doon eh. Kaya yung inaapprove nilang budget for health and educationnapupunta rin sa center indirectly, parang ganun.”
ANG MUKHA NG MGA “STAKEHOLDERS” NG MYRC
Pagtingin ng mga Tagapangasiwa ng ukol sa mga CICL
Ang mga CICL ay kadalasanang tinitingnan bilang “problema” o “salot” ng
lipunan dahil sa samu’t saring mga paglabag na isinasagawa nila at perwisyo na
inihahatid nila sa mga tao. Sa katotohanan, sila ay mga “biktima” lamang ng kalunus-
lunos na pagkakataon at masalimuot na kapalaran. Maraming salik ang maaaring
isaalang-alang sa pagtingin sa problemang ito, kung saan maaari itong maiugnay sa
kabulukan na namamalagi sa ating lipunan, na dulot ng hindi maiwaksing “kahirapan”.
Siya nga, hindi ang bata ang tunay na problema ng lipunan. Ang tunay na problema ng
lipunan ay naka-ugat sa kani-kanilang mga tahanan o pamilya, sapagkat totoong nasa
mga mga magulang talaga ang pangunahing responsibilidad na pangalagaan at tutukan
ang kanilang anak. Siya nga, napakalaki ng maaaring maging implikasyon o epekto ng
ganitong pangyayari sa hinaharap at kinabukasan ng lipunan kung kaya’t hangga’t
maaga pa ay mahadlangan at mapigilan na upang hindi na ito pa maging cycle.
“They’re a societal problem because the root of them having been placed in thatsituation is rooted in the family. Responsibilities of child-rearing is really lodgedon both the mother and the father. We have to strengthen family as a basic unitof society. And they have to be addressed properly by the government, by allstakeholders including the children themselves. If we will not give emphasis toearly childhood care, proper child-rearing, CICL will persist. Mga biktima talagayang mga yan eh” (C. Sangil, personal communication, March 15, 2013).
Ayon naman kay Mary Jane Tarala (personal communication, January 10, 2013):
“Ako kasi kung titingnan ko, yung mga bata kulang sila sa pansin. Sila yung mgabata na, mahal sila ng magulang, kaya lang ang naging values ng magulang is tosurvive kaya hindi sila nagkaroon ng quality time. Sila yung batang talaganghindi napapansin because of poverty. Ang target lang ng magulang is para silaay mabuhay, yung sa basic needs lang, pero hindi na nila masyadong
69
napapansin yung ano iba pang pangangailangan. Hindi na nila napapasin kungmay problema yung anak nila. Kung baga, yung priority ng ibang parents is tosurvive. Hindi nila alam ang dapat gagawin nila at ang tunay na obligasyon nilasa kanilang anak.”
Alinsunod naman sa pahayag ni Julieta Galvez (personsonal communication,
January 18, 2013):
“Ano sila stubborn, at saka aloof. Siguro akala nila kasi porket kinukulong mosila, inaapi na sila. O kaya isa ka dun sa mga nag-aano sa kanila,nananakit...ganun. Pero kapag nakuha mo na naman yung trust nila, okaynaman sila. Minsan, nga nanlalambing pa. Kasi naman in the long-runmarerealize din nila na hindi kami kaaway. We are the protectors.”
Kadalasan, ang pagtingin ng lipunan sa mga CICL ay masama, kung saan
samu’t saring mga “label” o bansag ang agad na ibinabato sa kanila at kadalasan nga
ay kinatatakutan pa sila. Sa kasawiang palad, may mga pagkakataon din na mismong
“pamilya” na nila, na siyang dapat kumukupkop at umiintindi sa kanila, ang mismong
nagla-label at humuhusga sa kanila. Kung kaya, ito talaga ang nagsisilbing malaking
hamon para sa mga social workers (M. Gesolgon, personal communication, January 13,
2013).
Sa loob ng center ay makikita na agad sa proseso ng pagtatalaga sa mga bata
sa kani-kanilang mga ward o dorm ng mga bata, na patay-pantay talaga ang pagtingin
at pagtrato ng mga tagapamahala o kawani sa mga batang pinapasok sa center, kung
saan hindi nila hinuhusgahan ang mga ito alinsunod sa uri o klase ng kasalan o
paglabag na nagampanan ng mga ito sa labas. Sa katunayan, ang pagtingin nila sa
mga batang ito ay inosente, sa kadahilanang hindi pa naman napapatunayan na sila ay
talagang maysala.
“Lahat ng cases nila are considered as ‘alleged crimes’, hindi pa talaga provenna sila ay criminals. Hindi pa proven na lahat ng prima-facie evidence aynandyan. Kaya nga they are still undergoing trial. Kahit pa murder or rape payan, sometimes kasi ang reason behind sa crime is dahil nadadamay lang onasasama sa isang group of individuals. Hindi porket nakasama siya sa isangkrimen, ay siya na talaga ang may kagagawan ng krimen na yun. Kahit murder,or double murder pa yung kaso, wala kameng pakialam doon. Hindi pa talagasiya proven. Hindi pa siya closed-case” (J. Tarala, personal communication,January 10, 2013).
70
Sa pagpapatuloy naman ni Marietta Gesolgon:
“They are innocent unless proven guilty by the court. Alleged lang yun eh, courtlang yung makakapagpaprove na guilty sila. Tsaka ang unang depensa talagayung social worker eh. Kami ang unang abogado. Mga social workers tumatayobilang unang abogado. Security ng bata is responsibility talaga namin. Kayahindi basta-basta nakakapasok kahit sino, unless...family. And ang dapat napinaka-bumisita sa mga bata is family, immediate family” (personalcommunication, January 13, 2013).
Karaniwang Larawan ng Isang CICL: Ang Kwento nina “Magno” at “Jm”
Sina “Magno” at “Jm”, ay dalawa lamang sa napakaraming mga kabataan na
nagsisilbing mga “biktima” ng tila masalimuot na kapalaran na nagdala sa kanila sa
center.
/
/
71
Si “Magno” ay tatlong beses nang ibinalik sa center dahil sa paulit-ulit napanghohold-up, kung saan labing-limang (15) taon lamang siya noong una siyangipinasok sa center noong 2010. Ayon sa kanya, ang una niyang paglabag ay dahil saimpluwensiya ng mga barkada nito, ang pangalawa at pangatlo naman ay dahil sakanyang asawa na nangailangan ng panggamot sa hika o asthma at dahil din sapangangailan ng pambayad para sa inuupahang tirahan nang magtanan sila ngkanyang asawa.
