17
Ang Manggamot na si Pio Valenzuela… 9

Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Ang Manggamot na si Pio Valenzuela… 9

Page 2: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Dok Pio! Dok Pio!Maaari niyo po ba kaming tulungan dahil may sakit

ang aming mga anak.

Ehem!

Ehem!

Ehem! Ehem!

Pagbibigay ng mga libreng serbisyong-medikal ang naging tugon ni Dr. Pio Valenzuela sa kanyang hangaring makatulong sa mga taong

nangangailangan sa panahon na ang medisina ay umiinog sa mundo ng sinaunang paniniwala, mahika at pananampalataya.

Page 3: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Magkano po ba ang aking babayaran sa inyong

serbisyo?

Sa maliit na bilang ng mga kwalipikadong manggagamot, sa kabila ng lumalaking bilang ng mga taong nangangailangan ng atensyong medikal, pinanatili ni Pio Valenzuela ang pahingil ng maliit na halaga sa mga may

kakayanang magbayad at libreng serbisyo-medikal sa mga walang kakayanang magbayad.

Kung magkano lang ang iyong

makakayanan.

Page 4: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Nagbibigay din ng mga libreng gamot ang doktor sa mga kapuspalad na mamamayan bunsod nito nagtayo siya ng isang maliit na botika sa kaniyang

tahanan sa Lavezares Street, Maynila sa pangangalaga ni Faustino Duque

Page 5: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Sa panahon ng pagkakatapon sa Espanya at Aprika, ipinagpatuloy ni Dr. Pio ang kanyang propesyon bilang doktor. Nagsilbi siyang manggagamot sa

kaniyang mga kasamahang bilanggo na dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman , samantala naging mabisang lunas ito upang makaiwas ang

doktor sa malalim na kalungkutan, panghihinayang , kawalan ng pag-asa at galit bunsod sa kaniyang sitwasyon.

Salamat at may isang katulad mo ang tumulong sa akin.

Subalit wala akong maibibigay na kapalit…

Walang anuman, hindi ako humihingi ng kapalit dahil

gusto ko lang na makatulong. Bukod doon, ito ang aking gampanin at propesyon.

Page 6: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Makalipas ang ilang taong pagkakatapon, bumalik si Pio sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang adhikain. Taong 1902, nagkaroon g epidemya ng cholera sa Maynila na umabot

hanggang sa Polo, kinailangang niyang gampanan ang posisyon bilang Health Officer bunsod ng pagiging datihan ng Sanitary Health Officer. Tungkulin niyang pangunahan ang pangangalaga sa

mga bayan ng Polo, Obando, Meycauayan, at Marilao laban sa lumalawak na epidemya ng cholera.

Page 7: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Sa kabila ng kakapusan sa mga kagamitan, naglunsad ng mga kampanya laban sa epidemya si Dr. Pio Valenzuela hanggang sa tuluyan itong masugpo. Taong 1903 nagbitiw siya sa posisyon bilang

Health Officer, subalit sa kawalan ng kwalipikadong kapalit muling inilatag ang posisyon kay Dr. Pio na malugod naman niyang tinanggap at pinagsilbihan hanggang 1917.

Mabuti naman at malugod mong tinanggap na bumalik

sa iyong pwesto dahil walang kapalit ang kwalipikado.

Page 8: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Sa tala ni Valentin C. Loyola, isang mamamahayag at dating Information Officer ng Kagawaran ng Kalusugan, kinilala niya ang mabubuting gampanin ni Dr. Pio sa pagpapabuti ng kalagayang

pangkalusugan ng mga tao.

