July 2007 Volume 1 Number 4 Newsletter for Filipino Catholics in Nagaoka District, Niigata Diocese
Pagbati at mabuhay ang mga Pinoy! Narito po kami ni Jimleth Baldago-Dulla, isang konsehal ng Rodri-guez, Rizal at isang volunteer sa Takada Church. Dito po kami nagmimisyon sa Japan mula Hunyo 14 hanggang Hulyo 11, 2007. “Napakapalad ko na maging kabahagi ng apostoladong ito sa Japan sapagkat nakita ko ang iba’t-ibang uri ng buhay Pinoy. Noon, akala ko ay madali at mabilis ang pera dito sa Japan kaya malalaki ang bahay at galante pagdating sa Pilipinas ang mga nagtrabaho mula dito. Matapos ang ilang araw ng mga pakikipagsanggunian at pakikipagbahaginan, labis kong naunawaan ang mga hirap ng kalooban na mapahiwalay sa inyong pamilya sa Pilipinas at bumuo ng bagong mundo sa bilog na bansang kaniyang kasalukuyang ginagalawan. Malungkot akong nakikita at naririnig ang pahayag na damdaming kayo’y nahihirapan sa lengguwahe, pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at karanasan maging ito ay sa mga asawang hapon, biyenan, at sa pakikipagkaibigan sa kapwa Pinoy na kadalasan pa nga ay siraan ang nangyayari sa halip na tulungan. Natutuwa din naman ako na may nakikitang mga kapwa Pinoy na nagtutulungan mula ng sila ay dumako dito sa Japan hanggang sa kasalu-kuyan. Gayon din, na natutunan na ng asawang Hapon ang maging Katoliko at kung paano magmahal nang may affection at umunawa sa ating mga kultura gaya ng pinagsikapan ng Pinay na siya ay makasakay sa mundo ng mga Hapon. Hindi ito madali ngunit ang napakalaking sakripisyong ginawa na isinasabuhay ang kung ano ang tama ang nagpatibay sa kanilang ugnayan at nagbago ng uri ng relasyon na may katagumpayan. Kaya pala ito. Natututunan din ang tamang uri ng pakikipagrelasyong may pagmamahal ngunit paano na kung nagsimulang walang pag-ibig? Paano ito tutugunan? Isa lang ang aking naunawaan, ang bawat desisyon natin ay may ka-bayaran. Ang Diyos ay laging nasa tabi natin upang tayo ay pakinggan at may kapwa din naman na maaring makinig sa atin… ang lahat ay may panahon upang mag-ayos at ayusin kung ano ang nararapat at makaluluwag sa ating mga kalooban na siyang makapagpapalaya sa bawat krus nating pinapasan.” – Jimleth Sa awa ng Diyos, tayo’y nakaparito. Sa awa ng Diyos, tayo rin ay bibiyayaan rin kung ano man an nais ni-yang higit na makakabuti sa atin. Upang mangyari ito kailangan nating: 1. Kilalanin ang tunay nating sarili. Di lang sino ako at anong gusto ko, kundi ano ang pagkatao ko; 2. Tapos, kilalanin natin ang gusto naman ng Diyos sa panahong ito n gating buhay. Nais nating
alamin ang niloloob niya- karaniwan na sa kayang Salita na iniwan sa atin. Basahin din ang mga pangyayari sa buhay natin, ang takbo ng buhay natin … kung saan nila dinadala tayo.
