28
Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece Ang Greece ang pinakatimog na bansa sa peninsula ng Balkan sa may Timog Europe. Hinahanggahan ito ng Albania, Republika ng Macedonia at Bulgaria sa hilaga ; Dagat lonian sa kanluran ; Dagat Aegean at Turkey sa silangan . Ang Greece ay isang bulubunduking lupain na may lambak sa pagitan at may mga ilog na dumadaloy sa mabatong baybayin. Bulubunduking kalikasan ng Greece ang dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pamayanan. Ang bundok ng Olympus sa hilaga ang pinakamataas na bundok sa

Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Greece ang pinakatimog na bansa sa peninsula ng Balkan sa may Timog Europe. Hinahanggahan ito ng Albania, Republika ng Macedonia at Bulgaria sa hilaga; Dagat lonian sa kanluran; Dagat Aegean at Turkey sa silangan. Ang Greece ay isang bulubunduking lupain na may lambak sa pagitan at may mga ilog na dumadaloy sa mabatong baybayin. Bulubunduking kalikasan ng Greece ang dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pamayanan. Ang bundok ng Olympus sa hilaga ang pinakamataas na bundok sa bansa na may taas na 2917 metro.

Page 2: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Sinaunang Greece Pericles - ang mahusay na heneral ng Athens. At sa kanyang panahon naranasan ang demokrasya. Sa Greece nagsimula ang konsepto ng demokrasya dito nagsimula ang sibilisasyon sa kontinente ng Europe Malaki ang naiambag ni Pericles sa pag-unlad ng demokrasya sa Athens Ang pakikipaglaban para manatiling malaya ang kanilang estado ang maaring nagbunso sa mga Griyego na pagmalasakitan ang kanilang mga karapatan at responsibilidad Makabagong agham ang tinuturing ugat sa mga obserbasyon sa larangan ng pisika, matematika at medisina Lungsod-estado o polis ang uri ng pamayanan sa matandang Greece. Ang polis ay salitang Griyego para sa city-state - Tinawag ito na polis sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod Magkakaiba ang lungsod-estado sa maraming bagay ngunit magkakahalintulad sa pisikal na katangian tulad ng laki, populasyon, pagkakaroon ng moog at publikong tagpuan

Page 3: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Lahat ng lungsod-estado ay may moog na nakatayo sa Acropolis. Sa Acropolis din nakikita ang mga templo at gusaling pampubliko. Acropolis - pinakamataas na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo. May tatlong institusyong pulitikal ang mga lungsod-estado: Hari – nasa kanya ang kapangyarihan ng pamamahala Sanggunian Kapulungan ng mga mamamayang lalakiNahahati sa tribo ang mga polis: Dependents - ay binubuo ng isa o higit pang malalakas na pamilya na m`ay kasamang mga taong umaasa Phratry – ang pangkat ng pamilya ang bumubuo sa isang angkan at ang mga angkan na kabilang sa mga taong umaasa Hindi laganap sa kaalaman nila ang pagsulat at ang panitikan ay inaawit o binibigkas. Nagsimula ang mga tribong Griyego sa primitibong kultura. Ang matandang literatura ng mga Griyego ay binubuo ng mga awit, balad at epiko.

Nagdedesisyon sa mga kasong kaugnay ng isang pamilya o angkan

Page 4: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

“Iliad at Odyssey” isang epikong ginawa ng isang bulag at manunulat na si Homer. - Naglalarawan din ito sa mga Achaean noong 1100 BCE. Naging batayan ito ng mga mahahalagang kaalaman sa buhay, kaugalian at gawi ng mga Griyego - Nagsasaad din ng paniniwala at paraan ng pagsamba ng mga Griyego sa nabanggit na panahon- Inilalahad sa epiko ni Homer “kung paano inagaw ni Paris, isang prinsipeng Trojan ang napakagandang si Helen na asawa ng isang haring Griyego. Nagpadala ang mga Griyego ng ekspedisyong pandagat laban sa Troy. Pagkatapos ng mahabang panahon ng digmaan, bumagsak ang Troy sa kamay ng mga Griyego.”

