1
Tsapter 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A.Panimula
Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na
isa sa mahalagang bahagi ng pagkatao ng bawat indibidwal.
Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng
isipan at ugali ng isang kabataan upang magkaroon ng
magandang hinaharap. Kung titingnan, ito ay maituturing na
pundasyon ng isang bata sa paghubog ng kanyang katauhan. Sa
katunayan kung ang isang bata ay magkakaroon ng magandang
edukasyon malaki ang posibilidad na makakuha siya nang
maayos na trabaho na magagamit niya upang matulungan ang
kanyang sariling pamilya. Dagdag pa nito, ito ay kayamanang
hindi makukuha ng sinuman. Ito'y kayamanang madadala n'ya
sa kanyang pagtanda. Ang edukasyon ay tumutukoy ay ang
pagkuha ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali upang
maging mahusay ang isang indibidwal. Hindi lamang ito isang
paghahanda sa darating na bukas bagkus ito mismo ang iyong
bukas.
Sa Pilipinas tunay na mahalaga ang pagtatamo ng
karunungan ng isang tao sapagkat sa paniniwalang ang
edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan ng buhay.
2
Itinatag ang Saint Louis School noong Hunyo 1965. Mula
Saint Louis School, ito ay naging Saint Louis College of
Tuguegarao at ngayo’y kilala bilang University of Saint
Louis Tuguegarao.
Mula nang matatag ang institusyong ito, unti- unti
itong nakilala sa pagiging isa sa mga nagungunang
institusyon sa rehiyon at maging sa buong bansa. Ito ay
mapapatunayan ng mga pangunguna ng mga nagtapos nito sa mga
Board Examinations na isinasagawa taun- taon.
Higit pa itong napatunayan sa pagiging accredited ng
mga deparatamento ng unibersidad sa PAASCU. Ang High School
Department nito ay accredited na sa Level II ng dalawang
taon at maaari nang pumasok sa Level III. Samantalang ang
School of Business and Administration (SBAA) nito ay Level
III na nang mga ilang taon kasama ang ilan pang
departamento nito at ang iba ay Level II na nang mga ilang
taon.
Dahil sa matagumpay at maayos na administrasyon nito,
handa nang magbukas ang unibersidad ng karagdagang mga
kurso. Ngayong darating na Hunyo 2012 ay bubuksan na ang
dalawang kurso, ang BS Medical Technology at BS Pharmacy.
3
Ngunit kung ang mga nagsitapos ang pagbabasehan, ito
ay iba nang usapan. Sapgkat sila’y nagsitapos na at
inaasahang marami nang nalikom na kaalaman. Kung kaya’t
isinagawa ang pag- aaral na ito ay upang malaman ang
opinyon ng mga kasalukuyang mag- aaral ng University of
Saint Louis ukol sa natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa
kasalukuyan. Sa gayon, mapapatunayan kung ang nababalitang
magandang imahe ng institusyong ito bilang isang “school of
topnotchers” ay makakatotohanan sa mismong mga mag- aaral
nito.
B. Layunin
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw ng
mga Mag- aaral sa Kalidad ng Edukasyon sa University of
Saint Louis Tuguegarao” ay naglalayong alamin kung ano nga
ba ang opinyon ng mag Luisyano ukol sa kalidad ng edukasyon
na natatamo nila sa USL.
Sa kabuuan, ang pag- aaral na ito ay inaasahang
tutugon sa mga susunod na katanungan:
1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of
Saint Louis?
2. Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibgay ng USLT
sa paglipas ng panahon?
4
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisyano upang
makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?
4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat
ng kurso ng USLT?
5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang
pinakamabisang batayan sa kalidad ng edukasyon sa USLT?
6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USLT
sa tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP,
UST)?
7. Nakakatulong ba ang mga programa ng USLT sa pag- unlad
ng mga mag- aaral?
8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of
topnotchers”?