3. Timbangin ang iba’t ibang posibling direksyon. At bigat ng mga epekto sa bawat isa. 4. Ialay sa Diyos ang napili. 5. Kung tayo’y pumapayapa, ayos! Kung hindi, balikan ang mga pwedeng pagpilian and suriin uli. 6. Hingin uli ang kanyang gabay, at pumili uli. 7. Hanggang mapayapa na … yun bang mapayapang makakatulog tayo. 8. Magpasalamat sa Diyos! Nawa ang mga hakbang na ito ay magsilbing paraan upang higit tayong makapagdesisyon ng maayos … at maging malapit na rin sa Diyos. Mabuhay at Magbigay Buhay! Fr. Nilo E. Tanalega, SJ UGAT Foundation - Ateneo de Manila University
B O N D I N G 絆
Ang Mabuting Balita ay... Page 2 Ugnayan
ANG PAG-IBIG SA DIYOS AT SA KAPWA (Lukas 10:25-37)
Noong panahong iyon, may isang eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin.”Guro,” aniya, “ano ang dapat kong gawin upang mag‐kamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus,” Ano ang na‐kasulat sa kautusan?” Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “Ibigin mo ang Panginoong mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas at nang buong pag‐iisip; at “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Tama ang sagot mo,” wika ni Je‐sus.”Gawin mo ang iyan at mabubuhay ka.” Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya‐hiya, ti‐nanong niya uli si Jesus.”Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Jesus:” may isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem ,patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, bi‐nugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tinignan lamang niya t nagpatuloy ng kanyang lakad Ngunit may isang
Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay‐panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may‐ari ng bahay‐panuluyan at sinabi, ”Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulan‐gan niya, babayaran ko sa aking pagbabalik.” Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Jesus.”Ang nagpakita ng habag sa kanya,” tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus, ”Humayo ka’t gayon din ang gawin mo.” PAGNINILAY-NILAY: Sa ebanghelyo ngayon, tinatanong ng isang dalubhasa sa Batas (eskriba) ang Panginoon kung paano makakamit ang buhay na walang hanggan (10:25). Ngunit ibinalik ng Panginoon ang katanungan sa eskriba. Ang kasagutan ng eskriba ay kumakatawan sa buod ng mga kautusan: ang pag‐ibig sa Dios at ang pag‐ibig sa kapwa. Kaya naman sinabi sa kanya ni Jesus” Gawin mo iyan at mabubuhay ka” (10:28). Umibig ka at tiyak na mabubuhay ka! Ito ang hamon sa atin ngayon ng Panginoon sa panulat ni Lukas at ito rin ang nagpapaalala sa atin kung paano tayo tunay na magpapakatao. Sa talinghagang mababasa lamang sa ebanghelyo ni Lukas, ipinapakikita sa atin ang halimbawa ng isang tunay na nagpapakatao ‐ ang Samaritano. Ang ipinakita niyang pagmamalasakit sa sugatang nakahandusay sa daan ay hindi isang karaniwang pagkakawang‐gawa lamang. binigyan niya ng nararapat na pagpapahalaga ang pagkatao ng biktima at itinuring itong isang tunay na kapatid o kaibigan. Sa kabila ng maaring pagkabala sa kanyang pupuntahan at panganib din sa kanyang buhay, tinulungan niya ang biktima, dinala ito sa isang bahay‐panuluyan at nangako pang babalikan siya ito (10:34‐35). Si Jesus ang katuparan ng pag‐ibig sa kapwa tao at sa Diyos. Hindi lamang niya ipinangaral ang walang hanggang pag‐ibig ng Diyos Ama sa sangkatauhan, ipinakita rin niya ito nang ibigay niya ang kanyang sarili sa krus. Ang pagkamatay at muling pagkabuhay niya ay nagiging daan ng muling pagkasundo ng tao at ng Diyos. Ito ang tunay na pag‐ibig‐ ang pagbibigay ng sarili sa kapwa. (Hango sa SAMBUHAY – DAVID O. REYES) GABAY SA PAGNINILAY-NILAY: Ayon kay Papa Benito XVI, likas sa ating mga tao ang umibig at mauhaw sa pag‐big dahil nilalang tayo ng Diyos na kanyang kawangis at larawan. Tulad ng Samaritano sa ebanghelyo, paano kong ipinakita sa aking kapwa ang pagtulong sa kabila ng pagkaabala sa aking panahon o panganib sa aking buhay? Ano ang nagiging bunga ng walang sawang pagtulong sa kapwa sa aking buhay Kristiyano?
Special Feature: Shinto Taikai in Kashiwazaki
Page 3 Volume 1 Number 4
Last June 10, 2007, the Catholic Faithful from the different parishes of Nagaoka District gathered together at Kashi-wazaki Church for the SHINTO TAIKAI. There were approximately 322 Christians present, 49 of whom were Filipi-nos. There were two speakers namely: Yamazaki-san and Fr. Mario, OFM. Yamazaki-san spoke about his volunteer work for the handicapped people, which was inspired by his handicapped child. Fr. Mario Canducci, OFM, parish priest of Takada Church, challenged every Catholic in the district to follow the examples of the new 188 martyrs of Japan, who will be beatified next year in Nagasaki. After the talks, the whole group was divided into small-groups where they shared their impressions, reflections and insights based on the two given talks. The children and youth cooked and sold out 500 croquettes, and the money gained from the sell will be used for the Elementary Children Summer Camp. The day culminated with the Holy Mass at Kashiwazaki Church.
