Upload
barangay-suki
View
670
Download
22
Embed Size (px)
DESCRIPTION
ALAMAT NG IBONG MAYA
Citation preview
ANG ALAMAT NG
IBONG MAYA
By: Kasuki Comillas Branch Comillas, La Paz, Tarlac Follow the link: https://www.facebook.com/kasuki.comillasbranch?ref=tn_tnmn
HalawNoong unang panahon, may isang batang maliit na may mamula-mulang buhok na parang buhok ng mais.
Maganda din siyang kumanta. Ang pangalan
niya ay Maya.
Subalit napakalikot niya. Talon dito, talon doon ang kaniyang laging ginagawa.
Wala siyang inatupag kundi ang maglaro at kumain. Hindi pati siya mautusan ng kaniyang ina upang utusang magsaing.
Dahil sa katamaran, nagtago si Maya sa baluyot.
Dahil sa matagal na pagtatago, nakaramdam ng gutom si Maya. Kinain niya ang bigas na nakasilid sa baluyot.
Maya-maya, may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Lumiliit siya at nagkakaroon ng ibang anyo.
Samantala, hanap dito hanap doon ang ginawa ng ina ni Maya subalit hindi niya makita ang kaniyang anak.
MAYA!!nasaan
kana anak!!!
Makalipas ang ilang araw, nakarinig siya ng kakaibang tunog mula sa loob ng baluyot.
Nang buklatin niya ang takip nito, may isang maliit na ibon doon.
Maliit ito at may mamula-mulang balahibo. May mabining huni ito. Patalon talon at tila
malikot kumilos ang ibon.
Napaiyak na lamang ang ina ni Maya sapagkat batid niya na ang ibon na ito ay ang
kaniyang anak na si Maya.
Mula noon, ang ibon na ito ay tinawag nang IBONG MAYA.