Cagayan ang probinsya ng kanyang pamilya. Bukod dito, magkasama pa rinang kanyang mga magulang hanggang ngayon. Ang kanyang ama ay nagtatrabahobilang isang technician at ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho bilang isangvendor. Paminsan-minsan ay nag-aaway rin ang mga ito sa tuwing walang naiuuwingpera ang kanyang ama. Dahil namatay yung dalawa, sampu nalang silangmagkakapatid, kung saan siya ang pangatlo mula sa bunso. Sa kanilang sampu ay iisalang ang nag-aaral habang yung iba ay may asawa na. Sa katunayan, wala pa sakanila ang nakakatapos ng kolehiyo. Sa edad na labing-walo ay may asawa na si“Magno”, kung saan legal lamang sila sa panig ng babae, kung saan kasalukuyansilang nakikitira sa bahay ng biyenan nito sa Quiapo. Dahil sa maagang pag-aasawaay hindi na din niya napagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Malinaw rin ang kapabayaanng magulang sa kanya.
Sa kasalukuyan ay halos mag-iisang taon na din siyang namamalagi sa center.Dahil sa tagal ay tila napagnilayan na din niya ang kamalian ng kanyang ginawa.Marami na din siyang natutunan sa loob, kung saan natuto siya magbasa ng bibliya atmaglinis. Bukod dito, dahil bihira na din siyang bisitahin ng kanyang pamilya sa center,ay tila malinaw ang pangungulila niya sa mga ito. Kung kaya nagdesisyon na din si“Magno” na umamin nalang sa kanyang paglabag upang agad nang masimulan angkanyang pagsisilbi sa kanyang sentensya sa NTSB sa Tanay, Rizal upang di magtagalay makalaya na muli at makasama ang kanyang pamilya.
Si “Jm” ay dalawang beses nang ibinabalik sa center dahil sapaggamit ng ipinagbabawal na droga. Sa ngayon ay labing-walong taon nasiya, kung saan labing-limang taon lang siya noong una siyang ipinasok sacenter.
Patay na ang kanyang ina at may bagong asawa naman ang kanyangama. Ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang taga-walis ng kalye o street-sweeper. Lima silang magkakapatid, kung saan ang dalawang sa pinakabataang mga anak ng kanyang ama sa bago nitong kinakasama. Sa kanilang limaay isa lamang ang nakakapag-aral at tatlo sa kanila ang nagsipag-asawa na.Kabilang na si “Jm” sa mga maagang nag-asawa sa kanilang magkakapatid,kung saan sa edad na labing-lima ay nag-asawa na din ito. Sa kasalukuyanay nakatira siya kasama ng kanyang lola sa San Andres, Maynila dahil sapagtakwil at pagpapalayas sa kanila ng kanilang “step mother” o madrasta satahanang pagmamay-ari mismo ng kanyang ama. Bagaman pinupunan namanng kanyang ama ang pinansiyal nilang pangangailan, ay tila malinaw pa rinang kapabayaan nito sa ibang mahahalagang aspeto.
Simula noong labing-tatlong (13) taong gulang pa lamang siya ay hindina niya nakasama ang kanyang mga kapatid dahil nang umuwi ang mga ito saprobinsiya nila sa Ilo-ilo. Sa kasalukuyan ay wala na din siyang balita sa mgaito at halos dalawang buwan na din siyang hindi binibisita sa loob ng center.Bukod dito, hindi na siya binibisita ng kanyang mga kuya dahil sa galit sakanya nang malulong siya sa bisyo. Tumigil na din siya sa pag-aaral nangsiya’y pitong taong (7) gulang pa lamang upang matulungan ang kanyang lolasa paghahanap-buhay. Di nagtagal ay naging drayber siya ng pedicab sa mayHarrison, kung saan siya naimpluwensiyahan ng mga barkada na gumamit ngdroga sa halagang limampung piso (50). Noong simula ay dalawa sila nanahuli ng mga pulis, ngunit nang magmakaawa sa kanya ang mga magulangng ka-asunto niya sa kadahilanang ayaw nilang masira ang pag-aaral nanganak, ay naawa siya dito at mag-isa niya nalang na inako ang kasalanan.
Sa halos anim na buwan na din niyang pamamalagi sa loob ng center,ay marami na siyang natutunan at napagnilay-nilayan sa loob. Ayon sa kanya,sa loob niya talaga mas nakilala at mas napalapit sa Panginoon, kung saannatuto siyang magbasa ng bibliya at magdasal. Bukod pa dito, ramdam naramdam na niya ang matinding pangungulila sa pamilya. Dahil dito, aynapagdesisyunan na niyang umamin nalang sa kasalanang ginawa paramasimulan na ang pagsisilbi sa kanyang sentensiya sa NTSB, at kapagnatapos na niya ito ay muling makabalik sa kanyang pamilya sa labas.
Siya nga, maraming pagkakataon ang nagpapatunay na ang kahirapan o
poverty, bilang isang laganap na isyu ng lipunan, talaga ang nangunguna sa mga
72
pangunahing salik ay mayroon talagang napakalaki at napakahalagang papel sa
pagkakasala ng mga CICL, ngunit hindi din naman sa lahat pagkakataon ay talagang
may kasalanan at “guilty” ang mga batang ipinapasok dito. Pangalawa ay ang
pagkakaroon ng sira o dysfuntional na pamilya, kung saan malaki talaga ang nagiging
epekto nito sa kabataan. Kadalasan, nagdudulot ito ng iba’t ibang problema sa kanila;
datapwa’t, may mga ibang bata na wala talagang kakayahan o sadyang hindi lang
talaga alam kung paano niya maihahayag ang kanyang nararamdaman, lalo na kung
ang mga magulang nila ay “authoritarian” at napakastrikto. Dahil dito, sila ay mas
napapalapit sa mga barkada kaysa sa mismo nilang mga pamilya, at dito na sila
natututo ng samu’t saring mga bisyo at mas napapalapit sa kapahamakan (J. Tarala,
personal communication, January 10, 2013).
Sa pagpapatuloy ni Mary Jane Tarala:
“Minsan may mga magulang din, if we believe na wala silang ‘parental capacity’,hindi namin binibigay sa magulang kasi kung magiging pabalik-balik lang dito diba. Kesa naman ibabalik namin sa family. And then wala naman yung family,magiging burden lang sa kanila at magiging part na rin siya ulit ng problema ngsociety. Kaya nga hangga’t magagawa namin ang makakaya namin para sakanila, ginagawa namin” (personal communication, January 10, 2013).
Sa pahayag ni “Magno”:
Nung pangalawang laya ko po, dun na po ako tinuruan ng tatay ko saelectronics, mag-ayos ng cellphone. Ganun. Tapos nung sumama na po ako sapagtratrabaho kasama ng tatay ko, parang pumasok sa isip ko na parang maskonti pa yung kinikita ko sa isang linggo sa kinikita ko dati nang isang araw. Kasinapagod ako nun eh. Ang dami naming ginawa, tapos konti lang yung kinitanamin, 350. Kaya dun po ako nabadtrip. Kaya iniwan ko na po yung trabaho nayun, tapos nagpunta nalang po ako sa mga kabarkada ko po. Sinama ko po silapara mang-holdup. Dati ako po sinasama, ngayon ako na sumasama sa kanila(“Magno”, personal communication, February 6, 2013).