Below is an excerpt of the Welcome Speech given by Kogure-san, Head of the Pastoral Council Members of Niigata Diocese.
“ Today, the Feast of Corpus Christi, we gather together for the ‘General Assembly of All Christians in Nagaoka District.’ As we praise and give thanks to God, I would like to take this opportunity to welcome you all. The Diocese of Niigata has made great proceedings this year. Last April 30, the gathering of Pastoral Council Members of Niigata Diocese was held for the first time in Niigata Catholic Center. Bishop Kiku-chi Isao, SVD, bishop of Niigata Diocese, some priests and sisters, and Christians discussed about the Mission Work in the diocese. Top priorities of the diocese are the following: 1. The reality that priests and Christians are getting older, and how to take care of them; 2. The Pastoral Care for Foreigners in the diocese; 3. The Religious Education of Youth and Children. It was suggested that these priorities be dis-cussed in every parish here in the diocese. Finally, each Christian is encouraged to give financial support to the diocese and to their respective par-ishes. WE ARE ALL ONE IN JESUS CHRIST!”
Editor-in-Chief: Fr. Hubert Nelskamp, OFM
Associate Editor: Sr. Malou Razon, SFIC Circulation Managers: Sr. Lina Rivera, SFIC
Sr. Cherry Delgado, SFIC Layout Artist:
Fr. Ferdy Faminialagao, SVD Advisers:
Franciscan Missionaries in Nagaoka District
Address: 〒943 ‐0834 Ni igata ‐ken Joetsu ‐sh i Nish ish i ro ‐cho 2 ‐3 ‐20 Telephone Number: 025 ‐526 ‐2026 Fax Number: 025 ‐526 ‐7336
Ugnayan is a monthly publication for Filipino Catholics in Nagaoka District, as a way of enriching their relationship with God and Others, through reflections, shar‐ing, and news in and around Na‐gaoka district. Ugnayan is a Taga‐log word meaning Bonding in Eng‐lish and Kizuna in Japanese
The 8th of July this year is dedicated as "SEAFARERS SUNDAY."Let us pray especially for all the seafarers, many of them are Filipinos. Fr. Dominic and I visit the ships in Naoetsu Port and Itoigawa Port, and provide the seamen with reading materials for their long journey in the sea. If you have any interesting videos or magazines from the Philippines, whether in English or Taga-log, please bring them to your church and I will pick them up. (Fr. Hubert, OFM)
Kids Two-Day Summer Camp in “Nature Kingdom” To All Parents: On August 6-8, we will be having Summer Camp for the Elementary School Children at “Kodomo Shizen Oukoku” (Prefectural Children’s Nature Kingdom). This will be a very important oc-casion for your children’s religious education, and to widen their relationship with other children. Please send your children, and let them enjoy together with many friends! Theme: “We Are All Friends” (Respond to the Look and the Voice of Jesus) Date: August 6- 8
August 6 at 11:00 AM - “YUMENOMORI KOEN” (Please bring O-BENTO) August 8 at 11:00 AM - “KODOMO SHIZEN OUKOKU” (back to their own parishes and take lunch)
Place: KODOMO SHIZEN OUKOKU (Prefectural Children’s Nature Kingdom)
Niigata-ken Kashiwazaki-shi Takayagi-cho Takao 30-33 TEL: 0257-41-3355 FAX: 0257-41-3515
Things Needed: 5,000 yen, o-bento for lunch on the 6 th, canteen (for o-cha), some sweets, pajamas,
towel, washing, utensils, writing materials, Bible, spare clothes, cap, copy of health insurance, medicine for personal use. Don’t let the children bring any kind of games.
Participant: Elementary School Children (Christians or their parents are Christians) Application: Until the 17 th of July, 2007
SUMMER CAMP 2007 FOR JUNIOR AND SENIOR HIGH SCHOOL
DATE : August 11- 13, 2007 PLACE : Myoko Kogen FACILITATORS: SADE Leaders
For inquiries, please call your parish priest or the Filipina Sisters. Contact Numbers : 025-526-2026; 09029904328; 09013769271