C. Kahalagahan ng Pag- aaral
Ang pag- aaral na ito ay makakatulong sa sumusunod:
Administrasyon ng USLT- Malalaman ng administrasyon ang
opinyon ng mga mag- aaral nito dito. Sa gayon ay masusuri
nito kung may pagkukulang ba o sapat na ang kalidad ng
edukasyon sa USLT.
5
Mga Mag-aaral- Masusuri kung sapat na bao may ikauunlad pa
ang natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa institusyong
ito.
Publiko- Mapapatunayan kung ang mga nababalita ukol sa
magandang imahe ng unibersidad ay makatotohanan sa mga
mismong mag- aaral nito.
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral
Ang pag- aaral na ito ay tungkol sa kalidad ng
edukasyon ng University of Saint Louis Tuguegarao. Nakatuon
ito sa pananaw ng mga mag- aaral sa kalidad ng edukasyon
nito. Ang pananaliksik na ito ay hango sa opinyon ng mga
mag- aaral ng USLT. Ito ay isinagawa sa USLT ngayong Marso
2012. Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na tanungin ang
opinyon ng siyamnapu’t walong (98) mag- aaral lamang mula
sa kabuuang populasyon ng USLT dahil na rin sa kakulangan
ng panahon upang mas mapagtuunan pa ang pag- aaral na ito.
E. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita
Edukasyon- Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng
isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong
nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbabahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.
6
Tsapter 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
A. Kaugnay na Literatura
A.1 BANYAGA
Ayon sa www.answers.com, ang Harvard Univeristy ang
pinakamatandang institusyon ng kataasang pag- aaral sa
Estados Unidos at ang kinokosiderang pinakamalawakk at
pinakaprestihiyosong eskwelahan. Ito ay naging unibersidad
na nagkaroon ng establisyimento ng medical na paaralan
noonh 1782. Ang Harvard rin ay nagkaroon ng impluwensiyang
pangnasyunal. Pito sa mga naging president ng Estados
Unidos ay nag- aral sa Hravard pati na rin mga “Supreme
Court Justices”, “Cabinet Officers” at “Congressional
leaders” at marami pang iba.
Ayon sa www.educationuk.org, Kahit na ang institusyon
sa United Kingdom ay responsible sa pamantayan at kalidad
ng programa nito, ang Quality AA ang karaniwang sumusuri
rito. Sinisigurado nitong ang mga institusyon sa UK ay
nagbibigay ng mataas na edukasyon at kwalipikasyon na
katangga- tanggap na kalidad at nararapat na akademikong
pamantayan.
7
Ayon kay Sona Khudaverdiyeva, Ang edukasyon sa ibang
bansa ay nagbibigay sa mga karagdagang pagkakataon para sa
mga magiging mas matagumpay sa karera. Edukasyon sa bahay
sa kabilang banda ay hindi lang sapat para sa pahahanap ng
trabaho o pagiging isang propesyunal. Pagkatapos ng
pagtatapos mula sa isang paaraln sa ibang bansa, magiging
ganap na kwalipikado para sa iba’t- ibang propesyon.
Ayon sa www.education.com, ang mababang paaralan sa
Japan ay may kurikulum na sakop ang Japanese, Araling
Panlipunan, Matematika. Sa ngayon, mas malaking oras ang
inilaan sa musika, sining at edukasyong pampisikal.
Ayon sa, www.online universities.com, ang unibersidad
ng Hongkong ay nasa ilalim ng control ng mga Intsik. Sa
nakaraan, ang lungsod na ito ay isang British na
prinsipalidad. Bilang resulta, ang bialng ng coursework ay
isinasagawa na rin sa wikang Ingles.
A.2 LOKAL
Ayon sa www.wikimapia.org, ang Unibersidad ng San Luis
Tuguegarao ay ang kaisa-isang mataas na pribadong
institusyong edukasyonal sa Lambak ng Cagayan(rehiyon 2),
at isa sa sampu sa buong bansa na ginawaran ng full
Autonomous Status ng Commission on Higher Education para sa
8
taong 2007-2012. Gayundin, idineklara ito ng Department of
Education bilang teacher training institution.