Page 5: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Relihiyon Wala silang mga banal na utos na sinusunod Ang kanilang mga templo ay isa lamang lugar na sa kanilang paniniwala ay binibisita ng mga diyos at diyosa Naniniwala sila na ang mga diyos ay nagtataglay ng katangian ng mga tao at katulad rin ng tao sa maraming bagay. Naniniwala sila na ang kanilang mga diyos ay naninirahan sa tuktok ng bundok ng Olympus sa Hilagang GreeceZeus - ang diyos ng langit at itinuturing na hari ng mga diyos, o ama ng mga diyos at ng tao. Hera – ang kapatid at ang asawa ni Zeus ang tagapananatili ng kasal at nangangalaga sa mga kababaihanPoseidon – kapatid ni Zeus, ang diyos ng dagatHades – ang diyos ng Underworld

Page 6: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Kinilala rin ang mga anak ni Zeus tulad nina: Athena – diyos ng karunungan at birtud ng mga kababaihan, siya ang tagapangalaga ng lungsod-estado ng AthensAphrodite – diyosa ng kagandahan at pagmamahalanApollo – diyos ng liwanag, awit at tula. Siya ang simbolo ng mabubuting birtud ng mga kalalakihan Ang iba pang diyos ng mga Griyego:

Hermes – ang mensahero ng mga diyos at diyosaEros – diyos ng pag-ibigDionysus – diyos ng pertilidad

Page 7: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Panahon ng Maharlika

Naging mahalaga ang mga maharlika dahil sila ang nagbibigay ng mga kabalyero para sa lakas-militar at sa kanila isinasangla ng mga magsasaka ang lupa sa panahong walang ani. Itinaguyod ng mga maharlika ang industriya at pangangalakal upang magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa Ang mga lungsod-estado ay kinontrol ng mga maharlika nang halos 150 taon, mula 800 hanggang 650 BCE Tinawag na aristokrasya ang pamahalaang umiral sa mga panahong ito.

Page 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Panahon ng mga Tirano Tinawag na mga tirano ang mga pinunong lumitaw sa Greece sa pamamagitan ng pwersa ang kapangyarihan ng dating pinuno. Nangako sila na ibabalik nila kapayapaan, kaunlaran, at pagtatanggol sa mga mahihirap laban sa mga maharlika at abusyadong opisyal ng pamahalaan Maraming tirano ang naging mahusay na pinuno Pinasigla nila ang komersyo at nagpatupad ng makataong batas Nanatili sa kapangyarihan ang mga tirano sa pagitan ng 650 at 500 BCE, pero naging malupit at mapang-abuso ang iba sa kanila na naging dahilan upang sila ay mapatalsik sa kapangyarihan

Page 9: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Pagsasarili ng mga Lungsod-Estado Dito nagkaroon ng kaisipan ang mga Griyego ang ideya ng sariling pamahalaanSariling Pamahalaan (self-government) - isang kaisipan na ang mga mamamayan ay may karapatan at kakayahang pamunuan ang kanilang estado. Maraming bagay at impluwensya ang nagbigay-daan sa pagkakaisa ng Griyego tulad ng paggamit ng isang wika at ang paniniwalang nanggaling sila sa iisang mundo kay Helen. At dahil dito, tinawag ng mga Griyego ang kanilang sarili na Hellenes at ang kanilang bansa ay binasagang Hellas. Naghangad ang mga Griyego na manatiling malaya ang kanilang lungsod-estado. Ang damdaming ito ang nagtulak sa paghihiwalay na ito• Nagkaroon ang mga polis ng sarili nilang mga batas• Kalendaryo • Pananalapi • Sistema ng pagsukat at pagtimbang.

Page 10: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Lungsod-Estado ng Sparta Sinakop ng mga Dorian ang Greece mula sa hilaga at tumulak patimog sa Peloponnesus noong 1100 BCE. Sinakop at nanirahan sa rehiyon ng Laconia at ginawang kabisera ang lungsod-estado ng Sparta. Lipunang Spartan Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan sa Spartan: Spartiate – Ang mga mamamayan at sundalo Perioeci – Mga mangangalakal at malalayang tao Helot – Aliping tagabungkal ng lupa. Hindi malaya ang mga helots. Ginawang mga helots ang mga nasakop mula sa Peloponnesus.

