14
ALAMAT NG BUNDOK KANLAON

Alamat ng Bundok kanlaon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alamat ng Bundok kanlaon

ALAMAT NGBUNDOK KANLAON

Page 2: Alamat ng Bundok kanlaon

Sa bahaging Bisaya ay may

isang bundok ng humahati sa Silangan at

Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon.

Page 3: Alamat ng Bundok kanlaon

Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may

pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring

walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami

na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag

nagagalit.

Page 4: Alamat ng Bundok kanlaon

Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang

dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.

Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila

ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta.

Page 5: Alamat ng Bundok kanlaon

Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na

pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang

mukha nang abuting sila nang ibinugang apoy ng ulupong."

Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay

nagpatunay sa mga ibinalita ng pari.

Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang

dalaga rito.

Page 6: Alamat ng Bundok kanlaon

Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa

pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang

tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.

"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na

ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At

ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa

Talisay," may paghangang wika ng hari.

Page 7: Alamat ng Bundok kanlaon

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya

patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang

langgam.

"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong

si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa

bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong.

Ito ay para na rin sa ating kapayapaan."

Page 8: Alamat ng Bundok kanlaon

Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring

Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring

tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.

Page 9: Alamat ng Bundok kanlaon

Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na

ang ulupong sa rami ng umatakeng mga langgam.

Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog

ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng

ulupong. Patuloy sila sa laban nila.

Page 10: Alamat ng Bundok kanlaon

Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao.

Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu

Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang

pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan

naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa

ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.

Page 11: Alamat ng Bundok kanlaon

Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na

diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang

mga ulo ng ulupong.

Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan.

Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.

Page 12: Alamat ng Bundok kanlaon

"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala

ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang

hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na

nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.

Page 13: Alamat ng Bundok kanlaon

Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula

noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag

nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa

kabayanihan ni Laon.

Page 14: Alamat ng Bundok kanlaon

WAKAS