Ang Unibersidad ang Pilot Higher Education Institution
sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa ikauunlad ng
abilidad ng mga guro sa Pilipinas. Ito ay may Soil and
Testing Laboratory na pinasinayaan ng bureau of Research
and Standards at mayroon rin itong Special Education
Program para sa mga taong may kapansanan sa pagsasalita at
pandinig.
Ayon sa www.usl.edu.ph, pinatunayan na naman ng
Electrical Engineering Department ang kalidad ng edukasyon
na ibinibigay nito sa pamamagitan ng ipinamalas ng mga
nagtapos sa Licensure Examination for Registered Electrical
Engineering noong Setyembre 2011. Sa mga nakalipas na
taon,nakamit ng US Lang pinakamataas na passing rate sa
lahat ng paaralan sa Hilagang Luzon at isa rin ito sa mga
nangungunang institusyon sa bansa. Nagkamit ng gantimpala
ang USL bilang TOP Engineering School sa bansapara sa
pagtamo ng 100 porsyentong passing rate noong 2001 at 2002.
Ang Electrical Engineering ng USL ay isa ring Level 2
PAASCU-Accredited.
Ayon sa www.usl.edu.ph, nakakuha ng mataas na
porsyento na 96.97% ang Bchelor of Science in Nursing Batch
9
2011 sa 2011 Nursing Licensure Examination noong Disyembre
na isinagawa ng PRC. Ang kabuuang porsyento ng USL ay
94.2%.
Ayon sa www.usl.edu.ph, nakamit ng Unibersidad ng
Saint Louis ang ikatlong pwesto laban sa iba pang
accountancy schools sa nakaraang 2011 CPA Board
Examination. Nanguna ang UP Diliman at pangalawa naman ang
Unibersidad ng Santo Tomas. Noong Oktubre 2008,
pinangunahan ni Richie Padilla, isang Luisyano, ang CPA
Board Examination.
Ayon sa www.usl.ed.ph, ngayong taon, Hunyo 2012, ang
College of Health and Allied Sciences ng Unibersidad ng
Saint Louis Tuguegarao ay magbubukas ng mga bagong kurso,
ang Bachelor of Science Medical Technology o Bachelor of
Science in Medicine Laboratory Science at ang Bachelor of
Science in Pharmacy. Ang kilos na ito ng institusyon ay
upang bigyan ang komunidad at ang mundo ng mga maabilidad
na tagapagsanay sa kalusugan na may pagkataong Kristiyano.
10
B. Kaugnay na Pag- aaral
B.1 BANYAGA
Ayon sa www.chinaeducenter.com, ang edukasyon sa China
ang pinakamalking sistema ng edukayson sa mundo. Mayroong
mahigit na 20 milyon na estuyante ang pumasok upang mag-
aral na kataasang institusyong pang- edukasyon ng China.
Ang investment sa edukasyon ang sumasaklaw sa apat na
porsyente ng GDP ng China. Noong 1986, ang gobyerno ng
China ay nagtalaga ng sapilitang bakas pang- edukasyon na
nagsasabing siyam na taong pag- aaral ng mga mag- aaral. Sa
ngayon, naestimang 99.7% sa populasyon ng China ay nakaabot
na sa siyam na taong pag- aaral.