“Disempowerment” ng mga CICL at Kakulangan sa “Accountability” ng Sistema
May mga pagkakataon na inaamin na noong bata yung krimen o paglabag na
ginawa, hindi dahil ginawa niya talaga ang krimen na iginigiit sa kanya, kundi dahil tila
gusto niya nang pagsilbihan ang kanyang sentensya at makalaya o makalabas na.
Kapag ang CICL ay umamin at siya ay lalaki, mapupunta siya sa National Training
School for Boys (NTSB). Samantala, kapag siya naman babae, sa “Marllac” naman sa
73
Alabang siya dadalhin. Ang dalawang institusyong ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng
DSWD. Sa katunayan, kahit lumagpas pa sa labing-walong taong gulang ang CICL na
hinatulan, basta menor siya noong ginampanan niya ang kanyang paglabag o
pagkakasala, sa NTSB o Marillac siya dadalhin at hindi sa National Bilibid Prison
(NBP), sapagkat ang malinaw na nakasaad sa batas na “at the time of the commission
of the crime”.
“Actually meron tinatawag nating retroactive effect ng batas. So marami kamingbata dito, ‘at the time of the commission of the crime’ ay minor sila, taposdumating sa point that it took them, halimbawa, 4 years. Ang basis kasi ngdesisyon is at the time of the commission of the offence so minor siya. Sotalagang entitled pa siya ng RA 9344. So kung meron mang sentensya,suspended pa din” (J. Tarala, personal communication, January 10, 2013).
Ang NTSB ay isang malawak at bukas na lugar na may mababa lang na bakod,
kung saan maaring nang simulan ng nahatulang CICL, alinsunod sa utos ng korte, ang
pagsisilbi sa kanyang sentensya. Hindi katulad sa center na nagsisilbi lamang bilang
pansamantalang tahanan para sa mga CICL, ang NTSB ay nagbibigay ng pagkakataon
sa mga CICL na kumita kahit kakaonti sa pamamagitan ng mga livelihood programs nito
kung saan pwede silang makapagtanim. Bukod dito ay may mga educational services
ding ibinibigay ang NTSB sa mga CICL. Samantala, ang mga babae naman na
napupunta sa isang institusyong pambabae sa Alabang. Di maitatanggi na ang
sentensya na ipinapataw sa mga CICL ay talagang nakadepende sa kalikasan ng
kasalanan o paglabag na ginampanan nila (J. Tarala, personal communication, January
10, 2013).
Dahil nakapaloob sa ibang LGU ang NTSB, ang lokal na pamahalaan ng Maynila
ang siyang nagbabayad sa “Cost-Care” ng mga kabataan na napupunta doon na
nanggagaling sa lunsod (M. Gesolgon, January 14, 2013).
Alinsunod sa mga pahayag nina “Magno” at “Jm”:
“Bibiyahe na po akong Tanay. Inamin ko na po eh. Kasi one year na din po akodito eh. Para po matapos na din po. Para po makasama ko na din po yung mgapamilya po kung sakali pong alam ko na po kung kelan ako lalaya. Kapagnatapos na po yung sinintensya o hatol saken, yun makakasama ko na po ulityung pamilya ko” (“Magno”, personal communication, February 6, 2013).
74
“Aamin na po ako eh. Aaminin ko na po tong kaso ko. Tapos ba-byahe na poakong Tanay. Ayoko po dito eh. Gusto ko po sa Tanay. Kasi kapag natapos kona yung sentensya ko at makalabas na’ko sa Tanay, makikita ko na ulit yungpamilya ko. Tapos, maganda din naman po doon. Napapaarawan po sa init. Lagilang po kasi kaming nasa loob dito. Natutulog lang po kasi ako diyan. Mahirapdin po kasi dito eh. Kasi po kapag inantay ko pa po yun, puro buwan-buwan poaabutin non. Kasi nakakailang hearing na po ako eh” (“Jm”, personalcommunication, February 6, 2013).
Ayon sa pahayag ni Melinda Tabaculde, Social Welfare Officer I ng MYRC, ang
Manila City Jail (MCJ) maaaring ding maihalintulad sa MYRC, kung saan nagsisilbi rin
ito bilang pansamantalang lugar para sa mga taong naglilitis at nag-aantay sa
pagpapasya ng korte; datapwat, ang MCJ ay para lamang sa mga adult o mga taong
may edad na 18 pataas. At sa oras na mahatulan na sila, imbes na sa NTSB sila
dadalhin, ay sa NBP na (personal communication, February 6, 2013).
Mga Pagninilay-nilay ng mga CICL sa Loob ng Center
“Hindi ko na po uulitin. Marami na din akong naranasan dito eh. Hindi ko na dinnakakasama pamilya ko. Isang taon na ngang hindi ko nakasama pamilya ko eh.Itong pangatlong huling-huli, talagang tumagal po ako, dun ko lang po talaganarealize na mahirap talaga mahiwalay sa magulang. Minsan po, nalulungkot poako. Minsan po nagi-guilty po ako sa nagawa ko. Tapos lagi ko pong naiisip mgapamilya ko eh. Gustung-gusto ko po kasi talaga makasama pamilya ko eh.Sinasabi ko sa sarili ko na dapat hindi ko nalang ginawa yun. Narealize ko nakahit na konti-konti lang yung kinikita, mas okay naman kasi wala akongtinatakbuhan, wala akong kinakatakutan. Narealize ko na saglit mo nga langmakukuha yun pera, pero saglit lang din mauubos yung pera” (“Magno”, personalcommunication, February 6, 2013).
“Hindi na po ako babalik sa bisyo ko. Hindi ko na po uulitin. Magbabago na poako. Kahit yayain o pilitin pa ako ng mga kaibigan ko, hindi na po ako sasama.Ayoko ng bumalik sa gawain ko’. Magbabago na po ako, parang kailangan ko napo talagang kalimutan lahat ng bisyong pinasukan ko po talaga. Eh sa problemanga po. Pagkadating ko po dito. Dito ko lang naisip na mali pala yung nagawako. Narealize ko na hindi basta-basta yung lagi kang pasok ng pasok sa bisyo.Di mo agad naiisip kung saan mapupunta yung ginagawa mo. Ayun, naisip ko podito yung ginawa ko po dati. Ilang beses ko po inisip yun. Hindi ko dapat ginawa.Nagawa ko po yun, kaya kailangan ko pong pagbayaran yun” (“Jm”, personalcommunication, February 6, 2013).
“Narealize ko na kahit bata pala, pwedeng mapunta sa ganitong lugar. Kayahindi pala pwedeng basta-basta gumawa ng mga ganun, kuwari, manghohold-upka” (“Greg”, personal communication, January 18, 2013).