Page 11: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Pamahalaan

Asambleya ng Mamamayan – binubuo ng may edad tatlumpu pataas ang humahalal sa mga opisyal ng pamahalaan Ang Konseho ng Matanda - binubuo ng dalawang hari at 28 miyembro na pawang nasa edad na 60 ang nagpanukala ng batas at mga patakarang pinagbotohan ng Asambleya ng Mamamayan Ang mga ephorate ang tunay na pinuno ng Sparta na inihahalal ng Asambleya. Malaki ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa mga ephorate para mapangalagaan nila ang lungsod-estado ngunit ginamit nila ito sa maling paraan. Ang layunin ng Sparta sa pamamahala ay iisa: ang magkaroon ng isang mahusay na mekanismong militar. Kinailangan ng Sparta ang isang magaling na hukbo upang mapalawak ang kanilang kapangyarihan.

Page 12: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang bagong silang na sanggol ay sinusuri ng isang komite. - Pinapatay ang sanggol kapag mahina. Iniiwan ito sa bundok at hinahayaang mamatay. Pinapasok sa isang espesyal na pagsasanay sa gulang na pito. • Nananatiling kasapi hanggang 18• Sinasanay ang mga lalaki upang maging mahusay na mga mandirigma

− Sinasanay sa palakasan at pakikidigma, sinasanay silang magtiis sa hirap at huwag magreklamo.

Totalitaryanismo – ang sistema kung saan kinokontrol ng pamahalaan ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao.

Page 13: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Lungsod-Estado ng AthensLipunang AthenianTatlong pangkat ang lipunan ng Athens. Ionian - tinuturing na tunay na mamamayan ng Athens Metic – hindi mamamayan ng Athens subalit malayang nakakakilos sa lungsod-estado. Kabilang sa Metic ang mga mangangalakal Alipin Pamahalaan Isang pamahalaang aristokrasya ang itinatag sa Athens kung saan pinangkat sa apat na uri ng tao

Arkon - ang tawag sa mayayamang pangkat na maaaring maghalal ng mga mangangasiwa sa pamahalaan. Sila ang gumagawa ng batas. Maglilingkod ang mga Arkon sa loob ng isang taon.

Page 14: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Paghubog sa DemokrasyaDracoSolon Pisistratus Cleisthenes Naging arkon si Draco noong 621 BCE. Kinilala siya sa kanyang kodigo ng batas na tinawag na Draconian Code Hindi naging madali ang kalagayan ng Athens sa pagdaraan ng panahon. Yumaman ang mga Maharlika at mga Metic dahil sa pangangalakal habang humirap naman ang mga maliliit na magsasaka Itinatag ni Solon ang Konseho ng Apat na Raan (Council of Four Hundred) upang magkaroon ng check and balance sa pamahalaan. Nagkaroon si Pisistratus, isang mayamang aristokrato at kamag anak ni Solon ng maraming tagasunod mula sa mababang pangkat ng tao sa Athens Noong 507 BCE, naging makapangyarihan sa Athens si Cleisthenes, isang mayaman at mataas na posisyon sa lipunan. Ang pamahalaang pinairal niya sa Athens ay isang tunay na demokrasya.

Sila ang mga unang lider na humubog sa Athens upang maging isang kauna-unahang demokratikong estado sa kaunlaran

Page 15: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Mga Digmaan sa Greece Ang Sparta, Athens at iba pang lungsod-estado sa Greece ay naitatag ng mga kolonya sa mga baybayin ng Aegean Ang Bantang Panganib sa Greece ng mga Persiano Sinakop ni Cyrus, dakilang lider ng mga Persiano, ang Asya Minor at ang mga lungsod-estado sa Greece sa mga baybayin nito noong 546 BCE. Ang mga Digmaang Persiano Noong 521 BCE umupo sa trono si Darius. Sinimulan niya ang kampanya laban sa isang mabagsik na tribo sa relihiyong malapit sa Ilog Danube. Labanan sa Marathon Noong 491 BCE nagpadala si Darius ng embahador sa ilang lungsod-estado ng Greece upang hikayatin ang mga ito na tanggapin si Darius bilang hari at kung sumang-ayon ang mga pinuno ng mga lungsod-estado ay hahayaan sila ni Haring Darius na panatilihin ang kanilang pamahalaan, batas at relihiyon.