Ayon sa www.silicondia.com, Ang Inndia ay nasa
pinahuling posisyon kung ang kalidad ng eduaksyon ang pag-
uusapan. Habang Russia at Brazil ang nagunguna rito. Ang
kalidad ng pangkolehiyong edulkasyon sa Induia ang
pinakamababa kung kakulangan sa ibang kalapit na bansa. Ang
bilang ng mga mag- aaral na pumapasok sa primary ay may
kabuuang enrollment ratio na 98%
Ayon sa www.eprints.com ,sa ibang bansa, naukol ang
pagkasali ng subordinate staff sa paggawa ng desisyon,
bilang parte ng grupo habang ginagabayan sila at ang
11
paghawak ng kanilang maayos na organisasyong trabaho ang
pribadong sector ng pangsekondaryang mga paaralan na mas
higit sa pampublikong sector ay mas kwalipikado sila sa
pang- akademikong at pang- propesyunal. Mas marami ding
karanasan ang pampubliko kumpara sa pribadong sector.
Ayon sa onlineuniversities.com, sa China, osang
pangunahing manlalaro sa ekonomiya ng mundo, ayon sa mga
mag- aaral nito, ito ay may mga paaralan na ang setting ay
mainam para sa pag- aaral.
Ayon sa onlineuniversities.com, ayon sa isang pag-
aaral, nararanggo ang University of Hongkong sa tuktok ng
dalawampung paaralan sa mundo. Ang unibersidad na ito ay
nakaakit ng higit pang Amerikano na nagnanais mag- aral
doon upang kumuha ng isang wika o ilang semester ng pag-
aaral.
B.2 LOKAL
Ayon sa www.usl.edu.ph, ang Disater Risk Management
Research Program ng University of Saint Louis Tuguegarao ay
nagawaran ng National Citation (Incentive Award) sa Serach
for the Best HEI Research Program ng Commission on Higher
Education. Tatlumpu’t anim ang sumali sa patimpalak. Siyam
ang napili at isa na rito ay ang USLT.
12
Ayon sa DepED, Ang K+12 ay sistema ng edukasyon na
tumutukoy sa mga pampublikong sitema ng paaralan sa Estados
UNidos, Canada, Uk at ilan pang bahagi ng Europa.
Kinakatawan nito ang sappilitang edukasyong kinakailangan
ng lahat ng bata sa Amerika.
Ayon sa The Louisian Courier, ang USLT ay nagmula sa
kanyang nakalipas. Nagsimula lamang ito sa isang daan at
tatlumpu’t walonh lalaking estudyante noong HUnyo 1965.
Mula Saint Louis School sa Saint Louis College of
Tuguegarao, ito ngayon kinikilala bilang University of
Saint Louis Tuguegarao.
13
Tsapter 3
Metodo at Pamamaraan
A. Disenyo
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptiv.
Ginamit din ng mga mananaliksik ang metodong sarbey upang
mangalap ng mga kinakailangang datos para sa pag- aaral na
ito.
B. Respondente
Mula sa kabuuang populasyon ng USLT, ang mga
mananaliksik ay pumili lamang ng siyamnapu’t walo (98)
katao, kung saan labing- apat (14) katao bawat departamento
sa kolehiyo at sekondarya nito para sumagot sa sarbey.
C. Lugar
Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag- aaral at
pangakalap ng mga kinakailangang datos sa University of
Saint Louis Tugegarao, Tugegarao City, Cagayan.
D. Instrumento sa Pananaliksik
Talatanungan
Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa
aming pananaliksik. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga
14
tanong na sasasutan ng mga respondent batay sa kanilang
pananaw.
Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang
instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong
masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang pagta-
tally sa bawat sagot ng mga katanungan.
E. Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos
Upang mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na
inilahad upang matupad ang layunin ng pananaliksik papel na
ito, napili ng mga mananaliksik na magsagawa ng sarbey sa
piling populasyon ng University of Saint Louis.
Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at
pagsukat ng mga datos ang percentage technique sa
pananaliksik na ito.
Ginagamit ang percentage technique upang makita ang
kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga
respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang
bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang
particular na tanong.
15
Tsapter 4
Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
Matapos isagawa ang sarbey, gumamit ang mga
mananaliksik ng percentage technique upang suriin ang mga
datos na nakalap. Ang datos sa ibaba ay nagpapakita kung
ilang katao mula sa siyamnapu’t walong (98) respondente ang
sumagot ng Oo o Hindi sa particular na tanong.
Upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng
pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong,
gumamit ang mga mananaliksik ng isang pormula. Ang ginamit
na pormula ay: Bahagdan = (n/N) x 100
Kung saan: n-bilang ng sagot N- bilang ng mga respondente
Tanong Oo Hindi
1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of Saint Louis?
96 2
2.Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibigay ng USL sa paglipas ng mga taon?
78 20
3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisiano upang makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?
82 16
4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat ng kurso g USL?
46 52
5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang pinakamabisang batayan sa kalidad ng edukasyon sa USL?
56 42
6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USL sa tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP, UST)?
45 53
7. Nakatutulong ba ang mga programa ng USL sa pag- unlad ng mga mag- aaral?
69 29
8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of top notchers”?
81 17
16
Sa pamamagitan ng pormulang ito, nakuha ng mga
mananaliksik ang resulta sa ibaba.
1. Batay sa resulta, napag- alamang 98% sa mga mag- aaral
ang naniniwalang mataas ang kalidad ng edukasyon sa
University of Saint Louis at 2& ang hindi.
2. Batay sa resulta, napag- alamang 80% ang naniniwalang
umuunlad ang kalidad ng edukasyon sa USLT sa paglipas ng
panahon samantalang 20% ang hindi.
3. Batay sa resulta, napag- alamang 84% ang naniniwalang
kayang makipagsabayan ng mga Luisyano sa mga mag- aaral ng
ibang paaralan samantalang 16% ang hindi.
Tanong Oo Hindi
1. 98 % 2 %
2. 80 % 20 %
3. 84 % 16 %
4. 47 % 53 %
5. 57 % 43 %
6. 46 % 54 %
7. 70 % 30 %
8. 83 % 17 %
17
4. Batay sa resulta, napag- alamang 53% ang naniniwalang
hindi pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat
ng kurso sa USLT samantalang 47% ang naniniwala.
5. Batay sa resulta, napag- alamang 57% ang naniniwalang
ang mataas na marka ng mga Luisyano ang pinakamabisang
batayan sa kalidad ng edukasyon sa USLT samantalang 43% ang
hindi.
6. Batay sa resulta, napag- alamang 54% ang naniniwalang
hindi pa maihahambing ang kalidad ng edukayson ng USL sa
tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP at
UST) samantalang 46% ang naniniwala.
7. Batay sa resulta, napag- alamang 70% ang naniniwalang
nakakatulong ang mga programa ng USLT sa pag- unlad ng mga
mag- aaral nito samantalng 30% ang hindi.
8. Batay sa resulta, napag- alamang 83% ang naniniwalang
karapat- dapat lang ang imahe ng USLT bilang “school of
topnotchers” samantalang 17% ang hindi.
18
Tsapter 5.
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
A. LAGOM
Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga
mananaliksik na malaman anng pananaw ng mga Luisyano
patungkol sa kalidad ng edukasyon natatamo nila University
of Saint Louis Tuguegarao. Nagsimula ang mga mananaliksik
sa paghanap sa internet at mga aklat ng mga ideya at
impormasyon tungkol sa kanilang paksang kalidad ng
edukasyon sa University of Saint Louis sa mga nakaraang
taon.Pumili din ang mga mananaliksik ng paraan ng
pananaliksik na gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa
pagsasarbey, pumili sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito
at napagdesisyunan nilang magsarbey sa ilang mag- aaral sa
bawat departamento ng USLT. Sunod na ginawa ay ang
paghahanda at paggawa ng mga talatanungang pasasagutan sa
mga respondente. Isinagawa ang sarbey at matapos ay
binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa
bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang
bahagdan o porsyento nito sa kalahatang bilang ng mga
respondente. Masusing pinaghambing ang mga resulta at
inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na
karamihan sa mga respondente ay naniniwalang mataas ang
19
kalidad na natatamo nila sa nasabing unibersidad. Sa mga
mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga
ninanais na mga kasagutan at katanungan nila. Higit sa
lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin
sa pag-aaral na ito.