75
Kahirapan at Kawalan ng Hustisya: Ang Kwento nina “Daisy” at “Salvacion”
Bukod sa pagiging mag-kumare, sina “Daisy” at “Salvacion” ay mga magulangdin ng tatlong (3) menor na ipinasok sa MYRC dahil sa pagkakasungkot ng mga ito saisang kagulugan o “group riot” sa Pandacan, Maynila, kung saan sila nakatira. Bukodsa parehas silang nanggaling sa mahirap na pamilya, parehas din silang hindinakatapos ng pag-aaral at maagang nag-asawa. Kung kaya’t sa kasalukuyan ay sabaynilang hinaharap ang masalimuot na “bangungot” ng realidad ng buhay, kung saan anghustisya o “justice” ay tila ipinagkakait sa mga mahihirap at mangmang na katulad nila.
Lima ang mga anak ni “Daisy”, kung saan dalawa sa mga itoang kasalukuyang nasa loob ng center na sina “Boy” at “Dan”. Si “Boy”ay labing-limang taong gulang pa lamang, habang si “Dan” naman aylabing-pitong taong gulang. Bukod dito, wala pang nakakapagtapos ngkolehiyo sa mga anak niya dahil maagang nag-asawa iba sa mga ito.Ang kanyang asawa ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isangkarpentero sa Bulacan, kung saan nagiging sapat naman ang kinikitanito para sa pang-araw-araw nilang gastusin. Samantala, si Daisynaman ay nagsisilbi bilang isang “housewife”. Parehas sila ng kanyangasawa na hindi nakatapos ng kolehiyo, kung saan highschool lamangang natapos ng kanyang asawa habang elementary naman angnatapos niya. Ang iba sa kanyang mga anak ay nakatira at nagaaral saCavite, kasama ng kanilang lola.
Sa isang linggo ay tatlong beses na binibisita ni Daisy, kasamaang kanyang kumare na si Salvacion, ang center upang bisitahin atdalhan ng mga pagkain ang mga anak nila sa loob. Siya, kahit malayoay nagtiya-tiyaga ang mga ito sa pagnanais nilang makita ang kanilangmga anak. Tulad ng kanilang mga anak na tila nahihirapan na din saloob ay hindi naging madali ang kaganapang ito para sa immediatefamily nila, kung saan sila ang lubhang naapektuhan sa nangyari,lalung-lalo na ang kanilang pamumuhay kung saan hindi makapasok satrabaho ang kanyang asawa dahil sa paglalakad ng mga papeles parasa paglabas ng mga anak. Dahl sa kaganapang ito ay mas nagingmahigpit na si Daisy sa bunso nitong anak.
/
/
76
Isa naman sa tatlong mga batang nasa center ang labing-pitong gulang na anak ni “Salvacion”, na si “Jake”, kung saanpangatlo ito sa pitong niyang mga anak. Lahat ay nag-aaral subalit,nagloko naman nasabing anak sa pag-aaral nito nang ito aymapasama sa barkada.
Hindi na din nakatungtong ng kolehiyo si Salvacion, kungsaan hayskul lang ang natapos niya. Dahil dito ay tila mas nagingmahirap para sa kanya ang paglakad sa mga papeles ng anak dahilnga sa mababa nitong anatas na tinapos sa pag-aaral. Dahil maykatandaan na at sakit sa pandinig ang kanyang asawa, ay halos siyana ang tumatayo bilang ina at ama ng kanyang mga anak, kung saanmasugid itong nagtitinda ng gulay sa kalye araw-araw para lamangmaguwi ng perang pambili ng pagkain at pagpapaaral sa kanyangmga anak. Malinaw na di hamak na mas mahirap ang kanyangsitwasyon, kumpara kay Daisy na may katuwang at katulong namansa buhay. Totoo ngang hindi biro para sa kanya ang pagsabayin angpagbenta ng gulay sa umaga at pagbisita sa kanyang anak dito sacenter nang halos araw-araw. Kung kaya’t minsan ay tinutulungan nasiya ng kanyang anak sa pagbebenta kung saan ito angpansamantalang pumapalit sa kanya.
Dahil sa kahirapan at kawalan ng kakayahang bayaran angiba’t ibang halaga na hinihingi sa kanya ay hindi agad na naaregloang kaso ng kanyang mga anak. Sa pulis palang ay dalawampunglibo na agad ang hinihingi sa kanya, na tumaas pa sa limampung libonang nasa center na ang bata.
Sa kasalukuyan ay masugid silang nagtutulungan, hindi lamang sa paghanap ng
pagkain na maibibigay sa mga anak nila, kundi pati na din sa pagaasikaso sa mga
papeles na kailangan ng kanilang anak para makalabas na sa center. Ayon sa kanila,
maayos naman daw ang proseso sa loob ng center, kung saan nagkaroon ng
“orientation” sa pagpasok nila at tila maayos naman din ang pakikitungo sa kanila ng
mga social workers. Subalit, hindi maitatanggi na talagang nakakapagod at
nakapakahirap ng pinagdaraanan nila sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga anak na
nahihirapan sa loob. Totoo nga na ang paghihirap ng kanilang anak ay paghihirap din
nila.
77
KONKLUSYON
Sa pag-aaral na ito, ay sinuri ang antas ng pagiging epektibo ng center sa
pamamagitan ng pagtingin sa uri ng “governance” o pamamahala na namamamlagi sa
loob ng institusyon, kung saan hinati ito sa “good” at “bad” governance. Mayroong apat
na partikular na mga indicator na itinakda upang masabing mayroong “good
governance” na namamalagi sa center tulad ng (1) clear policy guidelines o malinaw na
gabay sa pamamahalakad, (2) facilitative organizational structure o nakakatulong na
balangkas ng kapisanan, (3) competent staff o empleado o kawaning may kakayahan,
at (4) adequate budgetary support o sapat na badyet o pampinansyal na tulong. Gayon
pa man, ipinagpapalagay din sa pag-aaral na ito na mas mataas ang antas ng pagiging
epektibo ng center kung mayroong mabuting pamamahala o “good governance” na
namamalagi sa institusyong ito, kung saan maayos nitong napupunan at natutupad ang
bawat isa sa itinakdang mga indicator nito.