Page 16: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Labanan sa Thermopylae Makalipas ang 10 taon pagkaraan ng Labanan sa Marathon, nilusob ni Xerxes na anak ni Darius ang Greece. - Napakalaki ng hukbong inihanda ni Xerxes na ayon kay Herodoutus. - Nagtagumpay ang mga Persiano na makuha ang Thermopylae sa kamay ng mga Spartan. Ngunit hindi nawalan ng loob ang mga Thermopylae. - Iniutos ni Themistocles, isang mahusay na heneral ng Athens na lumikas sa isla ng Salamis kung saan muling natalo ang mga Persiano. - Iniutos ni Xerxes ang kanyang hukbo na bumalik sa Asya Minor.Kahalagahan ng Pagtatagumpay ng mga Griyego Ipinakita ng mga digmaang ito ang paglalaban ng kapanyarihan sa pagitan ng isang sibilisasyong awtokratiko ng Persia at ng malayang pamahalaan ng Greece. Ang pagkatalo ng mga Persiano ay nangangahulugan ng pagyabong ng kulturang Griyego na naging pundasyon ng sibilisasyon sa Kanluran.

Page 17: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Pamumuno ng Athens

Sinimulan ng Athens ang hakbang tungo sa pagkakaisa ng Greece Sinubukan ng Sparta na sakupin ang ibang lungsod-estado ngunit hindi ito nagtagumpay. Ligang Delian - ang tawag sa paraan ng paghimok nila ng 200 lungsod-estado na bumuo ng alyansa. Sa pangunguna ni Pericles, tumibay ang demokrasya sa Greece Gumawa ng batas ang Asambleya nagdedesisyon ito ng mahahalagang isyu. May check and balance sa pamahalaan sapagkat nakokontrol ng Asambleya ang mga naihalal na heneral Di-tuwirang demokrasya (representative democracy) – ang pagbibigay diin ng kalayaan sa mga mamamayan na maghalal ng kinatawan sa Asambleya.

Page 18: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Si Pericles ng Athens Ang naging tunay na pinuno ng Athens sa loob ng higit tatlimpung taon mula 461 BCE hanggang 429 BCE. Kilala ang mga panahong ito ng Gintong Panahon ni Pericles Kontrol ni Pericles ang Ligang Delian. Pinalawak niya ang partisipasyong pulitikal ng mga tao at pinahintulutang maglingkod sa pamahalaan na may kaukulang sahod. Natamasa ng mga Athenians ang kalayaan sa panahon ni Pericles. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng tao. Mga Reporma ni Pericles Nagkaroon ng partisipasyong pulitikal ang mga mamamayan. Naging malaya ang mga Metic subalit hindi sila mga tunay na mamamayan ng Athens gayundin ang mga alipin.

Page 19: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Digmaang Peloponnesian

Ang Corinth – Hinangad ng Athens na pahinain ang karibal nito sa komersyo Upang idipensa ang kanyang lungsod-estado sa ambisyon ng Athens, naging kakampi ng Corinths ang Sparta. Ang hidwaan ng Athens at magkaanib

na Corinth at Sparta ay nauwi sa digmaan na tumagal mula 431 hanggang 404 BCE.

Itinuturing ng mga Athenian na barbaro ang mga Spartan at ang tingin ng Spartan sa Athens ay sakim at gahaman sa salapi.

Page 20: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Paghina ng mga Lungsod-Estado Sa pagitan ng 404 BCE at 371 BCE sumailalim ang lahat ng Griyego sa kapangyarihan ng Sparta Bumuo ng alyansa ang lungsod-estado ng Thebes laban sa Sparta Batid ng mga lungsod-estado na kailangan nila ng pagkakaisa ngunit bawat lider ay naghahangad na makontrol ang anumang liga na nabuo sila.