B. KONKLUSYON
Batay sa mga inilahad na datos at resulta nito, ang
mga mananaliksik ay humantong sa konklusyon na ang mga mag-
aaral ng University of Saint Louis Tuguegarao na
matatagpuan sa Tugegarao City, Cagayan, Philippines ay
nakakatamasa ng mataas na kalidad ng edukasyon at patuloy
pa itong umuunlad sa paglipas ng mga taon. Nakakatulong rin
ang mga programang isinasagawa ng unibersidad sa pag- unlad
ng mga mag- aaral nito. Dahil rito, masasabing kayang
makipagsabayan ng mga mag- aaral nito sa iba pang mga mag-
aaral ng mga paaralan o unibersidad. Mapapatunayan ito ng
kanilang matataas na marka.
Dahil na rin sa mga nakamit na mga gantimpala at
parangal sa mga nakalipas na taon ng nasabing unibersidad
at sa kasalukuyang lagay ng kalidad ng edukasyon nito,
masasabi nating karapat- dapat nga ang imahe ng University
of Saint Louis Tuguegarao bilang “school of topnotchers”.
20
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na kalidad
ng edukasyon ng nasabing unibersidad, hindi pa rin
maituturing na pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay
nito sa lahat ng kursong inihahain nito at hindi pa rin
maituturing o maipapantay ang kalidad ng edukasyon nito sa
tatlong malalaki at tanyag na unibersidad sa Manila, ang
Ateneo, University of the Philippines at University of
Santo Tomas.
C. REKOMENDASYON
Ayon sa pananaw ng mga mananaliksik na ibinatay na rin
sa pag- aaral na kanilang isinagawa, narito ang kanilang
mga rekomendasyon.
1. Para sa mga mananaliksik o nais magsagawa ng
katulad na pag- aaral, pumili ng mas maraming respondente
na magiging kinatawan ng unibersidad.
2. Magsagawa ng katulad na pag- aaral kung saan ang
magiging basehan ng kalidad ng edukasyon ay ang mga iba’t-
ibang particular na paktor tulad ng paraan ng pagtuturo,
pasilidad, mga programa, etc.
3. Para sa mga kabataang pumipili pa lamang ng
unibersidad na papasukan, hinihikayat ng mga mananaliksik
sila na mag- aral sa University of Saint Louis Tuguegarao.
21
4.Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang
pagtuturo . huwag nilang hahayaan ang mag-aaral na
makatapos ng isang antas ng edukasyon ng hindi naman angkop
sa kanilang abilidad.
5. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin nila ang
kanilang pag-aaral nang sa gayun magkaroon sila ng
magandang kinabukasan at maging kapaki-pakinabang na
mamamayan ng bansa.
6. Para sa iba pang mananaliksik , ipagpatuloy o
palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng
marami at higit pang mahahalagang datos o impormasyong
maaaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa
kalidad ng edukasyon sa University of Saint Louis o kung
anu mang unibersidad na kanilang kinabibilangan.
22
Bibliografi
*Sona Khudaverdiyeva, “Education for Career Success”, 2005
*D. Aguinaldo,et al, “Excellence: Our goal. Our Identity.
Our Legacy.” , 2nd Issue, S.Y. 2011- 2012.
*http://www.wikimapia.org/8289964/University-of-Saint-
Louis-Tuguegarao-City
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=313
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=312
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=314
*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=315
*http://www.www.chinaeducenter.com/74629525968
*http://www.silicondia.com/486866593224
*http://www.education-in-japan.com/37737733
*http://www.onlineuniversities.com/3684664
*http://www.eprints.hec.gov.ph/64gefgd454
*http://www.answers.com/topic/harvard-university
*http://www.education.org
23