Sa pang-unang indicator na itinakda, ay nahinuha na mayroong maayos,
malinaw, at detalyadong gabay sa pamamalakad ang center sa pamamagitan ng
masususing pagtingin at pagsiyasat sa Manual of Operations nito, na nagsisilbi bilang
opisyal na gabay ng mga kawani sa pamamalakad nila sa institusyon, kung saan
nakasaad ang mga Vision and Mission, mga pangunahing layunin, mga “guiding
principles” o mga prisipyong nagsisilbing gabay, mga partikular na karapatan ng mga
CICL o mga kliyente nito, mga partikular na polisa na nangangalaga sa kapakanan ng
bata, mga serbisyo, mga programa, at mga aktibidad na ipinagkakaloob ng center, at
ang buong proseso ng pagtanggap at pagpalaya ng sa mga CICL. Datapwat, malinaw
na mayroon pa ding samu’t saring mga kakulangan ang center sa aspetong ito, kung
saan kabilang na dito ang mga sumusunod: (1) Maliwanag na pagkakaroon ng
kakulangan sa bilang at klase ng mga programa at serbisyong ipinagkakaloob sa mga
CICL na mahalaga para sa proseso ng pagbabagong-buhay nila, tulad na lamang ng
social service, medical service, at ang special education program, at ang (2) pagiging
lipas na sa moda ng mga programa at aktibidad na inilalaan ng center para sa mga
CICL, kung saan tila hindi na angkop ang mga ito sa kasalukuyang hilig o gusto ng mga
kabataan.
78
Sa pangalawang indicator naman na itinakda, ay maipapalagay sa pamamagitan
ng pagtingin sa buong “juvenile justice system” ng lunsod ng Maynila at ang iba’t ibang
mga ahensya na nakapaloob dito, na tila hindi gaanong facilitative o nakakatulong ang
kasalukuyang organizational structure o balangkas ng kapisanan na nakapaloob sa
sistema ng lunsod upang mas pagbutihin ang gawa o performance ng center at
pataasin ang pagiging epektibo nito, dahil sa samu’t saring mga “gaps” o butas na
nakapaloob sa buong sistema nito katulad na lamang ng: (1) kakulangan sa
pagtutulungan at pakikipag-ugnayan sa pagitan at sa gitna ng mga ahensiyang ng
buong sistema na nangangasiwa sa buong proseso ng rehabilitasyon ng mga CICL, (2)
kakulangan sa “monitoring” ng central office sa mga aktibidad, pangangasiwa, at
progreso ng mga ahensyang pumapailalim dito – MYRC at MDWOs at kung maayos ba
nitong nagagamapanan ang partikular nitong mga tungkulin para sa pagiging epektibo
ng buong sistema sa pagbabagong-buhay ng mga CICL, at ang (3) kakulangan at
“superficiality” o kababawan ng mga inilalaan na serbisyong “aftercare” para sa mga
CICL na responsibilidad ng mga MDWOs.
Sa pangatlong indikasyon na itinakda, ay nahinuha na bagaman may kakayahan
naman ang mga kawani at mga empleado ng center upang pangisawaan ang mga
CICL, hindi maitatanggi na may (1) kakulangan pa din sa mga kakayahan at kaalaman
nila dulot ng kakulangan at tila pababa na pababang bilang ng mga inilalaang mga
“training” at “seminar” na inilalaan ng lokal na pamahalaan para kanila upang gawing
mas epektibo ang pangangasiwa nila sa mga CICL sa loob ng center. Pangalawa, dahil
sa (2) malaking kakulangan sa bilang ng mga kawani o empleado ng center dulot ng
sinasabing kakulangan sa pondo ay mas nadaragdagan at bumibigat ang mga
trabahong binabalikat ng bawat isa sa mga kawani, lalung-lalo na ng mga social
workers na kadalasan ay nakararanas ng tinatawag na “case overload” o sobra-sobrang
kaso ng mga batang pinangangasiwaan, na siyang tumutulak sa mga kawani upang
maging mas flexible at versatile nang sa gayon ay magampanan at matugunan pa rin
ang kani-kanilang mga tungkulin. May mga pagkakataon na ang mga social workers ay
tinutulungan na rin ng iba pang mga kawani na hindi social worker upang kahit papaano
ay mapagaan ang kani-kanilang mga tungkulin. Siya nga, ang malinaw na kakulangan
sa bilang ng mga kawani ay nagdudulot din ng (3) kakulangan sa maayos na
79
pagsasagawa o pagsasakatuparan sa mga programa at serbisyo ng center para sa
mga CICL, kung saan dahil dito ay tila nagiging “superficial” o mababaw nalang ang
mga ito.
Sa pang-apat na indicator na itinakda, malinaw na ipinakita na sadyang hindi
sapat, kung saan may malinaw talagang pagkukulang sa badyet o suportang
pampinasyal na nakukuha ng center mula sa lokal na pamahalaan, partikular na mula
sa MDSW na siyang direktang nangangasiwa at nagtatakda sa taunang badyet ng
center. Kung masugid na sisiyasatin ang badyet ng MDSW at ng center, malinaw na
makikita na bagaman progresibo ang pagtaas ng badyet ng MDSW, ay nananatiling
constant o walang pagbabago naman sa badyet ng center. Dito mahihinuha na tila
mababa talaga ang “priority” na inilalaan ng departamento at maging ng buong lokal na
pamahalaan para sa nabanggit na institusyon na kinapapalooban ng mga CICL.
Napatunayan sa pag-aaral na ito na ang ugat ng kahinaan ng “juvenile justice
system” sa lunsod ng Maynila ay ang pagkakaroon ng hindi ganoon kaayos na
pamamahala na namamalagi sa buong sistema at sa bawat nauugnay na ahensiyang
bumubuo dito, kung saan samu’t saring mga kakulangan at mga problema ang
nakapaloob dito. Ang buong sistema ay nagsisimula sa pinakataas – Office of the
Mayor o Opisina ng Alkalde, hanggang sa pinakababa – MDWOs. Sa katunayan, ang
mga itinakdang mga indicator sa pagkakaroon ng “good governance” sa center ay
maaari ring mai-apply sa mga MDWOs, kung saan bagaman mayroon mga partikular
na pagkakaiba sa proseso at mga inilalaang programa at serbisyo, ay makikita na halos
magkaparehas lang rin ang mga problema at kahinaang kinakaharap ng mga ito, tulad
ng kakulangan sa mga programa at serbisyo at sa maayos na pagsasagawa nito,
kakulangan sa pakikipagugnayan sa ibang ahensiya na nakapaloob sa sistema,
kakulangan sa mga kawani, at “superficiality” o kababawan ng serbisyong “aftercare” –
bilang pinakahuli at pinakamahalagang yugto na ipinagkakaloob sa mga CICL, kung
saan ang palagiang “bottom-line” ay ang kakulangan sa pondo na inilalaan ng lokal na
pamahalaan.
Tunay ngang mahihinuha mula sa pananaliksik na ang salik na may
pinakamalaking papel sa likod ng pagkakaroon ng hindi ganoon kaayos na
80
pamamahala na nakapaloob sa sistema ay ang sinasabing kakulangan sa pondo na
nagmumula sa Office of the Mayor o Opisina ng Alkalde, kung saan ito rin ang
tinuturong sanhi ng iba’t ibang mga problema na pumapaloob sa buong sistema.