Si Philip ng Macedonia Noong 300 BCE, pinanirahan ito ng mga taong paladigma na pinamumunuan ng malakas ng maharlika Noong 359 BCE, umupo bilang hari si Philip na Macedonia Hinangad ni Philip na maging makapangyarihan upang makontrol niya ang mga maharlika at ang mga mamamayan sa Macedonia.

Page 21: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Pagsakop ng Greece Pagkatapos na maitatag ang pagkakaisa ng Macedonia ay pinalawak ni haring Philip ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa mga kalapit na kaharian. Iba-iba ang pagtingin ng mga Griyego kay Philip ng Macedonia Ang oposisyon sa Athens ay pinangunahan ni Demosthenes Ginamit ni Demosthenes ang kanyang husay sa pagsasalita Natuon ang interes ng mga tao sa pagkita ng mga salapi at paghahangad ng kasaganahan kaysa paglilingkod sa pagtatanggol

Si Alexander, Ang Dakila Naging isang kahangahangang lider ng Macedonia si Alexander. Aristotle, ang naging guro ni Alexander

Mga Layunin ni Alexander Nilayon ni Alexander na magtatag ng isang pamahalaang pandaigdig na siya ang pinuno Meron siyang dalawang plano sa kanyang malaking imperyo. Una ay pagtayo ng mga bagong lungsod-estado at pagbabagong tatag sa mga lumang syudad. Pangalawa, ang paghikayat ng pag-aasawa sa pagitan ng mga Macedonian, Griyego at mga Egyptian. Ginamit ni Alexander ang mga taong kanyang sinakop upang maglingkod sa pamahalaan at sa kanyang hukbo.

Page 22: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Kulturang Hellenic - Ang kultura na tinawag na Hellenic mula sa Hellen, bathala ng mga Griyego. Sa panahong ito ay nagpatibay ang mga kontribusyon ng Greece sa daigdig. • Pamahalaan at Pulitika - Ipinakilala ng Greece ang iba-ibang uri ng pamahalaan tulad ng monarkiya na pinamumunuan ng hari, aristokrasya na hinawakan ng mga maharlikang pamilya; oligarkiya o pamahalaan sa kamay ng iilang tao; diktatoryal o tranikal ang kapangyarihan; at demokrasya o pamahalaan ng mamamayan.

• Tula - Pinaunlad ng mga Griyego ang tulang liriko. Ito ay tulang binigkas at sinasaliwan ng lira. Kilalang mga manunula sina Bacchylides ng Ceos at si Sappho • Dula - Dalawang uri ang pagtatanghal na ginagawa ng mga Griyego: trahedya at komedyaTrahedya – isang dula na may malungkot na wakas samantalang masaya ang katapusan ng komedya Komedya – kadalasang ginagamit upang batikusin nang may katatawanan ang ilan sa mga tauhan ng pamahalaan.

Page 23: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

• Arkitektura - pinakamataas na antas ng sining ng mga Griyego.Parthenon – ginawa noong 447 BCE upang parangalan ang diyosang si Athena - may angkop na proporsyon at bawat gilid ng templo ay nagdidisensyuhan ng makukulay na iskultura - sa loob ng templo ay makikita ang 70 talampakang istatwa ni Athena na yari sa bronse • IskulturaPhidias Praxiteles

Sila ang mga tanyag na iskultor ng Greece. Sila ang nagbigay buhay sa pag-ukit ng natural na hugis ng tao.

Page 24: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Phidias – ang naging tagapayo ni Pericles sa pag-aayos ng lungsod-estado ng Athens - siya ang gumawa ng rebulto ni Athena - ang estatwa ni Zeus at ang templo ng Olympia ang pinakamahusay niyang obra maestra. Praxiteles – nabuhay ng sandaang taon pagkamatay ni Phidias ay gumawa ng kakaibang iskultura - siya ang nakapaglarawan sa tunay na kagandahan ng pigura at katawan ng tao. • Pilosopiya - Sa panahong Heleniko, sinikap ng mga Griyego na paunlarin ang pilosopiya upang mahanap ang kasagutan sa kanilang mga katanungan tungkol sa daigdig at kahulugan ng buhay.