Page 9: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Samantala para sa mga kasamahang manggagamot ni Dr. Pio Valenzuela, agam-agam ang naidulot ng kaniyang mga libreng serbisyong-medikal, na nagbunsod upang kausapin nila si Dr. Pio at hikayatin itong magpabayad sa kaparehang halaga para sa bawat konsultasyon. Subalit

hindi ito naging katanggap-tanggap para kay Dr. Pio na nangibabaw ang hangaring makatulong sa kapwa sa kabila ng maliit ng kita o kadalasa’y wala. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging

mapagbigay at matulungin, istrikto ang pakikitungo ni Dr. Pio sa mga taong mapang-abuso.

Page 10: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Tumatak si Dr. Pio bilang isang mahusay na manggagamot hindi lamang sa Polo kundi sa kabuuan ng Bulacan. Sa paglalarawan ni Nicolas Esteban, isang dating pasyente, si Dr. Pio ay isang

magaling na manggagamot na nagbibigay ng walang reserbasyong suporta sa mga ito kasabay ng buong katapatang paglalahad sa mga pasyente ang kanilang sitwasyon.

Page 11: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Ayon naman sa dating inspektor ng kalinisan sa Polo na si Arcadio C. Salvador, si Dr. Pio ay may mataas na dedikasyon sa kanyang mga pasyente na kanyang dinadalaw kahit sa mga panahong

hindi naman siya tinatawagan ng mga ito.

Page 12: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Pinatunayan ito ni Gavina Bella-Tanghal, isang biyudang octogenarian mula sa Meycauyan, Bulacan, na sa kabila ng ibang manggagamot ay pinipiling kay Dr. Pio lamang magpakonsulta. Pinanatili din niyang bukas ang kaniyang botika na kadalasa’y nagbibigay ng libreng gamot sa

mga mahihirap na mamamayan.

Page 13: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

“Dr. Valenzuela was shinning example of the physicians who hade lived up to the noblest traditions of the medical profession. He injured hard ships and faced dangers just to assist the sick; he combine service with sacrifice to

help the poor and unfortunate.”

Page 14: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Isang mahalagang paglalarawan sa gawi ni Dr. Pio bilang isang manggagamot, ang pahayag ni Dr. Antonio Villarama, dating kinatawang ng Ikalawang Distrito ng Bulacan, dating Health Secretary sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Elpidio Quirino, at isang pinagpipitagang manggagamot.

Page 15: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Sa taong 1894 Villarama kung saan pinaniniwalaan ng marami na wala ng lunas. Taliwas sa karamihan, bunsod ng kawalan ng tiwala sa mga herbolarios ng kanyang mga magulang, sinikap ng kanyang mga magulang na siya ay madala kay Dr. Pio . Hindi naging madali ang prosesong ito

dahil nasa malayong distansya ang kanilang tahanan sa Polo, isama pa ang prisensya ng mga tulisanes sa mga daraanang lugar na ginagamitan lamang ng Carromata. Hindi naglaon dumating si Dr.Pio sa tahan ng mga Villarama at tinugon ang pangangailangan sa serbisyo –medikal ni Dr.

Villarama.

Wag na tayong

magpagamot diyan!

Oo nga ! Hindi naman napagaling yung sakit

ko

Page 16: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon , sa taong 1941 hanggang 1945, ipinangpatuloy ni Dr.Pio ang pribadong panggagamot. Tinulungan nya ang mga tao upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan, katulad ng mga , paalala kung paano makakaiwas sa sakit at pagpili ng

tamang pagkain. Hanggang sa mga huling taon ng kaniyang buhay sinikap ni dr. Pio na makatulong sa kapwa, taong 1953 inilabas ng Phillipines Free Press:

Nanay ! Tandaan niyo po ang mga

bilin ko sa inyo .Wag niyo po siyang papakainin

ng mga pinagbabawal .

Opo naman dr. Pio . Hinding

hindi ko makakalimutan ang mga bilin

niyo .

Page 17: Ang Manggamot na si Pio Valenzuela

“The Valenzuela patriarch can still go up and down stairs unaided but is troubled by a cataract in eye ,which he is planning to have operated .HE has given up his medical practice but still attends to some old patients who want

no other doctors to treat them.”