Napatunayan din sa pag-aaral na ito ang katotohanan sa likod ng kasabihan na
“kung ano ang puno, siya rin ang bunga”, sa pamamagitan ng pagtingin sa uri ng
pamamalakad na mayroon ang bawat ahensya. Sa pamamagitan nito ay napatunayan
na ang uri ng pamamahala na mayroong ang “puno” o ang ahensiya na nasa
pinakataas ng buong sistema – ang Office of the Mayor o Opisina ng Alkalde – ay
masasalamin din sa uri ng pamamahala na mayroon ang samu’t saring mga ahensya
na sumasailalim dito, kabilang na dito ang MDSW, MYRC, at mga MDWOs.
Sapagka’t nasa ilalim lamang ng pamamahala ng MDSW ang MYRC at mga
MDWOs, maipapaliwanag ng ganitong relasyon ang hindi ganoon kaayos at kanais-nais
na pamamahalang namamalagi sa center at mga MDWOs na siyang nagiging sanhi o
dahilan ng progresibong pagtaas ng “recidivism” o muling pagkakasala ng mga CICL na
nakakalabas mula sa center taun-taon. Sumakatuwid, masasabing hindi ganoon ka-
epektibo ang center sa paghahanda sa mga CICL para sa kanilang muling pagbalik sa
lipunan bilang “socially-functioning” na mga indibidwal.
Sa kabuoan, maliwanag ding naipakita na ang mga “gaps” o butas na bumabalot
sa buong sistema ay dulot ng pagkakaroon hindi ganoon kaayos na pamamahala na
namamalagi dito, na siyang nagiging sanhi o dahilan ng mga isinaad o isiniwalat na
mga problema at kahinaan na makikita sa loob ng center. Sa katunayan, ito rin ang
dahilan sa likod ng pagkakaroon ng isang “juvenile justice system” na nakapagbibigay
lamang ng isang “band-aid” na solusyon sa tunay at matagal ng suliraning kinakaharap
ng lipunan – kahirapan. Siya nga, hindi tamang ilaan lamang ang sisi sa mga CICL at
tingnan sila bilang mga problema ng lipunan sapagkat sila ay pawang mga biktima lang
din ng isang bulok at butas-butas na sistema na kinapapalooban nating lahat.
81
MGA REKOMENDASYON
Malinaw na naipakita sa pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
maayos na pamamahala o “good governance” sa buong “juvenile justice system” ng
lunsod ng Maynila upang maging epektibo ito sa pangangasiwa sa pagbabagong-buhay
ng mga CICL at sa pagbaba, hindi lamang ng total na bilang ng mga krimeng
isinasagawa ng mga kabataan, kundi pati na rin ng mga kabataang nagre-recidivate o
muling nagkakasala. Sa pagsasagawa sa mga pangunahing layunin nito, isa sa mga
salik o indicator na kinakitaan ng malaking kaugnayan sa uri ng pamamahala ay ang
inilalaan na pondo, kung saan ito ang kadalasang itinuturong ugat o sanhi ng kahinaan
ng bawat ahensiya at ng sistema sa kabuoan. Dahil dito ay mahalagang mabigyan din
ng sapat na pokus at empasis ang badyet ng umiikot sa buong sistema.
Una sa lahat, mahalagang mas pagbutihin at siguraduhin ng lunsod ng Maynila,
partikular na ng City Council nito na nakapaloob sa Opisina ng Alkalde, ang
“transparency” at “accountability” ng buong proseso ng pagbabadyet sa lokal na
pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang tinatawag na “misappropriation” o
paglustay ng mga pondo at ang hindi maayos na paglaan o pamamahagi nito sa mga
ahensya na sumasailalim dito, na nagdudulot ng kakapusan sa pondo sa ibang mga
ahensya.
Bilang pangunahing nangangasiwa sa pagtanggap at pagtatalaga ng mga
empleado o staff ng lokal na pamahalaan, ang Opisina ng Alkalde ay nagrarapat na
maglaan ng bahagi ng badyet nito para sa karagdagang mga kawani o empleado,
partikular na ang mga social workers, sa MYRC at mga DWOs. Bukod pa dito,
nararapat din iton g lumikha ng isang “Training and Seminar Committee”, na siyang
magsisigurado na ang mga kinakailangang training at seminar ay palagiang
maipagkakaloob sa mga kawani at empleado ng lokal na pamahalaan, partikular na ang
mga kawaning nangangasiwa sa mga kabataan at nakapaloob sa “juvenile justice
system” ng lunsod, kung saan maaaring makipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa
DSWD at iba pang mga NGOs para sa karagdagan pondo at maayos na pamamahala
dito. Nilalayon din ng komiteng ito na siguraduhin na: (1) lahat ng mga kawani at
empleado na nangangasiwa sa mga kabataan ay may malaking kaalaman at
82
kadalubhasaan na, (2) maayos na naisasagawa ang mga nakasaad sa batas at samu’t
saring gabay at polisa, at (3) epektibo ang mga programa, serbisyo, at akitibidad na
ipinagkakaloob nito sa mga bata. Bukod pa dito, nararapat rin itong makipag-ugnayan
sa Public Attorney’s Office (PAO) para sa mas maayos at mas mabilis na
pangangasiwa sa mga kaso ng mga CICL na nasa MYRC. Ukol naman sa proseso ng
pagbabadyet, mas makakatulong kung bibigyan ng center ang MYRC ng karapatan at
kapangyarihan na magmungkahi ng badyet nito sa pamamagitan ng pagpapasa ng
isang “budget proposal” sa kinauukulan.
Para naman sa MDSW, nararapat itong lumikha ng isang “Monitoring
Committee” na siyang masugid na mangangasiwa sa palagiang pagmo-monitor sa
MYRC at mga MDWOs, kung saan sisisguraduhin nito na naisasagawa nang maayos
ang partikular na tungkulin ng mga ito, at nagkakaroon din ng koordinasyon sa gitna ng
mga ito. Bilang tagapangasiwa, ang komiteng ring ito ang magtatakda ng isang opisyal
na miting bawat buwan na kinabibilangan ng Head at mga Assistant Heads ng MDSW,
head ng MYRC, at mga District Chief/Head ng mga DWOs, ukol sa mga sumusunod:
(1) mahahalagang mga datos at estadistika ukol sa mga CICL – bilang ng admission,
readmission, referral to DWOs, atbp., (2) mga partikular na problema at inaalala, (3)
mga mungkahi at rekomendasyon, at (4) mga posibleng paraan ng paglutas sa mga
isiniwalat na mga problema at inaalala. Bukod pa dito, mahalaga ding repasuhin o pag-
aralan muli ang badyet ng departamento, kung saan maaaring mangasiwa ng isang
miting upang mapag-usapan kung paano ipapamahagi ang badyet sa mga institusyon o
ahensyang pumapailalim dito, tulad ng MYRC at mga DWOs, habang isinasaalang-
alang ang mga pabago-bagong mga pangangailangan ng mga ito. Ang kalalabasan o
magiging resulta ng miting na ito ang maaaring magsilbing basehan ng departamento
sa pagtakda ng laki ng “priority” at laki ng porsyento ng badyet na ilalaan para sa mga
ito, kung saan mas masisigurado na naaangkop at karapat-dapat ang mga ito.