Page 25: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Socrates- siya ang naging kritiko ng edukasyon sa Athens - Ayaw niya na tatawagin siyang sophist (guro). Sa halip ay ginagamit niya ang katawagang pilosopo(philosopher) na ang ibig sabihin ay nagmamahal sa karunungan (lover of wisdom) Socratic Method – pinatanyag ni Socrates na naglalayong malinang ang kakayahan ng mahusay na pagtatanong at pagsuri.

Plato- disipulo ni Socrates- siya ang sumulat ng “The Republic” na naglalarawan ng isang binalak na lipunan.- Ayon sa kanya tatlo ang pangkat na dapat bumuo sa lipunan: Manggagawa – ang may kakayahan sa prodduksiyo at sa kanila nakasalalay ang pagbibigay ng pagkain ng tao Sundalo – ang tagapagtanggol Pilosopo – ang mag-iisip para sa kabutihan ng mga mamamayan Aristotle- tagasunod ni Plato- sinulat niya ang aklat ng “Politics”. Nagpapaliwanag ito sa kabutihan at kasamaan ng monarkiya, aristokrasya at demokrasya.

Page 26: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

• Medisina Hippocrates – Nagtayo siya ng ng isang paaralang medikal sa pulo ng Cos noong 430 BCE - Tinuro niya ang pagsusuri at paghahanap ng sanhi ng karamdaman sa halip na isisi ito sa mga diyos. Hippocratic Oath – ang naging gabay ng mga doktor at mag-aaral ng medisina hanggang sa kasalukuyan

• Kasaysayan – Isa pang mahalagang anyo ng literaturang Griyego ay ang pagsulat ng kasaysayan Herodotus – tinuring na “Ama ng Kasaysayan” isinilang noong 484 BCE - Siya ang nagbigay ng malinaw na paglalahad ng mga kaganapan sa mga Digmaang Persiano Thucydides – sinasalaysay ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta noong 431 BCE. - siya ang naging modelo ng mga makabagong mananalaysay dahil sa kanyang istilo ng pagsulat na walang halong mitolohiya at alamat.

Page 27: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Kulturang Hellenistic Panahong Hellenistic Sa panahong ito ay naging dominante ang tatlong dakilang monarkiyang itinaguyod ng mga pinunong sumunod kay Alexander, ang Dakila: ang Egypt sa ilalim ng mga Ptolemies, Syria sa pamumuno ng mga Seleucid; at ang Macedonia sa pagtataguyod ng dinastiyang Antigonid. Sa panahong ito, ang relihiyon, sining at literatura sa Greece ay ang pinagsanib na kultura ng Greece at Asya na tinaguriang Greco-Oriental Nakapag-ambag ang kulturang Hellenistic ng dalawang paaralan sa pilosopiya: • Stoisismo – ang pangangailangan ng tao sa relihiyon para maging gabay sa pagtatamo ng kasiyahan - itinatag ito ni Zeno • Epicureanismo – ang relihiyon bagkus ay itinuro nito sa tao ang pagpapakasaya sa buhay dahil hindi tiyak kung siya ay mamamatay kinabukasan Syncretism Hebrew – Sa panahong ito ay isinalin sa Griyego at Alexandria kung saan ang wikang ginamit sa Bagong Tipan ay koine

Page 28: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Greece

Ang Pagbagsak ng Kabihasnang Helenistiko Lumaganap ang pang-aalipin at maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho. Nabaon sa utang ang mga tao at kinapos ang pamamahalaan sa pondo Bumagsak ang ang ekonomiya at nagkaroon ng mga kaguluhang pulitikal na nagbigay-daan sa pagsakp ng Imperyong Romano sa Greece.Libon – siya ang nag disenyo ng templo ni Zeus. Tinangka niya na ang templo ay magkaroon ng tamang proporsyon di lamang sa taas nito pati narin iba pang elemento nitong arkitektural. Euclid – nakilala sa larangan ng matematika dahil sa kanyang aklat na “Elements”