21
Good Day! Masayang Ngiti Saiyo’y Bumabati

Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Good Day!Masayang Ngiti

Saiyo’y Bumabati

Page 2: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Page 3: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Page 4: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ang Ibong Adarna

Page 5: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

ANG GENRE O PANITIKAN NG

“IBONG ADARNA”

“AWIT AT KORIDO”

Page 6: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

KASAYSAYAN NG AWIT AT KORIDONang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling maipalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na Awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam na tagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinagpalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakatutuwang libangan.

Page 7: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ano ang Korido?• Isang genre ng panitikan na nasa anyong patula

• Mula sa salitang Espanyol na CORRER, ibig sabihin ay dumadaloy

• Mula rin sa salitang Indo-European na CURRERE, ibig sabihin ay pinag-ugatan

Page 8: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ano ang Korido?Ayon kay Trinidad H.

Pardo de Tavera, ito ay kuwentong nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari; trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente, sinamahan ng pananampalataya, alamat at kagila-gilalas o kababalaghang na pangyayari at kamahinawaring madyik.

Page 9: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Mga Katangian ng Korido1. Mabilis ang pagbigkas ng korido sa kumpas ng martsa “allegro”2. Ang korido ay may walong pantig3. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa at ang kuwento o kasaysayang nakapaloob dito4. Binubuo ito ng 1,172 na saknong

Page 10: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Pinagkaiba ng Korido at Awit1. Sukat ng Awit: tig-12 pantig ang bawat taludtod/2. Sukat ng Korido: tig-8 pantig ang bawat taludtod3. Himig ng Awit: mabagal, banayad, o adante kung

kung tawagin4. Himig ng Korido: mabilis o allegro5. Pagkamakatotohanan ng Awit: ang

pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring maganap sa tunay na buhay

6. Pagkamakatotohanan ng Korido: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay hindi maaaring maganap sa tunay na buhay.

Page 11: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Pinagkaiba ng Korido at Awit

---Ang Awit at Korido---

Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang KORIDO ay isang salaysay tungkol sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punong-puno ng kababalaghan.

Ang AWIT naman ay isang salaysay patungkol sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na kababalaghan.

Page 12: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Mga Halimbawa ng Korido: 

• Ibong Adarna, • Don Juan Tiñoso, • Don Juan Teñoso, • Mariang Kalabasa, • Ang Haring Patay,• Mariang Alimango, • Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, • Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, • Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, • Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas

Page 13: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Mga Halimbawa ng Awit: 

• Florante at Laura ni Francisco Balagtas, • Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de

Tandiona,• Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la

Cruz, • Salita at Buhay ni Mariang Alimango,  • Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana

Page 14: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Kaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna

Page 15: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Paano Nakilala ang Korido?Ang korido ay isang anyong

panitikan na mula sa Espanya at maaaring nakapasok o nakarating ito sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan ng mga taga-Mexico. Ang Korido ay anyong pampanitikan na naging tanyag ito noong ika-19 siglo hanggang ika-20 siglo. Sa pagpasok ng modernong babasahin, humina ang katanyagan nito. Ito ay isang uri ng metrical romance

Page 16: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ang Ibong AdarnaAng Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang korido ay

tulang pasalaysay na ang bawat taludtod ay may sukat at tugma. Ang sukat ng bawat taludtod ng korido ay tigwawaluhing pantig. Akda ito na umiikot sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan.

Kaligirang Kasaysayan ng Ibong AdarnaSinabi ni Santillan Castrence (1940), na ang kasaysayan ng

Ibong Adarna ay maaaring hango sa kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia, at iba pa. Taglay ng Ibong Adarna ang karaniwang takbo ng kuwento na matatagpuan sa mga kuwentong bayan. Ito’y ang mga sumusunod: maysakit ang ina, (isang reyna) isang ama (isang hari), at kailangang ng isang mahiwagang bagay upang gumaling. Tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa. Maglalakbay ang tatlong anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay (dahil matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa tulong ng matandang ermitanyo. Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan ng karangalan at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumpay rin sa huli.

Page 17: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ang Ibong AdarnaAng Ibong Adarna ay isang koridong isinulat ni Jose dela Cruz

(na kinilala sa taguring Huseng Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa kahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria at Donya Leonora. May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.[

Page 18: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ang Ibong Adarna Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:

Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,

Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala,

Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,

Page 19: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

Ang Ibong Adarna Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-

akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.

Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.

Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.

Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

Page 20: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

ANG PANAGINIP NI HARING FERNANDO

Nguni’t itong ating buhayTalinhagang di malaman

Matulog ka nang mahusayMagigising nang may lumbay

Ganito ang napagsapitNg Haring kaibig-ibig

Nang siya ay managinipIsang gabing naiidlip

Page 21: Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad

WAKAS