Para naman sa MYRC, nararapat nitong repasuhin at pag-aralan muli ang mga
programa, serbisyo, at aktibidad na ipinagkakaloob nito, upang siguraduhin na ang mga
ito ay magiging epektibo sa proseso ng pagre-rehabilitate ng bata, kung saan ito ay
angkop sa kasalukuyang panahon at katangian ng mga bata, at tila makakapag-
83
empower o makakabigay ng kapangyarihan sa kanila. Sa pamamagitan nito ay
maaaring mabawasan at maiwasan ang “recidivism”, kung saan mas nakikipagtulungan
na ang mga bata habang nasa loob ng center. Maaari ding lumikha ng isang
“Networking Committee” na siyang magsasagawa ng masugid na pakikipagugnayan sa
iba’t ibang mga NGOs at mga pribadong ahensya na maaaring umalalay o tumulong sa
center upang punan ang pampinansyal na pangangailangan nito. Maaari ding
magtatag ng isang “Rehabilitation Committee” ang center na kinukumpuni ng
houseparent, social worker, psychologist, supervisor, at psychologist, kung saan sila ay
nagtutulung-tulongan at nagkakaroon ng isang palagiang miting bawat linggo upang
masugid na mapag-usapan ang mga kaso ng bawat CICL na pumapasok sa center at
ang pinaka-maayos at pinaka-epektibong paraan upang pangasiwaan sila.
Para naman sa mga MDWOs, importanteng magkaroon ito ng pagrerepaso at
muling pag-aaral ng kasalukuyan nitong sistema na nangangasiwa sa mga kabataan,
partikular na sa mga CICL na naggagaling sa center, kung saan kailangang siyasatin
kung sapat at angkop ba ang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob para sa mga
kabataan, kung maayos ba itong naisasagawa at natututukan ng mga kawani o
empleado, at kung naging epektibo ba ang pamamaraang kasalukuyan nilang
ginagamit para pangangasiwa sa kabuoang proseso ng pagre-rehabilitate o
pagbabagong-buhay ng mga CICL.
84
BIBLIYOGRAPIYA
Altschuler, D. M. (Spring, 2008). Rehabilitating and reintegrating youth offenders: are residential and community aftercare colliding worlds and what can be done aboutit?. Paper presented at the conference on the rehabilitation of youth offenders of the Ministry of Community Development, Youth and Sports, Singapore.Bulatlat. (2005). Playground Behind Bars. Retrieved December 10, 2012, from http://www.bulatlat.com/news/5-36/5-36-play1.htm
Barton, C. (1999). Empowerment and retribution in criminal and restorative justice. Journal of Professional Ethics, 7(3&4), 111-135.
Bulgin, J. M. (2008). Evaluating Program Effectiveness of Probation Youth Treatment atthe Child and Youth Study Center. Probation Youth Treatment, 1, 1-5.
Center on Early Adolescent. (2008). Building a More Effective Juvenile Justice System. Retrieved December 10, 2012, from https://www.earlyadolescence.org/juvenile_justice_system
Cheung, S. K. (2008). Effective measures for the treatment of juvenile offenders and their reintegration into society. Resource Material Series, 75, 113-122.
Darbouze, K. (2008). Rehabilitation methods and the affect on juvenile delinquents. University of Maryland, 1, 104-117.
Day, A., Howells, K., & Rickwood, D. (2004). Current trends in the rehabilitation of juvenile offenders. Australian Institute of Criminology, 284, 1-6.
Difference between efficiency and effectiveness. (2011). Retrieved January 26, 2013, from http://www.differencebetween.net/business/difference-between-efficiency-and-effectiveness/
Felipe, C. S. (2002). 30 Youth Offenders on the Loose. Retrieved December 10, 2012, from http://www.philstar.com/metro/175661/30-youth-offenders-loose
Galang, P. (2012). Low on results, local government decentralization heads for tweaks—or the backburner. Retrieved February 23, 2013, from http://www.gmanetwork.com/news/story/245468/opinion/blogs/low-on-results-local-government-decentralization-heads-for-tweaks-or-the-backburner
Gelderloos, P. (2010). The justice trap: Law and the disempowerment of society. Paper presented at the conference Hierarchy and Power in the History of Civilizations at the Russian Academy of Sciences. Moscow: Social Anarchism.
Greenwood, P. (2008). Prevention and Intervention Programs for Juvenile Offenders. The Future of Children, 18 (2), 185-210.
Guion, L. (2002). Triangulation: Establishing the validity of qualitative studies. UniversityOf Florida, 1, 1-3.
85
Henggeler, S. W. & Schoenwald, S. K. (2011). Social Policy Report: Evidence-Based Interventions for Juvenile Offenders and Juvenile Justice Policies that Support Them. Society for Research in Child Development, 25, 1-28.
Heywood, A. (2007). Politics (Third Edition). New York: Palgrave Macmillan.
Hussein, A. (2009). The use of triangulation in Social Sciences research: Can qualitative and quantitative methods be combined?. Journal of Comparative Social Work, 1, 1-12.
Jetonzo, G. (2010). Manila Youth Reception Center. Area Information Report. RetrievedDecember 10, 2012, from osci.ateneo.net/forms_download/Manila%20Y
Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, Pub. L. No. 9344, § 1402, 36 Stat. 5065 (2006).
Kurlychek, M., Torbet, P., & Bozynski, M. (1999, August). Focus on accountability: Best practices for juvenile court and probation. Juvenile Accountability Incentive BlockGrants Program (JAIBGC) Bulletin, 91, 1-12
Lipsey, M. W., Wilson, D. B., & Cothern, L. (April, 2000). Effective intervention for serious juvenile offenders. OJJDP Juvenile Justice Bulletin, 1, 1-8.
Loeber, R., & Farrington D. P. (Eds.). Serious and violent juvenile offenders: Risk factors and successful interventions. Thousand Oaks, CA: Sage Publications, Inc.,1998
Puzon, M. P. (2003). Painted gray faces behind bars and in the streets. Quezon City, Philippines: Program on Psychosocial Trauma and Human Rights UP Center for Integrative and Development Studies and Consortium for Street Children.
Social Functioning. (n.d.). Medical Dictionary. Retrieved January 20, 2013, from http://medical-dictionary.thefreedictionary.com/social+functioning
Turner, J. (1997a). The politics of national government. In B. Axford (Ed.), Politics: An introduction (pp. 313-341). London: Routledge.
Turner, J. (1997b). The policy process. In B. Axford (Ed.), Politics: An introduction (pp. 414-439). London: Routledge.
Ulin, P. R., Robinsons, E.T., Tolley, E.E., McNeill, E.T. (2002). Qualitative methods: A field guide for applied research in sexual and reproductive health. North Carolina,USA: Family Health International.
Wernham, M. (2004). An outside chance: Street children and juvenile justice – an international perspective. London, UK: Consortium for Street Children.
MGA APPENDIKS
86
Appendiks A: Letter of Request for the Manila City Hall
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCESUNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MANILA
Padre Faura, Ermita, ManilaJanuary 5, 2012
Jay R. Dela FuenteCity Government Department Head IIIManila Department of Social Welfare Padre Burgos St., Manila City, 1000
Dear Mr. Dela Fuente:
I am currently a 4th year BA Political Science student of the University of the Philippines Manila, currently in the process of making my seminar paper entitled, “Ang Pagkamabisa ng Manila Youth Reception Center (MYRC) sa Paghanda sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) para sa kanilang muling Pagbalik sa Lipunan bilang Socially-functiong na mga Indibidwal”. Moreover, I would like to ask your good office in aid for my paper.
The researcher would like to solicit your help in providing the needed data and information regarding the previously stated topic by granting me the privilege or permission to procure the needed documents relevant to my research in the departmentas well as in the center, which can further enhance it. Also, it will be very helpful if you can assist me in possibly setting up a meeting with relevant individuals to whom I can have an interview with. Moreover, attached in this letter are the questions that my research will basically focus on.
Surely, the data that will be generated from the interviews and documents will be imperative to the success of my study. Hence, I am hoping that you will be able to grant my request, with the assurance that any information that will be obtained in the process of my research shall be used solely for academic reasons. You may contact me at 0926284 1374 or email me at [email protected] . Thank you for your consideration and I look forward to meeting with you soon.
Best regards,
Jessa P. Singuillo
Appendiks B: Key Informant Interview Instrument
87
1. Ano ang konsepto o ideya mo sa CICL, Desentralisasyon, at Burukrasya?2. Anu-ano ang mga karapatan ng mga kliyente sa ilalim ng programa ng
center?a. Nagkaroon na ba ng mga pagkakataon kung saan ang mga karapatan ng
kliyente, na naaayon sa Section 5, Chapter 2, Title I ng Republic Act 9344,ay hindi naibigay sa kanila?
b. Ano ang ginagawa ng center upang masigurado na ang mga karapatan ngmga kliyente ay mapapangalagaan at marerespeto?
3. Anu-ano ang mga pangunahing patakaran sa center?a. Nagkaroon ba ng mga pagkakataon kung saan nilabag ng kliyente o ng
kawani o staff ang patakarang ito? b. Ano ang ginagawa ng center upang masigurado na ang mga kliyente ay
susunod sa mga patakaran sa loob ng center? 4. Anu-ano ang mga katungkulan at responsibilidad ng mga kliyente at mga
kawani o staff sa loob ng center?a. Nagkaroon na bang mga kaganapan kung saan hindi nila ginampanan
ang kanilang mga katungkulan at responsibilidad sa loob? b. Ano ang ginagawa ng center upang masigurado ang kanilang mga
katungkulan at responsibilidad ay nagagampanan sa loob ng center? 5. Anu-ano ang partikular na mga programa at serbisyo na inilalaan ng
center?a. Paano nasisigurado ng center na maayos ang pagsasagawa o
pagsasaktuparan sa mga ito?b. Pare-parehas lang ba ang mga programa na inilalaan para sa mga
kliyente ng center? Kung hindi, ano ang dahilan sa likod ng pagkakaiba?6. Anu-ano ang iyong mga obserbasyon, karanasan, at napagninilay-nilayan
sa iyong pagtira o paglingkod sa center?a. Ano ang mga pangunahing problema na nakikita o nakakasagupa mo sa
loob ng center?7. Ayon sa Section 56, Title VI ng nasabing batas, paano sinisigurado ng
center na nabibigyan ng after-care services, tulad ng counseling at iba pang mga community-based services, ang mga kliyente nito pagkalabas?
8. Paano mo tinatasa o ina-assess ang pagkamabisa o pagiging epektibo ng center sa paghanda sa mga kliyente upang maging socially-functioning na mga indibidwal pagkatapos ng pagpapalaya sa kanila?
9. Anu-ano ang mga pagbabagong nararapat isagawa sa center upang mas lalo pa itong mapagbuti?
Appendiks C: Free, Prior, and Informed Consent Letter
KOLEHIYO NG AGHAM AT SINING
88
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MANILAPadre Faura, Ermita, Manila
“Ang Pagkamabisa ng Manila Youth Reception Center (MYRC) sa Paghanda samga Children in Conflict with the Law (CICL) para sa kanilang muling Pagbalik sa
Lipuna n bilang “Socially-functiong” na mga Indibidwal”
Ang panayam na ito ay para sa isang pagsasaliksik na pinangangasiwaan niJessa P. Singuillo, kung saan samu’t saring mga impormasyon at datos ang iipunin sapamamagitan ng documentary research at in-depth interviews. Sa panayam na ito, angnapiling interviewee ay may sapat na kaalaman ukol sa nasabing paksa.
Nakapaloob sa panayam ang iba’t ibang mga katanungan ukol sa mga karapatanat responsibilidad ng interviewee, problema at suliranin, karanasan sa ilalim ngprograma, tasahan o assessment ng paggiging epektibo o pagkabisa ng center, atiminumukahing mga pagbabago o mga pagpapabuti sa center.
Ang interviewee sa panayam na ito ay pumayag na makipagpanayam sainterviewer, kung saan ang kanyang mga sasabihin ay hindi itatala o ire-record gamit ngelectronic voice recorder kung wala ang kanyang permiso o consent.
Ang pagkakasali ng interviewee ay hindi pinilit at naaayon sa kanilang kalooban,bagaman, maari naman silang tumanggi na makipagpanayam o umurong mula sapagkakasali sa kahit anong oras. Datapwat, ang hindi paglahok sa panayam aymakakaapekto sa pagiging kapani-paniwala ng pananaliksik sa kabuuan, pati na angkalalabasan nito sa huli.
Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang, hindi lamang para samga kasalukuyang kawani at stakeholder ng center, kundi para sa lahat ng mga taongpumapailalim sa juvenile justice system.
Ang tagal ng panayam ay aabutin ng mula 30 hanggang 60 minuto. Bawataspeto ng pananaliksik na nakalahad sa itaas ay naipaliwanag ng maayos at puspusanng interviewer sa interviewee sa wikang Filipino.
______________________________ ________________
Pangalan at Lagda ng Interviewee PetsaPangalan at Lagda ng IntervieweePetsa
89